Followers

Saturday, December 10, 2022

Mga Talatang Naglalarawan

 

Ang Travel City

 

         Ang Pasay ay tinatawag na Travel City. Ito kasi ang lugar kung saan matatagpuan ang international airport na NAIA. Dito lumalapag ang mga naggandahan at naglalakihang eroplano mula sa iba’t ibang bansa na lulan ang mga turista, gayundin ang mga Pilipino. Dito rin matatagpuan ang mga world-class o five-star hotel at restaurants. Kaya naman wiling-wili ang mga turista na mamalagi sa Pilipinas dahil ang Travel City ay laging may magagandang hatid at may mabuting pagtanggap sa mga bisita.

 

 

Ang Aking Hardin

 

         Maaliwalas at malamig sa aming bakuran dahil sa aking hardin. Marami akong koleksiyon ng mga halaman dito. Mayroon akong iba’t ibang uri ng cactus, bougainvillea, Philondendron, ferns, at Evergreen. Mayroon din akong mga mumurahing halaman, pero kaygagandang tingnan. Dahil sa mga halamang ito, sariwang hangin ang dulot nito sa amin. Marami ring ibon, paruparo, at bubuyog ang mga dumarayo sa aking hardin dahil dito sila nakakapagpahinga, nakakain, at nakapagpaparami.

 

 

 

Si Bantay

 

         Mabait at maamong alaga si Bantay, ngunit siya ay matapang na bantay. Mahilig siyang matulog sa umaga. Gising naman siya sa gabi. Siya ang matiyagang bantay sa aming bahay. Tinitiyak niyang walang makakapasok sa aming bakuran sa gitna ng aming pagtulog. Galit siya sa mga magnanakaw. Tinatahulan naman niya ang mga kapitbahay na maiingay.

 

 

Trangkaso

 

           Sobrang sakit ng katawan ko noong Linggo ng gabi. Nakaramdam ako ng kakaibang lamig, kaya nagsuot ako ng makapal na jacket. Nahulaan ko na agad na may trangkaso ako. Nakakatakot man, pero nilabanan ko ang nakahahawang sakit upang hind maging Omicron. Uminom ako ng mabisang gamot. Nagsuob ako, gamit ang asin at luya. Nagpahinga ako. Gayunpaman, umabot ng tatlong araw ang aking trangkaso. Mabuti na lang, trangkaso lamang iyon at hindi Covid-related na sakit.

 

 

Kagubatan

 

Napakahalaga ng kagubatan sa buhay ng mga tao at mga hayop. Dito kumukuha ang mga hilaw na produkto ang mga tao, gaya ng troso, prutas, kasuotan, at iba. Nagdudulot din ito ng proteksiyon sa mapaminsalang baha at bagyo. Dito namamahay ang maiilap na hayop, na siyang nagpaparami sa mga puno at halaman at pinagkukunan din natin ng ating mga resources o pagkain. Kung patuloy na sisirain ang mga kagubatan, nanganganib ang buhay nating lahat.

 

 

Ang Aking Ina

 

Napakabuti ng aking ina. Pinalaki niya ako nang maayos. Pinapagalitan naman kapag nakagagawa ng pagkakasala. Maunawain siyang talaga. Lagi niya akong pinaaalalahanang gumawa nang mabuti sa kapwa.

Ang Alphabet Garden ng Pamilyang Flores


Nasa gitna ng malawak na bakuran ang Pamilya Flores.

"Daddy, Mommy, parang may kulang po," sabi ni Margarita.

"Ano iyon, Margarita?" tanong ni Daddy Fernan.

"Oo nga, para ngang may kulang," sang-ayon ni Mommy Melissa.

"Ah, alam ko na! Kulang ng palaruan," sagot ng ama.

"Hindi po." Nalungkot si Margarita.

"Mas maganda ang bahay kapag may mga halaman, hindi ba, Margarita?" tanong ng ina.

"Opo, Mommy!" Napangiti na si Margarita.

"Ay, oo nga pala! Sige, magtatanim tayo ng nga halaman. Salamat sa ideya, Margarita!"

"Walang anuman po, Daddy."

"Ano-anong halaman ba ang gusto mo?"

"Kahit ano po, basta ang gusto ay magkaroon tayo ng alphabet garden."

"Alphabet garden?!" magkasabay na bulalas nina Mommy Melissa at Daddy Fernan. Nagpatingin sila sa nakangiting anak.

Napakamot si Daddy Fernan, saka nangako kay Margarita na magkakaroon sila alphabet garden.

Kinabukasan, nagsimula na ang pagpapagawa ng Pamilya Flores ng mga sementong patungan ng mga paso. Nakasunod iyon sa mga titik ng alpabeto.

Hindi maitago ni Margarita ang kanyang pananabik.

Isang araw, pinanunuod nila ang mga trabahador sa kanilang bakuran.

"Daddy, Mommy, kailan po matatapos ang alphabet garden natin?" tanong ni Margarita.

"Malapit na, anak," sagot ni Daddy Fernan.

"Mamimili na nga kami sa makalawa ng mga halamang nakapaso," wika naman ni Mommy Melissa.

"Talaga po? Naku, hindi ko na po mahihintay na makita ang hardin natin," bulalas ni Margarita.

Nang dumating na ang pinakikihintay na araw ni Margarita, walang mapagsidlan ang kanyang kaligayahan nang makita niya ang isang trak. Ibinaba mula roon ang mga namumulaklak na halaman.

"Daddy, Mommy, tutulungan ko na po kayo," alok ni Margarita nang matapos maibaba ng mga drayber at pahinante ng trak ang mga halamang nakapaso.

"Sige, anak," sabi ni Mommy Melissa.

"Ingat lang, ha? May mga pangalan ang bawat halaman. Tingnan mong maigi at ipatong sa tamang patungan," bilin ni Daddy Fernan.

"Opo!"

Masayang nagtulong-tulong ang mag-anak at nang matapos, isa-isang binasa ni Margarirlta ang mga pangalan ng mga bulaklak.

"Amaryllis, Begonia, Carnation, Daisy, Eucalyptus, Fuschia, Gardenia, Hibiscus, Ivy, Jasmine, Kalanchoe, Lavender, Magnolia, Narcissus, Orchid, Poinsettia, Queen Anne's Lace, Rose, Sunflower, Tulip, Violet, Water Lily." Nalungkot si Margarita nang mapansin niyang walang halaman sa patungang X, pero itinuloy niya ang pagbasa. "Yellow bell at Zinnia."

