Ang Hiling ni Aryan
Habang papalapit ang kaarawan ni Aryan, lalo siyang nalulungkot. Hindi siya nasasabik sa pagtuntong niya sa ikasampung taon. Limang taon na rin kasi siyang nabibigong makamtan ang kaniyang hiling. "Aryan, ano ang gusto mong handa sa kaarawan mo?" minsang tanong ng kaniyang ina. "Kahit ano po, Mama," matamlay na sagot niya. "Aryan, saan mo gustong ipagdiwang ang kaarawan mo?" tanong ng kaniyang ina, pagkalipas ng isang linggo. "Kahit saan po, Mama," matamlay na sagot niya. "Aryan, anong hiling mo sa iyong kaarawan?" tanong ng kaniyang ina, tatlong araw bago ang kaniyang kaarawan. "Wala po, Mama," matamlay na sagot niya. "Bakit wala? Kaya ko namang tuparin anoman ang iyong hilingin." Tumango muna si Aryan. "Pero, Mama, hindi po materyal ang hiling ko." Nanlaki ang mga mata ng kaniyang ina. Tila sumakit din ang ulo nito. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo, ha, Aryan, na hindi puwedeng mangyari ang gusto mo?" "Gusto ko lang naman po siyang makasama sa bertdey ko." "Hindi na babalik iyon. Matagal ko na siyang pinalaya, pero hindi siya nagbalik. Kaya huwag ka nang umaasa." "Babalik siya, Mama, kaya sana napatawad mo na siya." "Kahit mabigat ang kasalanan niya sa atin, napatawad ko na siya noon pa, pero hindi ko iyon nakakalimutan." "Gaano man kabigat ang nagawa niya, siya pa rin ang tatay ko." "Oo, pero hindi na natin siya kailangan, Aryan! Kaya kong tumayong ama at ina sa 'yo." "Pero kailangan ko siya, Mama... Sana tuparin mo po ang aking hiling na makasama siya sa kaarawan ko." "Hindi ko na yata siya kayang makita." Kasunod ng pagtalikod ng kaniyang ina ang pagtulo ng luha niya. Pagkatapos, tumakbo siya patungo sa balkonahe. "Aryan! Aryan!" bati sa kaniya ng itim na ibon na nasa hawla. "Mina, tulungan mo ako," mangiyak-ngiyak na sabi ni Aryan. "Bakit? Bakit?" "Nami-miss ko si Papa. Sana sa bertdey ko, kasama ko siya." "Papa! Papa!" "Hanapin mo siya, Mina. Hanapin mo siya. Pakiusap." "Kruuk! Kruuk!" sang-ayon ni Mina. Lumiwanag ang mukha ni Aryan, saka masiglang tumungo sa kaniyang kuwarto. Agad siyang kumuha ng pluma at papel. "Papa, kaarawan ko na sa makalawa. Sana bumalik ka na. Gusto ka na naming makasama ni Mama. Aryan." Pagkatapos, niyang isulat iyan, nirolyo niya ang maliit na papel. Tinalian niya iyon ng pising gawa sa jute. Nagmistulang kuwintas iyon. "Aryan! Aryan!" bati ni Mina sa kaniya pagbalik niya sa balkonahe. Naglulumikot ito, na parang batang sabik na sabik na makawala sa hawla. "Pakakawalan na kita ngayon, Mina. Kapalit nito ang pagdala mo ng sulat ko kay Papa. Sana mahanap mo siya." "Sulat! Sulat!" "Oo, sulat... Umaasa akong matutulungan mo ako. Maraming salamat!" "Salamat! Salamat!" Sumilay ang malapad na ngiti sa pisngi ni Aryan. "Mahal ni Mama si Papa, kaya pinalaya niya. At kung babalik si Papa, mahal niya rin si Mama." "Kruuk! Kruuk!" sang-ayon ni Mina. "Mahal din kita, Mina. Matagal ka nang alaga nin Papa. Bago pa ako ipinanganak ni Mama, kasama ka na nila. Pero ngayon, malaya ka na." "Malaya! Malaya!" "Oo, malaya ka nang bumalik sa tunay mong tahanan at pamilya." Binuksan na niya ang hawla ni Mina. Ikinuwintas niya sa ibon ang nakarolyong sulat. "Paalam at mag-iingat ka sana." "Paalam! Paalam!" sabi ni Mina, saka lumipad palayo. Kumaway pa si Aryan kay Mina. Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman niya. Dumating ang araw na pinakahihintay ni Aryan. Maraming handang pagkain at inumin. Maraming bisita ang dumating. Masasaya ang mga kapuwa-bata niya, pero malungkot siya. Hindi pa natutupad ang kaniyang hiling. Ang inaasahan niyang bisita ay hindi pa dumarating. Gusto na niyang umiyak, nang makarinig siya ng pagbati. Tunog-ibon iyon. "Happy birthday! Happy birthday!" "Mina! Mina, nasaan ka?" nagtataka niyang tanong. Napatingin ang lahat, nang lumipad si Mina palapit kay Aryan. Dumapo ito sa kamay niya. "Sulat! Sulat!" sabi ni Mina. Hindi iyon ang ginawa niyang sulat, kaya agad niyang kinuha iyon kay Mina, saka binasa. "Maligayang kaarawan, Aryan. Bumalik na ako. Nais ko kayong muling makasama. Papa." "Papa? Papa!" Hinagilap niya ang ama. "Kruuk! Kruuk!" hiyaw ni Mina. Mula sa loob ng bahay, lumabas nang magkahawak-kamay ang kaniyang mga magulang. "Happy birthday! Happy birthday!" bati ng kaniyang ama. Tunog-ibon iyon. "Papa! Mama!" Tumakbo si Aryan palapit sa kaniyang mga magulang, saka niyakap sila. "Salamat po sa inyo, tinupad ninyo ang munti kong hiling." Nanatili si Mina kaniyang balikat. "Salamat! Salamat!" Nagtawanan ang lahat sa kadaldalan ni Mina.Followers
Sunday, February 9, 2025
Pagkakaroon ng Pagmamahal sa Kapwa
Pagkakaroon
ng Pagmamahal sa Kapwa
Mahalaga ang pagkakaroon
ng pagmamahal sa kapwa dahil ito ay isa sa mga kautusan ng Diyos sa atin. Nais
Niyang mahalin natin ang ating kapwa, kagaya ng pagmamahal natin sa ating
sarili.
Magkakaiba-iba tayo ng paraan ng pagpaparamdam ng
pagmamahal sa ating kapwa, subalit iisa lamang ang ating nais iparamdam sa
kanila. Iyon ay kung gaano sila kahalaga sa buhay natin—kilala man natin sila
nang lubusan o hindi.
Ilan
sa pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa ay paggalang sa kanilang mga karapatan, pagtutuwid
sa kanilang kamalian, pagtulong nang walang kapalit, pagpapatawad sa kanilang
pagkukulang at pagkakasala, pagrespeto sa kanilang mga opinyon, kagustuhan,
paniniwala, at prinsipyo, pagproprotekta sa kanila laban sa kasamaan at
kapahamakan, at marami pang iba.
Minsan,
hindi talaga maiiwasang magtampo, mainis, at magalit tayo sa ating kapwa dahil
labis na ang kaniyang ginawa sa atin. Pero, lagi nating tatandaang hindi
natutulog ang Diyos. Ang pagganti ng kasamaan ay hindi Niya tinatanggap.
Kailangan
pa rin nating iparamdaman sa kanila ang kabutihan at pagmamahal na galing sa
Diyos. Lagi nating isapuso na kapag ang Diyos ang pinaghugutan natin ng
pagmamahal, hindi tayo mauubusan para sa ating kapwa.
Dalawang Mahalagang Utos ng Diyos
Ang kapwa ay
kapareho ko, kapareho mo, o kapareho natin. Dapat natin silang mahalin.
Ang pagmamahal sa kapwa ay isa sa dalawang mahalagang
utos ng Diyos. Sabi Niya, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa
iyong sarili." Itinuturo nito na mahalin ang ating kapwa na gaya ng
pagmamahal natin sa ating sarili. Kung ayaw nating nasasaktan, ganoon din ang
gusto ng ating kapwa. Kaya, mahalin natin sila.
Ang pagmamahal sa kapwa ay nag-uugat sa
pagmamahal natin sa Diyos. Iniaalay natin ang ating sarili para sa ating kapwa
at sa Diyos. Ang mga halimbawa nito ay pagpapakita ng malasakit, pagrespeto, at
paggalang sa kanila. Ang pagbibigay ng halaga sa kanila ay nangangahulugang
mahal natin sila.
