Followers

Wednesday, January 31, 2024

Ang Aking Journal -- Enero 2024

 Enero 1, 2024

Past 8 na ako bumaba. Kahit paano ay nakatulog naman ako kaya may energy para simulan ang bagong araw ng bagong taon.

Naghanda ako ng aming almusal. Pagkatapos kumain, nagwalis ako sa garden at nagdilig ng mga halaman. Saka humarap na ako sa laptop at nag-karaoke. Kami lang yata sa lugar namin ang maingay. Tulog pa ang karamihan.

Inabot kami ni Emily ng pasado alas-dos sa pagkanta, pero bago iyon nakapagluto ako ng carbonara. Iyon na ang aming lunch at meryenda. 

Mga 3 pm, pagkatapos kong masimulan ang isang pelikulang 'Tuhog,' pinagbigyan ko ang antok ko. Past 4 na ako nagising. Ipinagpatuloy ko ang panonood pagkatapos magmeryenda.

Gabi, nagsimula akong magsulat para sa Wattpad. Naisingit ko ang panonood ng balita at BQ.

Past 9, umakyat na ako.


Enero 2, 2024
Past 7, bumangon na ako at naghanda ng almusal. Agad ko ring sinimulan ang paglalaba. Na-maximize ko ang oras ko. Nakapag-gardening pa ako.

Wala pa yatang 10, tapos na akong maglaba. Agad ko namang kinalas ang Christmas tree. Nagkapalinis na rin kami sa.sala. mas maluwag na uli.

Ako ang nagluto ng lunch namin. Nagsigang ako ng tuna belly. Wow! Ang sarap! After holidays, nakakasabik ang ganoong ulam.

Naghanda lang ako ng DLLs para bukas. Then, nanood ako sa Youtube hanggang 8:30 pm. Siyempre, umidlip ako. Naisingit ko rin ang pagtambay sa garden. Nai-inspire uli ako sa mga bato, kaya naglagay ako sa garden table ng bato. Suiseki is life.

After watching BQ, nagsulat ako para sa WP. Before 10, nakapag-post na ako ng isang chapter. Umakyat na rin ako para matulog. Back to school na bukas.


Enero 3, 2023

Six-thirty, gising na ako. Hindi na ako nagbabad sa higaan. Bumaba na ako agad para magsaing at maginit ng tubig. Isiningit ko ang pamamalansta. Then, naghanda na ako ng almusal ko. Kaya wala pang 8:30, ready na akong umalis. Hindi man ako ganoong kasiglang pumasok, pero handa akong humarap sa mga estudyante at magturo.

Past 9, nasa bus na ako. Hindi ako nagsulat. Sinubukan kong umidlip.

Past 10:30, nasa school na ako. Naki-bonding ako sa mga kaguro ko. Nakagawa rin ako ng learning material para sa NUMERO bago kami umakyat.

Kakaunti ang mga estudyante ko. Wala pang 30, pero nagturo na ako at nagpa-activities. Cool na cool ako. Hindi ako na-stress. Manageable sila. Sana araw-araw na.

Hindi natuloy ang kainan namin sa labas para sa birthday celebration ni Ma'am Joan. Unahin muna niya ang pamilya niya. Sa Biyernes na raw niya kami iti-treat.

Past 7, nasa bahay na ako. Seven-thirty, nasa kuwarto na ako dahil nakapag-dinner na ako. Sinimulan ko na ang pagsusulat ng nobela habang nanonood ng balita. 


Enero 4, 2024
Wala pang eight-thirty ng umaga, nasa bus na ako. Maaga ako kasi may LAC session kami with our master teacher. Ten-thirty dapat nasa school na ako.

Nagsulat ako habang nasa bus ako. Kahit paano nakasulat ako ng 3000 characters.

Wala pang 10:30 nasa school na ako. Hindi naman agad nakapagsimula, pero nang nagsimula, tuloy-tuloy naman. Almost 12 noon na natapos. Nagmadali na akong kumain.

Nagpalitan kami ng klase kaya mabilis ang oras. Namaos lang ako sa huling klase ko. Nag-storytelling kasi ako sa limang sections.

After class, pumunta kami sa Giligan's MOA para mag-dinner. Birthday treat sa amin ni Ma'am Joan. Bukod sa masasarap na pagkain, masarap.din ang kuwentuhan namin. Inabot kami ng 9:30 roon. Uminom pa kami ng tig-iisang bote ng light beer. Almost 11 na ako nakauwi. Worth it! Okey lang kahit hindi na ako nakapanood ng BQ at hindi ako nakapagsulat.


Enero 5, 2023
Almost 7 na ako nagising. Alas-dose na kasi ako natulog kagabi. Pero, ayos lang kasi hindi naman ako nagmamadali.

Past 9, nasa bus na ako. Nakapagsulat ako ng karugtong ng nobela ko sa Wattpad. 

Pagdating sa school, agad akong nainis sa pagbabago na naman sa NUMERO. Six hours na kaming nag-i-stay sa school. Grabe! Panay pagbabago. At ang nakaka-disappoint pa, may changes pa raw na mangyayari. 

Nag-decide agad na ako namag-resign as facilatator. Sinabi ko kay Math Coor. Kahit sino naman, maiinis sa mga pagbabago nila. Paano kung magbago o mabawasan ang salary namin? Lugi na ako sa pamasahe at effort.

