Followers

Sunday, March 31, 2024

Ang Aking Journal -- Marso 2024

 Marso 1, 2024

Naunahan ko pa ang alarm ko. Five:ten pa lang nang mamulat na ako. Parang ang haba ng gabi. Andami kong realistic na panaginip, na sigurado akong mangyayari sa hinaharap.

May ginawa pa ako sa DLP ko habang nagkakape. Naggupit din ako ng mga stars na ipamimigay ko sa Buko habang may discussion.

Wala pang 7 am ay nakasakay na ako sa bus na patungong PITX. Sana makarating ako sa school bago mag-9:30 o bago kami i-meet ng principal. May kukunin akong materials sa classroom ko.

Tamang-tama, absent ang kapartner ko sa room. Doon na lang ako magpapa-observe. Sinabihan ko si Ma'am Vi na hihiramin ko ang ilang estudyante niya.

Habang naghihintay ng oras, tinulungan ako ni Ma'am Joan.

Past 9:30 na kami namiting ni Ma'am. Nasa silid ko na ang mga bata nang magsimula siya.

Sa demo ko, atibo ang Grade 6-Charity. Dinala nila ako. Nakasulat sila ng mga plano. Ang iba nga excited nang magsulat. Sa madaling sabi, successful ang demo ko.

May maiksing postcon pagkatapos niyon, then nag-lunch kami nang mabilisan.

Ang mga pang-umagang guro naman ang miniting ni Ma'am. Ang tagal nilang umakyat para sa ikalawang set ng klase para sa demo teaching ko.

Excited at ready na ang Buko ko, pero dahil mukhang matatagalan, nagpalaro muna ako sa kanila. Kahit paano ay nakalma ko sila.

Successful uli ang demo ko. Dinala ako ng Buko. Nagpakitang-gilas sila. Katulad ng Grade 6, may mga ideya silang nais isulat.

Kagaya sa una, nag-announce ako ng writeshop every Saturday para sa mga Grade 4 to 6 pupils and teachers, na willing mag-train para sa Teodora Alonso writing competition. Marami ang gustong sumali.

Past 3 na natapos ang demo. Binigyan ang Certificate of Recognition as demo teacher. Nagpasalamat ako sa mga estudyante, pagkatapos umalis ang mga guro, na pinasalamatan ko rin.

Nag-recess agad kami. Pagkatapos, nagpalinis na ako para mapauwi ko na sila.

After uwian ng mga bata, GSP Night Camp naman ang activity namin. Marami-raming guro ang nag-join.

Tumulong ako sa pagwawalis sa ground na uupuan ng mga girl scouts.

Ang sarap ng kainan namin. Andaming pagkain-- may tinolang manok, pritong pork chop, at sweet and sour fish fillet.

Pagkatapos ng bonfire ng mga girl scout, nag-inuman kami nina Sir Joel, Sir Archie, at Sir Hermie. Naki-join din ang asawa ni Ma'am Sherry. Noong una, nagkakahiyaan kami. Wala pang ingay masyado. Nang kami-jami na lang, at nang dumating na si Ma'am Venus, umingay na kami. Lalo na nang nagpalaro si Ma'am Venus. Sayang, umuwi si Sir Joel.

Mabuti, nakisali si Sir Jess. Pinagtapat namin si Sir Hermie. Ako rin ay nagbigay ng mga saloobin at nagkuwento ng mga karanasan ko sa journalism. Worth it! Ang saya.

Marso 2, 2024
Past 3 na iyon nang umakyat kami ni Sir Archie sa classroom ko para matulog. Ang kaso, hindi naman ako dinalaw ng antok. Alas-singko, may mga bata nang palakad-palakad sa pasilyo. Kaya Bumangon na rin ako.

Nakipagkuwentuhan ako sa mga kaguro ko habang nagkakape. Then, tumulong ako sa pagsalok ng lugaw para sa almusal.

Past 8, nagtuturo na ako sa Numero. Dose ang estudyante ko. Marami ang bago o first time dumalo. Sinikap kong maging masaya sila at maging pambihira ang kanilang karanasan gustong-gusto nila ang pataaasan ng score, may premyo, may games, at mga groupwork. Kaya sa Sabado, gagawin ulit namin iyon.

Naglinis muna ako sa classroom bago ako bumaba. Ako na lang yata ang hindi pa kumain. Mabuti, nandoon na sila sa feeding room kaya may kasabay ako sa hapag-kainan.

Pagkatapos kumain, awarding at closing ceremony na. Past 1 na natapos. Umuwi na rin kami agad. Nakasabay ako kay Ma'am Wylene, gaya nina Ma'am Anne at Ma'am Vi.

Past 3 na ako nakauwi. Kahit sobrang init, agad akong nahiga sa kama ko. Antok na anatok ako kaya lang pineste ako ng mga langgam. Hindi ko malaman kong saan galing.

Past 5 na ako nakatulog at past 7 na ako nagising. Okey na rin iyon.

Pagbangon ko, agad akong nagpa-cash in para makabayad sa mga bills at makapag-send ng birthday cash gift kay Zildjian.

Nanood ako ng BQ, na hindi ko napanood kagabi.

Marso 3, 2024

Past 7:30 nang bumangon ako. Sinabihan ko agad si Emily na bumili ng spinner at flat iron. Umalis siya pagkatapos naming mag-almusal. Ako naman, habang naghihintay, ay humarap sa laptop. Gumawa ako ng vlog. Naglaba naman gad ako pagdating niya.

Maghapon akong nasa sala para sa mga learning materials ko. Siyempre, natulog ako nang inantok ako. Paggising ko, tuloy na naman. Nag-digital illustrate ako ng mga cliparts para sa tula ko sa Women's Month. Nakalimang figures ako bago ako napagod. 

Marso 4, 2024
Bago ako pumasok, nagsimula akong gumawa ng isang vlog, mula sa kuwentong pambata, na galing sa freesitekids. Si Emily naman ang naghanda ng almusal kaya marami-rami rin akong natapos.

