Followers

Sunday, August 31, 2025

Ang Aking Journal -- Agosto 2025

 Agosto 1, 2025

Nagpa-summative test ako sa lahat ng section. Sa wakas, na-meet ko na ang Faith. Hindi pa rin sila nagbago. Inaabangan pa rin nila ako.

 

Napakasarap sa pakiramdam ang hindi masyadong stress sa mga klase. Sana palagi na lang may test para makaiwas sa makukulit na estudyante. Behave sila kapag ganoon. May takot sila kahit paano.

 

Mas na-stress ako sa chat ni Ma’am Cristina kagabi, na kaninang umaga ko lang nabasa. Hindi lang pala isa ang naulit, at kailangan kong palitan, kundi dalawa. Nakakainis talaga siya!    

 

Pagkatapos ng klase, nagpa-spelling ako sa Sikap para makakuha ako ng mga larawan, nagagamitin ko sa paggawa ng MOV.

 

Then, naglinis at nag-reorganize ako ng classroom. Kaya lang may journalism training kami. Past 3 na kami natapos.

 

Masaya naman ako sa naging resulta niyon. Nailabas ko ang aking saloobin at damdamin--- tampo, inis, at pagkabigo sa nakaraang journalism, gayundin sa mga co-trainers ko. At dahil doon, nag-come up kami sa magandang usapan. Nangako silang hindi lamang pang-contest ang campus journalism ng Sinag. Tutulong sila sa collaborative publishing team.

 

Pagkatapos ng meeting, tinapos ko ang pag-setup ng reading corner sa classroom ko. Grabe, pinagpawisan ako. Pero worth it naman. Simply amazing! Matutuwa ng VI-Love sa Monday, sigurado ako.

 

Past 3:30 na ako nakapag-out sa GES. Nagpa-cash in muna ako para i-send kay Hanna. Start na raw ang klase niya sa Monday. Third year college na siya.

 

Nag-cash in din ako ng pambayad sa Pagibig.

 

Past 6, nasa bahay na ako. Mabuti, may tinapay kasi gutom na gutom ako. Nagmeryenda muna ako bago nag-isa-isa ng mga isinulat kong aralin para sa Karunungan textbook. At nadiskubre ko na may dalawang aralin, na hindi naisama sa layout. Bukod pa ang hiningi niyang isang aralin.

 

Nag-chat ako sa kaniya tungkol sa nadiskubre ko. Kung papayagan niya akong gamitin iyon, hindi na ako susulat pa. Kaya inayos ko na para kapag pumayag siya, nakahanda na.

 

Pagkatapos manood ng BQ, nag-finalize ako ng Yunit 2. Bago mag-9:30, ready na for submission ang Yunit 2. Hindi pa nagre-reply si Ma’am Cristina. Antok na ako.

 

 

 

 

Agosto 2, 2025

Alas-8 na ako nagising. Sulit! Nakabawi ako ng puyat mula sa limang araw na pagpasok nang maaga at pag-uwi nang late.

 

Pagkatapos kong mag-almusal, pinokusan ko si Ma’am Cristina. Muntikan pa niyang i-reject ang proposal ko. At gusto pa niyang ipamigay ang isang aralin. Wow, ha! Hiningi na nga niya ang isa. Mabuti na lang, hindi na niya ako pinagsulat pa ng iba. Sabi ko, “Sana okey na po.” Nag-heart lang siya.

 

Pagkatapos ng nakaka-stress na problema, nagpokus naman ako sap ag-encode at pag-post ng mga napili kong akda ng mga Grade 6-Peace. Nag-post din ako ng mga akdang bagong sulat ko, gayundin ang mga nakuha ko sa mga aralin sa Karungan textbook. Marami na akong koleksiyon ng Alamat.

 

Hapon, nag-translate ako ng isa kong kuwentong pambata, gamit ang Bikolnon ng Bulan, Sorsogon. Isasali ko iyon sa patimpalak, na ang prize ay libreng writeshop sa Iloilo. Hinikayat ko rin sina Ma’am Mel at Ma’am Joann. Pina-translate ko nga rin iyon kay Ma’am Mel para may comparison ako. Hindi kasi ako sanay sa aming lengguwahe.

 

Past 5, naglakad kami ni Emily patungo sa may SM para bumili sana ng kurtina. Pero hindi ko nagustuhan ang mga kurtina roon. Throw pillow lang ang nabili namin. Naghanap din kami ng mineral oil sa Watson, pero wala.

 

Past 7:30 na kami nakauwi.  

 

 

 

Agosto 3, 2025

Mas maaga akong nagising ngayong araw. Ginusto kong matulog uli, pero hindi ko na nagawa. Sa halip, nag-workout muna ako.

 

Past 7, pagkatapos mag-almusal, humarap na ako sa laptop. Nagsulat ako ng isang chapter ng YA novel kong Elias Maticas. Nasa Chapter 7 na ako.

 

Past 9:30, pumunta kami sa kaibigan ni Emily, na isang mananahi. Nagpatahi ako ng dose pirasong window curtains. Nagbayad na ako ng P3,500 para sa tela at labor.

 

Past 1:30, sinubukan kong umidlip, pero nabigo ako dahil sa diarrhea ko. Nakatatlo ako ngayong araw. Sana bukas, okey na ako.

 

Gabi na ako nakatapos ng PPT sa Filipino kasi inuna ko ang pag-post sa Babasahin, at pag-edit ng zines ng mga SWC members.

 

 

 

Agosto 4, 2025

Gaya ng madalas na mangyari kapag Lunes—kulang ako sa tulog. Pero ibang-iba ang pinagdaanan ko kagabi. Sumakit nang husto ang ngipin ko. To the point na sumasakit na rin ang ulo ko. Alas-dose na ng gabi, gising pa ako. Naghahanap at sumusubok ng kung ano-anong home remedies. Mabuti na lang umepekto ang saltwater. Kaya passado alas-12, nakatulog na ako. Nasa tatlong oras lang ang tulog ko. Gusto ko nga sanang um-absent pero hindi puwede kasi marami akong gagawin.

 

Mainit ang ulo kong humarap sa Love. Bukod sa nagpakapipi na naman sila, maingay at makalat pa. Pero sa Hope, ayos naman ako. At pagdating sa Charity, as always, hindi ako nagturo. Nag-play lang ako ng PPT, saka pinasulat ko sila ng talata. Minura ko naman silang lahat bago ako lumabas dahil sobrang ingay na. Haist! Parang impyerno ang classroom na iyon. Lahat kami ay halos ayaw pumasok doon. Sa Peace naman, maayos akong nagturo. Nagsermon, pero natuto sila.

 

Bago ako nag-lunch, naglaan ako ng ilang minuto para pabasahin ang non-reader kong estudyante. Sinabihan ko nang dropped na siya, kaya kababalik lang kahapon. Nakiusap sa akin ang nanay niya noong Biyernes, kaya binigyan ko ng isa pang pagkakataon. Sana matuto siya agad.

