Ang mga naglalakihang braso o binti, makakapal na balat, at masakit na
pakiramdam ay mga problemang dulot ng filariasis.
Ito ay isang impeksiyon na nanggagaling sa mala-sinulid na uod.
Kumakalat ang uod sa mula sa katawan ng tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok patungo
sa iba pang tao.
Bukod sa dengue, isa pang nagpapalaki ng problema sa mga tao ang filariasis,
na kadalasang hindi nabibigyan ng agaran at wastong lunas. Karaniwan itong
nagsisimula sa pagkabata at nakatagong kulani, kaya hindi lantad ang sintomas
nito. Kung hindi kaagad mapigilan ang pagkalat ng mga uod sa loob ng 5 hanggang
15 taon, kusang namamatay ang mga parasitiko.
Ang kusang pagkamatay ng mga parasitiko sa katawan ng tao ang siyang
nagdudulot ng pagbara ng mga kulani. Kapag barado ng kulani ang katawan, nagiging
sanhi ito ng pagbabaluktot ng mga kamay, paa, at ibang parte ng katawan,
gayundin ng pamamanas, gaya ng malaking elepante, kaya tinatawag din itong elephantiasis.
Malaking problema ito! Subalit maaaring agapan.
Kung ang lugar ninyo ay prone sa filariasis o may mga kaso
na ng fliariasis, sumangguni na sa DOH para sa karagdagang impormasyon.
May mga rekomendadong gamot para dito, kung magpapasuri ka lang sa doktor. At
mayroon ding tinatawag na mass treatment sa mga lugar na hinihinalang
pugad ng mga lamok na may filariasis.
Kaya worry no more! Walang malaking problema sa taong hindi utak-lamok
ang kapara.
No comments:
Post a Comment