Followers

Sunday, March 17, 2024

Hinding-Hindi

Hinding-hindi mag-iinit ang aking ulo

Kung ang mga estudyante ko’y may respeto

Sinusunod ang mga patakaran ng guro

Sinusunod ang mga pangaral at payo.

 

Talagang hinding-hindi ako magagalit

Kung ang mga estudyante ko’y tahimik

Habang may talakayan, sila’y nakikinig

Kung sa mga performance tasks ay active.

 

Hinding-hindi kukulo ang aking dugo

Kung ang mga estudyante ko’y may puso

Pinahahalagahan ang sakripisyo ng guro

At mas pinipiling maging mabuting tao.

 

Kailanman, hinding-hindi ako maiinis

Kung ang mga estudyante ko’y malilinis

Mga dumi, kalat, at basura ay iniimis

Hindi sa sahig, hindi sa upuan sinisiksik.

 

Hinding-hindi tataas ang boses ko

Kung ang mga estudyante ko’y matatalino

Matiyaga, determinado, at mabilis matuto

Nakikinig, nagsusulat, nagbabasa ng libro.

 

Hinding-hindi ako sisigaw o maninigaw

Kung ang mga estudyante ko’y halimaw

Hindi sa pagdadaldal at pag-iingay.

Halimaw sa husay—talino’y nangingibabaw.

 

Oo, hinding-hindi ako magsesermon

Kung ang mga estudyante’y may sentido-kumon

Nakukuha sa tingin, nakauunawa sa leksiyon

Mas gustong matuto at maging marunong.

 

Hinding-hindi rin ako magmumura

Kung ang mga estudyante ko’y may disiplina

Edukasyon ay labis na binibigyang-halaga

Mabubuting pag-uugali ay isinasapuso pa.

 

Siyempre, hinding-hindi ako mananakit

Kung ang mga estudyante ko’y mababait

Hindi sila nambu-bully, hindi nananakit

May takot sa Diyos na nasa langit.

 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...