Past 9, nasa bus na ako. Ipinagpatuloy ko ang chapter ng nobela, na sinimulan ko kagabi. Kailangan kong makapag-post ngayong araw kasi may reader-follower nang naghahanap ng update. Isa pa, nawawala ang writing drive ko kapag natatagalan akong mag-update.

Mahaba-haba ang naisulat ko bago ako nakarating sa school.

After ng Values class ng Bethany Church, nagpalitan kami ng klase. Nakahanda naman ako. Pabor iyon sa akin. Naging mabilis ang oras. Asar lang ako sa mga pangit na ugali ng mga esyudyante.

After class uvmuwi ako agad. Kaya wala pang 7 nasa bahay na ako. Nagkape ako habang nanonood ng balita. Nag-edit din ako ng chapter bago ko iyon pinost sa Wattpad. At habang nanonood ng BQ, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng vlog, na nasimulan ko kaninang umaga. Before 10, nai-post ko na iyon.

Marso 5, 2024
Ang sarap matulog, kaya past 7 na ako nagising. Medyo nagmadali akong mamalantsa bago bumaba kasimagdidilig pa ako ng mga halaman. Pagkatapos, saka ako nagkape at naghanda ng PPT para sa klase at sa vlog. Si Emily na ang nagpatuloy ng pagluluto. Naihanda ko na kasi ang isdang pipirtuhin.

Quarter to 9, nagmadali akong maligo at mag-almusal. Ayaw kong mahuli sa klase.

Past 9:30, nakasakay na ako sa bus. Agad kong sinimulan ang pagsusulat ng bagong chapter ng WP novel ko. Bago ako nakarating sa school, mahaba-haba na ang naisulat ko. Andami pa sanang dumaloy na ideya sa isip ko, kaya lang ay nasa dyip na ako. Masakit na sa mata ang pagsusulat habang umaalog-alog ang sasakyan.

Sa school, nakagawa pa ako ng tungkol sa vlog, na sinimulan ko sa bahay kanina.

Nakapagpalitan pa kami ng mga klase kahit kulang-kulang kami. Nasa akin ang ibang Pinya. Pagkatapos ng meeting ni Ma'am Joan bandang past 1 pm, hindi na nagpakita si Sir Hermie. Hinawakan niya lang muna ang Avocado. Kaming apat na lang ang nagpalitan hanggang recess.

Sumasakit ang dibdib ko sa galit sa Buko. Malala talaga sila. Maya-maya lang ang pagpapasaway. Ang sarap na namang um-absent.

Pagkatapos ng recess, inilipat ko ang table ko. Hindi ko naman kasi nagagamit kapag nasa likod. Para akong walang sariling classroom. Nilagay ko iyon sa may sliding window. Tamang-tama, ayaw kong tinatambayan doon ng mga Buko. Palagi silang nakasungaw roon. Nakakainis lang. Ngayon, dahil may table na, sana hindi na nila gawing tambayan.

Pagkatapos kong maihatid palabas ang Buko, umuwi na rin ako. Hindi na ako nakisabay sa kanila.

Habang nanonood ng BQ, naglagay ako ng VO sa PPT para maging MP4. Nagawa ko naman agad bago pa matapos ang pinanonood ko. Then, nag-digital illustrate naman ako. Nakatapos ako ng dalawang figures. At bago ako nag-off ng laptop at wifi, nakapag-edit at nakapagsulat ako ng nobela. Naging 1300 words ang nasimulan ko kanina. Bukas naman ang 700+ words.

Marso 6, 2024
Bago ako umalis sa bahay, nakapag-digital illustrate ako ng isang figure, at nakapaghanda ako ng isang PPT para sa vlog.

Naiinis ako kay Emily. Parang walang bukas kung matulog. Paalis na ako, naghahanda pa lang ang almusal. Tama lang pala na hindi ko sila ipinagluto para malaman niyang ang ilaw ng tahanan ay dapat maagang bumabangon, lalo na't matratrabaho sa malayo ang haligi ng tahanan.

Pinagsabihan ko na siya noon pa tungkol diyan, pero wala pa ring pagbabago. Gusto pa yata, ako pa ang mag-aasikaso sa kaniya. Haist!

Sa biyahe, nagsulat na lang ako, sa halip na isipin ang mga hinanakit at hinaing ko.

Sa klase, ginawa ko ang lahat para maihatid ko sa mga mag-aaral nang maayos ang lesson ko. Mabilis ang oras kapag nagpapalitan. Hindi ako masyadong nagalit sa Buko.

Past 7, nang makauwi ako sa bahay. Tahimik lang ako. Pagkatapos kumain, umakyat na ako para manood ng BQ, gumawa ng vlog, mag-illustrate, at magsulat. Bago mag-10, nakapag-post na ako ng isang chapter sa WP. Nakapag-illustrate din ako ng isang clipart ng babae. Sabi ni Ma'am Mel, sa March 15 na ang program ng Women's Month. Kailangan ko nang ma-finalize ang tula ko. Limang figures pa ang iguguhit ko.

Marso 7, 2024
Ang sarap sanang matulog, at gusto ko ngang um-absent, pero sayang naman. Huwebes na rin naman. Kaunting tiyaga pa.

Nagdilig muna ako ng mga halaman bago humarap sa laptop para gumawa ng PPT na pam-vlog. Tulog pa rin ang butihin kong asawa. Kaya nag-init lang ako ng ulam. Wala nang kape kaya nagtimpla na lang ako ng gatas. Wala na ring mantika kaya hindi na ako nagprito ng itlog. Kung maaga sana siyang bumangon, nautusan ko siyang bumili.

Nainis na naman ako kaya nakatikim na naman siya (sila) ng masasakit kong salita. Sabi ko, daig pa nila ang mayaman. Pasado alas-8 na, nasa higaan pa. Alas-9 saka lang mag-aalmusal.

Haist! Apektado ang isip ko. Hindi tuloy ako makapag-isip ng isusulat ko. Umidlip na lang ako.

Pagdating sa school, nawala-wala ang inis ko. Agad kong ipinagpatuloy ang paggawa ng vlog, kaso ang bilis ng oras.

