Followers

Thursday, December 31, 2020

Ang Aking Journal -- Disyembre 2020

Disyembre 1, 2020 Pagkatapos ng klase, nagtsek naman ako ng modules. Kahit paano ay nakausad na ako. Natigil nga lang ako dahil dumating si Ate Emer. Ako talaga ang gusto niyang mag-entertain sa kaniya kasi nakakatawad at nagkakaroon siya ng freebies.Hindi dumating si Boboy ngayon. Bukas na raw siya pupunta. After kong umidlip, gumawa ako ng vlog. Disyembre 2, 2020 Pasay Day ngayon kaya walang pasok. Sinimulan ko uli ang pagtsek bago dumating si Boboy.Pagdating niya bandang 8:30, agad kaming pumunta sa barangay upang humingi ng barangay clearance. Mabilis lang kaming nabigyan. Agad kaming pumunta sa bahay ni Sister Marian upang ipasa ang requirements. Pinababalik kami after lunch. Hihintayin namin ang broker para samahan kaming pumili ng unit.Matagal kaming naghintay. Umabot ng pasado alas-kuwatro. Hindi na tyloy kami natuloy roon kasi ubos na raw ang unit. May opening uli sa Friday. Pumirma lang si Boboy ng mga documents. Iniwanan na niya sa amin ang P10k, na pang reservation. Nhikayat ko rin si Sir Randy na kumuha ng unit sa Pasinaya. Mag-aayos na siya ng papeles. Haist! Sana matuloy na siya. Disyembre 3, 2020 Hindi kami nagturo sa online class dahil ginawa namin ang project ng DepEd na 'Garden in a Pot.' Nag-orient kami sa mga parents and pupils. Isa ako sa maraming naging ambag dahil ako raw ang pinakabihasa sa paghahalaman. Ipinakita ko ng mga halaman at mga paso kong binili at ni-recycle. Marami rin akong naibigay na input at impormasyon. Nakatutuwa!Natapos ko ngayong i-check ang mga modules na dinala ko, lalo na ang Q3. May natura namang Q4, pero ayaw ko munang galawin dahil gusto ko munang matsekan lahat ng Q1, 2. at 3. Umidlip ako bandang 1 PM at paggising ko, sa halip na masaya, ay malungkot ako. Kailangan ko pa palang gumawa ng module sa ESP. Na-overlook ko ang isa kong assignment. Buong akala ko, isa lang ang gagawin ko. Inis na inis ko. Kung puwede nga lang tumanggi, ginawa ko na. Kaso nasimulan ko na. Isa pa, madali lang namang gumawa dahil may pattern na ako. Sinimulan kong gawin iyon after meryenda hanggang 10:30 ng gabi. Bukas, pupunta si Sir Randy para magpasa ng documents para sa housing loan. Disyembre 4, 2020 Naabutan ako ni Sir Randy na nag-oonline teaching, lalo na't binigay sa akin ni Sir Hermie ang time niya. Dapat nasa school ako ngayon upang samahan ang mga kaguro ko sa pagbibigay ng modules, pero dahil mas mahalaga sa akin ang extra income, pinili kong hindi na lang pumunta.Past 8:30, nagluluto si Sir Randy ng laing. Umalis kami pasado, alas-10 patungo sa Pasinaya Homes. Nauna pa kami kay Sister Marian. Natuwa naman ako dahil nag-decide na si Sir Randy na kumuha ng unit. In fact, dumaan kami sa Puregold para magpa-ID siya. Pagkatapos, kumuha siya ng barangay clearance gamit ang address namin. Nakarating kami sa bahay ng pasado ala-una. Na-traffic kasi kami at bumili pa ako ng mga halaman sa Naic. Naka-worth P750 ako. Anim na klase ng halaman. Ang gaganda ng mga napili ko. Worth it!Past 3 na umalis si Sir Randy. Napirmahan na niya ang mga forms. Iniwan na rin niya ang P10k para sa reservation or processing fee. Nag-repot naman ako pag-alis niya. Then, tinapos ko na ang ESP module. Naipasa ko na iyon sa aming supervisor. At sinimulan ko na rin ang lesson plan sa Wikipedia. Deadline na sa December 6. Disyembre 5, 2020 Hapon na nang bumalik ang internet connectivity. Pinutol ng Converge ang service nang walang pasabi. Natigil tuloy ang paggawa ko lesson plan para sa Wikipedia. Gayunpaman, nagawa ko iyon at nai-share ko pa sa mga kasamahan ko. Na-inspire ko silang gumawa na rin. I'm sure, makatatanggap ako ng certificate. Wala pang balita tungkol sa unit sa Pasinaya. Wala pa yatang open na RFO. Nahihiya ako kina Sir Randy at Boboy. Ang hina ng broker at ahente namin. Disyembre 6, 2020 Pagkatapos kong mag-almusal, nag-live stream ko sa youtube. First time ko. Na-enjoy ko naman iyon, kaya nga naisip kong ulitin iyon at pagbutihan pa. Naisip ko rin na mas maganda sana ang background ko kung may maganda kaming bakod. Kaya naman, naisipan kong ipagawa na ito. Pinakontak ko si Kuya Boy. Agad naman itong tumawag sa akin at kinumpirma na pina-eestimate ko na ang gagastusin. Umidlip ako after lunch. Past 2 na ko bumangon para bantayan ang shop. Nagsimba ang mag-ina ko.Nag-vlog naman ako pagkatapos kong magmeryenda. Gabing-gabi ko na ito natapos. Disyembre 7, 2020 Maaga akong bumangon para sa online class. Nang matapos ko ang aking pagtuturo, kaya naghanda na ako ng almusal pagkatapos. Then, humarap na ako sa laptop upang gumawa uli ng vlog. Dumating si Ate Emer sa kalagitnaan ng aking pagba-vlog. Kinailangan kong i-entertain siya. Nakatanggap uli siya ng mga freebies dahil bumili naman siya ng paso na worth P140.Hindi pa siya nakakaalis, dumating naman si Kuya Boy. Kinausap ko siya tungkol sa sa pagpapabakod. Pinapa-estimate ko ng mga gagastusin. Pagkatapos, nakabili ko ng secondhand na mountain bike. Kailangan kasing makauwi sa Negros dahil nawalan ng trabaho. P4k nga lang ang benta. At dahil bagong-bago pa at may helmet, gloves, at reflector pa, dinagdagan ko ng P500. Dream come true. Bibili talaga ako ng mountin bike. Nakamura na ako. Hindi ko na kailangan png makipag-deal sa bike shop. Past 2, dumating si Sir Hermie upang bumili ng First Vita Plus Mangosteen at loam soil. Malaki ang kinita ko ngayong araw. Hayahay! Bandang alas-singko, pagkatapos kong mag-repot, nag-bike ako sa iba't ibang phase ng subdivision. Narating ko tuloy ang mga sulok-sulok. Hindi ko man nagalugad lahat, pero natuwa ako. Nakakawala ng stress ang pagbibisikleta. Disyembre 8, 2020 Dahil holiday ngayon, nasa garden kaming mag-anak. Pinutol ko ang puno ng ipil-ipil na makahahadlang sa pagpapabakod. Ang mag-ina ko naman ang namumulot ng mga white pebbles sa garden. Masasayang lang naman kasi kapag hindi pinulot. Past nine na nakarating si Kuya Boy para sa estimation ng aming bakod. Nagbigay na rin siya ng listahan ng mga bibilhing materyales. Bago ako pumunta sa hardware, nagkantahan muna kami, gamit ang wireless microphone na nabili ko sa Lazada. Natutuwa ako product. Mura lang ito, pero maganda ang tunog.Past 3, nakapag-order na ako ng mga materyales sa Warmzone. Bukas ang delivery. Then, pumunta ako sa Rosario upang mamili ng mga panregalo sa aking mga Katupa.Sumakit ang ulo ko pagdating ko. Tuwing mamimili ako, ganoon ang nararamdaman ko. Dahil sa init at lamig ng aircon siguro.In-advance na ni Flor ng cash gift ko sa kaniya. Ipupuhunan daw niya sa load. Pinadalhan ko siya ng P1k through GCash. Disyembre 9, 2020 Maaga akong bumangon para sa online class at para maihanda ang bakuran. Ngayon na kasi gagawa si Kuya Boy ng bakod namin. Past 9 na sila dumating. Nai-deliver na rin ang mga materyales. Inis na inis naman ako kasi nagsimula na ang webinar tungkol sa Formal Investigation Committee. Labag man sa loob ko, dumalo pa rin ako. Obligasyon ko ito bilang Faculty president.Mabuti na lang, hanggang 12 lang. Pero, may assignment. Hapon ko na iyon naipasa. Umidlip muna ako. Si Emily na nga ng pina-deliver ko ng FVP kay Sir Alejo. Nag-grocery na rin siya. Disyembre 10, 2020 Nagturo na ako ng Week 7 ng module habang inoobserbahan ng aming master teacher. Maayos ko namang nai-deliver ang aking presentation.Maulan ngayong araw kaya hindi nagtrabaho sina Kuya Boy. Hindi rin ako makalabas para mag-ayos sa garden. Pero dahil pangalawang araw na ng FIC webinar, naubos ng kalahating araw ko sa pakikinig. Hapon, nag-videoke ako, gamit ang cellphone ng wireless microphone.Pinapunta ko rin si Kuya Boy upang ibigay ang bayad sa grills. Worth P13,250 lang ang nasa listahang ginawa niya, pero binuo ko nang P13,500. Gusto ko nang matapos agad ng bakod namin upang maipuwesto ko na ang mga halaman ko. Disyembre 11, 2020 Halos makalimutan kong may 3rd day pa ng webinar dahil sa kagustuhan kong makagawa ng mas makabuluhang bagay sa garden pagkatapos ng online class.Past 2, may dumating staff (daw) ng Peakland. Sinita ang paghahalo ng semento sa tabi ng gutter. Okay lang sana. Matatanggap namin ang violation namin, kaya lang hindi maayos ng approach niya. may pagbabanta pa siya kay Kuya Boy. Aniya, "Gusto niyo ipatigil ko ang paggawa ninyo?" Sinagot-sagot ko siya. Pinakitaan din namin siya ng major construction bond. Nakakabuwisit. Gusto lang yatang magkapera. Scammer ang loko. Naglaba ako pagkatapos magtrabaho nina Kuya Boy. Natuwa naman ako sa output nila. Isang side na ang natapos nila. Umangat ang ganda ng mga halaman dahil sa pader. Disyembre 12, 2020 Maaga akong bumangon para maaga rin akong makapaghanda sa pag-alis. Pero, nakapaglinis pa ako ng banyo.Pasado alas-9, umalis na ako sa bahay. Balak kong dumaan muna sa bilihan ng halaman sa Baclaran para bilhan ng mosquito repellant plants ang mother ni Ma'am Joan dahil nagpapabil ito. Kaya lang, nagkaaberya...Nagsiraan ang bus na sinasakyan ko. Tumirik ito sa gitna ng mahabang viaduct. Habang tumatawag ng rescue, naramdaman ko ang pag-alburuto ng tiyan ko. Natagalan pa ang pagdating ng bus na lilipatan namin. Hindi ko na kakayanin. Bumaba nga ako para aliwin ang sarili ko. Nauna pang dumating ang police patrol car. At nang dumating ang isang bus, agad ako nga sumakay. Ngunit, agad din akong bumaba. Sinalubong ko ang mga umakayat dahil lalabas na talaga. Mapapahiya ako. Kinausap ko ang pulis na makikisakay ako patungo sa dulo ng tulay, ngunit hindi nito ako pinagbigyan. Kinausap ko naman ang konduktor. Hayun! Tinulungan niya ako. Nakakahiya man, pero mas magiging kahiya-hiya kung aabutan ako sa loob ng bus. First time iyon mangyari sa akin. First time kong tumae sa estribo ng bus. Mabuti na lang may plastic bag, panyo, at alcohol ako. Nakaraos ako. Hindi na ako nagmaktol kung malayo man ang nilakad ko upang makasakay ako. Pasalamat na ako sa Diyos dahil hindi ako nagkalat. Past 12 na ako nakarating sa bahay nina Ma'am Joan. Naroon na sina Mj, Papang, at ang bago naming member, si Sir Archie. Sobrang saya namin. Ang sarap ng kainan, tawanan, kuwentuhan. Nag-inuman din kami kasi may nagpainom sa amin. Past seven na kami natapos. Natagalan ako sa PITX dahil andaming pasahero. Tumambay muna ako upang hindi ako mahirapan sa kapipila.Past 10 na ako nakauwi. Safe at hindi naman ako nangamoy. Nakatulong ang Imodium na pinainom sa akin nina Miss Kris. Lesson learned ang nangyari. At isa pa, ang panaginip palang may pumutok o sumabog ay pagtatae. Tatandaan ko ito... Disyembre 13, 2020 Akala ko, okay na ako, hindi pa pala. Past 3 AM, bumaba ako dahil kumalam na naman ang sikmura ko. Hindi na ako nagkaroon ng maayos na tulog pagkatapos niyon.Past six, nagbanyo uli ako. Buong maghapon, nakalima yata ako. Gayunpaman, hindi ako nanghina. Active pa rin ako. Gumawa ako sa garden. Past 11:30, sinundo ako ni Kuya Boy para tingnan sa bahay nila ang grills na wini-welding niya. Okay naman kahit hindi masyadong nasunod ng distansiya ng bakal. Maganda pa rin naman. Dumating si Ma'am Vi, bandang past 2 para ibigay sa akin ang mga seedling ng niyog, na gagawin kong bonsai. May mga cuttings pa siyang ibinigay. As a return, binigyan ko rin siya ng clay pot. Ayaw na rin naman niyang tumanggap ng halaman. Mayroon na raw siya ng mga inaalok ko sa kaniya. Inabutan ako ng gabi sa paggawa sa garden. Kailangan kasing ihanda ko ito para sa paggawa nina Kuya Boy bukas. Maghuhukay sila. Kailangang maisaayos ko ang mga halaman ko upang hindi masira. Disyembre 14, 2020 Maaga akong bumangon upang maihanda ko nang husto ang bakuran bago dumating sina Kuya Boy. Almost eight na ako pumasok para mag-almusal. Past 8, nagsimula na ang INSET. Nagsayang lang ng oras kasi hindi interesting ang topic. Dumating naman ng broker at agent bandang past 11:30 upang kunin na ang P10k ni Boboy. May unit na raw. Nanghinayang din sila nang malamang nakakuha na ngunit si Sir Randy sa ibang developer. Past 2, dumating sina Kuya Boy. Nagpalista ako ng materyales at pinabili ko kay Emily. Tamang-tama naman dahil dumating sina Sir Hermie at Ma'am Anne. Kasabay nilang dumating si Kuya Emerson. Nagbarter kami ng mga halaman ni Sir Hermie. Mayroon na akong bagong variety ng Calathea at fern. Bago umuwi sina Kuya Boy, ibinigay ko na ang labor fee na P9k sa kaniya. Para iyon sa bakod at flooring. Wala pa roon ang bayad sa pintura. Baka kasi kapusin na ako ng budget. Nag-chat na ako kay Ma'am Nhanie. Tinanong ko kung maaari ko nang makuha ang kalahati ng payment sa modules, gaya ng sinabi niya noon. Akala ko, hawak na niya. Hindi naman pala totoo. Aniya, ni-request na niya. Ayon naman sa publishing, ipapaayos na sa accounting. Disyembre 15, 2020 Ikalawang araw ng INSET. Napasaya na naman namin ang mga kasamahan namin nang isinagawa ang attendance check. Nakakatuwa ang yell namin. Halos maghapon akong nakatutok sa seminar. May pahinga lang between 11:45 to 1:45. Na-late ako ng pasok.Disappointed