Followers

Tuesday, June 3, 2025

Takbo!

Takbo!

 

Tumakbo tayo para sa kalusugan

Ngunit huwag nating takbuhan

Ang problemang pinagdaraanan

Bagkus harapin nang buong katapangan.

Paganahin ang mental na kaisipan

Dagdagan ng pisikal na kalakasan

Upang buhay ay maging maalwan.

 

Tumakbo tayo para sa kalikasan

Tumakbo tayo palayo sa kasamaan

Mga polusyon ay hindi maiiwasan

Kaya atin itong protektahan

Nang sariwang hangin, mapakinabangan

Saganang pawis tumagaktak man

Sa ating pagtakbo, dulot ay kaginhawaan.

 

T

Sunday, June 1, 2025

Elias Maticas 5

Naalimpungatan si Elias sa palahaw na iyak ng kaniyang nakababatang kapatid. Bumangon na siya upang alamin ang dahilan niyon. Naabutan niyang nasa may hagdanan si Diego. Umupo siya sa tabi nito. At hindi nagtagal, nagpakalong ito sa kaniya.

 

“Dalhin na natin si Natasha sa clinic,” sabi ng kaniyang ama habang nagpiprito ito ng itlog.

 

“Huwag na. Dagdag-gastos lang. Nandito naman si Papay, o,” sabi naman ng kaniyang ina habang nagsasala ito ng nilagang kapeng barako.

 

Parang nakalimutan niya ang kaniyang pakay na alamin ang dahilan ng pag-iyak ni Natasha nang manuot sa ilong niya ang nakapupukaw na amoy ng kape.

 

“K-kuya…”

 

Kundi lang siya tinawag ni Natasha, hindi niya mapapansing nakahiga pala ito sa kawayang katre ni Lolo Leo.

 

“Nasaan si Lolo?” tanong niya sa sarili habang bumaba sa hagdan upang lapitan ang kapatid. “Anong nangyari?”

 

“Ayan, nilalagnat ang kapatid mo? Namaligno `yan doon sa burabod,” litanya ng ina. “Bakit kasi sumama-sama pa.”

 

Na-gulity siya sa nangyari, pero hinipo pa rin niya ang noo at leeg ni Natasha.
“Baka may pilay po siya, Mamay. Nadulas po kasi siya roon kagabi.”

 

“Isa pa `yon! Hay, naku! Sige na, mag-almusal na tayo nang maipagamot na siya ni Papay… Elias, tawagin mo na ang lolo mo.”

 

Bago siya nakalabas sa pintuan, nagalit na kaniyang ama. “Puro ka Papay, Papay, Papay!”

 

“E, bakit? Marami ang nagtitiwala sa tatay mo,” sagot ng ina. “Ikaw itong anak niya, pero ikaw ang walang tiwala.”  

 

“Mas magtiwala tayo sa kakayahan ng mga doktor… E, paano ba naging parabulong si Papay? Ni hindi nga siya nakapagtapos ng elementarya. Dati lang siyang gerilya. Paano niya natutuhan ang panggagamot? Aber?”

 

“Sa karanasan niya sa pagiging gerilya. Hindi ba’t siya ang nanggagamot sa mga kasamahan niya kapag nasa bundok o gubat sila?”

 

“Naku! Noon puwede iyon… Nasa modernong panahon na tayo.”

 

“Ah, basta! Si Papay ang bahala kay Natasha.”

 

“Bahala kayo!” Pagkalapag sa mesa ng mga piniritong itlog, lumabas ito ng bahay. Nakasalubong nito si Lolo Leo.

 

Natakpan ni Elias ang kaniyang bibig nang makitang nagkasalubong ang mag-ama. Sigurado siyang narinig lahat ni Lolo Leo ang sinabi ng kaniyang ama patungkol sa kaniyang lolo.

 

“Papay, kain na po tayo,” aya ng kaniyang ina.

 

“Sige, naamoy ko na nga ang kapeng barako,” nakangiting sabi ni Lolo Leo, saka dumiretso sa kusina. “Uy, Elias, good morning sa `yo! Bakit parang naging bato ka na Riyan. Halika na.”

 

“Opo, Lolo! Good morning din po.”

 

Ipinagtimpla siya ni Lolo Leo ng kape habang siya naman ang naglagay ng mga lusang pinggan sa lamesa. Abala naman ang kaniyang ina sa pagpapakain kay Natasha.

 

Tahimik na nag-almusal ang maglolo. Tahimik ang usapan lang ng kaniyang ina at kapatid ang maririnig. Katulad niya tuwing may sakit siya, wala siyang ganang kumain, kaya nahihirapan ang kaniyang ina na pakainin siya.

 

“Isa na lang, Natasha. Sige na, nganga na,” sabi ng ina.

 

“Ayaw ko na po,” palahaw na iyak ni Natasha.

 

“Huwag mo nang pilitin kung ayaw, Marilou, baka mapalo mo na naman. Hayaan mo na. pagkatapos nito, gagamutin ko na siya.”

 

Natuwa siya sa kaniyang narinig mula sa kaniyang lolo. Naisip niyang baka hindi naman niti narinig ang sinabi ng kaniyang ama.

 

“Sige po, Papay,” tugon ng ina. Iniwan na nito si Natasha. “Ikaw na po ang bahala sa kaniya. Pagkatapos kong mag-almusal, maglalako pa ako ng mga sitaw.”

 

“Oo, Marilou… Maraming salamat sa tiwala. Si Natasha na ang huling gagamutin ko.”

 

Napatingin si Elias sa lolo, na biglang napayuko. Narinig pala nito ang masasakit na salita ng kaniyang ama. Naaawa man siya, subalit hindi niya alam kung ano ang sasabihin upang gumaan ang dibdib nito. Ang tangi na lamang niyang magagawa ay magtiwalang muli sa kakayahan nito sa huli nitong panggagamot.

 

Pagkatapos nilang mag-almusal, inutusan siya ni Lolo Leo na mamitas ng artemisia o damong maria sa kanilang herbal garden. Hindi lang iyon ang unang beses na gagawin niya iyon. At alam na alam na niya kung gaano karaming dahon ang pipitasin niya. Siya na rin ang maghahanda niyon.

 

Sa bao ng niyog, nagbuhos si Elias ng kaunting patak ng gaas, na mula sa gasera. Inilahok niya ang mga pinitas na damong maria. At sinimulan niyang lamasin hanggang sa magkatas.

 

“Handa na po, Lolo!” Inaabot na niya ang bao, na may katas ng damong maria.  

 

“Salamat, Elias! Maaasahan na talaga kita. Puwede ka nang maging parabulong,” sabi ng lolo. Saka sumilip ang maiitim nitong ngipin dahil sa nganga.

 

Sa halip na matuwa, dumaloy sa katawan niya ang takot. Takot iyon sa sasabihin ng kaniyang ama. Dahil dito, napaurong siya. Natahimik siya sa hagdanan habang pinanonood ang paghihilot ni Lolo Leo kay Natasha, gamit ang katas ng artemisia.

 

“Paano niya natutuhan ang panggagamot? Aber?”

 

Parang narinig niyang muli ang pahayag ng kaniyang ama kanina.

 

“Araay ko po, Lolo,” daing ni Natasha.

 

“Gagaling ka na,” tugon ng lolo. “Malapit na.”

 

Para kay Elias, mahusay na parabulong ang kaniyang lolo. Marami na itong napagaling. Marami-rami na rin ang dumarayo mula sa karatig na barangay para magpagamot.

 

Labis ang paghanga niya kay Lolo Elias, hindi lang dahil sa husay nito sa panggagamot, kundi sa kabaitan nito. Mabait ito, hindi lang dahil hindi ito namamalo, kundi ay hindi ito tumatanggap ng kahit anomang bayad mula sa mga ginamot niyang tao.

 

“Misyon ang panggagamot, Elias. Isang misyon.”  Minsang sabi nito nang tanggihan nito ang malaking halagang bigay ng napagaling nito mula sa barang.

 

Pagkatapos hilutin ni Lolo Leo si Natasha, nakatulog ito sa katre.

 

“Mamaya po, paggising niya, mangungulit na naman po `yan,” sabi ni Elias.

 

“Siyempre, katulad mo, makulit, pero mabait at responsable.” Inakbayan siya ng lolo.

 

“Naku, parang hindi po ako responsable. Napagalitan nga po ako kagabi ni Papay.”

 

“Hayaan mo na.” Niyakag siya nito palabas upang hindi nila maingayan si Natasha. Umupo sila sa upuang kawayan, na nasa ilalim ng puno ng langka, na may maraming bunga, na nababalutan ng mga sako. “Mabait ang papay mo, pero iba siya, kung ikukumpara sa atin. Hindi niya tayo maunawaan.”

 

Napatingin siya sa lolo. Malamlam ang mga mata nito. “Pasensiya ka na po kay Papay.”

 

“Wala `yon, Elias. Ang mahalaga, naniniwala ka sa akin.”

 

“Siyempre po! Idol po kita, e!” Pilit niyang pinasaya ang boses upang makalimutan ng lolo ang mga narinig mula sa kaniyang ama.