 

Pagkatapos niyon, nakipag-meeting ako sa mga Filipino teachers at coordinator tungkol sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. May parada sa Biyernes. At may sasalihan akong contest, I mean, ang batang Grade 6—TahiRawan. Ngayon ko lang iyon narinig, pero nagka-idea ako agad. Mukhang mahirap, kaya sana may makuha akong kalahok.

 

Past 3:30, nasa bahay na ako. Wala si Emily, kaya tahimik, pero hindi naman ako nakatulog. Andami naman kasing gumugulo sa isip ko—ang TahiRawan, ang GTA2025 Category 5, ang PPT para bukas. Hayun, bumangon na ako bandang past 4 para magkape at gumawa ng mga plano ko.

 

 

 

 

Agosto 5, 2025

Masaya ako dahil unti-unti ko nang nabubuo ang reading corner ko sa classroom. Lumabas ang ganda ng na-setup ko. Excited na nga ng mga bata, sa tingin ko. May nagtanong na kung puwede nang gamitin.

 

Ngayong araw, hindi ako masyadong nahirapan sa pagdisiplina sa Charity. Pinasulat ko sila ng kuwento mula sa limang larawan, bilang paraan ko ng paghahanap ng contestant sa TahiRawan.

 

Naging matagumpay rin ang Sikap naming. Nag-enjoy sa experiment at quiz bee-style na lessons ang mga participants.

 

Past 4, nasa bahay na ako. Nagkape agad ako, saka nagdilig ng mga halaman. Naabutan ako ni Emily.

 

Pagkatapos, nagtuloy-tuloy na ako sa paggawa. Nag-register ako sa GTA 2025 Category 5. Hinikayat ko rin ang mga kaguro kong sina Ma’am Wylene, Ma’am Mel, at Ma’am Joann. Nakapagsimula rin akong gumawa ng PPT sa Sikap para sa Huwebes. Hindi ko natapos kasi ka-chat ko si Ma’am Joann tungkol sa GTA at sa bagong project na maaari kong gawin. Nakapanood pa ako ng BQ, na aired kahapon, saka ang live BQ bago ako umakyat.

 

 

 

Agosto 6, 2025

Na-finalize ko na ang reading corner ko sa classroom. Pinagamit ko na rin. Pero isang estudyante lang buong araw ang may privilege na gumamit doon.

 

Naging maayos naman ang mga klase ko, maliban sa Peace. Bad trip ako sa kanila, lalo na’t naiinis ako sa isang supervisor na nagpaasa sa amin ni Ma’am Joann. Parang hindi naman totoo ang ginagawa niyang tulong sa amin. Nakakatampo. Mabuti na lang, official entry storytelling ang ‘Ang Bodegang Bayan sa Barangay Mabunga’ sa Category 4. Plano naming bumawi sa Categories 5 at 6. Kaya hinikayat ko rin sina Ma’am Luzel, Ma’am Angelica, at Ma’am Venus na mag-entry. Pati nga estudyante ay sinabihan ko. Kailangang sa amin manggaling ang mga winners.

 

Pagkatapos ng klase, nagkaroon kami ng journalism audition-English categories. Seven lang ang batang dumalo, at lima lang ang nagpasa ng output. Alas-kuwarto pasado na kami natapos. Nakisabay na ako sa sasakyan ni Ma’am Wylene. Past 5:30 na ako nakauwi. Agad akong gumawa ng PPT sa Sikap. Nanghikayat pa ako ng ibang estudyante para sumali sa Category 6. Kahit paano ay may nagparamdam na. Sana makarami pa ako bukas hanggang Biyernes.

 

 

 

 

Agosto 7, 2025

Maaga pa rin akong nakapasok sa eskuwela, pero may mas maaga pa sa akin. Nagkakape ako, may mga estudyante nang dumating at pumasok sa classroom.

 

Naging maayos naman ang mga klase ko. Napasulat ako ng mga idyoma sa Love, at journalism articles sa Hope at Faith. Sa Peace lang ako, hindi nagsalita. Sa Charity naman, nagpa-game ako.

 

Sa Sikap naman, naging masaya ang mga estudyante ko sa lesson at palaro ko. Natuto na sila, nag-enjoy pa.

 

Umuwi agad ako pagkatapos ng Sikap. Antok na antok ako, kaya lumampas na naman. Sa Puregold na naman ako nakababa. Naglakad uli ako sa may Anyana.

 

Noon ko lang din nabasa ang chat ni Ma’am Min. Medyo nabawasan ang tampo ko sa kaniya dahil hinihingi niya ang manuscript namin ni Ma’am Joann.

 

Pagdating ko, agad ko siyang chinat. Tinawagan ko rin si Ma’am Joann para magbalita. Kaya agad kaming kumilos para ayusin ang manuscript. Bago mag-BQ, nakapagpasa na ako ng manuscript. Entry form na lang bukas. Kailangan pa kasi ng pirma ng principal.

 

Nai-register ko rin si Jhaylo sa Category 6—kuwento at tula. May dalawa pang Grade 5 ang nais sumali. Bukas naman sila ire-register ng dalawa pang teacher/coach.

 

 

 

 

Agosto 8, 2025

Marami ang absent sa klase ko ngayon dahil siguro may parada para sa Buwan ng Wika. Pero marami rin naman ang naka-costume. Mabuti na lang, ready ako. Dala ko ang Barong na isinuot ko sa Recognition Rites sa Palawan.

 

Past 7 na nagsimula ang parada. Mainit naman, pero enjoy ang lahat. Masaya ako dahil masaya ang advisory class ko. Nag-picture-picture pa kami.

 

Pagkatapos ng parada, iniwan ko ang Love. Mabuti, behave naman sila. Kinailangan ko kasing kausapin si Ma’am Joann para makapagpasa kami ng entry form na hinahanap sa amin ni Ma’am Mina, kahapon pa. Nag-print siya sa classroom ni Ma’am Leah. Kaya naman, inabala namin si Ate Jing para mag-scan ng form pagkatapos naming hanapin ang principal. Natagpuan namin siya sa 5th floor. Hingal na hingal kami, mapirmahan niya lang ang entry form. Gayumpaman, bandang 8:30, nai-send ko na kay Ma’am Mina ang kailangan niya.

 

Hinaharap ko naman ang pagpapa-register kina Sarah at Briana. Ibinigay ko ang una kay Ma’am Mel, bilang coach. At ang huli kay Ma’am Wylene. Nang marehistro na nila, bumalik na ako sa klase. Nagturo ako. Nagpa-activity. Nagpasulat ng story idea para mahanapan ko si Ma’am Joann ng ilalahok sa Category 6 ng GTA2025.