Napansin agad iyon ni Daddy Fernan. "Pasensiya ka na, anak... Wala akong nakitang halaman na nagsisimula sa titik X."

"Paano po iyan? Hindi po buo ang alphabet garden natin kapag walang X," sabi ni Margarita.

Inakbayan siya ng kanyang ina. "Huwag ka nang malungkot. Gagawa kami ng paraan para mabuo ang ating alphabet garden."

Tumango lamang si Margarita.

Araw-araw, hinihintay niyang makompleto ang kanilang alphabet garden, ngunit parang nawawalan na siya ng pag-asa.

Isang gabi, nagbasa siya ng encyclopedia. Naghanap siya roon ng mga halamang nagsisimula sa letrang X. Nabuhayan siya ng loob nang may nahanap siya.

Kinabukasan, pumunta si Margarita sa bilihin ng mga halaman.

Nagulat ang mga magulang niya nang umuwi siyang may dalang nakapasong halaman.

"Mommy, Daddy, makokompleto na po ang alphabet garden natin!" masayang pagbabalita ni Margarita.

"Sigurado ka ba, anak?" tanong ni Mommy Melissa. "Chrysantemum ito, na nagsisimula sa titik C."

Ngumiti muna si Margarita. "Nabasa ko po sa encyclopedia. Tinatawag din po itong Xeranthemum."

"Wow, ang galing mo naman, anak!" sabi ng ama. "Halika na, ilagay na natin sa patungan.

Pagkatapos nilang ilagay ang Xerathemum sa patungan, isa-isang binasa uli ni Margarita ang mga pangalan ng mga halaman.

"Amaryllis, Begonia, Carnation, Daisy, Eucalyptus, Fuschia, Gardenia, Hibiscus, Ivy, Jasmine, Kalanchoe, Lavender, Magnolia, Narcissus, Orchid, Poinsettia, Queen Anne's Lace, Rose, Sunflower, Tulip, Violet, Water Lily, Xeranthemum, Yellow bell at Zinnia. Yehey!"

Napapalakpak sa tuwa ang mag-anak na Flores.

Pagreretiro ni Sir Vic -Bed of Roses

 

Intro:

Isang kang haligi ng Paaralang Gotamco

Ambag mo sa edukasyon ay ‘di matatawaran

Sa iyong pagreretiro, ang aming pabaon

Respeto’t pagmamahal

Talagang mami-miss ka namin

At sa iyong pag-alis

Baunin mo aming wish

 

Refrain:

Kaming lahat ay nagpupugay sa iyong galing

Mga kabataang iyong naturuan ay nagpapasalamat din

Ika’y mahusay na guro, nakakabilib

Mabuting kaibigan, maaasahan

Ang totoo ay…

Malaki kang kawalan…

 

Chorus:

Nais ka naming bigyang-pasasalamat

Dahil sa iyong mga kabutihan

Nais ka naming bigyan ng papuri’t parangal

Dahil sa serbisyong ‘yong inalay.

Ang Aking Alaga

Mahilig ako sa mga alagang hayop. Mayroon akong aquarium, na may dose-dosenang mga goldfish, isang pares ng angelfish, at maliit na pagong dito. Mayroon akong tatlong pares ng mga love birds. Mayroon din akong isang itim na tuta, at bantam at Texas na manok, ngunit ang paborito kong alaga ay  pusa.

Mayroon akong isang mabalahibo at matabang pusa. Ang kaniyang balahibo ay makintab na puti at may mga orange spots. Ang kaniyang mga mata ay napakagandang tingnan. Ang kaniyang mga kuko ay hindi ganoon katulis. Ang kaniyang buntot, na mas mahaba kaysa sa kaniyang katawan, ay may pantay na tatlong mga guhit na kulay-kahel. Ang kaniyang mga mata ay asul tulad ng mga menthol candies. Ang kaniyang maliliit na labi ay kulay-rosas at laging basa. Ang mala-rosas niyang dila ay bihirang makita, ngunit ang amoy niya ay isang bagay na hindi ko kinaiinisan.

Isang taon at anim na buwan na siya ngayon. Mas malaki siya sa kaniyang edad.

Kumakain siya ng mga kinakain ko, ngunit kakaunti lang siya kung kumain. Dahan-dahan siyang ngumunguya ng pagkain tulad ng isang dalagang mahinhin. Gayunpaman hindi niya iniwan nang walang laman ang kaniyang plato. Sa madaling salita, mayroon siyang table etiquette kung siya ay tao.

Isa sa magandang bagay tungkol sa aking alagang pusa ay hindi siya dumudumi kung saan-saan. Sa banyo siya pumapasok kapag nakararamdam siya ng pagdurumi. Talagang isang siyang disiplinadong pusa, hindi katulad ng iba na pasanin ng pamilya, kaya kinaiinisan ng mga kapitbahay. 

Hindi lamang siya masarap yakapin, mapagmahal din siya at magiliw. Lagi niya akong kasama. Natatutulog siya sa tabi ko. Sumasama siya sa akin sa parke. Bagaman hindi niya ako makakasama sa paaralan, palagi siyang nagpaalam sa akin tuwing malapit na akong umalis sa paaralan, sa pamamagitan ng paghilahid niya sa aking mga paa.

Siya ang aking paboritong alaga – si Sussy. 


Thursday, December 8, 2022

Ang Aking Journal -- Nobyembre 2022

 Nobyembre 1, 2022

Late na ang almusal ko. Ang sarap kasing mag-stay lang sa higaan kahit gising na.

After breakfast, humarap ako sa laptop para gawin ang vlog para kay Emily. Naglaba naman siya ng mga damit ko.

Past 3, natapos ko ang vlog. Hindi lang nalagyan ni Emily ng voiceover.

Gabi, naghanda ako ng learning material. Komiks at PPT. Naghanda rin ako ng mga DLL. Nakakainis lang kasi hindi ako nakapag-print. Nagloko na naman ang printer. Haist! Sana bukas magawan ko ng paraan bago magsimula ang klase o bago kunin ng MT.

Nobyembre 2, 2022

Mabigat ang loob at katawan kong bumangon at pumasok sa alanganing araw, pero bumangon pa rin ako bandang 6:30.

Past 8:30, ready to go na ako. Past 11, nasa school na ako.

Unang araw kuno ng full face-to-face classes ngayon. Actually, ilang Biyernes na rin kaming nag-full F2F. Wala namang bago. Ang kaibahan lang, hudyat na ito ng New Normal. Balik na sa dati.

