Followers

Thursday, September 3, 2026

Ang Aking Journal -- Agosto 2026

 Agosto 1, 2026

Ang sarap sanang matulog! Kundi lang bumusina ang dump truck, hindi ako pa sana ako babangon. Mga 7:30 iyon.

 

Habang naghahanda ng almusal, nagbabad naman ako ng mga uniform ko. At pagkatapos kung kumain, humarap na ako sa desktop para gumawa ng PPT sa Filipino 6.

 

Andami ko pang gagawin. Dahil sa mga gawaing bahay, hindi ko magawa agad. Hindi na rin ako nakakapagsulat ng akda. Bihira na rin ako makapaglinis ng bahay at garden. Okupado na ang schoolwork ang oras ko. Idagdag pa ang SIKAP. Hindi ko rin ito puwedeng i-give up kasi pandagdag din ito sa allowance ng mga anak ko.

 

In fact, nanghihingi na si Zildjian ng allowance niya. Pasukan na niya sa August 12.

 

Nanghingi na rin si Ion. Kako, sa August 6 na ako magpapadala. Ubos na raw ang pinadala ko noong July 5. May mga babayaran daw siya.

 

Haist! Kailangan kong magkaroon ng iba pang raket.

 

Past 10:30, lumabas ako para mamalengke. Pagdating ko, nagluto agad ako ng ginataang santol, na may karne.

 

Ang sarap ng kain ko! Nakarami ako ng kanin, kaya naman nakatulog ako pagkatapos magbanlaw at maligo.

 

Paggising ko, bandang 4 pm, nagluto naman ako ng pinakro. Medyo hinog na ang saging, kahit green pa. Okey lang naman ang lasa. Kahit walang asukal ay manamis-namis na.

 

Past 8, natapos ko ang paggawa ng LP at PPT, na hanggang Miyerkoles. Isinunod ko naman ang paggawa ng LP sa SIKAP.

 

Past 10, umakyat na ako para manood ng YT video.

 

 

 

Agosto 2, 2026

Alas-siyete pa lang, gising na ako. Gustuhin ko mang magbabad sa higaan, ay hindi puwede. Kailangan ko pang tapusin ang mga schoolwork. Kailangan ko ring magpadala kay Ion ng pang-allowance niya. Kaya naman, pagkatapos kong mag-almusal, umalis na ako. Mga past 8 na iyon. Tiyempo ang lakad ko kasi makulimlim.

 

Past 9 na ako nakabalik sa bahay. Nakapagpadala na ako, nakapag-walking pa. Nakapulot ps ako sa daan ng mga bato, bote, at retasong kahoy para sa aking mga planong crafts. Koleksiyon na rin.

 

Pagkatapos kumain (muli) nagpakulo na akong chicken feet, saka humarap sa desktop. Hindi naman ako nai-stress sa mga gawain. Unti-unti ko nang nagagamay. Kaya lang, wala na talaga akong panahon para sa pagsusulat at iba ko pang hobby, gaya ng wood carving at suiseki.

 

Dahil sa sobrang kabusugan, inantok ako bandang 1 pm. Pinagbigyan ko hanggang past 2, saka lamang ako naligo at muling gumawa.

 

Ngayong araw, ready na ang LP at PPT ko para sa dalawang araw na SIKAP. Printing na lamang bukas, saka turo. Nakapag-upload na rin ako ng video lessons sa YT.

 

Past 8, umakyat na ako. Hindi ko na tinapos ang pinanonood kong singing contest.

 

 

 

 

Agosto 3, 2026

Dahil sa bagyong Luis, masama ang panahon paggising ko. Hindi man gaanong malakas ang ulan, pero may mga lugar nang nagdeklara ng suspension of classes, lalo na sa Bulacan. Nag-asam din akong baka i-suspend rin ni Mayora ang sa Pasay.

 

Before six, nasa school na ako. Wala pa ring suspension. Nakapag-print pa nga ako ng mga LPs sa SIKAP at Filipino, bago ako bumaba para sa flag ceremony. Tanggap ko na. Marami-rami rin naman ang pumasok sa Love.

 

Natanggap na namin ngayon ang lapel, na ipinagmamalaki ni BBM at Angara. May video message pang ni-require sa amin. Kung tutuusin, hindi naman sila ang dapat pasalamatan, kundi ang mga taxpayer. Isa pa, laptop bawat guro ang ipinangako niya noong SONA 2025, pero naging lapel lang. Haist! Nasa ang budget?!

 

Hindi ako nakapagturo sa Love dahil ayaw nang gumana ng tv. Ilang beses kong isinaksak ag tinanggal ang HMDI cord. Inikot-ikot ko na. Inilabas ko pa ang isa. Pero wala talaga! Nagpa-spelling na lang ako bago natapos ang period.

 

Nakumpirma kong sira ang tv dahil ayaw ring gumana nang sina Sir Archie at Ma'am Wylenne na ang nagklase sa room ko. Sabi ng huli, nag-chat na siya sa mga clerk upang magtanong kung may bakanteng tv. Sana mabigyan agad ako.

 

Naging maayos naman ang pagtuturo ko sa lahat ng nalalabing section. Gustong-gusto talaga nila ang spelling.

 

Sa SIKAP, nahirapan ako dahil walang tv. At kakaunti na nga lang sila, ang iingay pa. Napagalitan ko nga. Nasabi ko pa tuloy na gusto ko nang umayaw sa SIKAP.

 

Mga 3 na ako nakaalis sa school kasi nagligpit pa ako. At mva 5, nasa bahay na ako. Agad akong nagmeryenda at nagkape, saka naglaga ng baboy para sa aking hapunan.

 

Habang pinalalambot ko, humarap na ako sa desktop upang gawin ang mga schoolwork. Gumawa ako ng LP para sa Week 9. Nag-check din ako ng mga papel ng mga estudyante.

 

Bago mag-9, nasa kuwarto na ako. Kailangan kong makatulog nang maaga.

 

 

 

Agosto 4, 2026

Medyo maaga akong nakarating sa school kahit muntikan na akong mabasa ng ulan dahil wala akong payong. Naka-hoodie jacket lang ako.

 

Nakapagturo ako nang maayos sa lahat ng sectioms, maliban sa Faith. Hindi ko alam kung interesado sila sa spelling, kaya sila maingay, o hindi. Basta bigla na lang akong nainis, saka nanermon. Nag-monologue ako ng pagtuturo. Hayun, tahimik naman sila. Pagkatapos kong magturo, pinagawa ko na lang sila.