 

“Handa ka na ba sa misyon?”

 

Nanlaki ang mga mata niya, bilang hudyat na hindi agad niya naunawaan ang tanong ng lolo.

 

“Ikaw na ang magpapatuloy ng misyon.”

 

“P-po? Misyon?” Hindi niya alam kung kaya niya. “Bakit po? Ikaw po?”

 

“Babalik na ako sa bahay ng tiya mo. Doon, nauunawaan niya ang misyon ko.”

 

“Hindi ko pa po kayang gawin ang misyon kapag wala ka.”

 

Inakbayan siya ni Lolo Leo, saka niyugyog nang bahagya ang balikat niya. “Kaya mo. Alam kong kaya mo. Halos naituro ko na sa `yo lahat.”

 

Napayuko na lamang siya, saka niya napansin ang nakasabit na tirador sa kaniyang leeg. “Paninirador lang po ang kaya kong gawin kahit wala ka, Lolo.”

 

Natatawa si Lolo Leo. “Sus! Lahing Maticas ka, kaya anomang sakit o problema sa Sitio Burabod, kaya mong masolb at mabigyang-lunas.” Tinapik-tapik naman nito ang balikat niya. “Naniniwala akong maipagpapatuloy mo ang misyon.”

 

“Paano po kung maging okey na kayo ni Papay, aalis ka pa rin po ba?”

 

“Kilala ko ang papay mo.”

 

“Kakausapin ko po siya.”

 

Nginitian siya nito. “Huwag na… Para sa katahimikan ng inyong pamilya, babalik na ako sa dati kong bahay. Walang kasama roon ang Tiya Olivia mo. Kawawa naman.”

 

“Sama po ako. Doon na rin po ako mag-aral.”

 

Natawa naman ang lolo. “Gusto mo ba talagang magkabati pa kami ng papay mo?”

 

Tumango siya.

 

“Dumito ka lang. Ang pamilya, dapat magkakasama.”

 

“Pamilya ka po namin.”

 

Hindi kumibo si Lolo Leo. Ngumiti lamang ito.

 

“Kailan ka po ba aalis?”

 

“Patatawagan ko si Olivia sa papay mo. Magpapasundo ako.”

 

“Puwede bang si Papay na lang ang maghatid sa inyo para makasama po ako? Pero babalik din po ako.”

 

“Puwede naman, Elias. Sige, ganoon na lang. Bukas sana.”

 

“Bukas na po agad?” mangiyak-ngiyak niyang tanong.

 

Ginulo ni Lolo Leo ang buhok niya. “Huwag kang malungkot.”

 

“Wala na po kasing magtatanggol sa akin.”

 

Pumulanghit ng tawa ang lolo.

Saturday, May 31, 2025

Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Bentong #3

“Rochelle, he’s not Jesrelle,” halos maiyak na sabi ni Jess sa asawa habang dumudulog ito kay Nixon. “Siya si Nixon. Kaibigan ko siya.”

 

“He’s Jesrelle. I missed you.” Lalong humigpit ang yakap ni Rochelle kay Nixon.

 

“Umarte ka na lang na Jesrelle, Nixon, baka makatulong,” suhestiyon ni Bentong.

 

Napatingin sa kaniya si Jess, at tila kumbinsido ito sa tinuran niya. Kaya lumayo na ito kina Nixon at Rochelle. “Baka nga tama si Bentong, Nixon. Give it a try please.”

 

Tumango-tango si Nixon, saka nginitian sila nito.

 

“Jesrelle? Are you hungry?” tanong ni Rochelle.

 

“No, Mommy… I want to play.”

 

Pinilit na hindi matawa ni Bentong dahil napansin niyang seryoso at natutuwa si Jess, gayundin sina Nixon at Totong.

 

“Halika…” Inakay nito si Nixon patungo sa taas.

 

“Goodluck, Nixon. Kaya mo `yan,” sabi niya.

 

“Yes, Nixon… Do it for me. Thank you!” sabi naman ni Jess.

 

Nag-okay sign pa si Nixon, saka kumindat sa kanila habang paakyat sa hagdanan.

 

“Ano po ang plano niyo, Master Jess?” tanong niya.

 

Umupo muna ito sa tabi ni Totong. Tinapik-tapik nito ang balikat ng bagets. “Salamat sa inyo! Kahit paano, naibsan ang bigat sa dibdib ko.”

 

Tahimik lang si Totong.

 

“Ano po ba ang maitutulong ko sa inyo?”

 

Tila lumiwanag ang mukha ni Jess. “Gusto kong sanayin natin ang mga kakayahan natin upang maging ganap tayong tagapagtanggol ng mundo! Napatayo ito at hinarap ang dalawang bagets. “Tatawagin ko kayong… Mga Batang Alpha!”

 

“Batang Alpha?” ulit ni Bentong.

 

“Yes! Kayo ang mga Batang Alpha! Kayo ang simula ng pagbabago sa mundo.”

 

Napansin niya ang galak sa mga mata ni Totong. Katulad niya, nasasabik siya sa mga susunod na pangyayari. Nais niya ring tuklasin ang kaniyang pambihirang bilis, at magamit iyon para sa pagpapalaganap ng kabutihan at pagpupuksa sa kasamaan. Naisip niyang pigilan ang ama sa pagtutulak ng droga, gayundin ang puno nito. “G ako diyan, Master Jess!” Tumayo pa siya, at sumaludo.

 

Kusa na ring tumayo si Totong, gamit ang saklay. “Gusto ko rin po!”

 

“Yes! Nice one, Totong.” Nilapitan niya si Totong, saka tinapik-tapik ang balikat. “Sana game din si Nixon.”

 

“Yes! For sure, game iyon. Game nga siyang mag-pretend na si Jesrelle,” sabi ng kanilang master.

 

Tumango-tango muna siya. “Ano na po ang gagawin natin? Kailan po tayo magsisimula?”

 

Biglang napaupo si Master Jess. Nasapo nito ang sintido. “Kailangan ko munang malaman kung sino ang kumidnap sa anak ko. Wala pang tumatawag.”

 

“Dito na po muna si Totong. Ako naman po, uuwi muna. Hindi na po ako nakapasok ngayon sa eskuwela, pero okey lang po.”

 

“Tama. Umuwi ka muna… Aasahan ko ang pagbabalik mo… Aayusin ko lang ang asawa ko at ang anak ko.”

 

“Babalik po ako, Master.”

 

“Ingat!”

 

Punumpuno ng pag-asang lumabas si Bentong. Buong-buo ang loob niyang makiisa sa misyon ni Master Jess, kasama ang iba pang mga Batang Alpha.

 

Nilakad-takbo niya ang kalsada patungo sa sakayan ng dyip. Ayaw niya sanang sumakay, pero malayo masyado.

 

Alas-dose y medya na nang makarating siya sa kanilang barangay.

 

Sa daan pa lang papunta sa kanilang bahay, napansin na naman niya ang mga galawan ng mga adik at tulak sa kanilang lugar. May nadaaan pa siyang pot session, habang nasa sa isang masikip na pasilyo siya.

 

Pagdating niya sa kanilang bahay, nadatnan niya ang dalawang binatilyo at kaniyang ama. Kitang-kita niya ang palitan ng droga at pera, pero mabilis na naitago ng mga ito.

 

“Uy, saan ka galing? Nag-cutting ka?” galit na tanong ng ama niya, habang palabas na ang dalawang bagets.

 

“Pinauwi po ako ng coach ko. Magpalit daw ako ng training gear.” Mabilis siyang umakyat. Hindi na niya narinig ang kaniyang ama. Agad siyang naghubad ng uniporme, saka nagsuot ng running shorts, sando, at shoes.

 

“Saan ka naman pupuntang, animal ka?”

 

“May training po ako.”

 

Training, training! Puro training! Wala ka namang napapala sa pagtakbo mo. Aanhin mo ang medalya at trophy? Nakakain ba `yan?”

 

“Meron. Patutunayan ko po sa inyo.” Pagkasabi niyon, para siyang hanging naglaho sa paningin ng ama. Hinabol niya ang dalawang binatilyo. Alam niyang hindi pa nakalalayo ang mga ito.

 

Sa may kalsada na niya namataan ang mga ito. Bumilang muna siya sa isip ng isa hanggang tatlo, saka siya tumakbo patungo sa dalawa. Parang kisapmata niyang narating iyon, saka buong puwersa niyang hinawakan ang braso ng isang binatilyo, na siyang nakita niyang nagbulsa ng sachet. Tagumpay niyang nadukot iyon sa bulsa nito habang naghuhulagpos, ngunit sa lakas ng puwersang nakadikit sa braso nito, wala itong nagawa.

 

Nagmura lang ng nagmura ang mga ito. Sinubukan pa ng isa na sunggaban siya, pero sinampal niya ito nang ubod ng lakas.

 

“Mga adik! Ang babata niyo pa, sinisira niyo na ang buhay niyo!”

 

“Ibalik mo `yan sa amin!” sabi ng inagawan niya.