Kaya, ilang minuto pa lang ang lumipas pagkapasok ng mga estudyante, pinatawag na kami sa office. Doon, nagsabi talaga ako ng mga komento, damdamin, at agam-agam ko. Sinabi kong ayaw ko na, pero pinilit at pinakiusapan ako ng principal. Natutuwa ako kasi parang special person ako nang pinakiusapan ako. 

Nakauwi ako bago mag-eight. Nakanood pa ako ng BQ-- dalawang episodes. Nagsulat na rin ako pagkatapos.


Enero 6, 2024

Alas-4 ng umaga, bumangon na ako para mamalantsa ng isusuot bago bumaba upang maligo. Past 4:30, umalis na ako. Uminom lang ako ng gatas. Six-thirty, nasa school na ako. Doon na ako nagkape. Suman ang kapartner niyon. Ako ang pinakamaagang dumating, kahit nainis ako kahapon. Nang makita nga ako ni Ma'am, natuwa siya. Divine intervention daw. Pinag-pray niya pala ako upang luminaw ang isip ko.

Naging maayos naman ang Math class ko sa anim na Grade 6 pupils. Wala ang mga pasaway na estudyante. Binisita kami ng bago naming PSDS. Sakto, nagpapa-Bingo ako sa mga bata, gamit ang problems sa similar fractions.

After class, na-lunch kami at nagkuwentuhan. Alas-una pa kasi kami dapat mag-time out.

Past 2, nasa bahay na ako. Wala sina Ion at Emily. Hindi sila nagsabi kung nasaan sila. Ayos lang naman.

Nagmeryenda muna ako bago ako umidlip. Hindi naman yata ako nakatulog kasi panay ang cell phone ko. 

Past 5, bumaba na ako para gumawa ng DLP para sa COT 2 ko. Past 6 na dumating si Ion. Nasa FVP office daw pala si Emily. Past 7 na siya dumating. Nakapagluto na ako. 

Bago ako umakyat, bandang 9:45 pm, nagawa na ako ng lesson plan para sa observation ko. Nasimulan ko na rin ang PPT na gagamitin ko sa Sabado sa Math class. 

Bukas, maglalaba ako at gagawa pa ng mga materials.


Enero 7, 2024

Past 7:30 na ako bumaba para maglaba. Hindi pa ako nakapag-almusal, naglalaba na ako. Naisingit ko ang pagdidilig. 

Mabilis ko lang natapos ang paglalaba dahil kaunti lang ang labahin ko. Three days lang na mga damit iyon. Agad naman akong nag-almusal upang makagawa ako ng vlog, gamit ang kuwentong pambata. Double-purpose iyon kasi iyon din ang gagamitin kong springboard sa COT2 ko.

Bago ako nagluto ng ulam para sa lunch, posted na ang vlog ko. Sinimulan ko rin agad ang paggawa ng iba pang materials. 

After lunch, nanood kami ni Emily ng movie. Hindi ko naman natapos dahil nagluto ako ng spaghetti.

Umalis si Ion bandang past 1:30. Umalis naman si Emily bandang 2:30. Nasolo ko ang bahay, kaya umidlip ako. Nang dumating si Ion bandang 4 pm, saka ako nagising. Nanood muna ako ng Filipino horror movie, saka ko ipinagpatuloy ang paggawa ng reading and learning materials hanggang 7:30. Pagkatapos, sumulat naman ako para sa wattpad. Past 9:30, sa kuwarto na ako. Before 10, nakapag-post na ako ng isang bagong chapter. Whoah! Andami kong accomplishment ngayong araw. Ang sarap magsulat! 


Enero 8, 2024

Napuyat ako kagabi dahil sa mga langgam. Buwisit! Panay ang gala sa higaan ko.

Maagang nagising si Emily kasi dadalo sila ni Ion sa 22nd anniversary celebration ng First Vita Plus sa Smart Araneta Coliseum. Siya ang naghanda ng almusal, pero nauna pa akong umalis.

Kahit mahaba ang pila sa carousel, wala pang 11, nasa school na ako. Hindi pa nagtatagal akong nag-eedit ng reading project ko, umakyat na kami sa 3rd floor para sa pamiting ng aming MT. Inabot kami ng 12 doon kaya late na akong nakapag-lunch.

Nagpalitan kami ng klase kaya ang bilis ng oras. Umuwi rin ako agad.

Pagkatapos kong mag-dinner, humarap agad ako sa laptop para manood at magsulat. Areglado na ang kusina. Wala nang hugasin. 

Nakapag-post ako ng isang cahpter sa Wattpad, kaya nanood na lang ako ng pelikula sa YT habang naghihintay sa mag-ina ko. Kaya lang, inantok ako. 

Past twelve-thirty na sila dumating. Hindi na ako nakipagkuwentuhan sa kanila. Agad akong umakyat para matulog.


Enero 9, 2024

Past six-thirty na ako bumangon. Bago ako nagkape, nagwalis muna ako at nagdilig muna ako ng mga halaman. At habang nagkakape, in-edit ko ang isa kong vlog dahil may kulang na isang page. 

