Followers

Friday, June 5, 2026

Ang Aking Journal -- Mayo 2026

Mayo 1, 2026

Pag-alis ni Felix, bandang 4:30 ng umaga, hindi muna ako natulog. Hinintay ko muna ang chat niyang nasa Robinson’s Tejero na siya, kung saan siya sasakay ng van patungong Lucena.

 

Past 8:30 na ako nagising. At bandang 9, saka ako bumaba para maghanda ng almusal.

 

Grabe! Ang bilis ng panahon! Naka-30 days na kaagad ang bakasyon. Thirty days na lang, balik-eskuwela na naman. Kailangang sulitin ko na ito. Kailangang marami akong ma-accomplish.

 

Naghanda ako ng learning materials para bukas sa Project LINGAP. Division na ang ituturo ko sa mga bata. Gusto kong maging effective ako, at maging lifelong ang learning nila dahil sa aking inihahandang Math game.

 

Pagkatapos kong maligo, nag-siesta ako. Past five-thirty na ako bumangon para magmeryenda at gumawa ng routines sa garden.

 

Six-thirty, lumabas ako para bumili ng ulam at pang-almusal. Pagdating ko, ipinagpatuloy ko ang paghahanda ng learning materials. Namili na rin ako ng storybooks na dadalhin ko. Isiningit ko na ang pag-eehersisyo habang hindi pa ako naghahapunan.

 

Past 9:30 na ako natapos gumawa ng learning materials. Saka lang ako naligo para makatulog na nang maaga.

 

 

 

Mayo 2, 2026

Five-thirty, bumangon na ako para maghanda ng almusal. Ito na ang ikaapat na Sabado ng Project Lingap. Kailangan kong makarating sa Mosaic Center bago o bandang 9 ng umaga. Kaya lang, nakisabay sa akin si Ma’am Lynette. Hinintay ko siya sa may sakayan ng tricycle. Medyo matagal-tagal din akong naghintay. Pero sakto lang ang pagdating namin. Naroon na ang mga bata at mga volunteers. Naihanda pa namin ang name tags bago nag-almusal ang lahat.

 

Pagkatapos ng almusal, isinagawa munaq ang dance/exercise portion, bago ang storytelling ko. Ang kuwentong “Ang Higante sa Aming Bahay” ang ikinuwento ko sa kanila. Sa tingin ko, nagustuhan nila ang kuwento, gayundin ang mga pagkukuwento at pagtatanong ko. Marami rin naman ang mga naging aktibo sa pagsagot at pag-perform.

 

Nakapagpahinga lang ako nang si Ma’am Joann na ang nagturo. Pagkatapos naman, nagkaroon uli ng breakaway session. Kinuha ko ang mga malalaking bata, na nakababasa na. Pinabasa ko sila ng aklat, at paminsan-minsang tinatanong tungkol sa kanilang binabasa.

 

Isinunod na ang Math. May dalang window cards  (A1) si Ma’am Lynette, kaya iyon muna ang pinasagutan namin sa mga nakatatandang bata habang ang mga Grade 1 at Kinder at nagsusulat ng pangalan at nagkukulay. Naipalaro ko naman ang learning material na inihanda ko kahapon bago inihain ang lunch.

 

Namigay ako ng prizes sa mga active participants sa storytelling session ko, gayundin sa Math games. Nagbigay rin ng loot bags at tsinelas ang JCI-Perlas Pasay bago pinauwi ang mga bata.

 

Wala ngayon sina Ma’am Nhanie at Sir Edwin, pero nilibre uli nila kami ng lunch. Sa Chowking kami kumain. Apat lang kami—ako, si Ma’am Joann, si Ma’am Lynette, at si Ma’am Myles. Hindi na sumama si Ma’am Riza kasi aalis daw silang mag-anak.

 

Past 2 na kami naghiwa-hiwalay. Past 4 na ako nakarating sa bahay. Nahiga lang ako at nagselpon. Hindi naman yata ako nakatulog. Five-thirty na ako bumangon para mag-papaya shake. Iyon lang ang mineryenda ko.

 

Bago mag-six na ako nakapagdilig. Pagkatapos magdilig at magpausok, pininturahan ko ang plant rack/shelf, na pinaglagyan ko ng mga clay pots. Kaunti na lang naman iyon, kaya ang harapan lang ang napinturahan ko.

 

Past 10 na ako nakaakyat para magpahinga, pero hindi pa agad ako natyulog. Nanood muna ako ng mga Reels hanggang bago mag-12.

 

 

 

Mayo 3, 2026

Past 7 nang napamulagat ako. Hindi na ako nakatulog uli dahil mainit na sa kuwarto. Kaya bago mag-7:30, bumaba na ako para maghanda ng almusal.

 

Habang naglalaga ng itlog, naglinis ako sa sala. Dito kasi ako naglalatag ng kutson para ma-survive ko ang init ng panahon.

 

Past 8, pagkatapos mag-almusal, humarap na ako sa laptop para magsulat. Hindi naman ako nakapagpokus masyado dahil dalawang beses akong lumabas. Unang labas ko, bumili ako ng mga pagkain. At dahil nakalimutan ko ang catfood, lumabas uli ako. Haist! Makalilimutin na talaga ako.

 

Pagkatapos namang mananghalian, pinagbigyan ko ang sarili ko sa higaan. Almost 2 pm na nga ako nakaligo. At bumangon ako bandang 4:30 para magmeryenda.

 

Five-thirty, nasa garden ako. After one hour, pumasok na ako para magsaing at magluto. Habang nagsasaing, nagsulat na ako. Past 9, natapos ko na ang Chapter 11.

 

Nag-exercise muna bago ako umakyat para matulog. Pero hindi naman ako natulog agad. Nanood pa ako sa YT ng Tagalized Koreran movie—Remember. Ang ganda kasi ng story concept kaya sinikap kong tapusin. Na-drain ang tablet ko nang hindi ko namalayan, kaya nag-charge pa muna ako bago ko naipagpatuloy ang panonood. Almost 2 am na tuloy ako natulog.

 

 

 

Mayo 4, 2026

Bago mag-nine, gising na ako. Kahit paano nakatulog naman ako. Ang gaganda ng panaginip ko. Nakasama ko roon ang ilan sa mga katrabaho ko—like Sir Joel K.

 

Pagkatapos mag-almusal at magkuskos ng acid rain marks sa isang sliding window, humarap na ako sa desktop. Nag-encode muna ako ng journal entry ko noong July 4, 2009, bago ako nag-isip ng gagawin habang hinihintay ang link na isi-send ng DepEd para panoorin ang orientation para sa ARAL Summer Programs via livestream.

 

Sa halip na magsulat, nag-edit ako ng mga chapter ng nobela ko sa Inkitt. Inakma ko sa tamang petsa ang mga pangyayari. Natagalan ako kasi kinailangan ko pang magluto. Kaya ang sumatotal, dalawang talata lang ang naisulat ko.

 

Katulad ng nakasanayan, nag-siesta ako pagkatapos mananghalian. Past 2 na ako naligo. At past 5 na ako nagmeryenda. Bago nag-6 pm, lumabas na ako para naman sa usual gardenwork. Past 7 na ako pumasok para mag-dinner.

 

Past 8:30, nag-workout na ako. Nine-thirty na ako nagsulat uli ng nobela. Tapos na akong manood ng teleserye. 

 

Past 10 nang umakyat na ako para magpahinga. Ito ang saktong oras para mag-stay sa kuwarto dahil humupa na ang init doon.

 

Hindi naman ako agad natulog. Nanood ako ng Korean movie, na Filipino dubbed. Hindi ko na nga lang natapos kasi antok na ako. Mga 12 mn na iyon.