Ipinagpatuloy namin ang test. Then, nag-check kami ng mga answer sheets. Nakapaturo na rin ako sa Filipino at ESP. Nakaka-high blood nga lang talaga ang IV-Buko kapag walang palitan. Nakakasawa silang i-handle.

Umulan nang pauwi na kami kaya natagalan kami sa school. Seven na yata ng gabi nang makaalis kami ni Sir Hermie. Kaya pagdating sa PITX, gutom na gutom na ako. Nag-chat naman si Emily na kumain na sila ni Ion sa Jollibee. Galing kasi sila sa FVP office. Minabuti kong kumain na rin sa paborito kong Chinese fast food chain.

Nine-thirty na ako nakauwi. Hindi na ako nakapag-record ng test scores dahil sa pagod.

Nobyembre 3, 2022

Maaga talagang namumulat ang mga mata ko. Gustuhin ko mang matulog hanggang 6:30 o 7:00, hindi ko pa rin magawa. Okay lang naman kahit hindi 8 hours ang tulog ko. Kapag tumatanda na, ganito na talaga siguro.

Nag-edit ako ng mga learning materials ko habang naghihintay ng almusal. Nag-download din ako ng videos para sa MAPEH class ko.

Nine o' clock na ako umalis sa bahay kasi napasarap ako upo.

Past 11, nasa school na ako. Nagsimula akong gumawa ng PPT tungkol sa pagsulat ng lathalain. Double purpose iyon. Panturo sa journalism at pang-vlog.

Sa ikalawang araw ng full blast F2F classes, hindi ako nakipagpalitan ng klase kasi akala ko, walang palitan dahil absent si Sir Joel. Nagpalitan sila. Ako, nagturo sa advisory class ko ng Filipino ESP, at MAPEH. Stressful ang mga ugali nila, pero na-enjoy kong magturo at magsermon.

Bukas, ipapatupad na ang DST. Hanggang 5:30 na lang ang klase.

Nobyembre 4, 2022

Five-thirty, gising na ako. Nakakainis! Ang hirap talagang magkaroon ng kompleto at mahimbing na tulog. Kaiingay kasi ng mga manok!

Bumangon ako bandang 6:30 para mag-init ng tubig at para uminom ng maligamgam na tubig, bago mag-First Vita Plus.

Naghanda muna ako ng susuotin ko habang nag-iinit. Nagplantsa na rin.

Past 9, umalis na ako sa bahay. Maaga akong nakarating sa school. Nakapagkuwentuhan pa kami ni Ma'am Edith.

Second day ng full F2F. Nasa mood uli ako para magturo. Mabait mode din ako. Kahapon kasi lumabas ang pagkademonyo ko.

Grinupo ko sila at binigyan ng permenent seat. Ipinaliwanag ko kung bakit nakagrupo sila. Nais kong makatulong sa mga mahihina ang mga leaders, na marurunong. Sabi ko, nais kong sabay-sabay silang umangat.

Magiging epektibo naman sa tingin ko. Nagbigay nga ako ng mga goob job stars dahil natuwa ako ilang pagbabago. Mas na-inspire silang gumawa dahil may katuwang na.

Dahil ipinatupad na ang DST, umuwian na kami ng 5:30. Pagkahatid ko sa mga bata, tinuruan ko na si Ma'am Joann sa digital illustration. Inabot kami ng past 7. Marami siyang natutuhan. Inspired na inspired siyang magkaroon ng output. Excited na rin akong makita ang una niyang gawa.

Past o, nakauwi na ako. Agad akong mag-dinner. Tapos, sumali ako sa online meeting. Kanina pa pala nag-uusap sina Sir Hermie, Ma'am Joann, at Ma'am Janelyn tungkol sa reklamo ng parents kay Sir. Inabot din yata kami ng 11:30.

Grabe ang nangyari. Very traumatic sa part ni Sir.

Nobyembre 5, 2022

Kahit past 12 na ako nakatulog kagabi dahil nag-chat pa kami ni Sir Hermie at nag-usap tungkol sa problema niya, maaga pa rin akong nagising. Naririnig ko na kasi ang mga kalabog ni Emily. May lakad silang mag-ina ngayong araw.

Hindi pa ako nag-aalmusal, nag-set up na ako ng laptop sa baba. Sinimulan ko kaagad ang pag-record ng test scores. Pag-alos nila, naghanda ako ng DLL. Then, PPT naman ang ginawa ko.

Ngayong araw, marami akong na-accomplish. May apat na ako PPT. Ang dalawa roon ay komiks. Ipapabasa ko lang ang mga iyon sa mga estudyante.

Nakaidlip din ako after maligo at maggupit ng sariling buhok.

Gabi, mag-cutout ako ng good job stars na ipinapampremyo ko sa mga estudyanteng nakakatuwa.

Tumawag si Emily. Baka mga 1am na raw sila makauwi.

Nobyembre 6, 2022

Before seven, gising na ako. At least, nakaanim na oras mahigit akong tulog. Nakaalis na noon si Emily. Ako na ang naghanda ng almusal. Daing na isda at itlog ang niluto ko.

Nag-gardening muna ako saglit bago ako humarap sa laptop para gumawa ng PPTs ng mga lesson ko.

Maghapon akong nasa kuwarto ngayong araw. Umidlip din ako at nag-digital illustrate. Nakagawa ako ng dalawang comics panel, bilang continuation ng ginawa ko kahapon. Ipo-post ko bukas ang ikatlong panel. Kapag nabuo ko na, pagsaama-samahin ko na.

Nakatatawa ako kasi marami ang nagko-commnet at nangungumusta after kong i-post ang unang panel ng komiks ko. Nakasaad doon ang dialogue ng character-- "Kumustahin niyo naman ako." Nakaupo sa sulok at nakatalungko sa tuhod ang character. Parang may pinagdadaanan itong depression.

Nobyembre 7, 2022

Kulang ako sa tulog dahil na naman sa rayuma ko sa likod. Nagising din ako sa ingay ng mag-ina ko. Mas maaga silang bumangon kaysa sa akin. Six-thirty kasi ang pasok ni Ion.

Naihatid na ni Emily si Ion sa tricycle terminal nang bumangon ako. Pagkatapos kong uminom ng maligamgam na tubig, namalantsa na ako.

Before 9, nakaalis na ako sa bahay. Dala-dala ko ang motivation at pag-asang mapapabago at mapapabuti ko, hindi lang ang Buko, kundi lahat ng section.

Bago ang klase, binati ako ng principal sa pagkapanalo ko sa division story writing contest. Hinakot ko raw at ang galing-galing ko. Sa LAC session, nais niyang maturuan ko ang ibang guro. Game naman ako.

