Ang pag-ibig ay hindi lamang para sa magkasintahan. Ang
pag-ibig sa kapwa ay maaaring pagmamahal mo sa iyong pamilya, kamag-anak,
kaibigan, katrabaho, kapitbahay, o hindi kakilala. Kapag nag-alay ka ng iyong
sarili para sa iyong kapwa, iyon ay pagmamahal sa kapwa.
Ang
pagkakaroon ng pagmamahal
sa kapwa ay nag-uugat sa pagmamahal sa sarili at sa Diyos. Isa ito sa mga
kautusan niya. Ang taong may pagmamahal sa kapwa ay naniniwala sa Diyos, na
isang halimbawa ng ispiritwalidad. Pinatutunayan din nito na nagpapaunlad ng pagkatao ang
ispiritwalidad. Nagiging mabuti ang pagkatao ng isang nilikha kapag siya ay
nagmamahal ng kapwa.
Napakaraming paraan upang magkaroon o maipakita ang
pagmamahal sa kapwa, gaya ng pagtulong, pagmamalasakit, paghingi ng tawad,
pagpapatawad, pag-unawa, pagpapasalamat, pagbibigay, paggalang, pagrespeto,
pagiging mabuti, at marami pang iba. Anomang ginawa mong kabutihan sa kapwa mo
ay babalik sa iyo. Sabi nga, kung ano ang itinanim ay siya mo ring aanihin.
Kaya kung nagtanim ka ng pagmamahal sa kapwa, pagmamahal din ang iyong
tatanggapin.
Ang pagmamahal sa kapwa ay pinag-uugatan ng lahat ng
kabutihan sa mundo. Kung ang bawat tao ay nagmamahal sakapwa, disin sana’y ang
ating mundo ay walang kalungkutan, walang sakit, at walang kaguluhan. Kung ang
bawat isa ay may pagmamahalan, disin sana ang mundo natin ay isang masayang
lugar para sa lahat ng nilalang ng Diyos.
Ang pag-ibig sa kapwa ang dapat na maghari sa sanlibutan.
Anomang kasamaan sa mundo ay magagapi nito.
No comments:
Post a Comment