Maraming
paraan upang maipakita ang pagmamahal sa ating kapwa. Ang bawat isa man sa atin
ay may kani-kaniyang paraan, ngunit iisa ang layunin natin para sa kanila—ang
hindi sila masaktan.
Pag-ibig sa Kapwa
Ang pag-ibig ay hindi lamang para sa magkasintahan. Ang
pag-ibig sa kapwa ay maaaring pagmamahal mo sa iyong pamilya, kamag-anak,
kaibigan, katrabaho, kapitbahay, o hindi kakilala. Kapag nag-alay ka ng iyong
sarili para sa iyong kapwa, iyon ay pagmamahal sa kapwa.
Ang
pagkakaroon ng pagmamahal
sa kapwa ay nag-uugat sa pagmamahal sa sarili at sa Diyos. Isa ito sa mga
kautusan niya. Ang taong may pagmamahal sa kapwa ay naniniwala sa Diyos, na
isang halimbawa ng ispiritwalidad. Pinatutunayan din nito na nagpapaunlad ng pagkatao ang
ispiritwalidad. Nagiging mabuti ang pagkatao ng isang nilikha kapag siya ay
nagmamahal ng kapwa.
Napakaraming paraan upang magkaroon o maipakita ang
pagmamahal sa kapwa, gaya ng pagtulong, pagmamalasakit, paghingi ng tawad,
pagpapatawad, pag-unawa, pagpapasalamat, pagbibigay, paggalang, pagrespeto,
pagiging mabuti, at marami pang iba. Anomang ginawa mong kabutihan sa kapwa mo
ay babalik sa iyo. Sabi nga, kung ano ang itinanim ay siya mo ring aanihin.
Kaya kung nagtanim ka ng pagmamahal sa kapwa, pagmamahal din ang iyong
tatanggapin.
Ang pagmamahal sa kapwa ay pinag-uugatan ng lahat ng
kabutihan sa mundo. Kung ang bawat tao ay nagmamahal sakapwa, disin sana’y ang
ating mundo ay walang kalungkutan, walang sakit, at walang kaguluhan. Kung ang
bawat isa ay may pagmamahalan, disin sana ang mundo natin ay isang masayang
lugar para sa lahat ng nilalang ng Diyos.
Ang pag-ibig sa kapwa ang dapat na maghari sa sanlibutan.
Anomang kasamaan sa mundo ay magagapi nito.
Pagmamahal sa Kapwa
Pagmamahal sa Kapwa
“Ito ang Aking utos sa inyo: magmahalan kayo katulad ng pagmamahal Ko sa
inyo.” Iyan ang mababasa sa Juan 15:12. Iniutos ng Diyos na magkaroon ng
pagmamahalan ang bawat tao.
Sinabi pa ni Hesus, “Wala nang pag-ibig na
hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang
mga kaibigan.” (Juan 15:13). Maaaring magkakaiba-iba ang pakahulugan natin sa
tekstong ito, pero ang nais lamang ng Diyos na mahalin natin ang kapwa natin
bilang sarili nating buhay.
Ang Bibliya ang pinakamagandang aklat na
dapat na binabasa ng bawat isa. Naglalaman ito ng mga kuwento, aral, kautusan,
mensahe tungkol sa Diyos. Maraming teksto rin ang nagsasaad tungkol sa
pagmamahal sa kapwa.
Sabi sa Kawikaan 3:29, “Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong
kapuwa, na palibhasa't tumatahang tiwasay sa siping mo.” Ang pag-iisip o
pagpaplano ng ikapapahamak ng kapwa ay ipinagbabawal nito.
Sa Exodo 20:16, sinabi ring huwag tayong magbibintang sa ating kapwa.
Kung hindi tayo sigurado sila ang maysala, huwag natin silang paratangan. At
lalong huwag nating ipasa ang ating mga kasalanan at kamalian sa ating kapwa.
Sinasabi sa Mateo 19:19 na “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina;
at, Iibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.” Kung hindi natin
kayang lapastangan ang ating sarili, hindi rin natin magagawa iyon sa ating mga
magulang at kapwa. Pinag-uutos nga sa Mateo 22:39, na ibigin natin ang ating
kapwa na gaya ng ating sarili. Sabi naman ng iba, wala raw tayong kakayahang
magmahal ng kapwa kung ang sarili natin mismo ay hindi natin minamahal at
nirerespeto.
May mga karahasang
nagaganap sa sanlibutan at sangkatauhan, subalit ayon sa Levitico 19:18, “Huwag kayong manghihiganti o magtatanim laban sa
mga anak ng inyong bayan, kungdi iibigin ninyo ang inyong kapuwa na gaya ng sa
inyong sarili: ako ang Panginoon.” Ipasa-Diyos na lamang natin ang
paghihiganti.
Kahit si Cristo, noong Siya’y
nagkatawang-tao, ay inibig niya tayo nang lubos. Sabi nga sa Mga Taga-Efeso 5:2,
“At magsilakad kayo sa pag-ibig, gaya rin naman ng pag-ibig ni Cristo sa inyo,
at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na hain at handog sa Dios upang
maging samyo ng masarap na amoy.”
Ang pagmamahal natin sa ating kapwa ang magpapakita kung gaano natin
kamahal si Jesus. Pinatutunayan iyan sa 1 Juan 4:7. Sabi
rito ni Juan Bautista, “Mga minamahal, mangag-ibigan tayo sa isa't isa:
sapagka't ang pag-ibig ay sa Diyos; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Diyos,
at nakakakilala sa Diyos.”
Ang pagmamahal sa kapwa ay maaari ring makita sa pagdadamayan,
pagmamalasakit, at pagtutulungan. Sabi nga sa Mateo 25:35, “Sapagka't ako'y
nagutom, at ako'y inyong pinakain; ako'y nauhaw, at ako'y inyong pinainom;
ako'y naging taga-ibang bayan, at inyo akong pinatuloy.” Maging matulungin,
mapagkanlong, at mapagmalasakit sa ating kapwa. Sapagkat ayon sa 1 Juan 2:10. “Ang
umiibig sa kaniyang kapatid ay nananahan sa liwanag, at sa kaniya'y walang
anomang kadahilanang ikatitisod.” Tinutukoy ng ‘liwanag’ ang Diyos, pagmamahal
ng Diyos, at mga salita ng Diyos.
Kaya, mga kapwa ko, mahalin
natin ang ating kapwa-- gaano man sila kabuti o kasama, sapagkat ang umiibig sa
kapwa, sa Diyos ay may naghihintay na biyaya
Ang Mansiyon
Ang Mansiyon
Palaging tinitingala ni Sherwin ang mansiyon, na
malapit nang matapos. Gandang-ganda siya sa napakagarang bahay na iyon. Ang balita
pa niya, lilipat na ang pamilyang nagmamay-ari niyon. Hiniling niya sa Diyos na
sana may maging kaibigan siya sa isa sa miyembro ng pamilya.
Araw-araw nga siyang nasa harapan ng grandiyosong
tahanan iyon hanggang sa makita niyang may mga nakatira na sa loob.
“Come, Sweetie, come!” Agad na pumasok ang mayamang
bata, pagkatapos nitong makarga ang puti at mabalahibong aso.
Nalungkot siya nang hindi man lamang siya nginitian
ng kaedad niyang lalaki nang nginitian niya ito. Pero, mas nalungkot siya nang
magparinig ito sa kaniya.
“Nakakatakot lumabas, Sweetie. Maraming masasamang
loob doon. Dito na lang tayo sa loob ng bakuran natin,” sabi nito nang maisara
ang magarang gate na bakal.
Kinabukasan, bumalik si Sherwin sa harap ng
mansiyon. Naniniwala kasi siyang mabuting tao ang kaedad niyang bata roon.
Gusto niya itong maging kaibigan. Naniniwala rin siyang hindi lahat ng mayaman
ay matapobre.
Takot na takot man si Sherwin,
nagawa pa niyang sumagot nang mahinahon. “Oo, mahirap lang ang pamilya ko. Wala
kaming mansiyon kagaya ninyo, pero hindi po ako masamang tao… Humahanga lang po
ako sa bahay ninyo.” Tumalikod na siya upang umuwi, pero huminto siya at muling
nagsalita. “Gusto lang sanang kitang maging kaibigan, kaya lang hindi pala
talaga puwede. Totoo nga ang sabi ng mga magulang ko. Halos lahat ng mayayaman
ay matapobre.”
Hindi na niya narinig na nagsalita ang batang
mayaman. Ipinangako niyang hindi na siya pupunta roon kailanman.
