Sa hearing
sa senado noong Pebrero 28, 2023 tungkol sa traditional jeepney phaseout,
naglabas ng saloobin si Senator Raffy Tulfo. Mariin niyang kinondena ang PUV
Modernization Program. Ayon sa kaniya, salapi ang nakikitang niyang dahilan
kung bakit minamadali ang pagpapatigil sa operasyon ng mga dyipni.
Pinusuan ng
mga netizens ang buong pahayag ng senador. Isang malakas na supalpal ang
pinakawalan niya, kaya marami ang nakatagpo ng kakampi sa kaniyang katauhan.
“I would
like to commend you, your passionate, and in pursuing this resolution for
hardworking jeepney drivers. Mr. President, ang bottomline dito sa
nakikita ko ay… salapi. May mga gustong kumita. Unang-una na diyan… They are
now salivating. Tumutulo na ang laway nitong mga taga-LTFRB, na atat na
atat nang kumita ng mga pilak. God knows Judas not pay. Alam niyo po ang
sa dyipni? Nakalagay, ‘God knows Judas not pay.’ Maraming mga Hudas, yes,
na gustong yumaman, gustong tumiba-tiba. At the expense of the mga
pobreng jeepney drivers, just imagine 2.4 million po ang
halaga ng isang… `yong modernized jeep na sinasabi nila at three
hundred thousand lang naman po ang mabibigyan ng subsidy. So, 2.1 million
po ang… kailangang pagbabayaran ng mga jeepney drivers. Alam naman
po ng mga taga-LTFRB, kung magkano ang kinikita ng isang jeepney driver sa
maghapon. Ang marami sa kanila ay hindi pa nga po makabuo ng boundary.
Ang ilan sa kanila ay isang kahig, isang tuka dahil nga po mahina ang kita. Pagkatapos,
kakargahan ng 2.1 million pesos, na proproblemahin, babayaran. Ang
kakapal ng mga mukha ng mga ito, na nagtutulo-laway na mga taga-LTFRB! At tama
kayo, Mr. President. I agree with you. `Yong mga taga-LGU ay
kanya-kanyang diskarte. Ayaw magbigay ng ruta dahil gusto nilang sarilinin
`yong ruta. Kailangang dumaan sa kanila. I have so many experiences.
Hindi naman po lahat. Itong mga taga-LGU, gustong kumita. Hinuhuli po `yong mga
jeepney drivers. Hinuli ang mga tricycle sapagkat gusto nilang magkaroon
ng sarili nilang unit. Gusto nilang maging own operators. Marami
rin po sa mga taga-LGU, again, hindi naman po lahat, na mga… loko-loko. Unfortunately,
sa halip na kaawaan ang kanilang mga constituents, ang mga taong bumoto
sa kanila, `yon pa ang kanilang ginigipit. FYI, mga taga-LTFRB, ang dyipni po
ay parte na ng ating kultura. As a matter of fact, ang mga taga-ibang
bansa, pinupuri po ang ating mga dyipni at ginagamit po ito bilang tourist
attraction. Sa kanilang lugar, ipinagmamalaki ang dyipni natin. Pagkatapos,
tayo ipi-phaseout natin ng gano’n-gano’n na lamang! Ang kakapal ng mukha
nitong mga taga-LTFRB. Ang kakapal ng mukha nitong ilang mga taga-LGU. Hindi
nag-iisip. Ang tanging iniisip lang po nila, Mr. President, ang kanilang bulsa.
And adding insult to injury, saan galing, saan manggagaling itong mga
dyipni? Galing ng China! Na kung saan, itong mga taong ito, ang hanggang
ngayon, even when we speak, ay tuloy-tuloy na inaapi ang ating mga
mangingisda. Pagkatapos apihin ang ating (mga) mangingisda, tutulungan natin
sila na para kumita, pagkakitaan ang mga jeepney drivers para kumita ang
mga… I-N-U-T-I-L na mga taga-LTFRB. Mister President, baka marami pa akong
masasabi, bago ako ma-high blood, ang masasabi ko lang, LTFRB,
maghunos-dili kayo dahil kapag hindi, pare-pareho tayong sasabog. Believe me
or not. Maraming salamat, Mr. President!” pahayag ni Senator Tulfo.