 

Nagsimula na ang Project IGNITE ni Ma'am Ivy. Labag man sa kalooban ko, isinagawa ko pa rin. Binigyan ko ng babasahin ang bawat estudyanteng kabilang sa ARAL Program, saka pinasagutan ang 5 tanong. Siyempre, hindi ko napabasa lahat bago ko sila pinauwi. Thirty minutes lang naman iyon. Nabawasan pa sa pagsasaway at pagpapaliwanag.

 

Pagkatapos niyon, nagtungo na ako sa classroom ni Ma'am Mel para sa kauna-unahang journalism training namin. Nainis ako kasi kulang ng tatlo ang collaborative publishing. Wala rin ang dalawa kong column writers.

 

Naiinis akong nag-chat sa GC. Isa lang ang nag-reply. Andami pa niyang dahilan. Nakakainis lang kasi hindi man lang nagpaalam. Lunes pa lang, nagsabi na ako. Kaya pag-uwi ko, sinabihan ko sila ng "Isang tanong, isang sagot, gusto niyo pa bang sumali?"

Gusto pa raw nila. At nangakong magpapasa na ng gawa. Nagpasa ang isa pagkatapos ng ilang minuto, pero ang isa, hindi.

Past 2:30 na kami natapos sa training. Siyempre, wala pa halos output ang 4 na bata. Andami pa naming dapat pag-aralan. Napakahirap ng collab publishing, lalo kapag ayaw magsipagdalo ang mga bata.

 

Five na ako nakauwi. Gutom na gutom ako kasi alas-11 pa ako huling kumain. Mabuti may bigay na Nutribun, mula sa feeding program. Iyon ang mineryenda ko.

 

Wala pang 9, nasa kuwarto na ako.

 

 

 

Agosto 5, 2026

Muntikan na akong ma-late dahil natagalan ako sa tricycle terminal, saka sa bus. Antagal maghintay ng mga pasahero. Mabuti na lang, nasa pilahan pa ang mga bata nang dumating ako. At hindi pa masyadong malakas ang ulan.

 

Nakapagturo ako nang maayos, masigla, at masama sa lahat ng section. Tuwang-tuwa naman ako sa Faith kasi nagkaroon ako ng alterego-- isang sipsip an estudyante na kinaiinisan ng klase kasi sumbong nang sumbong.

 

Effective naman iyon kasi, sa halip na magalit ako at magsermon, napapatawa ko rin ang sarili ko. At ang mahalaga, nakukuha ko ang atensiyon nila kapag nagboboses-bata ako.

 

Past 11, nag-suspend ng panghapong klase. Kahit pang-umaga kami, apektado pa rin ang mga gawain namin sa hapon. Kaya walang SIKAP at ARAL o Project IGNITE.

 

Nang mapauwi ko na ang mga bata, nag-print ako ng mga activity sheets na ipapagawa bukas at Biyernes sa mga estudyante habang naka-leave ako.

 

Nakapagkuwentuhan kami ni Ma'am Mel tungkol sa isyung kinasangkutan ng aming atleta. Kinompronta niya si Ma'am Wylenne kanina dahil sinabihan niya at Ma'am Ivory ang bata na huwag nang lumaban sa running at throwing dahil pasok na ito sa division level (badminton). Mas may karapatan kami sa bata dahil kami ang trainers nito last year. Pinagbigyan na nga silang maglaro pa ito ng volleyball.

 

Hayun, masama ang loob ni Ma'am Mel. Humanga ako sa kaniya kasi nasabi niya ang nasa loob niya.

 

Past 4, nasa bahay na ako. Pagkatapos kong magmeryenda, umakyat ako para matulog. Hindi man ako agad nakatulog, pero kahit paano ay nakaidlip ako ng ilang minuto.

 

Bago ako umakyat para magpahinga, bandang 9:30, nakagawa na ako ng isang PPT para sa Lunes. Nalaman ko ring suspendido na ang mga klase bukas. Nanghinayang ako kasi nag-file ako ng leave ng August 6 to 7.

 

Sa kuwarto, nag-send na ako ng worksheets sa mga GC para magising man ako nang late bukas, hindi na ako magmamadaling mag-send. Maaga nilang magagawa, at maaga rin akong makakapagpasa ng MOV.

 

 

 

Agosto 6, 2026

Kahit masarap matulog, hindi pa rin ako nakatulog hanggang 8 am. Maaga pa rin akong gumising at bumangon. Okey lang naman kasi marami pa akong gagawin. Maglalaba. Gagawa ng PPT.

 

Kahit umuulan, lumabas ako para bumili ng pansahog sa baboy, saka prutas. Gusto kong humigop ng mainit na sabaw, kaya nagluto ako ng sinigang.

 

After dinner, umakyat ako para magpahinga. Nanood muna ako sa YT bago nakatulog. Paggising ko, saka lamang ako nagbanlaw ng binabad ko. At saka lang ako naligo.

 

Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng PPT hanggang matapos ako bandang 9:30.

 

Maaga ring inanunsiyo ni Mayor ang 'Walang Pasok' bukas. Hindi naman ako masyadong natuwa kasi bibiyahe ako bukas. Ayaw ko namang abutan ako ng bagyo sa biyahe.

 

Wala pang 10, umakyat na ako para magpahinga.

 

 

 

Agosto 7. 2026

Past 8, umalis na ako sa bahay patungong Morong, Rizal. Dala ko ang tatlong boxes ng First Vita Plus para kay Mama.

 

Past 12, nasa Antipolo na ako. Nag-lunch muna ako sa Jollibee, saka nag-take out ng fried chicken bucket. Ito na ang ambag ko sa handaan. Hindi alam nina Jano at Taiwan na darating ako.

 

Past 2 naroon na ako. Nagulat sila sa pagdating. Siyempre, natuwa si Mama. Nawala raw ang sakit niya.

 

Mga past 3, dumating na sina Jano, pero past 4 na kami nakakain kasi hinintay pa si Yoshimi, na siyang magdadala ng cake at chicken inasal.

 

Masaya si Mama sa simpleng birthday celebration na ibinigay namin sa kaniya. Ang ganda nga ng birthday wish niya.

 

Sabi niya, "Lahat kayo ay maging ligtas sa panganib at sakit. At lahat makapagtapos, sa kolehiyo, ang mga anak ninyo para makapagtrabaho nang maayos."

 

Uminom ako ng kaunti kahit hindi ako naki-join kina Jano, Taiwan, at Chriz. Inabot din kami ng 1 bago nakatulog. Sa sofa na ako nahiga. Hindi komportable, pero okay na.

 

 

 

Agosto 8, 2026

Alas-6, naputol ang tulog ko dahil sa lalaking bumibili sa tindahan ni Taiwan. Bumangon na rin si Jano. Nag-cellphone na rin ako.

 

Alas-otso, umalis na ako. Sa highway na ako nag-almusal.