 

At dahil hindi kami nagpalitan, medyo mahaba ang oras. Okey lang dahil hindi naman sila masyadong pasaway. Isa pa, nasa mood ako para makipagkuwentuhan sa kanila. At nang malaman kong tuloy na ang workshop sa Lunes, nag-announce na ako sa kanila. Hindi ko sila pinapa-absent. Kinausap ko rin si Mareng Lorie tungkol sa Sikap. Siya ang magtuturo sa Martes at Huwebes. Sinabi ko sa kaniya na ibibigay ko ang P1K para fair kami.

 

Pagkatapos ng klase, nakipag-meeting ako sa journalism trainers. Namili kami ng mga young journalists. Natuwa ako sa proseso ng pagpili. Fair. Ang hiling ko lang, sana maging maayos na ang campus journalism sa GES.

 

Mga past 3, inayos naman namin ni Ma’am Joann ang entry ni Ate Jing. Nagkaproblema. Hindi na tinatanggap. Bago mag-6, nandoon pa ako.

 

Inabutan ako ng gutom sa biyahe, kaya kumain muna ako sa PITX bago pumila. Napakahaba ng pila. Antagal kong nakapila at naghintay sa bus. Past 9 na ako nakarating sa bahay.

 

Nagkape lang muna ako bago kumain at habang nanonood ng BQ.

 

Bago ako natulog, ni-register ko pa si Kylie sa Category 6. Offline na siya, pero nag-iwan ako ng mensahe, na isasali ko siya sa writing contest.

 

 

 

Agosto 9, 2025

Before 8, gising na ako. Kahit paano ay nakabawi ako sa ilang araw na puyat. Ang sarap sa pakiramdam.

 

Pagkatapos kong mag-almusal, humarap na ako sa laptop para magtrabaho. Nagsulat ako ng balita tungkol sa parada kahapon. Nag-send ako ng mensahe sa mga parents, na nanghihingi ako ng school ID details. Habang tinatanggap ang mga reply nila, inilalagay ko naman ang mga iyon sa template. Nag-eedit din ako ng akda ko na isasali ko sa GTA Category 5. Kinailangan kong mag-research dahil sa Ifugao ang setting ng kuwento ko. Agad ko naman iyong natapos.

 

Bago ako umidlip, finalized na ang entry ko sa Category 5b. At nasagot na rin ang katanungan ko kung stay-in ba kami sa Hotel DreamWorld sa Lunes, nang nag-chat si Ma’am Odette. Na-pressure din ako nang husto nang sinabi niyang ‘Sana maka-National tayo ulit. At sana mas marami na.’

 

Nakapag-post sa Babasahin at nakapag-layout din ako ng zines, gamit ang mga ipinasang akda ng Sinag Writing Club.

 

Past 11, natulog na ako.

 

 

 

Agosto 10, 2025

Past 7, gising na ako, pero 8 am pa ako bumaba. Nag-almusal ako agad, saka humarap sa laptop. Una kong ginawa ay naglatag ng writing challenge para sa Sinag Writing Club. Isinunod ko na agad ang pagsusulat ng kuwentong pambata. Itinuloy ko lamang ang nasimulan kong kuwento, na para sana sa isang writing contest. Ngayon, plano kong isali ang output ko sa isa na namang wricon.

 

Before 11, nakapag-post na ako ng balita, mula sa ipinasang output ng SWC member. Siya pa lang ang nagpasa, kaya siya na ang napili ko.

 

Maghapon akong nagsulat. Umidlip lang ako ng ilang oras, ipinagpatuloy ko naman. Almost 4,000 words na, pero hindi ko pa rin alam kung paano wakasan. Kaya naman, hindi ko natapos bago ako nag-empake bandang 7:30. Okey lang naman kasi mahaba pa ang deadline.

 

 

 

Agosto 11, 2025

Alas-4, gising na ako para maghanda sa unang araw ng writing workshop sa Hotel DreamWorld sa Quezon City.

 

Past 6, nasa school na ako. Nag-almusal at nagkuwentuhan muna kami ni Ms. Krizzy pagkatapos kong umakyat sa classroom. Nakita ko ang mga estudyante ko. Ramdam ko ang pagka-miss nila agad sa akin. Kinuha ko lang naman ang GTA books na nadala ko from Palawan. Nais kong ipakita iyon sa mga kasamahan ko sa workshop upang magkaroon sila ng ideya.

 

Habang hinihintay ko si Ma’am Joann, nag-edit muna ako ng kaniyang akda. Nag-translate na rin ako. Nag-print naman siya ng mga manuscript namin.

 

Quarter to 8, tinawagan na ako ni Ma’am Mina dahil naghihintay na raw ang mga kasamahan namin. Na-delay pa ang Grab, kaya 2 minutes late kaming nakarating sa SDO. Mabuti na lang ay nagpa-flag ceremony pa nang dumating kami. Wala pang 10 minutes, umalis na kami.

 

Bale 9 kaming participants. Wala kaming kasamang iba—na galing sa SDO o LRDMS Department. Tanging driver lang ng L300 ang kasama namin. Akala ko, makakasama namin si Ma’am Mina.

 

Hindi naman agad nagsimula ang workshop. Past 10 na nasimulan.

 

Nagkakahiyaan pa kaming siyam. Mabuti na lang, may kasamahan kaming madaldal at kuwela.

 

Nagsimula nang i-illustrate ni Sir Vin ang akda ko. Alam kong mapagaganda niya ang kuwento ko. Sigurado akong gusto rin niyang Manalo at makarating sa Bohol.

 

Habang may workshop, itinuloy ko ang pagsusulat ng kuwentong isasali ko sana sa Salanga. Kaso, biglang nabago ang word counts. Sa halip na 2000 to 5000 ay naging 200 to 500. Sobra-sobra na ang kuwento ko. Okey lang. Alam kong may panggagamitan pa iyon.

 

Past 4, tapos na ang Day 1 ng workshop. Saka lamang kami nakapag-check in. Dapat tatlo kami sa room—kasama si Ma’am Joann. Dahil kasya na man sa isang room ang apat, naki-join na lang siya sa tatlong babae naming kasama. Kaming dalawa lang ni Sir Jonathan sa isang room. Ang tatlong illustrators naman ang magkakasama sa isa pang room.

 

Antok na antok ako bandang 5 am, kaya umidlip muna ako. Hindi ko alam kung ilang minute ako nakatulog, pero ang sarap matulog. Kung hindi lang kami aakyat uli para kumain, tuloy-tuloy na sana ang pagtulog ko, lalo na’t mahina naman ang wifi connection. Kahit ang data, mahina rin. Malabo rin ang TV. Haist!

 

 

 

 

Agosto 12, 2025

Bukod sa sobrang lamig, namahay na ako. Ilang beses akong bumangon para magbanyo. At wala pang 6, gising na ako.

 

Past 6, naligo na ako. Past 7, nag-aalmusal na kami.