Past 8:30, umalis na ako sa bahay. Ang hula ko, mahihirapan akong sumakay dahil pista ngayon ng Itim n Nazareno. Maaaring apektado ang lahat ng transportasyon.

Pero, wala pang 11, nasa school na ako. Nakapag-edit pa ako ng reading materials ko. 

Akala ko, may meeting kami with Filipino subject coordinator, bukas pa pala.

Mabilis ulit ang oras dahil sa palitan namin. Sabagay, 30 minutes lang per class. 

Pagkatapos ng klase, umuwi agad ako, kaya past 7, nasa bahay na ako. Agad akong nag-edit ng reading materials para sa reading project kong niluluto. Then, after watching BQ, nagsulat na ako ng para sa Wattpad. 


Enero 10, 2024

Almost 7 na ako nagising. Ang sarap kasing matulog. 

Pagkatapos kong mamalantsa, naghanda na ako ng almusal. Gusto kong makarating ng school nang maaga. Pero, past 11 na ako nakarating. Wala kasing dyip sa PITX. Nag-iba ako ng way. Traffic at matagal magpuno ng pasahero. Gayunpaman, nakaabot ako sa meeting ng mga Filipino subject teachers with coordinator and principal. Isa sa mga agenda ang Catch-up Fridays. Haist! Another burden na naman! 

Nagpalitan kami ng klase. Mabilis ang mga pangyayari, pero sure akong natuto ang bawat klase ko. Enjoy na enjoy silang gumawa ng sariling pangungusap. 

After class, umuwi ako agad kasi gutom na gutom ako. Pero, namili pa ako ng pagkain. Pagdating sa bahay, kumain ako agad.

Nag-chat si Aileen. Nagkumustahan kami. Nalaman kong ooperahan pala si Mama Leling sa January 21 kasi may katarata. 

Habang nanonood ng BQ, gumagawa ako ng reading materials. Nakaisip na rin ako ng pamagat ng aking reading enhancement project. Ito ay tatawagin kong "Proyektong BABASAHIN (Ang Batang Nagbabasa ay Masayahin).

Pagkatapos manood, ipinagpatuloy ko ang nasimulan kong chapter ng Wattpad novel ko. Plano kong mag-post ngayon.


Enero 11, 2024

Pagkatapos kong mamalantsa, bumaba na ako para magsaing at magpainit ng tubig. Habang nakasalang ang mga iyon, nagdilig naman ako ng mga halaman. Very systematic ako kasi ayaw ko nang mahuli sa pagpasok. Gusto kong makarating sa school nang maaga.

Nakapag-record pa ako ng mga quizzzes ng mga estudyante ko habang nagluluto ako ng mga ulam-- nilagang itlog, pritong daing na isda, at instant noodles with pechay Baguio. Yummy ang breakfast ko! May pahutan mango pa.

Past 8:30, umalis na ako sa bahay nang masaya.

Nagsulat ako sa bus. kahit paano ay mahaba-haba ang naisulat ko. 

Pagdating sa school, habang wala pang Math remedial, nag-edit ako ng BABASAHIN ko. 

Sa Math remedial, nagpokus ako sa pagtuturo sa mga bata. Siguradong natuwa ang GL namin, na siyang proponent ng program, gayundin ang principal na nasa GC namin. 

Sa klase, nagpa-summative test ako. Enjoy na enjoy ako sa pagpapatawa. Hindi ako na-stress sa kasasaway. Pero, nagsaway ako habang at pagkatapos ng recess. Na-high blood ako sa Buko. Minura ko na talaga sila, at sinermunan hanggang mag-uwian. Sumakit ang dibdib. Sumakit ang ulo ko habang nasa biyahe. Mabuti, nawala rin.

Pagkatapos, mag-dinner, panonood ng BQ ang inatupag ko. Isiningit ko ang pagsusulat para sa Wattpad. At bago mag-10:30, posted na ang new chapter. Siguradong magbabago ang isip ng mga follower-readers ko. Nagsalita kasi silang hindi na nila susuportahan ang novel ko kasi disappointed sila sa ginawa ng main character. Grabe ang tawa ko. Hindi na lang magbasa. Nangingialam sa writer.


Enero 12, 2024
Bago ako umalis sa bahay, nakapag-post ako tungkol sa Catch-up Fridays. Nag-picture ako sa sala, gamit ang mga aklat-pambata. Gusto ko ang programang ito para mapunan ang learning gaps ng mga estudyante at bilang bahagi ng learning recovery. Mas maisusulong ko ang aking reading advocacy.

Maaga akong nakarating sa school, kaya naasikaso ko pa ang utos ni Sir Hermie. Then, nakapag-edit pa ako ng BABASAHIN.

Naisakatuparan ko ang mga plano ko para sa DEAR o Drop Everything and Read. Sa unaw, sinermunan ko sila kasi ayaw magpokus. Ang iiksi ng attention span nila, grabe. Hirap na hirap akong mahikayat silang magkaroon ng pagmamahal sa pagbabasa. Andami ko nang nasubukang strategies, kulang pa rin. Ineffective pa rin. Nakakadismaya. Nakakalungkot. Nasa estudyante na talaga ang problema ng poor quality ng education.

Past 8 ako nakauwi kasi nagmeryenda pa ako sa PITX. Kaunti na lang ang nakain ko sa bahay.

