Followers

Tuesday, April 30, 2024

Ang Aking Journal -- Abril 2024

 


Abril 1, 2024

Ang sarap sanang matulog lang, kaya lang kailangan nang bumangon para sa pagsisimula ng 4th Grading period. Dalawang buwan na lang naman, bakasyon na ulit.

Naghanda ako ng almusal. Habang ginagawa ito, naglagay ako ng voiceover sa PPT, na sinimulan ko kagabi.

Nang inabutan ako ni Emily, lakas-loob siyang humingi ng P240, para daw sa film showing ni Ion.

Past 9, nasa bus na ako. Maluwag pa ang bus in kaya nakaupo sa may bintana. Nakapagsulat ako nang maayos, kaya lang inantok ako. Hindi masyado gumana ang utak ko. Wala pang 5000 characters ang naisulat ko hanggang makarating ako sa GES.

Ang bilis ng oras. Pagdating ko sa school, past 11:30 na. Kumain lang ako, akyatan na agad. Mabuti, may Values class ang Bethany kaya nakagawa ako sa Guidance's Office ng SF10. Nasulatan ko ng details ang original copies.

Walang palitan ng klase. Nagturo ako ng Filipino at Music sa Buko. Nagpagawa ako ng dalawang activities hanggang recess.

Ang bilis ng oras. Pagkatapos mag-recess, nagpalinis na ako. Mamukat-mukat ako, uwian na. Nakukulit pa rin sila, pero hindi ako nagpaka-highblood. Kakaunti lang naman ang pumasok.

Wala pang 7:30, nasa bahay na ako. Agad akong kumain para makapanood ako ng BQ, makagawa ng video, at makapagsulat ng nobela. Nagawa ko namang lahat bago mag-11 pm.

Abril 2, 2024

Maaga akong nagising kaya sigurado akong kulang ako sa tulog. Kailangan ko na rin namang bumangon para magdilig ng mga halaman. Every other day ako nagdidilig, at naka-schedule ngayon.

After magdilig, nagkape at kumain lang ako ng tatlong hopia habang gumagawa ng video. Bago ako naligo, gumawa muna ako ng PPT ng lesson ko ngayong araw, at kinain ko ang mangga, bilang dagdag sa almusal ko.

Quarter to nine, umalis na ako sa bahay. Ayaw ko nang maipit sa traffic, kagaya kahapon. Ayaw ko na nagmamadali ako. Isa pa, kailangan kong i-meet si Ma'am Madz para sa science article na pinatsetsek niya sa akin.

Maaga-aga akong nakarating sa school, kaya hindi ako nagmadaling kumain. Maayos din akong nakapagturo sa mga klase, maliban sa Pinya. Hindi ko napasukan. Irregular ang schedule namin. Ang Mangga naman, kailangan ko pang bola-bolahin. Kinailangan ko ring mamigay ng stars para sa mga nagpa-partcipate.

Nakaraos din naman ako maghapon. Mabilis uli ang oras.

Before 8, nakauwi na ako. Saka ko lang nabasa na suspended na ang face-to-face classes bukas. Hindi na rin matutuloy ang pag-judge ko sa Kindergarten Festival of Talents. Natuwa ako.

Pagkatapos kumain, nanood ako ng BQ, at ang handa ako ng lahok para sa Palihang Rogelio Sicat 17. Niyaya ko rin si Ma'am Joann. Sana makapasok kami.

Abril 3, 2024

Dahil suspended ang klase at asynchronous, nagtagal ako sa higaan ko. Si Emily ang unang bumangon para magluto. Siguro mga nine na ako nakapagkape at nakapag-almusal. Na-excite ako sa Pag-assemble ng metal rack na binili ko sa online shopping. Mga past 12 n yata ako natapos-- kasama ang pag-aayos sa mga book, rock collections, at iba pang pang-display ko.

Nasolo ko ang bahay. Nasa school sa Ion. Nasa FVP office si Emily. Nakagawa ako sa laptop ko ng video content. Sinubukan kong umidlip pero nabigo ako.

Bukas, asymchronous uli dahil may NAT. Sana tuloy-tuloy na hanggang April 11. Very long weekend. Plano ko kasing magpa-eye check up. Malabo na talaga ang paningin ko.

Abril 4, 2024

Gaya kahapon, nag-stay ako nang matagal sa higaan kahit gising na ako. Nagbasa ako ng ilang articles sa book na 'Chicken Soup for the Soul." Sinikap kong mabasa kahit blurred ang paningin ko.

Nakahanda na ang almusal nang bumaba ako. Sarap-buhay, paminsan-minsan.

Bago mag-ten o' clock, umalis ako para magpa-cash in ng pambayad sa Pagibig. Nagpagupit na rin ako, bago nah-withdraw at namili ng mga pagkain.

Maghapon, gumawa ako ng video para sa YT.

Tinawagan ako ng principal. Panoorin ko raw ang performance ng Kinder na kasali sa storytelling contest.

Grabe! Namangha ako sa husay niya. Hindi ko akalaing sa murang edad, nakapag-memorize siya ng isang kuwentong pambata. May emotion at facial expressions pa. Kaya, dahil isa ako sa mga judges bukas, panalo siya sa akin. Sana hindi siya mahigitan ng kalaban.

Gabi, nag-edit ako ng science articles ni Maeven. Ni-type ko na lang habang nag-eedit.

F2F pa rin ang klase bukas, pero tuloy ang Kindergarten Festival of Talents, kaya maaga akong bibiyahe.

Abril 5, 2024

Halos wala akong tulog. Alas-3 ba naman ako nagpatunog ng alarm dahil takot akong mahuli sa engagement ko. Iyon pala, napaaga ako nang husto. Tumambay muna ako sa PITX. At sa may ABES, nakapaglugaw pa ako. Tapos, past 8 na yata nagsimula ang program.

Mabilis lang natapos. Tatlong bata lang ang nag-perform. Mas matagal pa kaming naghintay.