Nagoalitan kami ng klase, kaya mabilis ang oras bago mag-recess, at hindi ako high blood. Ang problema ay nang recess na at habang naglilinis na. Sobrang daldal ng Buko. Ibang klase sila kanina. Kaya naman, minura-mura ko sila. Inalimura ko rin ang ilan sa kanila kahit ang honor pupils. Mga pasimuno kasi ng ingay at gulo. Hindi sila role models. Sana tumimo sa isip at puso nila ang nga sinabi ko.

Ang sakit ng dibdib ko habang nasa biyahe. Magkakasakit ako sa galit dahil sa kanila. Buwisit!

Pagdating sa bahay, tahimik lang ako. Pagkatapos kumain, umakyat na ako para manood ng BQ. Nakapaghanda rin ako ng isang game at learning materials mula sa mga takip ng plastic bottles para sa CUF, bago ako nag-illustrate. Tatlong figures na lang ang iguguhit ko.

Marso 8, 2024
Kahit maaga akong nagising, hindi ako agad bumangon. Naghahanda si Emily sa baba para sa pag-alis niya. Paalis na siya nang bumaba ako para kunin ang plantsa.

Habang nagkakape, gumawa ako ng learning material. Nag-digital illustrate ako. At nag-edit ng PPT para sa vlog.

Past 9, nasa bus na ako.

Nagsulat ako nang kaunti habang nasa bus, at umidlip ako nang nasa Cavitex na. Kung kailan nasa PITX ako saka naman ako nakatulog. Muntikan na naman akong maiwan sa bus.

Miniting kami ng MT namin bandang past 11:30. Andami na namang gagawin. Nakaka-stress, pero sige lang, kakayanin.

Nasa classroom na ang Buko nang matapos ang meeting. Kakaunti na lang sila. Umuwi ang iba. Okey lang naman. Catch-up Friday lang naman. Natuwa nama ako sa kanika kasi tahimik sila nang datnan ko.

Kaunting oras na lang ang contact ko sa Buko kasi nagmiting pa kami sa grade level at pumasok si Sir Hermie.

Nagpa-activity naman ako. Nag-storytelling ako. At nagpa-game. Then, uwian na.

Dahil nagutom ako, kumain muna ako sa PITX. Since napakahaba ng pila sa bus, nagsulat muna ako roon. Then, bago umuwi, bumili ako ng cold choco coffee.

Sa bahay, nadatnan ko na si Emily. Kumain na rin sila. Mabuti naman. Tumuloy ako agad sa kuwarto para manood ng BQ at maghanda ng activity sheet para sa writeshop bukas. Maraming estudyante ang nag-pledge na dadalo. Sana may pumunta ring mga guro.

Marso 9, 2024
Dalawang oras lang siguro ang tulog ko. Nahirapan akong matulog kahit antok naman ako. Dahil siguro iyon sa binili at ininom kong kape.

Past 5:30, bumiyahe na ako. Past 6:45 ako nakarating sa school. Nakapag-almusal pa ako at nakapaghanda ang materials sa writeshop.

Assessment day ngayon sa Numero. Biglang dumami ang mga estudyante. Umabot ng 24 lahat. May absent pa. Natuwa marahil ang visor at principal namin.

Nagalt lang ako sa ilang estudyante, na hindi na nga nagsosolb, nangungulit pa. Kapapasok lang uli nila. Sila rn dati ang palagi kong sinasaway.

After lunch, naglinis ako ng classroom para sa writeshop. Maagang dumating ang ilan sa kanila. Fifteen lahat sila. Nagulat ako dahil marami ang interesado. Na-disappoint din ako kasi walang gurong pumunta, maliban kay Ma'am Joann. Wala ring Buko. Gayunpaman, masigla akong nagturo, kaya nakagawa sila ng story map o plano ng kanilang kuwento. Natutuwa ako kasi excited silang magsulat. Sigurado akong may magagawa kaming student-writers, at marami kaming magihing entry sa Category 6 ng Gawad Teodora Alonso 2024. Sabi pa ni Ma'am Joann, ituloy ko raw. Kako, hangga't maraming bata, itutuloy ko.

Pauwi na sana ako bandang 3:30 nang mayaya ako nina Sir Joel, Sir Archie, at Sir Hermie sa kanilang inuman. Kahit antok na ako, pinagbigyan ko sila. Pero, aguy, nalasing ako. Iba ang tama ng alak sa akin, palibhasa wala akong maayos na tulog. Umalis din agad ang dalaw6a, kaya kami na lang ni Sir Hermie ang nag-ubos ng alak. Sumuka nga ako bago kami umalis sa school. Sumuka rin ako sa bus. Mabuti may plastic labo ako. Nakatulog pa ako sa PITX bago ako bumiyahe, kaya 10 na ako nakauwi sa bahay. Hindi na ako kumain. Nagsipilyo lang ako, saka natulog na.

Marso 10, 2024
Humihilab na ang tiyan ko dahil sa gutom nang bumaba ako. Mabuti, may tirang ulam kagabi. Ininit ko na lang kaya may naalmusal ako bago naglaba.

Past 10, tapos na akong maglaba. Nakapagdilig na rin ako. At nakapag-post ng video sa YT at FB pages ko. Umakyat na ako sa kuwarto para gumawa naman ng school works. Naghanda ako ng periodic test. Nag-edit na lang ako kasi may naka-ready na.

Maghapon hanggang gabi, marami akong nagawa, gaya ng DLP para sa COT3. Nakagawa na rin ako ng PPT nito. Nag-check ng test sa Numero at nagrekord ng scores. Gumawa ng reviewer na PPT. Nag-edit ng PPT ng Numero. Nag-digital illustrate. Atbp.

Marso 11, 2024
Nahirapan na naman akong matulog, hindi lang dahil sa mga pesteng lamok, kundi sa maghapong nasagap kong radiation ng laptop. Maghapon hanggang gabi ba naman akong nakatutok. Ganito naman palagi kapag maglulunes. Puyat ako palagi.

Gayunpaman, nagising ako nang maaga kahit maiksi lang ang tulog ko. Namalantsa muna ako ng uniform ko, saka na ako naghanda ng almusal. Bago kumain, naghanda ako ng PPT para sa isang vlog. Bago ako umalis para pumasok, almost ready na iyon para lagyan ng voiceover.