Nag-edit ako ng sinulat ko kanina sa bus, gayundin ang sa BABASAHIN, habang nanonood ng BQ.


Enerp 13, 2023
Four-thirty ako bumangon para maghanda sa pag-alis. Ikaanim na Sabado ng NUMERO ngayon. Kailangang kong makarating sa school bago mag-alas-7.

Six-forty, nasa school na ako. Mga past seven nag-aalmusal na ako. Then, nag-edit ako ng mga reading materials ko.

Past 8, nagsimula na ang Math intervention class. Dose ang estudyanteng pumasok, kabilang ang mga pasaway na lalaki.

Nagpa-game show ako muna ako bilang review at motivation. Doon pa lang, kita ko na kung sino ang mga pasaway.

Tuwing Sabado, hindi puwedeng walang magaganap na sermon. Bukod kasi sa lutang sila at slow, wala ring pokus at interes. Pinagsasabihan ko nga silang palagi na huwag nang pumasok kung napilitan lang.

Mabuti, mabilis ang oras. Uwian na agad pagkatapos nilang mag-recess.

Before and after lunch, naglinis ako sa clasaroom bago ako nag-print ng reading tools ko.

Past 1, umalis na kami sa school. Sobrang antok ko sa bus, kaya naiwan ako roon. Wala man lang gumising sa akin. Samatalang ako, kapag nakakakita ako ng tulog, ginigising ko bago ako bumaba. Kanina, wala man lang may concern sa akin. Haist!

Past 3:30, nasa bahay na ako. May mga pinamili akong pagkain. Nagmeryenda agad ako kasi gusto kong gumawa ng kung ano-ano. Nag-edit ako. Nagbasa ng akda ng Buko. At nag-post ng napili ko kuwento. Pero inantok ako, kaya pinagbigyan ko.

Matapos umidlip, gumawa ako ng vlog, gamit ang isang kuwentong pambata na ginamit ko sa storytelling kahapon sa DEAR.

Gabi, naghanda ako ng dinner. Past 7:00 na dumating si Emily.

Bago ako umakyat para magpatuloy sa pagsusulat ng isang chapter ng nobela nakapagsulat ako ng tatlong articles para sa BABASAHIN.

Need ko talaga ng maraming time. Andami kong gustong gawin.lalo na't naka kumikita naman ang YT ko. May parating ako pera-- $100+. Not bad. Kahit ilang buwan bago maka-1000 dollars. Pasasaan ba't aangat ang sahod ko.

Enero 14, 2024
Eksaktong 8 am, nakapag-almusal na ako. Maaga akong nagising. Nasanay ang mga mata ko sa paggising nang maaga. Okey lang naman kasi marami akong dapat at gustong gawing araw.

Nakapaglahay na ako ng labahan at tubig sa washing machine bago ako nag-almusal, pero hindi ko pa naisalang kasi wala pang sabon. Paggising ng mag-ina ko, saka pa lamang ako makakapagpabili. Magdidilig muna ako ng mga halaman.

Mga nine na ako nakapaglaba. At before 11, nakapagsampay na ako. Habang naglalaba, wala akong inaksayang oras. Naglinis ako ng tangke ng mga hermit crabs ko. Gumawa ako ng game-based PPT sa NUMERO.

At nang matapos maglaba, gumawa ako ng Bingo cards para sa NUMERO. Isinunod ko ang paggawa ng vlog, gamit ang isang kuwentong pambata. Pagkatapos, nagsulat na ako para sa BABASAHIN.

Umidlip ako bandang 2 pm hanggang 3:30.

Pagkatapos magmeryenda, nagsulat ako para sa Wattpad. Gabi ko na nai-post ang isang chapter kasi isiningit ko ang pinapa-check na articles ng mga journalism trainees ni Ma'am Madz. Isinunod ko na ang paggawa ng vlog, gamit ang African children's story. Isinalin ko sa Filipino at muling isinalaysay. Next week o bukas, bobosesan ko na lang iyon.

Nine-thirty, nasa kuwarto na ako para matulog, pero hindi pa ako agad nakatulog dahil may katawagan pa si Emily sa kabilang kuwarto. Naririnig ko sila.


Enero 15, 2023
Five pa lang gising na ako. Sinikap kong makatulog uli, pero nabigo ako. Sumingit kasi sa isip ko ang mga gusto kong gawin para sa kapakanan ng mga bata, lalo na ang mga hindi pa makabasa at sa mga kulang sa interes sa mga lesson. Naisip kong gumawa ng mga word games like Hanap-Salita para enjoyable habang natututo silang magbasa.

Six-thirty, namalantsa na ako ng mga uniporme ko, saka naghanda ako ng almusal. Habang naghahanda, naisingit ko ang paglagay ng voiceover sa PPT na ginawa ko kagabi. Bago ako nag-almusal ay posted na iyon sa YT at pages ko.

Bago mag-9, nasa bus na ako. Naglista ako ng mga salita para sa Hanap-Salita, na pinaplano ko. Nakarami ako bago nakarating sa PITX. Pero doon ko rin naramdaman ang flu-like na pakiramdam. Ang sakit ng mga kalamnan ko, ang sarap mag-inat at mahiga.