Nalungkot lang ako sa resulta. Wala man lang first place anf GES. Kahit pa nasa Rank 1 sa akin, sa dalawang co-judges ko, kulelat sila. Nahiya tuloy ako sa mga kaguro ko.

Past 10, tapos na ang awarding. Umuwi agad ako. Wala pang 12 nasa bahay na ako. Sa halip na matulog, nag-laptop lang ako. Maghapon na. Gumawa ako ng materials, videos, MOVs, nagsulat ng science articles, at iba pa.

Kahit masakit na ang mata ko, past 11 pa rin ako natulog. Antok na talaga ako habang nagsusulat ng nobela. Sinikap kong makapag-post ng isang chapter bago mag-off ng internet.

Abril 6, 2024

Grabe, almost 9:30 na ako namulat. Nagising na ako bandang 6 am, pero natulog uli ako.

Pagbaba ko, nasa baba na si Ion. Alam kong wala sa Emily. Hindi pa raw siya nag-almusal nang tinanong ko, kaya agad akong nagluto. Almost 10 na kami nakapag-almusal. May Numero pa kasi akong inasikaso.

Pagkatapos mag-almusal, nagdilig muna ako, saka ako humarap sa laptop para gumawa ng video.

Ngayong araw, nag-email na ako ng lahok ko para sa Palihang Rogelio Sicat 17. Sana matanggap ako para sa writeshop.

Past 2, nanood ako ng BaRaptasan sa FB Live. Sayang, nakalimutan ko! Mas maganda sana kung sa Luneta Park Open Auditorium ako nakapanood. Mainit nga lang. Pero kung nakapunta ako, nakaka-proud sana. Ngayon pala kasi ang ika-100 anibersaryo ng Balagtasan.

Ang gagaling ng mga kalahok! Napagsama nila ang rap at balagtasan. Nakaka-inspire sila!

Paat 7, hindi pa tapos ang live. Lumabas muna ako para mag-grocery. Kailangan ng pang-almusal bukas.

Pagdating ko, awarding na. Grabe! Nanalo ang bet ko. Ang gagaling kasi nila. Na-inspire ako. Kaya sa halip na nagsusulat ako ng nobela, spoken word poetry ang pinanood ko hanggang past 11. Puyat na naman ako.

Abril 7, 2024

Pagkatapos kong maglaba, hindi ako nagpahinga. Gumawa ako ng video para sa YT.

Ngayong araw, nakagawa ako ng tatlong videos. Nadugtungan ko ang nobela. At siyempre, umidlip, pero hindi yata nakaidlip.

Hapon na ako nagdilig ng mga halaman.

Bukas, F2F uli ang klase. Gumawa na ako ng activity sheet ko.

Past 12 mn, gising na gising pa ako. Nanonood ako ng SWP. Nakakaliw!


Abril 8, 2024

Alas-otso na ako nagising, pero hindi agad ako bumangon. Late na ng almusal ko. Kaya naabutan ako sa baba ng bisita ni Emily. Nakahubad-baro pa naman ako. Mabuti, naisip kong maligo na lang. Paglabas ko, nakatapis ako ng tuwalya.

Nag-stay ako sa kuwarto hanggang makaalis ang bisita. Very late na ang lunch namin. Okey lang kasi marami naman akong nagawa.

Hapon, pagkatapos kong magdilig naabutan na naman ako ng bisita ni Emily sa garden. Nahiya na naman akong umakyat dahil nakahubad-baro ako.

Late na naman ang dinner ko. Past 8 na yata umalis ang bisita. Pagbaba ko, kumakain na sila, ako maghihintay pang maluto ang sinaing. Hindi na lang uli ako nagsalita. Wala rin akong mapapala. Naisip ko na lang, "Ang sarap umalis at gumala nang mag-isa."

Abril 9, 2024

Araw ng Kagitingan ngayon! Walang pasok. Maaga akong nagising para maaga akong makabiyahe patungong Lucena. Maghahanap ako roon ng mga bato, gaya ng dati. Gusto ko lang mawala ang stress ko.

Bago ako naligo, lumabas muna ako para bumili ng catfood at almusal.

Bandang 9, nagpaalam na ako kay Emily na aalis ako. Hindi ko sinabi kung saan ako pupunta. Hindi rin naman siya nagtanong.

Alas-4 nasa Lucena na ako. Ang sarap sa pakiramdam na nakagala ako nang mag-isa. Pagkatapos kong magmeryenda sa isang food park, nag-check in sa hotel. First time ko iyon. Nagulat ako sa presyo. Ang mura! More than 12 hours ay P1120 lang. May free breakfast pa. Nakaka-relax.

Abril 10, 2024

Seven, nag-almusal na ako. Ang sarap sa feeling nang pinagsilbihan ako ng roomboy.

Before 10, nag-checkout na ako. Pumunta ako sa ilog para kumuha ng bato, na iuuwi at idaragdag ko sa koleksiyon ko.

Eleven, nakasakay na ako sa bus pauwi.

Past 2, nasa PITX. At dahil nakaplano na, nagpa-eye check up ako sa EO. Nagulat ako nang malaman kong may astimatism na ako. Kaya pala far-sighted na ako at blurred na ang mga binabasa ko. Nagulat din ako sa presyo. Inabot ng almost P9,500 ang lens, frames, at eye drop. Pero no regrets ako kasi kailangan ko naman. Deserve ko ang malinaw na mata.

Past 4 nasa bahay na ako. Wala si Emily.

After magdilig ng mga halaman, bandang 6, gumawa ako ng video. Past 7 na ako nakapag-post sa YT. At habang nanonood ng BQ, nagsulat ako tungkol sa astigmatism. Hindi ko pa na-finalize. May aayusin at idaragdag pa ako. Masakit na kasi ang mga mata ako.

Abril 11, 2024

Past 6 ako nagising dahil sa panaginip. Nabigla ang mga mata ko, kaya hindi muna ako bumangon. Nagpatak muna ako ng eye drop.

Before 7, nasa baba na ako. Habang nagkakape, gumawa ako ng PPtlT presentation para sa mga estudyante. Back to school na.