Nagsulat ako habang nasa biyahe. Andaming dumaloy na ideya sa aking utak kaya nang makarating ako sa school, nasa 1700+ words na.

Nagsabi ako kay Sir Jess na magpapa-CO3 ako bukas. Nagbigay na rin ako ng DLP. Akala ko nga, tatanggihan niya kasi may demo naman ako noong March 1, hindi pala. Pero okey lang naman. Wala na yata akong kaba kaya may observation.

Nagpalitan kami ng klase kaya ang bilis ng oras. Nabawasan pa ng Bethany dahil sa kanilang Values lesson, na almost 1 hour. Itinuro ko sa dalawang section ang bahagi ng lesson ko bukas. Hindi kinaya ng 30 minutes. Okey lang naman kasi, at least nakapag-ensayo na ako. Sana sa Buko ko napraktis.

Past 7, nasa bahay na ako. Agad akong kumain para matapos ko na ang digital illustration para sa slides ng performance ko Women's Month celebration namin sa school sa Huwebes.

Nagawa ako naman agad bago matapos ang BQ. Magpapraktis na lang ako sa pag-deliver ng tula at comedy act na intro ko.

Marso 12, 2024
Pamamalantsa at pagdidilig ng mga halaman muna ang ginawa ko bago akp nagsaing. Isinunod ko ang paglagay ng voiceover sa PPT na gagawin kong vlog. Nagulat naman ako nang maagang bumangon ang wife ko. Siya na ang nagprito ng meatloaf at danggit. Nakalimutan niya lang magprito ng itlog.

Past 11, nasa school na ako. Hindi ako nagsulat sa biyahe kasi nakaupo ako sa gitna ng pantatluhang upuan.

Ngayon na nagsimula ang review ng ELLNA ng Grade 3. Extended ang klase nila, kaya sa ibang classroom kami nagklase mula 12:10 hanggang 12:40. Hassle! Kanino kaya idea ang ganoon?!

Doon, nagturo na lang akong magbasa sa mga magpi-perform sa class observation. Napagalitan ko pa sila kasi kulang pa sila sa kakayahang magbasa. Ang iba, ayaw pang mag-perform, pero sa daldalan, game na game.

Pagdating sa classroom naming totoo, nakapagpraktis uli kami habang hinihintay si Sir Jess.

Satisfied naman ako sa performance ng Buko ko. Hindi nila ako binibigo sa oras ng CO. Masaya na sana ako kaso nang kami-kami na lang, lumabas na naman ang mga sungay nila. Grabeng kahayupan ang ginawa nila. Kaya naman, tumaas na naman ang dugo ko. Nakapagmura na naman ako. Kahit sa pila, nagpasaway pa ang ilan. Ang sakit na naman ng dibdib ko.

Pagdating sa bahay, tahimik pa rin ako. Kumain lang ako ng hapunan, saka umakyat na ako. Naghanda ako ng scroll ng tula na babasahin ko sa Huwebes para sa mga kababaihan. Nang matapos, binago ko ang voiceover ng PPT, na ginawa ko kaninang umaga, napuputol kasi ang audio sa bandang dulo. Uploaded na ang vlog before 9:30. Nag-off na ako ng laptop.

Marso 13, 2024
Hindi na naman ako nakatulog nang maayos dahil sa pangangagat ng mga pesteng langgam. Kaunti lang naman sila, pero ang sakit mangagat. Himbing na ako, saka mangangagat ang mga iyon. Haist! Kailangan ko na talagang maglinis sa kuwarto. Hindi ko rin kasi maiwasan ang pagdala ng pagkain sa loob.

Past 6:30, bumangon na ako para gawin ang mga daily routines. Ako na naman ang naghanda ng almusal ko. Nakapag-vlog pa ako, gamit ang children's story ng iba. Then, nakapaghanda pa ako ng PPT ng lesson ko ngayon sa Filipino 4. Hindi pa man tapos, pero puwede na. May dala naman akong diyaryo.

Past 9, nagsusulat na ako sa bus. Before 11 naman, nasa school na ako. Ang paglagay ng voiceover sa PPT ko ang inatupag ko, pagkatapos kong ma-finalize ang PPT ng lesson ko--Bahagi ng Pahayagan.

Naiinis talaga ako sa setup ng klase namin. Nasa ibang classroom kami sa first period. Ang dugyot pa sa ibang room. Malagkit ang sahig.

Enjoy na enjoy akong ituro ang lesson ko. Hindi ko tuloy namalayan ang oras. Nag-OT ako sa ibang klase. Sa Mangga ko lang hindi itinuro ang lesson ko kasi kaunti lang ang makaka-appreciate. Mas gusto nila ang storytelling ko. May mga nagsuntok nga sa kanila habang nagbabasa ako ng kuwento. Aguy! Wala talaga silang kaayusan. Mabuti na lang, napagtiyagaan ko dahil sa ilang estudyanteng interesado.

Sa Buko naman, panay ang sermon ko. Ayaw nilang umayos habang nanonood kaya nagpanood na lang ako ng video lessons.

Past 7:30, nakauwi na ako. Agad akong kumain para makapag-practice ako ng performance ko bukas. Isang beses ko lang binasa. Bahala na bukas.

Marso 14, 2024
Namalantsa at nagdilig lang ako bago nagkape. Sandwich lang ang inalmusal ko. Hindi nanako nagbukas ng laptop kaya sa CP na lang ako nagbasa at nag-edit ng tula ni Ma'am Joann. Kagabi pa niya pala nai-send. Dinagdagan ko na lang ng isang saknong. Nagpanukala na rin ako ng pamagat.

Eight-thirty, nakasakay na ako sa bus. Kailangan ng manpower sa school para sa paghahanda ng mga pagkain ng faculty at guests.

Nakapagsulat ako kahit paano habang nasa biyahe. Ready na rin naman ang aking sarili para sa performance ko sa Women's Month celebration.

