Followers

Friday, October 9, 2026

Ang Aking Journal -- Setyembre 2026

 Setyembre 1, 2026

Ilang araw din akong nagigising nang late, kaya nang nagising ako bandang 3 am kanina, parang gusto ko pang bumalik sa higaan. Kulang na kulang ako sa tulog kasi almost 11 pm na ako nakatulog kagabi. Gayunpaman, kailangan kong pumasok dahil may term exam kami ngayon.

 

For the first time, sa labing-anim na taon kong pagtuturo sa Gotamco, ngayon lang nag-one-is-to-one ang ratio ng test paper at estudyante. Dati-rati, sa papel sila nagsasagot. Ginagamit talaga nang tama ng bagong principal ang MOOE.

 

Naging maayos naman ang unang term exam. Gaya ng dati, maiingay ang mga estudyante at mabibilis magsagot ang iba. Tungkol sa ingay, hindi sila makaubra sa akin. Pinapansin ko kaagad. Wala lang talaga akong magawa sa mga estudyanteng 5 minutes lang kung magsagot ng 40-item test. Palibhasa, poor reader at hindi talaga makabasa ang ilan. Haist!

 

Pagkatapos ng term exam-day 1--- ten:thirty-five ang uwian-- nag-stay na ako sa classroom ni Ma'am Mel kasi may mga papeles pa kaming aayusin. Kumain muna kami, saka ako nag-asikaso.

 

Past 1:30, habang hinihintay si Sir Joel, pinag-warm-up ko na ang mga baseball player. Pagdating niya, siya naman ang nag-train. Nanood lang ako at nagmasid. Kahit paano, marami akong natututuhan.

 

Inabot kami ng past 6 doon. Natrapik na tuloy ako, saka inabutan ng mahabang pila sa PITX.

 

Past 8 or almost 8:30 na ako dumating sa bahay. Nagkape na lang ako, saka kumain ng siopao na binili ko sa Baliwag Lechon. Solb na!

 

Pagkatapos ng 'The Master Cutter,' umakyat na ako para magpahinga.

 

 

 

 

Setyembre 2, 2026

Huling araw ng term exam. Naging mabilis ang pagsusulit, pero andaming kaganapan bago ang uwian.

 

Una, sinabihan kami (Ma'am Mel at ako) ni Sir Erwin kung bakit wala kaming colloborative publishing team. Galing siya sa principal's office. Kaya, nag-usap-usap kaming tatlo.

 

Pangalawa, pumunta kami ni Ma'am Mel sa classroom ni Ma'am Madz para kausapin ang mga dating collab team. Pumayag naman ulit silang lumaban ulit.

 

Pangatlo, pumunta kami sa principal office para makipag-usap tungkol aa collab team at upang humingi ng tatlong araw an full day training dahil aaralin pa namin ang Scribus. Pumayag naman ang principal. Very supportive siya sa journalism. Siya nga ang nanghikayat na magkaroon ng collab team, since bago rin naman sa lahat ng team o school ang ganitong app. Nakuha ko naman ang punto niya, kaya pumayag na ako.

 

Pagkatapos magpauwi, nagkaroon naman kami ng problema sa isang member ng team. Bigla itong umayaw. Nakapagpasa na kami ng registration form (with picture niya). Hayun! Natataranta kami sa pagkontak sa adviser at nanay, pero ang sumatotal, ayaw na niya talaga.

Past 12 na kami nakahanap ng kapalit. Mabuti pumayag, pati ang tatay.

 

Past eleven, nablgkaroon kami ng journalism trainers' meeting. Nakapaglabas ako roon ng saloobin nang sabihin ni Ma'am Mel na hindi contest ang school paper, pero required gumawa kapag ilalaban sa RSPC.

 

Kako, "Required pala, e 'di dapat ang mag-a-RSPC ang gumawa. Hindi nga ako nanalo pero ako ang gumawa. Tapos kapag nagkasakit ka blah blah... pahirapan pa." Alam ko may mga natamaan. Legit naman kasi ang hinaing ko. Akk ang tagagawa pero sila naman ang nakinabang. Kaya sabi ko, ang mga nanalo ang gagawa. Seryoso."

 

Isa pang problemang kinaharap namin ay na-expired na ang Microsoft Office ng isa namjng laptop. Inutusan ako ni Ma'am Mel na magtanong sa office. Sabi ng mga clerk, puntahan ko raw ang ICT. Hayun, kahit hindi ko siya feel, hinarap ko siya. Tinanggap naman niya ang task niya. At ang pinakatulong niya ay maghapon ng parent na expert sa ganoong technical problem. Tatay siya ng bago naming member. Pumayag naman na magbigay ng serbisyo.

 

Naging maaayos naman ang unang kompletong training namin. Sobrang hirap nga lang ng Scribus, kaya wala lang output. Kahit ako, aabutin siguro ng isang linggo bago ko mamaster ang app.

