Sa umagang kay lamig
habang kalamna'y nanginginig,
kailangan ang kapeng mainit
at isang ngiting matamis.
----
Panibagong simulain
at panibagong suliranin
ang bubunuin at bubuuin
sa landas na tatahakin.
----
Sa landas nitong buhay,
dapat handang bumaybay.
Sa Kanyang gabay,
ika'y hindi malulumbay.
----
Ang bawat pangarap
ay laging magaganap.
Basta't laging positibo,
iwasang maging negatibo.
-----
May isang kaibigan,
handa kang damayan
sa anumang laban,
lalo na sa kasiyahan.
----
Anumang kabiguan
ang dumating, humarang,
may isa kang tahanang
mauuwian, nag-aabang.
----
Kung pasani'y kay bigat,
pasakit, 'di na mabalikat,
gitara ay ilabas,
musika ang ipantapat.
----
Sa pag-abot ng mithiin,
pagsisikap ang gawin.
Huwag itong madaliin,
bagkus maging madasalin.
----
Mga ibon sa kapaligiran,
patuloy na ginagabayan
ng Diyos sa kalangitan,
gaya ng mga nasa sanlibutan.
----
Pagsilang at pagtanda
ay parehong mahalaga.
Dapat ang bawat isa
ay laging nakahanda.
----
No comments:
Post a Comment