Maayos kong naihatid ang lesson ko. Nakatutuwa ang Buko. Nakikiayon sila sa gusto ko. Malaking tulong talaga ang paggrupo-grupo ko sa kanila. Teamwork ang nangyayari. Sa isang grupo, may 3 o 4 na members. Ang isa roon ay leader. Piling-pili ang leaders. Sila kasi ang tutulong para makabasa, makasulat, at maging disiplinado ang kagrupo nila. And it works. Lalo na't nagbibigay ako ng star as prize sa bawat job well done nila. May best team awards din bago mag-uwian.

Masaya akong umuwi dahil masaya ako maghapon.

Past 8, nasa bahay na ako. After dinner, nag-illustrate uli ako para sa comic series ko. Marami ang naniniwalang may pinagdadaanan ako. Social expirement lang ito upang malaman ko kung sino-sino ang mga concern sa akin at kung sino-sino ang totoo.

Nobyembre 8, 2022

Bigla na lang akong nagising bandang 6:30. Hindi nga ako nagising nang bumangon ang mag-ina ko, pero namulat na lang akong bigla. Gusto ko sanang matulog hanggang 7 am.

Okay lang din naman kasi nakapagplantsa pa ako at nakapag-edit ng learning materials ko. Naaral ko rin ang mga iyon.

Past 11, nasa school na ako. Late ako sa schedule ko sa estudyante kong pababasahin ko. Kaya pagkatapos kong mag-attendance hinarap ko siya agad.

Nakabasa kami ng isang book. Hindi na natapos ang isa kasi kailangan ko nang mananghalian.

Naging maayos naman ang klase ko sa Buko. Walang palitan kasi tatlong guro ang wala ngayon. Sinikap kong maging enjoyable ang bawat aralin at bawat oras namin. Napagawa ko ang karamihan. Natutuwa nga ako sa isang grupo dahil inspired silang gumawa.

Medyo hyper sila bago mag-uwian kaya medyo na-HB din ako.

Past 8, nakauwi na ako.

After dinner, habang nagsisimula akong gumawa ng comics, tumawag si Sir Pastor Modesto. Schoolmate ko sa RGCC. Ni-comfort niya ako at binigyan ng words of God. Kahit paano, naibsan ang bigat na pasan-pasan ko. Pinag-pray niya ako bago kami natapos.

Nobyembre 9, 2022

Maaga akong nakapaghanda para sa pagpasok. In fact, wala pang 11, nasa school na ako. Wala naman doon ang nire-remedial reading kong estudyante kasi pupunta naman ang nanay niya mamaya sa school para makioag-usap sa mga magulang ng inirereklamong mga estudyante o kaklase.

Hindi ako nakapagturo sa Buko kasi hinarap ko ang mga magulang. Hindi naman ako nahirapan dahil agad namang nagkaunawaan. Mabuti na lang, hindi na kami nakaabot sa Guidance Office. At saka, wala nang masyadong nakaalam sa maliit na problema. Pinayuhan ko na lang ang mga magulang na i-limit ang pagpapagamit ng cellphone sa mga anak para maiwasan ang ganoong pangyayari.

Pagkatapos niyon, nagturo na ako sa ibang section. Tatlong sections lang ang naturuan ko. Hindi ko napasukan ang Pinya dahil naroon na si Sir Hermie. Isa pa, recess na.

Bumabalik na naman sa pag-iingay at pagpapasaway ang Buko. Wala talaga silang disiplina. Kung hindi lang ako nagtitimpi dahil ayaw kong makaranas ng katulad kay Sir Hermie, baka namura-mura ko na naman sila.

Before 8:30 nasa bahay na ako. Agad akong nag-dinner kasi biscuit lang at FIrst Vita Plus ang meryenda ko kanina.

After dinner, nag-post ako ng comics series. Then, gumawa uli ako. May dalawa na akong nakaabang o reserba.

Nobyembre 10, 2022

Past 5 pa lang gising na ako. Maiingay kasi ang mag-ina ko. Haist! Kulang na naman ako sa tulog. Gayunpaman, masaya akong pumasok. Positibo ang aking pananaw. Nais kong magturo nang masaya.

Nagawa ko naman sa limang unang period ko. Gamit lamang ang inihanda kong game sa Pang-uri, na-enjoy ng mga estudyante ang pagsagot at paghula. Lalo na't may good job star ang makakakuha ng tamang sagot.

Masaya rin sana ako kasi makakalibre ako ng meryenda dahil nagdala ng pagkain ang parents ng pupil ko.

Ang iingay nila habang kumakain ako. Hindi ko na-enjoy, kaya pagkatapos ko, sinermonan ko sila. Nasabi ko tuloy na sila ang nagdudulot sa akin ng depression.

May ipinatatawag akong parents. Kakausapin ko bukas.

Eight, nakauwi na ako. Pinakamaagang uwi ko ito, so far.

Nobyembre 11, 2022

Sa school, pagdating ko, agad kong pinuntahan si Ma'am Joann para sa aming ipapasang entry form ng kuwentong pambata namin para sa regional contest. Nag-print siya. Habang hinihintay ko ang kaniyanh form, nagpabasa muna ako sa estudyante ko. Nang matapos, nag-fill out na ako sa form at pinuntahan si Ma'am Joann. Hindi pa niya nasulatan kaya iniwan ko muna ang akin. Nagturo na muna ako sa klase ko. Wala kaming palitan ng klase, kaya ang tagal ng oras.

Hindi na kami nakahabol sa deadline ng pasahan, kaya chinat ko si Ma'am Mina. Kako, wala pang pirma ng principal. Mabuti, sinabi niyang sa Lunes na lang.

High blood na namam ako sa Buko bago mag-uwian. Kami ang huling bumaba dahil ayaw talaga nilang tumahimik.

Pagdating sa baba, pinalapit ko sa pila ang mga magulang nila. Ni-reverse psychology ko sila. Sinabi kong mababait, tahimik, at disiplinado ang mga anak nila. Pinasalamatan ko sila dahil pagod na pagod ako palagi. At nais ko nang magretiro. Ipinayo kong pagkuwentuhin mga anak nila, basta huwag magsinungaling. Sana maturuan nila ang sariling anak ng tamang disipilina.

Binayaran ko si Sir Rey para ikabit ang ceiling fan sa classroom namin. Past 7 na kami nakaalis sa school.

Past 9 na ako nakauwi. Sa PITX na kasi nag-dinner, as always.