 

“Ibabalik ko `to sa inyo o ipapupulis ko kayo?” tanong niya habang nakaamba ang kamao niya.

 

Sinunggaban siya nito. “Akin na `yan.”

 

Halos mabali ang leeg nito nang mabilis niyang nasampal ito sa panga.

 

“Takbo na, Par!” aya ng isa, sabay karipas ng takbo.

 

“Gago ka!” Sumunod na rin ito sa kasamahan. “Isusumbong ka namin sa tatay mo.” Nag-dirty finger pa ito sa kaniya.

 

Alam niyang may mga nakakita sa ginawa niya, pero sigurado siyang hindi alam ng mga ito ang dahilan. Naglakad siya nang mabilis patungo sa direksiyon ng dalawang binatilyo. Hindi siya puwedeng bumalik sa kanilang bahay dahil nasabi na niyang may training siya.

 

Nang mapansin niyang nawala na ang dalawa, tumakbo na rin siya. Isang paraan na rin iyon ng kaniyang training habang pabalik siya sa bahay ni Master Jess.

 

Sa kabila ng matinding init, hindi tumigil si Bentong sa pagtakbo. Humihinto rin siya paminsan-minsan upang magpahinga.

 

Sa isang waiting shed, malapit sa isang pampublikong paaralan, natagpuan niyang pawis na pawis ang katawan. Naisip niyang hindi siya nakapagdala ng bimpo, gayundin ng inuming tubig.

 

Hindi pa nagtatagal, may humintong motorsiklo sa bandang unahan. Ibinaba ng ama ang nakaunipormeng batang lalaki, na ang tantiya niya ay nasa sampu hanggang labindalawang taong gulang na.

 

Late na late ka na. Ang bagal mo kasing kumilos! Para kang hindi lalaki,” alimura ng ama sa anak habang kinukuha nito ang helmet. “Mamaya, hindi kita masusundo. Magpahatid ka na lang sa traysikel.”

 

Walang reaksiyon ang bata. Nanatili itong nakatayo habang nakayuko. Hinihintay nitong makaalis ang ama.

 

Sa tingin niya, may problema ang bata sa kaniyang pamilya, kaya nagkaroon siya ng interes. Katulad niya ito. Ang ama nito ay katulad ng kaniyang ama.

 

Nang makalayo ang ama ng bata, palinga-linga ito hanggang sa naglakad ito nang mabilis sa direksiyong tinahak ng ama, hindi sa direksiyon kung saan naroon ang gate ng eskuwelahan.

 

Nang medyo nakalayo na ang bata, sinundan niya ito nang palihim. Tiniyak niyang hindi nito mararamdaman na sumusunod siya. At naisipan niya ngang lumipat sa kabilang kalsada upang mas kapani-paniwalang nagkataong lamang na pareho sila ng tinatahak na direksiyon. Bumili na rin siya ng tubig sa tindahan.

 

Sa isang malaking bahay na napapaligiran ng matataas na pader, huminto ang bata. Napansin siya nito, kaya agad siyang tumakbo na animo’y nagdya-jogging, habang tinitingnan niya ang gate. Wala siyang makita sa loob. Sigurado siyang may security guard doon.

 

Lumampas siya sa kalye iyon, saka lumiko. Pagkatapos gumawa siya ng paraan upang maikubli ang sarili sa mga nakaparadang sasakyan. Mula roon, tiningnan niya ang bata, na palinga-linga sa paligid. Sigurado siyang hindi siya nito nakikita.

 

“Whoah!” bulalas niya nang makita niya ang paglusot ng bata sa makapal at mataas na pader, na animo’y may portal doon. “Isa siyang Batang Alpha!”

 

Ang Aking Journal -- Mayo 2025

Mayo 1, 2025

Grabeng init! Hindi yata ako nakatulog nang maayos dahil sa kababaling-baling. At ang mga panaginip ko pa—parang nagtratrabaho lang ako. Haist! Bakasyon nga, pero lagi namang puyat. Gayunpaman, thankful and grateful ako sa Diyos dahil patuloy niya akong binibiyayaan ng buhay.

 

Past 7, nagwo-workout na ako sa higaan. Dalawang routines lang, ayos na.

 

Before 8, bumaba na ako. Naghahanda na ng almusal si Emily.

 

Habang nagkakape at nag-aalmusal, nanood ako ng PBB Collab. At pagkatapos niyon, gumawa ako ng zine. Tinapos ko hanggang 11 am ang zine #17. Posted na ito sa FB. Sisikapin kong matapos ang Volume 1 bago ako gumala o mag-outing.

 

Pagkatapos mag-lunch, buong maghapon na akong nag-siesta. Nanood ng vlogs, umidlip, at nakipagharutan kay Herming.

 

Alas-sais, lumabas ako para mag-withdraw. Ibinigay na ang tatlong buwan na living allowance namin kahapon. Ngayon ko lang mapipindot.

 

Naglakad lang uli ako patungo sa Tanza Municipal Hall. Wala pang isang oras nasa bahay na ako. Nakapamili pa ako ng ulam, prutas, at ilang groceries.

 

Hindi na ako nakapag-workout. Ako pa kasi ang nagluto.

 

 

 

Mayo 2, 2025

Grabe! Wala yata akong tulog. Sobrang init. Nagsisi ako kung bakit sa kuwarto pa ako nahiga. Gusto ko nga sanang bumaba, kasi alanganing oras na. Pinagpilitan ko na lang matulog.

 

Tapos, naalimpungatan pa ako bandang quarter to seven. Akala ko may kumakatok sa gate. Wala naman pala. Bumaba pa ako para tingnan. Hindi na ulit ako nakatulog. Ilang minuto ang lumipas, bumaba na ako para bumili ng almusal. Umalis si Emily, e.

 

Bago mag-9, nakapagdilig na ako ng mga halaman. Humarap na ako sa laptop. Siyempre, nanood muna ako ng PBB Collab, bago gumawa ng zine. Marami-rami rin akong na-illustrate bago ako huminto.

 

Dahil puyat kagabi, sinikap kong makaidlip sa hapon. Alas-2 na nga ako nakaligo. Natulog uli ako.

 

Six-thirty, nag-encode ako ng journal. Katatapos ko lang manood ng Thai movie na ”How to Make Millions Before Grandma Dies.”

 

 

 

 

 

Mayo 3, 2025

Sobrang init! Hindi na naman ako nakatulog. Akala ko pa naman, kapag lumipat ako ng higaan, makakatulog na ako agad, hindi pala. Bukod sa mainit, makati, at parang may kakaibang nilalang, hindi ako komprotable. Gusto ko na namang magsisisi dahil sa study area pa ako natulog.

 

Siguro, mga 3 am na ako nakatulog. Past 8 naman ako nagising. Kulang na kulang pa rin sa tulog. Kaya naman medyo masakit ang ulo ko. Wala ako sa mood gumawa ngayon, pero nag-encode ako ng journal, at nagbasa ako ng ilang akda ng mga estudyante upang makapili.

 

Maghapon akong nahiga, nanood ng indie film, at umidlip. Past 6:30 na ako nakapag-workout.

 

 

 

 

Mayo 4, 2025

Sa wakas, nakatulog ako nang maayos-ayos. Andami ko ngang panaginip. Pero wala pang 7 am, gising na ako. Okey lang naman. Ginamit ko naman ang ilang minuto para mag-workout. At bandang alas-siyete, nagsimula na akong maglaba. Nagdilig na rin ako ng mga halaman habang nakasalang sa washing machine ang mga damit.

 

Past 8, tapos na akong magsampay. Kaunti lang naman ang nilabhan ko. Halos puro shorts.

 

Bago ako nakapag-almusal, nag-stay at nagpahinga muna ako sa kuwarto. Hinintay kong bumangon si Emily. Past nine nan ang nakakain ako ng almusal.

 

Nang humarap ako sa laptop, inuna ko ang encoding ng diary ko. Nakaisang date lang ako kasi naisip kong magsulat ng isang chapter ng nobela ko sa Inkitt.

 

Maghapon akong nagsulat, nanood, at umidlip. Past 6 ko nan ai-post sa Inkitt ang isang chapter ng nobela.

 

Gusto ko sanang lumabas at magtungo sa may gate ng Anyanna. Napansin ko kasing maraming pumupunta roon para mag-exercise. Gusto ko sanang maranasan, baka ma-inspire ako. Kaya lang, umaambon—parang masama ang panahon. Hindi na lang ako umalis. Sa halip, sa kuwarto na lang ako nag-workout.

 

Nag-decide na kaming Grade 6 teachers. Hindi na kami matutuloy sa Mindoro. Namatay ang tiyo ni Ma’am Vi. Hindi siya makakasama. Mas masaya kung kompleto kami, kaya hindi na namin pinursigi. Nanghinayang din ako sa pagkakataong makarating ako sa Mindoro, pero ayos lang para makaiwas sa gastos.

 

 

 

Mayo 5, 2025

Masarap ulit ang tulog ko. Para nga akong nakikipag-chat sa panaginip ko. Kaya mga 8 am na ako nagising. Past nine na ako bumaba para mag-almusal.