 

Past 4, umuwi na kami. Kaya ko pa sanang mag-stay, gaya kahapon, kaya lang pinauwi na pala ni Sir Joel G ang baseball team namin. Mabuti, nakapunta ako sa training bandang 2 pm. Nakapag-stay ako roon nang 10 minutes bago ako bumalik sa collab publishing training.

 

Past 6, nasa bahay na ako. Agad akong nagkape at nagmeryenda. Wala akong maayos na lunch, kaya gutom na gutom ako habang nasa biyahe.

 

Pagkatapos ng meryenda, humarap ako sa desktop para maghanda ng fact sheet para sa column writers ko bukas. Nakapagpasa rin ako ng masterlist ng learners ko para sa financial assistance.

 

 

 

Setyembre 3, 2026

Umulan nang malakas nang pababa na ako sa carousel bus. Parang may bagyo. Wala pa naman akong payong. Jacket lang ang ginamit kong pamandong para makasakay ako sa dyip. At mabuti, huminto naman ang ulan bago kami bumaba (nakasakay ko kasi si Ate Jing.)

 

Kakaunti lang ang pumasok. Two hours lang naman kami kaya okey lang. Marami pa nga ang pumasok. Umaasa akong wala pang sampu ang papasok. Lumampas pa ng 20.

 

Nagpasagot na lang ako ng reflection, na ipina-print ng principal. At bago nila iyon tinapos at bago ko sila pinag-recess, nag-SIKAP muna kami. Siyempre nagpaalam muna ako kay Marekoy na mag-F2F ako since sa September 7 pa dapat ang asynchronous. Sayang kasi ang Bingo-Sikap na inihanda ko, kung ia-asynchronous lang. Hayun, nag-enjoy sila.

 

Pagkatapos kung ma-dismiss ang klase, nag-start, binisita ko na ang collab team training sa classroom ni Ma'am Mel. Naroon din ang mga individual journalists namin.

 

Binisita ko rin ang baseball training sa covered court. May apat na players na dumating doon.

 

Umalis si Ma'am Mel bandang 12 noon para sa journalism meeting sa PZES. Ako ang nagbantay sa mga trainees namin. Hindi ko naman talaga sila binantayan. Binisi-bisita ko lang sila. Nasa covered court ako hanggang 2:30. At pagbalik mo sa journ training, okey naman sila. Tahimik na gumagawa. Nakaidlip nga ako.

 

Past 4:30, pinauwi ko na sila. Naiwan ako. Nag-troubleshoot ako sa printer namin. Naabutan ako nina Ma'am Mel at Sir Ernest na nagki-cleaning. Napagana ko ang isang laptop. Pero ang isa, ayaw. Kailangang mag-install ng drive ng printer para magamit.

 

Wala pang 5, umalis na kami. Pagod, antok, at gutom na ako. Kapeng-kape na, pero dahil past 7 na ako dumating, nag-dinner na lang ako. Bibingka at por adobo ang kinain ko.

 

Pagkatapos manood ng teleserye, umakyat na ako para matulog.

 

 

 

 

Setyembre 4, 2026

Natulog ulit ako nang malaman kong suspendido ang mga klase dahil sa habagat at sa haze na nanggagaling sa Sumatra, Indonesia.

 

Past 7 na ako nagising. Past 8 na ako bumaba para maghanda ng almusal.

 

Akala ko, wala nang asynchronous activity, meron pa pala. Late na ako nakapag-send sa GC. Gumawa pa kasi ako ng activity sa Google Classroom.

 

Pagkatapos niyon, hinarap ko naman ang e-class records.

 

Nakailang ulit ako dahil may mga hindi gumagawang columns. Kaya pala marami akong nababasang posts sa social media. Pare-pareho pala kami ng nararanasan. Andami-dami na raw nilang templates na ginamit. At andami na ring filenames na nagawa.

 

Umidlip ako pagkatapos kumain. Paggising ko, naligo naman ako, saka gumawa ulit ng ECR.

 

Past 4, naglakad ako patungo sa Palawan Express para padalhan si Zillion. Nanghingi siya ng allowance kanina. Tamang-tama, tumigil ang ambon. Past 5 na ako nakauwi at nakapagmeryenda.

 

Mga past 8 bago ako nag-dinner, saka ko lang natapos ang ECR. Wala pa sa sampung daliri ko sa kamay ang pumasa. Grabe ang mga estudyante ngayon. Tsk-tsk!

 

Bago ako natulog, nag-illustate muna ako ng pang-post sa Teachers' Month. Bukas na iyon.

 

 

 

Setyembre 5, 2026

Napuyat ako dahil sa kaaabang ng suspension. Kinailangang kong mag-reset ng alarm. Dalawang beses na tumunog ang alarm bago ko nalamang suspindedo na ang mga klase.

 

Pero kahit ganoon, kailangan ko pa ring malaman kung hindi naman apektado ang opening ng Division Palaro, since sa Cuneta Astrodome naman iyon gaganapin.

 

Dahil sa sobrang antok, nagdesisyon na lang akong matulog at hindi na lang pumunta. Naisip kong mauunawaan naman ako nina Sir Joel G, Ma''am Wylenne, Ma'am Mel at ang mga baseball players namin dahil talaga namang malakas ang ulan.