naman ako sa bayad ng publishing sa modules. Nagkamali pala ako ng unawa. Akala ko, P8,000 kada module. Per grading pala ng bayad. So, ang 7 modules ng Grade 6 sa Quarter 3 ay worth P4,000 lang, to think na national iyon. Sila lang ang kumita nang malaki. Haist! Akala ko pa naman, makakapagpagawa ako ng marami sa bahay ko. Bago ako natulog, nagpraktis kaming Grade Six ng yell para bukas. Andami naming tawa. Disyembre 16, 2020 Todo effort kami sa paghahanda ng yell, pero hindi naman kami ang nanalo. Nasabi nga naming nadaya kami dahil ang nanalo ay parang hindi naman nag-effort at nag-perform. Hindi bale, sabi namin, masaya naman kami kagabi.After lunch, umalis ako para magpadala ng pera kina Hanna at Zildjian. Ipinadala ko sa GCash ni Michael, ang tito nila.Pagkatapos, pumunta ako sa All Home, Kawit para bumili ng wall lamps at bombilya. Mura lang pala. Kung malaki nga ang sana ang natanggap kong bayad sa module, baka mas maganda pa ang nabili ko. Ang gaganda ng items doon. Nakakapagsalawahan. Past nine, nagpraktis uli kami. Ako ang gumawa ng parody lyrics ng 'Di Ko Kayang Tanggapin' ni April Boy Regino para sa yell bukas. Andami na naman naming tawa. Mas nakakatawa nga lang kagabi. Disyembre 17, 2020 Quarter to eight na ako nagising. Ang sarap matulog, e. Ginalingan ko, katulad ng mga kasamahan ko, sa pagkanta ng yell namin. Kaya lang, nakalimutan kong sira pala ang audio ng laptop ko. Mabuti na lang, puwedeng ulitin. Nanalo kami sa yell. Consistent talaga kami. Nadaya lang kami kahapon. lolzPagkatapos ng lunch, nagmiting namn kami para bukas. Kami ang host bukas ng webinar. Ako ang nakatoka sa 'Thought for the day.' Pagkatapos ng meeting, gumawa na ako ng Christmas head gear, mula sa paper bag ng ham, Christmas balls, piraso ng Christmas leaves, at iba pa. Ngayong araw, naikabit na nina Kuya Boy ang grills at gate. Natuwa ako dahil may privacy na kami. Secured na kami sa mga intruder. Gabi, dahil umuwi na si Kuya Emer at nagsimba ng mag-ina ko, nanood ako ng 'Kingdom' at 'Narcos,' mga Netflix series. Disyembre 18, 2020 Naging matagumpay naman ng huling araw ng aming INSET. Medyo minadali nga lang kami sa attendance checking kaya hindi masyadong naisakatuparan ng plano. Mas marami sanang katatawanan. Nag-inarte kasi ang nurse na speaker. Wala namang latoy ang topic. Wash-in-School ba naman. E, wala namang estudyante ngayon sa school. Kundi ba naman 'isa't kalahating ano.' Haist! Sa lahat ng naging host, ang Grade Six ang maraming pakulo at may pinakamalaking papremyo. Nagkainteres ang lahat sa Best Head Dress nang malamang P500 ang prize.Maghapon naman akong nag-asikaso ng prizes kasi sa GCash ko nila isinend ang mga pampremyo. Ako na ang nag-send sa mga winners. Half-day lang sina Kuya Boy ngayon kaya kaunti lang ang natapos nila. Sana bukas matapos na nila ang palitada para sa Sabado ay flooring na sila. At sa Sunday, finishing na sila. Kahit ako na lang ang magpintura ng pader. Disyembre 19, 2020 Halos magdamag umulan dahil sa bagyong Vicky. Hindi man ito ganoon kalakas, pero naging dahilan ito para hindi pumunta at magtrabaho sina Kuya Boy. Pending na naman ang paggawa nila. Naaawa na ako sa mga nakatago kong halaman, gayundin ang mga nasa labas. Wala na sa hulog ang mga puwesto nila. Ang iba nga sa kanila ay nasira na at lamog na. Haist! Past 9:00 na ako bumangon. Bandang 10, naglinis ako sa bakuran. Inalis ko ang vertical garden ko para mapalitadahan ni Kuya Boy bukas. Ngayong araw, natapos ko ang isang vlog. Nai-upload ko na rin iyon sa YT. Disyembre 20, 2020 Late na naman akong bumangon dahil ang sarap matulog. Nainis na naman kami kay Kuya Boy dahil hindi na naman nagtrabaho. Nagsabi siya kahapon na pupunta, pero nasa Naic daw-- may pinuntahan. Hindi na maganda ang pagpapaasa niya sa amin. Palibhasa fully paid na siya. Sinisi tuloy ako ni Emily kung bakit binayad ko kaagad. Mabilis talaga akong magtiwala. Sa sobrang inis ko, nag-gardening na lang ako. Inilabas ko ang ibang mga halaman upang maarawan. Nag-bonsai din ako ng niyog, na ibinigay ni Ma'am Vi ang seedlings.Hapon, umidlip ako para mawala ang inis ko. Epektibo naman.Five, nagkaroon kami ng virtual Christmas kumustahan. Nagkaroon kami ng online parlor games. Kahit paano, napasaya namin ang mga students na nag-join. Disyembre 21, 2020 Past 8:30, dumating na sina Kuya Boy. Nag-aalmusal ako noon. Lumabas ako at binati ko siya nang paalis na ako. Mga 9:30 na iyon. Pupunta ako sa school upang tanggapin ang mga gifts sa akin ng mga kaibigan kong Tupa.Past 11, nasa school na ako. Naroon sina Sir Erwin at Ma'am Edith a.k.a. Rapunzel.Doon na kami nag-lunch.Past 1, dumating sina Sir Archie at gf niya. Past 2 naman dumating sina Ma'am Bel at Ma'am Divine. Past 3, pumunta kami kina Rapunzel para tanggapin ang groceries na itinabi niya para sa amin. May gift din siya kay Zillion.Past 4, nahirapan aking makasakay. Ang haba ng nilakad ko. Ang bigat pa naman ng mga dala ko. Puro regalo. May groceries pa galing sa Brgy. 18. Andaming biyaya. Past 7 na ako nakauwi sa bahay. Uminit ang ulo ko kasi sarado ang pinto. Ini-lock nila, pero hindi dinala ang susi. Mabuti na lang may puno sa may bintana. At bukas ito. Nakaakyat ako at nakapasok. Ngayon ko napagtanto kung bakit noon ay hindi ako isinasama ni Mama sa mga lakad ng mga magkakamag-anak para raw man bantay sa bahay. Tama palang dapat may bantay ang isang tahanan. Kasalanan ni Zillion. Sinabihan na siya ng ina na huwag susunod sa simbahan hanggang hindi ako dumating, pero umalis pa rin siya. Mali pa ang ini-lock. Pinagalitan ko siya, gayundin ang ina.. Disyembre 22, 2020 Kagabi pa lang, nakaplano na ang mga gagawin ko at mga iuutos ko kay Emily. Nakalista na ko ng mga oorderin niyang materyales. Naibigay ko an rin ang pambili.Past 6, bumangon na ako para ayusin ang bahagi ng bakuran na ipo-flooring ni Kuya Boy.Si Emily naman, umalis pagkatapos magluto ng agahan. Mabilis siyang nakaorder at nakabalik.Past 8:30, dumating na sina Kuya Boy. Kapapahinga ko lang din noon. Hindi pa sila satisfied sa linis ko. Mas malaki pala ang ang sesementuhan nila kaya tumulong uli ako sa pagsasayos. Past 11:30, wala pa rin ang delivery, kay nagpaalam na lang sina Kuya Boy na pupunta sa isa niyang kontrata. Nainis ako. Disappointed ako sa araw na ito. Kung kailan nagmamadali, saka naman maraming aberya. Pending na naman ang trabaho.Maghapon akong nagkulong sa kuwarto. Umidlip ko. Nagbasa. Nanood ng videos sa internet. Nagsulat din ako ng kuwento. Past 5:30 na ako bumaba. Sana naman bukas ay tuloy-tuloy na ang trabaho. Disyembre 23, 2020 Tahimik ako pagkagising ko. Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot. Siguro dahil hindi agad dumating si Kuya Boy. Inakala kong hindi na naman siya gagawa. Past nine-thirty na kasi sila dumating. Past 12, umalis na sila. Malaki naman ang na-flooring-an nila. Kahit paano, natuwa na ako. Past one, umalis ako para magpatahi ng sneakers ko. Sa Rosario ako nakahanap ng shoe repair shop. Wala sa SM. Mabuti na lang, meron pala sa Salinas. Ang mura pa. P100 lang ang bayad ko. Past 5 na ko nakauwi. Nakangiti na ako sa aking mag-ina, na hindi ko nagawa kaninang umaga. Disyembre 24, 2020Maaga akong bumangon para ayusin ang garden. Binuhat ko ang mga garden set, semento, nakapasong halaman, at iba pa. Dumating sina Kuya Boy bandang nine ng umaga. Natuwa ako dahil nagtrabaho pa kahit bisperas na. Nakapag-vlog ako ngayong araw. Nakadalawa at kalahati ako. Hapon, pagkatapos ng trabaho nina Kuya Boy, naglinis kami ni Emily. Inilabas namin ang ibang halaman, lalo na ang mga nasa dining at living area. Dumating si Kuya Emer bago umuwi sina Kuya Boy. Natuwa ako kahit paano sa hindi pa tapos ang palitada ng wall at pagpintura ng pader grills. Nagandahan ako sa wall lamp. Gabi, nag-biking ako. Matao ang mga kalsada. Nakakatakot baka makabangga ako. Habang nagluluto sina Kuya Emer at Emily , nagbi-videoke ako. Itinuloy ko ito hanggang 11. Isiningit ko ang biking dahil napakainit sa loob. Kung kailan naman malapit na ang Noche Buena, saka naman ako inantok. Hindi na ako bumaba, tutal kumain na ako. Disyembre 25, 2020Kahit Pasko, hindi ako nagpaawat sa paglilinis ng garden. Inilabas ko ang mga halaman ko na itinago ko sa laundry area upang maarawan sila. Gusto ko na rin kasing maglaba. Tumulong naman si Kuya Emer na itapon ang mga scrap, gaya ng lupa, bato, buo-buong semento, at iba pa. Hapon, naglaba ako. Sinolo ko. Mas gusto kong maglaba kaysa magtapon ng mga scrap. Past 4 na ako natapos. Then, bandang alas-6, naglinis naman ako sa harap. Natapos na rin kasing itapon ang mga kalat. kahit paano, nabawasan ang alalalahanin ko. Mabuti na lang, nandito si Kuya Emer. Hindi kinaya ng tomboy kahapon na hakutin ang mga scrap. Naningil lang ng P800. Bale P2k rin ang magagastos ko kasi nag-upa pa kami ng pedicab at magbibigay ako kay Kuya Emer ng P1k. Okay lang. At least, nakalibre ako sa pagbuhat. Masaya naman ako ngayong araw ng Pasko. Buo ang pamilya ko. Alam kong masasaya naman ang mga kapatid ko at mga kamag-anak ko, gayundin si Mama at dalawa ko pang anak. Disyembre 27, 2020Magdamag umulan kaya paggising ko, hindi kaagad ako nakapagsimulang mag-ayos sa garden. Nagluto muna ako ng almusal, saka kumain. At dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko, nag-ayos ako kahit umuulan. Pinasali ko si Zillion para tumibay ang resistensiya. Game naman siya. Marami kaming natapos. Napaliguan pa namin ang aso. Hapon, imbes na magpahinga, nag-videoke ako. Tapos, gumawa ng vlog. Gabi. Nag-ayos uli ako sa garden. Tumigil na kasi ang ulan. Kahit paano, marami akong natapos. Kaunti na lang ang halaman sa loob. May direksiyon na ang garden plan or design ko. Disyembre 28, 2020After breakfast, nag-ayos na agad ako ng garden. Kahit paano ay nagkaroon na ng magandang pagbabago. Marami akong naiisip na disenyo o arrangement, kaya lang mahirap dahil solo akong nag-aayos. Past 11, nag-chat si Ms. Ecija, parent ng dati kong pupil. Nagyayayang mag-tripping sa Pasinaya. Late ko na nabasa. Aniya, pupunta na lang siya sa bahay. Past 3, dumating siya. Hindi na kami nakaalis para tingnan ang model house sa Pasinaya kasi hindi sumagot si Sis. Marian kung maaari siyang ma-approve kahit self-employed lang siya. Isa pa, hapon na. Mahirap nang bumiyahe pauwi. Nag-sales talk din ako ng First Vita Plus. Mukhang positive naman siya. Siya pa nga ang nagyayang mag-picture kami sa mga products. Past seven na siya umuwi. I'm hoping na makakakuha siya ng unit at magiging First Vita Plus dealer siya. Disyembre 29, 2020Maganda ang panahon kaya marami akong nagawa sa garden. Halos matapos ko nang maisaayos. Niapuwesto ko na sa magandang lugar ang garden set. Nainis lang ako sa mag-ina ko kasi ala-una na, wala pang ulam. Sinermonan ko sila. Nasira ang mood ko maghapon. Mabuti na lang, nakatulog ako after lunch. At pagkatapos kong maligo, back to work ako. Kaunti na lang, maaayos ko na ang garden ko. Gabi, nagpintura ako ng pader sa kusina. Sa halip na laundry area, ito muna ang inuna ko. Kapag may tirang pintura, pipinturahan ko. Disyembre 30, 2020Itinuloy ko ang pagpintura sa kusina. Ang dami pa kasi ng natirang pintura. Halos nalagyan ko lahat ng sides. Tahimik akong maghapon. Hindi ko alam kung bakit. Siguro gusto ko lang mas marami akong magawa. Tama naman dahil napaliguan ko ang aso. Nakapag-landscape ako. At nakapag-repot. Ang ganda na ng garden namin. Although may kaunti pa akong aayusin, pero maaari na akong tumanggap ng bisita. Ngayong gabi, nakapag-post na ako ng videos sa FB page ko. Gusto kong kumita sa mga videos kong gardening, gayundin sa stories at school-related. Disyembre 31, 2020Past nine na ako bumangon. Ang sarap kasing mahiga, lalo na't napuyat ako kagabi sa mga panaginip ko, na parang totoo. Parang tungkol kay Mama. Siguro, miss na miss na niya ako. Halos santaon na rin ako nang huli kong dalaw sa Antipolo. Pagkatapos mag-almusal, trabaho agad. Nagpintura ako ng steel gate sa likod, gayundin sa garden gate. Finishing touches lang naman. Pagkatapos niyon, gumawa ako ng vlogs o videos para sa YT at FB pages ko. Naghimay ako ng bunot upang maging cocopeat. After lunch, dumating si Kuya Emer. Kampante na ako dahil may magluluto ng handa para sa Media Noche namin. Umidlip ako hanggang 3PM. Paggising ko, gumawa ako ng vlog. Matagal kong natapos ang isang reading aloud. At habang naghihintay ng 12 MN, nanood ako ng pelikula. Sa garden ako pumuwesto. Napakaganda sana ng movie, kaya lng ang ingay sa paligid at nakakaantok. Gusto kong humilata. Gayunpaman, natapos ko iyon. Gusto ko sanang mag-videooke, kaya lang, nagloko ang mic. Walang boses. O baka na-overpower lang ng ingay sa paligid. Blessed ako ngayong 2020. May pandemya man, pero nabiyayaan ako, kaya nakapagpabakod ako. Hindi rin kami dumanas ng anomang sakit. Salamat sa First Vita Plus, na siyang ginamit ng Diyos. Thank you, Lord! Patuloy akong magpapasalamat at magpupuri sa Iyo!