 

Quarter to ten, pagkatapos kong magwalis at tumambay sa garden, humarap na ako sa laptop. Pagkatapos kong gumawa nang kaunti tungkol sa Sinag-a-Zines, sumulat na ako ng isang chapter ng ‘Si Jess at ang mga Batang Alpha.” Mahalagang maipagpatuloy ko ang superhero novel na ito.

 

After lunch, tumigil ako sa pagsusulat para manood, magpaantok, at matulog.

 

Past 5, nai-post ko na ang isang chapter sa Watty at sa Blogger.

 

Gusto ko ulit sanang lumabas at magpahangin, pero bumuhos naman ang ulan. Haist! Hindi na ako matuloy-tuloy.

 

Ten-thirty, nag-off na ako ng wifi. Kailangang makatulog ako nang mahaba-haba habang bakasyon.

 

 

 

 

Mayo 6, 2025

Past 8 na ako nagising. Pinakiramdaman ko si Emily kung babangon nang maaga, kaya umabot ako ng 9 am sa kama. Although, nakapag-workout naman ako at nakapag-cell phone, nasayang lang ang kahihintay ko. Umalis pala siya nang maaga. At wala siyang inihandang almusal. Okey lang. Ako na lang ang naghanda.

 

Quarter to 10, humarap na ako sa laptop. Kailangan kong maging productive ngayong araw.

 

Maghapon akong nagbasa ng mga articles tungkol sa espiritu, lamang-lupa, at iba pa sa ‘The Aswang Project.’ Nahuhumaling ako ngayon sa Philippine mythologoies, gaya ng Buso, Kataw, Karokung, at napakarami pang iba. Idlip lang ang naging pahinga ko, kaya marami-rami akong natutuhan. Nakapag-take notes pa nga ako.

 

Ngayong araw, nadiskubre ko na may olive-backed sunbird na gumagawa ng pugad sa may hanging plants sa may bintana, na nasa harapan. Grabeng tuwa ko. Kamakailan lang ay hinahangad kong magpugad ang mga ibon, na madalas humuni sa puno namin. Suwerte ko! Susubaybayan ko ang pangingitlog nito.

 

Past 6:30, lumabas ako para maglakad-lakad. Gusto ko sanang lumayo, pero hanggang sa may basketball court lang ako kasi umaambon at kumukulog na. Umuwi na lang ako nang may dalawang hinog na mangga at ulam para bukas.

 

 

 

 

Mayo 7, 2025

Past 7, nagwo-workout na ako. Nakadalawang routines lang ako, saka na ako nag-cell phone. At dahil humihilab na ang sikmura ko, bumaba na ako bago mag-8. Hindi pa ready ang almusal, kaya nagwalis muna ako sa garden. Binisita ko rin ang ginagawang pugad ng sunbird. Napaisip ako nang makita ko ang mga pira-pirasong plastic wrapper sa pugad. Ginagamit din pala iyon ng mga ibon.

 

Habang nag-aalmusal at nagkakape, nanood ako ng PBB. At before 9:30, gumawa na ako sa laptop. Sana makabuo ako ngayon ng isang akda. At sana maging productive ako maghapon.

 

Pagkatapos kong makapag-encode ng dalawang dates na journal/diary, sumulat ako ng isang chapter ng superhero novel ko na ‘Si Jess at ang mga Batang Alpha.” Maghapon hanggang 8:30 ng gabi ko ito ginawa. Naisingit ko ang pagbabasa ng Philippine mythologies, pag-idlip, at paggawa ng content tungkol sa namumugad na sunbird o tamsi sa aming garden.

 

Sa tingin ko, naging productive naman ako ngayong araw.

 

 

 

 

Mayo 8, 2025

Hindi ko alam kung nakatulog baa ko o hindi. Andami ko kasing panaginip na parang nakahiga lang ako. Bandang madaling araw lang naging unrealistic ang mga panaginip ko. At wala pang 7, gising na ako. Gustuhin ko mang matulog ulit hanggang 8, hindi na kinaya. Nag-workout na lang ako at nag-cell phone bago bumaba.

 

Dahil ready na ang almusal pagbaba ko, kumain at nagkape na lang ako habang nanonood ng PBB Collab. At bago mag-nine, gumawa na ako sa laptop. Sana maging produktibo ulit ako ngayon.

 

Habang nag-eencode ako, may tumawag kay Emily, mula sa Aklan. Bigla siyang umiyak at yumakap sa akin. Alam ko na agad ang masamang balita—patay na ang biyenan kong lalaki. Balak nilang umuwi roon ni Ion pagkatapos ng election kasi nga alam na nilang hindi na magtatagal pa ang buhay ng kaniyang ama at lolo ni Ion, pero hindi na sila nahintay nito. Nakakalungkot na balita.

 

Past 1, nakapag-post ako sa Inkitt ng isang chapter. Sapat na ito sa araw na ito. Naglaan naman ako ng panahon para manood ng movie at umidlip.

 

Gabi, pagdating ni Emily, nagbigay ako ng P5,000 para magamit nila ni Ion sa pag-uwi sa Aklan.

 

 

 

Mayo 9, 2025

Parang hindi na naman ako nakatulog kasi parang nasa eksena ako ng kuwento o nobelang plinano ko bago ako matulog. Hayun, parang nagsusulat ako habang natutulog. Kakaiba! Dahil ito amrahil sa excitement sa story idea.

 

Seven-thirty, nagwo-workout na ako. At past 8, bumaba na ako para simulan ang araw ko. Past 9, pagkatapos mag-almusal at manood ng PBB, nag-encode na ako. Pagkatapos makapag-encode ng isang date, nagsulat na ako ng supernatural novel na pinamagatan kong ‘Elias Maticas.’ Nagbasa muna ako tungkol sa ‘santigwar,’ saka ko tuluyang nabuo ang concept ko. Mahirap din sa una, pero nakaka-excite. Natututo pa ako sa mga nari-research ko.

 

Alas-kuwatro na ako nakapag-post ng isang chapter kasi lumabas pa ako, kumain, naligo, nag-edit, inantok, at umidlip. Success naman ang effort kong magsimula ng bagong nobela. Marami na akong nasimulang nobela, pero kakaunti pa lang ang natapos. Okey lang naman kaysa walang natapos. Makakapag-isa (stand-alone) naman ang ginagawa kong nobela. Ang bawat chapter ay maaari nang matawag na maikling kuwento. Kung madurugtungan ko ay mas mabuti.

 

Habang nanonood ng balita at teleserye, isinusulat ko naman ang Chapter 2 ng Elias Maticas. Past 9, inihinto ko na ang pagsusulat. Naka-500 words na ako.

 

 

 

 

Mayo 10, 2025

Mas mahaba-haba ang tulog ko ngayon kaysa kahapon. May mga panaginip pa rin naman akong ‘parang nagsusulat ng nobela,’ pero mas marami ang hindi. May mga pamilyar na tao rin akong napanaginipan.

 

Mahalaga sa akin ang panaginip, hindi lang dahil nagpapatunay ito na nakatulog ako, kundi dahil naghahatid ito ng mensahe mula sa Diyos. Naniniwala ako rito, gaya noong nagpadala siya ng panaginip kay Maria.

 

Eight-thirty na ako bumaba—pagkatapos mag-workout ng dalawang routine at mag-cell phone sandali.

 

Ready na ang almusal, kaya habang nag-aalmusal, nanonood ako ng PBB.

 

Quarter to 10, nagsimula na akong magsulat. Past 11 am, nakapag-post na ako. Natutuwa ako sa aking achievement at kakayahan. Kaya ko pa lang gawin o isulat ang mga naiisip kong ideya.

 

 

After lunch hanggang 5:30 pm, nanood lang ako sa YT. Nakadalawang dystopian movies ako. Nanood rin ako ng mga cooking and provincial life shows.

 

Nagdilig ako ng mga halaman bago nag-work out. Nakadalawang routine ko.

 

Six-forty, nanood ako ng PBB.

 

 

 

 

Mayo 11, 2025

Medyo maayos ang tulog ko ngayon. Sobrang init lang talaga kaya pabaling-baling ako. Mga past 8, bumaba na ako kasi sobrang init na sa kuwarto.

 

Nine am, humarap na ako sa laptop para magsulat. Nakapag-post na ako ng Mother’s Day greetings sa account ko at sa Sinag page.

 

Hindi naman ako masyadong nagsulat ng nobela. Nag-recycle lang ako ng mga chapters na na-recover ko sa Wattpad. Nakarami rin ako kahit naglaan ako ng oras para manood ng movie at umidlip.

 

Gabi, hindi ako nakapag-workout kasi nakipagkuwentuhan sa akin si Emily tungkol sa problema nila sa kanilang kamag-anak. Binigyan ko siya ng mga suggestions, words of encouragement, at ideas.

 

 

 

 

Mayo 12, 2025

Almost 12 na kami nakatulog kagabi. Nag-empake pa kasi ang mag-ina ko. Tapos, alas-tres pa lang, gising na ako. Sinubaybayan ko sila kasi baka nakalimutang mag-alarm. Boboto muna si Emily bago sila bumiyahe.