 

Naging masaya ang morning session naming. May award winning writer kaming resource speaker—si Eric Ruiz Roxas. Nagpalaro siya ng dugtugang kuwento. Sumali ako sa isang group—ten pax per group. Kami ang idineklarang panalo. Tumanggap kami ng SB cards. Sobrang saya at sarap sa feeling ng nananalo.

 

Wala pa rin masyadong pag-usad ang kuwento ko at illustrations nito. Nai-layout ko naman ang bawat pages maghapon. Natulungan ko rin si Ma’am Joann sa pagtapos ng kaniyang manuscript.

 

Past 7, nasa room na ako. Sobrang nakakaantok na, pero kailangan ko pang manood ng BQ. Pero pagkatapos niyon, natulog na ako. Si Sir Jonathan, nasa kabilang room pa—nakikipagkuwentuhan. Past 10 na siya pumasok para matulog.

 

 

 

Agosto 13, 2025

Past 7 na ako nagising. Si Sir Jonathan, nagsi-cellphone na. Pero nauna akong maligo. Quarter to 8 na kami nakaakyat sa venue at nakapag-almusal.

 

Third day ng writeshop. Ayos naman. Wala lang akong natutuhan sa respurce speaker. Ibinida lang kasi niya ang kaniyang mga illustrations na… magaganda naman talaga, pero ang inaasahan ko ay topics na nakaka-inspire para sa newbies o sa mga nagsisimula pa lamang. Hindi naman siya nagturo ng techniques. Hindi niya kami naturuan kung paano mag-illustrate para sa mga children’s books. Pang-Marvel comics ang mga gawa niya. Haist! Mabuti na lang, marami pa rin naman akong nagawa habang nagdi-discuss siya. Kumain lang kami maghapon.

 

Bago natapos ang workshop, nagpa-critique ako sa resource speaker kahapon. Grabe! Nakakaiyak ang feedback niya. Nagustuhan niya. Kinuha niya ang name ko. Sigurado akong ii-endorse niya ako sa judge o judges na darating bukas. Binati niya ako pagkatapos. Positive din naman ang feedback kay Ma’am Joann. Sana pareho kaming makapasok sa regional. Sa 25 entries, tatlo lang ang mananalo. Haist! Ang hirap manalo. At sana makabalik ulit ako next week para sa phase 2 ng series of workshops.

 

Pagkatapos ng workshop, nag-stay ulit kami ni Ma’am Joann sa venue. Habang naghihintay na i-serve ang dinner, gumawa pa rin kami, nagkuwentuhan, at kung ano-ano pa.

 

Pagkatapos ng dinner, nagkayayaan kaming anim— hindi kasama ang tatlong illustrators, na mag-mall. Katapat lang ng hotel ang SM North Edsa.

 

Dapat magka-karaoke kami, kaya lang apatan lang ang cubicle sa arcade, kaya hindi na naming itinuloy. Nag-SB na lang kami. Ginamit namin ang card na ipinampremyo sa amin ng resource speaker.

 

Past 9, nasa hotel room na kami. Hindi agad ako nakatulog dahil siguro sa ilang tasang kapeng nainom ko habang may workshop, gayundin ang grande cold chocolate drink sa SB.

 

Agosto 14, 2025

Ala-una ng madaling araw, nagising ako sa lagaslas ng shower sa aming banyo. Bumangon na rin ako para umihi. Pero pagpasok ko, wala naman tao sa loob. Nakahiga sa kama niya si Sir Concha. Tuyo naman ang tiles, gayundin ang lababo. Hindi ako natakot, pero nang nabasa ko ang chat ni Sir Rene sa GC naman—aniya, biglang bumukas ang TV, natakot na ako. May nagpaparamdam sa room namin.

 

Quarter to 4 pa, biglang tumunog ang pinto namin. Hindi pala naming naisara nang mabuti. Pero nagtataka ako kung bakit delayed reaction. Confirmed!

 

Kinabukasan, sa venue hall, nagkuwnetuhan kami tungkol sa aming mga karanasan. Meron ding naramdaman at nakita si Ma’am Joann.

 

Umaga pa lang, may sign na agad akong nakita. Alam ko kahapon pa na makakabalik ako next week para sa Phase 2. Nadagdagan pa ito ng sign, nang lumapit sa akin ang critic kahapon. At habang kausap ko ang illustrator, lumapit ulit ang regional librarian. Nagtanong siya kung sino ang author ng “Ang Kadang-Kadang ni Dang-Dang.” Bago natapos ang araw, lumapit pa uli siya sa akin para kunin naman ang pangalan ng illustrator ko. Masama kasi ang pakiramdam niya, kaya wala siya sa sandaling iyon sa venue.

 

Nainis lang ako kasi may revision na naman akong gagawin sa Karunungan book. Sumabay pa sa ka-busy-han ko. Mabuti na lang, naisingit ko. Kahit paano ay nasimulan ko na. Bukas, kapag may time, tatapusin ko na.

 

Past 7:30, saka lang kami umalis sa venue. Naghanda pa kami ng attendance check para bukas. Ang division namin ang naka-assign sa closing program. Ako rin ang tatanggap ng challenge dahil ako raw ang isa sa mga national awardee last year sa GTA 2024.

 

Lumabas kami saglit. May binili ang kasamahan namin. Past 8 na kami nakapasok sa room. Nanood lang ako ng BQ, bago ako naligo. Hindi ako nakapanood ng BQ kagabi.

 

 

 

Agosto 15, 2025

Minulto na naman si Sir Jonathan. Pagpasok niya raw sa banyo, biglang bumuhos ang tubig mula sa shower. Nang ginalaw niya ang shower curtain, tumigil na raw. Pangalawa, nagising siya kasi may parang naliligo sa shower.

 

Hindi naman ako pinaramdaman, pero hindi mahimbing ang tulog ko.

 

Late na kami nakapag-almusal, kaya halos maubusan na naman kami ng itlog.

 

Past 10 na nagsimula ang closing program. Ako ang naatasang mag-accept ng challenge. Nakagawa na ako ng piece bago pa ako tinawag. Narito ang sinulat ko:

 

Sa ating masipag na regional LRMS EPS, Sir Dennis; sa ating proactive na regional librarian, Mam Nancy: sa ating mahuhusay na resource speakers-- Sir Eric, Sir Jimmy, at Sir Rhandee: sa mga kapuwa ko participants ng workshop na ito, Dios marhay na adlaw sa ating lahat.

 

Sa ngalan ng lahat ng dibisyon sa NCR, malugod kong tinatanggap ang mga hamong nakapaloob sa gawaing ito. Maraming salamat sa inyong mga ibinahagi. Hindi matatawaran ang inyong husay at dedikasyon sa tagumpay nito.

