Umiyak ang batang babae.
Tinanong ng ale ang bata.
Lalong umiyak ang bata.
Nagtataka ang ale sa bata.
Marami nang tao sa paligid.
Tinanong pa ng lalaki ang bata.
Nagsalita na ang batang babae.
Lumayas ang bata sa bahay.
Magulo ang tahanan ng bata.
Palaging lasing ang tatay.
Inaaway ng tatay ang nanay.
Nag-aaway ang mga magulang.
Sinasaktan ng ama ang ina.
Walang makain ang pamilya.
Naglalabada ang ilaw ng tahanan.
Hindi siya makapag-aral.
Madalas magkasakit ang mga anak.
Marusing ang batang babae.
Walong taong gulang na siya.
Mukha siyang limang taong gulang.
Payat ang batang babae.
Naniwala ang mga tao.
Naawa sila sa batang babae.
May mga nagtanong uli sa bata.
Saan daw ang tirahan niya?
Ano ang pangalan ng mga magulang?
Isusuplong nila ang tatay ng bata.
May nagsabing sasamahan siya.
Natakot ang batang babae.
Ayaw niyang makulong ang ama.
Umiyak uli ang batang babae.
Pinatahan siya ng isang lola.
Pinatahan siya ng isang lola.
Niyakap siya nang mahigpit.
“Huwag kang matakot.”
“Tutulong kami,” sabi ng lola.
“Huwag niyo pong ipakulong si Tatay.”
Grabe ang iyak ng bata.
Magkahalong luha at sipon ang tumulo.
Nagtinginan ang mga taong naroon.
“Mahal pa rin niya ang ama.”
Iyan ang sabi ng lalaki.
“Ihatid na ninyo ang bata.”
Iyan naman ang utos ng lolo.
“Ayaw ko munang umuwi.”
Tumanggi ang batang babae.
Lasing pa raw ang tatay niya.
Mananakit na naman ito.
Makikita niyang masasaktan ang ina.
Maririnig niya ang iyak ng ina.
Maririnig niya ang iyak ng mga kapatid.
Naunawaan na ng mga tao.
“Kumain ka na ba?”
Iyan ang tanong ng isang dalaga.
Umiling-iling ang batang babae.
Hinawakan din niya ang tiyan.
Naglabas ng pagkain ang dalaga.
May nagbigay rin ng tubig.
“Kumain ka na muna.”
Iyan ang sabi ng mga tao.
“Iuuwi ko na lang po.”
“Nagugutom na ang mga kapatid ko.”
Lalong naawa ang mga tao.
“Ano ba ang gusto mo?”
Iyan ang tanong ng lahat.
“Gusto kong mag-aral.”
“Gusto ko ang masayang pamilya.”
“Gusto mo rin ba ng payapang pamilya?”
Tumango ang bata, saka lumuha.
“Paano ka makakamit ang mga iyon?”
Saglit na nag-isip ang bata.
“Kapag nagbago si Tatay.”
“Hindi siya maglalasing.”
“Hindi niya sasaktan si Nanay.”
“Magtatrabaho na siya.”
“May kakainin na kami.”
“Magkakapag-aral na ako.
“Iyan ang masaya at payapang pamilya.”
Nagpalakpakan ang mga tao.
Maya-maya, dumating na ang mga pulis.
No comments:
Post a Comment