Lumipas ang ilang araw, nagkasalubong sila sa
kalye. Malayo naman iyon sa mansiyon, kaya wala siyang narinig na masakit na
salita mula sa batang mayaman, na may kargang aso.
Pagbalik ni Sherwin, nakita niyang muli ang batang
mayaman. Nakadukwang ito sa imburnal na walang takip.
“Sweetie! Sweetie, nasaan ka na? Tulungan ninyo
ako,” mangiyak-ngiyak na sabi nito,
Nagtama ang mga mata nila, pero walang salitang
lumabas sa mga bibig nila. Dumiretso si Sherwin ang maisip niya ang masasakit
na salitang natanggap niya mula rito.
“Sweetie, nandiyan ka pa ba? Sweetie?”
Narinig ni Sherwin ang tahol ng aso. Awang-awa
siya, kaya bumalik siya upang iligtas ito. Tahimik siyang bumaba sa imburnal.
Paglabas niya, karga na niya si Sweetie.
“Sweetie, you’re safe! Thanks, God!” sabi ng batang
mayaman. Awang-awang ito sa alagang aso, kaya hindi niya namalayang nakalayo na
si Sherwin. “Salamat, Kaibigan! Ako nga pala si Richie,” sigaw nito habang
sinusubukan siyang habulin. “Punta ka sa bahay bukas. Laro tayo ng
Playstation.”
Kinabukasan, ipinakilala ni Richie si Sherwin sa
mga magulang at ate nito. Noon niya napatunayang hindi lahat ng mayayaman ay
matapobre. Napakababait ng pamilya ni Richie. Hindi niya naramdamang mahirap
lamang siya. Hindi rin ipinaramdam sa kaniya ng mga ito na may pinipiling
bisita sa mansiyon.
Nagtuloy-tuloy ang kanilang pagkakaibigan. Minsan,
isinasama rin ni Sherwin ang kaibigan sa kanilang munting tahanan. Hindi na rin
niya nakitaan si Richie ng pagiging mapag-alipusta. Kasundo nito ang mga
kapatid niya at marunong gumalang sa mga magulang niya
Saturday, February 1, 2025
Ang Aking Journal -- Enero 2025
Enero 1, 2025
Past 8 na
ako nagising. Kulang sa tulog, pero okey lang. Maganda ang pasok ng bagong
taon. Alam kong magiging mas payapa, maayos, at maunlad pa ang pamumuhay namin.
Panalangin kong patuloy kaming maging malusog, malakas, at masaya sa
pang-araw-araw na pamumuhay. Dalangin kong maging masaya at masigla ako sa
pagtuturo. At ingatan ako sa biyahe araw-araw. Umaasa ako sa mas marami pang
tagumpay at oportunidad.
Kahit New
Year, hindi ako tumigil sa pagsusulat. Maghapon akong nagsulat. Sinikap kong
matapos ko ang pagsulat ng Aralin 2 ng Q4, na tungkol sa pagsulat ng dula.
Nakaidlip din ako kahit paano. At nasimulan ko ang Aralin 4 ng Q4, na tungkol
sa pagsulat ng nobela. Nahirapan akong mag-conceptualize, at paghahanap ng mga
akda ko na maaaring gamitin. Mabuti na lang, nadiskubre ko ang A1 na puwedeng
magbuod sa nobela ko. Mas napadali ang trabaho ko. Pero, siyempre, hindi ko
inasahan ang gawa nito. In-edit ko pa rin, kaya nagmukhang sarili kong gawa.
Enero 2,
2025
Kahit
mabigat sa kalooban na pumasok kahit dapat ay sa Enero 6 pa, pumasok pa rin
ako. Sa kabila nga ng pag-alburuto ng sikmura ko, lakas-loob akong bumiyahe.
Nanghihinayang kasi ako kung aabsent ako. Sayang naman ang service credit na
ipambabayad ko. Sa ibang pagkakataon ko na lang gagamitin.
Anim lang
na estudyante ko ang pumasok. Expected ko na iyon, pero hindi ganoon kakonti.
Pero okey lang kasi kailangan kong magsulat. Mabuti na lang, kinuha sila ni
Ma’am Vi. Nasolo ko ang classroom. Tahimik akong nakapagsulat. Ang hirap pa
naman ang aralin ko—pagbubuod ng nobela. Ang hina pa ng signal doon kaya ang
tagal kong makapag-research. Pero kahit paano ay nakausad ako. May natapos ako
bago nag-uwian.
Kanina ko
lang nakuha ang Christmas packages ko mula sa city hall at sa Barangay 18, na
nasa office na. Hindi talaga ako nakakalimutan ni Kap. Baby. Iniwan ko ang mga
bigas. Bukas ko naman sila bibitbitin pauwi.
Past 2;30,
nasa bahay na ako. Umidlip muna ako hanggang bago mag-5, saka ako humarap sa
laptop para magsulat. Grabe, past 9 na ako nakatapos ng Aralin 4 ng Q4. Bukas,
sana makarami ako sa school. At sana, huwag munang magsipasok ang Love. Sa
Lunes naman talaga dapat ang resume. Balewala lang tuloy kanina ang pasok. Wala
pang 25% ang pumasok sa halos lahat ng grade at section. Haist! Hindi na naman
naging matalino ang departamento.
Enero 3,
2025
Ikalawang
araw na pagpasok sa unang linggo ng bagong taon. Bago ako pumasok sa school,
may nakita akong dalawa kong estudyante. Akala ko darami pa sila kasi maaga pa
naman, iyon pala ay isa lang ang pumasok sa gate. Umuwi ang isa. Kung hindi ko
hinarap kahapon ang lima, mas lalong hindi ko hinarap ang isa. Hinayaan ko
siyang makipaglaro ang isang estudyante sa Charity. Dalawa na silang walang
common sense. Nag-aksaya lang ng oras. Haist! Kasalanan talaga ito ng mga utak
sa itaas ng department.
Gayunpaman,
thankful ako kasi nakapagsulat ako kahit paano. Naabla lang kasi nag-meeting
kaming Garde 6 teachers. Matagal-tagal din iyon kasi pinag-usapan namin ang
tungkol sa ASEAN at Filipiniana attire every Monday, saka NAT at graduation.
Kumain din kami nang salo-salo kasi may biyaya galing sa birthday girl—Ma’am
Rem.
Past 11:30,
nagtipon-tipon naman kaming Tupa group. Nag-pictorial kami, suot ang bluse
printed shirt na regalo sa aming lahat ni Ms. Krizzy. May print na
quote—"True friends stab you in the front.” Then, umuwi na kami. Nakisakay
ako sa service ni Ms. Krizzy kasi bibili sana ako ng ASEAN-attire sa Baclaran.
Kaso, wala akong Nakita. Puro Filipiniana naman ang naroon. Naisip kong suotin
ko na lang ang blue Barong ko. ASEAN din naman iyon.
Natagalan
ako sa BPI para mag-encash ng check na galing sa Triumphant Publishing. Past 3
na tuloy ako nakararating sa bahay. Sinubukan kong umidlip, pero nabigo ako.
Kaya, nagsulat na lang ako. Mahabang pagsusulat ang naganap hanggang sa matapos
ko bandang 10 pm. Sinend ko kaagad para may gagawin si Ma’am Cristina. Sana
lang ay huwag na niyang ibalik sa akin para matapos ko na ang Q1 at 2.
Enero 4,
2025
Past 8:30
na ako nagising. Kung hindi pa nga kumatok ang ka-sister ni Emily, hindi pa ako
magigising> Ang sarap kasing matulog. Bukod sa malamig, wala na akong Numero
class. Nag-resign na ako nang tuluyan kahapon. Pumayag na si Mareng Janelyn,
total may papalit naman sa akin—si Ma’am Melizza. Iyon kasi ang usapan
namin—kapag Sabado na uli ang Numero class, hindi na ako. Mabuti na lang din
kasi kailangan kong magpokus sa textbook writing. Malaki ang tiwala sa akin ni
Ma’am Chioco. At malaking obligasyon ang iniaatang niya sa akin. Buong libro ng
Filipino 6, ako na ang gagawa kasi umurong ang tatlo niyang writers.
Blessing-in-disguise siguro sa akin ni Lord. Kailangan kong tanggapin at
pagsumikapan. Mahirap pero nakaka-challenge. Halos akong natututo sa mga
ginagawa ko. Thank you, Lord!