 

Sa PITX, naman ako nag-lunch. Almost 12:30  kasi ako nang dumating doon. Ang lakas ng ulan, kaya siguradong hassle ang pagbili o pagluto ng pagkain pagdating ko sa bahay.

 

Quarter to 2 nang dumating ako. Naglimas lang ako ng tubig sa kusina, saka umakyat na ako para matulog. Almost 5 na ako nagising. Ang sarap matulog. Gusto ko sanang ituloy, kaya lang kailangan kong magmeryenda.

 

Pasg 6:30, lumabas ako para bumili ng ulam na lulutuin at pang-almusal na rin.

 

Past 10:30 yata ako natulog para makabawi sa puyat.

 

 

 

Agosto 9, 2026

Kahit wala namang pasok, nagising pa rin ako nang maaga-- past 7. Pero hindi muna ako bumaba agad. Nagselpon ako hanggang 8.

 

Pagkatapos kong mag-almusal, mga past 9 na, nagpahinga lang ako at naligo. Isinunod ko na ang pamamalengke. Nagluto naman agad ako pagdating ko. Ginayat ko ang tangkay ng mga kangkong na ginamit ko noong isang araw, saka iginisa ko sa baboy. Hinaluan ko ito ng dahon ng sili at ligaw na ampalaya, na tanim ko sa garden. Ang sarap, lalo na't pinaresan ko ng pritong isda. Daming kaning naubos.

 

Habang nagpapatunaw, nanood ako ng YT video sa kuwarto. At nang inantok, umidlip ako. Mga past 3 na ako bumangon para magluto ng pinakro (ginataang hilaw na saba). Pero bago ako nakapagluto, inilabas ko muna ang mga uniporme ko kasi nagpakita ang araw. Nagwalis at nag-brush na rin ako ng lumot sa garden.

 

Pagkatapos magmeryenda, bumalik ako sa higaan. Hindi naman ako natulog.

 

At bago gumabi, humarap ako sa desktop para i-finalize ang lesson plan. Pero hindi pa ako tapos, nag-announce na ng suspension of classes. Medyo nami-miss ko na rin ang mga estudyante. Ready na sana akong turuan sila bukas, tutal dalawang araw na rin namang suspendido ang mga klase.

 

Pagkatapos kong maihanda ang mga layunin, gayundin ang activity bukas sa asynchronous classes, nag-off na ako ng desktop. Nanood na ako ng KMJS hanggang 10.

 

Past 10, nasa kuwarto na ako.

 

 

 

 

Agosto 10, 2026

Tumunog pa ang alarm clock ko bandang 3 am. Nakalimutan kong i-off. Naging putol-putol tuloy ang tulog ko. Dahil na rin ito pabugso-bugsong ulan.

 

Alas-siyete, gising na ako. Agad kong nadiskubreng walang internet. Nag-text ang Converge.

 

Nagsisi ako kung bakit hindi ako nag-send ng activity kagabi. Nahirapan tuloy ako. Pumunta pa ako sa garden para maghanap ng signal. At mas lalo akong nahirapang i-forward ang mga activities sa ibang subjects.

 

Past 8 na ako nakapag-almusal. Sinikap kong makagawa ng MOV sa SIKAP. Gibamit ko na lang ang mga pictures, na hindi ko nagamit sa ibang MOV. Hindi na ako nag-send sa mga nagsi-SIKAP.

 

Ang hirap ng walang internet. Andami kong gustong gawin, pero hindi ko magawa. Mabuti na lang, may mga books ako. Nagbasa-basa na lang ako. At bandang hapon, umidlip ako.

 

Past 3, nag-chat na si Ma'am Wylenne. Hinahanap na ng MT namin ang MOV ko. Agad akong lumabas para maghanap ng signal. May nagawa na akong MOV, hindi ko lang talaga mai-send. Mabuti, may signal ng Globe sa may function hall ng subdivision. Nakauwi rin ako bandang 3:30, saka nakapagmeryenda.

 

Bumalik ako sa kuwarto. Kahit paano, may ligaw na signal doon, kaya nakakapag-chat ako. Nag-illustrate din ako bago ako bumaba para mag-dinner.

 

Alas-siyete, lumabas uli ako para maghanap ng signal. Kahit paano nakasagap ako, at nakapag-reply sa mga chat. Nagawa ko ring mag-post ng akda ng member ng Sinag Writing Club. Nakapagpagawa pa ako ng cover photo sa AI, bago ako umuwi bandang 8 pm.

 

Alas-8:40, bumalik na ang internet connection. Tuwang-tuwa ako. At mas lalo akong natuwa nang mag-declare ang city mayor na walang face-to-face classes bukas.

 

Past 12 na ako natulog.

 

 

 

 

Agosto 11, 2026

Bago mahmg-7, gising na ako. Agad akong nag-send sa GC ng activity. Ni-forward ko rin ang mga activities sa ibang subjects. Pagkatapos mag-almusal, humarap na ako sa desktop para magsimulang mag-layout ng MOV. Isinunod ko naman ang paggawa ng lesson plan para sa Week 10.

 

Tinamad na akong lumabas upang bumili ng ulam, kaya nagluto na lang ako ng biko. Ito na ang lunch ko, saka barley-apple-banana shake.

 

Pagkatapos mag-lunch, nanood ako sa kuwarto ng Korean film na 'Sinkhole.' Ang ganda ng kuwento, pero inantok ako. Pinagbigyan ko naman ito, kaya paggising ko na lang tinapos ang movie.

 

Pagkatapos magmeryenda, kahit umaambon, umalis ako para magpa-cash in. Kahapon pa nag-remind si Zildjian na padalhan ko siya ng allowance. Ngayong college lang naman siya nagkaroon ng sariling pera. Dati, pinabibigyan ko lang siya kay Ate Hanna.

 

Mabigat sa bulsa ang pagpapaaral ng tatlong anak. Bawat isa sa kanila ay may P5k monthly allowance. Mabuti, walang tuition si Hanna.

 

Hindi ko nga alam kung sasapat pa sa mga susunod na araw ang sahod ko. Gayunpaman, tiwala akong magagawan ko ng paraan, kung sakaling kapusin ako. Ngayon pa ba ako susuko?

 

Before nine, pagkatapos gumawa ng PPT, at manood ng teleserye, umakyat na ako upang matulog ng maaga. Sigurado akong may pasok na bukas.