Sa actual, nanginig ako habang binabasa ang introductory piece ko at habang nagpi-perform. First time kong magpatawa, na parang sa comedy bar. Seryoso naman ang halos lahat kong piece, pero may hugot at nakakatawang part.

All eyes at all ears sila sa akin, kaya ginanahan ako. Kahit mahaba ang piece ko, na-enjoy nila.

Pinuri nga ako ng resource speaker ng Sun Life. Ang galing ko raw. Nakakataba ng puso.

Dumating agad ang mga estudyante. Hindi pa nga kami kumakain. Para tuloy mabilisan ang lunch namin.

Sa Buko, hindi ako na-high blood. Mababait sila ngayong araw. Sumunod din ang karamihan na magsuot ng foot rag. Tatlo lang ang putrages!

Five-thirty, kami umuwi. Kasakay ko si Ma'am Joan R. patungo sa Baclaran. Pinuri niya ko at ang tula ko. Ang galing ko raw! Ako raw ang nagdala ng selebrasyon. Kahit ang Kinder teachers ay humanga rin daw sa akin. Sabi pa niya, puwede raw akong mag-perform sa ibang school.

After dinner, pinost ko na ang mga akda kong pinerform kanina. Nanood ako ng BQ. Gumawa ng PPT para sa vlog. At nagsimulang maglagay ng voiceover sa tula ko para sa mga Juana. Kailangan kong pagkakitaan ang pinaghirapan ko.

Marso 15, 2024
Pineste na naman ako ng mga langgam, kaya sigurado akong wala pang 7 hours ang tulog ko. Nagplano na lang tuloy ako ng tulang isusulat para sa Women's Month celebration next year. Love story naman ang balak ko. Paiiyakin ko naman ang mga kaguro ko.

Nagising naman ako nang maaga, pero okey lang dahil gumawa naman ako ng vlog at material para sa writeshop sa Sabado.

Maagang umalis si Emily. Ako, past 8:30, umalis na rin. Nakahiga pa rin si Ion. Haist!

At dahil kape at loaf bread lang ang laman ng tiyan ko, nagutom ako pagdating sa PITX. Hinila ako ng paa ko sa isang kainan doon. Kaya bago ako nakarating sa school, full na ako. Ang baon kong kanin, pangmeryenda ko na lang. Bumili ako ng limang pirasong siomai.

Naging mabait uli ang Buko. Maghapon ko silang ginabayan s kanilang pag-aaral at disiplina. Dalawang kuwentong pambata ang binasa ko sa kanila. Pinasulat ko sila ng kuwento, na mayroon nang magkakasunod na pangyayari. Pinasulat ko rin sila ng akrostik. Nagleksiyon din ako tungkol sa bahagi ng pahayagan. Kaya namalayan ko na lang, uwian na!

Agad akong umuwi. Past 7:30, nasa bahay na ako. Nalungkot lang ako kasi walang internet connection. Gagawa pa naman sana ako ng mgga learning materials.

Bago ako nagpatay ng ilaw sa kuwarto, nasimulan ko nang isulat ang tulang bibigkasin ko next year sa Women's Month celebration. Nadugtungan ko rin ang PPT ko para sa writeshop bukas. Hindi ko nga lang nagawa ang sa Numero. Bahala na bukas. Hindi ko rin nagawang tapusin ang isang chapter sa nobela ko sa Wattpad. Ang hula ko, 400 words na lang ang kulang niyon.

Past 9:30, nagpatay na ako ng ilaw sa kuwarto. Binunot ko na rin ang wifi para manahimik na ang mag-ina ko.

Marso 16, 2024
Five o' clock, ginising na ako ng alarm. Kailangang bumangon para sa Numero at writeshop. Hindi ako sure kung nakabuo ako ng 8 hours na tulog. Basta ang alam ko, mababaw lang ang tulog ko dahil sa mga panaginip na parang totoo.

Past 7 na ako nakarating sa school. Nagmadali na akong mag-almusal. Wala pang quarter to 8, may dumating na. Mabuti na lang, tapos na ako. Nakapaghanda na rin ako ng worksheet.

Nagpa-games ako. Enjoy na enjoy sila. Nagbigay pa ako ng prize sa nanalong group. Napakatahimik naman nila habang may sinasagutang worksheet. Mahirap at maraming items ang binigay ko. Hndi nga nila nasagutan lahat. Gayunpaman, alam kong natuto sila.

After Numero, nag-lunch lang kami. Then, naglinis nang kaunti. May mga dumating nang student-writers. Past 1, dumating si Ma'am Joann. Nakapag-explain na ako. Nagsusulat na ang mga bata. Naging maayos naman ang writeshop namin. Nakapasa silang lahat. Nagbigay pa ako ng assignment. Siyempre, nagbigay ako ng inspiring words bago namin sila pinauwi.

Niyaya ako ni Sir Hermie, na uminom, kasama si Sir Joel G. Wala ako sa mood uminom, kaya nahilo agad ako. Iniwanan pa kami ni Sir Joel. Past 6, dumating naman ang katukayo ko sa PVES. Hindi na kami nagkita sa mata kasi nagtago na ako nang malingat si Sir Hermie. Nagpabili pa kasi ng apat na grande. Magsasalang pa ng karaoke.

Six-thirty, nakalabas ako sa school. Past 7, nasa PITX na ako. Ang haba ng pila, kaya nag-dinner muna ako sa isang Chinese food chain.

Eight-thirty na ako pumila sa bus. Mga 9:30 na ako nakauwi. Dumiretso agad ako sa kuwarto para manood ng episode ng BQ, na hindi ko napanood kagabi. Pagkatapos niyon, nanood pa ako ng series, saka nagsulat. Nag-post ako ng isang chapter sa Wattpad bago natulog. Mga 11:30 na iyon.

Marso 17, 2024
Nagising ako bandang 7 am. Naghanda agad ako ng almusal at nagsimulang magsalang ng mga labahan sa washing machine. Naipagsabay ko ang pagdilig ng mga halaman. Past 9, tapos na akong magsampay. Easy-peasy!

Pagkatapos kong maligo, humarap ako sa laptop upang malagyan ng voiceover ang tula ko para sa mga babae. Matagal-tagal ko rin bago natapos at nai-post.