Maghapon
nga akong nagsulat hanggang maipasa ko ang limang chapters sa Quarter 1. May
tatlo pa kasi akong naliligaw na aralin. Hindi ko alam kung sa anong quarter
niya iyon isasama. Mabuti na lang, nag-chat si Ma’am Cristina. Aniya, ang isang
aralin ay para sa Q2. Ang dalawa pa ay sa Q1, kaya may kulang pa akong isang
lesson sa Q1. Nasimulan ko na ang Q2, pero itinigil ko muna para makompleto ko
na ang Q1. At mabuti na lang din na nagbigay siya ng specific na panitikan na
ii-integrate ko sa lesson. Mas madali sa akin na mag-conceptualize. Sana, wala
nang masyadong revision ang Q1 ko. Gusto ko na ring magpokus sa journalism.
Malapit na rin ang DSPC.
Enero 5,
2025
Past 8 na
ako nagising. Ayaw ko pa nga sanang bumangon, kaya lang kailangan kong maglaba.
Kaya naman habang nagsasahod ng tubig sa washing machine, nag-almusal na ako.
Mabuti, nagluto na si Emily. At habang naglalaba, gumawa ako sa garden. Bihira
ko na lang mabisita ang garden ko, pero maayos pa naman.
Past 9:30,
tapos na akong magsampay. Agad akong humarap sa laptop para magsulat. Wala
akong inaksayang oras. Kaya bandang 2 pm, naipasa ko na ang kay Ma’am Cristina
ang hinihingi niyang kakulangan sa Q1. Nagawa ko nang umidlip, bago magsulat
ulit. May changes na naman siyang ibinigay. Okey lang naman kasi wala pa naman
akong nagagawa. Mas nakabuti nga para may direksiyon na ang mga aralin ko.
Hindi ko poproblemahin ang integration. Ang mahirap lang ay ang pagsusulat ng
bagong akda, gaya ng mito, epiko, dula, sci fic, tulang pambata, at dulang
pambata. Napakarami pa. Tiyak akong wala akong nakahandang akda para sa mga
iyan. Ibig sabihin nito, matatagalang matapos ang isang aralin.
Naisingit
ko ang workout at panonood ng balita sa pagsusulat. Past 9 ko na nasamsam ang
mga naka-hanger kong damit sa laundry area. Haist! Bukas, back to reality na.
Sana maging maayos na ang pakikitungo ko sa mga bata, and vice versa.
Enero 6,
2025
Mabigat ang
katawan ko nang magising ako ng alas-3 ng madaling araw. Kung hindi lang talaga
kailangang magtrabaho, hindi ako papasok. Ang sarap pang matulog. Nakakatamad!
Nawala ang sigasig ko sa pagtuturo, simula nang mainis ako sa Love. Mabuti na
lang, medyo nagbago ang pakiramdam ko. Pero pagdating ko sa school, nasigawan
ko sila kasi ang iingay nila. Sinabihan ko sila, “Hindi pa rin talaga kayo
nagbabago. So, hindi rin ako magbabago ng pakikitungo ko sa inyo.”
Nagturo ako
sa lahat ng section. Enjoy na enjoy ko ang lesson. Ramdam kong halos lahat sila
ay nag-enjoy rin. Ang bilis din ng oras. Uwian na agad.
Past 2:30,
nasa bahay na ako. Humarap agad ako sa laptop para sumulat, pero nang inantok
ako, pinagbigyan ko. Mga 5 na uli ako humarap. Sinikap kong matapos ang isang
aralin, at masimulan ang isa pa. Isiningit ko ang paggawa ng pre-test sa NAT.
Buwisit na `yan. Istorbo sa extra income ko.
Nakagawa
ako ng 15 items. Twenty-five items pa. Itinigil ko na muna para mapokusan ko
ang textbook writing. Sa school ko na lang gagawin ang test, bukas.
Enero 7,
2025
Katulad
kahapon, parang ang bigat nang katawan ko nang nagising ako. Bitin na bitin
talaga ang tulog ko. Three hours lang yata. Mabuti na lang, inspired akong
pumasok kahit paano. Gusto ko rin naman kasing ibalik ang dating ako. Deserve
ng mga estudyante ang gurong matatag na kagaya ko—ang gurong masayang magturo.
Kanina sa
mga klase ko, tahimik ko silang napasulat ng talata, base sa lesson namin
kahapon. Nagawa ko naman ang pag-type ng pre-test sa NAT. Medyo nahirapan lang
akong magsalita dahil sa plemang makapit. Kakaiba na ang boses ko. Parang
nahirapan na rin akong huminga.
Pagkatapos
ng klase, umuwi na rin ako agad. Past 2:20, nasa bahay na ako. Ginusto kong
umidlip, pero hindi pa ako antok, kaya bumangon ako, saka nagsulat. Pagkatapos
kong kumain ng dalawang tokneneng at uminom ng First Vita Plus guyabano,
inantok na ako. Pinagbigyan ko, at successful naman ako. Kundi lang ako
ginising ni Emily para humingi ng pera, hindi pa ako magigising. Okey lang
naman. Almost 5 na iyon.
Agad akong
humarap uli sa laptop para tapusin ang isang aralin para mabuo na ang Q1. At
bago mag-8 pm, naipasa ko na iyon kay Ma’am Cristina. Saka lang din ako
nag-workout. Nakatatlong routine lang ako ng leg workout. Saka na ako babawi.
Nakalimutan
ko palang mag-send ng Gcash kay Hanna. Nag-chat na tuloy sa akin. Dapat noong
Monday pa pala ako nag-send.
Enero 8,
2025
Grabe, past
3 am, ilang minuto ang lumipas nang magising ako, nag-send si Ma’am Cristina ng
file na iri-revise ko. Ibig sabihin, pinagpuyatan niya ang pag-eedit. Galing!
Minamadali na niya talaga ako. Parang na-stress tuloy ako.
Past 4,
nag-send ako ng GCash kay Hanna bago ako sumakay ng bus.
Masigla
akong nature sa lahat ng klase. Na-miss ko ang dating ako. Kaya naman, na-enjoy
nila ang storytelling ko, gayundin ang lesson ko. Naunawaan nila. Sana palaging
maganda ang mood ko.
Pagtapos ng
klase at pagkatapos kumain, umuwi agada ko. Past 2 or before 2:30, nasa bahay
na ako. Hindi muna ako umidlip. Sinikap kong tapusin ang revision na pinagagawa
ni Ma’am Cristina. Actually, wala namang revision. Nagdagdag lang ako ng mga
panimula at pangwakas salita, gayundin ng pre at posttest. After one hour,
naipasa ko na. Saka ako umidlip.
Grabe! Kung
kailan ako nakatulog ng isang oras, saka naman ako parang magkakasakit. Pero
Nawala rin nang bumangon ako para magdilig at magmeryenda.
Pinaspasan
ko ang pagsusulat ng ikaapat na aralin. Kailangan ko pa kasing makasulat ng
apat, pagkatapos nito.
Past 10,
tumigil na ako sa pagsusulat. Almost done na rin ang Aralin 4. Tatlong
pagsasanay na lang, at Valuation. Bukas sa school, habang may writing
activities ang mga estudyante, sana makagawa ako nito. Kaso, magsusulat pala
ako ng grades sa card.
Enero 9,
2025
Ready na
sana akong magpasulat ng kuwento sa Love kasi application iyon ng aralin namin kahapon,
kaya may binigay na pre-test papers ng NAT si Ma’am Vi. Naalala ko, simul ana
pala ng NAT namin. Every week pala kaming mag-rereview—every Friday. Ginawa
lang munang Huwebes o ngayon, kasi bukas ay bigayan ng card.
Hayun,
ipinatigil ko ang pagpapasulat. Tahimik lang ako pero naiinis ako. Hindi ko
gusto ang may NAT. Gayunpaman, sumunod ako. Naglipatan pa kami ng klase. Okey
na sana, kaya lang may class pictorial naman. Naputol ang palitan at na-delay
ang pag-test. Haist!
Mabuti na
lang mabilis lumipas ang oras. Kaya lang, nag-meeting kaming Grade 6, kasama
sina Sir Erwin at Ma’am Amy. Nag-reinstate na siya. Ibibigay naman sa kaniya
ang EPP namin, kaya mababawasan na ako ng Kalbaryo.
Past 1:30
na ako nakapag-lunch dahil sa meeting. At past 3 na ako nakauwi. Hindi na ako
nakaidlip. Andami pang mga asungot. May humingi sa akin ng pictures ko na
naka-formal at naka-Barong. Ang naka-formal ay para sa region office. May
awarding doon ng GTA2024 sa January 17. Ang naka-Barong ako ay request ni Sir
Dave. Nagtaka nga ako bakit ngayon lang siya nanghingi. E, nakapagpa-tarpaulin
na. Naisip ko, baka sa annual report ng principal.