 

Mabuti na lang, nang magising ako bandang 7:20 nalaman kong hindi na rin itinuloy ang opening. Saved by the bell.

 

After 30 minutes ng paseselpon, bumaba na ako para maghanda ng almusal.

 

Pagkatapos mangusina, nag-stay ako sa kuwarto. Nag-illustrate ako. At gumawa ng Tiktok video. Nilagyan ko ng voiceover ang tungkol sa Flora at Fauna Series ng Philippine coins noong 1983 hanggang 1994. Ginamit ko ang video na ipinakikita ang coin collection ko.

 

Pagkatapos magmeryenda, naglaan ako ng oras para sa digital illustration. At bago at pagkatapos ng hapunan, nag-edit naman ako ng nobela (hindi pa tapos),  na balak kong ipasa sa Packing Sheets' Ground Zero call for submissions.

 

Nakapaglaba pala ako ngayong araw. Maisingit ko ito sa aking mga hobbies.

 

Nagpakapuyat ako dahil wala namang pasok bukas. Hindi na rin ako maglalaba.

 

 

 

 

Setyembre 6, 2026

Nagpakasawa pa naman ako ng higa at pagseselpon, iyon pala may training ang baseball. Pagkatapos kong magwalis sa garden at habang nagsasaing, nabasa ko ang chat ni Coach Joel.

 

Bilang assistant coach, at kahit hindi niya sabihin, pupunta ako. Kaya nagmadali akong mag-almusal at maligo.

 

Past nine na ako nakaalis at almost 11 na ako nakarating sa school. Nasa school na ang pitong baseball players, si Sir Joel, at ang tatay ng isang bata, na dati ring baseball player.

 

As usual, nanood lang ako. Sila lang dalawa ang nag-train. Wala pa naman akong kakayahan at kaalaman. Pero kahit paano ay inaaral ko ang laro, galaw, at mga terminologies.

 

Dumating naman sina Sir Ernest at Ma'am Mel bandang past 12:30. Ala-una, umakyat kami para ihanda ang mga kailangan sa collaborative publishing sa Tuesday, gaya ng printer, laptops, camera, bond paper, stapler, at iba pa.

 

Umakyat-baba pa ako para magpakita sa mga trainers at trainees. Pero sa pangalawa kong baba, nakauwi na ang mga bata. Alas-dos na iyon.

 

Nagkuwentuhan kami saglit ni Sir Joel, saka ni Ma'am Mel hanggang 3:45, bago kami umuwi.

 

Nagmeryenda ako sa Lola Nena's-PITX dahil sobrang kalam na ng sikmura ko. Hindi ako nag-lunch dahil nahiya akong kumain, samantalang sila nagti-train.

 

Pagkatapos kumain at magkape, naghanap ako ng flash drive at card reader para sa collab namin. Walang tinda sa National Bookstore. Ang mahal sa Silicon Valley, kaya hindi ako bumili. Naalala ko kasing meron akong naitabi, bago pa. Wala rin sa Mr. DIY. Sa halip, namili ako ng almost worth P1,000 na mga laruan, school supplies, at gamit sa bahay. Nakabili ako ng anim na piraso ng dinosaurs (almost P500). Walang pagsisisi. Impulsive buyer talaga ako.

 

Past 7 na ako nakauwi sa bahay. Pagod, pero masaya.

 

 

 

Setyembre 7, 2026

Ngayon ang opening ng 45th DSPC at individual writing contests. Kaya maaga pa lang, pagkatapos ng flag ceremony, tinipon na naming journalism trainers ang mga trainees namin. May bitbit na kaming almusal at meryenda, mula sa canteen.

 

Nag-arkila kami ng dyip para makasakay kaming 14 young journalists at 11 trainees. Mga past 8, nasa venue na kami-- sa Pasay City National Science High School.

 

Ang tagal lang magsimula. May pakulo pa. Bawat school ay naghanda at nag-present ng yell. Pagkatapos, habang nagtatawag ng magpi-present, panay naman ang sabi ng 'Bilisan ninyo.'

Ang dami pa namang private schools na sumali ngayon. Dumating pa ang city mayor para mag-talk. Haist!

 

Sumatotal, almost 12 noon na natapos ang programa. At alas-tres na nabuo ang mga bata. Ang tagal naming hinintay ang isang bata dahil nagkuwento pa raw ang judge o proctor, bago nagpagawa. Ganoon din ang nangyari last year.

 

At almost 4 na kami nasundo ng dyip dahil ang lakas ng ulan at ang traffic.

 

Nag-stay pa kami ni Ma'am Mel sa school para samahan si Sir Joel G sa training ng baseball hanggang sa matapos. Sinamahan ko rin siya sa classroom niya para kunin ang helmet.

 

Hindi rin ako nakauwi agad kasi hindi naman ako nagmamadali. Isa pa, malakas ang ulan. Mga six pm na ako umalis.