Tuesday, December 22, 2020

Pulis ang Daddy Ko

Walang gustong makipaglaro sa akin. Pulis daw kasi ang daddy ko. "Mommy, sana hindi na lang naging pulis si Daddy," minsang sabi ko sa aking ina. Nagulat siya sa sinabi ko. "Bakit mo naman nasabi iyan, Jona?" "Kasalanan po kasi ni Daddy kaya walang gustong makipaglaro sa akin." Natawa naman si Mommy sa sagot ko. "Pulis nga ang daddy mo. Sabihin mo iyan sa kanila. Ang tunay na pulis ay ang katulad ng daddy mo." Napaisip ako sa sinabi ng mommy ko. Kaya, kinabukasan, lumapit ako kina Karla, Mila, Jong, at Jon-jon. "Puwede ba akong sumali sa laro ninyo?" tanong ko sa kanila. "Ayaw naming kalaro ka!" mabilis na sagot ni Karla. "Bakit? Dahil ba pulis ang daddy ko?" Nginitian ko sila isa-isa habang nagtitinginan sila. "Oo!" sagot ni Karla. "Pulis nga ang daddy ko. Siya ay isang tunay na pulis," sagot ko. "Halina kayo. Dali!" yaya ni Karla kina Mila, Jong, at Jon-jon. Nagmamadaling umalis ang lima. Nagpaiwan si Mila. "Pasensiya ka na, Jona... Gusto ko naman talagang makipaglaro sa 'yo, pero sabi nina Mama at Papa, iwasan daw kita kasi anak ka ng pulis,'' mabilis na sabi ni Mila. Pagkatapos, mabilis din itong sumunod sa mga kaibigan. Sa halip na malungkot ako, natuwa ako dahil sa sinabi sa akin ni Mila. Masaya akong umuwi sa bahay. Ibinalita ko kay Mommy ang nangyari. "Mahal na mahal ka namin ng daddy mo. Iyon lang ay sapat na para maging masaya ka. Pero, mahalaga pa rin ang mga kaibigan," sabi ni Mommy. "Hayaan mo, darating ang araw na makikipaglaro rin sila sa iyo. Ipakita mo sa kanila na ikaw ay anak ng mabuting pulis." "Opo, Mommy!" Niyakap pa ako ng aking ina. Linggo ng umaga, magkakasama kaming pamilya sa pagsisimba. Sabi ni Daddy, huwag daw naming kalilimutang maglaan ng oras para sa Diyos. Nang araw na iyong, ipinagdasal ko, na sana tanggapin na ako nina Karla, Mila, Jong, at Jon-jon. Sana rin ay patuloy na gabayan ng Diyos ang daddy ko sa kaniyang trabaho. Masayang-masaya ako pagkatapos ng misa dahil kakain na naman kami nina Daddy at Mommy sa paborito kong fast food chain. "Namamalimos po," salubong sa amin ng matandang lalaki. "Daddy, Mommy, sa bahay na lang po tayo kumain. Ibigay na lang po natin kay Lolo ang pambili natin ng pagkain sa fast food chain," sabi ko sa kanila. Agad na nagbigay si Daddy sa matanda. "Salamat sa inyo!" sagot ng lolo. "Tatay, mag-iingat po kayo palagi," sabi pa niya. Lalo akong humanga sa daddy kong pulis. Hindi lang siya mabuting ama at asawa, matulungin pa siya sa kapwa. Tuwang-tuwa ako nang natuloy pa rin kaming kumain sa fast food chain. Sabi ni Daddy, para raw iyon sa pagiging mabuting anak ko at pagiging matulungin sa kapwa. Masayang-masaya talaga ako tuwing kasama ko ang mga magulang ko. Halos isang araw sa isang linggo lang kaming nabubuo dahil nakadestino si Daddy sa malayo. Kaya tuwing uuwi siya, tuwang-tuwa ako. Bago pa kami natapos sa aming pagkain, nagpaalam si Daddy sa amin. Mabilis siyang lumabas sa fast food chain. Nahulaan ko na agad ang kaniyang gagawin. "Pasensiya na kayo... Tinulungan ko ang ale. Hinablot ng lalaki ang bag nito, kaya hinabol ko," paliwanag ni Daddy. Mangiyak-ngiyak sa pangamba at tuwa si Mommy. "Lagi mo na lang inuuna ang iba. Lagi mo na lang itinataya ang buhay mo para sa kapwa." "Oo nga po, Daddy," sang-ayon ko. "Tungkulin kong pagsilbihan at protektahan ang kababayan ko," tugon niya. Lalo akong humanga sa daddy ko. Tama si Mommy na si Daddy ay isang tunay na pulis. Nang makauwi kami sa aming lugar, binati ng aming kapitbahay si Daddy. "Sarhento Lucas, congratulations!" sabi nila. Panay ang ngiti at pasalamat ni Daddy. Noon ko lang nakita na sinaluduhan nila ang aking ama. Naisip ko nga, totoo kayang paggalang at paghanga ang kanilang ipinakita? Kinabukasan, malungkot na naman kami ni Mommy nang magpaalam sa amin si Daddy. Ilang araw na naman siyang malalayo sa amin. Ilang araw ring malalagay ang buhay niya sa peligro. Hindi pa nakakalayo si Daddy, nang dumating sina Karla, Kikay, Lotlot, Jong, Jon-jon, at Mila. "Magandang umaga po!" bati ni Mila sa mommy ko. "Puwede po ba naming makalaro si Jona?" Tiningnan ako ni Mommy. "Anak siya ng pulis," biro niya. "Kaya nga po gusto namin siyang kalaro," tugon ni Mila. "Sorry po... Sorry, Jona, kung hindi ka namin sinasali sa laro," sabi ni Karla. "Napanood namin ang daddy mo," sabi Jon-Jon. "Trending siya sa social media," sabi ni Jong. "Oo. Ang galing ng tatay mo, Jona! Nahuli niya ang isnatser," sabi naman ni Jon-jon. Napangiti si Jona dahil kay Jon-jon. "Hindi pala kami dapat matakot sa 'yo at sa daddy mo... kasi mabubuti kayong tao," sabi ni Karla. "Mommy, makikipaglaro po ako sa kanila," paalam ko sa aking ina. "Sige na, Jona... Ito na ang araw na sinasabi ko sa 'yo," sagot ni Mommy. "Opo, Mommy! Salamat po! Salamat din dahil pulis ang daddy ko," sabi ko. "Tunay na pulis," pahabol ni Mommy. Nayakap ko tuloy si Mommy bago ako sumama sa mga kalaro ko. "Mga bata, mag-iingat kayo palagi, ha?" bilin ni Mommy. "Opo! Pulis po ang daddy ng aming kalaro," sagot ni Mila. Nagkatawanan kami habang patungo sa parke.

Saturday, December 19, 2020

Mga Halaman sa Hardin na Nakakapagtaboy ng mga Lamok

Masarap mamalagi sa hardin hindi lang sa ganda nito, kundi sa sariwang hangin na naidudulot nito. Kaya lang, kung marami namang lamok ang namamahay rito, mas gusto mo na lang pumasok sa loob ng bahay. Hindi na rin mainam tumanggap ng bisita sa hardin dahil sa pesteng lamok. Pero, alam mo bang nasa hardin lang din ang solusyon sa problema mo sa mga lamok? May mga halaman kasing nakapagtataboy ng mga lamok at iba pang insekto. Lalo na kung ayaw mong gumamit ng mga kemikal na pang-spray. Ang lavender ay una sa listahan. Nakapatataboy ito ng mga insekto. Kahit nga ang kuneho, ayaw ang amoy nito. Mabango ang amoy ng essential oil na nanggagaling sa mga dahon nito, kaya marahil ayaw ng lamok. Pinaniniwalaan kasing tinatanggal daw nito ang pang-amoy ng mga lamok. Hindi rin ito mahirap alagaan. Kailangan lang nito ng full sun at magandang soil mixture upang hindi mabulok ang mga ugat. Kaya nito ang iba’t ibang uri ng klima. Kaya, sa Pilipinas, pasok ang pagtatanim ng lavender! Ang marigold ay mainam ding pantaboy sa mga insekto. Ang matapang na amoy nito ay ayaw na ayaw ng mga lamok. Madali lang din itong alagaan. Maaari itong itanim sa paso o direkta sa lupa. Nakapagpapaganda pa ito ng hardin at gulayan dahil sa matingkad nitong kulay. Mainam itong ilagay sa patio o sa harapan ng bahay. Ang citronella ay kilalang mosquito repellant. Ang pambihirang amoy nito ang inaayawan ng mga lamok. Nabubuhay ito sa maaraw na bahagi, kaya sa Pilipinas, maganda ang tubo nito. Ligtas sa dengue ang mga tahanang may tanim nito. Ang catnip (catmint) ay nabubuhay kahit saan. Ginagamit ito para sa mga alagang pusa. Minsan, itinuturing lang itong damo. Kaya naman, napakadali nitong alagaan at paramihin. Maaari nga nitong sakupin ang mga halaman sa hardin. Ayon sa pag-aaral, sampung beses na mas epektibo ito kaysa sa kemikal na ginagamit sa paggawa ng insect repellants. Ang rosemary ay isa ring mahusay na pantaboy ng mga lamok. Ito ay isang herb na may amoy-kahoy na amoy, na siyang inaayawan ng mga insekto. Maganda itong itanim sa mga gilid. Mabubuhay ito kahit sa paso. Habang enjoy na enjoy ka sa mabangong amoy nito, suyang-suya naman ang mga lamok. May sangkap ka na sa pagluto, may mosquito repellant ka pa. Ang basil ay isa ring herb na may kakayahang itaboy ang mga peste. Ang maanghang na amoy nito ang ayaw na ayaw ng mga langaw at lamok. Dapat lamang piliin ang tamang variety ng basil na itatanim sa hardin. At tandaan na gusto ng basil ang mamasa-masang lupa. Gusto nito ang masaganang sikat ng araw. Maaari mo itong itanim sa paso o direkta sa lupa. Maaari ring isama sa halamang namumulaklak. Ang malvarosa (geranium) ay kilalang mosquito repellant. Dahil namumulaklak ito, hindi magiging boring ang hardin mo. Safe ka pa sa dengue. Panatilihin mo lamang itong namumulaklak sapagkat ang mga ito ang nagpapalayo sa mga lamok at iba pang insekto. Mahilig ito sa sikat ng araw. Kung malamig naman, dapat mo itong ilipat sa paso at gawing indoor plant. Makatutulong sa paglaki nito ang madalas na pagpu-prune. Ang peppermint ay isang mabisa at natural na pantaboy ng lamok, langaw, at langgam. Mas maanghang ito, mas kakaunti ang mga insekto sa paligid ninyo. Mainam itong itanim sa paso, kung saan mas madaling mapitas para sa pagluluto o paggawa ng tsaa. Ang pinatuyong dahon nito ay maaari ring ilagay sa loob ng bahay bilang natural pest control method. Ang bulaklak ng bulak-manok (floss flower) ay hindi lang kaaakit-akit na bulaklak, kundi isa ring mabisang panlaban sa lamok. Nagtataglay ito ng coumarin, isang kemikal na nagtataboy sa mga lamok. Nakalalason din ito sa tao at mga alagang hayop. Ang sambong (sage) ay hindi lang mabisang halamang-gamot, magaling din itong magtaboy sa mga lamok. Kung mahilig kayong mag-bonfire, isama ito sa apoy. Maaari ring ilahok sa mga tuyong dahon tuwing magsisiga. Kung sinisipag ka, maaari kang gumawa ng spray, gamit ang katas nito. Ang sibuyas at bawang ay nakapagpapasarap ng mga lutuin at nakapagtataboy ng mga lamok. Ayaw ng mga lamok ang amoy ng mga ito. Ang ibang magsasaka, ginagamit ang mga ito sa intercropping upang maprotektahan ang ibang mga pananim sa mga peste. Itinatanim ang bawang o sibuyas sa pagitan ng mga gulay gaya ng pechay at repolyo. Marami pang halaman ang mainam na pantaboy sa mga lamok. Marami rin ang mga maaaring gawing mosquito repellant spray. Nasa kusina, hardin o paligid lamang natin ang mga ito.

Friday, December 4, 2020

Ang Magbabagong Kaibigan

“Pulutin mo ‘yan,” utos ni Emil sa kaibigang si Darius nang makita niyang itinapon nito ang balat ng kendi sa kalsada. “Huwag na. May street sweeper naman tayo,” natatawang sabi ni Darius. “Halika na!” Hinila siya nito, pero hindi siya natinag. Binalikan niya ang balat ng kendi, na itinapon ni Darius. Pagkatapos, naghanap siya ng basurahan at doon niya itinapon. Tahimik silang naglakad patungo sa bahay ng kanilang kaklase dahil ikinalungkot niya nang husto ang inasal ng kaibigan. Bago pa sila nakatawid ng kalsada, sumalpok sa malaking paso ang batang lalaki habang nakasakay ito sa bisikleta. Naging dahilan iyon upang sumemplang ang bata. Pumulanghit ng tawa si Darius. Agad namang tinulungan ni Emil ang bata upang maitayo ito at matiyak na hindi nasaktan. Malapit na sila sa bahay ng kanilang kaklase nang isang matandang babae ang naglahad ng kamay sa kanilang. Mga iho, baka may barya kayo riyan. Pahingi naman. Pandagdag lang sa pambili ko ng pagkain,” sabi ng matanda, na halatang hirap na hirap sa buhay. “Naku, Lola, hindi hinihingi ang barya ngayon. Alam ko na ang mga style ninyo! Mga manloloko!” walang kaabog-abog na sabi ni Darisus. “Ano ka ba, Darius? Kung wala kang maibibigay, huwag ka na lang magsalita ng masama,” galit na sabi ni Emil. Pagkatapos, hinarap niya ang matanda. ”Pasensiya ka na po, Lola, sa kaibigan ko. Pagsasabihan ko po siya.” Maiyak-iyak ang matanda, kaya hindi na ito nakapagsalita. “Pasensiya na rin po kung limang piso lang ang maibibigay ko. Iyan lang po kasi ang dala ko. Ingat po kayo palagi,” sabi ni Emil. Hindi na niya narinig ang pabulong na pagpapasalamat ng matanda dahil nahila na niya palayo si Darius. “Sobra ka na, ha! Hindi nakakatuwa ang mga ginawa mo. Kanina, nagtapon ka ng basura sa kalye. Tinawaan mo ang bata. At ngayon naman, pinagsalitaan mo ng masama ang lola.” Pinilit magpakahinahon ni Emil kahit naiinis siya sa kaibigan. “Wow! Akala mo kung sino kang mabait,” sarkastikong sagot ni Darius. “Sino ka para sermonan ako?” “Concern lang ako sa ‘yo. Kaibigan mo ako at hindi ko hahayaang gumawa ka ng mali sa kapuwa. Ngayon kung hindi mo gusto ang sinabi ko at ginagawa ko, sige… Bahala ka na. Ikaw na lang ang pumunta kay Daniel. At huwag ka na ring pupunta sa bahay.” Pagkatapos niyon ay walang lingon-likod niyang tinalikuran si Darius. Mabilis na naglakas pauwi si Emil habang iniisip pa rin niya si Darius. Nalulungkot siya sa masamang ugali nito. Nahiling niya sa Diyos na sana magbago ito. Sa tapat ng kanilang gate, naroon si Darius. “Samahan mo na ako kina Daniel. Promise… hindi na mauulit. Tama ka naman, e,” maluha-luhang sabi ni Darius. “Kapag hindi mo ako sinamahan, hindi mo na makikita ang pagbabago ko.”