Umidlip ako bandang hapon nang inantok ako sa pagbabasa ng mga akda ng Buko.

Pagkatapos magkape, nagsulat ako ng kuwentong pambata. Wala kasi akong napiling akda sa Buko, kaya ako na ang nagsulat.

Ngayong araw, marami pa akong na-accomplish. Nakagawa pa ako ng vlog, mula sa kuwentong pambata sa aklat at sa internet. Lalagyan ko pa ng VO ang isa. Nakasulat din ako ng tula tungkol sa viral video ng gurong nag-live habang nagsesermon.

Magaganda ang feedback sa Women's Month video ko. Sana mag-trending. Hehe

Marso 18, 2024
Gaya ng palaging nangyayari, puyat na naman ako. Hindi na ito dahil sa langgam, kundi dahil sa mga lamok. Bagong laba ang bed cover ko. At natanggal ko na sa cotton balls ang mga langgam, na pumaparada sa higaan ko. Ang mga nakapapasok na lamok naman ang pumeste sa akin magdamag. Nagbukas kasi ako ng sliding window kahapon habang gumagawa ako sa laptop. Mainit naman kung nakasara lang. Haist!

Gayunpaman, bumangon ako bago mag-6:30 para maghanda ng almusal. Habang naghahanda, naglagay ako ng VO sa PPT, kaya naging video. Posted agad iyon sa YT at FB pages. Nagdugtong pa ako sa tulang "Babae? Aba, Eba. Iba!"

Before 9, umalis nanako sa bahay. Nasa higaan pa ang mag-ina ko. Wala talaga silang balak magbago. Kung gayon, wala rin akong balak magbago. Mananatili akong tahimik para hindi ko uli masaktan ang mga damdamin nila.

Nagsulat ako ng nobela habang nasa biyahe. Nag-stay rin ako sa PITX nang kalahating oras para magsulat. Sa school, nagsulat din ako ng tula.

Ang bilis ng oras! Yahoo! Hindi ako masyadong stress ngayon. Kakaunti ang pasaway na estudyante. Naging mahinahon din naman kasi ako sa pagtuturo at pagdidisiplina sa kanila. May mabuti ring dulot talaga ang kahinahunan.

Naging mahinahon din ako pagdating sa bahay. Ayaw kong mainis kahit dapat naman akong mainis. Past 7:30 na kasi ay wala pang ulam. Nagpa-deliver na naman. Past 8 na ako nakakain. Kumalma na lang ako habang nanonood ng BQ.

Pagkatapos kong manood, nagpokus ako sa pagsusulat ng nobela, kaya mga 9:30 ay nakapag-post na ako ng isang chapter.

Marso 19, 2024
Ang ganda sana ng panaginip ko--parang totoo, kundi lang ako papasok, matutulog pa ako. Kaso, past 6 na ng umaga.

Pagkatapos mamalantsa, nagdilig muna ako ng mga halaman. Nagsasaing at naglalaga na ng itlog ang asawa ko nang pumasok ako mula sa garden. Nagkape na lang ako habang gumagawa ng PPT. Tahimik pa rin ako hanggang sa umalis na ako para pumasok.

Nakapagsulat ako sa biyahe at sa PITX bago ako nakarating sa school.

Ang bilis ng oras. Pagdating ko sa school, kumain agad ako lasi 11:30 na. May ginawa lang ako saglit sa laptop, maya-maya, nagpapila na ako.

Mabilis din ang oras ng klase. Nagpalitan kami kahit kulang kami. Wala si Kaps.

Nainis ako nang kaunti sa mga pasaway kong estudyante. Ang sarap tirisin ng isa. Wala na ngang ginagawa, pasaway pa.

Nakauwi agad ako. Wala si Emily pagdating ko. Mabuti, may binili nang ulam si Ion. Nakakain agad ako.

Habang nanonood ako ng BQ, gumagawa ako ng PPT para maging vlog. Nagsusulat din ako ng tula. At bago ako natulog, nag-edit ako ng isinulat ko kanina para sa Wattpad. Hindi pa ako nag-post kasi kulang pa ng number of words.

Maaga akong nag-off ng wifi.

Marso 20, 2024
Kahit past 8 na namang bumangon ang asawa ko,
nagawa ko naman ang mga routine ko. Nakapaghanda ako ng almusal namin. At nakagawa ako ng video. Nakapagsulat din ako ng isang saknong na tula.

Nine-thirty, nasa bus na ako. Nagsulat ako ng nobela.

Muntik pa akong ma-late sa klase. Wala kasing dyip na pa-Mabini. Mabuti, naisipan kong mag-carousel na lang.

May magandang resulta ang pinagpaguran naming school paper. Maganda ang feedback ng division. Nag-congratulate sila. Anila, maganda raw ang layout at content. May kaunti lang na pinapabago at pinadaragdag.

Medyo pasaway ang Buko ngayong araw. Nagsipasok na naman kasi ang mahihinang nilalang.

Almost 8 na ako nakauwi sa bahay. Late na rin ang kain ko kasi wala pang ulam. Mabuti, may binili akong manggang hinog. Iyon muna ang kinain ko.

Pagkatapos manood ng BQ, gumawa ako ng vlog at nagsulat. Bukas, voiceover na lang. Nakapag-post din ako ng isang chapter ngayon.

Marso 21, 2024
Hindi ko pa rin binabati ang maybahay ko. Wala pa rin akong nakikitang pagbabago sa kaniya. Nakapagdilig na ako ng mha halaman, nakapagsaing na, nakapagluto ng almusal, nakapaglagay ng voiceover sa PPT, nakapag-post na ng video, at nakapagdugtong sa tulang sinusulat ko, tulog pa rin siya. Mga past na siya bumangon. Haist! Ayaw ko na lang magsalita. Nagsasawa na ako. Basta ang alam ko, hindi umaasenso ang taong tanghali na kung magising.

Past 9, nakasakay na ako sa bus. Sinisikap kong magtrabaho nang masigla para gumaan ang aking mga gawain. Kailangang humarap ako sa mga bata nang masaya upang hindi nila maramdaman ang pinagdaraanan ko.