 

 

 

Mayo 5, 2026

Wala pang 7, gising na ako. Hindi na ako humirit pa ng tulog. Sapat na ang 6 to 7 hours na tulog. Kailangang sanayin ko na naman ang sarili ko sa 4 to 5 hours na tulog dahil magpapasukan na naman. Haist! Kapag naalala ko, bumibigat ang kalooban ko. Pero wala akong magagawa. Pinili ko ang ganitong propesyon. Kaya, laban lang!

 

Wala pang 8 am, nakapag-almusal na ako, at nasa harap na ako ng desktop. Nag-encode muna ako ng journal entry ko noong June 5, 2009, bago nagsulat.

 

Bumili ako ng First Vita Plus kay Ma’am Jenny—tatlo. Ang isa ay ipapadala niya sa Aklan. Bale P2,500 lahat ang binayaran ko. Tumawag uli siya bandang 1 pm. Aniya, si Kuya Emer na ang magdadala ng isang box. At ang ipapadala niya ay ang mga ipapalit niya sa voucher ni Emily.

 

Nag-request kasi si Emily ng FVP sa akin kagabi. May sipon at ubo na naman daw si Ion dahil nagbago na ng panahon sa Aklan—umulan na raw doon.

Past 12, nai-post ko na ang Chapter 168 sa Inkitt. Nakabili na rin ako ng ulam.

 

Halos maghapon uli akong nasa higaan. Hindi ko masyadong na-enjoy ang mga palabas sa telebisyon dahil nakakatulog ako nang paulit-ulit. Ang sarap! Hindi ko pa ramdam ang init. Past 5 na nga ako nagmeryenda.

 

Pagkatapos kong gumawa sa garden ng mga routines, bandang 7, pumasok na ako. Nag-exercise na agad ako bago mag-dinner.

 

Bago ako natulog—mga 12 mn, nanood muna ako ng Filipino dubbed Korean movie sa YT. Natapos ko iyon kasi maganda ang story idea at ang action scenes.

 

 

 

Mayo 6, 2026

Parang hindi ako natulog dahil sa mga panaginip kong parang mga totoong pangyayari. Gayunpaman, maganda ang gising ko. Mga pasado alas-7:30, namulat na ako. Hindi na ako natulog ulit—baka masanay ako.

 

Mga 8:45 am, nakapag-almusal na ako. Nakapagpunas na ng sahig sa sala. Humarap na ako sa desktop para magsulat. Mahaba-haba rin ang nasulat ko bago ako huminto para bumili ng ulam at mga prutas.

 

Sobrang init na! Kaya pagkatapos kong kumain, humilata lang ako habang nagpapaantok sa pinanonood ko. Kahit paano, nakatulog naman ako. Sa pagitan nga ng pagkaidlip, saka lang ako naligo—mga 2 pm na iyon. At past 5 na ako bumangon para magmeryenda.

 

Mga 5:30, nasa garden na ako. Nagdilig. Nagpausok. Gumawa ng papel na uling. Mga 7 pm, nasa loob na ako—nag-eexercise habang nanonood ng telebisyon.

 

Niyaya pala ako ni Ma’am Nelly—o si Mamah, papunta sa Romblon. Dapat sa may 9 to 10, pero dahil saktong may team building kami sa Pansol, ginawa niyang May 11. Nagtanong pa siya kung sino ang kasama ko. Kako, tanungin ko ang mga friends ko sa GES bukas.

 

 

 

Mayo 7, 2026

Wala pang six, gising na ako. Six ang naka-set na alarm. Okey lang, gusto ko rin naman kasing makarating sa school nang mas maaga. At wala pa ngang 9 am, nakarating na ako. Marami na sa mga co-teachers ko ang naroon.

 

Agad akong nag-almusal. Mainit na tsokolate at strawberry jam sandwich. Mabuti, hindi na ako nag-almusal sa PITX.

 

Mga nine, nagsimula na ang live telecast ng orientation para sa implementation ng tri-semester. Boring! Hindi  malinaw ang audio. Hindi kaaya-ayang makinig. Kaya naman, nagkuwentuhan na lang kami. Nagpika-pika. Nagselpon. At kung ano-ano pa. Nakaraos din kami hanggang 4 pm. Wala talaga akong naunawaan masyado. Bahala na!

 

Past 5:30, nasa bahay na ako. Nakakapagod kaya nahiga lang muna ako at nagselpon hanggang 6 pm.

 

Bago mag-alas-7, pagkatapos ko sa garden, pumasok na ako para magsaing, mag-ehersisyo, at gumawa ng aple-mango shake.

 

Hindi na yata kami matutuloy sa Romblon. Ayaw sumama nina Sir Erwin kaya next time na lang daw, sabi ni Mamah. Okey lang naman sa akin.

 

 

 

Mayo 8, 2026

Four-thirty nang nagising ako para maghanda sa pag-alis patungo sa Morong. Bibisitahin ko si Mama. Sa Sunday na ang Mother’s Day. Hindi ko siya mapupuntahan dahil may team building kami.

Past 10, nasa Antipolo bayan na ako. Naglibot-libot ako sa may park, malapit sa simbahan, gayundin sa palengke, habang naghahanap ng mabibiling hinog na mangga. Grabe! Nadisyma ako dahil halos puro panat na mangga ang tinda nila. Anong nangyari? May nakita namang akong makikinis na mangga, pero sobrang mahal naman. One hundred fifty pesos ang kilo, samantalang P120 nga lang sa Tanza. Partida, maraming mangga sa Antipolo, kaya nga may HaMaKa Festival sila. Sumatotal, ice cream na lang ang ipinasalubong ko dahil wala akong nakitang mura at matinong mangga sa Antipolo.

 

Past 11, nang makarating ako sa bahay nina Taiwan. Nagulat sila sa pagdating ko. Sabi ni Mama, expected niya akong dumating sa Linggo. Sinabi ko naman sa kaniya kung bakit napaaga ako.

 

Nagkuwentuhan kami ni Mama. Siyempre. Nalaman niya ang plano ko sa Batangas. Kaya naman, kinausap ko rin si Taiwan. Pina-eestimate ko sa kaniya ang gagastusin ko sa pagpapagawa ng tiny house doon. Siya at ang kaibigan niya ang gagawa. Gusto kasi ni Mama na tumira doon. Kaso hindi siya masasamahan ni Zildjian.

 

Ang pagbisita ko kay Mama ay hindi lang para batiin siya ng Mother’s Day, kundi para ikuwento at ipakilala sa kaniya ang babaeng pinakamamahal ko. Unforgettable ang araw na ito para sa amin.

 

Bitin man ang oras para magkuwentuhan kami ni Mama, sapat naman iyon para mapasaya ko siya. Sana patuloy siyang malakas.

 

Alas-3:30, umalis na ako sa Sitio talaga. Sobrang init pa, pero kailangan ko nang bumiyahe pauwi. Alam kong matatrnag-dinner

 

Hindi nga ako nagkamali. Past 9 na ako nakarating sa bahay. Sa Lola Nena’s na nga ako nag-dinner.

 

Dahil nagkape ako sa Lola Nena’s, gising pa rin ako kahit ala-una na ng madaling araw. Mabuti, nakapag-empake na ako.

Mayo 10, 2026

Seven-thirty na ako bumaba para umihi. Ini-report ko na rin sa caretaker ang pag-lock ng pinto sa CR. Aniya, nakalimutan daw niyang sabihin na nagkukusang mag-lock iyon kapag inilapat ko. Hayaan ko na lang na nakabukas.

 

Mga past 8, sabay-sabay kaming nag-almusal. Masagana ulit ang kainan. Andaming pagkain. Busog na busog na naman ako, kaya nag-rest muna ako sa kuwarto. Nang maisip kong dapat hindi ako nag-i-stay sa kuwarto, bumaba ako. Naisipan ko namang mag-karaoke. Ako lang mag-isa ang tumilaok. Nakaraming kanta rin ako bago ako huminto.