 

Past 4, pagkatapos kong mag-cell phone lang, bumaba ako para kumustahin sila. Binigyan ko uli siya ng P2,000. Ayaw ko silang kapusin sa pocket money. Napunta lang sa pamasahe sa RORO ang binigay kong P5,000 noong isang araw.

 

Mga 4:30, umalis na sila. Agad akong umakyat para matulog uli. Bago mag-8, gising na ako. Dali-dali akong nag-workout, saka bumaba.

 

Habang nag-aalmusal, nanood ako ng series. Nang matapos, naglinis muna ako sa sala at kuwarto ko. Nagpunas lang naman ako ng sahig. Mga 9:30, nag-encode ako ng diary ko.

 

Ten o’ clock, tumawag si Emily. Nag-stopover daw ang bus sa Pasay. Aniya, hindi raw siya pinayagang makaboto kaninang 5 am, kasabay ng mga seniors na ka-sister niya. Nasayang lang ang araw ng paghihintay nila rito, saka ang pagod sa pagpunta sa presinto. Haist! Hindi bale, sana ligtas silang makarating sa Altavas.  

 

Past 12, nakapag-post na ako ng isang chapter ng superhero novel ko. Puwede na akong mag-procrastinate maghapon- like movie marathon. Nalulungkot lang ako kasi hindi ko na nakikita ang sunbird na nagpugad sa may garden ko. Nagtampo siguro nang makita akong tiningnan ko ang pugad. Hindi ko naman iyon hinawakan. Iniingatan ko nga rin kapag nagdidilig ako. Sana bumalik iyon, at mangitlog na.

 

Nanood at umidlip nga lang ako simula 12:30 hanggang 5. Bandang 5, pagkatapos magmeryenda, nagdilig naman ako ng mga halaman. Hinihintay ko rin ang chat ni Sir Hermie. Sana yayain niya uli ako. Tinanong na niya ako noong birthday niya na kung gusto ko raw bang sumama sa probinsiya niya sa May 13. Sana mag-chat siya.

 

Hindi ako natulog agad kasi inantabayanan ko ang partial and unofficial tally votes ng mga kandidato. May mga nagdeklara na ng panalo.

 

 

 

Mayo 13, 2025

Past 7 nang magising ako. Aguuy! Sobrang init na.

 

Hindi na ako nakapag-workout kasi inuna ko ang pag-browse sa socmed. Interesado ako sa mga declaration ng winning candidates, gayundin sa top 12 ng senators.

 

Past 8, nakapag-almusal na ako. Inaantabayanan ko na lang ang imbitasyon sa akin ni Kapatid Hermie. Sana i-chat ako.

 

Nag-encode lang ako ng aking diary. Natapos ko na ang March 2009 bago mananghalian.

 

Wala na akong ginawa tungkol sa pagsusulat pagkatapos mag-lunch. Nanood na lang ako ng kung ano-ano sa YT, saka umidlip.

 

Bandang quarter to 4, nag-chat sa akin si Ma’am Mina. Aniya, kinukuha ako ni Sir Myron, EPS ng LRDMS ng Valenzuela City, na nakasama ko sa Palawan noong GTA 2024, bilang resource speaker sa division writeshop nila. Hindi na ako tumanggi. Sabi ko, my pleasure.

 

Sabi pa ni Ma’am Mina, sa June na raw ang writeshop ng Pasay. Kako, excited ako para sa division namin.

 

Malaking oportunidad na naman ito sa akin. Hindi ko akalaing mararanasan ko ang mga ito. Maraming salamat, Lord!

 

Gusto ko sanang mag-walking or running sa may Anyanna pero bandang 6 ng gabi, bumuhos ang ulan. Hindi na naman natuloy. Hindi nan ga ako chinat ni Sir Hermie, hindi pa ako nakaalis. Haist!

 

Gabi, habang nanonood ako ng PBB, nag-videocall si Emily. Ipinakausap ako sa pinsan niyang si Anthony. Lasing ito, kaya medyo makulit. Baka hindi rin niya ako nakilala o namukhaan. Pero niyayaya niya akong umuwi roon.

 

Matagal din ang tawag na iyon, kaya ginabi na ako nang husto bago antukin. Tinapos ko pa ang PBB.

 

 

 

 

Mayo 14, 2025

Ang sarap ng tulog ko kahit hanggang quarter to five nakabukas ang ilaw. Andami naman kasing lamok na namemeste kapag naka-off ang ilaw. Kahit pa magpatay ako ng lamok bago matulog, gamit ang rechargeable racket, andami pa ring nakatago.

Kaya, hayun, nateknikan ko.

 

Past 8, na ako bumaba para maghanda ng almusal kasi nag-workout pa ako. Dalawang routine uli ang ginawa ko. Kahit ganoon, may nakikita akong development. Slow development is still development.

 

Past 9, pagkatapos mag-almusal, nag-start na akong mag-encode ng diary, dated April 2009. Tinapos ko lang hanggang April 5, saka ako nag-encode ng recovered chapter from Wattpad. Past 12 ko na iyon natapos.

 

Past 6, nakapag-post ako ng isang chapter ng nobela sa Inkitt. Siyempre, natagalan dahil nanood ako sa YT at umidlip din ako.

 

Past 6:30, pumunta ako sa Anyanna. Natuloy rin ako sa wakas. Nag-brisk walking lang ako. Wala pa ngang 15 mionutes, naroon ako. Ni hindi ako hiningal. Tapos, hindi rin ako nagtagal doon. Tiningnan ko lang ang lugar, at pinagmasdan ko ang mga taong nag-eexercise. Maganda naman ang lugar. Malawak. Mahangin. Maaliwalas. Ang sarap mag-stargazing sa damuhan doon. Pero mas masaya kung may mga kasama.

 

Umuwi rin ako agad after 15 minutes na pag-stay roon. Nag-grocery muna ako sa Dali. Kaya mga 8, nasa bahay na ako.

 

 

 

Mayo 15, 2025

Seven-thirty, gising na ako. Mainit na, kaya nag-decide na akong gumising. Pero nag-exercise muna ako bago bumaba.

 

Bago mag-8:40, nakapag-almusal na ako. Ready na akong gumawa ng mga usual na gawain sa laptop—encoding and writing literary pieces.

 

Quarter to 11, nakapag-post na ako ng isang chapter sa Inkitt. Yahoo! Puwede na akong magliwaliw ngayong araw.

 

At past 11:30, umalis nga ako para mag-withdraw. Sa Rosario ako pumunta kasi balak ko ring bumili ng pet fish sa night market doon.

 

Pumili muna ako nang matagal sa Landbank, saka naghanap na ako ng makakainan. Nahirapan ako kasi nawala na ang mga karinderya doon. So, sa SM ako naghanap. Kaya lang, hindi ko feel ang mga pagkain. Puro chicken. Isa pa, hindi praktikal. Kaya lumabas uli ako at naghanap ng karinderya. Mabuti, may nakita ako. Sa worth P75, busog na ako.

 

Bumalik ako sa SM para magpalamig at tumambay. Alas-3 pa kasi ang bukas ng night market.

 

Ang hirap lang sa SM-Rosario —walang upuan. Pinaalis pa nga ako ng lady guard nang umupo ako sa may display o photobooth.

 

Wala pang 2, lumabas na ako sa mall na `yon, pero tumambay ako sa labas. Mabuti pa roon, may upuan. Maalinsangan nga lang. Past 2:30, pumunta na ako sa venue ng night market. Sakto lang ang dating ko. May mga nakalatag na, pero wala roon ang tindahan ng isda. Naiinisa ko! Sayang lang ang pamasahe, oras, at effort ko. Ang init pa naman!

 

Umuwi na lang ako. Mga 3:30, nasa bahay na ako. Wala pa rin akong alagang isda, Hu hu.

 

Sinikap kong makatulog dahil sa pagod. Kahit paano ay nakaidlip naman ako bago ako nagmeryenda at nagdilig ng mga halaman bandang 5:30.

 

Past 6:30, lumabas ako para mamili ng pagkain. Nakapag-post muna ako sa Inkitt ng isang chapter ng nobela. Mabilis ko lang nagawa kasi ginamit ko ang isang recovered chapter, bilang memory ng character.

 

Pagkatapos manood ng BQ, nagsulat uli ako ng nobela. Ginamit ko uli ang isang recovered chapter. Hindi ko nga lang natapos i-edit.

 

 

 

Mayo 16, 2025

Bandang 7:30, nagising na ako mula sa panaginip ko, kung saan panay ang shower ko. Nakita ko roon ang dalawang teacher na kadibisyon ko. Namukhaan ko ang isa. Gumising na ako kasi ang banyo ay naging open. Nakikita ako ng dalawa habang naliligo, at habang sila ay nagkakape.

 

Bago mag-eight, nagawa ko na ang dalawang routine.

 

Bago mag-nine, nagsusulat na ako. Nakapag-almusal na rin.

 

Past 11:30, lumabas ako para mamalengke. Nag-crave ako sa nilagang baboy, kaya bumili ako ng liempo, saka mga pansahog. Hayun! Solb ang lunch ko.