Sinubukan kong maging masigla kahit napapagod na ako at kahit gusto ko nang magbakasyon. Pinasulat ko sila ng talata tungkol sa ina. Enjoy na enjoy naman ang halos lahat ng Grade 4, maliban sa sobrang pasaway na estudyante sa Mangga. Nakaraos ang maghapon. Puwera lang sa Buko. Kinailangan ko pang magalit, magsermon, at mangaral muna bago magpa-recess. Nang kumakain na, balik na naman sila sa kadaldalan. Aguy!

Past 7:30 nakauwi na ako. Gumawa ako ng vlog at nagsulat habang nanonood ng BQ. Ang bilis ng oras. Antok na agad ako.

Marso 22, 2024
Pag-alis ko sa bahay, nasa higaan pa ang mag-ina ko. Tindi! Eight-thirty na iyon. Oo, Cavite Day ngayon, walang pasok si Ion, pero halos araw-araw na lang. Nakagawa na ako ng content, sila, sarap-buhay pa rin. Haist!

Nagsulat ako ng nobela habang nasa biyahe. Mahaba-haba rin ang naidugtong ko sa isinulat ko kahapon.

Catch-up Friday ngayon. At dahil nasa ibang room kami kapag first period, nagpasulat lang uli ako ng acrostic ng "Nanay, Mahal Kita."

Pag-akyat namin sa room, nagpa-games ako. Na-enjoy nila. Naputol lang ang games namin nang pumasok si Sir Hermie at magkaroon ng earthquake drill.

Nakaraos na naman maghapon sa kakulitan ng Buko. Nainis ako pero light lang.

Past 7:30, nasa bahay na ako. As usual, tahimik pa rin ako. Hindi na ako nagreklamo kami ang ulam ay binili lang niya, at pritong tilapia pa, at maasim na ginisang upo. Alam niyang ayaw ko sa tilapia, bumili pa rin. Kahit sila, hindi kumain. Buo pa rin ang isda. Ang gulay, wala halos bawas. Napakairesponsableng asawa!

Nanood na lang ako ng BQ, gumawa ng PPT para sa Numero, activity sheet para sa writeshop, at chapter ng nobela para sa Wattpad.

Marso 23, 2024
Naunahan ko pang magising ang alarm clock. Kaya maaga akong nakaalis sa bahay. Wala pang 7, nasa school na ako. Nakapag-almusal na ako bago magdatingan ang Grade 6.

Thirteen lang ang dumating sa klase ko. Okey lang. Mas madali silang i-handle.

Naging maayos at tahimik ang Numero namin. Sa room ni Sir Erwin kami nagklase kasi may ELLN review ang Grade 3.

After NUMERO, nakikain ako sa event ng Kab scout. Nakatipid ako ng more than P60.

Wala pang 1, nag-start na kami ng writeshop. Apat lang ang dumating. Nalungkot ako, pero sumaya rin dahil mas napokusan ko sila.

Umalis din ako agad pagkatapos. Hindi na ako nagpakita kay Sir Hermie. Siguradong nag-inuman na naman ang mga iyon. Wala ako sa mood. Gusto ko nang umuwi.

Past 5, nasa bahay na ako. Nagpahinga ako sa kuwarto habang nag-i-FB. Nai-post ko rin ang kiwento ni Benjamin sa Babasahin. Sana mas lalo siyang ma-inspire. At sana makapag-inspire iyon ng maraming estudyante.

Marso 24, 2024
Past 7 na ako bumaba para magdilig ng mga halaman. Nang matapos ako, saka lang bumaba ang asawa ko. Namalengke na siya. Pagdating niya, nagkakape na ako at naglalaba. Medyo late na naman ang almusal.

Past 9, tapos na akong maglaba. Agad akong umakyat sa kuwarto para humarap sa laptop.

Maghapon, marami akong nagawa. Nakaapat na vlog ako. Nakasulat din ako ng tula. At inayos ako ng gripo sa lalabo. Actually, sinira ko. Inalam ko kung bakit bumaha sa kusina kagabi. Napag-alaman kong tunaw na ang tubo na nakakonekta sa gripo. Lumulusot doon ang tubig. Kaya pala, palaging sobrang taas ng bill sa tubig.

Lumabas ako para maghanap ng hardware. Kung saan-saan ako napunta. Mga sarado ang iba kasi Sunday pala. Mabuti may nakapagturo sa akin. Nakabili ako ng pangsara ng tubo para hindi tumagas kapag nakabukas ang kuntador.

Saka ko na ipaaayos sa tubero. Mag-iipon muna ako. Kaunting tiis na lang muna.

Marso 25, 2024
Kulang na naman ako sa tulog dahil sa lamok. Sumama ang mga iyom sa mga sinampay ko, mula sa garden patungo sa kuwarto. Isa pa, ang exposure ko sa radiation. Maghapon akong nag-laptop. Gayunpaman, six o' clock ako nagising. Hindi na ako nagbukas ng laptop. Nag-gardening ako habang nagpapainit ng tubig. At habang nagkakape, naghanda ako ng almusal at baon. As usual, late na bumangon ang asawa ko. Kaya tahimik pa rin ako. Wala siyang narinig mula sa akin.

Bandang 9:00 am, nagsusulat na ako sa bus. Maiksi lang ang naisulat ko kasi inaantok ako. Kahit pa nagsulat pa ako sa PITX at sa dyip, hindi pa ako nakabuo ng 1000 words.

Ang bilis ng oras nang nasa school na ako. Kao-open ko lang ng laptop para sana gumawa ng learning materials, pero time to take lunch na. At maya-maya, akyatan na.

Periodic testing ngayon. Unang raw. Maiingay at madadaldal pa rin ang Buko. Hindi ako masyadong nakapaghigpit kasi hinarap ko ang pagbasa at pag-edit ng articles ng science writers ni Ma'am Madz. After recess na ako nakapagsaway.

Past 7:30 nasa bahay na ako. Nainis ako kay Emily kasi nabasag niya ang vase ko. Hindi na lang ako umimik.