 

Nang naligo sila, naligo na rin ako. Matagal-tagal din iyon. Tapos, napansin ko, ako na lang pala ang nasa pool.mga 11:30 na ako umahon.

 

Magbabanlaw na sana akjo sa banyo sa Room 5, nang madiskubre kong naka-lock ang pinto ng kuwarto ko. Naisip ko tuloy na baka minumulto ako. Hindi ko naman ni-lock iyon. At isa pa, iba ang lock. Kailangang pihitin ang nasa loob para mag-lock. Nakakapagtaka.   

 

Pagkabanlaw ko, nag-stay ako sa room. Naka-empake na rin ako. Hinihintay ko na lang ang kainan. Tinawag pa nga ako ng bata, kaya ako napababa.

 

Andami pa ring pagkain. Solb na solb. May freebie pa si Sir Edwin para sa lahat. Kahanga-hanga ang kaniyang gallantry.

 

Pagkatapos ng masaganang kainan, kinanta namin ang closing song ng 2st Century Teachers na ‘Salamat.’ Isinunod ko na rin— sa hudyat ni Ma’am Joann—ang pagbigkas ng tula, na ipinhanda niya sa akin.

 

Kahit maikli lang, nagustuhan nila iyon. Sabi ng iba, tumayo raw ang balahibo nila. Nakaka-inspire tuloy sumulat  at bumigkas ng tula.

 

Pagkatapos na pagkatapos niyon, bumiyahe na kami pauwi. Magkakasama ulit kami sa isang van.

 

Sobrang antok ko, kaya maya-maya lang akong nakakaidlip. Hindi ko na tuloy namalayan ang oras. Mabilis na lang tuloy ang naging biyahe namin. Sa Zapote, sa sakayan ng bus mismo ako ibinaba ng driver ng van. Taga-Bacoor kasi siya.

 

Wala pang 4:30, nasa bahay na ako. Agad akong humiga para matulog. Hindi ako nabigo. Madilim na nang nagising ako. Bitin pa nga, at gusto ko nang ituloy ang pagtulog, pero nagugutom ako.

 

Suman sa lihiya, hotdog, at kape na lang ang hapunan ko. Na-Sharon ko ito. Sa dami ng pagkain, lahat kami may mga uwi. Mas marami nga ang naiuwi ng iba since sila naman ang malapit lang ang bahay. Nag-uwi lang ako ng dalawang pirasong hotdog, dalawang taklob ng suman sa lihiya, anim (yata) na pirasong hipon, at isang pritong tilapya.

 

Sulit na sulit ang team building! Masaya na, blessed pa. Hindi ako nagsisising naging bahagi ako ng 21st Century Teachers PH Inc.

 

Past 9:30 na ako nakapagdilig ng mga halaman.

 

 

 

Mayo 11, 2026

Past 7 ako nagising, pero hindi muna ako bumaba. Nagselpon muna ako. At nang nagsawa, saka na ako bumangon para mag-almusal. Kinain ko lang ang tirang suman sa lihiya, saka nagkape ako. Tinamad na akong kumain ng kanin kasi walang itlog. Hotdog at pritong isda lang ang nasa ref.

 

Pagkatapos kong mag-almusal, nag-washing na ako ng mga damit ko. Balak ko sanang ibabad na lang muna, pero nagbago ang isip ko. Baka abutan na naman ako ng gabi bago ko mabanlawan. At hayun nga, past 9 pa lang, nakapagsampay na ako. Sa garden na ako nagbanlaw. Hindi na ako gumamit ng dryer para makatipid sa kuryente.

 

Naglinis ako sa sala pagkatapos kong maglaba. Ang pagharap sa desktop ang naging pahinga ko. Nag-encode ako ng journal entries ko noong July 9 to 11, 2009.

 

Past 10, lumabas ako para bumili ng itlog at patola. Nag-crave ako ng ginisang misua at patola. Tamang-tama, may nai-Sharon akong hipon kahapon.

 

Past 11:30, nagla-lunch na ako. Maaga rin akong nakapaglatag sa sala para manood ng noon time show at para na rin mag-siesta. Na-miss ko ito. Dalawang araw ba naman akong hindi nakapag-siesta dahil nasa resort ako.

 

Past 5:30, pagkatapos kong magmeryenda ng nilagang kamote at kape, nag-stay na ako sa garden. Nagwalis. Nagdilig. Nagpausok. Gumawa ng uling na papel. Past 7 na ako pumasok.

 

Nakiusap si Felix na mag-stay muna siya sa bahay habang hinihintay niya ang abiso mula sa admin ng school nila. Naka-ready na ang medical certificate niya, na mula sa psychiatrist. May inihahanda lang ang school para sa changes ng klase niya. May Generalized Anxiety Disorder (GAD) pala siya. Kinailangan niyang mag-medicate para umayos ang kondisyon niya. Sa paraang ito—pag-stay niya rito, baka makatulong akong maibsan ang anxiety niya. Hangad ko ring matapos niya ang pag-aaral niya sa Gokongwei Bros.

 

 

 

Mayo 12, 2026

Sobrang init kagabi kahit naka-level 3 na ang electric fan. Para akong nasa pugon. Kaya naman, maikli lang ang naging tulog ko. Quarter to 8, bumangon na ako para maghanda ng almusal para sa amin ni Felix.

 

Pagkatapos kumain, humarap ako sa desktop para mag-encode. Nanood na rin ako ng YT videos. At bandang 9:30, namalengke ako.

 

Wala namang pinagbago sa mga routines ko kahit may bisita. Nag-siesta pa rin ako pagkatapos maligo. Sa katunayan, 4:30 na kami nagmeryenda. At 5:30 na ako lumabas para sa garden routine. Seven naman ako pumasok.

 

Sa baba ako natulog. Si Felix sa kuwarto. Hindi ko kaya ang init doon. Matindi.

 

 

 

Mayo 13, 2026

Akala ko, magiging masarap ang tulog ko sa baba, hindi pa. Para naman akong inaswang. Maraming lamok. At parang maraming matang nakatingin sa akin. Haist!

 

Past 8, nang nakapag-almusal na kami, natulog ako. Kahit 30 minutes lang akong naidlip, okey na. Nakabawi na ako kahit paano.

 

Birthday ngayon ni Felix. Kaya pala nag-staycation siya rito sa akin.

 

Hapon, sinikap kong makatulog para mabawi ko ang puyat ko. Hindi naman ako nabigo.

 

Alas-sais, niyaya kong mag-walking si Felix. Isasabay ko na rin ang pag-withdraw ng salary ko. Pagkatapos niyon, kumain kami sa Mang Inasal. Birthday treat ko na iyon sa kaniya. Uuwi na pala siya bukas kasi hindi na muna siya pinapapasok. Sabi ng kausap niya sa school, binibigyan siya ng 6 months para sa medication ng kaniyang GAD. Nalungkot ako para sa kaniya kasi madi-delay pa tuloy ang pagtatapos niya. Abot-kamay na sana ang trabaho, na-delay pa.

 

 

 

Mayo 14, 2026

Dahil sa kuwarto na ako natulog—naglatag ako ng kutson sa tabi ng isang kutson—at ginamit ko ang isa pang electric fan, nakatulog na ako nang maayos.

 

Past 8:30, pagkatapos naming mag-almusal, humarap na ako sa desktop para magsulat. Nakapag-post ako ng isang chapter (12) ng Elias Maticas. At nasimulan ko naman ang Chapter 169 ng nobela ko sa Inkitt. Naisingit ko rin ang pagdidilig bandang 9:30 at ang pagbili ng mga lutong ulam bandang 11:30.