 

Pagkatapos ng limang, sisikapin ng bawat kalahok na makabuo ng mga de-kalidad na akda, na ihahain sa mga kabataan. Taglay ang kaalaman at kasanayang napulot, ipagpapatuloy namin ang paglikha, pagtuklas, at paglago sa larangan ng pagsulat at pagguhit nang ang adbokasiyang isinusulong ng ating rehiyon ay sumibol, umugat, magkadahon, mamulaklak, at mamunga ng mas marami pang kuwentista, dibuhista, at mga tagapagsulong ng edukasyon, kultura, wika, panitikan, at pagmamahal sa pagbabasa.

 

Asahan ninyo na ang bawat isa sa amin ay mas magiging marubdob ang hangaring makalikha ng mga output na magiging yaman ng ating rehiyon, gayundin ng ating kagawaran. Asahan ninyong hindi ito ang una o huli, na magiging masigasig kaming mag-ambag ng aming oras, lakas, talino, at kakayahan para sa mga kabataang Pilipino.

 

Tinatanggap ko ang hamon na mas isagawa ang lahat ng aking natutuhan. Ipagpapatuloy ko ang pagsali sa GTA bilang paraan ng pagbabahagi ng aking naaning kaalaman at kasanayan. Sisikapin kong magdala ng karangalan para sa ating rehiyon.

 

Pagbalik sa aking dibisyon at paaralan, isasalin ko sa aking mga kaguro at mga mag-aaral ang kaalaman at karanasang ito dahil naniniwala akong ang bawat isa ay may magandang kuwentong maaaring ibahagi.

 

Bago ko wakasan ang pagkakataong ito, tinatawagan ko ang aking mga kasamahan mula sa Dibisyon ng Pasay, na samahan ako sa pagkumpirma sa pagtanggap ng hamon.

 

Sabay-sabay tayo.

 

Tinatanggap namin ang hamon!

 

Maraming salamat!

 

----

 

Isa rin ito sa mga nakikitang kong senyales na makakakuha ulit ako ng panalo. I’m claiming it. At hindi nga ako nagkamali— isa ako sa 25 na writers na babalik sa Phase 2 ng series of workshop. Kasama rin si Sir Vin, na aking illustrator. Kami lang ang babalik sa August 18. Gayunpaman, lahat ng mga naroon ay inaasahang makakapagpasa ng final entry sa August 25 for regional final judging.

 

Past 2, nag-checkout na kami. Nag-Grab na lang kami ni Ma’am Joann patungo sa GES. Na-traffic kami sa may Quiapo dahil sa road accident. Almost 4 na kami nakarating sa school.

 

Binisita ko lang ang classroom, at may kinuha ako, saka ako umuwi. Past 6 na ako nakarating sa bahay.

 

Wala nang pahi-pahinga—trabaho agad. Pero mali ang nadala kong mga papel, kaya hindi ko nagawa ang school ID details ng mga estudyante ko. Nag-chat na lang ako sa ilan pang parents, gumawa ng video, at nag-post. Nanood na rin ako ng BQ.

 

 

 

Agosto 16, 2025

Kahit kulang sa tulog, bumiyahe ako patungo sa school. Six-thirty, naroon na ako. Nakapagkape at nakakain pa ako ng sandwich bago dumating ang student-writer na ilalaban ko sa GTA2024. Nakabisita pa ako sa classroom ko.

 

Past 7, nasa kuwarto na kami ni Ma’am Joann. Hinintay ko ang apat pang writer. Agad kong sinimulan ang pagpapasulat. Naging abala ako maghapon. Sa tulong din nina Ma’am Joan at Ma’am Wylene, napasulat din nila ang kanilang mga trainees. Dumating din si Ma’am Mel bandang 2:30 pm.

 

Nang makasulat si Grace, umuwi na ako. Mga 4:40 na iyon. Nauna nang umuwi ang isa ko pang trainees. Sobrang sakit ng ulo ko, kaya wala na ako sa wisyo. Antok na antok na rin ako.

 

Past 6, nasa bahay na ako. Kahit paano nabawasan ang kirot ng ulo ko.

 

Nine-thirty, naihanda ko na ang entry forms ng mga contestants ko. Na-edit ko na rin ang mga akda nila. Ang mga tula na lang ni Kylie ang kulang, gayundin ang mga personal details nila, na kailangan para sa forms.

 

Bukas ko na pagagandahin ang istorya ni Grace.

 

 

 

Agosto 17, 2025

Maaga pa akong nagising. Hindi na ako nakatulog, kaya nag-cell phone na lang muna ako bago ako nag-workout at bumaba.

 

Ready na ang almusal. At nilalabhan na ni Emily ang mga damit ko. Kaya pagkaalmusal, humarap na ako sa laptop.

 

Kalahating araw akong nag-edit, naglagay ng mga akda sa templates, at naghanda ng entry forms.

 

Hapon pagkatapos maligo, nahiga ako para matulog. Hindi naman ako nakatulog agad dahil hindi pa umaalis si Emily. Isa pa, maraming chat sa GC ng GTA2025.

 

Past 5, umalis ako para mag-withdraw ng sahod. Naglakad lang ako papunta at pabalik. Past 6 na ako nakarating. Mabuti, hindi ako inabutan ng ulan.

 

Bago ako natulog, nag-empake ako. Hindi nga ako sigurado kung tuloy bukas kasi masama ang panahon. Wala pa namang anunsiyo. Fake news yata ang nakita ko sa socmed. Gayunpaman, natulog ako nang maaga.

 

 

 

Agosto 18, 2025

Past 4:30 gising na ako. After 30 minutes, umalis na ako sa bahay. Kulang man sa tulog, sumige ako. Ramdam kong tuloy naman ang workshop dahil wala namang ulan. Isa pa, kailangang talagang ituloy dahil malapit na ang submission sa national.

 

Past 6:30, nasa PITX na ako. Nag-almusal muna ako sa Lola Nena. Sinubukan ko lang doon kasi mukhang masarap naman ang pansit, fried siopao, at tsokolate. Worth P156 ang binayaran ko. Worth it naman! Nabusog ako.

 

Pagkatapos niyon, bumiyahe na ako patungo sa Grand Manila Opera sa Sta. Cruz, Manila. Chinat ko na si Sir Melvin na doon na kami magkita.

 

Past 8, nasa venue na ako. Ako ang ikatlo sa mga dumating. Maya-maya lang, dumating na rin si Sir Vin. Nagkuwentuhan muna kami bago siya nagsimulang gumuhit. Pagkatapos niyon, bihira na kaming magkuwentuhan. Nag-try akong gumamit ng Paint Tool SAI, na kaniyang ipinasa sa akin. Dahil dala ko ang pentab ko, ginamit ko iyon. Pinagpraktisan ko ang app at ang tool. Natatawa ako sa kamay ko—pasmado.

 

Hapon, bandang alas-dos, saka lamang nag-opening program. Kakaunti lang kami. Dapat 50 participants kami. Wala pa yatang 80% ang dumating. Hindi yata pinayagan ang iba kasi nahuli ang memo.