Tuesday, December 1, 2020

Mga Suhestiyon sa Pagsulat ng Tula


Hindi naman mahirap magsulat ng tula. Alisin mo lang ang labis na pagiging negatibo. Narito ang ilang suhestiyon sa pagsulat ng tula.


Pumili ka ng magandang paksa. Ang paksa ng tula ay walang limitasyon. Malaya kang makapili ng ideyang alam na alam mo. Maaaring ang mga bagay na interesado ka o gusto, paborito mo. Maaaring ang kinatatakutan mo, iniisip mo, pangarap mo. Lahat puwede! Subukan mong isulat ang tatlong paksang naisip mong gawan ng tula. Pagkatapos nito, maaari ka nang sumulat o makasulat.


Huwag kang matakot sumulat ng tula nang walang tugma. Hindi palaging may tugma ang tula. Hindi ito kasalanan. Tandaan mong may malayang taludturan. Maaari ka nga ring gumawa ng sarili mong estilo. Huwag kang mag-alala, walang mamba-bash sa 'yo, as long as wala ka namang tinatapakang tao.


Bigyan mo ng pansin ang kayarian ng tula mo. Suriin mo ito pagkatapos mong isulat ang burador (draft). Balanse ba ang mga saknong? tama ba ang mga batas? Sumunod ba sa uri ng tula na sinundan mo, gaya ng spoken word, haiku, tanaga, awit, korido, elehiya, balagtasan, duplo, dalit, tradisyunal, at iba pa. At gaya ng sinabi ko kanina, maaari ka ring gumawa ng sarili mong anyo ng tula. Malaya ka.


Basahin mo nang malakas ang tulang isinulat mo. Kapag maganda at masarap pakinggan, maganda iyan. Maaari mo ring ipabasa sa iba. Ang pagsali sa mga poetry writing groups ay makatutulong din sa iyong pagkatuto. Ang mahalaga, tumatanggap ka ng puna, kritiko, at opinyon ng iba.


Paunlarin mo ang iyong tula. Pagkatapos mong humingi ng komento, puna, at suhestiyon sa iba, paunlarin mo ito. Iwasto mo ang mga mali. Dagdagan. Baguhin. Bawasan. Edit mo. Sigurado akong mas gaganda pa ang tula kapag maraming mata ang magbabasa.


Kapag nabigo ka sa una, huwag kang susuko. Wala namang nagwagi na umayaw. Bahagi ng pagkatuto ang kabiguan. Huwag ka ring masaktan sa sasabihin ng iba bagkus pagbutihan mo pa. Hindi ka lalago kung mananatili kang sensitibo at takot sa pagkabigo.


Hayan na! Maaari ka nang sumulat ng tula nang hindi ka nagiging negatibo. Kaya mo iyan!


Ang Aking Journal -- Nobyembre 2020

Nobyembre 1, 2020 Maaga akong bumangon kasi nag-chat si Ma'am Penggay para i-deliver ang order kong ice cream. Baka raw kasi abutan sila ng ulan. Pagkatapos, mag-almusal agad akong humarap sa laptop upang gumawa ng modules. Nakadalawa ako ngayong araw. Hapon, nagsimula na ang pagbayo ng malakas na hangin. Isinilong ko ang mga halaman ko. May mga nilipad at nahulog na nga bago ko pa nagawa. I hope wala masyadong ma-damage sa mga halaman ko. Nobyembre 2, 2020 Maganda na ang panahon. Parang walang nangyaring bagyo kahapon at kagabi. Nakapaglabas at nakapag-ayos na ako ng mga halaman. Then, hinarap ko uli ang module writing, until dumating si Sir Hermie, bandang alas 5 ng hapon. Nag-inuman kami hanggang past 9:30. Nakaapat kaming grande. Super luyong kami sa apat. Nakakatuwa! Tinawagan namin sina Sir Erwin, Ma'am Venus, at Ma'am Roselyn dahil gusto naming mangulit. Nobyembre 3, 2020 Na-stress ako habang paggising ko kasi nagha-hang pa rin ang laptop ko. Kagabi pa iyon. Para mawala ang inis ko, nagpalit ako ng First Vita plus checks ko sa Security Bank. Natagalan ako roon, kaya almost 12 noon na ako nakauwi. After lunch, naayos ko na ng laptop ko. Nagawa ko na ang mga dapat kong gawin, like ang pag-edit ng story ko para sa Booklatan sa Bayan. Nai-send ko na rin iyon. Wala na akong iisipin pang iba. Maghapon akong gumawa ng module. Nahinto lang dahil dumating si Natz. Bibigyan niya raw ako ng fig tree. Itinuturing na niya akong kaibigan. Hiningi pa nga niya ang Facebook name ko dahil isasali niya ako sa group niyang TGIF. Last 6 modules na lang ng gagawin ko. Bukas, magdadalawa ako. Nobyembre 4, 2020 Binigyan ako ni Natz ng mulberry seedlings. Nagmamadali siyang umalis. Pagkaabot niya kay Emily umalis na rin siya agad. In-add ko siya sa FB para makapagpasalamat ako. Ngayong araw, nag-edit at nagdagdag lang ako ng nilang ng modules kasi kulang ang number of pages. Kasalanan ni Ma'am Nhanie. Siya ang nagsama-sama ng mga layunin. Sinundan ko lang. Nahirapan tuloy ako. Sa halip na Grade 4 naang ginagawa ko, Grade Six pa rin. Anyways, kaya pa naman. Ilang araw pa naman bago ang deadline. Nobyembre 5, 2020 Maaga pa lang, may benta na kami. Nauna lang si Ma'am Jenny dumating. Siya siguro ng suwerte. Nakatapos ako ng modules ngayon. In fact, naipasa ko na ang Grade Six Quarter 4. So far, nasa Grade Four Quarter 4 Module 4 na ako. Kahit paano an nakahinga ako nang maluwag. Tatlo na lang. Bukas maaga akong pupunta sa school para sa distribution and retrieval of modules. Nobyembre 6, 2020 Three-thirty, bumangon na ako para maghanda sa pagpunta sa school. Gusto kong makarating doon nang hindi naiipit sa traffic. Nagawa ko naman. Wala pang 5:30, nasa school na ako. Past 6:30 na dumating si Ma'am Vi. Nagsisimula na akong mag-assort ng mga modules. Nakalimutan ko nang pumasok sa online class. Gayunpaman, nakapagturo pa rin ako bago kami nag-almusal. Dumating din sina Sir Hermie, Ma'am Anne, Ma'am Madz, at Sir Joel. Wala lang si Ma'am Wylene. Nagkatawanan na naman kami. Nakapagtsek ako ng ilang modules. Ang hirap pala. Hindi kayang matapos ang isng section sa isang upuan, lalo na't natambakan na kami. Past 1:30, umuwi na kami. May dalawa akong mga halaman. Ang isa ay nabarter ko kay Sir Erwin. Ang isa naman ay galing sa garden ko. Nakarating ko sa bahay bandang past 4. After meryenda, humarap na ako sa laptop para ipagpatuloy ang module-making. Maaga naman akong umakyat upang magpahinga. Nobyembre 7, 2020 Nakipag-meet up uli ako sa client ko ng First Vita Plus bandang nine. Ikalawang kuha na niya iyon dahil effective sa kaniyang ama. Pagkatapos niyon, pumunta ako sa Rosario para mamili ng mga paso. Busy naman sina Emily, Zillion, Ma'am Jen at Ma'am Ailyn para sa 6th years anniversary ng Rich of the Champions. Hindi ko sila natulungan. Hindi rin ako naka-join kasi may webinar din ako sa Wikipedia. Nag-stay ako sa taas, kaya hindi naman ako nakapakinig nang maayos. Nakaidlip ako. Tapos, nawalan pa ng connection. Natapos ko ngayong gabi ang ikalimang module. Tatlo na lang. Hindi na ako mai-stress. Kayang-kaya na. In fact, nagsimula akong gumawa ng video lesson. Na-miss ko ang pag-vlog. Nobyembre 8, 2020 Nag-gardening ako nang halos maghapon. Hindi ko nga natapos ang isang module. Gayunpaman, masaya ako dahil marami akong nai-repot. Mas maganda talaga ang halaman kapag nasa magandang paso. Nakakaadik magtanim. Kung marami lang akong pera, bibilhin kong lahat ang mga gusto kong koleksiyunin. Bukas, darating daw ang plants na inorder ko kay Gina. Sana hindi naman napirat. Nakasako lang daw. At sana magaganda ang naipadala niya sa akin para worth it ang ibabayad ko. Nobyembre 9, 2020 Dahil wala pang module na pang-week 6, nagturo na lang ako ng pagsulat ng sanaysay. Inuna ko ang pagsulat ng simula. Ngayong araw, medyo naging produktibo ako. Gumawa ng module. Mabagal lang akong gumawa dahil naubusan ng battery ang bluetooth mouse ko. Almost done na ng module #7. Naabala pa ako kasi nakipag-meet up pa ako sa nagdala ng plants na order ko kay Gina. Nagkita kmi sa Umboy. Madaya kasi hindi hinatid sa bahay. Gumastos pa ako sa pamasahe. Okay lang naman kasi natuwa ako sa mga bird's nest ferns. Nawala ang inis ko. Itinanim ko kaagad ang mga iyon dahil nalanta na ang iba at naluray na. Matagal-tagal pa bago sila magiging stable. Pero, okay lang dahil mataas ng chance ng survival nila, maliban sa anahaw. Gabi, nag-chat si Boboy. Nagtanong tungkol sa house and lot. Pinahanapan ko kay Emily. Nagustuhan niya ang sa Pasinaya Homes. Sa Linggo, pupunta siya rito para mag-tripping. Nobyembre 10, 2020 Hapon na ko nakapadala ng bayad ko sa plants kasi umulan. Isa pa, naghintay ako sa delivery ng loam soil. Binigo na naman niya ako. Umattend pa ako ng meeting. Inabot ng alas-12. Kailangan kong mag-check ng modules kaya iniwan ko muna ang laptop. Nagtsek ako sa kuwarto. Kahit paano nakarami ako. Nakapag-record na rin ako. Nobyembre 11, 2020 Nakapagturo pa ako online saka nag-suspend ng klase. Okay lang naman dahil gusto ko ang itinuturo ko. Past 12, dumating si Sir Hermie. Bumili ng mga halaman at paso. Nag-inuman uli kami. Inabutan na naman siya ng alas-4 rito. Okay lang namn kahit na-pending ang paggawa ko ng module. Wala naman nang pasok bukas dahil sa bagyong Ulysses. Nakakagawa ko maghapon bukas. Gabi, naka-chat ko si Norman. Inabot kmi ng pasado 11. Kay sarap balikan ang pagkakaibigan namin noon. Ganitong oras din, lumakas nang husto ang hangin. Hindi agad ako nakatulog kasi pinakikiramdaman ko ng paligid. Nobyembre 12, 2020 Hindi ako nakatulog nang husto dahil kay Ulysses. Sobrang lakas ng hangin niya. Nangangamba ako na baka liparin ang mga bubong namin. Pati ang mga halaman ko ay inaalala ko. Nawala ang kuryente bandang 12. Paggising ko bandang 8:43, wala pa ring kuryente. Namorblema kami sa almusal dahil de-kuryente lahat ng gamit namin. Past 10, bumili na lang ako ng kanin at ulam. Mabuti may nagluto at nagtinda. Dahil walang kuryente, nagtsek na lang ako ng module. Nagbasa rin ako. At nang inantok, umidlip ako. Past 3:30 nang dumating ang kuryente at tubig. Gabi, tinapos ko na ang modules. Naipasa ko na rin kay Ma'am Nhanie. Gusto pa nga niya kong pasulatin ng Grade 2. Tumanggi na ako. Gusto ko kasing mag-vlog at ituloy ang trending kong nobela sa Wattpad. May nag-aabang na kasi ng update. Kaya, bago ako natulog, nagbasa ako ng mga huling chapter at nagsimulang magsulat. Nobyembre 13, 2020 Wala pa ring online class ngayon. Gayunpaman, nagpaka-busy ako sa garden habang naglalaba ang mag-ina ko. Tinulungan ko sila sa pagsasampay. Pagkatapos, naglinis ako sa sala. After lunch, nagbasa at nagsulat. Nang inantok ako, umidlip ako. Nagsulat uli ako bago bumaba. Then, sinagutan ko nang lahat ang assignment sa Classroom Wikipedia. Marami akong na-accomplished ngayong araw. Nobyembre 14, 2020 Maaga pa lang, marami na kaming benta. Isa si Ate Emer sa aming mga customers na dumating. Halos sabay-sabay sila, pero siya ang pinakanagtagal. Nakipagkuwentuhan pa siya sa amin hanggang sa bumili siya ng dalawang sachets ng FVP Guyabano Gold. After lunch, pumunta ako sa Rosario para mag-withdraw ng allowance. Minalas ako kasi wala naman palang pumasok na pera. Kung alam ko lang hindi na sana ako pumunta nang naiwan ko ang ATM card sa bahay. Nagastusan tuloy ako sa pamasahe ng P160. Sayang! Ngayong araw, nakapag-upload ako ng dalawang vlogs sa YT. Sana magtuloy-tuloy na. Nobyembre 15, 2020 Gumawa ako ng vlogs ngayong araw. Sinikap kong makagawa ng tatlo. Nakaka-inspire kasi ang isanf follower ko na nangumusta at nag-request ng update. Ngayong araw, na-approve ang Adsense ko sa blogspot. Nawa'y mabilis akong kumita. Sana'y magtuloy-tuloy na ang kita ko sa mga vlogs at blogs ko. Nobyembre 16, 2020 Dahil wala pang modules na pang week 5, nagturo na lang ako ng mga elemento ng kuwentong pambata. Gusto kong matuto ang mga estudyante ko na magsulat ng kuwento. Pagkatapos ng online class ko, ni-reply-an ko si Bro. Natz. Niyaya niya akong pumunta sa Agricultural Training Institute. Nag-commit ako, kaya bandang 8:30, bumiyahe na kami. Kasama niya si Bro. Joni, na noon ko lamang nakilala. Madalas daw niya itong kasama sa ganoong lakaran. Nakaangkas ako sa motor ni Bro. Natz. First time kong mag-road trip habang nakasakay sa motor. Ang cool pala! Ang ganda pa ng dinaanan namin. First time kong makita ang mga iyon. Ipinasyal nila ako sa Nusa Dua. Napakagandang subdivision iyon. Farm siya. Ang lalaki ng mga lote. Indonesian inspired ang mga unit. Exclusive daw iyon. Parang ang sarap tumira dahil malapit sa nature. Parang probinsiya. Wala naman palang seminar sa ATI. Nabigo kami, pero may tatanggapin kaming free kit sa pagbalik namin. Kinuha na ang names namin. Then, pumunta kami sa Department of Agriculture. Andaming kakilala ni Bro. Natz. Madalas daw kasi sila roon. Nakahingi nga kami ng seedling ng kape. Liberica coffee raw iyon. Kapeng barako, kumbaga. Dream come true kasi matagal ko nang gustong magtanim ng kape. Umuwi na agad kami pagkatapos niyon. Okay lang naman kahit hindi kami natuloy sa ATI. At least, may bago akong experience. May bagong mga kaibigan. Sigurado akong may kasunod pa iyon. Nobyembre 17, 2020 Buena mano si Nanay Delly. Tama talaga ang panaginip ko. Napatakan ako ng ipot ng ibon sa balikat ko. Suwerte talaga kapag may tae o ipot sa panaginip lalo na kapag dumikit sa katawan ko. Nagtuloy-tuloy pa ang suwerte hanggang hapon. Bumili uli kasi ang client ko mula sa Amaya ng FVP Mangosteen. Ikatlong beses na siyang bumili. Ten days lang yata ang pagitan. Then, bandang 5 PM, nabili ang Adenium ko ng P250. Suwerte! Malas nga lang dahil nawala ang signal ng Converge. Lahat ng subscribers ay nawalan. Nag-apologize naman sila through text, pero walang kasiguraduhan kung kailan babalik. Nobyembre 18, 2020 Nag-check ako ng mga modules at nag-record ng mga score maghapon. Kailangan kong makapunta uli sa school upang kumuha ng tsetsekan. Nakagawa rin ako ngayon ng isa vlog tungkol sa chubby frog. Nakapag-update din ako sa wattpad. Natulungan ko rin sa school project ang dati kong estudyante na si Katherine Hazel. Pinag-critique niya ako ng study niya. Nobyembre 19, 2020 Binigay sa akin ni Sir Hermie ang oras niya sa online class dahil hindi naman daw siya feeling well. Natuwa naman ako dahil mas marami akong oras para sa aming talakayan sa Filipino. Pagkatapos mag-almusal, nag-gardening ako. Nakabenta rin ako ng mga paso, na worth P250. Then, gumawa ako ng vlogs. May hindi ako natapos dahil miniting kami ng module writers ni Ma'am Nhanie tungkol sa bagong guidelines ng DepEd. Pahirapan na naman sa pag-edit nito. Deadly line! Sa Wednesday na ipapasa ang Quarter 3. It means kailangan kong makatapos ng at least two modules per day. Sinimulan ko kaagad pagkatapos ng aming Zoom meeting. Tumigil ako bandang past 10:30. Kahit paano umusad na ang module 1. Nobyembre 20, 2020 Halos maghapon akong gumawa ng module. Sulit naman dahil nakatapos ako ng tatlo at bago ako umakyat para matulog, nakapagsimula ako ng pang-apat. Halos nagagamay ko na ang paggawa, gamit ang bagong format. Idlip lang ang pahinga ko. Hindi naman ako nai-stress. Enjoyable naman. Ang mahalaga, natututo ako sa ginagawa ko. Mabuti na nga lang at hindi pa kami pupunta sa school bukas para sa bigayan ng module. Nobyembre 21, 2020 Nagising ako nang maaga dahil sa akala ko ay Friday pa lang. Kaya pala hindi ako makapasok sa online class. Walang nag-aacept sa akin. Nakapasok man ako, pero ako ang ang naroon. Okay lang naman dahil may hinahabol akong deadline. Kailangan kong matapos by next week ang modules. Fourteen modules. Almost six modules na ang natapos ko so far. Hindi ko natapos ang pang-anim dahil sobrang hirap ng layunin. Kailangan kong manood ng maikling pelikula at iba pang ulat. Mahirap din ang paggawa ng salaysay tungkol sa napanood. Pre-requisite kasi sa module ang key to correction, kaya kailangan kong maghanda ng mga sagot. Kung mahirap para sa akin, mas mahirap para sa mga estudyante. Hindi bale, ilalagay naman sa module. Maaari naman nilang kopyahin. Bukas, darating si Boboy para tumingin ng lote at bahay sa Pasinaya sa Naic. Nobyembre 22, 2020 Past 7, dumating na si Boboy. Kasalukuyang naghahanda na noon si Emily ng almusal. Pagkatapos ng almusal, nagkuwentuhan lang kami sandali, habang gumagawa ako ng module. Gusto ko na kasing matapos. Maya-maya lang, dumating na si Sis. Marian para samahan kami sa tripping s Pasinaya. Ginamit na lang namin ang motor ni Boboy. Past 10, naroon na kami sa site. Andaming tao. Nakakagulat kasi nakapag-tripping na rin ako nang tatlong beses, pero hindi napupuno ang model house-- up and down. May pandemic pa niyan. Naisip ko tuloy na in demand ngayon ang murang pabahay at quality ang subdivision na iyon. Affordable nga naman talaga. Gusto kaya ko nga lang, kukuha pa ako ng isang unit. P2,800+ lang ng monthly. Gayunpaman, positive si Boboy. Kukuha siya. Nakatulong ang aking sales talk ability. Na-pending ng paggawa ko ng module dahil in-entertain ko pa si Boboy. Five PM na siya umalis. Sabi nga ni Emily, mahusay na raw akong mag-entertain ng bisita. Almost done ko na ang Filipino 6 Quarter 3 modules, maliban sa Pagtataya. Ang hirap kasing gawan ng activity ang 'pagsulat ng tula at sanaysay na naglalarawan' na multiple choice. Writing pa rin talaga ng skill na gagamitin. Nobyembre 23, 2020 Nag-decide ako kagabi pa na hindi ako aalis nang maaga. Ginusto kong mag-online class muna bago umalis. Before 10, nasa school na ako. Nakapag-check pa ako ng ibang modules bago kami bumaba. Nakapag-sales talk pa ako kay Ma'am Madz. Nahikayat ko siyang kumuha ng bahay at lupa habang bata pa. Sa tulong ni Ma'am Vi, naapektuhan siya. Soon, baka sumama siya sa tripping. Masaya ako kanina sa school. Nakasalamuha ko ang mga closed friends ko. Nakatawa ako nang malakas aat nakapag-share ako ng ideas. Tungkol sa youtube ang pinaka-topic namin. Nakauwi ako bandang 7:30. Masakit ang ulo ko pero nawala naman nang nagkape ako ng First Vita Plus. Nakapag-module writing pa nga ako. Nobyembre 24, 2020 Maaga man akong nagsimulang gumawa ng module, naabala naman ako sa pagdating ni Ate Emer para i-entertain siya. Nakabili siya ng mga halaman, paso, at First Vita Plus, kaya sulit naman. Maghapon, nakadalawang modules ako. Not bad. Nakatulog din ako ng isa't kalahating oras. Sana bukas makatatlo ko. Deadline na kasi sa Friday. Nobyembre 25, 2020 Nag-gardening ako sa umaga. Naglipat ako ng mga potted plants. Natuwa naman ako sa resulta dahil mas maayos, maaliwalas, at maluwang. Then, pinaspasan ko ang paggawa ng modules. Nasa pang-anim na module na ako ngayon. Dalawa't kalahati pa. Sana bukas ay hindi masyadong mahaba ang meeting para matapos ko na ang modules ko. Nobyembre 26, 2020 Wala akong inaksayang panahon. Hinarap ko talaga ang laptop ko upang matapos na ang quarter 3. Kung hindi nga lang nagkaroon ng roll-out orientation, baka natapos ko na. Gayunpaman, nakapinabangan ko rin nang husto ang oras habang nakikinig kasi nakapaglinis ko sa kuwarto ko. Nakapagpalit ako ng kurtina, nakapag-paint ng paso, at nakapag-decorate. Nobyembre 27, 2020 Sinikap kong matapos ang module ko bago magsimula ang Wikipedia webinar. Good thing is natapos ko naman before lunch. Nakahinga ako nang maluwag. Kaya nga nang nag-chat na si Ma'am Nhanie, hindi na ako kinabahan. Naipasa ko naman iyon bandang alas-7. Hapon, after ng webinar, nag-vlog ako. Sa susunod na araw ko naman gagawin ang assigment sa Wikipedia. Nobyembre 28, 2020 Mabuti na lang, bumangon ako nang maaga. Nag-chat kasi si Bro. Natz. Tinanong niya ako kung sasama ako sa Nusa Dua. Siyempre hindi ako humindi. Past 7, sinundo na niya ako. May kasama kaming mga pamangkin niya. Natuwa ako sa pinuntahan naming swimming pool. Ang ganda ng ambience. Panay nga ang kuha ko ng pictures. Kahit nang nasa may lote na niya kami, nag-pictorial ako. Andami tuloy nag-akala ko na may bago akong unit, nang nag-post ako sa FB. Sayang nga lang dahil umuwi agad kami. Nabitin ako. Gusto ko pa sanang magtagal. Past 10, nasa bahay na ako. Sulit naman ng gala namin. Kahit paano ay nawala na ng stress ko sa module ng DepEd. Ala-una, nag-deliver uli ako ng FVP Mangosteen. Ikaapat na beses na iyon. Then, namili ako sa Rosario ng mga paso, pandiaplay, at kung ano-ano pa. Umabot din sa P2,000 ang napamili ko. Napaka-impulsive buyer ko talaga! Nobyembre 28, 2020 Plinano kong magtsek ako ng papel o modyul. Nasimulan ko naman. Kahit paano ay may natapos ako. Kaya lang, biglang nag-chat si Ma'am Amy, na pupunta raw sila. Naglinis ako at naghanda. Past 2, dumaan sila. Medyo nahiya ako kahit puring-puri niya ang garden ko. Gayunpaman, nagbenta pa rin ako. Murang-mura lang ang bigay ko. Sa halagang P200, marami na silang naiuwi. Nang umalis sila, hindi na rin ako nakapag-tsek. Gumawa na lang ako ng vlog. Excited na akong kumita sa youtube. I just need a break. Gabi, may kumontak kay Ma'am Nhanie tungkol sa kuwento kong 'Si Abdul.' Hinihingi ang bio ko para raw sa school project nila. Natuwa naman ako dahil napansin niya ang akda ko na galing sa binili ni Mayor Vico at ipinamudmod sa mga bata roon. Ginawan ko siya ng bio. I hope, gamitin niya iyon sa tama. Nobyembre 30, 2020 Dahil holiday, maaga akong humarap sa mga answer sheets ng modules. Andami ko pang tsetsekan. Parang hindi ako matapos-tapos. Idagdag pa ang abala ng ESP. May idinagdag pa akong summative test questions. Hindi nila sinabi agad noon. Before lunch, may magandang balita kong na-receive. Babayaran ako ni Ma'am Nhanie ng P4k sa pinagawa niyang module sa akin. Natuwa ako dahil ang mahal pala ng bayad per module. P8k ang isa dahil half lang ang P4k na ibabayad niya sa akin dahil nga siya naman ang nagtapos niyon. Sa tuwa ko, umalis ako para mag-withdraw at bumili uli ng halaman, bilang remembrance ng income ko. Tuwang-tuwa rin ang mag-ina ko sa pasalubong ko sa kanila.