Inuna ko
munang gawin ang card, bago ako nagsulat at nag-work out. Nang natapos ko ang
Aralin 4 ng Q2, nagsimula agad akong magsulat ng Aralin 5 ng Q2. Dula ang
springboard, kaya medyo mahirap. Pero madali na lang kasi iko-convert ko na
lang ang isang kuwento into script.
Before
9;30, antok na ako. Nag-off na ako ng laptop, at nahiga.
Enero 10,
2025
Ang sarap
talagang matulog, kaya nang magising ako bandang 3 am dahil sa alarm, natulog
uli ako hanggang 3:30. Nabitin pa nga ako, pero bumangon na ako. Mga 4 am,
ready na akong bumiyahe.
Nagpalitan
kami ng mga klase kahit shortened lang. Nakatatlong section lang ako kasi may
cathecism ang 4th section kong dapat turuan. Mabuti na lang kasi
nakapagsulat pa ako.
Past 10:30,
itinuloy ko ang HRPTA meeting kahit kakaunti pa lang ang dumating. Late sila
dumating. Paisa-isa pa. Hindi na ako nagalit. Sanay na rin naman ako sa style
nila. Sinikap ko na lang na maiparating ko sa kanila nang maayos ang agenda. So
far, wala naman silang negatibong reaksiyon sa kahit anong issue, lalo na sa
mababang grades ng anak nila.
Past 11:30,
nayaya ako ng Grade 1 teachers na makisalo sa kanilang lunch. Nagpakain si Ate
Bel.
Past 1, may
journalism meeting kaming mga trainers. Sa January 20 na kasi ang DSPC.
Alanganin at kulang na kulang pa ang training ng mga bata, pero positive pa rin
kami.
Past 2,
niyaya ako ni Ma’am Mel na samahan siya sa pagbili ng digital camera sa Ayala
Malls-Manila Bay para sa collab. Pero bago iyon, sumama muna ako sa kaniya sa
EDSES kasi may journalism meeting siya. Pagdating doon, kinuha ako as isa sa
mga technical working group (TWG) ni Ma’am Macawile. Pumayag naman ako kasi
first time kong maging TWG.
Almost 6 na
kami natapos sa meeting. Madilim na nang nakarating kami sa Ayala Malls.
Nahirapan kaming maghanap ng digicam na mura at may less 21 mega pixels. Pero
dahli kailangang makabili na, kinuha na namin ang Yashica brand na worth
P5,950.
Past 9 na
ako nakauwi kasi kumain muna ako sa PITX. Ang haba pa ng pila sa bus, at
ma-traffic pa sa Zeus. Kakaunti na lang tuloy ang nagawa ko. Hindi ko pa
natapos isulat ang Aralin 5. Pero mabuti na lang at walang pasok sa Lunes.
Titiyakin kong matatapos ko na ang Q2.
Eleven-thirty,
nag-off na ako ng laptop. Time to rest na!
Enero 11,
2025
Past 8 na
ako nagising. Sobrang sarap sa pakiramdam ng may kompletong tulog. Salamat kasi
nawala na sa akin ang Numero. Okey lang na wala kong P1,000 per Saturday, hindi
naman ako stress dahil sa toxic na trabaho at mga bosses.
Pagkatapos
mag-almusal nagpokus na ako sa pagsusulat. Sinikap kong matapos ang Aralin 5
upang masimulan ko kaagad ang Aralin 6.
Maghapon
akong nagsulat. Umidlip lang ako bandang 1:30 to 4:30. Kung kailan naman ako
nakatulog, saka naman ako nakaramdam ng panghihina. Mabuti na lang, agad ring
nawala nang humarap uli ako sa laptop.
Workout
lang ang pahinga ko kaya bandang 11 pm, natapos ko na ang Aralin 6. Yehey!
Dalawa na lang. Sana matapos ko na bukas ang dalawa.
Enero 12,
2025
Past 8 na
ako nagising. Sapat naman ang tulog ko.
Bago ako
nag-almusal, nagdilig muna ako ng mga halaman. Pagkatapos, humarap na ako sa
laptop. Mga 9 am na yata iyon. Gusto kong matapos ang Aralin 7 kahit mahirap
dahil mito ang springboard.
Marami
naman akong natutuhan sa gawaing ito. Hindi ko inakala na makakasulat ako ng
tatlong mito ngayong araw.
Natapos ko
ang Aralin bandang 3:20, kaya umidlip muna ako hanggang past 4:30. Pagbangon
ko, nagmeryenda lang ako, then action again! Grabe, epiko na ang springboard.
Kinailangan kong mag-research tungkol dito bago ako nagsulat. At gaya sa mga
naunang springboard, marami akong natutuhan. Naisulat ko na yatang lahat ang
uri ng panitikan.
Past 11,
huminto na ako sa pagsusulat. Nasa 50% na ako ng Aralin 6. Susulat pa kasi ako
ng dalawa pang epiko para sa tatlong pagsasanay at sa evaluation. Tiyak,
maipapasa ko na ang limang aralin bukas, na kakulangan sa Q1.
Enero 13, 2025
Maaga akong bumangon
para maglaba. Ready na rin ang almusal kasi naghanda si Emily bago umalis.
Pumasok naman si Ion. Solo ko ang bahay. Wala pang nine o' clock, tapos na
akong maglaba. Agad akong humarap sa laptop para magsulat ng epiko ng Ibalon.
Since naisulat ko na ang bahagi ni Baltog, ang mga bahagi naman nina Handiong
at Bantong ang isinulat ko ngayong araw. Mas madali kong nagawa ang dalawa kung
ikukumpara ang nauna. Bukod kasi sa naunawaan ko na ang epiko, nagamay ko na
rin ang teknik. Andami ko talagang natutuhan mula sa textbook writing. One o'
clock, bago ako nag-lunch, naipasa ko na kay Ma'am Cristina ang huling limang
aralin. Gusto niya pa akong sumulat ng Grade 3. Kako, hindi ko na kaya kasi may
journalism pa ako. Aniya, 'Baka may kilala kang intersado na kasing galing at
kasing bilis mo.' Nakakatuwa naman. Pero wala akong mairekomenda sa kaniya.
Natulog ako nang wala nang alalahanin dahil sa wakas ay nakatapos na ako sa
textbook project Hihintay ko na lang ang revision.
Past 6, lumabas ako para
magpagupit. Natagalan ako nang kaunti kasi dalawa pa ang nakapila. Saka
nahirapan akong maghanap ng barber shop. Pag-uwi ko, nakapamili na ako ng
pagkain at ulam. Nagluto at naghapunan na rin ako. Pagkatapos, nag-post ako sa
Blogger at Wattpad ng mga akdang isinama ko sa textbook. Karamihan sa mga iyon
ay bagong sulat. Ang iba, recycled-- mula sa kuwento, naging dula. Or mga
dating tula na pinaganda at nilagyan ng mga bahagi ng pananalita at idyoma.
Enero 14, 2025
Three-thirty dapat ako
magigising dahil iyon ang naka-set sa alarm clock, pero 3:19 pa lang, gising na
ako. Nasanay na yata akong magising ng 3 am. Haist! Past 4, nasa nakaalis na
ako sa bahay.
Sakto lang ang dating ko
sa school. Kinalap ko ang colloborative team namin ni Ma'am Mel pagdating niya
para mag-training. Mabuti, kompleto sila. Mahirap. Para kaming nanibago.
Nag-discuss uli ako. Idagdag pa ang klaseng dapat kong bantayan. Lumipat-lipat
ako. Tapaos, umalis si Ma'am Mel para sa height ang weight ng taekwondo
players. Solo ko ang lahat.
Before 1, nag-meeting pa
kaming Grade 6 teachers sa principal. Past 1:20 na ako nakabalik sa training
room. Natuwa naman ako kasi nakabuo sila ng apat na pahina. Kaunting bilis pa.
Ewan ko lang ang content kung puwede na.
Past 4, umuwi na kami.
Bukas na kami nagpi-print. Past 6 na ako nakauwi. Wala na akong pahinga. Habang
nagkakape, nagplano naman ako para sa school paper. Sasali kami sa division
contest. Sa February 4 na ang deadline. Na-estimate ko na magagahol kami kaya
agad na akong nagsimulang mag-layout bago ako nag-workout, nanood ng BQ, at
kumain. Past 9, nag-off na ako ng laptop.
Enero 15, 2025
Katulad kahapon, sa
school na ako nag-almusal. Mas mahaba ang tulog ko ng half hour.