Past 8, umalis na ako sa bahay. Kagigising lang ng butihin kong asawa.

Sa biyahe, nakapag-reply ako kay Ma'am Mhy San Miguel, writing fellow ko, na ngayon ay kawani na ng National Book Development Board na gaganapin sa April 25 to 28 sa world Trade Center. Humingi siya ng detalye ko at school para mapadalhan ako ng formal invitation para sa Philippine Book Festival. Nag-post siya last week, na nag-iimbita ng mga guro at estudyante.

Past 11, nasa school na ako. Kumakain na ang mga kaguro ko, kaya kumain na rin ako. Ang bilis ng oras, e. Maya-maya, akyatan na.

Twenty-five plus lang ang pumasok na Buko. Kakaunti lang din ang attendees sa ibang section. Hindi kami nagpalitan ng klase. Maghapon akong nagturo sa Buko. Mabuti na lang may Cathecism, kaya nabawasan ang contact ko sa kanila.

Before 8, nasa bahay na ako. Nag-dinner agad ako para makapanood ng BQ. Habang nanonood, gumawa ako ng PPT para maging video. Hindi ko muna nilagyan ng audio. Nagsulat muna ako para sa Wattpad. At dahil mabilis mapagod at sumakit ang mga mata ko, huminto na ako bago mag-10. Nawala na rin naman ang koneksiyon ng internet. Sinabotahe na naman kami ng Converge.

Abril 12, 2024

Wala pang 6 am, gising na ako. Napaka-realistic kasi ng panaginip ko. Tungkol iyon sa guardian ng estudyante ko na gusto akong makausap. Pinuntahan ko raw sa bahay nila sa halip na sa school kami magkita. Kaso, iba ang hitsura niya.

Pagkatapos kong mamalantsa, nadilig ako ng mga halaman at naghanda ako ng almusal.

At dahil wala pa ring internet, past 8, umalis na ako sa bahay.

Nagulat ako kasi kinausap ako ng kaaway kong kapitbahay --si Dahak. Aniya, hinog na raw ang atis. Kailangan niyang gawin iyon para hindi ko isiping siya ang pumitas kung sakaling mawala iyon. Nice move! Open naman ako sa reconciliation, kung sakali.

Before 8:30, nasa bus na ako. Nagsulat ako. Andami kong gustong isulat, pero inuna ko muna ang nobela. Subalit, inantok ako nang nasa Cavitex na, kaya maiksi lang ang nagawa ko.

Maaga akong dumating sa school. Hindi naman dumating ang guardian na nagsabing gusto akong makausap. Naglagay na lang ako ng voiceover sa PPT ko.

Libre ang lunch namin ngayon. May birthday blowout sina Ma'am Leah at Ma'am Angelica.

Catch-up Friday ngayon! After ng storytelling, nag-Philiri kami at nag-Tofas. Haist! Ubos ang oras.

Almost past 8 na ako nakauwi. Hindi na ako nakapagsulat ng nobela. Naubos ang oras ko sa panonood ng BQ at paggawa ng PPT para sa Numero bukas.

Abril 13, 2024

Dalawang minuto akong nauna sa alarm ko. Ang hirap bumangon nang maaga. Hindi ako nasanay. Ang bigat sa pakiramdam. Gayunpaman, kailangan kong gawin para sa ekonomiya.

Dose lang ang pumasok sa Numero 6..Okey lang naman kahit wala ako sa minimum. Mas gusto ko nga ang kaunti lalo na't pasaway naman ang iba at hindi naman gumagawa at nagpa-participate.

Past 11:30, nag-buffet lunch kaming Numero facilitators sa Tramway. Sinagot na namin ni Ma'am Mel si Marekoy kasi noong absent kami, siya ang nagturo.

Sobrang busog ko nang matapos kaminsa buffet resto. Na-late na ako sa writeshop ko. Pero ayos lang kasi nakapaghintay ang mga bata. Anim silang dumating. Binigyan ko na ng toka. Writing ideas para paghandaan ang entry sa Gawad Teodora Alonso 2024.

Past 3, bumiyahe na ako patungong Antipolo para ihatid kay Zildjian ang coat, tie, at slacks na gagamitin niya sa prom. Mabilis sana ang biyahe dahil nag-LRT ako mula sa Gil Puyat hanggang Recto, at mula Recto hanggang Antipolo. Natagalan lang ako sa dyip papuntang Gate 2. Past 5 na ako nakarating kina Flor at Lyn. Mabuti, kararating lang nila mula sa trabaho. Inihatid ako ni Flor papunta kina Mj. Ako na ang nag-abot kay Zj. Sa tingin ko, sakto at bagay sa kaniya ang coat. Umalis din agad ako. Siguradong gagabihin ako nang husto sa biyahe. Hindi nga ako nagkamali. Sobrang traffic na paglabas sa Gate 2 hanggang Masinag.

Past 11 na ako nakauwi. Kumain pa kasi ako sa PITX.

Abril 14, 2024

Past 8 na ako nagising. Ako ang naghanda ng almusal kasi umalis si Emily.

Pagkatapos kong magdilig ng mga halaman, humarap na ako sa laptop. Gumawa ako ng mga learning materials, nagsulat, at iba pa.

After dinner, umidlip ako. Kahit mainit, nakaidlip ako kahit paano. Then, tuloy ang paggawa ng video hanggang sa dumating ang misis ko.

Kahit maaga akong aalis bukas, hindi naman ako nakatulog nang maaga. Napakainit talaga.

Abril 15, 2024

Past 3, umalis na ako sa bahay. Madilim pa nakarating na ako sa school. Wala pang 5 iyon. Sabi kasi 5 am ay aalis na patungong Rizal High School para sa laban ng GES softball team. Okey lang naman kasi nakatulong ako kina Sir Hermie Sir Archie sa paghahanda ng dadalhing pagkain. Naglagay ako ng palaman sa tinapay. Nakapag-almusal na rin kami bago bumiyahe.