 

Grabe ang traffic sa may PITX mismo, saka sa Cavitex. Nakaidlip na nga ako, nandoon pa rin kami. Hayun, mga past 8 na ako nakauwi. Pagod, pero masaya. Umaasa akong may panalo sa dalawa kong trainees sa column writing.

 

 

 

Setyembre 8, 2026

Hindi ako gumising ng 3 am kasi may almusal namang ibibigay ang school canteen para sa mga traineers at journalists, gaya kahapon. Nagkape lang ako bago naligo at umalis.

 

Paalis na ang carousel bus nang mabasa ko ang post ng suspension ng mga klase ngayong araw. Hindi na ako bumaba. Sa halip, pumunta pa rin ako sa school. Umaasa akong itutuloy pa rin ang DSPC group competition, pero pababa na ako sa dyip nang ideklarang hindi na tuloy.

 

Dumiretso ako sa school canteen para alamin kung nakapaghanda ng almusal-- baka masayang lang. Nandoon sina Ma'am Amy at Ma'am Vi. Nakipagkuwentuhan ako. Maya-maya, dumating si Ma'am Belle-- may dalang pansit at puto. Birthday niya raw noong Linggo. Hayun, nag-almusal kami. Naroon din sina Ma'am Julie, Mareng Loroe, at Sir Ren.

 

Umakyat ako sa classroom ko pagkatapos kumain para mag-print ng SF2. Pagbaba ko, nakipagkuwentuhan muna ako nang saglit kay Sir Hermie bago umalis. May training sila ng tennis.

 

Alas-9 na ako nakauwi. Kumain lang ako ng prutas at nagselpon, saka natulog.

 

Nagising ako nang nanaginip ako ng tungkol sa pagkatanggal ng bulok na ngipin. Hindi iyon masakit.

 

Alam kong masama ang kahulugan niyon kaya gumising ako. Nag-alala ako sa pamilya ko, sa mga anak ko, mga kapatid ko, saka kay Mama. Nag-check ako ng FB ko, ng Messenger ko.

 

Natulog ulit ako nang wala namang masamang nangyari. Nang nagising uli ako bandang 11:30, nabasa ko ang chat ni Taiwan. Tawagan mo raw si Mama kasi gusto akong makausap.

 

Nalaman kong may ringworm siya sa ilalim ng suso at likod. Masakit daw. Nakita kong maraming butlig, saka pulang-pula.

 

Iyon ang kahulugan ng panaginip ko. Hindi naman ako masyadong nag-alala. Kako, nagmana ako sa kanya dahil madalas din akong may ringworm. Kagagaling nga lang mg ringworm ko sa hita. Pinayuhan ko siya ng nga dapat gawin kasi gusto pa niyang magpadoktor.

 

Past 12:30 na ako nakapag-lunch dahil mahaba-haba rin ang usapan namin ni Mama. May nabanggit siya na masaya siyang mamamatay kasi maayos naman daw kaming mga anak niya at mga apo niya.

 

Natulog ulit ako hanggang 3 pm. Paggising ko, naisipan ko namang gumawa ng Tiktok video, na may voiceover. Hayun, nakasulat tuloy ako ng isang maikling kuwento.

 

Pagkatapos niyon, bumaba na ako para humarap naman sa desktop, saka manood ng balita at teleserye. Naisingit ko rin ang pag-eehersisyo at panonood ng video tutorial ng Scribus. Pinakiusapan kasi ako ni Ma'am Mel na turuan ko bukas ang layout artist namin.

 

Ang hirap ng Scribus. Parang kulang ang isang araw para matutuhan niya. Sana lang, nanood siya ng tutorials sa bahay nila, habang walang pasok o training.

 

 

 

Setyembre 9, 2026

Kahit pa 3:30 ako nagising at 4:20 na ako nakasakay sa bus, hindi sana ako mali-late kung hindi ito huminto nang huminto para mag-abang at magsakay ng pasahero. Thirty minutes din ang nasayang na oras. Buwisit na buwisit nga rin ang babaeng nasa unahan ko. Nagsalita na kami pareho against sa konduktor, na tinawag niyang 'unbothered' kasi nakabili pa ng kape sa stopover.

 

Two minutes to 6:15 nang dumating ako sa school. Hayun, nasa labas lahat ang mga estudyante ko kasi bukas naman ang room. Na-highblood pa nga ako, at nagsermon agad pagkapasok ko. Nasa akin pa naman ang ibang Faith.

 

Pinasulat ko sila ng sanaysay habang may ginagawa ako. Ipinakita ko rin sa kanila ang mga na-compute kong grades sa Filipino.

 

Mabilis lang natapos ang klase. After recess, uwian na. Mga 8:35 iyon. Nag-extend ang iba kasi hindi pa nakapagpasa. Kundi lang nag-suspend ng panghapon klase, matatagalan pa ang iba. Nawalan pa ng kuryente, kaya bumaba na rin ako sa covered court at naghintay ng signal na puwede nang umuwi.

 

Mga past 10:30, nang makita ko ang dalawa kong kaguro, lumabas na rin ako. Dumiretso ako sa SMX kung saan ginaganap ang Manila International Book Fair.