 

Hapon, nag-siesta ulit ako. Ang sarap matulog habang nanonood ng telebisyon.

 

Alas-4 na umalis si Felix. Ako naman, nagpatuloy sa panonood. Past 5:30 na ako nagmeryenda. Umalis din ako after 30 minutes. Nag-walking ako hanggang sa munisipyo para i-withdraw ang MYB sa ATM. Past 7 na ako nakabalik sa bahay.

 

Sa wakas, nasolo ko na ang kuwarto. Ang hirap ng may kasama sa room. Ako pa ang nag-adjust. Ako ang may-ari, pero ako ang nahiga sa manipis na kutson—bilang pakikisama.

 

 

 

Mayo 15, 2026

Pasado alas-6 pa lang, gising na ako. Pinilit kong makatulog ulit, pero nabigo lang ako. Kaya, bago ako bumaba, nagselpon muna ako. Nanonood ako ng mga videos tungkol sa barilan sa Senado.

 

Pagbukas ko ng pintuan sa baba, nakita ko sa garden ang dalawang pusa sa may mga halaman ko. Isa sa mga ito ay grey Persian cat. Noon ko lang iyon nakita sa aming garden o lugar. Inakala kong naligaw, kahit gusto kong hulihin, hinayaan ko na lang pagkatapos kong hawak-hawakan at piktyur-piktyuran. Ang cute kasi!

 

Pagkatapos kong mag-almusal, nagsulat ako. Bago mag-12, natapos ko na ang isang chapter ng nobela ko sa Inkitt. Naisingit ko siyempre ang iba pang gawain. Nakabili pa ako ng ulam sa labas.

 

Ngayong araw, nga-chat si Emily. Sinabi niyang doon na sa Aklan mag-aaral si Ion. Hindi muna siya makakauwi kasi walang mag-aalaga sa kaniyang ina. Busy si Kyle. Siyempre, kung nasaan ang ina, naroon din ang anak. Nalungkot ako kasi bago sila umalis, ang sabi nila, uuwi pa si Zillion para dito mag-aral. Haist! Magiging solo ako rito sa bahay nang ilang taon. 

 

Tulad ng madalas kong gawin pagkatapos kumain, nag-siesta ako. Kahit paano naman ay nakatulog ako bago nakaligo. Natulog ulit ako pagkatapos.

 

Past 5, dahil humupa na ang init, nag-walking ako patungo sa munisipyo para i-withdraw ang sahod sa SIKAP. Last sahod na iyon sa school 2025-2026. Sa June na ulit magsisimula. Sana kasali pa uli ako. Alas-sais y medya na ako nakauwi.

 

 

 

Mayo 16, 2026

Alas-sais nang tumunog ang alarm ko. Parang gusto ko pang matulog. Umulan kagabi kaya medyo malamig ang umaga. Pero hindi ko pinayagan ang sarili ko. Kailangang makarating ako sa Mosaic Center para sa week 6 ng Project Lingap.

 

Nagkape lang ako at kumain ng dalawang cup cake. Ang hula ko, makakapag-almusal uli ako sa center.

 

Mga seven na ako nakaalis sa bahay. Hinintay ako ni Ma’am Lynette sa sakayan ng tricycle. Natrapik ako sa may Rotonda kasi kalahati na lang ang bukas na kalsada. Nilalagyan ng asplato ang kalahati.

 

Nang dumating kami sa center, naroon na ang mga bata.Wala pa sina Ma’am Nhanie o iba pang guro at members ng JCI Perlas Pasay.

 

Agad naming pinakulayan ang greeting cards sa mga bata para kay Ma’am Nhanie. Effort at idea iyon ni Ma’am Lynette.

 

Napakain na namin ang mga bata, nakuwentuhan ko na sila, at nakapagturo na si Ma’am  Riza (Wala si Ma’am Joann) nang dumating sina Ma’am Nhanie at Sir Edwin. Agad naming isinagawa ang sorpresa.

 

May dala rin silang cake, buttered chicken, at pansit, na pagsasaluhan namin, bukod sa kanin at tinolang manok na inihanda ng mga tagaluto sa center.

 

Bago nag-lunch, nagpa-game muna ako sa Math at nagpabasa ng mga bata.

 

Past 12:30, nagsiuwian na kami. Two-thirty na ako nakarating sa bahay. Inabutan pa ako ng ulan sa daan. Mabuti, hindi masyadong malakas.

 

 

Mayo 17, 2026

Alas-siyete nang magising ako. Gusto ko sanang matulog pa hanggang 8, pero hindi na ako pinagbigyan ng mga mata ko. Nagselpon na lang muna ako bago bumaba.

 

Bandang 8:30, pagkatapos kong mag-almusal, humarap na ako sa desktop para magsulat. Ilang araw na lang, mapababayaan ko na ang pagsusulat dahil sa Mayo 19, simula na ang aming Matatag Curriculum training. Hanggang May 22 ito. At sa June 1-5, Brigada Eskuwela naman. Aguy! Nalalapit na ang pasukan. Hindi pa rin ako nakakaligo sa ilog o sa dagat. Sana may magyaya.

 

Bago ako lumabas para bumili ng ulam, nakapagsulat na ako ng isang chapter ng Elias Maticas. Naisingit ko na rin ang pakikipag-chat kina Ma’am Mel, saka sa college friends ko.

 

Nagyaya si Ma’am Mel na bumili ng school uniform sa Divisoria. Kako, sa Brigada Eskuwela na kami bumili para isang luwasan na lang. Ayaw ko na muna kasing bumiyahe ngayon. Inalala rin naming magkakaklase sa RGCC ang ilang bahagi ng aming nakalipas, lalo na ang masayang kainan sa paborito naming gotohan at lugawan.

 

Inabutan kami magkakaklase ng past 4 sa pagkukuwentuhan hanggang sa yayain ako ni Carla, na 25 years ko nang hindi naka-bonding. Ang pagyayayang iyon ay may basbas ng kaniyang anak at asawa nito. Kaya dali-dali akong naligo at nagbihis. Hindi na ako nakapagmeryenda.

 

Nag-commute lang ako. Nakalimutan kong mag-install ng app para sana makapaghabal-habal na lang ako. Nakuha ko naman ang location nila kahit nagkamali ako ng sakay. Mabuti, tinuruan ako ng driver ng dyip, saka ng kasakay ko.

 

Past 7 na ako nakarating kina Carla. Sa wakas, nagkita rin kami. Na-meet ko rin ang anak, manugang, at apo niya. Parang magkapatid lang sila ng anak niyang babae. At hindi intimidating ang mag-asawa kahit mga engineer at contractor. Inasikaso pa nga kami. Nilutuan ng pinag-karaoke, binilhan ng alak, at nilutuan ng pulutan.

 

Smirnoff Mule ang una naming ininom. Sunod, San Mig Light. Panghuli na ang San Mig Apple. Hindi ako masyadong nalasing, pero naging makulit ako. Dahil nag-request si Marilyn, kasama ng partner niyang si Ericksson (pareho naming kaklase) na makisabay ng inom sa amin—online, pinadalhan ko siya ng GCash. Okey lang naman sa akin, since wala namang akong ginastos doon sa bahay nina Carla. Ang mahalaga, naging masaya kaming lahat kahit online inuman at kantahan lang. Andami pa ring tawanan.

 

Talagang gusto akong ihatid pauwi ng mag-asawa at ni Carla kahit puwede naman akong mag-commute. Sabagay, may sasakyan sila, kaya pumayag na rin ako. Isa pa, ala-una na rin saka lasing na ako at antok. Nakaidlip nga ako sa biyahe. Forty-five minutes lang, nasa bahay na ako. Hindi na sila bumaba ng sasakyan.