 

 

 

 

Agosto 12, 2026

Bad trip na naman ako sa Love. Bukod sa kakaunti lang sila, tameme pa sa talakayan. Sa haba ng walang F2F classes, para silang mga tuod. Hindi talaga nila kaya ang lesson ng Filipino 6. Bukod sa mataas ang level, ayaw pa nilang magpokus. Hindi nakikinig. Haist! Huminto nga ako, at pinagawa na lang sila. Wala ring nakagawa. Hindi ko na alam kung paano sila mapapatuto. Nasa kanila ang problema. Natututo naman ang ibang sections, e.

 

Naging mabilis ang oras dahil na-enjoy ko naman ang apat pang klase sa apat na sections, lalo na sa Faith at Peace. Nakikipagbiruan ako sa kanila habang nagtuturo.

 

Nag-ARAL muna kami, saka nag-SIKAP.  Pina-join ni Sir Joel ang mga bata niya kasi may meeting siya. Mabuti na lang kasi halos walang Love na dumalo. Kahit paano ay nagkaroon ng 20 attendees. Quota ako.

 

Naging masaya sila sa mga pa-games ko. Gusto nga ng Faith na sa akin na sila magsi-SIKAP.  Okey lang naman kung may mewmeting si Sir Joel.

 

Umuwi agad ako pagkatapos kong magligpit. Inabutan nga ako ng ambon sa paglalakad.

 

Mga past 5, nasa bahay na ako. Agad akong nagmeryenda at humarap sa desktop. Tinapos ko ang PPT na nasimulan ko kahapon. Then, nagtsek ako ng mga sanaysay ng estudyante. Naisingit ko rin ang pag-eehersisyo.

 

Before 9, umakyat na ako para magpahinga. Kahit umuulan, naniniwala akong hindi isususpinde ang mga klase bukas, kaya kailangan kong matulog nang maaga.

 

 

 

Agosto 13, 2026

May pasok kahit magdamag umulan. Okey lang naman kasi kailangan ko nang matapos ang mga aralin dahil malapit na ang term examination.

 

Kakaunti lang ang pumasok sa klase ko. Mga absenero at absenero talaga sila. Nagtataka ako sa mga magulang nila, kung bakit hinahayaang um-absent nang walang dahilan. May iilan namang palaging maysakit. Twice a week na lang pumapasok. Haist!

 

Ginawa kong masaya ang pagtuturo, sa lahat ng section, kahit mahirap ang aralin. Nagpakakenkoy nga ako sa Faith. Gustong-gusto nilang may alterego ako sa harapan nila. Bukas nga raw, gusto nilang gay teacher ako. Kung iyon ang gusto nila, baka doon sila natututo, sige, pagbibigyan ko sila.

 

Dahil suspended ang panghapong mga klase, hindi na rin natuloy ang training namin sa athletics. Past 2 na ako nakauwi kasi nakipagkuwentuhan pa ako kay Ma'am Mel.

 

Sa sobrang antok, nakaidlip ako sa bus, kahit ang ingay ng kapasehero ko sa likod. Kaninang umaga naman, hindi talaga ako nakaidlip dahil ang iingay at ang dadaldal ng mga babaeng nag-aaral ng Arabic sa likuran ko. Soon-to-be OFW sila. Gusto ko sanang pagsabihan, nakontrol ko lang ang sarili ko.

 

Pagkatapos kong magmeryenda, agad akong humarap sa desktop para gumawa ng PPT. At habang nanonood, gumawa rin ako ng Bingo sheets, na gagamitin ko sa SIKAP sa Monday.

 

At gaya kagabi, before 9 ay nasa kuwarto na ako.

 

 

 

Agosto 14, 2026

Masigla akong nagturo sa lahat ng section, bago na-suspend bandang 11 am.  Hindi ako nakapagturo sa Peace.

 

Siyempre, gaya ng dati, hindi na naman nakagawa ang Love. Bukod kasi sa kulang sa oras, hirap na hirap silang umunawa dahil sa kakulangan sa interes, pokus, at motibasyon. Hindi ako ang dapat sisihin dahil sila lamang ang ganitong section sa Grade 6.

 

Tuwang-tuwa naman ang Faith nang kasama ko ang alterego kong si Ms. Jackielou Lou Penisha M. Matite, sa pagtuturo. Siya ay gay teacher. Sila ang nag-request na magbakla-baklaan ako. Na-enjoy naman naming lahat, kaya lang nasosobrahan sila sa saya. Kaya, sabi ko sa kanila, sa Lunes, kasama ko naman so Father Bartolome.

 

Bago ko pinauwi ang mga estudyante kong walang sundo, pinabasa ko muna sila ng English short selection. Pagkatapos niyon, nag-lunch na ako.

 

Bago ako bumaba, nag-print mjna ako ng stars, na pinamimigay ko sa mga nag-rerecite.

 

Busog pa nga ako, nayaya naman ako, saka ang ibang teachers at non-teaching staff sa shower party / gender reveal ni Ma'am Judy at husband niya. Gayunpaman, kumain pa rin ako nang marami.

 

Wala oang 3:30, nasa bahay na ako. Nagtanggal lang ako ng uniform, saka nahiga na ako. Past 4, marahil, tulog na ako. At bago mag-six, nagising na ako. Gusto ko sanang ituloy ang tulog, pero naisip ko ang mga gagawin ko.

 

Pagkatapos magmeryenda, humarap na ako sa desktop. Tinapos ko ang bingo cards.

 

Past 7, lumabas muna ako para bumili ng fried chicken at ubas. No-rice meal muna ako ngayon.

 

Bago mag-11:30, nakagawa na ako ng LP at PPT sa SIKAP-- para sa Lunes.

 

Umakyat na ako bago mag-11:45.

 

 

 

 

Agosto 15,  2026

Alas-7 ako nakamulat. Hindi na ako natulog uli. Sa halip, nagselpon ako hanggamg 8 am.

 

Pagbaba ko, agad akong nag-almusal. Kape at biko lang ang inalmusalan ko. Hindi pala ako nakabili ng pang-almusal kagabi. Okey lang naman.

 

Humarap na ako sa desktop pagkatapos kong magbabad ng mga uniporme ko. Inuna kong gawin ang LP sa  SIKAP.  Isusunod ko ang PPT, gayundin ang PPT sa Filipino.

 

Nag-imbita ang dati naming principal sa graduation party ng kaniang anak. Special mention ang Grade 6, kaya nagkayayaan,. pero hindi naman natuloy. Alanganin din kasi. Gusto ko sanang pumunta para makagala, kahit alam kong hindi dapat pumunta kapag late na ang invitation. Wala lang... Gusto ko lang magliwaliw. Sanan inagahan ang imbitasyon.

 

Pagkatapos magbanlaw at sampay, naligo na ako. Mga past 2 na ako nakaakyat sa kuwarto para matulog. Okey naman ang panahon, kaya nakatulog kahit paano. Mga past 4 na ako bumaba para magmeryenda.