Nagpasulat lang ako sa
ibang section. Sa Charity, nagbasa ako ng science fiction ko at nagpa-activity
pagkatapos. Sa Peace, nagsaway lang at nag-walkout. Hindi ko sila tuturuan
bukas para ma-miss uli nila ang presensiya ko. Grabe kasi kong magpasaway, wala
nang respeto.
Nahirapan akong
mag-train sa collab team. Andami pa nilang dapat natutuhan pero hindi ko
mapokusan isa-isa. Kulang na kulang talaga ang ilang araw na training. Bahala
na.
Past 4, umuwi na kami.
Past 6 na ako nakauwi sa bahay. Nakalampas pa kasi ako sa Umboy. Kinailangan ko
pang maglakad pabalik. Haist!
Pagdating sa bahay,
habang nagkakape, gumawa ako ng PPT para bukas. Ginamit ko ang kuwento ng
estudyante kong special child. Humanga ako sa kakayahan niyang magsulat. Sana
siya nga ang gumawa. At dahil assignment iyon, ang duda ko ay tinulungan siya
ng kaniyang mga magulang. Pero kahapon, sinulat na niya ang title niyon—Nakita
ko. Kaya alam kong story ideya niya iyon. Mahilig pala siya sa science fiction,
especially sa robot.
Enero 16, 2025
Excited akong nagturo sa
mga klase ko kahit abala ako sa journalism training. Mabuti, dumating na agad
si Ma’am Mel—may katuwang ako.
Naistorbo naman ang
pagtuturo ko nang ipinatawag ang mga journalism trainers para sa maikling
training. Nakain din ang 40 minutes namin. Hindi ko naturuan ang Peace. Okey
lang naman kasi pasaway sila kahapon.
Nagpalinis na ako sa
classroom namin pagkatapos ng meeting. Ang bilis ng oras! Uwian na agad. Pero
hindi pa ako nakauwi agad kasi dumalo pa kami nina Ma’am Mel, Sir Archie, at
mga taekwando players namin sa awarding ceremony sa PZES. Nakita ako roon ni Bubot,
ang dati kong tutee—kapitbahay namin. Champion siya sa taekwando sa secondary
category. Hindi ko alam na sa Pasay siya nag-aaral.
Past 2, dumalo naman
kami ni Ma’am Mel sa final meeting ng DSPC 2024 bilang technical working group
(TWG) member. Nalaman ko ang aking assignment doon, pero hindi malinaw sa akin
kung ano ang gagawin ko sa photojournalism English. Siguro, usher lang ako.
Past 4:20, tapos na ang
meeting. Past 6:30 na ako nakauwi sa bahay. Agad akong humarap sa laptop para
gawin ang revision ng Q2 na ni-send sa akin ni Ma’am Cristina kanina. Kaunti
lang naman ang idaragdag ko.
Past 10 pm,
naipasa ko na kay Ma’am Cristina ang revision ko ng Q2. Sana tapos na ang
trabaho ko. At sana mabayaran na ako ng kakulangan na P25k.
Enero 17,
2025
Four-thirty,
nang gumising ako, hindi upang pumasok sa eskuwela, kundi para pumunta sa DepEd
NCR. Ngayon isasagawa ang Gawad Teodora Alonso Recognition Rites sa Varella
Hall. Mga 5:30, umalis na ako sa bahay.
Hindi ko
yata first time makapunta roon. Naalala ko, kung hindi ako nagkakamali, may
pinahatid sa akin ang isang supervisor na document, kaya nakapasok ako roon.
Noong sa QC ang RSPC, sa katabing school ginanap, nakapunta uli ako roon. Pero
this time, makakapasok ako sa isang hall nito.
Akala ko,
mahuhuli pa ako ng dating. Ang layo kasi ng nilakaran ko, mula sa Landmark o
MRT station. Pagdating sa SM North EDSA, pagod at pawisan na ako. Gusto ko
sanang maghabal, pero may hinihintay ang isang rider na Nakita ko. Kaya
naglakad na lang ako. Mabuti na lang, napakalapit na lang. Sayang sana ang pera
ko. At saka, hindi pa ako late. Andami pang wala. Wala pa nga sina Sir Aldrin
at Ma’am Laudette. Hindi rin pala nakapunta si Ma’am Mina dahil daw sa DFOT.
Sus! Ramdam ko ang panlalamig niya sa akin.
Naroon na
sina Sir Nath at Sir Alvin, kasama nila ang tatlong estudyanteng winners. Hindi
naman nila kasama sina Sir Lou at Ma’am Lhyn. Nagpa-selfie agad si Sir Alvin
bago ako naupo sa intended place ko.
Ramdam ko
ang prestige ng venue at event habang naghihintay ako. At nang nagsimula na,
lalo nan ang nag-talk ang Librarian II ng CLMD, na si Ms. Nancy C. Mabunga,
na-touch ako. Nakakaiyak ang pagsaludo niya sa mga writers. Aniya, hindi madali
ang pagsulat ng kuwento.
Awarding
na! Ako ang pinakahuling ginawaran ng sertipiko. Parang ako ang highlight.
He-he. Iba talaga ang pakiramdam kapag nakatatanggap ng prestihiyosong
pagkilala. Pagsusumikapan kong makatanggap muli sa susunod na taon, lalo na’t
nagsimula na silang pahalagahan ang mga illustrators at writers. At natuwa ako
sa plano nilang magkaroon ng writeshop para sa mga writers.
Before 11
am, tapos na ang awarding. Pinag-lunch na kaming awardes para makauwi na. Hindi
na pala kami kasali sa consultative meeting. Siyempre nga naman… para sa
librarians, PDo, at EPS lang iyon.
Past 11,
sumabay na ako kina Sir Alvin sa paglabas sa Deped NCR. Nag-picture muna kami
sa harap ng main office.
Past 2 na
yata ako nakauwi sa bahay. Natulog ako ilang minute pagkatapos kong magbihis.
Bawing-bawi na ako sa puyat.
Six-thirty,
nag-chat ako kay Ma’am Cristina. Tinanong ko kung anong ‘tema’ ang sinasabi o
hinihingi niya. Pinaunawa naman niya sa akin, kaya nagawa ko agad. Hayun,
nakahinga na ako nang maluwag at nakapag-workout.
Enero 18,
2025
Past 8 na
ako nagising. Grabe ang panaginip ko—para akong gising lang. Gumagawa ako ng
libro. Parang nagsusulat lang uli ako ng textbook. At medyo hi-tech ang gamit
ko. Touch screen-like ang sinusulatan ko. Pumipindot lang ako sa pader,
na-eedit ko na. Parang may liwanag mula sa projector, kaya naka-register ang
text sa wall. Pero bakit na-eedit ko sa wall? May lumalabas pang keys sa wall
kapag nais kong mag-edit. Hi-tech!
Pagkatapos
kong mag-almusal, hinarap ko na ang laptop. Nag-send ako ng lecture, pointers,
samples, at iba pa sa collab GC namin. Online ang training namin ngayon at
bukas para paghandaan ang laban sa Lunes. Sana Manalo kami.
Then,
ginawa ko muna ang SALN ko, saka ako gumawa ng periodic test sa Filipino 6.
Maghapon ko itong ginawa. Sinubukan kong matulog, pero hindi ako nakatulog.
Past 7 pm, tapos ko na ito. Handang-handa na itong i-submit. Kailangan ko na
lang i-edit bago ipasa.
Enero 19,
2025
Past 7 ako
nagising. Ginusto kong matulog uli pero hindi na ako pinagbigyan ng mga mata
ko. Okey lang naman kasi kailangan kong maglaba.
Past 7:30,
pagkatapos mag-cell phone, naglaba na ako. Naisingit ko ang pagkakape. Habang
nagkakape, napansin ko ang makulay na ibon sa ibabaw ng pader. Uhaw siya, kaya
sinisipsip niya ang mga tubig sa mga halaman ko. Mabuti, nakapagdilig na ako.
Gusto ko sanang mahuli, pero hindi ko nagawa. Sana makabalik na lang siya sa
gubat.
Past 9,
tapos na akong makapaglaba at makapagsampay. Humarap agada ko sa laptop para
magsulat (sana). Kaya lang, naenggangyo akong panoorin sa YT ang ‘Mga Batang
Riles.’ Hayun, tuloy-tuloy na hanggang past 5. Umidlip lang pagkatapos kumain.
Paggising ko, nood ulit at meryenda.
Past 5:30,
tumambay muna ako sa garden. Bago mag-6, umakyat na ako kasi malamok. Nagsulat
ako ng nobela para makapag-update ako sa Inkitt. I’m sure, may nag-aabang na.
Before 9:30, nakapag-post ako ng isang chapter.