 

Agad akong naglibot-libot. Nakabili ako ng mga textbooks na worth P5 at P10. Kailangan ko amg mga iyon, gaya ng Retorika.

 

Hinanap ko ang booth kung saan naka-display ang 'Alias Maticas: Ang Batang Parabulong.' Sabi ng BookMarked Books, mako-consignment sola sa mga booth doon, pero wala akong nakita.

 

Nalungkot ako. Nakapag-post pa naman ako tungkol dito. Akala ko, may booksigning event din ako, wala pala. Sabagay, hindi pa ako in-update ng publishing. Naisip kong baka hindi nakaabot ang printing.

 

Nakabili pa ako ng Liwayway magazines, sa halagang tatlo ang isandaang piso. Nakabili ako ng 10. Sayang iyon lang ang meron.

 

Pagkatapos niyon, nanood akong roundtable discussion tungkol sa character development. Ang mga authors ng Avenida Books ang mga panelista. Marami akong natutuhan. At humanga ako sa mga husay nila, gayundin sa publisher na si Ms. Nida. Kailangan ko na talagang magpasa ng akda sa kanila.

 

Sobrang antok ko lang habang nakikinig, lalo na kapag ang isang author ang nagsasalita. Nakaka-nosebleed kasi ang salita. Hindi na magandang pakinggan. Mas humahanga pa rin ako kay Ronaldo Vivo Jr.

 

Patapos na ang kanilang talk nang umalis ako para umuwi. Pero bago ako umuwi, naglibot-libot pa ako. Nakatanggap pa ako ng mga freebies na bookmarks.

 

Past 4 na ako nakauwi sa bahay. Agad akong nagmeryenda. Saka gumawa ako ng vlog tungkol sa MIBF bago ako bumaba.

 

Bukas, may baseball training kami sa Luneta Grandstand.

 

 

 

Setyembre 10, 2026

Nag-alinlangan akong umalis kahit suspended na ang klase kasi wala pang abiso mula kay Sir Joel G kung itutuloy pa ang training ng baseball sa Luneta.

 

Past 5, bumiyahe na ako. Nag-off ako ng data para hindi ako ang sumagot sa mga tanong sa baseball GC. Pero pababa na ako sa bus sa PITX nang mabasa ko ang chat nina Sir Joel G at Ma'am Joann. Cancelled na raw ang training. Okey lang naman kasi balak ko talagang pumunta sa MIBF. Hindi ko kasi nagalugad lahat kahapon. May mga gusto pa akong bilhin.

 

Nag-illustrate muna ako sa PITX bago ako pumunta sa SMX. Bago mag-8 nandoon na ako. Pero napansin kong wala pang mga tao. Ang nabasa ko sa Schedule of Activities ay 8:30 ang simula. Kaya naghanap ako ng kasagutan sa tanong ko hanggang mabasa ko sa tarpaulin na 10 am pa ang pagbubukas. Hayun, bumalik ako sa PITX.

 

Nag-illustrate uli ako roon, saka umidlip. At bandang 10, nag-brunch na ako sa paborito kong Chinese fast-food chain bago ako bumiyahe patungo sa MOA.

 

Pagdating sa venue ng MIBF, naglibot-libot agad ako. Naghanap ako ng mga freebies at mga murang libro. Pero siyempre bumili ako ng komiks ng 'Ang Munting Prinsipe,' kahit P1,300. Ito na ang pinakamahal na nabili ko, so far. Kapag gusto ko ang isang bagay, wala sa akin ang presyo. Ang mahalaga, masaya akong uuwi.

 

Natutuwa ako sa kaibigan ko sa panulat na si Mhy San Miguel. Nakilala niya ako't tinawag, saka inimbitahang mag-register para makapili ako ng freebie sa booth ng NBDB. Kung hindi niya ako tinawag, hindi ko rin siya makikilala, lalo na't wala naman kaming binding. Nagka-chat lang kami minsan dahil sa isang editing task.

 

Bandang alas-2:30, nagmeryenda ako roon. Ang mamahal siyempre ng mga pagkain at inumin. Hindi naman ako naroon para mag-food trip kaya bumili lang ako ng pork-shrimp siomai, saka gulaman. Pagkatapos niyon, inantok ako kaya umidlip ako sa isang tabi, kung saan may mga nakaupo rin. Mabuti na lang, may space pa. Andami kasing tao.

 

Bago ako umuwi bandang 6 pm, naglibot-libot pa ako sa mga booth. Medyo malu gkot akong umuwi kasi kumpirmadong hindi pa na-print ang 'Elias Maticas.' Pinaasa lang ako. Haist!

 

Past 8 na ako nakauwi na bahay. Ginataang bilo-bilo lang ang hapunan ko, saka atis at saging. Okey na ito. Diet talaga ako kapag gabi na.

 

Pagkatapos kong manood ng teleserye sa GMA, umakyat na ako para magpahinga. May laban kami sa collab. May training pa ang baseball team.