 

 

 

Mayo 18, 2026

Past 6 am, nagising ako. Dahil kulang pa ako sa tulog, pumikit uli ako. Nang nakaramdam ako ng init, gumising na ako. Alas-8 na pala. Ang bigat pa rin ng katawan ko kaya nag-stay muna ako sa kama nang mahigit 30 minutos bago ako bumaba para mag-almusal.

 

Ininit ko lang ang mga tiring ulam ko kahapon ng tanggalin. Presto! May almusal na ako. Sabayan pa ng mainit na kape.

 

Pagkatapos mag-almusal, humarap na ako sa desktop para magsulat. Inuna ko ang diary. Isiningit ko ang paglilinis sa kusina, sala, at garden bago ako nagsulat ng bagong kabanata ng nobela sa Inkitt. At dahil nag-skim reading ako para lang makumpirma ang pangalan ng isang karakter, naaksaya ang oras ko. Ang sumatotal ay hindi ako nakapagsulat nang mahaba. Wala pa naman ako sa mood ngayon. Tamad na tamad ako. Kaya naman, maghapon akong nakahiga. Alas-3 na nga ako naligo. At halos mag-aalas siyete na nang lumabas ako para sa garden routines. Pagkatapos iyon ng paglabas ko para bumili ng ulam at groceries.

 

Mga 10 pm na, wala pa ring chat ang mga kasamahan ko sa grade level. Hindi ako sigurado kung tuloy baa ng training sa Matatag Curriculum bukas. Wala pa namang nakalagay na oras sa memo. Naiinis ako!

 

 

Mayo 19, 2026

Nang nagising ako bandang 5 am, ang bigat ng katawan at kalooban ko. Hindi ko gustong bumiyahe na. Labag sa loob kong mag-training sa loob ng apat na araw. Pero wala akong magagawa kundi ang dumalo.

 

Mga past 6, nasa biyahe na ako. At wala pang 8, nasa Pasay City National Science High School na ako.

 

Nanghinayang ako sa pagbiyahe ko nang maaga. Hindi pa naman agad nagsimula. Gayunpaman, nakatulong ang pagpasok ko nang maaga dahil na naging komportable ako. Nang nagkaroon ng groupings, umaktibo rin ako. Madugo nga lang talaga, kaya minsan ay hinahayaan ko ang mga kagrupo ko na sila ang mag-present.

 

Past 4:30 nang natapos ang unang araw ng training. Nagmadali akong umuwi. Pero dahil traffic at mahaba pa ang pila sa PITX, almost 7 pm na ako dumating.

 

Agad akong naghanda ng pagkain para magawa ko ang assignment. Hindi na nga ako nakadalo sa Zoom meeting ng JCI Perlas Pasay at 21st Century Teachers.

 

Past 9, nasa kuwarto na ako. Maaga akong bibiyahe bukas kasi gagawa ako ng card ng estudyante kong hindi agad nakuha ang card. Nawala tuloy. Uulitin ko.

 

Ang hula ko, nadala ng guardian na nagreklamo sa akin kay ASDS. Hindi niya inamin nang nagtanong ako sa chat. Wala rin daw sa room ni Ms. Krizzy.

 

 

 

Mayo 20, 2026

Medyo nahirapan akong makatulog kagabi. Hindi na ako sanay matulog nang maaga. Gumising pa naman ako ng 4:00 para nakarating ako sa school nang maaga.

 

Kahit kulang sa tulog, bumangon ako pagtunog ng alarm. Nagawa ko namang makarating sa school bandang 6:30. At nagawa ko ang card, na sadya ko. Kulang na lang ang pirma ng principal. Hindi ko na siya nahintay kasi past 7:30 na.

 

Nagsabay na kami ni Sir Archie sa pagpunta sa venue ng training. Dumalaw rin kasi siya sa school. Muntikan na kaming ma-late.

 

Gaya kahapon, madugo pa rin ang training. Andaming group activities. Pero kahit ganoon, inantok ako sa bandang huli. Ang kagandahan lang, maaga kaming natapos. Kaya nakarating ako sa school bago mag-6 pm. Nakapagdilig pa ako ng mga halaman bago dumilim.

 

Nag-clustering ako ng mga LCs sa Quarter 2 ng Filipino 6 ayon sa hiling ni Ma’am Elsa, na aking kagrupo. Makatutulong iyon para makasulat na kami ng lesson plan bukas.

 

Ang dumi na ng bahay. Hindi na ako makapaglinis dahil sa training na ito. Hindi na rin ako makapag-exercise at makapanood ng telebisyon nang maayos.

 

 

 

Mayo 21, 2026

Nag-adjust ako ng oras ng gising kasi hindi naman ako pupunta sa school. Nagising ako bandang 5:30 at nakaalis ng pasado 6. Six-thirty na yata iyon. Alam kong hindi naman ako mali-late. At hindi nga ako nagkamali. May 15 minutes pa ako.

 

Sa ikatlong araw ng training, mas komportable na ako sa mga kagrupo ko. Naisisingit namin ang kuwentuhan, lalo na kapag may health break. Naikukuwento ko tuloy sa kanila ang pagiging manunulat ko.

 

Tungkol naman sa training, okey naman. Marami akong natutuhan kahit napakabilis ng pacing. Unti-unti nang lumilinaw sa akin ang ILAW template, pati ang revised curriculum.

 

Past 4, uwian na. Nag-LRT na ako patungo sa PITX. Napabilis ako, kaya wala pang 6, nasa bahay na ako. Nasimulan ko na agad gumawa ng lesson plan.

 

As usual, wala na naman akong panahon mag-ehersisyo. Nakapag-leg workout ako ng 3 sets bago ako nag-dinner.

 

Mga 11 na yata na ako nakatulog. Kung kailan uminom ako ng First Vita Plus Dalandan, saka naman ako nahirapang magpaantok.

 

 

 

Mayo 22, 2026

Five-thirty ako nagising pero six na ako bumaba. Hindi naman ako nagmamadali kasi alam kong hindi pa agad magsisimula ang training. Pero pagdating ko, bandang 8:30, tapos na ang preliminaries. Nagsisimula nang mag-discuss si Sir Bello. Nahiya ako kasi ako yata ang pinakahuling dumating.

 

Pagkatapos ng discussion, pinasulat na kami ng lesson plan. Nasimulan ko na kagabi, kaya dinugtungan ko na lang. Isa lang yata ang nakatapos sa aming 24 trainees kaya siya ang nag-present.

 

After presentation, nagtawag ng magki-critique. Nag-raise ako ng hand, saka sinabi ko ang napuna ko. Itinuro ba naman ang tula, kuwentong katatakutan, at maikling kuwento sa isang period. Kako, dapat isa lang. Isang springboard lang. Kung tayo nga mga teachers (sila lang, actually) gumagamit ng AI para magkaroon ng tekstong ituturo, tapos pasusulatin natin ang mga estudyante sa mabilisang paraan. Naibida ko tuloy ang textbook ko. Um-agree naman sa akin ang karamihan. Nag-sorry pa ako. At pagkatapos ng portion na iyon, may mga lumapit sa akin para magtanong tungkol sa textbook. May mga gustong bumili. Wala lang akong nakuhang komento sa dalawang speakers. Haist!

 

Pagkatapos niyon, may nag-simulate ng lesson. May role playing kaya nakapag-perform ako. Maayos naman ang daloy ng kaniyang aralin, kaya wala akong naging komento.

 

After lunch, bandang 1:20, nag-start na ang closing program. At past 2, tapos na ang 4-day training. Umuwi agad ako.

 

Nagpadala nga pala ako via Palawan ng P3k kay Emily para iyon sa uniform at school supllies ni Ion. Mabuti, may Palawan sa PITX.

 

Past 4, nasa bahay na ako. Agad akong humiga para matulog, pero hindi naman ako nakaidlip.