 

Bandang 4 pm, nakatapos ako ng isang kuwentong pambata. Matagal ko nang nasimulan iyon. Ngayon ko lang nabigyan ng panahon. Sakto dahil wala naman akong ginagawa. Naghihintay na lang ako ng illustrations ni Sir Vin. At panay kain lang ako sa venue.

 

Before 7, nakapag-dinner na kami, at nakabalik na kami sa hotel room. Maganda sana ang room, pero walang tsinelas. Kung kailan hindi ako nagdala, saka namang walang patsinelas.

 

 

 

 

 

 

Agosto 19, 2025

Late na late na ako nakatulog kagabi kasi nag-overtime pa si Sir Vin habang naka-on ang TV. Tapos, pagising-gising pa ako dahil sa lamig. Idagdag pa ang madalas na pag-ubo niya. Haist! Kulang ako sa tulog.

 

Buffet ang almusal namin, kaya busog na busog ako. Sosyal.

 

Nagsimula na akong mag-layout ng book namin ni Sir Vin. Habang naghihintay sa kaniya, nagsulat din ako ng kuwentong pambata. Wala ako masyadong natapos dahil sa sobrang lamig. Ang nipis ng dala ko.

 

Past 4, na-critique na ang akda namin. Kinailangan naming sundin si Sir Rhandee. Tama naman siya. Pero maayos naman ang pagkasabi niya sa amin, hindi katulad ng iba. Mas pabor pa nga kay Sir Vin kasi magiging kaunti na lang ang ido-drawing niya. Sabi pa ni Sir Rhandee, nasa right track daw kami.

 

 

Agad kong ginawa ang revision bago at pagkatapos mag-dinner. Ginawa ko na rin ang assignment na pinagagawa ni Sir Rhandee—ang page plan.

 

At habang nanonood ng BQ, nagbasa ako ng manuscript ni Ma’am Joann. Nagbigay ako ng feedback.

 

Nag-edit pa ako ng manuscript niya bago ako natulog. Sinikap kong gawin iyon sa kabila ng antok ko.

 

 

 

Agosto 20, 2025

Hindi na naman maayos ang tulog ko dahil sa lamig at ubo ni Sir Vin. Okey lang naman. Kahit paano naman ay nakapagpahinga ako.

 

Past 8 na kami nkapag-almusal. Ayos lang naman kasi hindi naman agad nagsisimula ang workshop. Past 9 na nang nag-MOL.

 

Maghapon, nakadalawang illustrations lang si Sir Vin. Not bad. Ang mahalaga, naramdaman ko ang pag-asa nang lumapit sa akin si Sir Eric para kumustahin ang ginagawa naming.

 

Ngayong araw, nakapagsulat ako ng isang kuwentong pambata. Nasimulan ko pa ang isa. At nakapag-edit ako ng manuscript ni Ma’am Angelica.

 

At siyempre, busog na busog ako. Ang sasarap ng pagkain.

 

Past 7, nasa room na ako. Ako lang ang mag-isa. Umuwi sa Cavite si Sir Vin. Si Sir Sherwin naman ay nagpaiwan sa venue hall kasi gagawa sila ng kapartner niya.

 

Natuwa ako sa achievement ni Emily. May client siyang nagbayad ng processing fee. Ibig sabihin, malapit na siyang makapag-closed deal. Binati ko siya. Aniya, umiiyak siya sa tuwa. Kahit ako naman siguro, maiiyak din. 

 

Past 11 na dumating si Sir Sherwin. Kung kailan nakapikit na ako, saka naman siya nag-doorbell. Okey lang naman kasi, at least, makakatulog na ako agad.

 

 

 

Agosto 21, 2025

Sabay kaming nag-almusal ni Sir Sherwin kasi wala pa si Sir Melvin. Ako lang mag-isa ang perform sa attendance check. Past 10 na siya dumating, kasama ang panganay niyang anak.

 

Past 11, nakapatapos na ako ng isang kuwentong pambata. Nakapag-chat at reply na rin ako sa GC ng division writers at illustrators. Kahit paano ay nabigyan ko ng pag-asa ang mga hindi nakasali sa Phase 2. Naalarma rin si Ma’am Mina. Aniya, magme-memo siya para mabigyan kami ng service credits sa Lunes upang matapos namin ang entries namin.

 

Hapon, nag-present kami ng mga partial output naming. Ako ang ikalawang nag-present. Napansin kong piniktyuran ako ni Sir Rhandee. Manifesting. May laban ang kuwento ko. Sana nga mapabilis ang pag-illustrate ni Sir Vin.

 

Quarter to 6, umalis na kami sa venue. Bumalik na lang kami ulit nang kakain na.

 

Maaga akong nahiga, pero hindi naman ako agad nakatulog. Humihilik na ang mga kasama ko, pero ako gising na gising pa. Siguro, nasa past 12 na ako nakatulog.

 

 

 

 

Agosto 22, 2025

Wala pang alas-singko, kung kailan ako himbing na himbing, saka naman ako ginising ni Sir Vin. Umuwi silang mag-ama kasi isusugod niya sa hospital ang bunsong anak. Haist! Hindi lang ako puyat, naging mag-isa ulit ako sa table. Kami ni Sir Sherwin ang magkasalo sa almusal.

 

Nag-closing program lang kami bandang past 9:30. Ako na naman ang tumanggap ng challenge. Pinasimple ko na lang ang mensahe ko, pero alam kong tagos sa puso.

 

Nagkantahan sila habang naghihintay ng lunch. Ako naman, nagsulat lang ng kuwento. Kahit paano ay humaba ang nasimulan ko kahapon.

 

Past 1, nag-checkout na ako. Libre ang ticket sa LRT, kaya nakatipid ako. Paglabas lang sa Manila Grand Opera Hotel, Doroteo Jose station na. Diretso na iyon sa PITX. Walang hassle.

 

Bumili lang ako ng pasalubong sa Balai Pandesal, bumiyahe na ako patungong Tanza. Past 2:30 ako nakarating sa bahay. Wala si Emily. Pero dumating din after 15 minutes.

 

Nag-stay ako sa kuwarto para magpahinga at matulog, pero hindi ako nakatulog. Okey lang kasi nag-send ako ng entries sa GTA.

 

Nag-workout ako habang nanonood ng balita.

 

 

 

Agosto 23, 2025

Past 7 nang magising ako. Hindi muna ako bumaba para mag-almusal.

 

Bad trip ako kay Emily agad pagbaba ko. Tinanong ko lang kung kumusta na ang pinatahi kong kurtina, sagutin ba naman ako ng ‘Chat mo.’ Hindi ko nga FB friends iyon. Gaga! Walang pakialam. Lagi naman silang magkasama. Iba raw kasi ang pinag-uusapan nila. Imposible iyon.

 

Hindi ko siya masyadong pinapansin. Maghapon. Nagpokus ako sa ginagawa ko sa laptop.