First time kong makarating sa Rizal HS. First time ko ring makapanood ng laban ng softball. Medyo naintindihan ko na. Kaya lang natalo ang GES team. Malayong-malayo sa kalabang taga-Pasig. Kulang na kulang pa sa training ang koponan namin. First time din kasing magkaroon ng team. Okey lang, may dalawa pa silang laban.

Past 11, nasa school na kami. Doon na kami nag-lunch.

Sinabay na ako si Sir Joel sa van nila, pero paglampas sa MOA, naalala kong kailangan kong i-claim ang salamin ko sa EO.

Nagustuhan ko naman ang salamin. Hindi ko lang gusto ang doktora. Parang may itinatago sa akin. Hindi niya ibinigay sa akin ang findings ng mata ko. Tinanong ko ang grado ko, may astigmatism daw ako. Tama bang sagot iyon? Kinukuha ko ang kopya ng result, hindi niya binitawan. Hinila niya. Grabe!

Wala pang 3, nasa bahay na ako. Sobrang init,.L pero dahil antok na antok ako, nakaidlip ako. Paggisin ko, gumawa na ako ng vlogs.

Gabi, nadiskubre kong bukas na ang website para sa submission ng Carlos Palanca Memorial Awards. Sasali ako kaya kailangan ko nang maghanda ng entries.

Abril 16, 2024

Past 8 na ako bumangon. Nagdilig muna ako mga halaman bago nagkape.

Pagkatapos mag-almusal, humarap na ako sa laptop. Gumawa ako ng video, gamit ang sinulat kong science article tungkol sa astigmatism.

Bukod sa video na iyon, nagbasa rin ako ng winning entries sa Palanca para makakuha ng ideya o tips kung ano ang ipapasa ko. Sinimulan ko na ring maghanda ng entry. Kuwentong pambata muna ang inilagay ko sa word docx. Nahirapan lang ako sa paglagay ng page number. Kinailangan ko pang manood ng videos.

Ala-una, tumawag si Sir Hermie. Hinahanap niya ako. Akala niya, sasama pa ako sa Rizal High School para sa Game 2 ng softball team. Nakaidlip na sana ako, naudlot pa. Ang init pa naman.

Abril 17, 2024

Gaya kahapon, nagdilig lang ako ng mga halaman, saka humarap na ako sa laptop. Gumawa ako ng video. Nagbasa ng mga winning works sa Carlos Palanca. Hapon, naghanda ako ng entry ko sa sanaysay.

Gabi, napansin kong lumakas na ang tagas ng gripo sa laundry area. Kaya pala ang taas ng water bill namin. Naisip kong lagyan ng tapelone para matigil ang pagtagas. Aguy! Nasira lalo kasi nasobrahan yata ang lagay ko kaya may nag-crack. Binawasan ko ang lagay, pero nang hinigpitan ko, naputol naman ang thread. Hayun, tumagas! Dali-dali kong pinatay ang kuntador saka ko sinubukang kuhitin ang naiwang thread, pero wala na. Masyado nang dumikit.

Ang sumatotal, Mag-iipon na lang kami ng tubig sa washing machine tub at mag-iigib doon. Naisip kong makakatipid na kami. Hindi up-to-sawa ang ligo ni Ion. Mahirap man, pero okey lang. At least, mararanasan na ni Ion na mag-igib tulad namin dati noon. Ang gripo ay nasa sentro ng barangay. May bayad pa. Iyon ang inumin namin. Sa ilog naman kami nag-iigib ng tubig na panghugas.

Maaga akong nagpatay ng wifi para maaga akong makatulog. Nine-thirty na ang pasok namin hanggang 12:25. Shortened dahil sa mataas na heat index.

Abril 18, 2024

Five-thirty, gising na ako. Naunang magising ang mag-ina ko. Maaga rin kasi ang pasok ni Ion. May almusal na kaya mabilis akong nakapaghanda para sa pag-alis ko. Mga past 6, nasa labas na ako.

Wala pang 7:30, nasa PITX na ako. Masyado pang maaga, kaya ipinagpatuloy ko muna roon ang pagsusulat ng nobela hanggang 8:30.

Nine, nasa school na ako. Kay bilis ng oras, pasukan na agad. Ito ang unang araw sa ganito kaagang schedule. Nakakapanibago, pero okay lang kasi three hours lang ang mga estudyante.

Wala kaming palitan ng klase. Nagturo ako ng Filipino at ESP, then recess na. After kumain, nagpalinis na ako.

Okey ngayon ang Buko. Hindi sila masyadong maingay, madaldal, at pasaway. Hindi ako nagalit at na-stress.

After late lunch, naghanda ako ng PPT para sa Numero sa Sabado. Nag-recycle lang ako mula sa dating PPT. Then, nanood na ako ng survival pre-apocalypse movie. Natapos ko bago mag-alas-3.

Before 5, nasa bahay na ako. Ang init pa kaya hindi na muna ako nag-stay sa kuwarto. Nagsahod na lang ako ng tubig at nagdilig ng mga halaman, pagkatapos kung magmeryenda. Naligo na rin ako sa laundry area bago umakyat para maglagay ng grades sa cards. Card viewing bukas. Nang matapos ko, gumawa naman ako ng video. At bago matulog, nagsulat ako ng nobela. Natapos ko ang masimulan ko kaninang umaga.

Abril 19, 2024

Katulad kahapon, nagising ako nang nagising si Emily para ipaghanda ng almusal si Ion. Pero nakatulog uli ako hanggang 5:30. Six-thirty, umalis na ako sa bahay. Ang tagal ko rin kasing nasa kuwarto lang. Nahirapan din akong pumili ng isusuot.

Past 9 nasa school na ako. May burger na binigay si Ms. Krizzy, kaya kumain agad ako.

Pag-akyat namin sa silid, nag-reading kami sa Filipino. May actIvity akong binigay. Then, sa English. Pagkatapos niyon, recess na. Ang bilis ng oras. Hindi pa nga ako tapos mag-compute ay may dumating nang lola para tingnan ang card ng apo niya.