Past 10, nasa school na ako. Agad akong gumawa ng Hanap-Salita box kahit hindi na ako okey.

Hindi ko na-enjoy ang pagkain ko. Bukod sa walang lasa, wala akong gana.

Ngayon sana ako magpapa-COT2, pero dahil may Values class ang Bethany, inurong ni Sir Jess. Bukas na lang daw.

Nag-summative test na lang kami at nagpasulat ako ng talata. Sinikap kong pakisamahan ang mga estudyante. Mabuti, hindi ako masyadong high blood.

Pag-uwi ko, masakit ang ulo ko. Ang lamig sa bus, pati pagbaba ko.

Pagdating sa bahay, nahpatimpla ako ng First Vita Plus. Late na ako nag-dinner. Kakaunti lang ang kinain ko. Sobrang lamig ng pakiramdam ko. Nakakumot nga akong bumaba. Haist! Ngayon pa ako tinablan ng sakit. Andami kong dapat at gustong gawin.


Enero 16, 2024
Masakit pa rin ang ulo ko paggising ko. Kulang ako sa tulog. Kaya, kahit kaya ko naman, nagdesisyong akong hindi pumasok.

Gumawa ako ng vlogs. Nagsulat. Nagbasa. Nanood ng movie. Umidlip din ako. Kahit paano may pakinabang ang pag-absent ko.

Creepy lang ang nangyari kasi nag-chat ang GL ko. Nakita raw ako ni Ma'am Joan sa school. Aguy! May doppelganger ako roon.


Enero 17, 2024
Hindi pa rin ako pumasok sa klase kahit magaling na ako. Gusto ko lang magpahinga at gumawa ng mga gusto kong gawin.

Nag-vlog ako. Nagsulat. Nanood ng docu. Ayos! Worth it ang pag-absent ko. Nakarami ako ng outputs ngayong araw.

Bukas, back to school na ako.


Enero 18, 2024
Pagkagising, habang nagpapainit ng tubig na pangkape, nagdilig muna ako ng mga halaman. Past 7:30 na ako nakapag-almusal kasi nag-post pa ako ng video sa YT at FB pages ko.

Past 9, nasa bus na ako--- nagsusulat.

Mahaba-haba rin ang naisulat ko bago ako bumaba. Pero hindi na ako nakapagsulat pagdating sa PITX at sa school. Ang bilis ng oras.

Nagpa-CO2 na ako kay Sir Jess. Ayos! Cool na cool kong naturuan ang mga Buko kung paanong sumulat ng talatang naglalarawan. Pero bago iyon, suwabe ko ring naisagawa ang storytelling. Alam ko, nagustuhan iyon ng MT ko. Pinuri niya ako before siya nagpaalam.

Paglabas niya, maingay na ang mga Buko. Grabe! Ang gagaling mag-pretend. Mabuti na lang, magagaling din ang mga boys ko sa participation. Successful iyon dahil sa kanila. Kaya naman, hindi ko na muna sila sinermunan masyado. Pasaway, pero tolerable naman.

Umuwi ako agad. Pagdating kasi sa bahay, gumawa ako ng vlog. Nanood ng BQ, at nagsulat para sa Wattpad. Quarter to 11 na ako nakapag-post ng isang chapter. Minadali ko, kaya malamang marami akong dapat i-edit doon.


Enero 29, 2024

Pineste ako ng mga langgam bandang 4:45 ng umaga. Hindi ko alam kung saan galing. Hayun, hindi ako nakatulog uli at agad. Nakulangan pa ako ng isang oras na tulog at pahinga. Haist!

Pagkatapos kong mag-picture sa garden at library namin bilang supporta sa Catch-up Fridays ng DepEd, nag-almusal na ako para makaalis na ako. May meeting kami bandang 10 am tungkol dito.

Past 8, nasa bus na ako. Hindi ako nakapagsulat kasi nakinig ako sa music na pinatututgtog ng driver. Ang gaganda, e. Hindi rin ako nakaidlip. Okey lang.

Ako yata ang pinaunang dumating sa mga PM teachers, kaya nakapag-file pa ako ng leave of absence.

Sa meeting, nabanggit ako ni Madam dahil may mga materyales ako na puwede sa Catch-up Fridays. Sinabihan din ako na next LAC session, ako naman ang resource speaker. Pumayag ako dahil iyon naman ang gusto ko.

Sa klase, hirap akong i-motivate ar i-inspire ang ibang Buko. Kailangan kong magalit, magsaway, at manermon habang nagkukuwento. Haist! Ang hirap maging guro!

Parang hindi na naman okey ang pakiramdam ko nang umuwi ako. Ang lamig pa sa bus. Inuubo ako. Sana makapasok ako bukas sa NUMERO.


Enero 20, 2024
Past 5, umalis na ako sa bahay. Six-thirty ako nakarating sa school. Nakapag-almusal ako roon, at nakagawa ako ng kaunting bagay.

Aa Math class, nainis muna ako sa mga estudyanteng tuod. Ayaw sumali sa game. Mahihinang klase. Mabuti, may dalawang bagong dating. Magagaling at aktibo sila. Kahit paaano naging maayos ang takbo ng klase ko.

After class, naglinis ako at gumawa ng materials para sa Catch-up Friday.