Thursday, November 19, 2020

Nakikiisa (tula)

Nakikiisa

Ang aming pamilya'y may pagkakaisa
Nagtutulungan at palaging masaya
Sa mga gawaing-bahay kami'y abala
Sa mga pagsubok at saya'y sama-sama.

Ang haligi at ilaw ng aming pamilya
Sa paghahanapbuhay' mahuhusay talaga
Walang suliraning hindi namin makakaya
Basta ang bawat isa sa ami'y nakikiisa.

Monday, November 16, 2020

We Prepared

We Prepared “Papa, is it true that another typhoon will hit the country?” I asked. “Yes, son! So, make some preparation,” said Papa. I quickly looked for my big sisters. “Ate Princess, Ate Britney, let’s prepare for the upcoming typhoon,” I said. “But, how?” Ate Princess asked. “Yay! Weird! Can’t you see we’re playing dolls. Besides, storm is a normal and natural occurrence. It happens more than 20 times in a year,” Ate Britney explained. “But typhoon Ulysses is different. I heard in the news that it might be more destructive than other storms. So, we better prepare,” I said. “Ate, he’s right. We must prepare,” Ate Princess told Ate Britney. “I have also seen on tv the damages done by storm Rolly. It might happen to us if we will not prepare. I don’t want to lose our possession.” Ate Britney thought awhile, then he got up. “Okay! You, two, are both weird! I will not help you. I’d rather play than to go with you.” Then, she left us. Ate Princess and I went downstairs and talked about the preparations. Ten minutes later, we are gathering whistles, flashlight, match, lighter, candles, bottled water, easy-open canned goods, crackers, emergency kit, ropes, Swiss knife, compass, and many others. We then put them all in a plastic box with tight lid. Then, we went back upstairs to get our important papers and documents, like birth certificates and the like. “Oh, my God!” Ate Princess exclaimed. We saw Ate Britney sorting out our important documents. She smiled at us. “I’m helping you now. Lola Carmen reprimanded me, so I realized that you are both right. I’m sorry,” Ate Britney said. “It’s alright, Ate Britney!” I said. “Let’s do this!” The three of us, planned our next steps. Later, we are helping our father in preparing the surrounding. As he cut some branches of the tress, we gather them. We also assisted him in fixing the broken windows and other parts of our house. He also checked the electrical connection. Afterwards, we altogether cooked pork adobo and rice. We doubled the usual amount of them so that we will not get starve when the going gets rough. Being ready is the best we can do to fight calamities. Mama called from aboard to check us if we are ready. “Yes! We’re very much ready,” Papa said. “It’s all because our little boy is a smart boy. He motivated us to prepare. “Wow! You’re such a grown-up boy! I’m so proud of you. I’m so happy even though I’m not with you right now. All I can wish for is your safety. And don’t forget to pray,” Mama said. “Yes, Mama!” Ate Britney, Ate Princess, and I replied. “Keep safe, too, Mama!” I said. Thank you, God bless you all!” said Mama before she said goodbye. As the storm Ulysses made its landfall, all of us are praying that no one will get harmed. The roaring sounds of the wind added terror to us. It washed away the branches of the caimito tree. It slammed our house rhythmically. The tremendous rain continued. “Oh, my God!” Ate Princess exclaimed. “Look, it’s flooded outside.” I peeped on the window and saw the flood slowly invading our surrounding. “What will happen if it comes up higher?” I asked. “Don’t worry. We are safe here,” Ate Britney said. Minutes later, we all shouted when the electricity was cut. “Papa! Papa!” shouted Ate Princess. “Ate, don’t panic. We are here.” I told her. I then come to her. “Papa is downstairs. It’s okay!” Ate Britney came near to Ate Princess as well. “Let’s go to Lola Carmen,” she said. We felt safe when we were together. The wind blew even more harder. It was a terrifying experience. We often shout for fear every time we hear some noise on our roof. We were afraid we lose it. “Don’t worry. We’re safe because we asked God to protect us,” said Lola Carmen. “Yes, that’s true, Lola,” I said. “Besides, we prepared.”