Past 1, nang matapos ang pagdating ng parents para sa card viewing. Naharap ko naman ang SF 10.

Past 3, nagkuwentuhan kaming advisers maliban kay Sir Joel, wala rin si Sir Hermie, saka nagkayayaang maghaluhalo sa Icebergs. Libre ni Ma'am Joan ang taxi patungong MOA.

First time kong makakain sa Icebergs. Mahal pero masarap. Worth it naman.

Past 4:30 na kami nakaalis doon. Sobrang lamig kasi ng aircon nila. Nakatutok pa sa amin.

Past 6 na ako nakauwi. Pagkabihis ko, nagdilig ako ng mga halaman. Hindi na tuloy ako nakagawa ang video para sa YT.

Abril 20, 2024

Nang magising ako bandang 3:30, gusto ko pang matulog hanggang 4, pero naisip ko ang Numero. Maghahanda pa ako ng PPT. Kaya hayun, bumangon na ako. Past 4, umalis na ako sa bahay. Past 6, nasa school na ako. Nag-almusal muna ako saka gumawa.

Seventeen na Grade 6 ang dumating. Kahit mainit ang panahon, sige pa rin sila. Nakakatuwa naman. Marahil natutuwa sila sa mga pa-games ko.

Naabutan ako ng principal na nagpapa-groupwork. Pero hindi ko alam na pinuntahan pala ang dalawa kong kasamahan ng perfectionist na SDS. Naka-offend ito, kaya naman nainis kaming lahat, at sumugod sa principal's office. Masuwerte ang SDS kasi nakauwi na ito kundi sa kaniya ko naiputok ang inis ko. Ang principal tuloy ang sumalo.

Natuwa sa akin ang mga kasamahan ko kasi marami akong nasabi at napairating. Isa sa mga iyon ay "Ilang minuto lang siyang nag-observe pero na-judge niya kaagad ang guro. Sana mag-devote din siya ng 3 hours para masabi niyang 'Not evident' ang hinahanap niya. Napaka-unfair naman niya." Nagulat ang lahat ng hinampas-hampas ko ang kopya ng monitoring tool na literal na pinagbasehan niya.

Sana makarating iyon sa SDS. Magbago na siya. At huwag masyadong mapagmataas.

Past 6, nadilig ako ng mga halaman. Past 7 na ako nakapagsimulang gumawa ng video.

Maaga akong inantok kaya maaga rin akong nagsara ng laptop.

Abril 21, 2024

Wala pang six, gising na ako. Gustuhin ko mang matulog uli, hindi ako pinagbigyan ng mga mata ko. Bumangon na lang ako para magkape. Habang nagkakape, nakipagharutan ako kay Herming. At pagkatapos magkape, nagsimula na akong maglaba.

First time kong maglaba nang sira ang gripo sa laundry area. Kailangan kong patay-patayin ang kuntador para hindi masayang ang tubig. Maghirap, pero mukhang makakatipid kami sa konsumo dahil hindi na tumatagas. Kaya naman inabot ng P500 plis ang bill dahil may mga tagas ang bawat gripo. Sa sobrang tagal na, talagang lumuluwag ang thread kaya kusang tumatagas ang tubig. Magdamag pa namang bukas ang kuntador.

Quarter to nine, tapos na akong maglaba. Nakapag-almusal na rin ako kaso nagluto si Emily. Humarap na ako sa laptop. Ang una kong ginawa ay DLP para sa COT 4.

Maghapon akong gumawa. Kasabay nito ang paggawa ko ng PPT. Nakasulat din ako ng kuwento, bilang spingboard ng lesson ko sa Health 4. Almost ready na ako.

Pagkatapos magdilig ng mga halaman, nag-join ako sa isang writing seminar, spearheaded ng Usad, Manunulat. Kahit may ginagawa akong iba, naunawaan ko naman ang lecture ng speaker. Nakaragdag ang mga iyon sa kaalaman ko.

After dinner, nagsulat naman ako ng nobela. Itunuloy ko lang ang nasimulan ko noong Friday. Bago mag-9:30, posted na iyon sa WP.

Maaga akong nagpatay ng wifi pero hindi rin naman ako nakatulog agad. Panay ang bulungan ng mag-ina ko sa kabilang kuwarto. Nakakainis!

Abril 22, 2024

Past 5, bumangon na ako para mag-ipon ng tubig. Naghanda na rin ako nang almusal. Akala ko, nine pa ako aalis. Panay pa ang dilly-dally ko. Naalala ko 9:30 am na pala ang pasok namin. Nagmadali tuloy akong maligo. Hindi ko na nagawan ng paraan ang malaking daga, na napatay ko sa garden. Bahala na ang mag-ina ko.

Nakakaawa palang pumatay ng daga. Naawa ako. Pero delikado kasi sa kalusugan ng mga tao. Muntik ko na ngang maapakaan kahapon. Dahil siguro sa katandaan, sakit, at gutom, nanghina na siya.

Past 9 na ako dumating sa school. Muntik na akong ma-late. Hindi na nga ako nakabili ng pang-lunch bago nag-time in. Pero mabuti na lang na hindi kasi birthday pala ng principal namin ngayon. May pa-birthday lunch siya.

Naiinis lang ako Buko nang nagsimula na ang klase ko. High blood agad ako kahit hindi pa ako nakakain ng pagkaing makolesterol. Pero sumaya ang mood ko nang nakakain na ako. Busog na busog ako. Kaya naman, inantok ako habang nag-eedit ng PPT ko, na pang-COT. Sinubukan kong umidlip pero hindi naman ako nakatulog. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.

Past 3:45 na kami lumabas sa school kasi nagkuwentuhan pa kami.

Past 5 na ako nakauwi. Namili muna ako ng kaunting pagkain at toiletries. At pagkatanggal ng pantalon at damit, nagdilig na ako ng mga halaman. Isinunod ko na ang paggawa ng vlog.

