Followers

Sunday, February 9, 2025

Dalawang Mahalagang Utos ng Diyos

 

Ang kapwa ay kapareho ko, kapareho mo, o kapareho natin. Dapat natin silang mahalin.  

            Ang pagmamahal sa kapwa ay isa sa dalawang mahalagang utos ng Diyos. Sabi Niya, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili." Itinuturo nito na mahalin ang ating kapwa na gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili. Kung ayaw nating nasasaktan, ganoon din ang gusto ng ating kapwa. Kaya, mahalin natin sila.

 Ang pagmamahal sa kapwa ay nag-uugat sa pagmamahal natin sa Diyos. Iniaalay natin ang ating sarili para sa ating kapwa at sa Diyos. Ang mga halimbawa nito ay pagpapakita ng malasakit, pagrespeto, at paggalang sa kanila. Ang pagbibigay ng halaga sa kanila ay nangangahulugang mahal natin sila.

Maraming paraan upang maipakita ang pagmamahal sa ating kapwa. Ang bawat isa man sa atin ay may kani-kaniyang paraan, ngunit iisa ang layunin natin para sa kanila—ang hindi sila masaktan.

No comments:

Post a Comment

Takbo!

Takbo!   Tumakbo tayo para sa kalusugan Ngunit huwag nating takbuhan Ang problemang pinagdaraanan Bagkus harapin nang buong katapa...