 

Past 3 ko na nai-post ang isang chapter ng nobela ko.

 

Past 5, Nakagawa ako ng content tungkol sa itlog ng sunbird sa garden namin. Ikinukuwento ko kung paano ko nadiskubre ang itlog at kung paano nadagdagan at huminto sa pangingitlog. 

 

At 5:10, nagsulat uli ako ng nobela para sa Inkitt. Nais kong samantalahin ang dumadaloy na ideya sa utak ko. Bago mag-PBB, nakapag-post pa ako ng isang chapter.

 

 

 

 

Mayo 17, 2025

Naalimpungatan ako bandang 7:10. Akala ko, kumakatok si Herming sa backdoor. Pinakinggan ko nang mabuti, pero hindi naman pala. Gustuhin ko mang matulog muli, hindi na kaya.

 

Past 7:30, nasa baba na ako—naghahanda ng almusal.

 

Pasado alas-11, nakapag-post ako ng isang chapter ng Elias Maticas. Nag-workout ako habang nagsusulat kasi hindi ko natapos kanina bago ako bumaba.

 

Bago mag-lunch, nagsimula naman akong magsulat ng nobela para sa Inkitt. Dumadaloy pa rin ang ideya sa utak ko, kaya kailangan kong itipa. Alas-9 ng gabi na ako nakapag-post ng isang chapter kasi nanood ako, umidlip, nag-workout, at gumawa ng mga gawaing-bahay.

 

Ngayong gabi, inimbitahan ko ako ni Epr, sa chat. Para dumalo sa 7th birthday ng inaanak kong si Steele Heart sa May 26. Bibiyahe kami sa May 24 ng gabi patungong Lopez, Quezon. Nag-commit agad ako kasi last year, dumalo rin ako.

 

Maya-maya, nag-chat naman si Judy. Next month na lang daw nila bayaran ang P3k na utang nila kasi nakalaan na sa party ang pera nila. Pagkatapos, nag-send siya ng birthday invitation. Mukhang bongga ang party! Isa ako sa mga ‘7 Bills.’ Naku, automatic na ang blue bill ko nito. Hindi bale, memorable naman ang event. Hindi ko puwedeng tanggihan at balewalain.

 

 

 

Mayo 18, 2025

Bago ako bumaba, before 8:00, naisagawa ko na ang tatlong routine ng exercise para hindi na ako tamarin. At bago mag-9:00, nasa harap na ako ng laptop para magsulat.

 

Six o’ clock na ako nakapag-post ng isang chapter. Dumaloy naman ang ideya sa utak ko, kaya lang mas pinili kong magpahinga nang magpahinga pagkatapos makapagsulat ng ilang talata. Nanood ako ng isang movie sa YT, saka mga cooking shows.

 

Pagkatapos manood ng PBB, nagsulat uli ako. Hindi muna ako nag-dinner. Nakapag-workout na rin ako. Hindi ko na natapos ang isang chapter, pero almost done na. Antok na ako bandang 10, kaya umakyat na ako.

 

 

 

 

Mayo 19, 2025

Past 7:45 na ako nagising. Agad kong ginawa ang routine ko, saka ako bumaba para maghanda ng almusal. At wala pang 8:45, nagsusulat na ako.

 

 

Bago ako nagluto ng ulam na pang-lunch, natapos ko na ang isang chapter na isinulat ko kahapon. Then, bago ako umalis—bandang 2 pm, nakapag-post pa ako ng isang chapter sa Inkitt. Grabe! Inspired ako ngayon magsulat ng nobela.

 

Nag-deposit muna ako sa BDO account ng may-ari ng lupa na binili ko sa San Juan, Batangas. Medyo natagalan ako kasi marami ang nauna sa pila. Nang matapos, pumunta ako sa SM Tanza para bumili ng Barbie doll na ireregalo kay Steelle Heart sa kaniyang 7th birthday. Bukod sa blue bill, dapat may gift pa para mas memorable ang event na iyon para sa kaniya.

 

Bago ako umuwi, naglibot-libot muna ako sa mall. Second time ko lang kasi roon. Noong unang beses, hindi naman ako nakalibot kasi dumating agad si Bernard at ang Mama niya para kumain kami. Tapos, umalis na kami pagkakain para mag-overnight sa Ternate.

 

Magpo-four na ako umuwi sa bahay. Hindi ako kumain o uminom ni anoman doon. Sa bahay na ako nagmeryenda. Sayang kasi ang pera. Iwas muna ako sa mga gastusin.

 

Pagkatapos kong umidlip—mga 6, nagdilig ako ng mga halaman.

 

Past 6:30, nagsulat uli ako ng isang pang chapter. Bago mag-10 pm, nai-post ko na iyon sa Inkitt.

 

 

 

Mayo 20, 2025

Medyo nahirapan akong makatulog kagabi. Past 12 na, gising pa ako—pabaling-baling dahil sa alinsangan. Ang init ng mga unan at kutson ko. Pagkatapos, nagising pa ako nang maaga—mga 7:17.

 

Ayaw ko sanang mag-workout bago bumaba kasi maglalaba ako ng mga labahang damit na iniwan ng mag-ina ko, saka ang aking mga shorts, kaya lang naisip kong sayang ang pagkakataon. Isa pa, masisira ang nasimulan ko. Habang bakasyon pa, sige lang. Kahit paano ay may nakikita akong pagbabago sa katawan ko.

 

Habang nag-iinit ng tubig na pangkape, nagsimula na ako sa paglalaba. Kaya bandang 9:11, nakapagsampay na ako. Agad rin akong humarap sa laptop para gumawa—mag-encode at magsulat.

 

Bandang 11 am, Nakita ko sa FB ang post ng CPMA. Sa June 30 na ang deadline of submission. Agad kong chinat si Ma’am Joann at hinikayat siyang sumali rin. Matagal-tagal din kaming nag-chat kasi pinag-usapan pa namin ang paghihikayat sa iba pa naming mga kaguro.

 

Nagbasa rin ako ng mga winning entries ng maikling kuwento at kuwentong pambata upang makakuha ako ng ideya kung ano-ano ang winnable articles.

 

Quarter to 3, natapos ko naman ang isang chapter ng superhero novel ko. Pagkatapos niyon, umidlip uli ako.

 

Six-thirty, nakapagsulat at nakapag-post uli ako ng isa pang nobela sa Inkitt. At habang nanonood, nagsulat pa ako. Hindi ko nga lang natapos.

 

 

 

Mayo 21, 2025

Past 8:20 na ako nagising. Sinadya kong magpa-late ng gising kasi hindi tuloy-tuloy ang tulog ko. Para akong inaasuwang. Binuksan ko nga ang ilaw bandang 3 am.

 

Plano ko sanang maglaba ngayon, pero tinamad ako. Hindi rin ako nakapag-workout bago bumaba. Naghanda agad ako ng almusal.

 

Past 9, pagkatapos mag-almusal, nagsulat na ako. Andami kong gustong isulat. Sana magawa ko ngayong araw.

 

Eleven: thirty, nakapag-post na ako ng isang chapter sa Inkitt. Lumabas naman ako para bumili ng ulam at para mag-grocery nang kaunti.

 

Nag-ring nga pala ang cell phone ko, bandang 10:30, habang nagwo-workout ako. Ang principal ko pala ang tumatawag. Hindi ko sinagot. Hindi naman siya nag-chat muna bago tumawag. Hinintay ko naman ang chat, wala naman. Siguro, napindot lang niya.

 

Pagkatapos mag-lunch, inantok ako, kaya pinagbigyan ko. Almost 2 pm na ako nakaligo. Pagkaligo, umidlip lang ako. Nanood ako ng vlogs bago ako nagmeryenda at nagdilig ng mga halaman. Five:thirty na ako natapos. Sarap ng buhay habang bakasyon.

 

Nagsulat naman ako ng nobela para sa Inkitt, este natulog. Inantok kasi ako. Hayun, kahit paano nakatulog ako hanggang past 6. Madilim na nang dumaloy ang ideya sa utak ko. At bandang 8:30, nai-post ko ang isa pang chapter.

 

Pagkatapos kumain, at habang nanonood ng BQ, nagsimula uli ako ng isa pang chapter. Inspired ako ngayon magsulat kasi nalalapit na ang pagtatapos ng bakasyon. Siguradong mapapabayaan ko na naman ang pag-update.

 

Bago natapos ang pinanonood kong PBB, nakatapos na naman ako ng isang chapter.

 

 

 

Mayo 22, 2025

Quarter to 8 na ako nagising. Isinagawa ko muna ang tatlong routines ko bago ako bumaba para maghanda ng almusal. Habang nag-aalmusal, nakapagsalang na ako ng mga labahan—labahan nina Emily at Zillion. Apat na piraso lang ang damit ko roon.

 

Past 10, nasa harap na ako ng laptop para magsulat. Ala-una, bago ako nag-lunch, tapos ko na ang isang chapter ng Elias Maticas. Iyon ang ikaapat na chapter. Nakakatuwa kasi unti-unti nang nabubuhay ang nobela.