Past 6:30, nalaman kong walang F2F classes bukas hanggang April 24. Natuwa ako. Bukod sa makakatipid ako, makakapagpahinga at makagagawa ako ng learning materials.

Abril 23, 2024

Dahil asynchronous ang mga klase ngayon, nag-stay ako sa higaan hanggang past 7. Bumangon ako nang maisipan kong maglinis sa garden.

May mga pinabulok akong papel sa garden, na naging lupa na. Kailangan ko nang anihin. Hindi ko natapos kasi mainit na at pagod na ako. Itinuloy ko bandang 4 pm.

Habang nasa kuwarto ako, gumawa ako ng video. Nagbasa. Atbp. Sobrang init ngayon kaya hindi ako nakaidlip. Okey lang kasi satisfied naman ako sa bagong ayos na garden. At may nai-post akong video sa pages at YT ko. Napuri pa nga ako ni Ate Jennilyn. Magaling daw ako magkuwento. Iniba-iba ko kasi ang boses ko.

Abril 24, 2024

Nasanay na talaga ang mga mata ko sa paggising nang maaga. Alas-sais pa lang kasi ay hindi na ako makatulog uli. Bukod sa mainit na, maingay pa ang paligid. Kaya nagselpon na lang ako.

Ngayong araw, nakagawa ako ng isang video. Nakapagsimula akong magsulat ng kuwentong hango sa kuwentong bayan, na isasali ko sa palihan.

Hapon, umidlip ako habang nanonood ng YT. Siyempre, hindi na naman ako nahimbing nang husto, pero okey lang.

Gabi, pagkatapos kong magdilig, namili ako ng pagkain at iba pang pangangailangan. Ako na rin ang nagluto.

Ngayong araw, nag-sign in ako sa Inkitt. Nilagay ko ang isa sa mga nobela ko roon. Sana madiskubre na. Wala kasing biyaya mula sa WP.

Abril 25, 2025

Past 5:30, bumangon na ako para maghanda sa pag-alis. Dadalo ako sa grand opening ng Phillipine Book Festival 2. Past 7, nasa bus na ako. Nagsulat ako habang nasa biyahe. Kahit paano, may pumasok na ideya sa utak ko kahit excited ako sa event.

Pagdating ko sa World Trade Center Manila andami nang tao. Past nine na kasi iyon. Pero hindi pa ako late. Ilang minuto pa ang lumipas, saka nag-flag ceremony. Nakabili na nga ako ng dalawang books.

Grabe! Nakakalula ang dami ng publishing houses at magagandang libro. Naging impulsive buyer na nga ako. Ang mamahal naman kami. Nakabili naman ako ng discounted na mga children's books, pero mga lumang stocks na.

Nag-enjoy ako sa program. May nagbalagtasan. Sa hapon, nag-read aloud ang apat na bida ng Encantadia Chronicles: Sanggre. Dumalo rin ako sa talk tungkol sa reading. Nag-window shopping. Worth it! Kung puwede lang uli pumunta bukas hanggang Linggo, gagawin ko. Ang kaso, magastos.

Before 5, lumabas na ako. Nagugutom na kasi ako't nauuhaw. Ayaw ko nang kumain sa loob kasi ang mahal. Sa PITX na ako kumain. Pinaka-dinner ko na iyon. Pagdating sa bahay, nag-fruits na lang ako. Then, nagkape habang nagla-laptop.

Sobrang init ng kutson.. Ang hirap matulog.

Abril 26, 2024

Maaga na naman akong nagising. Okey lang, biyaya pa rin.

Nagdilig muna ako ng mga halaman bago nagluto. Mabilis akong nakapagdilig kasi pinaayos ni Emily kay Kuya Edwin ang gripo kahapon. Nagamit ko na ang hose.

Pagkatapos mag-almusal, humarap na ako sa laptop. Sa tindi ng init, nakakatuyot ng utak, balat, at laman. Pero kailangang gumawa ng mga reports sa Numero. Nang maipasa ko paggawa naman ng video ang hinarap ko.

Hapon, kahit wala ako sa World Trade Center ay parang naroon ako. Nanood ako ng live videos nila.

Gabi, itinuloy ko ang pagsusulat ng tula-kuwentong pambata na ipapasa ko sa palihan. Sana ma-finalize ko na bago ang deadline.

Ngayong araw, nag-diarrhea ako. Apat o limang beses yata akong nagbanyo. Kasabay ko si Herming. Nagsusuka siya. Matamlay siya maghapon. Kaya pala ilang araw na siyang hindi lumalabas. May Parvo yata siya kasi walant ganang kumain. Halos ayaw uminom ng tubig. At pag hinihimas ko ang tiyan niya, parang nasasaktan. Sobrang awa ko. Parang noong isang araw lang ay nagharutan pa kami. Tapos, nakabasa ako ng tungkol sa senyales na malapit nang mamatay ang pusa. Diyos ko, huwag naman sana. Sana dahil lang sa init ng panahon. Sana makarekober siya.

Abril 27, 2024

Past 6, gising na ako, bumangon kasi nang maaga si Emily. Umalis siya bandang 7 am. Bumaba na rin ako para maghanda ng almusal. Nakita kong may matubig na suka sa Herming. Nanghihina pa rin siya.

Pagkatapos kong mag-almusal, pinainom ko siya ng ang kutsara ng FVP dalandan juice. May nakita akong pagbabago da kanya. Sana magtuloy-tuloy na.

Gumawa ako ng video pagkatapos kong mag-send ng worksheet sa Numero Grade 6. Naghanda na rin ako ng MOV para makapagpasa ako bago umalis patungo sa bahay ni Sir Hermie. Birthday celebration niya ngayon.

Past 2, umalis na ako sa bahay. Mabuti, hindi masyadong mainit. Makulimlim.

Past 5, nasa bahay na ako ng Alberto. Nagulat ang mag-asawa sa maaga kong pagdating.

Sinundo muna ni Kaps si Sir Vic, saka kami kumain. Andaming handa. Hindi naman nagsidatingan ang mga inaasahang bisita.

