Followers

Monday, April 29, 2024

Mula sa Titik

 Ang isang titik at isa pang titik

Ay magiging isang tiyak na pantig

Ang dalawang pantig na maririkit

Ay magiging salitang kapana-panabik

Na sa kahulugan ay hitik na hitik

Ang dalawa o tatlong salita, kapag nagsanib

Ay maaari nang magsiwalat, maghasik

At maging pangungusap na mabalasik.

 

Bawat titik ay may tunog, gaya ng kulisap

Bawat pantig ay sumisinghap, sumisiyap

Bawat salita ay nagdaramdam, nangungusap

Bawat pangungusap ay maririnig, malalasap

Ang panitikan ay kanilang pinalalaganap

Sanaysay, tula, o kuwento ay inaangat

Kaalama’t demokrasya ay natatanggap.

Pag-asa at pag-ibig ang hinahangad.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...