 

 

 

 

Setyembre 11, 2026

Bago mag-6 nasa school na ako. Naroon na ang ibang young journalists, saka ibang trainers. Inasikaso lang namin ang mga dadalhing pagkain, saka naghintay ng dyip na maghahatid sa amin sa PZES, saka lumarga na kami.

 

Andami nang tao sa covered court pagdating namin. Agad naman naming ipinatsek ang mga laptop, cameras, at SD card. Pagkatapos, inihatid na namin sa designated room ang mga bata. Kami namang trainers ay inalagak sa isang classroom. Nakapag-almusal pa kami, bago kami pinalipat sa gymasium, sa tapat ng principal's office, at, sa huli, sa covered court.

 

Doon na kami nag-stay habang nasa laban ang mga bata. Nang matapos ang laban ng photojourm at sportswriting, umuwi na ang mga bata at trainers nila. Naiwan ako roon mag-isa kasi TWG si Ma'am Mel sa radio broadcasting. Okey lang naman kasi nakaidlip ako.

 

Nag-chat sa akin ang BookMarked Books. Naka-display na raw sa Booth 118 sa 2nd Floor ang Elias Maticas. Puwede raw akong mag-promote niyon. Na-excite akong bigla. Akala ko talaga, hindi pa na-print.

 

Past 5 na kami nakaalis sa PZES. Inihatid namin sa school ang mga bata, gayundin ang mga laptops at printer. Hindi na ako nagtagal doon. Iniwan ko na si Ma'am Mel. Siya na raw maghintay sa sundo ng isa naming bata. Umalis ako nang nagmamadali para makaabot pa ako sa MIBF.

 

Past 7 ko na narating at natunton ang Booth 118. Daan ako nang daan kahapon pero wala roon ang book ko. Sabi ng isang kasabayang kong author, noong isang araw pa raw naka-display ang chapbook ko. Iniiba-iba lang daw nila ng ayos.

 

Tinuturaan niya ako kung ano ang gagawin, kaya lang parang walang support ang ibang mga naroon. Awkward. Out-of-place ako. Imdies lang naman sila, pero parang may kulang. May hinahanap ako.

 

Ni hindi rin ako binigyan ng kopya. Tinanong.ko pa kung sino ang head namin, wala ring maayos na paliwanag ang kausap ko.

 

Gayunpaman, nag-stay ako roon hanggang 8. Nag-try pa nga akong mang-alok ng chapbook ko, pero hindi bumili.

 

Nagkita kami ni Anathema. Kahit paano, nagkakuwentuhan kami. Naglahad aiya ng plano at panukala, na gusto ko naman.

 

Past 8, umuwi na ako. Nagmadali ako. Pero pagdating sa PITX, natagalan akong makasakay. Ang haba ng pila ng mga pasahero. Hindi ko mahanap ang dulo, kaya nag-standing na lang ako para makauwi agad.

 

Past 9:30 nasa bahay na ako. Rioe mango na lang ang dinner ko dahil sa puyat at pagod.

 

Nag-chat pala kanina si Hanna. Aniya, "Good morning po pa! pwede na po ba ako manghingi ng allowance kasi po andami po naming bayarin sa school. tapos start na po kasi ng ojt namin, medyo magastos po sa pamasahe. salamat po. 😊."

 

Sagot ko," Ay hala. hindi na kakayanin, nak. tatlo na kayong pinadadalhan ko ng P5000 each. Nasa aklan si Zillion. Next week manghihingi na rin si Zildjian. P26k na lang ang take home pay ko, nak. Minus P15k sa inyong tatlo. Minus Meralco, water, at internet bills. Minus pamasahe ko everyday, at pagkain. Nagbabayad pa ako sa Pagibig at lote sa Batangas. Mina-magic ko na nga lang, nak. Paano ba ito? Baka sobra-sobra naman kay Zj ang P5k, since ako pa rin ang nagbayad o magbabayad ng tuition niya."

Sana naunawaan niya ako.

 

 

 

 

Setyembre 12, 2026

Alas-4 ako nagising para makapag-almusal pa ako bago bumiyahe. Past 5 na ako nakaalis sa bahay. Six-thirty pa lang, nasa school na ako. Nakipagkuwentuhan muna ako sa isang baseball player habang hinihintay namin ang ibang players.

 

Past 7 na dumating si Sir Joel, na agad namang pinasimulan ang warm-up.

 

Sumunod na dumating si Ma'am Joann, na nakakuwentuhan ko tungkol sa event namin sa September 19.

 

Si Ma'am Mel, past 8 na dumating. Kami ang talagang matagal na magkakuwentuhan dahil kami ang walang ginagawa. Nanonood lang kami ng training habang inaaral ang baseball.

 

Past 12:30, huminto na kami para dumalo naman sa awarding ceremony ng DSPC.

 

Past 1 na kami nakarating. Punong-puno na ang covered court, pero hindi pa nagsisimula ang program.

 

Dumating ang column writer ko sa English category. Akala ko, hindi siya makadalo, gaya ng sa Filipino category, nakadalo rin pala. Gumawa siya ng paraan para maihatid o masamahan siya ng ina. Naramdaman kong mananalo siya.