Friday, November 6, 2020

Junjun: 3 Drawing

“Junjun?” tawag ni Ate Maymay pagkatapos niyang kumatok ng tatlong beses sa pinto ng kuwarto ng kapatid. “Puwede ba akong magpatulong sa iyo?” “Ayaw ko! Pagkatapos mo akong isumbong kina Mama at Papa kanina, hihingi ka ngayon ng tulong,” sagot ni Junjun. “Sorry na… Biro lang iyon. Gusto mo, turuan kitang mag-drawing?” Katahimikan ang sagot ni Junjun kay Ate Maymay. At maya-maya, binuksan na niya ang pinto. “Talaga?” nakangiti niyang tanong. “Oo! Ganito, o.” Ipinakita ni Ate Maymay ang kaniyang drawing. Tiningnan iyon ni Junjun. “Wow! Astig!” “Gusto mong matuto?” Tumango lang si Junjun. Hindi kasi maalis ang mata niya sa drawing ni Ate Maymay. “Sige… Tuturuan kita mamaya… pero sa isang kondisyon.” Biglang ibinalik ni Junjun sa kaniyang ate ang drawing. “Sabi ko na nga ba, e!” Nahawakan ni Ate Maymay ang siradura ng pinto kaya hindi nai-lock ni Junjun ang pinto. “Makinig ka muna… Bigyan mo ito ng komento o puna. Isasali ko kasi sa contest ng paggawa ng editorial cartoon.” Tiningnan muna ni Junjun ang mukha ng ate. Sinuri niya kung seryoso ang kapatid o hindi. “Huwag mo akong lolokohin, Ate Maymay, kundi tutuksuhin kita.” “Siyempre, hindi. Seryoso ako kasi contest ito. Kapag nanalo ako rito, maaari akong makilala at kapag nakilala ako, baka may kumuhang diyaryo sa akin. May trabaho na ako.” “Advanced ka mag-isip, Ate Maymay. Okay, sige… Puna lang pala, e.” Binawi agad ni Junjun ang drawing ng kaniyang ate. “Ngayon na ba?” “Hindi. Suriin mo munang mabuti. Alam kong magaling kang magbigay ng puna. Tingnan mo lahat ng anggulo ng editorial cartoon ko—mula sa estilo, sa konsepto, sa shading, sa lahat! Bahala ka na. Negative or positive is accepted. Hindi ako magagalit. Basta mamaya, after one hour, babalikan kita. Okay?” “Okay! Basta huwag kang magagalit, ha?” “Oo. Hindi. Promise!” Tinaas pa ni Maymay ang kaniyang kanang kamay. “Tuturuan pa rin kitang mag-drawing ng editorial cartoon.” “Sige. Naniniwala ako sa ‘yo… ngayon lang,” biro ni Junjun. “Hala! Ngayon lang talaga?” “Sige na! Kita na lang tayo mamaya.” Nagsara na agad ng pinto si Junjun. Pagkatapos ng isang oras, lumabas na si Junjun. Hinagilap niya si Ate Maymay. Sa sala niya nakita ang kapatid. Naroon din ang kanilang mga magulang. “Ready ka na ba, Ate Maymay?” natatawang tanong ni Junjun. Napahawak si Maymay sa kaniyang dibdib. “Grabe? Mukhang masasaktan ako sa mga puna mo, ah!” “Sabi mo, puwede ang negative.” “Oo, doon kasi ako lalago. Kailangan ko lang tanggapin nang maluwag sa aking puso.” Huminga siya nang malalim. “Sige na… simulan mo na. Ano ang masasabi mo?” “Okay.” Ipinatong ni Junjun ang editorial cartoon sa center table. “Maganda ang drawing mo, Ate Maymay. Sa unang tingnan, mapapa-wow ka talaga.” Napasandal sa sofa si Ate Maymay. “Nang tiningnan ko nang maigi at inisip ko kung ano ang kahulugan… Ate Maymay, huwag ka na munang sumali sa contest. Marunong ka lang mag-drawing, pero wala pang meaning ang gawa mo. Alam ko kasi ang editorial cartoon ay may mensaheng nais ipahayag. Saka, bakit anime ang mukha nito?” “Ganiyan ako mag-drawing ng tao,e! Bakit ba?” medyo naiinis na sagot ni Ate Maymay. “Huwag kang maiinis at magagalit. Sabi mo, okay lang ang negative kasi para lumago ka. E, hindi ko nga gusto. Anong magagawa mo?” “Akin na nga ito!” Mabilis na dinampot ni Ate Maymay ang drawing niya at padabog na tumayo. “Salamat, ha?! Akala ko pa naman maaasahan kita….” “Ano na naman iyan?” tanong ng kanilang ama. Napatingin ang magkapatid sa kanilang ama. “Hindi pa ba tayo masasanay sa dalawang iyan?” sabi naman ng ina. “Umupo ka, Maymay,” utos ng ama at nilapitan ang magkapatid. Napilitang umupo si Maymay, habang masama ang tingin sa kapatid. “May problema na naman kayo, ‘di ba? Maaari ko bang marinig ang panig mo, Junjun?” sabi ng ama. “Humingi po kasi siya ng tulong. Bigyan ko raw po ng komento o puna. Sabi pa po niya, okay lang po kahit negative… Nagsasabi naman po ako nang totoo,” litanya ni Junjun. “Ikaw naman, Maymay,” sabi ng ama. “Totoo naman po ang sinabi niya… Pero, masyado naman pong negative ang sinabi niya. Huwag na raw akong sumali sa contest,” paliwanag ni Ate Maymay. “Okay… Pareho kayong may mali. Gusto kong pag-isipan ninyo ang inyong mga kamalian. Bibigyan ko kayo ng isang minuto para isipin iyon,” sabi ng kanilang ama. Tiningnan pa niya ang malaking wall clock. Napayuko si Junjun. Napatingin sa kisame si Maymay. Nagkatinginan naman ang kanilang mga magulang. Pagkatapos ng isang minuto, si Maymay ang unang tinanong ng ama. “Masyado po akong sensitive. Hindi po ako marunong tumanggap ng negative critcisim,” sagot ni Maymay. “Mabuti, alam mo iyang negative criticism… Ikaw naman, Junjun,” sabi ng ama. “Masyado po akong harsh. Wala pong paggalang ang mga komento at puna ko. Hindi ko po naisip ang positive criticism. Sorry, Ate Maymay,” sabi ni Junjun. “Sorry raw, Maymay,” untag ng kanilang ama. “Sorry rin, Junjun,” sabi ni Maymay. “Ayan! Ang gandang pakinggan. Alam ninyo, mga anak… Huwag ninyong kalilimutan ang respeto at paggalang. Sino man ang kausap ninyo o kahit nagbibigay kayo na puna, negatibo man o positibo, huwag ninyong kalilimutan ang paggalang. Ang masakit na salita ay maaaring mabawasan ang sakit kapag ginamitan ng magagaling na pananalita. Ang tawag doon ay constructive criticism. Tama ako, Mama?” tanong ng ama sa ina. “Oo naman, Papa,” nakangiting sagot ng kanilang ilaw ng tahanan.” “Ano naman ang masasabi mo, Mama?” tanong ng ama. “Ang talentadong bata ay may paggalang sa kapuwa. Ang magalang na bata, hindi nakakasakit ng damdamin ng kapuwa,” sabi ng ina. “Halina kayo! Kain na tayo.” Parang walang nangyari sa pagitan nina Junjun at Maymay nang patakbo silang lumapit sa dining table. Napangiti na lamang ang kanilang mga magulang, na animo’y sanay na sanay na sa away ng magkapatid.

Wednesday, November 4, 2020

Pagiging Mapanuri

Nanonood ng telebisyon sina Katie at Lolo Gardo, nang biglang lumitaw ang patalastas. Bago iyon kaya pinanood nila. “May problema ka ba sa shampoo mo? Naku! Palitan mo ang dati mo dahil narito na ang shampoo ng pamilya. B-Right Shampoo! Lahat ng scalp and hair problems ng iyong pamilya ay siguradong solb sa B-Right Shampoo. Maiiwasan ang pagkakalbo. Babalik ang kinang at ganda ng buhok ninyo. Tiyak na mawala ang inyong balakubak! Be bright! Use B-Right!” sabi sa patalastas. “Uy, Lolo Gardo, bili tayo niyan!” natutuwang sabi ni Katie. “Naku, Katie, hindi porket bago ay bibilhin mo. Maging mapanuri ka muna,” sagot ni Lolo Gardo. “E, Lolo, mukha namang mabisa. Sabi nila, lahat ng scalp and hair problems natin ay kayang masolusyonan. Kailangan ko po iyon para sa buhok kong buhaghag. Para naman sa balakubak ni Papa. Ikaw po.” Natatawang tumingin si Katie sa ulo ng kaniyang lolo. Nilakihan muna ng mata ni Lolo Gardo ang apo. “Hay, naku, Katie! Okay lang na maging kalbo na ako forever. Basta ayaw ko nang maniwala sa mga patalastas na iyon. Andami ko nang nasubukang shampoo, kaya naniniwala akong ang mga produktong iyon din ang sumira sa buhok ko.” Natawa muna si Katie. “Ikaw na po ang nagsabi kanina…” “Anong sinabi ko?” “Maging mapanuri muna. Paano po natin masusuri kung hindi natin susubukan?” Natigalgal si Lolo Gardo at napakamot sa ulo. “Kumati ang ulo ko sa ‘yo… Sige, saan ba makakabili niyan?” Napaplakpak sa tuwa si Katie. “Baka may tinda na po si Aling Nena. Pahingi po ako ng pambili.” “Ay, ang bilis mo naman, apo. Hindi ba puwedeng bukas na?” Kunwaring nag-isip muna si Katie. “Hindi po puwede. Maliligo na po kasi ako.” “Ang batang ito, napaka-spoiled! O, hala, kumuha ka ng sampung piso sa aking kalupi. Baka may sukli pa, ha. Ibalik mo sa akin.” “Kuripot,” bulong ni Katie. “Ano ang sabi mo, apo?” “Wala po. Sabi ko po…thank you!” “Kalbo lang ako, pero hindi malabo ang pandinig ko. Kuripot talaga ako kaya mapanuri ako,” natatawang sagot ng lolo. Natatawang umalis si Katie.

Limang Salita

Nakasanayan na ng mga magulang ni Tristan na bumili ng libro tuwing magsusuweldo. Kung hindi isa, dalawa ang binibili nila. “Tristan, may bagong bili kami ng daddy mo,” sabi ni Mommy Izzel, sabay abot ng makapal na libro. “Basahin mo iyan, anak. Bestseller iyan,” dagdag pa ng ama. Binuklat-buklat ni Tristan ang libro. Gaya ng dati, nagkunwari siyang masaya. “Ito po ang nabasa ko sa book review. Maganda raw po talaga ito.” Pilit pa siyang ngumiti. “Yes, that’s true… Kaya pagkatapos mong mabasa iyan, ibigay mo agad sa akin. Can’t wait to read that,” sabi ng ama. “Sure, Dad! Thank you!” Pagtalikod ng mga magulang ni Tristan, inilapag niya ang libro na tila naalibadbaran. Agad naman siyang nag-chat sa kaniyang kaklase na si Louie. Ikinuwento niya ang tungkol sa isa na namang nakakainis na pangyayari. Tulad ng dati, ganito ang reply ng kaniyang kaklase: “Oh, my gosh! Hindi pa alam ng parents mo na nasa 21st century na tayo? All are digital. Nag-aaksaya sila ng pera sa kakabili ng aklat.” “Plano yata nilang magtayo ng library rito sa bahay. You know what? Mas malaki pa ang room ng mga koleksiyon nilang babasahin kaysa sa room ko. Nakakainis!” Halos buwan-buwang naiinis si Tristan sa kaniyang mga magulang, lalo na kapag tinatanong siya kung nabasa na niya ang aklat na binili at kung ano ang nilalaman niyon. Isang beses, hindi na siya nakapagtimpi. “Bakit po ba ninyo ako pinagpipilitang basahin ang aklat ninyo? I can and I will read books that I like. Besides, nagbabasa naman po ako using my phone. Dad, Mom, hindi na po ninyo kailangang punuin ng mga babasahin ang bahay natin,” sabi ni Tristan. Pagkatapos, tinalikuran niya ang mga ito. Naiyak na lamang ang kaniyang ina. Wala ring nagawa ang kaniyang ama, kundi ang kalamayin ang loob ng kaniyang may-bahay. Simula noon, hindi na bumibili ng anomang babasahin ang mag-asawa. Hindi na rin nila pinagdidikdikan kay Tristan ang kahalagahan ng pagbabasa. Naniniwala silang darating ang oras na kakailanganin ng kanilang anak ang kanilang ipinupundar. Nagpatuloy si Tristan sa paggamit ng kaniyang mobile phone. Lahat ng nagpapasaya sa kaniya ay natagpuan niya sa kaniyang gadget. Isang araw, naging balisa si Tristan dahil hindi niya ma-search sa Google o sa Wikipedia ang limang di-pamilyar na salita. Kailangan niyang mabigyan ang mga iyon ng kahulugan upang magamit niya sa pangungusap. “Hello, Louie? Mas sagot ka na ba sa takdang-aralin natin? Pakopya naman, o,” sabi ni Tristan nang tinawagan niya si Louie. “Wala nga rin, e! Wala sa internet. Nakakainis!” “Kaya nga, e... Paano kaya ito? Nagagalit na sa akin si Ma’am Esmera. Lagi na lang akong walang assignment,” sabi ni Louie. “Oo, friend, bumawi ka baka bumagsak ka sa subject niya,” payo ni Louie. “Oo, sisikapin ko… Sige na, bye!” “Bye!” Pagkalapag niya ng cellphone niya, muli siyang nabalisa. Kailangan niyang mabigyan ng kahulugan ang mga salitang ngurob, kahuwego, marea, ngambing, at umaati-ati. Nais na niyang maiyak dahil hindi niya maisip kung saan siya kukuha ng sagot. Ayaw naman niyang humingi ng tulong sa kaniyang mga magulang dahil nahihiya siya sa kaniyang ginawa. Tiningnan niya ang oras. Dapat na siyang matulog dahil may pasok pa kinabukasan, ngunit hindi siya maaaring pumasok nang walang takdang-aralin. Maya-maya, lumabas siya sa kaniyang kuwarto. Hawak niya ang papel kung saan nakasulat ang limang salita. Kumuha na rin siya ng bolpen bago pumasok sa malaking silid na punong-puno ng iba’t ibang uri ng babasahin. Sa tagal nang naroon iyon, ikatlong beses pa lamang siyang pumasok doon. At namangha siya sa dami ng mga aklat. Humanga siya sa kaniyang mag magulang sa mga sandaling iyon dahil nagawa nilang magtayo ng isang maliit na silid-aklatan. Habang lumalapit siya sa mga hilera ng mga libro at hinahanap ang kaniyang kailangan, lalo siyang humanga dahil maayos ang pagkakasalansan ng mga iyon. May mga label pa ang bawat shelf, na parang sa library talaga. Saka lamang niyang napagtanto na isa palang librarian ang kaniyang ina. “Dictionaries!” bulalas ni Tristan nang makita ang hinahanap. Agad din niyang hinila ang makapal na diksyunaryong Tagalog. Mas lalo siyang natuwa nang mahanap agad niya ang kahulugan ng kahuwego. Abala si Tristan sa pagkopya ng kahulugan ng mga di-pamilyar na salita, kaya hindi na niya namalayan ang pagpasok ng kaniyang mga magulang. Nang maibalik niya ang diksyunaryo, saka lamang niya Nakita ang kaniyang ina at ama. “Dad, Mom? Sorry po… pumasok ako rito,” nahihiyang sabi niya.” Nginitian siya ng kaniyang ina at agad na nilapitan. “Tristan, hindi mo kailangang mag-sorry o magpaalam kung papasok ka rito. Binuo naming ito ng daddy mo para sa ‘yo. Ikaw ang inspirasyon nito. Salamat dahil natuklasan mo na ang halaga nito!” Hindi na napigilan ni Tristan ang kaniyang luha. “Sorry po, Dad, Mom, kung na-attached ako masyado sa gadget. Hindi pala lahat ng kailangang kong datos ay nasa internet.” “Oo naman, anak. You are forgiven,” sabi ng kaniyang ama. “Salamat po sa inyo! Salamat po sa library na ito!” “You’re welcome!”