 

Past 2, pagkatapos umidlip at maligo, naisipan ko namang magsulat para sa Inkitt. Nahirapan lang akong mag-conceptualize. Hindi pa dumadaloy ang ideya sa utak ko, kaya nanood muna ako ng mga vlogs tungkol sa mga artistang may farm, gayundin ng mga success stories. Past 6 na ako nakapagsimula. At past 9 na ako nakabuo ng isang chapter.

 

 

 

 

Mayo 23, 2025

Hindi ko nagawa ang daily routine ko bago ako bumaba bandang pasado 8:00. Tinamad ako kasi sobrang init na.

 

Bago nga ako nakapaghanda ng almusal, nagtapon pa ako ng basura kasi dumating ang dump truck. Nagwalis na rin ako sa labas.

 

Past 9:00, humarap na ako sa laptop. After one and a half hours, nakapag-post na ako ng isang chapter. Ang sarap magsulat. Nakakagigil! Pero pagkatapos mamanghalian, naglaan ako ng oras para matulog at manood ng YT. Gabi na ako nakapagsulat ulit. At bandang 9 ng gabi, nai-post ko ang Chapter 148 sa Inkitt.

 

Habang naghihintay sa PBB, nagsulat ulit ako. Chapter 149 na!

 

 

 

 

Mayo 24, 2025

Medyo nahirapan akong matulog dahil sa mga panaginip kong parang nag-iisip lang ako. Kaya nang magising ako bandang 6:00, natulog uli ako hanggang 7:20. Hindi na muna ako nag-exercise. Agad akong bumaba para maghanda ng almusal.

 

Past 9, humarap na ako sa laptop para mag-encode at magsulat. Past 10 ko na natapos ang isang chapter ng nobela sa Inkitt. Nag-workout na ako bago ako lumabas para bumili ng ulam.

 

Tumawag pala sa akin si Ma’am Vi kasi may plano siyang lumipat ng grade level kapag sinabihan siya ng principal. Siyempre ayaw naming mangyari iyon, though willing siya, lalo na’t nagsisiayawan ang iba.

 

Pasado 3:30, umalis na ako sa bahay. Ngayon ako bibiyahe patungong Lopez, Quezon, kasama ang mag-asawang Epr at Judy para dumalo sa 7th birthday ng kanilang anak.

 

Estimated ko na ang oras ng biyahe para hindi ako mahuli sa usapang 7 pm. Kaya lang, papunta pa lang sa PITX, traffic na. Kumain pa ako roon ng pinagsamang meryenda at hapunan.

 

Pumila ako sa LRT Line 1, pero wala palang Pureza doon. Nakalimutan ko kung saan, pero alam kong meron. Kaya naalarma ako. Ang hina pa naman ng data ko, hindi ko ma-search. Pumunta pa ako sa MRT, at saka bumaba para maghanap ng rider na maghahatid sa akin sa A&B Liner. Dalawa ang tumanggi sa akin. Hayun, naalala ko na at na-research ko na! Line 1 muna ako hanggang Doroteo Jose. Then, Line 2 naman.

 

Quarter to 7 na nang nakasakay ako. Andaming nangyari bago ako nakasakay. At nang bumaba pa ako, kinain lang ang card, pero hindi nagbukas. Mabuti, may nakita akong staff. Pinapasok na ako.

 

Sa Recto station na ako nang nag-chat si Epr. Seven: thirty na lang daw kami sa bus station. Saved by the bell.

 

Wala pang 7:30, nakita ko na sila roon. Bandang 7:40, lumarga na ang bus.

 

'Salamat, Lord! Ingatan mo po kami. Gawin mo pong masaya ang birthday celebration ni Heart. Amen!"

 

 

 

Mayo 25, 2025

Ang tagal ng biyahe. Six hours. Kaya 2:45 am na kami nakarating sa kanila.

 

Nagkape ang kami then pinahiga na ako ni Epr sa isang kuwarto na may airbed. Hindi masyado napahangin, pero ayos lang. Nakatulog naman ako hanggang past 7.

 

Nagkape at kumain lang ako ng pandesal --sabay kami ni Epr, saka ako naglakad-lakad panorte ng bahay nila. Gusto kong makapag-video ng pam-vlog. siyempre, hindi ako nabigo. Andami kong nakuhaan, gaya ng anahaw, lubi-lubi, makahiya, at marami pang iba.

 

Pagbalik ko-- mga past 10, may almusal na pansit.  Kaunti na lang ang nakain ko kasi kumain ako sa daan ng ibos ay uminom ng melon juice, worth P15 lang. Worth it!

 

Nag-chat kami ni Emily at nagkumustuhan. Medyo maayos na ang sitwasyon nila. Nakapagpahinga na raw sila, at nakapagligpit.

 

Past 1 na kami nag-lunch. Busy ang lahat.

 

Past 3, nakaligo na ako. Nag-igib ako ng pampaligo ko sa poso. Pagkatapos inigiban ko rin ang tatlong timba.

 

Last year, maulan dito. Ngayon naman sobrang init. Medyo okey ang mainit kasi hindi maputik.

 

Past 4, naglakad-lakad uli ako. Pa-south naman. Kaunti lang ang videos na nakuha ko.

 

Pagbalik ko, nakita ako ni Heart at pinsan niyang si Angel, sa tindahan nila ng mga prutas at gulay. Tumambay kami roon saglit. Nakipagkuwentuhan ako sa kanila bago kami umuwi.

 

Dahil.maliwanag pa, nahlakad ulit ako sa nilakaran ko kaninang umaga. Mabilis lang ako at malapit lang kasi madilim na. Sinalubong uli ako ng magpinsan.

 

Pinameryenda ako ni Epr ng cake at softdrink pagdating ko. Nag-siomai na rin naman ako kanina sa daan.

 

Dahil wala naman akong maitulong sa loob, tumambay na lang ako sa labas.

 

Dahil kumakati ang paa ko, umalis na naman ako para mag-explore. Binaybay ko ang daan patungo sa Brgy. Kinalin Ilaya. Parang pamilyar ang lugar. Nakaka-miss ang provincial life. Andami kong ginawa sa daan. Umakyat sa burol.  Naghanap ng bato. Siyempre, nag-picture at nag-video. Kahit past 10:30 akong nagsimula  hindi ko masyadong ramdam ang init dahil marami namang puno, especially niyog.

 

Hindi pa sana ako uuwi, kaso hinabol ako ng gansa. Pero imbes na matakot, natuwa ako kasi na-video-han ko.

 

Mga past 11 na ako dumating. Tumambay uli ako sa may tindahan ng pakwan. Wala nang lunch kaya nagutuman ako. Hinintay ko na lang ang party.

 

Past 2, naligo na ako kasi may mga bisita na.

 

Past 3, bumuhos pa ang malakas na ulam. Hassle talaga. Maputik. Andami pa namang bisita. May nasa kabilang kalsada na nga. Sabi ng mag-asawa, ako raw ang mag-host. Mabuti na lang, may umako ng aking task. Hindi ako handa. Pero ako ang nag-lead ng prayer.

 

Almost na ako nakakain. Very late lunch. Very early dinner. Sumakit talaga ang sikmura ko. Kaya nang niyaya ko si Epr na mag-inom ng Alfonso, ang sakit ng tiyan ko. Pakiramdam ko, bloated ako. Pero sinige ko ang pakikipag-inuman hanggang sa dumami na kami. Nagkantahan pa sila.

 

Past one, kami na lang ni Pareng Harold ang natira. Pagkatapos ng isang kanta, nag-off na kami ng ilaw sa labas at karaoke para makatulog na ang mga tao sa paligid. Kahit gusto pa niyang kumanta, napilitan siyang sumunod sa akin. Lasing na rin kasi ako.

 

Kakaibang experience ito!

 

 

 

Mayo 27, 2025

Alas-sais, bumaba ako para umihi. Natulog uli ako hanggang 7. Agad akong nag-explore kasi umaalburoto ang tiyan ko. Ayaw kong magbanyo doon kasi mga gising na sila.

 

Pumunta ako sa pinakamalapit na kapunuan para mag-release. At nagtagumpay ako. Kaya lang, confirmed-- nagda-diarrhea na naman ako. Hindi ako puwedeng bumiyahe kasi last year, nasira din ang tiyan ko. Muntikan na akong maabutan sa bus. Twice akong nag-poop noon. Nakakabuwisit talaga ang tiyan ko!

 

Nag-igib muna ako sa poso kasi walang laman ang drum sa banyo. Nakaapat akong balde, nang kinuha ni Epr. Siya na lang daw.

 

Past 8 na ako nakapag-almusal. Gutom na ako kaya naglakas-loob na akong makisalo sa kanila, kahit tulog pa sina Epr at Judy.

 

Past 9, pumunta kami si Pareng Harold sa Matinik Beach sa bandang norte. Malapit ko na palang marating iyon noong May 25. Kaunting lakad na lang sana.