 

Bago mag-5:30, lumabas na ako para mag-gardenwork. Past 6:30 na ako pumasok para magsaing.

 

Tamad na tamad akong kumilos ngayong gabi, lalo na pagkatapos kumain. Kung hindi lang dahil sa Lingap bukas, hindi ako humarap sa desktop para gumawa ng post-test sa Math.

 

Past 10 pm, umakyat na ako para magpahinga.

 

 

 

Mayo 23, 2026

Dapat seven pa ako babangon, pero hindi pa tumunog ang alarm, gising na ako. Mga 6:30 siguro iyon. Naghanda na rin ako ng almusal pagkatapos kong magselpon nang ilang minuto. Kaya past 7:30, bumiyahe na ako. Siyempre, late na akong nakarating sa Mosaic Center. Naunahan pa ako ni Ma’am Joann. Okey lang naman kasi hindi pa nag-aalmusal ang mga bata, at may ginagawa pa silang ‘Thank You’ card.

 

Pagkatapos niyon at bago pinag-almusal ng sopas ang mga bata, ako na muna ang pinag-storytell. Dalawang kuwento ni Pilandok ang binasa ko sa kanila. Magkarugtong kasi. At katulad nang inaasahan ko, na-enjoy nila ang mga kuwento ko, lalo na’t alam nilang may prize ang mga magre-recite.

 

Pagkatapos kong mag-kuwento, isinagawa na ang assessment. Iniisa-isa namin silang pabasahin. Ang kukulit nga lamang ng iba. Kapansin-pansin din ang learning gaps nila. Meron din namang marurunong at nag-improve sa loob ng ilang linggo.

 

Dahil wala sina Ma’am Nhanie, nakisalo na lang kami sa mga bata. Kung ano ang pagkain nila, iyon din siyempre ang kinain namin. Late na nang nagsabi na kumain kami sa labas, gaya ng dati.

 

Bumiyahe agad ako pagkatapos niyon. Sa biyahe, nag-chat si Emily. Aniya, ”Uupa kmi ng bahay ni ion...hahanap pa kase target nila sept or oct..i renovate.”

Agad akong nag-reply. “Diyos ko.” Nag-send uli ako. “Pauwi mo na yan dito. Dagdag gastos pa. Maawa kayo.”

“Ayaw kase dyan ni nanay.”

 

Sabi pa niya, “Gat buhay cya dito daw sya sa Altavas..”

 

At heto pa, “Gusto mo ba dyan ko nlng dalhin si nanay?”

 

Sa inis ko, sumagota ko, “Si Mama nga, di ko makuha.” Ni-reply-an ko pa ang isa niyang message, “ Ang sinasabi ko, si Ion ang pauwiin dito.” Pagkatapos, binasa ko lang ang mga reply niya.

 

“Alam ko naman yunkahit di mo sabihin..”

 

“Wag na..mas matipid nga kung wala kmi dyan di ba?”

 

“Basta yung kwarto namin wag galawin mga gamit..”

 

“Bat dimo kunin? Sayo naman bahay yan.”

 

Reading between the lines sa unang niyang chat, gusto niyang akuin ko ang pang-upa nila ni Ion. Ginagamit niya si Ion. Kaya nga pinauuwi ko na lang sito kung mahihirapan pa akong lalo sa budget. Mahahati pa ang budget dahil sa problema nila. Kung ako dito kaya si Ion, at ako ang humingi sa kaniya ng budget, magbibigay kaya siya?

 

Sa sobrang inis ko, umidlip na lang ako sa biyahe.

 

Past 4, nasa bahay na ako. Nahiga agad ako at sumubok na matulog. Kahit paano ay nakaidlip naman ako. Past 6 na ako bumangon gumawa sa garden.

 

Past 6:30, lumabas ako para mamalengke.

 

 

Mayo 24, 2026

Past 7 na ako nagising. Kahit paano, masarap at mahaba-haba naman ang naging tulog ko. Sapat iyon para magawa ko ang mga nakaplanong gawain ngayong araw, gaya ng paglalaba at paglilinis.

 

Kaya naman, pagkatapos kong mag-almusal, agad kong sinimulan ang paglalaba. Sa garden ako nagbanlaw para mas mabilolis ang pagsasampay. Hindi na ako gumamit ng dryer. Mas marami nga lang akong nilabhan ngayon kasi isinama ko na ang mga labahang naiwanan ng mag-ina ko. Kaya naman, past 10 na ako natapos.

 

Hindi na ako nagpahinga. Naglinis naman ako sa sala, kusina, banyo, at kuwarto. Nagpunas ako ng mga sahig.

 

Past 11:30, tapos na akong magluto ng tanghalian. Kailangan kong magpahinga dahil bibiyahe ako patungong Loepz, Quezon. Nag-chat si Epr. Nakalimutan niya raw akong yayain kagabi kaya bumiyahe na lang daw ako mag-isa. Pumayag naman ako kasi birthday iyon ng aking inaanak na si Steelle Heart.

 

Past 6:30, umalis na ako sa bahay. Nagbakasali akong makasakay sa may public transport terminal sa may Robinson's Tejero. Medyo matagal din akong naghintay roon ng van. Walang dumating. Mabuti, may nagtanong na pasahero sa driver ng nakaparadang van, na biyaheng Calamba. Wala na raw. Kung may limang pasahero daw, saka siya bibiyahe. Pagtalikod ng babae, umalis na rin ako patungo sa PITX.

 

Nakarating ako sa PITX bandang 8:30 dahil sa tagal ng pag-pick up ng mga pasahero. Nagmadali akong mahanap ang ticketing booth ng patungo sa South. Nang mahanap ko, hindi naman ako nakakuha ng ticket patungo sa Lucena. Sa Turbina na lang ang binigay sa akin. Wala akong magawa kundi mag-chop-chop ng mga biyahe.

 

Eksakto 9 pm nang lumarga ang bus. Nakabili na rin ako ng ice cold coffee at toasted siopao.

 

Andaming pasahero kaya okey na pala ang ganoon ang ginawa ko. Kahit nang nasa Turbina na ako, nakasakay ako sa bus na punumpuno na. Napilitan akong tumayo. Sa Sto. Tomas na ako nakaupo.

 

 

 

Mayo 25, 2026

 

Dahil taeng-tae na ako, bumaba ako sa Domoit. Na-chat ko na si Felix na darating ako. Kaya bandang 1am, naghahanap kami ng lugar na puwede akong umebak. Ayaw ko namang makigamit ng banyo sa kanila. Makakaistorbo pa ako sa mga natutulog sa bahay nila.

 

Nilibre ko siya ng mainit na lugaw bago ko siya pinauwi. Alam kong antok na antok na siya. Ako naman ay hindi pa rin nakakaramdam ng antok. Kaya lang nahirapan akong mag-abang ng sasakyan na maghahatid sa akin patungo sa Grand Central. Wala pang bumibiyaheng dyip. Ayaw naman akong parahan ng mga bus. At sigurado akong mahal ang pamasahe sa traysikel.

 

Nang natagalan na ako sa pag-aabang, naglakad ako patungo sa direksyon ng terminal. May napagtanungan akong tricycle driver. Fifty pesos raw. Kako, thirty na lang ang barya ko. May barya ka ba sa P1000? Pababaryahan niya raw. Hindi ako sumakay.

 

 

Maya-maya, may humintong tricycle. Ganoon din ang presyo niya. Kako, huwag na po. Thirty lang ang pera ko. Sinakay pa rin niya ako dahil wala namang ibang pasahero. Praktikal siya. Lalo na't ang lapit na lang naman. Walking distance na. Tama lang ang P30 sa kanya.