Enero 20,
2025
Before 6,
nasa school na ako. Naroon nang lahat ang young journalists, na lalaban sa
collaborative publishing, sports writing, at photojournalism. Hinintay namin si
Ma’am Mel. Nahirapan siyang makakuha ng rider. Past 6:30 na siya dumating, pero
okey lang kasi hindi naman agad nakapagsimula pagdating namin sa EDSES. Andami
pang kaekekan ang nangyari.
Ako, bilang
TWG, hindi ko alam ang gagawin ko. Pabalik-balik ako sa room ng mga
photojournalist-English dahil doon ako naka-assign. Pero dahil nakaka-boring
mag-stay sa labas, at walang maupuan, bumabalik agad ako sa grupo.
Past 1 na
ako nabigyan ng trabaho. Pinatawag ako sa conference hall. Akala ko, kakain
lang ako, iyon pala magsasalin ako ng mga pictures mula sa memory cards ng
camera patungo sa laptop—with proper label. Ako rin ang naatasang mag-send
niyon sa mga judges. Nakakapagod, pero worth it naman. Isa pa, trabaho iyon. At
least, si Ma’am Macawile na ang nag-utos sa akin. Alam niyang may nagawa ako.
Past 4,
nakabalik na kaming collab team sa school. Tuwang-tuwa ako sa mga ibinida ang
mga young journalists. Confident silang mananalo sila. Sana nga. Ibang-iba sila
noong 2023 na laban namin. Napatunayan nila na kapag nakinig at nag-take notes
ay talagang may maisusulat.
Past 6:30
na ako nakauwi. Kahit antok na antok ako nang nasa bus ako, hindi na ako
nagpahinga o nahiga. Sa halip, gumawa ako ng mensahe para sa collab team ko.
Binigyan ko sila ng assignment para makasulat ng articles para sa school paper
na gagawin namin. Due na iyon sa February 4, kaya kailangan naming gumawa
araw-araw. Positive at willing naman silang gumawa.
Nag-workout
ako habang nanonood ng balita at BQ.
Enero 21,
2025
Bago mag-6,
nasa school na ako. Kinumusta ko ang mga estudyante ko. Doon na rin ako kumain
ng almusal habang naglilinis sila. Maalikabok ang kuwarto namin dahil sa
pag-install ng fire sprinkler.
Past 6,
nasa baba na kami para hintayin ang mga trainers na sasama sa EDSES para 2nd-day
journalism contests.
Past 7,
nandoon na kami. Matagal kaming naghintay sa pagsisimula. Mga 1 hour siguro
kaming naghintay.
Sa
kalagitnaan ng program, inantok ako. Ipinakikilala lang naman noon ang mga
judges, kaya pinagbigyan ko. Mabuti, napakinggan ko pa ang talk ng keynote
speaker na si Jerry Gracio. Inspiring din ang kaniyang talk.
Before 12,
umalis kami nina Ma’am Mel at Ma’am Venus. Bumili kami ng pagkain sa McDo.
Kumain muna kami roon habang naghihintay sa order namin.
Matagal
ulit kaming naghintay pagkatapos kumain. Nahuli ang feature at column writers
kasi 1 pm na sila pinasulat. Mukhang delikadong hindi makapasok ang mga
trainees ko, batay sa kanilang kuwento. Di bale, at least, ginawa nila ang best
nila. Panalo na sila sa karanasan.
Past 2:00,
bumalik kami sa school para ihatid ang mga bata. Umalis din agad kami ni Sir
Erwin.
Past 4,
nasa bahay na ako. Wala nang pahinga, agad akong nag-send ng topic assignment
sa Sinag team. Inspired silang magsulat, kaya inspired din akong ituloy ang
paggawa ng school paper.
Pagkatapos
niyon, gumawa ako ng Powerpoint sa Filipino 6. Balik-klase na ako bukas.
Enero 22,
2025
Maaga akong
nakarating sa school. Doon na rin ako nag-almusal. Nakipagkuwentuhan pa ako sa
ilang estudyante ko bago ako nagsimulang magklase.
Mabilis
talaga ang oras sa umaga! Nagawa ko namang ituro nang maayos ang lesson, na
inihanda ko. Napasulat ko pa sila ng salaysay gamit ang mga pariralang
pang-abay.
Pagkatapos
ng klase, kumain agad ako sa classroom ni Ms. Krizzy. May dala siyang ulam.
Kanin na lang ang binili ko.
One pm,
gumawa kami ng school paper. Hindi dumating sina Jhon Marly, Fairyley, at
Monica. Pero masikap namang gumawa ang mga dumating. Nakikita ko ang eagerness
nilang makapasa kami sa February 4.
Wala pang 4
pm, umuwi na kami. Pagod at antok na rin kasi ako. Past 5:30, nasa bahay na
ako. Nagdilig muna ako ng mga halaman bago nagkape at nagmeryenda. Hindi na ako
nagpahinga. Tuloy-tuloy na ang gawa. Naghanda ng PPT. Nagbasa, nagtsek,
nagrekord ng mga quizzes habang nagwo-workout.
Enero 23,
2025
Masaya sana
akong pumasok, pero nang nagsimula na akong magklase, nainis na ako. Hindi nila
nasagot ang simpleng tanong ko sa review. Nangangahulugan iyon na hindi nila
isinapuso at isinaisip ang lesson namin kahapon. Sobrang disappointed ako, kaya
nagsermon lang ako. Pero hindi natapos ang period ko, nagpagawa pa ako ng
activity. Natuloy ang sermon ko sa VI-Hope, pero mas nakapagturo ako.
Natuloy ang
graduation pictorial ngayong araw. Naisingit din ang pictorial ng teachers per
grade level. At bago nag-lunch, nagkaroon ng faculty pictorial.
Ala-una,
gumawa kami ng school paper. Active na active ang mga young journalists.
Natutuwa ako sa kanilang ipinakita. Sana magtuloy-tuloy na habang inspired ako.
Kaya nga kahit pagdating ko sa bahay, gumawa pa rin ako. Gusto kong matapos
nang ito maaga, bago ang deadline of submission. Isa pa, kailangang ma-edit
nang maayos.
Enero 24,
2025
Hindi ako
nagalit sa mga klase ngayong araw. Bukod kasi sa nasa mood ako magturo, e,
halos hindi ko napasukan lahat. Ang isang section ay nasa iba’t ibang classroom
dahil absent ang adviser. Ang isang section, nakain ang oras ko ng catechism.
Hayun, andami kong naging vacant. Tatlong klase lang ang napasukan ko.
Ikatlong
araw ng paggawa namin ng school paper ngayon. May absent na dalawa, pero
nakagawa naman ang mga naroon. Natutuwa ako sa eagerness nilang matapos iyon.
Excited din silang dumalo sa awarding bukas. Kaya lang ay bad trip ako sa
principal. Nagmaramot na naman ng pondo ng gobyerno para sa mga estudyante,
guro, at paaralan. Huwag daw isamang lahat ang mga journalists. Hindi rin niya
pinasama si Ma’am Mel, gayundin si Ma’am Ivy dahil sa Numero. Nag-decide akong
hindi na rin pumunta. Toxic talaga ang journalism sa GES. Kulang sa suporta at
pagpapahalaga ang principal. Akala niya, sariling pera niya ang ginagastos.
Wala pang 4
pm, umuwi na kami. Nakarating ako sa bahay bago mag-6 pm. Agad akong nanonood
ng sinusubaybayang kong mga teleserye. Nag-workout din ako, saka nag-layout ng
school paper.
Enero 25,
2025
Past 7 nang
nagising ako. Natulog uli ako. Wala talaga akong balak dumalo sa awarding.
Ramdam kong hindi naman mananalo ang collab team at column writers ko. Besides,
masama ang loob ko sa principal ko.
Bago mag-8,
nag-chat ako sa GC namin. Kako, late na ako nagising. Napilitang ihatid ni
Ma’am Mel ang collab team ko sa EDSES. Iniwan na kasi ng ibang trainers kasi
akala nila darating ako.
Habang
naghihintay ng result ng awarding, nag-layout ako. Excited akong matapos na
ito. Ito ang tunay kong panalo.
Bago
mag-one, tapos na ang awarding. Wala talaga akong panalo. Second placer na
naman ang dalawang Science writers. At may 4th at 7th
place winners pa kami. Okey na iyon. At least, may dalawa kaming makakarating
sa RSPC.
Ngayong
araw, bukod sa layouting, nakapag-gardening din ako. Naibenta na kasi ni Emily
ang tri-bike niya kaya inayos ko ang mga halaman. Nanood din ako ng
‘Incognito.’ At siyempre, umidlip ako. Gabi, gumawa ako ng PPT ng summative
test ko sa Lunes.