 

Hindi sandy ang beach na iyon kasi hindi maalon. Hindi maalon kasi napapaligiran iyon ng mga bundok. At hibas pa, kaya kita namin ang mga matutulis na bato o lime. Naligo agad kami habang hindi pa tirik ang araw. Mabilis lang kaming nagbabad. Uminom kami ng isang bote ng beer grande, saka umuwi. Parang wala lang. Bitin.

 

Past 11 na ako nakauwi. Gising na ang mag-asawa. Nakipagkuwentuhan muna ako bago ako nagbanlaw.

 

Inantok ako kahit hindi pa nag-lunch. Irregular ang kain dito dahil sa pagod at puyat. Alas-2 na ako niyaya ni Epr para kumain.

 

Bandang 3:30, dinalhan naman ako ni Angel ng cake at Coke. Sakto ang meryenda.

 

Quarter to 5, umalis sina Judy at ang mama niya. May checkup ang huli sa Lucena dahil one month ago, naoperahan ito sa matris. Mag-oovernight sila doon para pumila. Bukas pa sila makakabalik.

 

Dahil invited ako ni Pareng Harold at sinabihan ako ng mag-asawa na bukas na umuwi kasi pista ngayon at may sayawan mamayang gabi, pumayag na ako. Isa pa, hindi talaga kaya ng tiyan ko. In fact, pag-alis nila, nagbanyo na naman ako. Sana umokey na ako.

 

Bandang 5, nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko. Para akong tratrangkasuhin. Parang gusto kong magpahilot.

 

Bago kami nag-dinner, tumambay ako sa room nina Heart. Nakipaglaro ako sa dalawang bata saglit.

 

Past 8, pumunta ako sa sayawan. Sa may highway lang ako. Naalala ko ang sayawan sa Polot.

 

Niyaya ako ni Pareng Harold, pero hindi ako lumapit. Nag-inuman sila. At dahil parang lalagnatin ako, umuwi na ako bandang 10.

 

 

 

Mayo 28, 2025

Past 7:30, bumangon na ako. Ilang minuto ang lumipas, nakita ako ni Epr na gising na kapag pinainom na niya ako ng chocolate drink. Wala raw kasing kape. Sa may tindahan ako ng pakwan, uminom.

 

Pagkatapos, naglakad-lakad ako patungong norte. Alam kung hindi agad kami makakapag-almusal kaya kahit umaambon ay naghanap ako ng makakainan. Sa di-kalayuan, nakakita ako ng nagtiinda ng lugaw. Sakto, umuulan kaya nagpatila na rin ako roon.

 

Bandang 9, bumalik ako sa Brgy. Kinalin. Hindi ko nga lang nalampasan ang una kong narating kasi umulan. Sumilong muna ako sa sirang kubo. Doon, aalala ko ang bahay sa Polot. Tumutulo kapag umuulan. Nakakalungkot.

 

Dahil sa pagod, nakatulog ako hanggang past 1:30. Hindi ako nag-lunch dahil masama nga ang lagay ng tiyan ko.

 

Past 2, pagkatapos maligo, naglakad-lakad ako. Bumili ako ng Gatoride at crackers. Sana umokey na ako. Nakauwi ako bandang 5. Nagkape naman ako at kumain uli ng crackers.

 

Dumating na sina Judy bandang 5:30. Sana makaalis kami nang maaga. Bago mag-7, nakapag-dinner na kami. At past 8, umalis na kami. Natagalan lang kami sa paghintay ng bus sa bayan. Pero okey lang kasi nagkuwentuhan naman kami.

 

Past 9:30 na kami nakasakay. Mabuti nakaupo kami agad kasi may bumaba. At hayun nga, sinubukan kong matulog. Nagigising lang ako kapag may bababa kasi binubuksan ang ilaw. Pero thankful ako kasi hindi na umariba ang diarrhea. Nakatulong marahil ang ininom kong Gatoride at kinain kong crackers.

 

 

 

Mayo 29, 2025

Past 3:30, nakarating na kami sa bus terminal ng A&B Liner sa Sampaloc, Manila. Agad rin akong nagpaalam sa dalawa at nakasakay na ng dyip patungong Quiapo. Doon medyo natagalan ako sa paghihintay ng bus patungong PITX. Kaya 5:20 na ako nakarating sa bahay.

 

Agad kong tiningnan ang pugad ng sunbird. Natuwa ako kasi napisa na ang dalawang itlog. Buhay na buhay ang dalawang inakay.

 

Hinanap ko rin si Herming pagpasok ko. Wala siya.

 

Nagdilig muna ako ng mga halaman kasi marami na ang nalalanta. Parang hindi umulan dito habang wala ako.

 

Pagkatapos mag-almusal, sinikap kong makatulog. Nanaginip pa nga ako, pero hindi na ako nakabalik sa pagtulog. Nanood na lang ako ng PBB.

 

Bandang 9, dumating na si Herming. Miss na miss niya ako. Sinungkal-sungkal niya ang ulo ko.

 

Na-miss ko rin ang pag-workout. Pakiramdam ko, umimpis na naman ako dahil sa panandaliang pagkatigil nito. Ang tangi ko lang exercise sa Brgy. Concepcion, Lopez, Quezon ay walking. Kaya, isinagawa ko ang ilang routine.

 

Maghapon akong umidlip at nanood. Pinanood ko ang PBB episodes sa umaga at ang live ng GTA Forum 2025 sa hapon. Sa gabi naman, nanood ako ng mga na-miss kong BQ episodes.

 

 

 

 

May 30, 2025

Eight-thirty na ako nagising. Ang sarap matulog! Sa wakas, nakabawi na ako ng puyat. Nakatulong ang lamig ng panahon sa umaga. Noong nakaraang linggo, ang init na agad kahit 6 am pa lang.

 

Past 10, pagkatapos mag-almusal, umalis ako patungong SM Bacoor. Imi-meet ko si Sir Mark ng MMES. Tagal nang magyayaya iyon para kumain. Pinagbigyan ko na.

 

Nag-SM Bacoor Mc Do lang kami. Pagkatapos naming kumain at magkuwentuhan—bandang 2:15, pumasok ako sa department store para bumili ng payong. Andami ko nang nabuksang payong, pero biglang nagbago ang isip ko. Kako, mumurahing payong na lang ang bibilhin ko kasi parang mas matagal pa ang buhay. Hindi rin nakakapanghinayang masyado kapag naiwanan o nawala.

 

Sa halip na payong, mga children’s books ng binili ko. Pumasok ako sa BookSale at namili ng tig-10 hanggang P35 na books. Nakabili ako ng 35 pieces, worth P825. Tuwang-tuwa na naman ang puso ko kasi may maidaragdag na naman ako sa bookshelves ko. At andami ko na namang mapagkukunan ng story and illustration idea.

 

Nang pauwi na ako, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagkaproblema tuloy ako sa mga nabili kong books. Nasa paper bag lang ang mga iyon. Parang gusto kong magsisi kung bakit hindi ako bumili ng payong. Hayun! Pagbaba sa minibus, kinailangan kong maghintay na tumila ang ulan, bago ako nakatawid sa kalsada. Nag-special na tricycle na rin ako pauwi.

 

Pagdating sa bahay, nagkape ako at nanood uli ng GTA Forum 2025. Storytelling naman ang topic. Gustong-gusto ko rin ang paksang iyon dahil ginagawa ko ito palagi sa klase. 

 

 

 

 

Mayo 31, 2025

Ang sarap sanang matulog, pero hanggang 7:20 lang ang ginusto ko. Kailangan kong maglaba.

 

Bago ako bumaba, nag-workout muna ako. Tatlong routines ang ginawa ko.

 

Eight-eighteen, nag-aalmusal na ako. Agad ko namang sinimulan ang paglalaba. Kaya mga 9:45, nasa harap na ako ng laptop. Gusto kong magsulat nang magsulat kasi alam kong kapag may pasok na, hindi ko na ito masyadong magagawa.

 

Nagda-diarrhea pa rin pala ako ngayon. Kahapon nga, inabutan ako sa BookSale habang namimili ng books. Ano kaya ang nangyayari sa akin?

 

Maghapon akong nagsulat, pero may mga interruptions—gaya ng pamimili, pagluluto, pagso-socmed, pag-idlip, at iba pa.

 

Past 5, hindi pa rin ako tapos ng isang chapter. Lumabas ako para mag-withdraw ng sahod. Mabilis sana akong nakarating sa municipal hall sa paglalakad lang, kaya lang inabutan ako ng ulan pabalik. Hayun! Stranded ako ng ilang minuto. Kailangan ko pang magpa-cash in para pambahay sa house and lot amortization. Doon ako naabutan ng napakalakas na ulan. Parang ayaw huminto, kaya napilitan akong suungin iyon nang mahina-hina na. Past 7, nasa bahay na ako.

 

Naligo agad ako, bago kumain. Mabuti, iinitin na lang ang kanin at ulam.

 

Nine-thirty, nai-post ko na sa Inkitt ang chapter 150. Haist! Hindi ako productive ngayong araw. Babawi ako bukas.

 

 

Takbo!

Takbo!   Tumakbo tayo para sa kalusugan Ngunit huwag nating takbuhan Ang problemang pinagdaraanan Bagkus harapin nang buong katapa...