 

Pagkatapos magmeryenda, itinuloy ko na ang paggawa ng PPT sa Filipino. Natigil lang dahil lumabas ako para mamalengke. Mga past 10, huminto na ako para mag-ehersisyo naman.

 

Past 11, nasa kuwarto na ako, hindi para matulog, kundi para magpaantok.

 

 

Agosto 16, 2026

Alas-sais pa lang, gising na ako. Hindi na ako natulog ulit. Sa halip ay nagselpon ako hanggang alas-7.

 

Humarap na ako sa desktop pagkatapos kong mag-almusal. Sinikap kong matapos lahat ng schoolwork bago ako naligo.

 

Mga 2:30, umidlip ako sa kuwarto. After an hour, bumaba na ako para magmeryenda.  May ginawa pa ako pagkatapos nito. Naghanda ng ipi-print ko. Gagamitin ito sa book review ng mga estudyante ko.

 

Habang nanonood ng tv, naglinis ako nang kaunti sa kuwarto.

 

Wala pang 10 pm, umakyat na ako para magpahinga at matulog. Kahit may low pressure at habagat, hindi ako umaasang may class suspension bukas.

 

 

Agosto 17, 2026

Nakakainis! Kung kailan nasa carousel bus na ako, saka nag-suspend ng klase. Sayang ang effort,  oras, at pamasahe. Hayun, pagkababa ko sa Heritage, sumakay agad ako ng carousel pabalik sa PITX. Past 7 na ako nakauwi kasi nag-diarrhea pa ako sa terminal, saka namalengke pagdating sa subdivision.

 

 

Pagkabihis, nag-stay muna ako sa kuwarto. Naghihintay na lang ako ng mga pictures na ipapasa ng mga bata upang gawing MOV.

 

Past 10, nagsimula na akong mangusina. Isingit-singit ko ang paggawa ng lesson para next week.

 

Bago mag-1, nakapagpasa na ako sa GC ng aking MOV.  Naglaan naman ako ng oras para matulog. Past 3:30 nang magising at bumangon ako. Agad naman akong nagluto ng pinakro para sa meryenda.

 

Past 5 na ako nakapag-send ng activity sa SIKAP. Nagpasa kasi ng MOV ang iba kong kasamahan. Wala namang sinabi ang focal person na mag-asynchronous, pero ginaya ko na rin.

 

Maaga pang nag-anunsiyo ang city mayor ng suspension of classes bukas. Magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ko. Masaya ako kasi makakatipid. Pero nakakalungkot kasi hindi ko matuturuan ang mga estudyante ko. Nakaka-miss magturo.... at magsaway.

 

Before 9:30, nasa kuwarto na ako para magpahinga. Inaantok ma ako. Kung kailan namang walang pasok kinabukasan, saka ako inaantok agad.

 

 

 

Agosto 18, 2026

Maaga na naman akong nagising kahit wala namang pasok. Sabagay, kailangan ko palang mag-send ang activity sa mga GC para sa asynchronous classes. Siyempre, kahit huminto na ang ulam, naglimas pa rin ako sa kusina.

 

Pagkatapos kong mag-almusal, humarap na ako sa desktop. Gumawa ako ng PPT habang maghihintay sa mga ipapasang pictures ng mga estudyante. Unti-unti kong ni-layout.

 

Past 11, lumabas ako para bumili ng ulam at mga prutas. Adobong manok at gjnataang puso ng saging ang binili ko.

 

Bago mag-2, nakapasa na ako ng MOV,  kaya umakyat na ako para matulog. Nagising naman ako bandang 3:30. Sa kuwarto na rin ako nagmeryenda habang nanonood ng live seminar tungkol sa pagsasalin.

 

Seven o' clock, inanunsiyo ng Palasyo na wala ring pasok sa buong Metro Manila. Kalahating tuwa at lungkot ang naramdaman ko.

Tue 4:35 PM

Magandang araw! Narito ang YT link ng lesson sa Filipino 6 ngayong araw -- Agosto 19. 2026. Basahin, unawain, aralin, at sagutan sa notebook ang PAGTATAYA. Mag-picture habang ginagawa ito, at i-send kasama ang sagot. Maraming salamat!

 

 

Agosto 19, 2026

Alas-7 na ako nagising. Agad akong bumangon, pagkatapos kong mag-send ng activity sa GC. May online kumustahan daw bawat grade level. Alas-8 hanggang 8:30 kaming Grade 6. Akala ko nga, kasama ang mga estudyante, hindi pala.

 

Nagmadali akong maghanda ng almusal. Bago mag-8, nakakain na ako, at nasa kuwarto na ako.

 

Sa online kumustahan, iniisa-isa kaming kinumusta ng principal tungkol aa kalagayan namin sa bahay, gayundin sa asynchronous classes. Itinanong niya sa amin kung ano-ano ang best practives namin, aaka ang mga problemang kinahaharap.

 

Nalaman niya tuloy na ginagamit ko ang sarili kong textbook. Tatahi-tahimik lang daw ako. Nabanggit ko rin na gumagawa ako ng YT video, at ginagamit ko minsan para ipabasa sa mga estudyante ang mga aralin. Hinikayat niya rin ang iba na gumawa rin ng tutorial video, gaya ko.

 

Quarter to 9 na natapos ang kumustahan. Bumaba agad ako para humarap na sa desktop. Gumawa ako ng PPT, saka activity sheet sa SIKAP. Inihanda ko na rin ang mga MOVs ko.

 

Eleven-thirty, lumabas ako para mag-grocery at bumili ng ulam. Wala na akong time magluto.

 

Pagkatapos kong mag-send ng MOV, saka gumawa ng isang PPT, nag-stay ako sa kuwarto para magsiesta. Nanood muna ako ang YT video para antukin.

 

Almost 4 na ako bumaba para magmeryenda. Pagkatapos nito, bumalik ako sa kuwarto at muling natulog. Mga past 6 na ako bumaba. Kahit paano ay nakatulog ako.  Saka lamang ako nakagawa ag nakapasa ng MOV sa SIKAP.

 

Wala pa ring pasok bukas. Hindi agad ako umakyat para matulog at magpahinga. Pagkatapos kong manood ng sinusubaybayang teleserye, nagluto ako ng biko. May almusal na ako bukas.

 

 

 

Agosto 20, 2026

Seven o' clock ulit ako nagising. Hindi naman ako bumaba agad, kaya late na ako nakapag-send ng activity sa GC.

 

Pagkatapos kong mag-almusal, naglinis ako sa garden. Nagpakita na si Haring Araw, kaya isinako ko ang mga dahon at sanga. Nag-brush din ako ng semento.