Nag-karaoke kami, of course. Dumating din sina Sir Bruma, at dalawa pang kaibigan ni Kaps sa PVES at JRES. Kainuman din namin ang dalawang kapitbahay niya.

Abril 28, 2024

Inabot kami ng 3:30 sa labas. Ayaw pa nga sanang paawat ni Kaps kundi lang lumabas ang matandang kapitbahay para maglaba. Nakakahiya naman.

Doon na rin natulog si Sir Archie-- sa sala siya, ako sa kuwarto. Pagbangon ko bandang 7:30, nakauwi na siya. Nag-almudal naman kami at nagkuwentuhan.

Hinatid niya ako sa Kostal Market bandanh 9 am. Nakauwi ako sa bahay bandang 10:30. Hinanap ko kaagad si Herming. Galing pa siya sa labas. Siguro, narinig ang tawag ko kaya lumapit. Pero naawa ako sa kanya. Hinang-hina pa rin. Pati ang pagmeow niya ay ibang-iba na kaysa dati.

Nagtimpla ako ng FVP juice. Sinikap kong mapainom siya kahit ilang patak. Sumama siya sa akin sa kuwarto at nag-stay hanggang 3:30. Pagbaba namin, nakita ko siyang tumae sa cat litter ng itim na likido. May Parvo nga siya. Diyos ko, sana gumaling siya.

Past 12:30 na ako nag-lunch kasi umidlip muna ako. Umidlip din ako pagkaligo. Sobrang init ngayon, kaya hindi rin ako nakatulog ang mahimbing. Gumawa na lang ako ng vlog.

Natuwa sa post ng DepEd. Wala na namang F2F classes mula 29 hanggang 30. Plus holiday pa sa May 1.

Past 6, nagdilig ako ng mga halaman. Nagpatay rin ako roon ng mga lamok. At past 7, dahil napakainit pa rin sa kuwarto, sa garden ko nag-laptop. Past 8:30 na ako umakyat. Gumawa ako ng video, saka nagsulat ng nobela.


Abril 29, 2024

Kahit walang F2F classes ngayon nationwide dahil sa teribleng heat index at transport strike, maaga pa rin akong nagising. Halos sabay lang kaming nagising ni Emily. Habang nagpapainit ng tubig, hinarap ko si Herming. Mas kaunti akong nasisilip na magandang pagbabago sa kaniya. Alam ko, lumalaban siya sa sakit niya. Nang hinimas ko nga ang tiyan niya, gumulong pa siya, gaya dati nang wala pa siyang sakit. 

At sobrang tuwa ko, hindi dahil tinulutan o binigyan ako ni Emily sa garden ng almusal-- kanin, pritong itlog, at corned beef guisado, kundi dahil lumapit sa akin si Herming. Naamoy niya ang corned beef. Pinaamoy ko sa kaniya ang isang kurot. Nagustuhan niya, kaya dinamihan ko pa ang pakain sa kaniya. Tuwang-tuwa akong makita siyang kumakain.

Sa garden ako tumambay maghapon. Naglagay ako ng make-shift na bubong-- gamit ang kutina at payong. After lunch, naglatag din ako roon ng folding bed. Dahil sa sobrang init at may langaw pa, naglabas din ako ng electric fan. Doon ako nagsulat, nag-vlog, at nanood ng pelikula habang inoobserbahan si Herming. Solid na ang poop niya. Brownish pa nga lang. Sana tuloy-tuloy na ang paggaling niya.

Past 7 na ako pumasok para manood ng balita at magpasa ng MOV.

Natuwa na naman ako nang pumasok si Herming para humingi ng pagkain. Tinulutan ko siya ng hinimay na isda at manok. Gagaling na siya!

Bago ako umakyat sa kuwarto ko, nakagawa pa ako ng isang video. At pagkatapos kong manood ng BQ, gumawa uli ako ng Bato Komiks. Pangalawa na ito. 


Abril 30, 2024

Past 6, gising na ako. Ang hirap matulog nang mahimbing. 

Maaga rin akong nag-attendance. Nakapag-prepare na rin ako ng worksheet bago ako bumaba para maghanda ng almusal.

Natutuwa ako kay Herming kasi maaga pa lang ay humingi na siya ng pagkain sa akin. Magaling na siya. Thank God!

Pagkatapos kong mag-almusal. humarap na ako sa laptop para gumawa ng mga learning at reading material. Marami akong gustong gawin, pero kulang sa oras at lakas. Hindi naman puwedeng maghapon akong nakatutok sa laptop. In fact, umidlip ako kahit kasagsagan ng init. Mahangin naman sa kuwarto kasi bukas ang bintana, pero sobra talagang init kaya hindi rin ako nahimbing nang todo. Naipahinga ko lang ang aking mga mata.

Bago ako nagdilig, nakapagsimula ako ng bagong PPT na gagawin kong video.

Before 7, lumabas ako para bumili ng pagkain at magpa-cash in, na ipambabayad ko sa internet at house loan. Grabe! Halos wala nang natira sa sahod ko. Kailangan ko talagang magdagdag pa ng passive income. Sana mataggap ako sa mga sinalihan at sasalihan kong palihan at contest. 


Monday, April 29, 2024

Mula sa Titik

 Ang isang titik at isa pang titik

Ay magiging isang tiyak na pantig

Ang dalawang pantig na maririkit

Ay magiging salitang kapana-panabik

Na sa kahulugan ay hitik na hitik

Ang dalawa o tatlong salita, kapag nagsanib

Ay maaari nang magsiwalat, maghasik

At maging pangungusap na mabalasik.

 

Bawat titik ay may tunog, gaya ng kulisap

Bawat pantig ay sumisinghap, sumisiyap

Bawat salita ay nagdaramdam, nangungusap

Bawat pangungusap ay maririnig, malalasap

Ang panitikan ay kanilang pinalalaganap

Sanaysay, tula, o kuwento ay inaangat

Kaalama’t demokrasya ay natatanggap.

Pag-asa at pag-ibig ang hinahangad.