Habang nagpapantok, nag-add to cart ako ng mga kuwentong pambata sa Adarna house. Nakapili ako ng 13 saka ako umorder. Wala pang P1000 ang babayaran ko. Umorder din ako ng bundle books, worth P415. May 100 books na ako at may free tablet. Magagamit ko ang mga iyon sa pagpapabasa.

Nobyembre 12, 2022

Past 8, dumating ang magpartner na sina Ma'am Veronica at Sir Edwin. Ang huli ay vascular therapist. Siya ang magpapagaling sa amin ni Emily.

Pagkatapos naming mag-almusal, kuwemtuhan muna. Naligo rin muna ako, saka ako isinalang sa unang therapy session.

Gamit lang ang veins magnet at pinlight, nakikita niya ang depekto sa mga ugat ko. Ang galing-galing niya! Natutukoy niya ang mga sakit. Sakto sa mga nararamdaman ko ang mga sinasabi niya.

Ayon sa kaniya, bone marrow ang nasa kaliwang tuhod ko. May tubig na. Kaya namamaga dahil may dalawang ugat sa kanang tuhod ko ang barado.

Marami pang nakita sa akin. Siyempre, may problema ang backbone ko. Nakakatakot isipin, pero hindi dahil guaranteed ang paggaling ko. May mga dapat lang akong bilhin, gawin, at isuot.

Tama siya, makakatulog ako after 2 hours. Ang sarap sa pakiramdam nang nakatulog after i-therapy. Five na nga yata ako bumangon para magmeryenda.

Gabi na ako nakagawa ng PPT. Mabuti, kaninang umaga naihanda ko na ang DLL at iba pang kailangang ihanda.

Nabawasan ang sakit sa tuhod ko palibhasa pinisil-pinisil niya. Hindi naman pala gout iyon.

Nobyembre 13, 2022

Nagbabad ako sa higaan hanggang 8. Ang sarap matulog pagkatapos mapuyat.

Maghapon, gumawa ako ng PPT sa Filipino 4. Naisingit ko lang ang pag-assemble ng Christmas tree at pag-aayos sa sala. Siyempre, umidlip din ako.

Gabi, naisulat ko na ang kuwentong (pabula) 'Ang Huling Pagsubok." Gusto ko sanang mag-illustrate kaya lang alanganing oras na.

Nobyembre 14, 2022

Alas-4, nang bumangon ang mag-ina ko, nagising din ako. Nahirapan akong matulog uli. Five am na yata ako nakatulog uli. One hour ako nakatulog. Okay na rin!

Ramdam kong may pagbabago sa aking tuhod. Hindi masyadong masakit. Napuyat lang ako dahil sa sakit ng likod ko. Rayuma talaga siguro ito.

Past 10:30, nasa school na ako. Hindi na ako masyadong nakakurba pagbaba ko sa dyip.

High blood na naman ako sa Buko, lalo na nang makita ko ang isang pasaway na estudyante. Pumasok siya kahit hindi niya kasama ang ina niya. Talagang makapal ang mukha.

Bad trip din ako sa Goodhands. Talagang kini-claim nilang hindi kami bayad noong October. Na-stress ako kakasagot sa message nila. Apektado tuloy ang pagtuturo ko. Hindi ako nakapagpatawa.

Sa bahay, nag-chat ako sa GCash, partikular kay Gigi. Sana ma-settle na ang bill payment namin at mai-post na sa Goodhands.

Nag-illustrate muna ako ng depression series ko bago ako natulog. Bukas naka-ready ang ipopost ko.

Nobyembre 15, 2022

Dahil sa mag-asawang nag-away bandang 3 am, hindi na ako nakatulog hanggang 5 am. Buwisit ang mga iyon! Sa kasarapan pa ng tulog ng mga tao, nag-away. Mga dayo sila. Sa gitna ng kalsada pa. Naging Marites pa tuloy ako.

"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" sigaw ng babae. Binitawan nga ng lalaki pero putalak. Tapos, nakakuha ng bato ang babae. Kasinlaki iyon ng ulo ng bata. Nagulat ako sa ginawa ng babae. Sinikap niyang basagin ang mga salamin ng sasakyan ng asawa. Nagtaka lang ako kung bakit hindi pinigilan ng asawa. Ang babaeng kapitbahay pa namin ang pumigil. Inakay nito ang babae at hinikayat na tumigil at pumasok na.

Haist! Napakuwento tuloy ako.

Naghahanda na ng pagpasok si Ion, gising pa ako.

After one hour ng pagkaidlip, gising na uli ako. Hindi ako nag-fret, lalo na't binati ako ng magagandang halaman ko.

Isa pa, papasok na sa account ang end-year bonus ngayon. Nakaka-good vibes.

Happy rin ako habang nagpapabasa kay Prince John. Natutuwa ako kasi marami na siyang nababasa. Medyo bumibilis na rin. At may comprehension.

Hindi lang ako happy kapag kaharap na ang Buko. Mga pasaway kasi. Hindi mabago-bago ang mga pangit na ugali. Gayunpaman, nagturo ako sa kanila. Nagpa-games ako.

Okay na sana ang palitan ng klase nang mahinto ito para bigyang-laya ang practice ng mga boys scout para sa Investiture. Hindi ko na-meet ang Mangga. Sila pa naman ang pinaka-excited sa games ko. Tapos sa practice, nagsaway lang din ako.

Past 8, nakauwi na ako. Natuwa ako sa mga 100 small books na inorder ko sa Lazada. Worth it ang P400 plus. Nakaka-inspire magsulat at mag-illustrate.

Nagbasa mga kaming mag-anak nang sabay-sabay. Sa sobrang dami, hindi namin natapos, kahit 8 pages lamang per book. Okay lang kasi marami pa namang araw.

Nobyembre 16, 2022

Bago ako umalis sa bahay, nagbasa muna ako ng mga libro. Nakaka-inspire talaga ang nabili ko sa Lazada!

Sa school, nagpabasa uli ako. Natutuwa ako sa improvement ni Prince.

Sa mga klase, turong-turo ako. May ilang estudyante lang na lutang at hindi nakikinig. Pinakamasarap turuan ang Mangga.

Hindi ako masyadong HB sa Buko. Nakakasawa rin kasing maging masungit.

Past 8, nakauwi na ako. Pagod na pagod ako dahil sa iniinda kong sakit sa tuhod at Achilles. Hirap na hirap ako kanina sa foot bridge.