Enero 26,
2025
Past 8 na
ako bumaba para maglaba. Mabilis ko lang natapos, pero hindi pa nakapaghanda ng
almusal ang maybahay ko. Past 9:30 na ako nakapag-almusal.
Pagkatapos
kong magawan ng PPT ang summative tests para bukas at sa Martes, gumawa naman
ako ng PPT, gamit ang isang kuwentong pambata. Nag-voiceover pa ako, kaya past
11 am na ako nakapag-post.
Sumulat
naman ako ng isang chapter ng nobela, na para sa Inkitt account ko. Nai-post ko
iyon bandang hapon na kasi natulog ako sa hapon.
Bandang
7:25, nakapagsulat naman ako ng isang chapter ng superhero novel ko sa Wattpad.
Siyempre, naisingit ko sa mga gawaing ito ang pagwo-workout. Kahit paano, may
nakikita at nararamdaman akong changes sa katawan ko. Kahit gaano kabagal,
changes pa rin ang mga ito.
Enero 27,
2025
Ang sarap
nang matulog, pero nang tumunog ang alarm bandang 3;30, napilitan akong
bumangon. Kailangang magtiyaga para sa mga mag-aaral at sa pamilya ko.
Ako ang
pinakaunang dumating sa school. Nag-lock ako sa classroom habang nag-aalmusal
para hindi ako maistorbo ng Love. Ang bilis nga lang ng oras. Hindi na ako
nakaidlip.
Nagpa-summative
test lang ako ngayong araw. Walang stress sa discipline. Takot silang
ma-minus-an. Andami ko ring vacant time kaya nakakuwentuhan ko sina Ma’am Madz
at Ma’am Vi.
Libre ang
lunch ko ngayon. Nagpakain si Ma’am Madz dahil sa pagkapanalo ng trainees niya
sa journalism.
After
class, tumambay naman ako sa classroom ni Ms. Krizzy habang kumakain sila ni
Ate Bel. Nakisubo rin ako nang patapos na sila kasi andami pang ulam at kanin.
Then, nakisabay na ako sa service niya patungon Buendia.
Past 2:30,
nakauwi na ako. Umidlip agad ako. Past 4 na ako bumangon para magmeryenda.
Ang bilis
ng oras! Nag-record lang ako ng scores ng Love at nanood ng videos about
e-book, madilim na agad.
Hindi na
muna ako nag-layout. Tinatamad akong tapusin ito dahil sa pagkatalo namin at sa
lack of support ng principal.
Enero 28,
2025
Second day
of the summative test. Naging maayos uli ang pag-conduct ko nito.
Maaagang
pumasok si Ma’am Mel kasi babantayan niya raw ako. Alam kong tungkol iyon sa
pagtakas ko kahapon. Bakit wala raw ako kahapon? Pinasulat niya ang ilang
member ng Sinag team kahapon. Bago ako umuwi, nilapitan niya ako at ilang
writers. Sinabi kong sa bahay na lamang kami gagawa. Magbibigay ako ng
assignment sa team.
After
class, umuwi agad ako. Wala sina Ms. Krizzy at Ate Bel sa tambayang classroom.
Kagaya
kahapon, natulog ako hanggang past 4:30. Naistorbo lang ang tulog ko dahil sa
tawag ni Emily. Nagpapabarya ng pera. Nabuwisit ako!
Habang
nagkakape, nagbigay na ako ng topic and task assignment sa team. Interested na
ulit akong tapusin ang diyaryo. Para na lang ito sa collab team ko. Gusto kong
maging proud sila sa sarili nila pagkatapos nito. At next year, sisiguraduhin
kong iba na ang sistema. Ayaw ko nang maulit ang mga maling practice.
Enero 29,
2025
Walang
Chinese New Year ngayon, walang pasok. Past 7 ako nagising. Hindi na ako
nakatulog ulit, kaya nag-cell phone lang ako hanggang 8 am. Past 8:30 na ako
nakapag-almusal kasi inuna ko muna ang pagdidilig ng mga halaman.
Pagkatapos
mag-almusal, hinarap ko naman ang layouting ng Sinag. Isiningit ko ang
pagwo-workout. Wala naman gaanong gagawin sa Sinag kasi si Lhera lang ang
nagpasa ng article. Itinuloy ko na lang din ang pag-edit sa article ni Jeus, na
ipinasa kagabi. At nagsulat ako ng isang article para makaragdag. Siyempre,
nakapaghanda ako ng PPT para bukas.
Maghapon na
akong natulog. Nanood ako ng horror movie pagkatapos kong magmeryenda.Past
6:30, nanood na ako ng balita.
Pagkatapos
manood, nakita ko ang FB post ng Smart Kids Books, na isinusulong ng 8Letters.
May call for submissions sila. Interesado ako kasi may anthology book naman ako
sa 8Letters, at nakikita kong papalago na rin ito. Kaya naman, gumawa agad ako
ng cover letter at author’s bio. Napili ko na rin ang akdang ipapasa ko. Sa
Sabado na lang ako magsi-send.
Enero 30,
2025
Mas nauna
pa akong nagising kaysa sa alarm ko. Hindi naman ako excited pumasok. Ayaw ko
lang na mapasarap ako sa tulog. Gusto kong pumasok. At ayaw kong ma-late.
Sa school
pa ako nakapag-almusal. Hinayaan ako ng pupils ko na kumain sa classroom nang
wala sila sa loob.
Wala sana
akong planong mag-pull out ng mga bata para sa paggawa ng school paper, kundi
lang dumating nang maaga si Ma’am Mel. Hayun, game na game naman ang mga Sinag
team. Nilagare ko rin ang klase. Pabalik-balik ako sa mga classroom ko saan may
iniwan akong activity. Naisisingit ko ang editing.
Past 1,
bumalik ako sa 5th floor para ipagpatuloy ang paggawa ng school
paper. Si Jhon Marly lang ang dumating. Haist! Siguro, napagod na ang young
journalists ko. Okey lang naman kasi marami pa naman akong na-accomplish.
Napaguhit ko rin si Jhon Marly. Ang tantiya ko, nasa 80% na ang school paper.
Ginanahan din akong gumawa kasi nagyaya si Ma’am Mel. May sobrang pera daw ang
journ, kaya magsa-Samgyup kami nina Sir Erwin. Hayun nga, past 6, pumunta na
kami sa pinakamalapit na Samgyup house. Inabutan kami roon ng past 7:30. Busog
na busog ako. Before 9:30, nakauwi na ako.
Walang
internet connection. Hindi ako nakapanood ng mga teleserye. Pero okey lang kasi
inaantok na rin naman ako.
Enero 31,
2025
Last day of
the month ngayon, at Friday pa, kaya masigla akong pumasok. May NAT review kami
ngayong araw. Nagawa kong mapatahimik ang lahat habang may test. Marami rin
akong vacant kasi may cathecism. Nakakuwentuhan ko paisa-isa sina Ma’am Madz,
Ma’am Wy, at Ma’am Vi.
Nabuwisit
naman ako sa Grade 5 na kapartner namin sa room. Naglilinis pa nga lang kami,
naroon na sa labas. Silip sila nang silip. At maiingay pa. Pinagalitan at
sinigawan ko nga. Sobrang galit ko talaga kanina. Naawa ako sa puso ko. Sana
magbago na sila. Matuto na rin sana ang adviser, na huwag munang paakyatin.
Ipunin nila sa ground ang mga Grade 5. Aakyat lang sila kapag alam nilang
pababa na kami. Nakakairita kasi ang ingay nila. Apektado rin ang Love ko.
Lunch time,
nagsalo-salo kami nina Papang, Ms. Krizzy, at Ate Bel. Panay ang tawanan namin.
Past 1,
nasa 5th floor na uli ako—sa labas ng classroom ni Ma’am Mel para
mag-layout. Dumating sina Jhon Marly, Christine, at Ashanty. Natuwa ako sa
kanila kasi talagang gumawa sila at nakapag-ambag ng articles. Almost done na
ang school paper namin.
Past 5,
umuwi na ako. Ayaw kong maipit sa traffic. Past 6:45, nasa bahay na ako. Agad
akong nagkape at naghapunan, habang nanonood ng mg ana-missed kong teleserye
kagabi. Past 11:30 na ako natapos
manood. Pero hindi na naman ako nakapag-workout.
Ang Aking Journal -- Marso 2025
Marso 1, 2025 Past 4 am, bumiyahe na ako patungong school para dumalo sa BSP Day Camp sa aming paaralan. Isa ako sa mga scouter na magha...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...