 

Wala pang nakapilang bus na puwede kong sakyan patungong Lopez. Okey lang naman kasi hindi ko pala na-chat si Epr kung saan o ano ang tawag sa bababaan ko.

 

Handa na akong matulognkahit hanggang 4 am, pero may dumating na bus. Narinig ako ang disptacher na puwedeng sumakay ang patungo sa Lopez, kaya sumakay na ako pagkatapos kong tanungin kong ilang oras ang biyahe. Three hours daw. Sakto, 7 na ako darating. Makakapag-reply na niyon si Epr sa chat ko bago pa ako bumaba. At ang mahalaga ay makakatulog ako kahit paano sa loob ng tatlong oras na iyon.

 

Ganoon nga ang nangyari. At wala pa ngang 6, nag-reply na si Epr. Nakaidlip ako kahit paano bago ako bumaba sa TolPower. Ito ang landmark o babaan. Gasolinahan ito roon kaya kilala.

 

At wala pang 7, nakarating na ako sa bahay nina Epr. Kararating din yata nila kaninang madaling araw. Naglilinis siya nang madatnan ko. Si Judy naman ay naghahanda ng almusal. Tinulutan muna nila ako ng instanrlt coffee, at tinapos muna ni Epr ang paglilinis sa sala bago kami nag-almusal.

 

Mga past 9am, pinahiga niya ako sa kuwarto nila para daw makatulog ako. Pinagbigyan ko. Kailangan ko talaga iyon. Bago mga 11, gumising at bumangon na ako. Kahit mahigit oras lang iyon, para akong nakabawi ng puyat. Tapos, maya-maya, mga 11:30, nag-lunch na kami. Tinolang manok ang ulam. Nakahigop ako ng mainit at masarap na sabaw.

 

Antok na antok ako habang nanonood ng noon-time show. Pinahihiga ako ni Epr sa bamboo sofa, pero hindi muna ako nahiga. Naunahan ako ng bayaw niya. Nang bumangon, ako naman ang humiga. Pinahiram ako ni Heart ng unan. Hindi ako komportable pero kahit paano ay nakakaidlip ako. Itinuloy ko iyon hanggang 5:30. Sulit!

 

Bumangon na ako kasi dumating na si Judy, galing sa pamimili. May dala rin siyang dalawang boxes ng pizza, kaya iyon ang  mineryendahan namin.

 

Gabi na ako nakaligo. Naglalaba kasi kanina si Judy. Hindi ako nakasingit pa, kulang pa ako sa tulog.

 

Bago ako niyayang matulog ni Epr, tumambay lang kami sa may kalsada. Nakaka-miss ang buhay-probinsiya. Kung taga-roon ako, siguro nasa bahay ako ng barkada ko. Malamang, nakikipag-inuman ako.

 

Wala pang inuman ngayon dito kasi bukas pa naman ang party. Okey lang naman. Mas gugustuhin kong matulog na nang maaga. Past 10:30, natulog na ako. Sobrang antok ko na talaga, kaya kahit maingay pa ay nakatulog na ako.

 

 

 

Mayo 26, 2026

Naging maayos naman ang tulog ko. Hindi na ako namahay, maliban sa dalawang beses kong pagbangon para umihi. Okey lang naman iyon kasi kapag nasa bahay ako ganoon din ang nangyayari. Bihira lang naman ang pagkakataong hindi ako umiihi sa madaling araw.

 

Wala pang alas-siyete, bumangon na ako. Naabutan kong naglilinis na si Epr. Maaga siyang bumangon. Ang mag-ina naman niya ay natutulog pa nang lumabas ako sa kuwarto, pero bumangon na rin sila ilang minuto ang lumipas.

 

Tinulutan ako ni Epr ng kape. Pagkatapos magkape, niyaya nila akong mag-asawa na pumunta sa kubo o sa tindahan nila ng mga prutas at gulay. Nakaka-miss talaga ang maglakad-lakad sa mapunong kalsada o lugar. Nakakawala ng stress ang huni ng mga kuliglig. Ang sarap ng sariwang hangin. Ang ganda sa mga mata ng lungtiang kapaligiran.

 

Past 8, nakapag-almusal na kami. Nag-enjoy naman ako sa mga music na pinatutugtog ni Epr. At dahil kailangang magamit ko ang bakanteng oras, inilabas ko ang tablet ko. Sinubukan kong mag-digital illustrate, pero wala sa mood ang kamay ko. Nanginginig. Nagsulat na lang ako ng nobela.

 

Pagkatapos ng lunch, niyaya nila akong pumunta sa kubo. Doon iluluto ang pansit at iba pa. Hindi naman para tumulong ako, kundi para hindi ako mabagot o mag-isa roon sa bahay.

 

Ganoon nga ang nangyari. Habang nagluluto sila, ako naman ay naglibot-libot sa paligid ng tindahan. Nakaka-miss ang buhay-probinsiya talaga. Sayang, walang ilog doon.

 

Past 3:30 na nang makabalik kami sa bahay. Mga 4 naman ako nakaligo. Nakabihis na si Heart, ang birthday celebrant. Tuwang-tuwa siya nang inabutan ko siya ng isanlibong piso. Nagsabi muna ako na hindi ko siya nabilhan ng regalo. Okey lang naman sana sa kaniya.

 

Simple lang ngayon ang party. Siyempre dahil mas milestone ang 7th. Nagkainan lang. Walang program. Walang games.

 

Pagkatapos kong kumain, naglakad-lakad ako. Nakarating ako sa mataas na burol. Narating ko na iyon last year, pero parang mas gumanda ang view. Nagpiktyur-piktyur at nag-video ako roon.

 

Dahil wala pang maupuan sa bahay—maraming bisita—naglibot-libot pa ako hanggang dumilim na. Six-thirty, niyaya ako ni Epr na makipag-inuman sa mga bayaw niya at sa iba pa. Pinagbigyan ko siya. Alfonso ang tinira namin. Nalasing naman ako, pero hindi pa ako nakapagkulit. Tumatawa lang ako sa mga usapan nila. At nang bumaba kami para lumipat ng puwesto, pinagbigyan ko naman ang paanyaya ng mga kumpare ko, na nag-iinuman sa kabilang kalsada. Lambanog ang iniinom nila. Iyon ang unang beses kong pag-inom niyon, kaya pinagbigyan ko rin.

 

Grabe pala ang tama ng lambanog. Napasuka ako ng dry. Plakda ako sa tricycle na nakaparada roon. Mabuti, tapos na akong magsuka nang niyaya ako ni Epr na matulog na. Siguro, wala pang 11 iyon nang mahiga ako.

 

 

 

Mayo 27, 2026

Dalawang beses akong bumangon para umihi, saka ako tuluyang gumising. Mga past 7 na iyon. May hangover ako. Kahit paano naibsan ng kape na itinulot sa akin ni Epr, gayundin ang malamig na tubig. At pagkatapos naming kumain, bandang 9, tuluyan nang nawala.

 

Past 12, niyaya naman nila akong pumunta sa kubo para doon magluto at mananghalian. Inilahok nila sa ginataang kalabasa at alimango ang mga lubi-lubing nakuha ko kahapon. May nakuha pa akong isang mas malaking lubi-lubi habang ginagayat nila ang kalabasa.

 

Sobrang gutom ko na. Pasado ala-una na kami nakakain, pero worth it naman kasi ang sarap ng ulam. Ang tagal na nang huli akong nakapag-ulam niyon. Inantok nga ako kaya kahit ayaw kong mahiga sa kubo roon, habang nasa duyan naman si Epr, ginawa ko. Kaya lang, sobrang init naman doon. Malamok pa. Hindi naman ako nakatulog. Nagpaypay lang ako, saka nagselpon. At nang hindi ko na kaya, umuwi na ako sa bahay nila para maligo. Pagbalik ko, naglibot-libot naman ako. Almost 6 pm na nang makapagmeryenda kami. Kararating lang kasi nina Judy mula sa bayan. Pagkatapos nilang magluto ng ulam, umuwi na kami sa bahay nila para kumain.