 

Pagpasok ko, humarap na ako sa desktop. Gumawa ulit ako ng PPT, kaya lang sobrang bagal ng net. Namalengke na lang ako. Nilagang baboy ang gusto kong ulam.

 

Habang nagluluto, naisipan kong mag-illustrate. Namili ako sa koleksiyon ko ng mga kuwentong pambata. Ang 'Mader Nos Bes!' ang napili kong i-guhit.

 

Pagkatapos kumain, umakyat na ako. Ipinagpatuloy ko ang pagguhit hanggang antukin ako. Nakatapos ako ng isang illustration bago ako natulog.

 

Past 4 na yata ako bumaba para magmeryenda. Pagkatapos niyon, humarap na ako sa desktop para gumawa ng MOV. Nang maipas ako, sinimulan ko namang gawin ang listahan ng financial assistance.

 

Past 6, lumabas ako para mag-claim ng rice stub na ipinamimigay ng municipal mayor ng Tanza sa bawat unit sa subdivision o sa lahat ng pamilya.

 

Pagdating doon, apat kaming hindi nabigyan ng stub kasi naubos na. Inilista na lamang ang pangalan namin. Mabibigyan naman daw kami ng bigas bukas.

 

Pagbalik sa bahay, nag-illustrate uli ako. Nakakaadik. Sana magtuloy-tuloy na ang addiction ko para makatapos ako. Maganda na ring may koleksiyon ako ng illustrated stories. Maaari kong isali ang mga ito sa GTA, kung may akmang category.

 

 

Agosto 21, 2026

It's a holiday! Salamat kay Ninoy Aquino.

 

Alas-nuwebe na ako bumaba. Thirty minutes din akong nagselpon lang. Kaya naman, 9:30 na ako nakapag-almusal. Okey lang naman dahil hindi naman ako nagmamadali.

 

Pagkaalmusal, humarap na ako sa desktop para gumawa ng PPT. Alas-onse y medya na ako nakapagsaing. Okey lang din kasi natapos ko naman ang isang lesson.

 

Isinunod ko naman ang pag-illustrate habang nagpapaantok. Past 2, pumikit ako. Wala pang isang oras, nagising na ako.

 

Three-thirty, lumabas ako para kunin sana ang bigas sa HOA office, pero mukhang wala nang tao. Wala na ring bigas na naroon. Hindi na ako nagpumilit. Nag-walking na lang ako.

 

Gusto ko sanang maghanap ng mga kulitis para mailahok ko sa lutuin, pero, dahil sa init, sa ilalim ako ng manggahan napadpad. Moss ang nakuha ko.

 

Past 4:30  na ako nakauwi. Agad akong nagmeryenda sa garden ng kape at nilagang saging. Bago ako umalis, nailaga ko na iyon.

 

Bago ako pumasok, bandang 6, nakapag-gardening pa ako. Bihira ang pagkakataong ganito, kaya masaya akong pumasok para magsaing.

 

Habang nanonood ng balita, digital illustration naman ang ginagawa ko. Naisingit ko rin ang eherasisyo.

 

Bago ako umakyat, natapos ko na ang pangalawang illustration ng 'Mader Nos Bes.'

 

 

 

Agosto 22, 2026

Alas-3:30 nang bumangon ako. Nag-almusal muna ako bago umalis. Sobrang aga kong nakarating sa school--6:30. Pero okey lang kasi nakuha ko pa sa guard ang parcel. At naikabit ko sa tablet ang screen protector. Nakabisita pa ako sa classroom bago ko pinuntahan ang athletics team. Naroon na si Ma'am Mel.

 

Umakyat uli kami para kunin niya ang mga documents ng mga atleta namin. Pagbaba namin, inayos na niya ang mga events na sasalihan ng mga bata. Then, nagpakain ng sopas bago nagsimula ang laban.

 

Hindi ako nag-expect na mangunguna ang mga bata namin kasi halos wala ngang training. Kako, kahit 2nd place lang. Pero wala talagang nakapasok. May dalawang 3rd lang. Hindi sila makakapaglaro sa Division Palaro. Nakakalungkot, pero may pag-asa pa kami sa throwing at long jump, kahit wala ring training.

 

Past 10:30, natapos ang mga laro, kasama ang arnis. Isinunod ang awarding. Nagkainan naman muna kami sa feeding room, bago pumunta sa ABES para manood ng laban ng volleyball at basketball.

 

Talo ang volleyball boys. Second lang sila. Pero panalo ang basketball team. Ang huhusay ng mga players. Nakakabilib. Tinapos ko talaga ang laban. Mga 3:30 na natapos. Dalawang magkasunod na laban ang nangyari. Natalo nila una ang ABES. At para mag-qualify sa division, kailangan nilang talunin ang may 1 point nang JRES. And they did.

 

Past 6 na ako nakauwi sa bahay. Magmeryenda agad ako. Pagkatapos, naglaan ako ng oras para mag-illustrate. Inabutan ako ng 11 bago ko natapos. Ang hirap, pero nakakaadik. Kundi nga lang bumababa na ang talukap ng mata ko, gagawa pa ako ng isa.

 

 

Agosto 23. 2026

Kahit nagising na ako bandang 7 am, hindi pa rin ako bumangon agad. Nagselpon lang ako hanggang 9. Ang sarap lang ma-browse at manood ng Reels. Walang pagmamadali. Walang iniisip na gawain.

 

Past 9:30  na ako nakapag-almusal. At pagkatapos niyon, humarap na ako sa desktop para gumawa ng TOS at term exam sa Filipino 6. Pinadali ng AI ang trabaho ko. Kaunting edit lang, ayos na!

 

Bago ako nag-siesta, areglado na ang TOS at TE ko. Past 3:30 nang nagising ako. Saka lang ako naligo. At kinalaunan, nagmeryenda na ako.

 

Past 4, lumabas ako para magpa-cash in kay Hanna. Noong isang araw, kahapon, at kanina pa siya nag-remind sa akin.

 

Pagkatapos kong magpadala, nag-walking muna ko patungo sa may peryahan-- malungkot na peryahan dahil parang hindi pa magbubukas dahil sa nagdaan at paparating na bagyo. Nagtungo rin ako nang saglit sa may Anyana.

 

Bago mag-six o' clock, nakauwi na ako. Naglaan ako ng ilang sandali sa harap ng desktop. Isinalin ko sa hard drive ang mga files na kailangan kong i-print bukas. Pagkatapos, nag-illustrate na ako.

 

Nainis lang ako kasi nabura ang isa kong illustration. Nasayang ang effort at oras ko.

 

Bago mag-10, nasa kuwarto na ako. Walang class suspension, kaya kailangang matulog na nang maaga.