Tuesday, November 3, 2020

Diyalogo: May Matutuhan sa mga Libangan

Sa klase ni Ginang Malate, tatalakayin niya ang pagkakaiba ng kathang isip at di-kathang isip. Gng. Malate: Bago tayo dumako sa aralin, nais ko muna kayong tanungin kung ano ang paborito ninyong libangan. Isa-isa kayong magsasalita. Hindi na ako tatawag. Ayon na lang sa pagkakaayos ng upuan ninyo. Ikaw na ang mauna, Teresa. Teresa: Hilig ko po ang magpinta. Joel: Mahilig po akong mag-online games. Hannah: Paborito ko pong gawin pampalipas-oras ang pagbabasa. Kiko: Ako naman po, pag-aalaga ng tarantula ang pinagkakaabalahan ko. Samantha: Pag-aalaga ng aso at pusa po. Larry: Sound trip po. Dorothy: Gustong-gusto ko pong magbasa ng komiks. Marami po kasing komiks ang lolo ko. Hilbert: Pagsusulat po ng kuwento ang pinaglalaanan ko ng bakanteng oras ko. Laarni: Movie marathon po ang libangan ko. Gng. Malate: Wow! Pareho tayo, Laarni! Subsciber ka rin ba ng Netflix? Laarni: Yes, Ma’am! Gng. Malate: Sige, ituloy na natin upang mabalikan natin ang sagot ni Laarni. Ipinagpatuloy ng mga mag-aaral ni Ginang Malate ang pagsasabi ng kani-kanilang libangan. Marami ang natutuhang libangan ng klase, maging ang guro. Halimbawa na lang ay ang paghahanap ng gagamba, paggawa ng damit ng manika, at paggawa ng Mandala design. Mayroon ding magkakaparehong hilig at libangan, gaya ng vlogging, pagluluto, pagsi-cellphone, at pagti-Tiktok. Nagkaroon pa nga sila ng tawanan at biruan. Gng. Malate: Marami akong natutuhan sa inyong mga sagot. Makakaiba man ang ating hilig na libangan, naniniwala akong may natututuhan tayo. Sa bawat paglibang natin, hindi lang tayo sumasaya, may matututuhan tayo. Nagpapasalamat ako sa inyong partisipasyon. Ituloy na natin ang aralin. Laarni: Ma’am, sabi niyo po, babalikan mo po ang sagot ko. Gng. Malate: Yes, Laarni… Salamat sa pagpapaalala! Alam ba ninyo ang pelikula ay maaaring kathang isip o di-kathang isip? Laarni: Totoo po iyan, Ma’am. May napanood po akong historikal na pelikula. Hango po iyon sa tunay na buhay ng bida. Maganda rin po. Gng. Malate: Tama! At Iyan ang aralin natin ngayon. Ano nga ba ang pagkakaiba ng kathang isip sa di-kathang isip? Handa na ba kayong matuto? Lahat: Opo, handa na po kami! Dahil sa masayang pagganyak, natuto nang lubos ang mga mag-aaral ni Ginang Malate.

