Followers

Sunday, August 31, 2025

Magkawangis

 Kay sarap sanang maglakad-lakad

Tumulay-tulay sa ibabaw ng kanal

Ngunit mga basura ang matatanaw,

Nakalulungkot, para akong sinasakal.

 

Sariling disiplina ay ipinagkakait

Basura ay hindi kayang maimis

Naghahangad ng gobyernong malinis

Subalit wala namang sariling bait.

 

Sabi nga, “Cleanliness is next to godliness.”

Naroon ang Diyos sa paligid na malinis

Kabanalan at kalinisan ay magkapatid

Ang masama at marumi nama ‘y magkawangis.

 

 

 

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Setyembre 2026

  Setyembre  1, 2026 Ilang araw din akong nagigising nang late, kaya nang nagising ako bandang 3 am kanina, parang gusto ko pang bumalik s...