Sa pagnenegosyo, makikilala mo ang mga taong susuporta sa
`yo.
Sabi ni Jack Ma, ang bilyonaryong Tsino, “Kapag nagbebenta ka
sa mga malalapit na kaibigan at pamilya, kahit gaano mo ialok sa kanila ang
produkto, lagi nilang mararamdaman na pinagkakakitaan mo lang sila ng pera, at
kahit gaano pa kamura ang ibenta mo sa kanila, hindi ka pa rin nila maa-appreciate.”
Totoo ito. Sila ang palaging walang tiwala at walang malasakit
sa iyong mga gastos, oras, at pagsisikap. Sa halip ay hinahayaan nila na ang
ibang tao ang mandaya sa kanila. Hinahayaan
nilang na ang ibang tao pa ang kikita, pagkatapos nilang sumuporta sa taong
hindi nila kilala. Dahil sa puso at isip nila, lagi nilang tanong 'Magkano kaya
ang kikitain niya sa akin?' sa halip na "Magkano ang inimpok o kinita niya
para sa akin?"
Ito ay isang klasikong halimbawa ng mentalidad ng isang
mahirap.
Pinatunayan din ni Jack Ma na ang unang magtitiwala sa mga
produktong ibinibenta natin ay mga estranghero. Habang ang mga kamag-anak at
mga kaibigan ay lalayo at iiwas sa `yo. Ang masakit pa, pati ang sariling pamilya.
Subalit kapag nagtagumpay ka, makikita mo, mararamdaman mong malapit na naman
sila sa iyo. At ang tanging hindi mo makakasalo sa hapag-kainan ay ang mga estrangherong
tao, na unang nagtiwala sa iyo.
No comments:
Post a Comment