Habang nanonood ng BQ, gumawa ako ng PPT para maging vlog. Before 10, posted na ang video. Antok na ako, kaya nagpatay na ako ng wifi.

Marso 26, 2024
Pagkatapos kong mamalantsa, nagdilig ako ng mga halaman. Isinunod ko ang paghahanda ng almusal habang nagkakape at gumagawa ng PPT, na pang-vlog. Saka bumangon ang maybahay ko nang malapit na akong matapos magluto.

Past 9, nagsusulat ako habang nasa biyahe. Idinaraan ko na lang sa pagsusulat ang mga kabiguan ko.

Ang bilis ng oras. Pagsating ko sa school, kumain lang ako, maya-maya, time na.

Second day ng exam. Tatlo na lang ang test ng Buko. Bago nag-recess, tapos na nila ang mga iyon. Kaya nagpatsek na lang ako ng mga test sa Filipino. Limang sections: Done!

Ang mga natitirang oras ay inilaaan namin sa panonood at paglilinis ng room.

Before 8, nasa bahay na ako. Kumain agad ako para makapanood ng BQ, makagawa ng vlog, at makapagsulat. Hindi ako nakatapos ni isa. Wala ako sa mood.

Marso 27, 2024
Maaga akong nagising para sana sa pagbiyahe ko patungong school. Wala namang klase panghapon, pero magti-treat sana si Ma'am Edith sa SB. Pero, dahik naisip ko ang gastos sa pamasahe at abala sa oras, nagsabi akong hindi na ako dadalo.

Eight ba ako bumaba para mag-almusal. Nag-send pa kasi ako kay Ma'am Madz ng mga pointers sa Science writing ng trainees niya.

After thirty minutes, bumalik na ako sa kuwarto para maglagay ng voiceover sa PPT. Nang matapos ko, bandang past 9, paalis pa lang noon si Emily, sinimulan ko ang paglilinis sa kuwarto. Masikip na ito masyado dahil sa mga koleksiyon kong bato. Binaba ko muna para malinisan din. Nag-iba rin ako ng ayos.

Past 11:30, nagpahinga na ako. Natapos ko namang linisan ang kalahati ng kuwarto ko hindi ko muna binungkal ang ilalim ng kama at kabinet. Sa bakasyon naman.

After lunch, nagpaantok ako sa baba habang nanonood ng documentaries. Hindi naman ako nakatulog kasi tinabihan ako ni Herming.

After meryenda, bumalik ako sa kuwarto para gumawa uli ng mga learning materials. Nag-lbasa at nag-evaluate din ako ng science articles ng trainee ni Ma'am Madz.

Sinimulan ko na rin ang paghahanda ng writing ideas na isusulat at ihahanda ng mga estudyanteng ilalaban sa Gawad Teodora Alonso 2024.

siya bumangon. Haist! Ayaw ko na lang magsalita. Nagsasawa na ako. Basta ang alam ko, hindi umaasenso ang taong tanghali na kung magising.

Marso 28, 2024

Past 8 na ako bumangon. As usual, late pa rin bumangon ang mag-ina ko. Nag-almusal lang ako ng kape at sandwich, then umakyat na ako uli para humarap sa laptop. Marami akong gustong gawin ngayon habang Huwebes Santo.

Maghapon nga akong gumawa ng learning materials. Nakapaghanda rin ako ng story ideas na may MELC objectives. Siyempre, umidlip ako kahit mainit sa kuwarto. Binuksan kong lahat ang mga bintana, kahit paano ay pumasok ang hangin. Nanood din ako ng YT tutorial videos para makaragdag ng kaalaman.

Gabi, nag-grocery ako. At naghanda ako ng dinner na gusto ko. Andami kong nakain. 

Marso 29, 2024

Past 9 na yata ako nakapag-almusal. Hindi ako bumaba agad. Hinayaan kong si Emily naman ang maghanda ng almusal. Grabe! 8:30 na siya bumaba. 

Pagkatapos mag-almusal, humarap na ako sa laptop. Isinagawa ko ang napanood ko sa YT kagabi-- ang paggawa ng animated video. Hindi naman naglalakad ang character, pero okey lang kasi gumagalaw ang mga kamay at bibig habang nagsasalita. Magagamit ko iyon sa paggawa ng short videos, gaya ng self-help.  Nakagawa nga agad ako ng dalawa, bago ako bumaba para magtanggal ng mga halaman sa bakod, na patungo na sa kabilang bakuran o bubong. 

Maghapon akong nag-stay sa kuwarto. Hindi masyadong mainit, pero hindi ako nakatulog nang mahimbing. Sa halip, gumawa na lang ako ng story ideas para sa writeshop. Ang gaganda ng mga naihanda ko. Parang gusto ko nang isulat. 

Gabi, nagluto ako ng ulam para sa dinner namin. Wala pa rin akong kibo. Wala pa akong balak kausapin o pansinin ang wifey ko. 

Marso 30, 2024

Tulad kahapon, marami rin akong na-aaccomplish maghapon. Ang kaibahan lang ay ako ang naghanda ng almusal at hindi ako nagluto ng lunch at dinner dahil nagpa-deliver ang mag-ina ko. Haist! 

Gusto ko sanang mag-food trip, hindi na lang. Wala akong nakikitang senyales ng kanilang pagbabago. Last year, nasa Daraitan, Tanay kami, ngayon sa bahay lang. Mas okey nga ito kasi nakatipid ako. Mas productive pa ako. At na-enjoy ko naman ang kuwarto kong mahangin at maraming bato. Enjoy na enjoy akong tingnan ang koleksiyon ko ng mga bato. 

Marso 31, 2024

Nauna akong bumangon sa aming tatlo. Hindi ako nagluto ng almusal. Nagkape at nag-sandwich lang ako. Si Emily ang nagluto. Naglaba lang ako at nagdilig ng mga halaman.

Kaunti lang naman ang labahan ko, kaya 9:30, tapos na ako. Humarap na ako sa laptop.

Andami kong accomplishments ngayong araw. Marami akong videos na nai-post sa YT at FB pages ko. Nakapagpahinga rin ako bandang hapon. 

Bukas, back to school na naman. Fight!

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...