Past 1:30 na kami umalis sa school. Past 3 ako nakauwi sa bahay. Dumiretso ako sa kuwarto para magpahinga at umidlip. Past 5 na ako bumangon para magkape.

After meryenda, humarap na ako sa laptop. Gumawa ako ng vlog at learning materials. Then, nanood ako ng mga documentaries.

Before 10:30, umakyat na ako para matulog.


Enero 21, 2024
Past 7, gising na ako. Hindi naman agad ako bumaba para maglaba.

Past 9:30, tapos na akong maglaba. May mga nagawa pa akong iba habang naglalaba. At pagkatapos, nagpokus ako sa paggawa ng vlogs at reading materials. Nakatatlong videos yata ako ngayong araw, mula sa mga kuwentong pambata.

Hapon, nang umalis si Emily, umidlip ako. At nanood ng movie at docu. Past 6, lumabas ako para mamalengke ng mga karagdagang sangkap ng pork pochero.

Past 9, umakyat na ako. Wala na ako sa mood mag-laptop. Maaga nga akong nagpatay ng wifi para maagang makatulog, pero maingay pang nagkuwentuhan ang mag-ina ko. Haist!


Enero 22, 2024
Past 9 na ako nakaalis sa bahay kasi hinintay ko pa ang delivery ng bigas. Nagsaing pa ako. Hindi masarap ang bigas na bigay ng Brgy. 18. Pansangag iyon. Gusto ko ang malambot at malagkit. Marami akong nakakain kahit kaunti o hindi gaanong masarap ang ulam.

Nagsulat ako habang nasa biyahe. Tumigil ako nang nasa Cavitex na ang bus.

Natagalan ako sa PITX kasi walang jeep. Mabuti, hindi ako masyadong late.

Tagumpay naman ang unang araw ng 2nd periodic test. Maiingay pa rin ang mga Buko, pero nadiskartehan mo sila. Nakaapat silang subjects, kaya bukas apat uli..

Umuwi agad ako pagkatapos ng klase kasi gutom na gutom na ako. Uminom lang kasi ako ng First Vita Plus sa school bago umuwi.

Kumain naman ako agad pagdating ko. Andami kong nakain kasi masarap ang kanin.

After dinner, nanood na ako ng balita at BQ. Nagsusulat ako habang patalastas. Huminto ako nang 9:30 na. Inaantok na ako, kaya wala nang pumapasok na idea sa utak ko.


Enero 23, 2024
Masigla akong bumangon. Walang rason para malumbay at mabugnot ngayong araw. Ito na ang huling araw ng pasok ng mga estudyante. Bukas, sem break na nila. Makakapagpahinga ako sa kanila.

Past 9, nasa bus na ako. Sinikap kong dugtungan ang chapter ng nobela ko sa Wattpad.

Sa school, may natapos ako kahit paano bago kami nag-lunch.

Second day ng exam. Same pa rin. Maiingay. Bandang 4 pm, nainis ako at nagmura dahil sobrang engot ng Buko. Kahit sa paglilinis, napakaiingay. Ako na nga lang ang nag-mop at nagwalis.

Agad akong umuwi after class kaya past 7, nasa bahay na ako.

Wala pang 8, nasa kuwarto na ako. Habang naghihintay sa BQ, ginawa ko ang vlog na nasimulan ko kanina. Naglagay ako ng VO.

Nang mai-post ko, nagsulat naman ako ng nobela. Past 10, posted na sa WP. Sana maganda ang resulta kahit minadali ko. Kailangan ko na kasing matulog. May district INSET kami bukas sa JRES. Kailangang maaga akong magising.


Enero 24, 2024
Past 5, nasa baba na ako para maghanda ng almusal. Nagprito ako ng itlog at skinless longganisa.

Past 6 na ako nakalabas sa bahay. Matrapik sa Pasay, kaya past 8 na ako nakarating sa JRES. Tapos na ang flag ceremony at prayer. Gayundin ang checking of attendance.

Nakinig lang kami sa speaker na nasa Google Meet. First time mangyari ang ganoong setup. Sana lahat na lang nag-online... Nakaka-boring tuloy.

Wala pang 12, nag-breakaway session. Napunta ang GES sa ICT room ng JRES. Solo na naman ang lugar kaya maiingay kami.

One pm, nagsimula na ang talk nina Sir Jess. Nakatulog ako. Ang lamig kasi.

Past 4, katatapos pa lang namin. Samantalang ang ibang schools, nakauwi na. Mabuti, isinabay na ako ni Ma'am Joan sa sasakyan nila. Nakatipid ako sa pamasahe at sa oras ng biyahe. Kaya lang, bumaba ako sa Robinson's Tejero kasi ihing-ihi na ako. Naglakad na lang ako patungong Umboy.

Pagdating ko sa bahay, agad akong umakyat at nag-stay sa kuwarto. Gumawa ako ng vlog. Nakapag-post ako bago ako nag-dinner. At habang nanonood ng BQ, nagsusulat naman ako para sa Wattpad.

Wala pang 10, nag-off na ako ng wifi para matulog. Natulog na rin ang mag-ina ko. Hindi na sila maingay.