 

 

 

 

Agosto 24, 2026

Maaga akong nakarating sa school, kaya nakuha ko pa ang parcel ko at naiakyat ko pa iyon sa classroom. Pagbaba ko, nakapila na ang nga estudyante para sa flag ceremony.

 

Maayos kong naituro sa Love ang lesson ko. Nanibago ako sa kanila. Ang tatahimik nila-- tahimik na nakikinig. May mga nag-rerecite din. Naisip ko nga, iyon ag dahil marami ang absent. At nasabi ko sa kanilang mas masarap talagang mag-aral sa school kumpara sa bahay. Napatunayan nila iyan after one week na walang F2F classes.

 

Naitanong ko rin sa kanila na hindi kaya dahil iyon sa pagkakaroon namin ng kasamang  student teacher, na si Ma'am Princess. Natawa na lang ang iba.

 

Natuwa rin ako sa Hope kasi hindi pa rin nagbago ang excitement nila sa pagharap ko sa kanila. Mas marami sa kanila ang interesadong matuto kaysa sa ibang section, lalo na sa Faith.

 

Nasira nga ng Faith ang araw ko. Hindi pa ako nakakalayo sa discussion, tumigil ako kasi ang iingay nila. Binigyan ko naman sila ng chance magsalita during motivation phase. Pero sadyang mabubunganga sila.

 

Mabuti na rin iyon dahil halos magasgas na ang lalamunan ko sa kakaturo ag kakasaway.

 

Naging maayos at masaya rin ang klase ko sa Peace. Nakadalawang beses pa nga kaming nag-spelling time.

 

Pagkatapos ng klase, nagsagawa akong ARAL Reading, pero agad ko ring tinapos dahil may lunch kaming Grade 6. Bigay iyon ni Ma'am Vi sa amin, as birthday treat niya sa amin noong August 5. Nagsalo-salo kami sa canteen bago ako nagsimula sa SIKAP.

 

Sa SIKAP,  naging maingay ulit ang palaro ko. Nagamit ko na ang mga letter cubes na inorder ko online. Identification and spelling ang style ng palaro ko, kaya enjoy na enjoy kaming lahat. Maingay nga lang talaga.

 

Pagkatapos niyon, nag-print ako ng LP sa Filipino, MIBF tickets, at SIKAP Bingo cards. Magbibingo kami sa Wednesday.

 

Past 3 na ako nakaalis sa school. At past 5 na ako nakauwi.

 

Pagkatapos magmeryenda, humarap na ako sa desktop upang mag-upload ng videos sa YT.  Isinunod ko ang pag-edit ng term exam na ginawa ko kahapon. Marami akong na-edit. Mabuti na lang... tuloy na sa August 28 ang unang TE, kaya kailangan kong makapag-print bukas.

 

Pagkatapos manood ng Master Cutter, umakyat na ako. Kahit paano ag nakapag-ehersisyo ako, saka nakapagtsek ng mga papel.

 

 

 

Agosto 25, 2026

Ang kulit ko ngayong araw sa bawat klase ko. Naririnig ng Love ang tungkol kay Ms. Jackielou Lou Penisha M. Matite, nankarakter ko sa ibang section, kaya nagbigay ako ng kaunting patikim. Natuwa naman sila. Naipakilala ko na rin ang alterego kong si Bb. Portia sa Hope at Charity. Nagpasaway naman ang Faith kaya naubos ang 20 minutes sa sermon. Hindi ulit ako nagturo. Sa Peace naman, nakilala na nila si Ms. Jackielou. Gaya ng ibang section, aliw na aliw sila. Nag-click talaga ang ginagawa ko. Mahirap man, pero kinakaya para lang makuha ang atensiyon nila. Mas nakikinig sila kapag may pino-portray ako.

 

After class, sinundo kami ng athletics team ng ABES para sa laban sa PVES. Walang training ang mga throwers at long jumpers namin, pero isasabak namin sila kasi gusto nila, kahit ayaw na namin.

 

Bago mag-4, tapos na ang laban. Walang nakapasok na atleta ng GES. Third place lang ang long jump-girl namin. Haist! Totoo talagang ''No training, No winning."

 

Naglakad kami pauwi o pabalik sa school. kasi hindi na kami sinundo ng service ng ABES. Past 4:30 na tuloy ako nakabiyahe pauwi.

 

At dahil sa traffic, gawa ng nalalapit na town fiesta ng Tanza, almost 7:30 na ako nakauwi.

 

 

 

Agosto 26, 2026

Dahil sa karakter na Ms. Jackielou Lou, mas ramdam ko ang pag-aabang sa akin ng Grade 6. Binabati nga nila ako sa pangalang iyan, kahit napakalayo nila. Napapalingon at napapaisip tuloy ang nakakakita at nakakarinig. Okey lang naman.

 

Naging maayos ang pagtuturo ko sa lahat ng section. Iba talaga kapag masaya kang nagtuturo. Nahahawa ang mga estudyante. Mas natututo sila kapag jolly teacher ang kaharap nila. At halos ayaw na nga nila akong palabasin, lalo sa Peace. Parang nabitin pa sila.

 

Hindi muna ako nag-SIKAP ngayon dahil kinailangan kong tulungan si Ma'am Mel sa pag-encode ng mga data ng atleta namin sa baseball. Assistant coach nga pala ako ni Sir Joel G. Dapat sa taekwando ako, pero ayaw ni Sir Joel K sa baseball kaya nagpalit kami. Gusto ko sa team sports.

 

Past 3:30, bumaba na kami ni Ma'am Mel. At past 4, nag-stay ako sa covered court habang nagti-train si Sir Joel G ng mga baseball players namin. Kailangan kong matutuhan ang sports na ito. Iyon ang first time ko--- sa lahat ng anggulo, kaya zero knowledge at experience talaga ako.

 

Sabi nila, pang-NCR daw ang team namin kaya mas lalo akong nagkainteres. Nakita ko naman, na mahuhusay ang mga bata.

 

Five-thirty, nagpaalam na ako kay Sir Joel na uuwi na ako kahit hindi pa tapos ang training.

 

Sa tagal kong nakapili sa PITX at sa haba ng traffic, past 8 na ako nakarating sa bahay..agad akong naghanda ng dinner, saka humarap sa desktop. May problema ang isang school ID ng Love. Na-stress ako.

 

Past 9, umakyat na ako para magpahinga.

 

 

 

 

Agosto 27, 2026

Gusto ko sanang maging si Ina ang karakter ko sa klase, pero ramdam kong hindi nila iyon gusto. Mas natutuwa sila kay Ms. Jackielou Lou, kaya iyon pa rin ang ginamit ko.