Ang Gagamba at ang Langaw

 Si Damian Gagamba’y maginoong binata

Iniirog niya’y kay gandang dalaga.

Sa kaniyang tahanan, laging dumaraan

Lumilipad-lipad sa kaniyang harapan.

 

“Magandang umaga, Binibining Langaw!”

bati ng gagamba, at siya’y kumaway.

Umirap ang langaw, ni hindi ngumiti

Lumayo pa agad, at nagmamadali.

 

Siya’y naghihintay sa may halamanan,

Ang kasa-kasama’y mga kaibigan--

Ang mga bulaklak, insekto at ibon

Araw-araw sila’y nag-aabang doon.

 

“Hayan na s’ya, Damian!” ang tili ni Rosas.

“Salubungin mo na,” ang payo ni Rosal.

“Kung puwede sana, ako’y makalipad,

Gaya ni Bubuyog, sasalubong agad.”

 

“Halika, sakay na, tayo’y papagaspas

Saan man patungo, ika’y iaangkas.”

Si Fe Paruparo, sa kaniya’y lumapit.

“Isa, dal’wa… lukso! Tatlo, apat… kapit!

 

Si Maya’y humuni, umawit’ nagbunyi

Si Tipaklong naman, tumalon, ngumiti

Ang mga bulaklak ay napapalakpak

“Galingan mo, Damian!” ang sigaw ng lahat.

 

“Binibining Langaw, saan ka pupunta?

Sasamahan kita,” alok ng gagamba.

“Saan man patungo, sasabayan kita.

 Basta’t makilala, saka… maging nobya.”

 

“Mataas ang ere ng binatang ito!

Paglipad n’ya’y peke, ‘di ba Paruparo?

Iyong kaibigan ay may kayabangan.

Pakisabi na lang, `wag akong ligawan.”

 

Bumagal ang lipad ni Fe Paruparo

Ang gagamba naman ay biglang nanlumo

“Bumalik na tayo. Masakit mabigo.”

“Huwag kang susuko. Tuloy ang pagsuyo.”

 

Nalungkot ang lahat sa balitang bitbit

Si Maya’y umawit, kundiman ang birit

Habang iba nama’y tahimik-- nag-iisip.

“Aha! Alam ko na!” bulalas ni Pipit.

 

“Ano?” tanong nila. “Ano ang gagawin?”

“Isasakay kita. Tayo’y lilipad rin.”

“Wag kang magpatawa. ‘Di iyan ang tama.

May naisip na ‘ko!” bigla s’yang sumaya.

 

Pagdating ng gabi, dadalaw si Damian

Ang dalagang langaw, nais masilayan.

Siya’y tutulungan ng mga kaibigan.

At isang harana ay pinaghandaan.

 

Si Maya’y aawit. Sasabay si Pipit.

At ang iba naman ay nagpupumilit

Sabi ng tipaklong, “Kahit ‘di bibirit,

Kahit di iindak, sasama nang pilit.”

 

“Sige, sumama ka, ika’y sumuporta.

Aking panunuyo, iyong makikita.

Pag-ibig kay Langaw, ipagtatapat na.

Do’n sa halamanan, siya ay isasama.”

 

Nang handang-handa na ang mga kulisap,

Tahanan ni Langaw, kanilang dinalaw.

Ang mga bitui’y kumikislap-kislap

Ang buwan nama’y taglay ang liwanag.

 

“O, dalagang liyag,” simula ni Maya.

“Kung ika’y gising pa, sumungaw ka sana.

Narito’y binata-- iyong tagahanga.”

 “At nais manambitan.” Si Pipit, kumanta.

 

Natanaw na nila ang dalagang langaw

“Marikit na gabi, aking binibini!

Kumusta ka ngayon?” ang kaniyang bati.

Ang dugtong pa niya'y "Aakyat ng ligaw.” 

 

“Tatapatin kita, binatang may sapot!

Huwag kang magtampo, kaya’y sisimangot.

Pag-ibig sa akin, lagyan na ng tuldok.

Hindi kita gusto.” At ito’y pumasok.

 

“Sandali lang, Langaw!” tawag ni Damian.

"Pagbigyan mo ako at ako’y pakinggan.

Malinis ang budhi, hangaring kay buti,

Kung magiging tayo, ‘di ka magsisisi.”

 

“Hambog na lalaki, huwag magmalaki.

‘Di kita pinili, bakit magsisisi?

Makabubuti pa, umalis na kayo.

Humanap ng iba, ang tangi kong payo.”

 

Gagamba’y nagitla, at parang namutla.

“Umuwi na tayo.” Si Maya’y nagyaya.

“Walang nang pag-asa.” Si Pipit, nagwika.

Sabi ni Tikpalong, “Marami pang iba.”

 

“Hindi maaari!” kan’yang galaiti.

“Ang ginawa niya’y masaki’t matindi!”

Lumapit pa siya’t kumatok sa pinto.

“Binibining Langaw, ‘di ako susuko.”

 

“Kung abutan ako ng bukang liwayway,

Iyon ay patunay, na ako’y naghintay.

Maghihintay ako hanggang dapithapon,

Makamit ko lamang, matamis na tugon.”

 

Bumukas ang pinto’t lumabas ang langaw

Arinola’y bitbit-- umaalingasaw.

“Huwag kang maghintay,” galit nitong sigaw.

“Heto ang sa iyo-- ang mapanghing sabaw!”

 

Galit na galit s’ya. “Langaw na salbahe,

‘Di mo kailangang buhusan ng ihi!”

“Makulit ka kasi,” rason ng babae.

“Pasensiya ka na, ingat sa pag-uwi.”

 

“Nang dahil sa iyong kawalanghiyaan,

Pagsuyo’y nawala, ni kapatawaran

Isinusumpa ko ang paghihiganti

Aking tutugisin iyong salinlahi.”

 

Simula nga noon, magkalabang lubos

Binibitag niya ng kaniyang sapot

Kaya, mga langaw, iwas na iwas na

Sa mga gagambang naghihiganti pa.

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...