Enero 25, 2024
Hindi pa tumunog ang alarm ko, gising na ako. Twenty minutes pa sana. Okey lang dahil ayaw ko nang ma-late. Nakakahiyang maglakad paloob sa venue nang late.

Six o' clock, nasa bus na ako. Hindi ako masyadong nakapagsulat. Mabilis ang biyahe. Past 7:30 ako nakarating sa JRES. Hindi ako late. Nasaksihan ko ang simula ng seminar, mula sa prayer.

Madugo ang topic sa INSET. Tungkol sa oral language sa umaga. Tungkol naman sa phonological at phonemic awareness ang sa hapon. Andaming activities. Pero. Gising na gising ang diwa ko. Marami akong natutuhan kahit hindi angkop sa grade level ko ang topic.

Sinabay uli ako ni Ma'am Joan sa sasakyan nila. This time, kasabay na rin si Ma'am Vi. Nakapagkuwentuhan kami hanggang sa bumaba ako sa Gahak.

Nakauwi ako sa bahay bandang past 5. Wala si Emily. Nasa FVP siya. Agad akong gumawa ng booklet na gagamitin ko bukas sa checking of attendance. Parang storytelling style ang gagawin ko para sa school namin.

Then, gumawa na ako ng vlog. Nakalimutan ko nang manood ng BQ, kasi isinunod ko ang pagsulat ng nobela, Past 10, nakapag-post ako ng isang chapter. Nanood pa rin ako ng BQ habang nagpapaantok at habang nag-chacharge ng cell phone.

Nakonsumo pala ng tawag ni Ma'am Vi ang mag-iisang oras ko. Aniya, gusto niya akong ibalik sa Grade 6 para maituloy ko ang journalism at magkaroon ng school paper. Pakikiusapan daw niya si Ma'am Lea. Sana nga. Gusto ko talaga sa Grade 6. 


Enero 26, 2026 

Hindi naman ako excited sa INSET pero pagising-gising ako. Pero mabuti na lang, nagising ako bandang 4:33 am. Hindi tumunog ang alarm kong 4:30. O kaya, tumunog naman, hindi ko lang narinig. 

 Past 5:30, umalis na ako sa bahay. 

Seven-thirty, nasa school na ako. 

 Napatawa ako ang mga teachers nang isinagawa ko ang checking of attendance. Ang galing daw ng idea ko. Medyo nabulol at nakabisaya ko ang ibang salita. 

 Marami akong natutuhan ngayong araw. Kaso masyadong maraming kaalaman. Hindi kayang i-absorb lahat. 

 Sumabay ako sa car ni Ma'am Wylene. Nakasabay ko si Ma'am Venus. Nagkuwentuhan kami sa biyahe. 

Past 5 na ako nakauwi sa bahay. Umidlip muna ako saglit pagkatapos mag-FB.Past 6, gumawa ako ng vlog. 

Past 7:30 na ako nakapag-post. 


 Enero 27, 2024 

Past 7, gising na ako. Hindi naman agad ako bumangon. Pero nang bumangon ako, nagdilig na agad ako ng mga halaman, habang nagpapakulo ng tubig na pangkape. 

Nag-almusal muna ako bago ako nagbanlaw ng mga labahang isinalang ko sa washing machine. Mabilis ko lang natapos, kaya bandang 9, nakapagsampay na ako. Naharap ko na ang paggawa ng vlog. 

Ngayong araw, gumawa lang ako ng vlogs at reading materials. Marami akong nagawa. Dalawang videos ang na-post ko sa YT. Hindi nga lang ako nakaidlip. Hindi kasi ako inantok. 

Gabi, mga 11:30, nakapag-post ako ng isang chapter sa Wattpad. Inaagad ako ng mga follower-readers ko. Hooked na hooked sila sa istorya at mga characters sa nobela. Kahit nga ako. Feeling ko, nasa kuwento ako.



Enero 28, 2024

Madilim pa, gising na ako. Ang lamig kasi, nahirapan akong matulog nang maayos at mahimbing.Sumasakit ang likod ko. Nanunuot ang lamig. 

Okey lang naman dahil marami akong naisip na ideya, lalo na sa special task ko sa Friday sa INSET. Ako ang inatasang manumpa ng commitment.

Nang matapos akong mag-almusal, tulog pa ang mag-ina ko. Ako naman, nagsimula nang gumawa ng commitment. Tula ang ginawa ko. Patulang oath. Ayos naman! Tiyak ako, magugustuhan nila ang akda ko.

Gumawa na rin ako ng vlog--gamit ang kuwentong pambata. Before lunch, nakapag-post na ako. Hapon, umidlip muna ako. Kaya lang pineste ako ng mga langgam sa higaan. Ewan ko kung saan sila galing. Bigla na lang nangangagat.

Ngayong araw, marami akong nagawang reading materials. Kung natuloy ako sa pagsama kay Ma'am Edith sa church nila dahil anniversary, wala akong natapos na outputs. Hindi kasi siya nag-chat kagabi. Mga quarter to 9am na niya ako ni-remind. Ten o' clock dapat naroon na raw ako. E, hindi pa nga ako naligo that time. Sabi ko na lang-- nakalimutan ko. Nag-sorry naman ako. 

Gabi, nagsulat ako ng bagong chapter para sa Wattpad. Before 9 pm, nakapag-post na ako. 