 

Hindi nga ako nagkamali. Pang-apat siya. Grabe ang gawa niya nang matawag ang pangalan niya. Nagtatalon siya habang patungo kami sa entablado. Hindi man kami lalaban sa RSPC, okey na rin iyon kasi talagang kulang kami sa training.

 

Hindi naman nanalo ang isa kong column writer (Filipino). Hindi na ako nagtaka. Tamad naman talaga siyang magpasa ng output at mah-training, kaya deserved niya iyon.

 

Sampung young journalust ang nanalo sa.amin. ang lima sa kanila ay lalaban pa sa RSPC. For the first time na ganito karami ang winners namin ngayon.

 

Dahil wala naman kaming inaasahang panalo sa collab, umalis na kami habang may awarding pa sa group category. Binigyan kami ng principal ng P3k para sa pangmeryenda namin sa fastfood chain.

 

Hayun, sa Mc Do kami nag-dine. May mga nauna nang umuwi, kaya nagkasya naman sa 20+ na bata, magulang, at guro ang worth P3k na pagkain. Fries, softdrink, burger, at spaghetti.

 

Past 6 na kami natapos ni Ma'am Mel sa kuwentuhan. Pareho kaming hindi makapaniwala sa pagkapanalo ng GES bilang 3rd Place OverAll ranking. First time ito. Sinula pagpasok ko sa GES noong June 10,  2010, ngayon lang nasa overall ranking ang Gotamco.

 

 

 

Setyembre 13, 2026

Past 7 na ako nagising, pero one hour pa akong nag-stay sa higaan para magselpon lang. Deserved ko namang humilata lang pagkatapos ng ilang araw na ka-busy-han.

 

Pagkatapos kong mag-almusal, nagbabad muna ako ng isang pares ko ng uniform, saka naglinis sa garden.

 

Pagbalik ko sa loob, humarap na ako sa desktop para gumawa ng lesson plan.

 

Alas-onse, lumabas ako para bumili ng ulam at prutas.

 

Pagbalik ko, ipinagpatuloy ko na ang paglalaba. Alas-tres na ako nakaligo at makaakyat sa kuwarto para matulog.

 

Bago ako natulog at pagkatapos, nagmeryenda ako. Alas-singko y medya na yata ako bumangon para kunin ang mga sinampay ko.

 

Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng lesson plan habang nanonood ng telebisyon. Hindi ko man natapos ang Week 2 pero, at least, nakarami na ako. Gagawan ko na lang bukas ng PPT ang Week 1, at ipagpapatuloy ko ang Week 2.

 

Natuwa pala ako sa pag-chat sa akin ng isa sa mga dati kong estudyante. Mag-send pa siya ng picture, habang hawak ang chapbook na 'Elias Maticas.' Bumili silang magpinsan ng tig-isa.

 

Naka-chat ko silang dalawa after kong i-My Day ang pictiure nila sa MIBF. Nakakataba ng puso ang mga sinabi nila.

 

Sabi ni Crisela, "thank you Sir! we're rooting for you din po, thank you for continuously serving the students po."

 

Mas mahaba naman ang convesration namin ni Kassiel.

 

Aniya, "Always, Sir! You cross our minds from time to time, and I don’t even know why! But always on a very good note naman po, haha.

 

I might not remember all the academic things I learned, but I do remember that you’re one of the most passionate people I know. I saw it in your work and even in how you value your family.

 

And if you ever write another book, I’d be more than happy to support it. and maybe even be one of your early backers/investors if that’s something you’d be open to. 😊

 

Nag-reply ako. Napilitan akong mag-English. Sabi ko, "Thank you very much for these good words. Tear-eyed here. I never thought that you'd see my worth, but I'm thankful that you did. Very heart-warming.

 

Looking forward to seeing that wonderful idea come to life."

 

At hindi rin siya nagpatalo. Kahanga-hanga. Sabi niya, "Welcome Sir! Im glad I got to tell you that. I’ll definitely be rooting for you and looking forward to see that idea come to life!"

 

Naningil din pala ako kay Ma'am Cristina. Sabi niya, "Gud pm, sir. sige sir, hintay lang ako ng right time para makapag advance ako ng royalty fee sa publishing. Medyo nagka-problema ako sa writers na nabigyan ng adv.fee at di na ni-refund."

 

Sana mabayaran na ako.

 

 

 

Setyembre 14, 2026

Grabe! For the first yata, nagising ako ng almost 8:30. Sulit ang unang araw ng wellness break.

 

Past 8:30, bumaba na ako. Pagkatapos mag-almusal, humarap na ako sa desktop para gumawa ng lesson plan. Nang matapos ko ang Week 2, nagsimula naman akong gjmawa ng PPT. Tinapos ko ang para sa September 16 bago ako lumabas para bumili ng ulam.

 

Past 1 pagkatapos maligo, nag-stay ako sa kuwarto. Maalinsangan, pero sinikap kong makatulog.