Nobyembre 17, 2022

Mahimbing naman ang tulog ko kagabi. Andami ko nang panaginip. May isa roon na parang luluwa ang kinain ko. Parang nanood ako ng horror movie. Bloody.

Past 6, gising na ako. Nakaalis na sina Ion at Emily. Sinamantala ko naman ang pagkakataon ng katahimikan. Nakapagsulat ako ng tatlong akda para sa Booklet Project ko. Nakagawa rin ako ng PPT template nito.

Before 11, nasa school na ako. Hindi nagtagal, dumating na ang nire-remedial ko sa reading. Maayos naman ang lahat.

Nakalibre ako ng lunch ngayong araw. Birthday kasi ni Puts kahapon. Nagpakain siya.

Sa Buko at Avocado, nakapagturo ako. Pagdating sa Guyabano, nalaman kong wala palang palitan ng klase. Bumalik ako sa Buko. Nagturo akong sumulat ng diary. Malas naman ang girls kasi pinababa sila para sa rehearsal. Nakasulat na ang mga boys at recess na nang dumating sila.

After recess, boys naman ang may practice. Naiwan sa classroom ang mga girls.

As usual, makukulit, maiingay, at magugulo sila ngayon. Kung maha-highblood lang ako palagi, baka hindi na ako abutan ng retirement ko.

After class, tinulungan ko sina Sir Hermie st Ma'am Mel sa letter-cutting. May GAD seminar bukas ang Grade 4 at 5 pupils. Quarter to 7 na kami nakaalis sa school. Past 8:30 naman ako nakauwi.

Nobyembre 18, 2022

Kahit parang may sakit ako, pumasok ako nang maaga upang maikabit ang telon at makapagdikit ng mga letter-cuttings sa make-shift stage.

Pst 9:30, nasa school na ako. Tumulong ako kay Kuya Teng na ikabit ang telon. Bandang past 10, dumating naman si Sir Hermie. Natulong kaming ikabit ang mga letter-cuttings. Quarter 12 na kami natapos. Nagmadali akong kumain ng lunch.

Twenty-five lang ang estudyanteng pumasok kaya hindi masyadong mahirap i-manage. Then, at past 1:30, dumalo kami sa Bullying and Cyber Bullying Awareness Seminar, na ginanap sa school ground. Nagsaway pa rin ako roon pero kaunti na lang. Alas 3 na nang matapos iyon, kaya almost recess na.

Ngayong araw, nakapagsulat ako ng ilang title para sa Booklet Project ko. Tatlo habang patungo ako sa school. Isa habang pauwi ako.

Sobrang traffic sa Soriano Highway. Past 9:30 na ako nakauwi. Maaga sana akong nakasakay sa PITX.

Nobyembre 19, 2022

Habang naghihintay kina Sir Edwin at Mw'am Veronica para sa 2nd session ng therapy namin, gumawa muna ako ng digital illustration. Naabutan nila ako, na hinrdi pa nakakatapos ng isang figure. At dahil nasa school pa si Emily para kunin ang report card ni Ion, kinailangan kong entertain-in ang magpartner. Pinag-almusal ko sila. Nakipagkuwentuhan ako sa kanila. Mabuti na lang, dumating na si Emily bago mag-ten.

Habang pinagmamasdan ko ang ginagawa ni Sir Edwin sa akin, umaasa akong gagaling na ako. Sabi rin naman niya na more than 100% chance ang paggaling ko.

Nilagyan niya ako ng medical tape sa palad at sa paa. Sinuotan din niya ako ng knee pad at lumbar support.

Pagkatapos ng therapy, antok na antok ako kaya nag-stay muna ako sa kuwarto bago kumain.

The-ni-rapy si Ion. Tinanggal ang radiation sa katawan niya. Bale P3000 ang ibinayad ko. Worth it naman!

Next Saturday, si Mama at si Lizbeth naman ang ipapa-therapy ko. Pupuntahan namin sila.

Umidlip ako pagkatapos mag-lunch. Five na ako bumaba para magmeryenda. Ang sarap sa pakiramdam ng nati-therapy.

Gabi, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng PPT. Then, after dinner, tinapos ko ang unang figure para sa booklet project ko. May direksiyon na ito. Matatagalan lang ako sa illustration.

Nobyembre 20, 2022

Past 7 ako nagising. Kahit paano, may maganda at mahimbing akong tulog. Masakit pa rin ang likod ko, pero hindi na masyado. Nabawasan din ang sakit ng tuhod ko. Ang problema na lang ang sakit sa bandang balikat at leeg ko.

Bago mag-almusal, sinumulan ko agad ang paggawa ng PPT. Medyo madugo ang 'Pokus ng Pandiwa' kaya inabot ako ng gabi. Wala na halos akong nagawa bahay. Si Emily na ang naglaba.

Bilang pasasalamat, binigyan ko siya ng pang-grocery. Isinaman niya si Zillion. Nagulat ako kasi hindi niya ipinamili lahat ng P6k. May sukli pang P2k+. Hindi rin nakabili ng rubber shoes ni Ion.

Gabi, naghanda naman ako ng materials para sa ESP at MAPEH 4. Then, hinarap ko naman ang booklet project ko. Nakapag-illustrate ako ng isang figure. Unti-unti nang gumaganda ang first booklet. Nakapagsulat din ako ngayong gabi ng akda para sa booklet.

Nobyembre 21, 2022

Nahirapan akong matulog muli after kong magising sa alarm ni Emily. Tapos, maingay pa sila at ang mga manok ng kapitbahay. Past 5 na yata ako nakatulog. At quarter to 7, ginising niya ako kasi aalis na siya.

Nag-exercise ako habang umiinom ng soda water. Payo iyon ni Sir Edwin. Gumanda-ganda na ang pakiramdam ng tuhod ko.

Sa pagbiyahe, hindi na ako masyadong nahirapan. Dati, nakakurba ako pagbaba ng traysikel, dyip o bus. Ang sakit sa likod. Ngayon, hindi na masyado. Dati, hirap na hirap ako sa pag-akyat at pagbaba sa hagdan. Ngayon, mabilis na. Soon, makakatakbo na ako.

Pasaway na naman ang Buko ngayong araw, kaya nagalit na naman ako sa kanila. Naipakita ko tuloy ang mga proof na may iniinda akong mga sakit.

Na-offend din ako sa Pinya. Ihi sila nang ihi. Sabay-sabay at sunod-sunod pa. Lumabas nga ako kahit hindi pa time. Sabi ko, bukas hindi ako magtuturo sa kanila.