Enero 29, 2024

Wala pang 5 am, gising na ako. Maaga akong nakarating sa school. Ako yata ang pangsiyam na dumating. Nakapag-almusal pa ako bago nagsimula ang seminar.

Marami uli akong natutuhan sa topic-- mentoring. Pinag-drawing pa uli nila ako, gaya kahapon, para makapag-present sila sa group activity.

Hapon, wala nang kuwenta ang topic. Mabuti, pinauwi kami nang maaga. Wala pang 5 pm, nasa bahay na ako.

Wala ang mag-ina ko nang dumating ako. Hindi ko alam kung nasaan. Past 7 na sila dumating. Galing pala sila sa pinsan ni Emily. Andami nilang dalang mga pinaglumaang damit. Apat yatang malalaking bag iyon. Nakakuha nga ako ng mga damit ko.

Bago sila dumating, marami na akong nagawa. Nakapag-post ako ng mga reading materials ko sa mga FB group at pages ko. Nai-post ko rin ang tungkol sa 10k subscribers ko sa YT. Napansin nga ni Ma'am Mina ang mga iyon. Kanina lang sa biyahe, nag-chat siya tungkol sa writing contest. Gusto niyang mas maraming entries sa next national contest. May pinaplano rin siyang animation workshop. At may meeting daw kami tungkol sa storybook writing.

Kulang ang time ko. Andami kong gustong gawin. Sana magawa ko nang paunti-unti. Salamat sa Diyos sa mga biyayang ito.


Enero 30, 2024

Sa bus, nag-send ako ng P1000 through GCash kay Judy kasi nanghingi siya ng tulong para kay Steele Heart, na aking inaanak. Candidate ito sa Queen of Hearts sa kanilang school. 

Nakasakay ko si Ma'am Ivory mula sa Baclaran hanggang sa PLDT sa may School for the Deaf. Maaga kami kahit last day na ngayon ng INSET.

Sa checking of attendance, nanalo kami. Ako ang representative. May premyo-- mga kutkutin. 

Maaga sanang natapos ang seminar, kaya lang pinaghintay pa kami dahil darating ang SDS. Okey lang naman dahil personal niyang naihatid ang mga good news. 

Sa closing program, ako ang nag-conduct ng Commitment. Pinaghandaan ko ang panunumpa. Sumulat ako ng tula. Nagustuhan nila iyon. Ang bigat daw sa dibdib, sabi ni Papang. It means, tagos sa puso.

Nag-breakaway session pa kami. Nag-discuss ang principal namin bago kami pinalaya.

Nakasama ako sa birthday treat ni Mareng Janelyn sa Giligan's MOA Seaside. Kasama rin sina Ma'am Joan R, Ma'am Mel, Ma'am Bel, at Sir Joel K. Nabusog kami sa pagkain, tawanan, at kuwentuhan. Nasaksihan din namin ang paglubog ng araw bago kami umuwi, at naghiwa-hiwalay.

Sa PITX, dahil mahaba pa ang pila sa bus patungong Tanza, nag-window shopping muna ako sa isang boutique. Gusto ko sanang bumili ng sapatos, bilang reward sa sarili ko. Pero, hindi ako bumili kasi okey pa naman ang lumang sapatos ko. Bumili na lang ako ng tikoy sa Eng Bee Tin. Bumili na lang din ako ng perfume sa Afficionado stall. Ang tagal ko nang pangarap ito. First time kong bumili ng perfume simula noong nagtatrabaho ako sa garments factory. 

Nine-thirty na ako nakauwi. Hindi na ako kumain ng dinner. Agad akong nag-post ng reading materials sa FB ko. 

Pinagpaplanuhan ko na rin ang idi-discuss ko sa LAC session. Sinabihan ako ng principal kanina na after ng isang LAC sa February 16, ako na ang kasunod. SInabi na niya ito noong huling LAC. Turuan ko raw magsulat ang mga kaguro ko. It's my pleasure. I love it!


Enero 31, 2024

Nagbabad ako sa higaan hanggang past 8. Naunang nagising si Emily, kaya paggising ko, nag-almusal na lang ako. 

Pagkatapos mag-almusal, humarap na agad ako sa laptop. Nagrekord muna ako ng mga test scores ng mga Grade 4, saka ako nag-post ng mga reading materials. Hindi ako nakagawa ng vlog ngayon kasi gumawa ako ng teaching material para sa Catch-Up Friday. Nakapagsulat ako ng kuwentong pambata bilang lunsaran. Ginawa ko na lang content ang panunumpa o commitment na noong isang araw. At least, may isa akong video ngayon sa YT.

Maghapon akong gising. Hindi ako inantok sa ginagawa ko. Gabi ko na natapos ang PPT ko para sa Biyernes. 

Hindi pa ako tumigil kahit may na-accomplish na ako. Sinimulan ko naman ang PPT na gagamitin ko sa LAC session. Tuturuan ko ang mga kapuwa-guro ko kung paano magsulat ng mga babasahin. 

Bago ako umakyat sa kuwarto, nakatapos na ako ng apat yata o limang slides. Okey na rin iyon. Marami pa akong dapat isipin at planuhin. Matagal-tagal pa naman ang schedule ko. Two weeks pa yata. 


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...