Kung tahasang
nagalit si Senator Tulfo sa mga taga-LTFRB at ilang mga taga-LGU, hayagan
namang natuwa ang karamihan sa mga tagasuporta niya. Sabi ng isa, hindi raw
nasayang ang pagboto nito sa kaniya.
“Salute!”
“Tama ka po!”
“Mabuhay po
kayo, Idol Raffy!”
“Nice,
Idol!”
“Salamat, Sir
Raffy!”
Ilan lamang
iyan sa magagandang mensaheng natanggap niya sa paglabas ng saloobin tungkol sa
jeepney phaseout. Marami ang nagpahayag ng pagsang-ayon sa kaniyang mga
sinabi. Tila nakatagpo ang mga ito ng kakampi sa kaniyang katauhan dahil wala
silang kakayahang iparating ang kanilang mga damdamin at kaisipan at wala silang
paraan upang ipaglaban ang kanilang karapatan.
Umaasa ang
lahat ng sumusuporta kay Senador Tulfo na maririnig at aaksiyon ang mga
binanggit niyang mga taong I-N-U-T-I-L. Isa man itong masakit na salita para sa
iilang natamaan nito, pero mas marami ang nasaktan at masasaktan kung ang
isinisigaw ng karamihan ay hindi mapakikinggan.
Ang pahayag
niya ay kasinlakas ng pagsabog ng bulkan. Kung hindi pa matamaan ang mga taong
pinatutungkulan, hindi lang sila inutil, manhid pa. Kung hindi pa sila kikilos
at mag-isip nang tama para sa kabutihan ng nakararami, baka hindi lang iyan ang
marinig nila. Marami pang salitang maaaring ibato sa kanila bukod sa salitang
‘inutil.’
I. N.U.T.I.L.
Inutil!
Sa wikang
Ingles ay useless. Mababaw lamang na kahulugan iyan. Ibig nitong
sabihin, maaari pang maging useful ang mga taong kinalampag ng senador.
Ang kanilang maling desisyon ay maaari pa nilang bawiin upang ang pakinabang
nila sa mamamayan ay magamit para sa kaginhawaan ng lahat, hindi ng sariling
kapakanan.
I.N.U.T.I.L.
Parang akrostik na tula lang ito. Parang may nais ipakahulugan—masakit man o
hindi. Ang galit ni Senador Tulfo ay marahil bugso lamang ng damdamin. Normal
naman sa tao ang magalit, lalo na kapag may mabigat na dahilan. Siya ang naging
boses ni Juan Dela Cruz sa isyung ito. Isa itong hamon para sa lahat ng mga
pinatutungkulan. Kung sila naman ay maggagalit-galitan, hindi nareresolbahan
ang ugat ng kaguluhan. Mananatiling inutil ang mga namumuno. Magiging inutil
ang pakikipaglaban ng mga apektado.
Inutil ang
taong walang ginagawa, walang kabuluhan, walang silbi, at walang kakayahan. Ang
mga taong nakaupo sa trono ay hindi nararapat na maging inutil dahil sila ay iniluklok
upang sila ay magbigay-serbisyo sa bayan. Sa panahon ngayon, inutil na rin ang
tawag sa mga lider na walang ginawa kundi magpayaman at ibulsa ang pera ng
pamahalaan.
Kung sinoman
ang natamaan ng salitang ‘inutil,’ dasurv niyo `yan. Tanggapin na lamang
ito at sikaping baguhin ang pagkatao upang hindi matawag na inutil. Masakit
talaga ang salitang ito lalo na kung sinabi mismo sa `yo. Daig pa nito ang
natanggalan ka ng kuko.
No comments:
Post a Comment