 

Pagkakain, nag-empake na ako. Alas-8:30 na kami nakaalis doon para bumiyahe pabalik sa Maynila. Isang oras din kaming naghintay ng bus na patungo sa Sampaloc. Medyo nagsisi ako kasi nakisabay pa ako sa kanila. Mas mapapalayo pala ako. May mga bus namang patungo sa PITX o sa Pasay. Pero okey na rin kasi nasabi ko nang makikisabay na ako.

 

 

 

Mayo 28, 2026

Ang bilis lang ng biyahe. Past 4, nasa terminal na kami ng AAB Bus Lines sa Sampaloc. Pinauna ko munang sumakay ang mag-asawa bago ako pumunta sa Pureza LRT Station. Past dahil 5 am pa magbubukas, nag-almusal muna ako sa paborito kong Chinese fast-food chain na malapit doon. Sakto, paglabas ko, pinapasok na kaming mga pasahero ng guard.

 

Past seven, nasa bahay na ako. Pagkalapag ko ng bag ko at pagkahubad ng sapatos, diniligan ko ang mga halaman. Hindi umulan, pero hindi masyadong nalanta ang mga tanim ko.

 

Nahiga ako at nagpaantok. Mga past 10 na ako bumangon. Kahit paano ay nakaidlip din ako. Pero dahil kumalam ang sikmura ko, naghanda na agad ako ng lunch. Kaya mga past 11, kumakain na ako.

 

Pagkakain at pagkatapos maligo, naglaan talaga ako ng oras para magpahinga at matulog. Hindi naman ako nabigo. Nakabawi na ako ng puyat!

 

Past 5, umalis ako para mag-withdraw ng sahod at mag-cash in para may pambayad sa utilities bills at Pagibig. Past 7 na ako dumating kasi wala na ang ECPay machine sa may Dali. Nilakad ko pa ang isang Dali sa unahan.

 

Inutusan ako ni Ma’am Nhanie na gumawa ng video mula sa mga pictures sa Lingap Year 5. Sa kabila ng pagtutol ko, tinanggap ko na lang kasi ipinilit niya sa akin. Ito na lang din ang tulong ko sa culminating program. May mga toka rin naman kasi ang iba. Kaya naman, bago at pagkatapos kumain, sinimulan ko nang gawin ito sa PPT. Ang hirap lang kumalap at pagtagpi-tagpiin ang mga pictures.

 

Past 12 na ako natulog, nanood pa kasi ako ng series sa YT.

 

 

 

Mayo 29, 2026

Past 7 nang magising ako. Nanood ulit ako ng series sa YT bago ako bumaba para maghanda ng almusal.

 

Pagkatapos kong magwalis sa garden, humarap na ako sa desktop para ipagpatuloy ang paggawa ng video. Past 12, nakalabas na ako para bumili ng ulam at pagkain, at almost done na rin ang video. Lalagyan ko na lang ng logo ng Lingap, saka audio.

 

Nag-siesta ulit ako pagkatapos kumain, saka bago at pagkatapos maligo. Past 5 na ako bumangon para magmeryenda. Sa garden na ako kumain ng cheese bread at nagkape. Habang inuubos ang kape, nagdilig ako ng mga halaman. Pagkatapos niyon, nagpausok ako. Doon ko na rin isinagawa ang dalawang leg routines. Alas-siyete na ako pumasok para maghanda ng dinner.

 

Alas-nuwebe, natapos ko na ang video. Kapag hinanapan ako bukas ni Ma’am Nhanie, ready na. Sana magustuhan niya.

 

 

 

Mayo 30, 2026

Wala pang 7, kung kailan dapat tumunog ang alarm ko, gising na ako. Hindi na ako pumikit ulit. Bagkus, nagselpon na lang ako. Alas-siyete na ako bumaba para mag-almusal.

 

Bumuhos ang malakas na ulan nang paalis na ako, kaya hindi agad ako nakabiyahe. Ang sumatotal, nakarating ako ng 9:30 sa venue ng Celebration of Learning—ang culminating program or graduation ng Batch 5 ng Project Lingap. Andami nang tao roon. Maraming food carts, na na-miss ko. Sana ay nakapag-almusal pa ako roon. Kung hindi lang umulan at hindi lang ako nagka-diarrhea sa PITX, mas maaga sana akong nakarating.

 

Mga 10 na nakapagsimula ng programa. Mas naunawaan ko na ngayon kung paano nagsimula ang Project Lingap, nang isalaysay iyon ni Ma’am Nhanie. Mas na-appreciate ko rin ang naging bahagi ko sa 8-week learning program nang ipinakilala at pinasalamatan niya kaming teacher-volunteers. Mas lalo kong mamahalin ang 21 Century Teachers PH, Inc at ang mga advocacy ninito.

 

Namangha rin ako dahil may mga organization ding nakipag-collab at tumulong sa amin para mairaos ang programang iyon. Bumuhos ng biyaya—giveaways, pagkain, at inumin. Ang suwerte ng mga benefeciaries dahil nakatanggap sila ng Bag of Hope, shoes, shirts, school suplies, sanitary kit, at iba pa. Ako naman, masama na ako sa Certificate of Appreciation. Wala ring masama kung nagbayad ako ng membership due kanina—worth P1k. Maliit na halaga iyon kumpara sa kasiyahang natamo ng puso ko.

 

Sobrang dami ng pagkain. Napakagalante talaga ni Sir Edwin. Andami pang tira. Ang suwerte ng mga taga-Don Carlos, lalo na ang mga magliligpit.

 

Magto-two na nang umalis kami nina Ma’an Joann at Ma’am Lynette sa venue. Naglakad lang kami hanggang LRT. Ang lapit lang naman.

 

Nag-diarrhea ulit ako pagdating sa PITX. Mabuti, hindi ako inabutan sa train. At mabuti, nakauwi ako nang safe—bandang 4 pm.

 

Nag-stay ako sa higaan pagdating ko. Nanood ako ng series sa YT, saka ng isang movie. Gabi, nag-send si Ma’am Nhanie ng Zoom link para sa kaniyang financial literacy talk. Gusto ko sanang makinig, kaya lang nang nag-pretest na, andaming kahingian sa Google Forms. Nabuwisit ako, kaya nag-leave na lang ako.

 

Past 10, dahil sa sobrang pagod at antok, natulog na ako.

 

 

 

Mayo 31, 2026

Past 6 nang nagising ako. Akala ko, 8 o’ clock na, hindi pala. Nagselpon na lang ako bago ako bumangon para mag-almusal at maglaba.

 

Maaga akong natapos maglaba dahil isang salang at kakaunti lang ang labahan ko. Naisingit ko pa ang pagpupunas ng sahig sa sala at kusina, gayundin ang pagwawalis sa garden.

 

Past 9:30, humarap na ako sa tablet. Nanood ako ng Korean movie sa YT. Gusto ko lang humilata maghapon. Ito na ang last na gagawin ko ito dahil bukas ay back to school na ako.

 

Maghapon nga akong humilata, nanood, at nagselpon. Past 5 na ako nagmeryenda at lumabas para sa usual garden routine.

 

At bago mag-8 ng gabi, lumabas naman ako para bumili ng makakain. Nag-crave ako sa fruit shake at fries, kaya iyon nga ang hapunan ko. Busog!

 

 

 

 

 

Ang Aking Journal -- Mayo 2026

Mayo 1, 2026 Pag-alis ni Felix, bandang 4:30 ng umaga, hindi muna ako natulog. Hinintay ko muna ang chat niyang nasa Robinson’s Tejero na ...