After recess, wala nang palitan kasi may practice ang boy scouts. Dahil nagpasaway sila sa pila, hindi ko pinababa lahat. Kung sino lang ang nagbayad para sa camp, sila lang ang bumaba. Nagpasulat na lang ako ng diary sa mga naiwan.

Past 8, nasa bahay na ako. Nainis ako sa asong ulol ni Bokbok. Dadambahan ako. Hinabol ko nga ng bato. Nagtago naman. Duwag naman pala gaya ng amo.

Nobyembre 22, 2022

Inagahan ko ang pagpunta sa school para makaiwas sa traffic. Wala naman masyadong traffic kaya bandang past 10, naroon na ako. Nakapag-illustrate pa ako habang naghihintay kay Prince-- ang estudyante pinababasa ko.

Sa Buko, nagsermon muna ako dahil kakaunti lang ang nakapagkompleto ng diary. Ang iba, wala pang notebook. Ang iba, may notebook nga, wala namang sulat. Ang iba, hindi November 17 ang simula. Maghihigpit talaga ako kasi para naman iyon sa kanila.

Panay ang sermon ko sa bawat klase. Sa Guyabano, naikuwento ko sa kanila ang mga karamdaman ko. Sa Pinya, may nakapansin sa suot kong foot weights. Naikuwento ko rin tuloy sa kanila. Nalungkot sila, pero hindi ako nagpaawa sa kanila. Sabi ko, mas kailangan ko ang pagsunod at pakikinig nila para palagi akong masaya. Kapag stress ako, lalala ang sakit ko. Nagpasaway sila kahapon. ngayon, okay sila. Hindi na sila umihi nang umihi. Nakinig na sila at gumawa ng activity.

Maaga akong nakauwi sa bahay ngayon. Manuti naman kasi gutom na gutom ako.

Bago matulog, nag-illustrate ako. Natapos ko ang isang figure, na sinimulan ko kaninang hapon.

Nobyembre 23, 2022

Nagising na naman ako sa alarm ng mag-ina ako. Isang oras din akong naghagilap ng tulog

Past 6, gising na uli ako.

Habang umiinom ng soda water, nag-illustrate ako para sa booklet project ko. Nang makatapos ako ng isang figure, naghanda na ako sa pagpasok.

Dahil maaga akong nakarating sa school at wala ang pinababasa kong estudyante, nakatapos pa ako ng isang figure bago kami umakyat.

Sa Buko, maayos ko silang napasunod sa activity ko. Hindi ako masyadong inis ngayong araw. Palibhasa, absent ang kinauuyaman kong estudyante. Mukha pa lang niyon, naaasar na ako. Kung babae lang ako na naglilihi, baka napaglihian ko na.

Wala nang palitan nang klass nang papasok na ako sa Mangga. Mabuti, nakapagturo ako sa Avocado. Ayos lang dahil, wala sila kahapon. Kawawa ang Mangga. Hindi ko na sila natuturuan. Huling-huli na sila sa lessons.

Sa MAPEH, nagguhit ako ng pamayanang kultural. Naubos ang oras. Uwian na nang makapagpasa sila.

Maaga akong nakauwi. Hindi ako masyadong high blood. Masaya pa ako kasi natulungan ko si Kuya Emer na ibenta ang mga ballpens niya sa mga estudyante. Nakabenta ako simula kahapon ng P500 plus. Hati raw kami. Not bad.

Bago matulog, nahsulat muna ako para sa booklet project. Ipinagpatuloy ko rin ang pagsusulat ng 'Ang Medalya ni Manny.'

Papalitan ko ang pangalang Manny para magkatugma sa medalya. Isa pa, Manny talaga ang pangalan ng estudyante kinuhaan ko ng inspirasyon ng kuwentong ito.

Nobyembre 24, 2022

Nagsulat ako ng mga details sa report card habang nagkakape. Boys lang ang natapos ko kasi kailangan ko nang maghanda para sa pagpasok.

Sa school, late na dumating ang pinapabasa ko. Pero nakapagbasa pa rin siya ng dalawang storybooks.

Sa klase, nagturo ako ng bagong lesson sa Buko. Walang palitan ng klase dahil sa practice ng Investiture. Magulo. Maingay. Parang antagal ng oras. Mabuti na lang, cool lang ako. Hindi ako high blood.

Bago mag-8, nakauwi na ako sa bahay. Masaya ako kasi sinabawang isda ang ulam namin. Niluto ni Wifey. Medyo matabang lang. Pero, okay lang naman. Mainit-init pa naman kaya nasarapan ako sa paghigop. Busolb!

Nobyembre 25, 2022

Pagkatapos magplantsa, ipinagpatuloy ko ang pagsulat ng details sa report card. Nang matapos ko, naghanda na ako sa pagpasok.

Past 11, nasa school na ako. Doon, agad kaming nag-lunch nina Ma'am Edith at Sir Archie. May pakain ang scout coordinators. Nakatipid ako, kaso bitin ang kanin.

May mga pumasok pang Buko, kahit hindi naman kasali sa Investiture. Hayun, nagturo ako.

After ng investiture ng GSP, nag-uwian ang iba dahil may kasamang parents. Sumabay na ang iba. Nagpagawa uli ako. Nagpa-drawing at nagturo ng cursive writing. After investiture ng boy scouts, nabawasan pa ang pupils. Hinayaan ko na lang silang maglaro hanggang dumating ang oras ng paglinis. So far, okay naman ang maghapon ko.

Tumulong ako sa pagtanggal ng letter-cuttings sa telon. Maganda ang pagkakagawa kaya gustong maitago ni Sir Hermie para magamit uli.

Before 7, nasa PITX na ako. As usual, sa fave Chinese resto na ako nag-dinner.

After dinner, nagsulat ako. Past 8 na ako bumiyahe pauwi. Past 9 na ako nakauwi.

Sa halip na matulog na agad, ginawa ko muna ang introduction to a guest speaker ni Ms. Krizzy. Nagpatulong siya sa akin. Past 10 na ako natapos.

Bukas, maaga akong gigising para sa therapy ni Mama.

Nobyembre 26, 2022

Dahil alas-3 pa lang ay gising na ako, masyado akong napaaga sa tagpuan. Wala pang seven, nasa Farmers na ako. Mabuti, bukas na ang mga tindahan ng halaman doon. Okay lang din kasi nakapagsulat ako habang naghihintay. Isa pa, maaga ring dunating ang magpartner. Wala pang 8, nagkita-kita na kami. Kaya, before 9, nasa bahay na kami ni Flor Rhina.