 

Bukambibig na nila ang karakter ko. Inaabangan. Iyon na rin ang binabati nila, sa halip na ako ang batiin. Okey lang naman kasi masasabi kong impact iyon sa kanila.

 

Naikukuwento na nga rin nila ako sa iba. May ilang bata ang nagtanong kung bakit daw ako tinatawag na Ms. Jackielou Lou.

 

Pagkatapos ng klase, nag-lunch lang ako, saka dinala namin sa ABES ang baseball team upang ipa-dental checkup sila doon. Iniwan naman namin ni Ma'am Mel ang mga journalism trainees namin sa classroom niya.

 

Mga past 3 na kami nabalik sa school. Hindi pa kami tumigil. Nagpunta kami sa Guidance para manghiram ng SF10 ng mga baseball players. Paglatapos, nagpa-photocopy kami sa office.

 

Past 4:30, na kami nakauwi. Sobrang pagod ag antok ko na, kaya nakatulog ako sa bus. Ginising nga ako ng conductor, inspector, at driver kasi ako na lang ang hindi nakababa nang nasa PITX na.

 

Past 7 na ako nakarating sa bahay. Nag-ikot-ikot kasi ako sa tianggean--- bisperas ng pista ngayon sa Tanza, kaya maraming paninda. Wala man akong nabili, okey lang. Doon naman ako bumili ng hamonado para sa aking dinner.

 

 

 

 

Agosto 28, 2029

Past 8 na ako bumaba. Sulit! Nakabawi na ako sa puyat.

 

Pagkatapos kong mag-almusal, nagbabad na ako ng mga labahin (mga uniform lang). Isinunod ko naman ang pag-send sa GC ng gawain ng mga estudyante.

 

Mga 9:30, umakyat ako para magbasa. Napagbigyan ko naman ang sarili ko, pero dinalaw ako ng antok, kaya pinagbigyan ko. Nagising ako bandang 11. Mabuti na lang, hindi 12, kundi hindi ako nakapamalengke.

 

After lunch, bumalik ako sa kuwarto. Nagpaantok lang muna ako, saka pinagbigyan ko na ang sarili ko. Past 5 na ako nagising at bumangon. Ang sarap sa pakiramdam!

 

Habang namemeryenda, gumawa ako ng MOV. Naipasa ko naman agad.

 

Pagkatapos kong manood ng 'The Master Cutter,' nagsulat ako ng nobela para sa Inkitt

Binasa at in-edit ko muna ang ilang chapter nito para maalala ko ang mga pangyayari. Ag pagkatapos manood, umakyat na ako para magsulat at matulog. Past 11:30  na ako nakatapos ng isang kabanata.

 

Natuwa nga pala ako ngayong gabi nang mag-send si Flor ng P1,000 sa GCash ko. Aniya pa, baka magpadala pa siya sa Biyernes. Kako, malaking tulong na iyon para sa lumalaking gastusin.

 

 

 

 

Agosto 29, 2026

Kinailangan kong bumangon bandang quarter to 4 para tingnan ang kalagayan ng kusina. Hindi nga ako nagkamali. Umaapaw na ang tubig sa nakasahod na palanggana. Baha na nga ang sahig doon.

 

Naglimas muna ako, saka nagbawas ng tubig sa palanggana bago muling umakyat para matulog. Ang lakad ng ulan kaya siguradong aapaw ulit iyon paggising ko.

 

Mag-aalas-otso na ako nagising. Napasarap ang tulog ko kahit pagising-gising ako kagabi.

 

Pagkatapos kong mag-almusal, nag-stay na ako sa kuwarto. Halos buong araw akong nagpahinga, nagselpon, at umidlip. Gabi na ako nag-ehersisyo, naghanda ng entry para sa PBBY, saka nag-illustrate nang kaunti. Worth it ang Sabado ko, kahit hindi makalabas dahil sa lakas ng ulan at hangin.

 

 

 

Agosto 30, 2026

Thirty minutes din akong nagselpon sa higaan bago ako bumaba para maghanda ng almusal.

 

Mga 9, humarap na ako sa desktop para magpasa ng mga entries sa PBBY at Takos. Sinikap kong maging maayos at tama ang proseso ko sa pagpasa para hindi masayang ang mga entries ko.

 

Ang "Ang mga Insekto ni Pekto" ang naipasa ko sa PBBY. At ang "Si Rommel at si Sandy" naman ang sa Takos. Umaasa akong mananalo ako sa una. At maipapapasama naman sa publication ang huli.

 

Bago ko nai-submit ang mga entries ko, nakapamalengke pa ako, saka nakapagluto. Nilagang baboy ang niluto ko.

 

Natulog muna ako bago ako naligo. At muling natulog pagkatapos maligo. Gusto ko mang magpasa uli ng mga akda sa Liwayway, hindi ko nagawa. Mas masarap kasing humilata. Mga past 5 na nga ako nakapagmeryenda. Pagkatapos namang magmeryenda, nanood naman ako ng YT videos. At bago at pagkatapos mag-dinner, nanood naman ako ng tv. Hayun, hindi na akong nakapagpasa.

 

Bago mag-10, nasa kuwarto na ako, hindi para matulog na, kundi para magselpon at manood sa YT.

 

 

 

Agosto 31, 2026

Wala pang alas-7 nang magising ako. Sa halip na matulog muli, nagselpon na lang ako. Mga quarter to 8 ako bumaba.

 

Agad naman akong naghanda ng almusal. At pagkakain, lumabas ako para maglinis sa garden. Maaraw na.

 

Pagpasok ko, humarap na ako sa desktop. Naglaan ako ng isang oras para makapagpasa ng maikling kiwento sa Liwayway. Ang "Ang Koleksiyon ni Rocky" ang ipinasa ko. Hindi pasok sa kuwentong pambata ang word count nito kaya sa ibang kategorya ko ipinasa.

 

Maghapon naman akong humilata sa kuwarto kahit maalinsangan na. Mabuti na lang, kahit paano, ay nakatulog ako bago at pagkatapos maligo. Nakapaglaan pa ako ng oras para manood ng YT videos. Nag-explore din ako kung paano magkaroon ng AI videos. Gusto ko kasing magawan ng videos ang mga kuwento ko, gaya ng mga napapanood ko. Kaya lang, may bayad ang mga nakita ko. Mag-try ako ng ilang apps at sites, pero wala akong nagustuhan.

 

Bago mag-9 pm, nasa kuwarto na ako. Siguradong may pasok na bukas. At tuloy na ang term exam.

Ang Aking Journal -- Agosto 2026

 Agosto 1, 2026 Ang sarap sanang matulog! Kundi lang bumusina ang dump truck, hindi ako pa sana ako babangon. Mga 7:30 iyon.   Habang ...