Sunday, November 1, 2020

Ang Aking Journal -- Oktubre 2020

Oktubre 1, 2020 Gumising ako nang maaga upang bumili ng saging na saba. Kailangan ni Emily para sa kaniyang diarrhea. Nasimulan ko nang maganda ang araw ko, kaya chillax ako maghapon. Nakabenta ako ng plants at pebbles. Naisingit ko rin ang paggawa ng module. Natapos ko na ang 13th. Isa na lang. Hapon, nag-usap kami ni Ma'am tungkol aa kabulastugan ng mga kalaban namin sa school. Nakisali na rin sa video call si Sir Hermie. Then, chinat ako ni Mrs. Ledesma. Pursigido siyang mapanagot si Sir Jul sa pananakit kay Stephanie. Ayaw ko naman ang ganitong isyu, kaya lang doon ako sa tama. Kinailangan ko tuloy lumuwas bukas para makipag-meet sa dalawang partido at sa principal. I hope maging okay na ang lahat. Gabi, dumating si Ma'am Jen upang i-deliver ang FVP ko. Binigyan niya rin ako ng mga halaman. Nagustuhan ko ang mga iyon. Limang variety at ang dami pa. Worth P500+ kung bibilhin. Oktubre 2, 2020 Pasado alas-8 na ako umalis sa bahay, dala ang isang First Vita Plus powerpack at ang kaba sa dibdib. Kinakabahan ako sa meeting ko with complaining mother against Sir Jul. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan nito. Past 10, nasa school na ako. Hindi lumipas ang isang oras, pinatawag na kami ng principal para sa briefing. Past 1, dumating na si Mrs. Ledesma at ang kaniyang sister-in-law. Although, hindi naman galit sa akin ang ina, hindi ako sanay sa ganoong scenario. Sa loob ng sampung taon ko bilang adviser, never pa akong nasangkot sa ganoong reklamo. Never pa akong humarap sa paglilitis. Naging emotional ang ina, pero later naunawaan naman niya si Sir. Natuwa rin naman ako dahil hindi na umabot sa Division ang complaint. Ayaw ko naman kasing makaladkad ang pangalan ko. Pagkatapos ng meeting, nakahinga ako nang maluwag. Pero, hindi ako nakatiis kaya ikinuwento ko kina Janelyn, Ma'am Gigi, at Ate Jing ang mga nangyari at mga kabulastugan ng mga ulupong. Naniwala sila. Then, nag-bonding kami nina Ma'am Edith at Sir Erwin sa Mang Inasal. Ikinuwento ko rin sa kanila. Nagkuwento rin si Sir sa akin. Lalong naragdagan ang sama ng loob ko. Kaya nga nang naglabas din si Ma'am Venus sa GC naming officers, nag-decide akong magsiwalat sa kanila at mag-share ng mga nangyari. Gusto kong maunawaan nila kung bakit hindi ko masaya sa event na inaasa sa amin. Walang magandang dahilan kung bakit magsi-celebrate ng Teachers' day virtually. Mga plastic nga sa personal, magbi-virtual pa. Dahil naipaliwanag ko ang lahat, naunawaan nila ako. Alam na nila ngayon ang mga panloloko, panggagago, at pagmamanipula nila sa amin. Bago ako matulog, isang Grade 9 student ang nagmensahe sa akin sa FB. nabasa raw niya ang isa kung kuwnlento. Nagandahan siya. Nagpasalamat ako at kinausap siya. Naramdaman ko ang sinseridad niya, kaya bigla akong na-inspire. Sa tingin ko, sOiya na ang ipinadala ni God para maging misyon ko. Gusto ko siyang tulungang magkaroon ng gadget para sa pag-aaral niya. Masaya na ako kahit sobrang sama ng loob ko nitong buong linggo. Mabait talaga si Lord. Oktubre 3, 2020 Late na akong bumangon. Gusto kong bumawi sa ilang gabing balisa. Masuwerte naman ang pagbangon nang maaga ni Emily dahil may benta agad kmi. Nagtuloy-tuloy pa nga hanggang hapon. Kaya lang, maghapon din akong nakaramdam ng galit sa principal ko at sa mga taong kasabwat niya. Nais pa nga akong damayan ng mga kasamahan ko through video call. Kaya lang, mas pinili kong mag-chat na lang. Naka-chat ko si Mrs. Ledesma. Sagad pa rin ang galit niya kay Jul. Marami-rami rin ang napagkuwentuhan namin. Naka-chat ko rin si Mareng Janelyn. Siya ng nagbigay ng recorded audio na lalong nagpainit ng ulo ko. Nai-block ko tuloy ng principal at nag-leave ako sa bagong GC, lalo na't nalaman naming postponed pala ang WTD celebration namin sa Lunes. Hindi man lang niya ko in-inform. Naka-chat ko rin ang estudyante kagabi. Lalo akong humanga sa pagiging palaban niya sa buhay. Gabi. Gumawa ako ng vlog. Na-inspire ako ni Precious. Naipangako kong magbibigay ako ng mensahe sa Lunes sa GC namin. Hihingi ako ng apology sa kanila. Oktubre 3, 2020 Five hundred pesos agad ang buena mano namin. Tatlong klase ng halaman ang nabili. Hinatid ko tuloy sa kanila. Nakita ko rin doon ng koleksiyon niya ng bougainvillea. Na-inspire akong magparami at mag-collect din. Ngayong araw, mainit ang talakayan namin sa GC. Nagplano kami. Si Ma'am Venus ang nag-initiate na mag-raise ng mga questions. Napansin iyon at nagkaroon ng sagutan. Uminit din ang ulo, kaya nagbigay rin ako ng kaunting hint ng rebellion. Nag-schedule tuloy ng meeting ng pahal. Sa meeting, matapang na inilahad ni Ma'am Venus ng kaniyang mga saloobin. Nagkaroon ng mainit at madamdaming balitaktakan. Pagkatapos, ako naman... Kinorner ko siya tungkol sa ginawa nilangnbagong GC. Halatang hindi siya prepared kaya halatang nagsisinungaling siya. Kahit mataas ang tono ko, hindi niya ako mapigilan sapagkat talo siya sa aking mga rason. Nagsalita si Ma'am Ana. Naiyak siya. Ayaw niyang lumala pa ang bangayan. Bumaba ang galit ko, but hindi nawala ang inis ko sa aking boss. Masaya ako dahil naipahayag ko ang boses ng mga kasamahan ko. Sumama man ng loob ng principal at mga kakampi niya, wala akong pakialam. Kasalanan nila ng lahat ng kaguluhan. Oktubre 5, 2020 Na-excite siya ang katawan ko. Nagising ko bandang 3:30. Hindi na ako nakatulog. Naalala ko tuloy ang nangyari sa meeting kahapon. Before 5, bumangon na ako. Sa unang pagkakataon, maaga akong nagbukas ng tindahan. Ngayon araw ang opening of classes. Naging maayos naman ang online classes namin. Kakaunti lang ang mga nakapasok. Pinag-isa na lang namin kaya isahang turo na lang din. Pabor ito sa aming lahat dahil tigpi-fifteen minutes lang kami. Ginawa ko ngayong araw ang mga accomplishment reports at workweek plan. Nakapagdagdag na rin ako ng ilang pahina sa last module ko. Nakakaantok at nakakapagod lang ng maghapong nakaharap sa laptop at cellphone. Kailangang i-divert ang sarili s ibang gawain. Oktubre 6, 2020 Hindi na ako bumangon ng napakaaga. Sapat naman ang kalahating oras na preparasyon sa pagharap sa laptop para sa online class. Naging maayos naman ang ikalawang araw ng distance learning. Nakapagturo ako nang maayos, gamit ang mga flash cards. Then, hinarap ko naman ang paggawa ng module. Kakainis lang ang mga estudyante. Ginagawa nilang tambayan ang GC, kaya naiistorbo ako. Mayroon namang tanong nang tanong. Pahina na lang ng subject na Filipino, ichachat pa sa akin. Properly labeled naman ang mga modules. At nasa unahan pa. Pambihirang katangahan! Ngayong araw, naawa ako kay Sir Hermie dahil nabuhay na naman ang kaso niya. May memo siya, kasama sina Sir Joel at Sir Erwin bilang GL at MT, sa conference bukas. Grabe si Chula! Isang napakakasuklam-suklam ng ginawa niya kay Sir Hermie. Sana makaraos na si Sir. Nakakalungkot ang mga nangyayari sa GES. Hindi na healthy. Oktubre 7, 2020 Maayos kong naisagawa ang online class. Naging all ears sila nang sinimulan ko nang ikuwento ang springboard kong tungkol sa alagang itik ko. Marami marahil ang naengganyong pahalagahan ng pagbabasa, pagsusulat, at pagkakaroon ng karanasan. Hindi ko pa rin natapos ng huling layunin ng module dahil kinailangan kong turuan si Zillion sa Math. Gabi. Matagal ang video call namin nina ma'am Vi at Sir Hermie. Natawa kami sa nangyari kay Sir sa conference with the Legal Officer. Naabsuwelto na siya, pero tsinismis na naman siya tungkol sa pagsasama nila ni Ma'am Anne. Grabeng ka-cheap-an talaga ng principal namin! Oktubre 8, 2020 Dahil sa ulan kagabi, napuyat ako. Kaya halos puro ako pahinga at idlip ngayong araw. Nakagawa naman ako ngayon ng video lesson cum vlog, na gagamitin ko bukas. Hindi rin ako nakapag-gardening. Gayunpaman, malapit nang matapos ang modules sa Filipino 6. Masisimulan ko na ang Filipino 4. Oktubre 9, 2020 Thanks, God, it's Friday! Nakaraos na ako sa isang linggong online class. Kahit paano ay nakaka-adjust na sa New Normal. Nakausad na rin ako sa Filipino 6 modules. Nasimulan ko na ngayong araw ang Filipino 4. In fact, day 2 na ako. Hindi ko nga lang natapos dahil maraming customers ng dumating. May delivery pa kami ng loam soil. Oktubre 10, 2020 Dumalo ako sa Division LAC bandang 8 ng umaga. Dapat sana ay mamimili ako ng mga paso, pero dahil nakamemo ang pangalan ko, sinikap kong tapusin iyon. Besides, maganda naman ang topic. Tungkol iyon sa mental health. Marami akong natutuhan. Past 12:30, after lunch, umalis ako para mamili ng mga paso. Marami akong nabili. May mga bago na naman kaming style ng paso. Nakabili rin ako ng mga dating stocks. Nasa ikatlong layunin na ako ng Filipino 4. Kung hindi nga lang busy at hindi ako naglutonng hapunan, baka natapos ko na iyon. Andami pa namang objectives ngayon ang week 2 ng Filipino 4. Trenta! Wew! Dati, seventeen lang. Sana may dagdag na bayad naman. Parang lugi ako sa P4,000 lalo na't may P1,000 less pa para sa edting at proofreading fee. Sana... Oktubre 11, 2020 Hindi naman ako halos nakagamit ng laptop kasi nag-gardening ako. Pinagbigyan ko rin si Emily na gamitin ang laptop ko para sa FVP Zoom meeting. Dumating na ang giant golden atbsilver satin pothos na pinadeliber ko. Medyo disppaointed ako, pero later on, natanggap ko na. Alam kong makadaragdag ng ganda sa garden ko ang mga iyon. Gabi, gumawa ako ng vlog para magamit ko rin sa lesson bukas. Oktubre 12, 2020 Dahil ako ang naghanda ng almusal, na-late ako sa pagpasok sa online class. Nag-overtime din ako.Naglabo-labo tuloy ang schedule. Pagkatapos ng klase, humina ang net. Nagbanlaw na lang ako ng mga nilabhan ni Emily bilang tulong sa kaniya, since siya naman ang gumagabay kay Zillion sa pagsagot sa module. Then, maghapon na ang meeting namin. Halos hindi ko na maharap ang module writing. Gayunpaman, kahit paano ay umusad na ako. Ten o' clock na rin ako natapos gumawa ng video lesson. Mabuti na lang, nakisama ang internet. Oktubre 13, 2020 Nanaginip ako ng tae, kaya maaga pa lang ay may benta na ako. Na-late na nga lang ako sa pagpasok sa online class. Nagkaproblema pa ako sa audio. Past 1:30, dumalo ako sa writeshop ng NBDB. Kasama ko uli si Ma'am Joann. Hindi ako nakapagpakilala online kasi may problema talaga ang audio ko. Gayunpaman. marami akong natutuhan. Bago na naman ang lahat sa akin. I hope matapos ko ang 4 sessions. Past 8, dumating si Sir Hermie upang ibigay sa akin ang authorization letter ng pagkuha ng checks niya sa FVP. Nag-inuman na rin kami at nagkuwentuhan. Past 10:30 na kami natapos. Naging tipsy rin ako sa dalawang grande na ininom namin. Oktubre 14, 2020 Mas maayos pa ang pagtuturo ko online nang ginamit ko ang cellphone ko kaysa noong laptop ng gamit ko. Nagamit ko ang earphone, kaya nagkarinigan kami. On time pa ang in and out ko. Maghapong maulan kaya humarap lang ako sa laptop para sa paggawa ng module. Hapon, umidlip ako. Ang sarap matulog. Kung wala lang akong gagawin, baka pinagbigyan ko ang sarili ko hanggang alas-singko. Naghanda ako ng vlog cum video lesson para bukas. Sana mai-present ko nang maayos bukas, gamit ang cellphone ko. Oktubre 15, 2020 Hindi talaga ako nakapasok sa Google Classroom. Ang puno't dulo nito ay ang DepEd email ko. Kailangang ayusin ni Ma'am Gigi. Nag-chat na ako sa kanya kahapon. Nakalimutan niya. Nag-chat uli ako. Wala pa rin. Mabuti na lang, maunawain ang mga kasamahan ko sa grade level. Hinarap kong muli ang module ko. Nainis lang ako dahil nawalan ng internet. Nang madiskubre ko, nakabayad na ako ng bill. ang problema ay settings lang. Okay lang naman. Kailangan talagang magbayad. Pinoproblema ko lang ang pambayad sa Ultera ko. Patong-patong na. Hangad ko na magpadala na lang sila ng bill para may panghawakan ako. Anyways, marami akong na-accomplished ngayong araw. Isa na roon ang pagdalo ko sa writeshop. Second session na iyon. Mas lumalalim na ang kaalaman ko sa folklore. Gumawa rin ako ng video lesson para bukas. Kahit alam kung hindi ulit ako makakapasok, okay lang. Maging handa lang ako palagi. Oktubre 15, 2020 Nakapasok na ako sa Google Meeting, pero hindi na naman gumana ang audio. Kahit anong gawin ko sa settings, ayaw pa rin. Halos maubos na ang time ko. Kaya pinasalo ko na kay Sir Hermie. Na-stress ako. Mabuti na lang ay dumating uli sa ikatlong beses ang customer naming maboka. Bumili siya ng P100. Hindi pa nagtagal, bumili rin si Rose Ong ng worth P215. Malaki-laki ang sales ko maghapon. May P35 pang pebbles. Not bad. Na-stress lang ako bandang alas-6 ng hapon nang mag-reply sa text ko ang AF-PITX. Hindi ko raw puwedeng ipa-freeze ang account ko dahil may outstanding balance ako. Nagulat ako kasi ang alam ko settled ako before lockdown. Naglabas pala sila ng email, announcing na magbubukas sila ng September 7. Wala namang nakalagay na guidelines na automatically ay lifted na ang freezing of account. October 14, nag-email naman about it. Late ko na nabasa, pero it doesn't mean na may utang ako. Grabe sila. Nanginig ako sa galit. Pinaliwanagan ko at nag-please ako na i-freeze ang account ko nang wala akong babayaran. Hindi na sila nag-reply pagkatapos. Oo, may contract kami, pero naka-freeze ang account ko. Nag-email ako at pumayag sila. Sana man lang kinontak nila ako kung bakit hindi ako nakapag-workout noong September 7 till this day. Wala silang concern sa clients nila. Ang concern lang nila ay income, which is wrong. Sana ma-realize nilang mali ang trato nila sa akin o sa iba pa. Sabi ko nga, hindi aabot sa deadline kung well-informed ako. Kaso, hindi. Hindi malinaw ang email nila. Wala roon ang sinasabi nilang freeze-freeze. Haist! Na-stress na nga ako sa PLDT bill na umabot na ng P3500 plus, pati sa AF, stressful din. Mabuti sana kung may darating na pera sa akin.. Oktubre 17, 2020 Hindi na nag-reply ng AF-PITX. Okay lang! Kahit paano ay naiparating ko na ang side ko. Maging busy ako maghapon. Hinarap ko ang Character Template, na assignment namin sa writeshop. Nagawa ko naman bago mag-1 PM. Ready to email na sa organizer. Kung wala nga lang kaming webinar, baka natapos ko nang mas maaga. Tungkol sa pagtutuli ang naisip kong paksa ng aking folklore. Then, module writing naman sa hapon. Umidlip lang ako nang kaunti at nag-entertain ng customer sa garden shop. Past 10 na akp natapos. Nag-post kasi ako ng mga sinulat ko at isinama sa modules. Nailista ko rin ang mga akda kong ginamit sa modules upang hindi maulit o magamit sa ibang layunin. May dalawa ngang nagamit ko sa ibang grade. Oktubre 18, 2020 Halos maghapon akong gumawa ng module. Nahirapan ako kasi nauubusan na ako ng akda, na maaari kong magamit. Hindi ko naman puwedeng gamitin ang mga pang-adult na stories at articles ko. Kinailangan ko pang magsulat ng bago. Naka-13 layunin na ako. Seventeen to go. Maaga naman akong umakyat at nagpahinga. Napagod ang utak at mata ko sa kaka-laptop. Oktubre 19, 2020 Nakapagturo ako nang maayos kahit walang audio ng video presentation ko sa cellphone. Binasa ko na lang at ipinaliwanag. Ang haba pa naman ng kuwento. Nag-overtime tuloy ako. Then, ginawa ko ang module hanggang 1 PM. Nag-meeting kaming Grade Six teachers with our MT. Grabe! Ang haba ng meeting na iyon. Inabot kami ng past 6:30. Nakapaglabas din ako ng saloobin dahil sobra akong naiinis sa admin, na hindi marunong makinig sa mga nakakababa. Patawarin sana ako ng Diyos sa masasakit na salitang namutawi sa aking mga labi. At ngayong hapon din, nag-text ang AF-PITX. Akala ko, sasabihing naka-freeze na ang account ko. Sa sobrang disappointment, nag-decide na lang akong bayaran sila. Imagine P2,600+. Grabe sila. May deferred payment pa talaga silang nalalaman. Kahit matapos ang pandemic na ito, hindi na magbabago ang tiwala ko sa kanila. Hindi na ako mag-eextend ng contract sa kanila. Mga mukhang pera. Sabi ko nga, mahalin nila ang clients nila. Ilayo dapat nila sa penalties. Kokontakin nila kapag may bayarin na. Noong wala pa, dedma sila. Haist! Tao nga naman. Oktubre 20, 2020 Pagkatapos ng matagumpay kong online class, naghanda na ako para umalis. Mag-wiwithdrawako upang bayaran ang AF. Nagawa ko naman agad before 9. Gusto ko pa sanang bumili ng paso at halaman, kaso sarado sa binibilhan ko. Isa pa, may meeting pala. Agad akong umuwi. More than 30 minutes akong late. Then, ang workshop naman ang pinagkaabalahan ko. Na-stress ako sa story concept ko. Sinubukang kong sumulat. Thrice! Pero lahat ng draft ko ay hindi puwede. Lumiko sa nais kong folklore. Na-stress talaga ako sa AF na iyan. Apektado ang utak ko. Mabuti na lang nakabayad na ako. Sana wala nang problema. Oktubre 21, 2020 Hindi ako halos gumamit maghapon ng laptop kasi hinarap ko ang pagsulat ng folklore, na kailangan kong ipasa sa BSB sa Oktubre 27. Nagawa ko naman bago mag-twelve. Nai-record ko pa nga at naiparinig sa aking mag-ina. Naawa lang ako kay Zillion kasi umiyak siya. Na-trauma yata sa content nito. Tungkol kasi ito sa pagtutuli-- de pukpok na pagtutuli. Inilahad ko ang proseso. Kung pakikinig nang maigi at uunawain, talagang masakit. Takot pa naman siyang magpatuli. Ayaw pa raw niya. Sana lang hindi iyon makaapekto sa gender niya. Hapon, umidlip ako. Hinintay ko ang Zoom meeting ko with Ma'am Nhanie and other co-module writers. Five nagsimula na. Mababalewala ang Quarter 2 na ginawa ko dahil nagbago ng plano. Quarter 3 na ng gagawin namin. Ibi-bid pa lang naman ng SBPH sa DepEd, kaya hindi pa sure kung matutuloy ang pagsulat namin. Gayunpaman, kailangang may maihanda kaming sample modules. Past 7, nasimulan ko na agad ang paggawa. May kailangan kasing ipasa sa Friday. Oktubre 22, 2020 Halos maghapon akong gumawa ng module. Hindi naman ako na-stress. Medyo nakakapagod lang. Mahirap pala ang merged objectives na module. Kailangan kong ikonekta lahat. Gayunpaman, nakatapos ako ngayon ng isa. Ang ikatlong module ay malapit nang matapos. May benta ako ngayon-- paso at halaman. Halos sa akin lahat. Thanks, God! Oktubre 23, 2020 Past 7, bumiyahe ako patungong Pasay. Nakapagturo ako kahit paano bago umalis. Ten, nasa school na ako. Nakasabay ko si Sir Vic. Naroon na sina Ma'am Madz, at Ma'am Vi. Naki-join ako sa paghiwa-hiwalay ng modules. Dumating din si Ma'am Wylene. Kinuwentuhan ko siya tungkol sa mga kalokohan ng admin at ilang kaguro namin. Nabuksan ang diwa niya. After lunch, nagbigayan na kami ng modules. Tinulungan ko sila. Inabutan kami ng 4:30. Nakisabay ako kay Ma'am Wylene kaya hindi ako natagalan sa biyahe. Past 6, nasa bahay na ako. Naabutan ko si Ma'am Jenny. Hindi agad ako nakagawa ng module. Pag-alis niya saka ako nakapagsimula. Hindi ko na natapos ng isa. Kagagawa ako lang ng springboard. Ang hirap na kasi ng layunin. Wala na akong magamit sa mga dati kong kuwento. Mabuti na lang, hindi pa deadline kay Ma'am Nhanie. Matatapos ko pa bukas ang ikaaapat na module Oktubre 24, 2020 Naabala ako ng dalawang webinar. Ang isa ay DLAC. Ikatlong session na ito. Ang isa naman ay sponsored ng Rotary Club. Magkasabay pa. Hindi ko halos maintidihan. Ang ganda sana ng topic ng isa. Maghapon akong gumawa ng module. Hindi ko nga lang natapos ng panlima. Kung wala sanang webinar baka nakaanim pa ako. Oktubre 25, 2020 Wala akong inaksayang sandali. Nag-double time ako sa paggawa ng modules. Kailangang kong matapos agad ang Grade Six para magawa ko naman ng Grade Four. Dahil masakit sa mata at sa kamay, kinailangan kong magpahinga kahit sandali. Past 2, umidlip ako hanggang four. Kahit paano ay nakapagpahinga ako nang mahaba-haba. Pero, gabi, sinagad ko ang oras para maipasa ko ang Table of Contents. nahirapan akong gumawa kasi hindi pa tapos. Nag-imbento na nga lang ako ng mga pamagat ng springboard. Isusulat ko pa ang mga iyon, kaya tiyak na katakot-takot na namang oras ang ilalaan ko. Past 11 na ako umakyat para matulog. Oktubre 26, 2020 Napuyat ako dahil sa bagyo. Matindi ang hangin ni Quinta. Nakakakatakot. Nagawa niyang kalampagin ang mga bubong, na dati naman ay hindi nagagalaw at nauuga. Pati ang wasiwas ng mga puno ay kakaiba. Mapaminsala. Kaya nga nang bumangon ako, before 8, nakita ko ang pinsala niya sa garden. Yumuko ang isa kong shrub, kaya napilitan akong putulan ng ibang sanga. Kitang-kita na tuloy kami dahil wala nang pangharang. Halos maghapon akong gumawa ng module. Naabala pa ko ni Ma'am Nhanie. Pinagawa niya ako ng isang module niya. Ipapasa na raw kasi ngayong gabi. Nagawa ko naman agad. Bukas may online class na uli. Oktubre 27, 2020 Pagkatapos ng online class, inasikaso ko naman ang pag-email ng story draft ko para sa writeshop. Nabasa at na-edit ko rin ang kay Ma'am Joann. After kong tapusin ang isang module na hindi ko natapos kagabi, nag-gardening ako. Tiyempo namang dumating ang dump truck kaya naitapon ko ang mga sanga ng punong tinabas ko dahil pinayuko ni Quinta. Itinuloy ko ang pagsasaayos ng garden bandang alas-4:30. Kahit paano ay gumanda na naman. Kung natapos ko sana, baka mas maganda pa. Bago ako umakyat para matulog, sinimulan ko ang isang module. Bukas, kailangan kong makatapos ng dalawang layunin dahil sa Huwebes, may writeshop na naman kami. Oktubre 28, 2020 Hinarap ko ang pag-critique ng akda ng kasama ko sa writeshop. Siya ang ibinigay sa akin ng organizer. Natuwa ako dahil mas maganda ang gawa ko. Nalungkot din naman ako sa huli kasi andami niyang mali sa technicalities. Kaya, sinikap kong maging patas sa pag-evaluate. Sinabi ko lang ang dapat at ang mga alam kong mali niya. Alas-singko na ng hapon na ako nakapag-ayos sa garden. Hindi ko nga lang natapos dahil madilim na. Hindi ko rin natapos ng ikalawang layunin sa module. Isa lang ang nagawa ko ngayon. Gayunpamam, masaya ako kasi nakapagsulat na naman ng kuwento dahil sa module. Lumalabas talaga ang creativity ko kapag kailangan. Oktubre 29, 2020 Hindi pa ako tapos magbukas ng garden shop, dumating na si Natz, ang suki kong senior citizen, na medyo bakla. Masuwerte siyang buena mano. Nabentahan kami maghapon ng worth P200+. One PM, ginanap na ang 4th at last session ng writeshop. Maganda ang critique sa akin. Although, hindi nila na-gets ang 'puyos,' minimal ang dapat kong baguhin at i-eedit. Nai-deliver ko rin nang maayos ang aking critique. Binasa ko lang. Disppointed lang ako dahil hindi napili as one of the top 3s ang akda ko. Gayunpaman, may chance pang mapili ng mga judges upang maging aklat at upang mapasama sa digital publication sa bookwatch. I'm hoping for my big break as writer. Oktubre 30, 2020 Pagkatapos ng online class ko, naghanda na ako para sa pag-alis ko. Natagalan lang ako kasi nag-chat pa kami ni Ma'am Joann tungkol sa writeshop. In-entertain ko rin ang chat ng dati kong estudyante na si Stefani Caiso dahil nanghihingi siya ng tulong oara sa kaniyang goiter. Nairekomenda ko sa kaniya ang FVP Guyabano. Wala naman daw silang pera dahil walang trabaho ng kaniyang mga magulang at pinalalayas na nga raw sila sa inuupahan nila. Akala ko, mangungusta lang. Kailangan pala niya ng tulong. Nag-pledge na lang ako na bibigyan ko siya ng FVP. Excited na nga siya. Gusto na niyang ipadala ko. Siyempre, nag-white lie ako. Gusto ko kasing personal na maibigay sa kaniya. Kailangan kong mai-document ang kaniyang kondisyon. Past 9, naglakad ako patungong Umboy. Dumaan ako sa bahay ni Natz. Wala siya roon. Nakasalubong ko nga siya sa daan. Nakilala niya ako, kaya hinintuan niya ako. Namili ako ng halaman at paso sa Rosario. Past 12 na ako nakarating. Ngayong araw, nakatapos ako ng isang module. Nakabenta rin ako ng halaman na worth P40. Oktubre 31, 2020 Late na akong bumangon upang pagbigyan ng sarili kong matulog up to sawa. Hindi man ganoon katanghali, pero at least nakabawi ako ng ilang araw na paggising nang maaga. Past 9, dumating si Ma'am Jenny para ibigay ang mga tseke at free products ng First Vita Plus. Tuwang-tuwa kami sa malaki-laking halaga at sa dami ng freebies. Mayroon din si Sir Hermie. Past 1:30, pumunta ako sa Puregold para makipag-meet up sa FVP customer. Bibili ng Mangosteen. Ni-refer siya ni Ma'am Jenny sa akin. Natagalan ako roon kasi na-traffic siya. Okay lang naman. Ang mahalaga, may bumili at may isang kalusugan na naman ang mababago. Nag-grocery na rin ako bago umuwi. Tuwang-tuwa si Zillion sa mga pinamili ko. Ngayong araw, nakatapos ako ng isang module. Bukas, sisikapin kong makagawa ng dalawa. Sa November 20 na kasi ang deadline. Mahigit sampung modules pa ang gagawin ko. Padayon!

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...