Agad na sinimulan ang therapy kay Mama. Maluha-luha ako nang marinig kong napakalaki ng tsansa na makakita pa ang dalawang mata niya. Maraming doktor ang tumingin sa kanang mata niya, pero lahat ay nagsabing wala nang pag-asa. Pero si Sir Edwin, iyon pa ang nakikitang may mas malaking pag-asa kumpara sa kaliwang mata na operated na.

Mahabang proseso iyon. Tatlong buwang iinom ng lemon juice for three times a day si Mama, kaya naisip kong dalhin na lang siya sa Tanza. Napapayag ko naman siya, pero nang nag-eempake na, biglang nagdalawang-isip dahil sa mga maiiwanang gamit. Nasabi ko tuloy na wala namang maghahatid sa kaniya sa Tanza. Walang ibang magmamalasakit.

Nang naisama ko, sinikap ko siyang makalimot sa mga gamit niya. Sa Cogeo, kumain kami sa Chinese fast food chain. Sa tagal niyang bulag, noon na lamang siya marahil nakakain sa labas.

Nagtaksi na kami mula Cogeo hanggang Tamza. Siningil kami ng P2200. Kinagat ko na para hindi na kami mahirapan.

Maayos sana ang biyahe namin kaya lang sobrang traffiic sa Tejero. Inabot kami ng isang oras sa painot-inot na andar. Six-thirty na kami nakarating sa bahay.

Habang wala pa sina Emily, inayos ko ang lugar ni Mama. Sa dating study area ko siya patutulugin. Mabuti, nakabili na ako noon pa ng folding bed. Kasyang-kasya. May kaunting pagbabago pero PWD-friendly pa rin.

Tinuruan ko na rin siya kung paano pumunta sa banyo.

Nine-thirty na dumating ang mag-ina ko. Medyo masama ang sikmura ni Emily kaya wala siya sa mood makipagkuwentuhan. Okay lang, pare-pareho naman kaming pagod.

Masaya akong matutulog ngayon dahil alam kong makatutulog na si Mama nang maayos at mahimbing. Mataas ang pag-asa kong makakakita siya. Si Sir Edwin ang gagamitin ng Diyos.

Nobyembre 27, 2022

Masarap ang tulog at maganda ang gising ko. Masaya akong bumangon para maghanda ng almusal. Tulog pa si Mama pagbaba ko. Nakatutuwa! Makakabawi na siya sa puyat.

Nagpatugtog ako ng mga worship songs ngayong umaga.

Past 9, pumunta ako sa palengke. Binilhan ko si Mama ng plastic drawer para may lalagyan siya ng mga gamit niya. Namalengke na rin ako. Dalawang klase ng isda ang binili ko, saka mga gulay.

Pagdating ko, ipinagtimpla ko si Mama ng lemon juice. Ito ang payo ni Sir Edwin sa kaniya. Three times a day siyang iinom, for 30 days.

Nagluto ako ng sinabawang talakitok. Ang sarap din ng kain ni Mama! Halatang matagal na siya huling nakakain niyon.

Natulog ako after lunch. Ang tahimik ng paligid. Kahit si Mama, humihilik pa. Hindi man sko mahimbing matulog, masaya naman akong makita si Mama na natutulog. Tama ang desisyon kong isama siya rito sa bahay.

After meryenda, sinimulan kong iillustrate ang second article ko para sa booklet project.

Ako uli ang nagluto. Pritong isda at ginisang gulat ang inihanda ko. Marami uling nakain si Mama.

Nakatatlong figures ako bago ako huminto sa digital illustration. At bago ako umakyat para matulog, gumawa muna ako ng PPT sa Filipino 4.

Nobyembre 28, 2022

Past 3 am, gising na ako. Nahirapan akong matulog muli. Siguro, isang oras din akong pabaling-baling bago nakatulog muli.

Past 6, after mamalantsa, naghanda ako ng lemon juice na iinumin ni Mama. Nakapag-gardening din ako nang saglit bago naghanda sa pagpasok.

Past 10, nasa school na ako. Nag-illustrate ako habang naghihintay sa pinababasa ko.

Walang palitan ng klase ngayon dahil sa symposium tungkol sa Child Protection Policy. Okay lang naman dahil nakahanda ang mga learning materials ko.

Hindi ako masyadong stress ngayon sa Buko, kaya nakapagmeryenda ako nang maayos.

Before 8, nasa bahay na ako. Mabilis akong nakauwi ngayon. Agad akong nag-dinner para makaharap ako sa laptop. Nag-download ako ng learning materials sa ESP at MAPEH, nag-illustate, at iba pa.

Nainis ako sa Tupa Group. Nakaplano na ang Baguio trip, pero ngayon aayaw-aayaw na sila. Ako pa naman ang nagkontak kay Ate Mackie, na siyang tutuluyan namin doon. Sabi ko nga, huwag na lang naming ituloy.

Nobyembre 29, 2022

Sa biyahe patungong iskul, nagsulat ako para sa booklet project ko. Sinikap ko ring umidlip kasi parang kulang ako sa tulog kagabi.

Before 11, nasa school na ako. Maagang dumating ang pinababasa ko. Late namang dumating ang isa--- si Joniell. Gayunpaman, napabasa ko sila pareho. Pinatulong ko pa si Prince sa pagpapabasa kay Joniell.

Nagpalitan kami ng klase. Ang bilis ng oras kapag nagpapalitan. Hindi ko na namalayan, uwian na.

Hindi ako masyadong nagpaka-stress sa Buko ngayon kahit talagang maiingay, makakalat, at magugulo sila.

Matutuloy rin ang Baguio Trip namin. Lima lang kami plus ang driver. Okay na iyon kesa hindi matuloy.

Past 8, nakauwi na ako. Ang sarap sa pakiramdam ng hindi nagmamadali dahil Bonifacio Day bukas.

Nobyembre 30, 2022

Kung kailan walang pasok, saka pa ako hindi makatulog nang mahimbing. Buwosit ang sakit ng likod at balikat ko!

Seven, nag-aalmusal na kami ni Mama. Then, nag-gardening ako. Nag-transplant ako ng ilang halaman. Naglipat din ako ng mga hanging plants.

Habang naglalaba ang mag-ina ko, nag-illustrate ako. Natapos ko ngayong araw ang ikalawang booklet ko. At nasimulan ko ang ikatlo.

After maligo, umidlip ako. Hindi man ako nakatulog nang mahimbing, naipahinga ko naman ang mga mata at likod ko.

Gabi, naghanda na ako ng mga damit na dadalhin ko sa Baguio. 


Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...