 

Nag-send muna ako ng entry sa PBBY-Salanga Book Prize 2026. Ang kuwentong “Si Sinong” ang isinali ko. Gumawa pa ako ng certificate of originality, bio, synopsis, at engagement activities.

 

Pagkatapos, gumawa akong ng PPT sa SIKAP. Hanggang gabi ko iyon ginawa.

 

Before 7, lumabas ako para magpa-cash in. Pambayad lang iyon sa internet at kuryente.

 

Binitiwan ko ang paggawa ko ng PPT para sa storytelling/retelling ko, para basahin at i-edit naman ang akda o entry ni Mareng Fatima sa Category 5B.

 

Nagbukas ulit ako ng laptop kasi nag-send si Sir Vin ng isa pang illustration. Kinailangan ko pang i-confirm kung ilan na lang ang kulang dahil nagtanong siya. Mga past 11 na iyon.

 

 

 

 

Agosto 24, 2025

Wala pang 7am, gising na ako. Nag-cell phone at nag-workout muna ako bago bumaba. Ako ang naglaba ang mga damit ko kasi hindi pa rin magaling si Emily.

 

Habang naglalaba, gumawa pa ako sa garden. Nag-transplant. Nagwalis. Nagkuskos ng lumot sa sahig. At nagtanggal ng snails.

 

Past 9:30, nasa harap na ako ng laptop. Gumawa ako ng video para sa YT. Natapos ko iyon pagkatapos mag-lunch.

 

Naligo muna ako bago ako natulog. Past 4 na ako bumangon. Kahit paano ay nakatulog ako. Ang sarap matulog. Medyo malamig. Nakakumot nga ako.

 

Nag-edit uli ako ng layout ng book namin ni Sir Vin kasi may pinadala siyang bagong pics. May mga dinagdag daw siyang details. Nang matapos, nagsulat ako ng isang chapter ng nobela ko sa Inkitt. Alas-otso, naka-post na iyon.

 

 

 

 

Agosto 25, 2025

Bago mag-four-thirty, gising na ako. Nauna pa ako sa alarm ko.

 

Past 6:30, nasa school na ako. Nagkabit ako ng kurtina sa classroom ko. Grabe! Andumi ng kuwarto. Naunawaan ko naman kasi noong Friday ay biglang nag-suspend ng klase. Baka hindi na nakapaglinis ang mga estudyante.

 

Past 7:30, lumabas na ako sa school para pumunta sa SDO. Doon kami magkikita-kita ng mga fellow writers and illustrators ko. Past 8, naghihintay na ako roon ng mga kasamahan ko. Nine pa raw darating si Ma’am Mina. Mabuti na lang, bago mag-9, dumating na sina Ma’am Remily at Ma’am Onte. May kakuwentuhan na ako at may kasama sa paghihintay. Dumating na rin si Ma’am Mina bago mag-9:30, kaya umakyat na kami sa LR.

 

Start agad kami. Nag-layout ako. Nang malaman kong may A3 printer si Ma’am Mina, nagbago ako ng layout. Madugong layout iyon. Nakatatlong print bago na-perfect.

 

Okupado lahat ng printer kasi 5 copies each ang ipapasa namin. Mas marami ang ipi-print sa kategoryang nobela. Kaya ipagpapabukas na ang printing ng book ko. Masaya naman kami. May tawanan at kainan. Nakatatlong meals kami roon—lunch, meryenda, at dinner. Inabutan kami ng 9:45. Inabutan din kami ng ulan. Okey lang naman dahil suspended na ang mga klase bukas.

 

Past 11:30 na ako nakauwi. May uwi akong pasalubong at almusal para bukas. Kaya lang, may sakit pa rin si Ion. Wala siyang ganang kumain. Hindi niya na-appreciate ang mga pasalubong ko.

 

 

 

Agosto 26, 2025

Dahil past 1 na ako nakatulog kanina, at wala namang pasok, past 8:30 na ako nagising. Nag-cell phone at nag-workout muna ako bago bumaba.

 

Bago mag-10, naglakad ako patungo sa BDO-Puregold para magbayad ng lupa ko sa Batangas. Ito na ang ikaanim nab eses kong magbabayad. Nasa P48,000 na ang naibabayad ko. Marami na, pero malaki pa ang babayaran ko.

 

Past 11:30 na ako nakauwi. Namili ako ng mansanas, ubas, at saging para makatulong sa paggaling ng mag-ina ko. Wala raw panlasa si Emily. Si Ion, tatlong beses daw sumuka kagabi.

 

Then, maghapon na akong nahiga. Pinagbigyan ko ang sarili ko. Ang sarap matulog kasi malamig.

 

Paggising ko, bandang past 4, nag-chat ang client ko. Uuwin a raw sila sa September. May sinend na Tiktok videos ng bahay at lupa na gusto niya. Hinanap ko ng may-ari ng account, saka ko chinat. Chinat ko rin si Paul C. Medyo nawalan siya ng interes sa client naming, pero biglang kambiyo. Nagbigay pa rin ng mga pictures ng house-and-lot sa Bacoor. Ang gusto lang naman ng client ay nasa loob ng master’s bedroom ang toilet. Hindi kasi maibigay ng Camella, kaya sa iba siya nagpapahanap.

 

Ramdam kong makakapag-close deal ako. Kaunting tiyaga at tiwala lang sa client.

 

Gabi, nag-chat uli si Paul C, na willing siyang sumama sa tripping. Sabi ko, sige. Tutal may car naman siya.

 

Habang nanonood ng BQ, nag-digital illustrate ako para sa kuwento kong “Ano’ng Hitsura ng Demonyo?” Kailangan kong pagtiyagaan at tapusin ito. Andami ko nang nasimulang illustration, wala pa akong natapos ulit. Kailangan ko ng inspirasyon at motibasyon.

 

 

 

Agosto 27, 2025

Kulang na naman ako sa tulog. Gayunpaman, pumasok ako nang maaga. Nakapag-almusal pa kami ni Ms. Krizzy, at nakapagkuwentuhan kahit paano.

 

Nagturo din ako nang masaya. Ginamit ko ang librong ‘Ang Kadang-Kadang ni Dang-Dang’ bilang lunsarang kuwento. Natuwa naman sila. Hindi rin ako na-highblood. Sinikap kong maging mabait dahil dalawang linggo rin nila akong hindi nakita. Kailangan nilang maramdaman na nasasabik din akong harapin sila. Vocal naman ang ibang mag-aaral sa pagkasabik nila sa akin.

 

Pagkatapos ng klase, pumunta kami sa city hall para kunin ang sports allowance, na P3000. Mabilis lang naming nakuha iyon. Binigay ko kay Ma’am Mel ang P1000 bilang donation ko sa athletics. Ang P1000 ay para naman sa taekwondo. Ang P1000 ay nagamit ko na noong Sabado, kung kailan nagpasulat kami sa mga batang nag-entry sa Category 6 ng GTA2025.

