Followers

Saturday, January 13, 2024

Panalangin sa Pagsisimula ng Klase

Panginoon, pinupuri Ka namin at pinasasalamatan dahil sa panibagong araw na ito. Gabayan Mo ang bawat mag-aaral at guro habang sama-sama kaming matututo. Maging makabuluhan sana ang mga matututuhan namin sa mga gawain at talakayan. Hipuin mo ang aming puso at isipan upang magkaroon ng talino at disiplina na magagamit namin sa buhay tungo sa magandang kinabukasan. Bigyan Mo ng masayang puso at mahabang pang-unawa ang aming mga guro upang higit kaming masabik sa pagkatuto.  Ang lahat ng ito ay ibinabalik namin sa Iyo nang may kagalakan... Sa ngalan ng Anak, ng Ama, at ng Espiritu Santo, Amen.

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Hunyo 2026

Hunyo 1, 2026 Parang hindi naman ako nakatulog kagabi. Pagising-gising at pabaling-baling ako kasi ang mga panaginip ko ay parang totoo. P...