 

Ipinamigay ko kasi wala naman akong effort sa perang iyon. Assistant coach ako, pero hindi naman ako nag-coach o nag-train. Noong una kong claim ng P3000, solo ko naman iyon.

 

Kinausap ako ni Kapitan Tubo kaninang umaga. Nanghingi raw siya ng desktop sa apo ng may-ari ng lote ng school o ang donor ng lupa. Tatlo kaming bibigyan. Hindi na ipapaalam sa principal. Tuwang-tuwa ako. Blessing talaga. Kinumpirma naman iyon ni Mareng Lorie. Puwede raw iuwi sa bahay. Huwag daw sa school. Ayos kung ganoon para may magamit si Ion at si Emily.  

 

Four, nasa bahay na ako. Nagmeryenda agad ako para makapag-record ako ng mga test scores. Ni-record ko rin ang attendance sheets na pinagawa ko sa estudyante noong wala ako sa school. Nang matapos ang recording, nag-digital illustrate ako. Bago mag-8:30, nakatapos na ako ng isang figure, na half body. Bale dalawa na, simula kagabi. Sa paunti-unti, makakaipon din ako, at makakabuo para sa isang kuwento.

 

 

 

Agosto 28, 2025

Past 6 na ako nakarating sa school. Late na tuloy akong nakapag-almusal. Nasa classroom na ang mga estudyante ko habang tinatapos ko ang almusal ko. Gayunpaman, masaya akong nagturo sa lahat ng section. Nagustuhan nila ang springboard kong ‘Ang Daddy ko ay Papa Nila.’

 

After regular class, SIKAP naman. Fourteen lang ang attendees. Nasa sports training ang iba. Okey lang naman iyon para madaling i-manage, kaya lang baka may dumating na bisita. Hahanapin sa akin ang 20 na bata.

 

Pagkatapos nito, kinuha naming ni Mareng Lorie ang computer set kay Kapitana Tubo. Tuwang-tuwa ako sa biyayang ito. Ni sa hinagad, hindi ko naisip na magkakaroon ako nito. Malaking tulong ito sa amin, lalo na kay Ion. 

 

Kahit mabigat, binitbit ko pauwi ang monitor at CPU. Past 4:30, nasa bahay na ako. Lumamig ang kape ko sa kaka-set up nito. Kaya lang, hindi mai-connect sa wifi. Nag-YT pa ako. Saka nag-chat ako kay Jano. Nalaman ko sa kaniya na kailangang bumili ng wifi dongle adapter. Kaya naman, nag-checkout ako sa online shop. Sana dumating agad.

 

Nag-record ako ng mga quizzes ng estudyante bago ako nag-dinner. Pagkatapos, nag-digital illustrate uli ako.

 

 

 

Agosto 29, 2025

Medyo napuyat ako kagabi dahil sa kaiisip kung mananalo ba ang entry ko sa GTA regional level. Nae-excite din ako sa mga susunod na mangyayari.

 

Bago ako nakaalis sa bahay, dalawang beses akong nag-diarrhea. Natakot akong bumiyahe. Mabuti, hindi ako inabutan.

 

Wala ako sa mood na humarap sa mga estudyante dahil sa nararamdaman ko. Hindi na rin kami bumaba para manood ng culminating program ng Buwan ng Wika. Bukod sa nataon sa recess, pabago-bago sila ng oras.

 

Inabutan pa ako ng isang diarrhea bago nag-uwian.

 

Past 1, pumunta ako sa Libertad para bumili ng stand fan. Inabonohan ko muna ang pondo ng mga estudyante ko.

 

Bumalik ako sa school para i-assemble ang stand fan. Nag-print na rin ako ng DLL sa Filipino. Past 3:30 na ako nakaalis sa school.

 

Past 5:30, nang dumating ako sa bahay. Pagod na pagod ako. Tapos naabutan ko pa si Emily na namimilipit sa sakit. Nang maka-adjust ako sa pagod, inasikaso ko rin siya. Nagdikdik ako ng luya na pantapal sa puson niya. Sobrang sakit daw, kasama ang tagiliran niya. Nang malagyan ng luya, nawala raw nang kaunti. Thank God! Dininig Niya ang panalangin ko.

 

 

 

Agosto 30, 2025

Past 6, gising na ako. Hindi na ako natulog uli, pagkatapos kong mag-workout, bumaba na ako para maghanda ng almusal.

 

Inasikaso ko naman si Emily pagkatapos kong magluto at kumain. Pinababa ko siya para mas madali kong maasikaso. Ang tindi pa rin ng sakit na nararamdaman niya. Ang hula naming, epekto iyon ng menopausal niya.

 

Dumating na ang inorder kong wifi adapter, kaya naikabit ko na agad, at nagamit ko na ang desktop. Doon na ako nag-illustrate, nag-Fb, nanood, at iba pa.

 

Pagkatapos maligo, umidlip ako. Hindi man ako masyadong nahimbing, nakapagpahinga naman ako.

 

Nag-digital illustrate ako, gamit ang desktop. Mas gusto kong gamitin ito kasi malaki ang screen. Kaya lang, walang Draw tab. Naghanap pa ako ng YT videos na magtuturo sa akin kung paano maglagay, pero wala namang nakasulat doon sa mga pilian.

 

 

 

Agosto 31, 2025

Past 7 na ako nagising. Hindi na ako nakapag-workout. Kailangan kong maghanda ng almusal kasi gutom na raw si Emily. Pero hindi naman siya kumain ng inihanda ko. Lugaw ang hiningi niya.

 

Bago ako naglaba, lumabas muna ako para bumili ng detergent powder. Bumili na rin ako ng isda at mga rekado. Magppangat ako, gamit ang kamias.

 

Binanlawan ko muna ang mga damit na nilabhan o binabanlawan sana ni Emily noong isang araw, bago siya nakaramdam ng matinding sakit sa puson. Nilagyan ko nga fabcon kasi medyo may amoy na.

 

Inabot ako ng 10:30 ngayon bago ko naisampay ang mga damit namin. Sobrang pagod ko rin, kaya nagpahinga muna ako sa kuwarto.

 

Past 11, bumaba na ako para magluto. Sinubuan ko si Emily, saka tinimplahan ng First Vita Plus bago ako nag-lunch. Medyo umokey naman siya kaya napanatag ang loob ko. Naglaan ako ng oras para umidlip.

 

Paggising ko, past 3 na. Umaambon. Agad akong bumaba para samsamin ang mga sinampay ko. pagkatapos niyon, naglaga ako ng kamote para sa meryenda. Napakain ko si Emily. Nakatulong iyon para makautot siya nang maraming beses.

 

Gumamit uli ako ng desktop sa pag-digital illustration.

 

Pagkatapos kong kumain, naalala kong humingi pala si Hanna ng allowance niya, kaya lumabas ako para magpa-cash in.

 

Past 8:30, umakyat na ako para magpahinga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment

Buwaya sa Gobyerno

Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...