 

Three-thirty, bumangon na ako para magmeryenda. Plano kong mag-walking kapag bumaba na ang araw. Habang naghihintay, nagbasa muna ako ng Liwayway. Ang ganda sana ng binabasa ko, kaya lang ay kaliliit ng mga letra. Nahirapan akong magbasa. Hindi ko tuloy natapos ang isang kabanata, bago ako umalis. Alas-4:45 na iyon.

 

Nanguha ako ng mga moss isang bakanteng lote, na maraming puno ng mangga. Nakakuha na rin ako roon last week.

 

Sinuwerte rin ako kasi sa katabing lote, nakakita ako ng puno ng atis, na hitik na bunga. Nakapitas ako ng tatlong hinog. Pinitas ko na rin ang anim pang manibalang. Nanginain muna ako bago ako muling naglakad.

 

Nanguha rin ako ng mga bulaklak ng mga damo bago ako naglakad pabalik. Bandang 6 pm na iyon.

 

Six-thirty, nasa bahay na ako. Inayos ko muna ang mga dala-dala ko, saka ako gumawa ng moss garden. Pagkatapos niyon, ipinagpatuloy ko na ang paggawa ng PPT. Hindi ko man natapos, pero, kahit paano, naging produktibo ako ngayong araw.

 

Wala pang 10, umakyat na ako para magpahinga. Nanood muna ako ng YT videos.

 

 

 

Setyembre 15, 2026

Past 8 na ulit ako nagising kanina. Kundi ko pa narinig ang ingay sa labas, hindi pa ako babangon. Nanghinayang lang ako kasi hindi ko naisama sa dump truck ang mga basura ko.

 

Past 9 na ako nakapag-almusal. Agad akong humarap sa desktop upang tapusin ang paggawa ng PPT. Sinikap kong matapos ang dalawa para sa unang linggo ng Term 2 bago ako nag-siesta.

 

Mga past 2, nasa kuwarto ako dahil malamig ang panahon. Katatapos lamang umulan. Nagbasa ako ng nobela sa Liwayway hanggang sa antukin ako.

 

Past 4:50 pagkatapos magmeryenda, umalis ako para mag-walking at mag-withdraw. Sa daan, nag-picture-picture at nag-video-video ako ng mga bulaklak, damo, insekto, at iba pa para sa aking Tiktok at FB pages.

 

Past 6:30 na ako nakabalik sa bahay.

 

Dahil hindi pa rin naayos ang linya ng kuryente sa school, dineklara ng principal na asynchronous learning kami bukas. Hindi ko na tinapos ang paggawa ng PPT sa SIKAP na tungkol sa vertebrates at inverterbrates. Bahagi pa kasi ito ng Term 1. Ang topic lang na ito ang hindi ko nagamit sa SIKAP dahil madalas walang F2F classes.

 

Bago ako natulog, nagbasa uli ako ng nobela sa Liwayway.

 

 

 

Setyembre 16, 2026

Past 7, nang magising ako, agad akong nag-send sa mga GC ng activity sa Filipino. Na-forward ko na rin ang sa ibang subjects bago ako bumaba para maghanda ng almusal.

 

Pagkatapos ko ng magwalis sa hardin, humarap na ako sa desktop para gumawa ng PPT sa SIKAP. Hindi ko alam kung kailan ulit may F2F classes, pero mas mabuti na ang nakahanda. Bago mag-12, ready na ang PPT.

 

Pagkatapos maligo, nagbasa ako para antukin

Hindi ko pa natatapos ang isang kabanata, inantok na ako. Mga 4 pm na ako nagising.

 

Pagkatapos magmeryenda, humarap ulit ako sa desktop upang gumawa ng MOV. Habang naghihintay sa mga magpapasa ng output at pictures, nag-upload naman ako sa YT at nag-post sa FB pages ko ng mga aralin para sa mga susunod na araw.

 

May pasok na bukas, ayon sa aming principal kahit naki-tap lang ng kuryente sa kapitbahay. Hindi safe pero wala kaming magagawa kundi ang pumasok.

 

Pagkatapos kong manood ng 'Master Cutter,' umakytat na ako. Ang lakas ng ulan sa mga sandaling iyon. Nagbabadya na naman iyon ng class suspension.

 

 

 

Setyembre 17, 2026

Kulang na kulang ako sa tulog dahil nagising ako bandang 1 am para umuwi. Nahirapan na akong matulog uli. Bumangon na lang ako bandang 2 am para magbasa ng Liwayway.

 

Nakapasok naman ako nang maaga sa school pero mainit ang ulo ko lalo na't andaming absent sa Love, at wala silang ipinasang project.

 

Hindi rin lumabas ang kakulitan ko sa pagtuturo sa lahat ng sections, lalo na sa Faith. Katulad sa Love, wala lahat silang naipasang project, maliban sa Peace. May isang nagpasa.

 

Pagkatapos ng klase, nag-lunch muna ako, saka nag-record ng mga scores o bilang ng stars na nakuha ng mga estudyante sa Peace. Nang matapos ko, umuwi na ako. Wala pang 3:30, nasa bahay na ako. Agad akong natulog. Mga past 5 na ako bumangon. Nakabawi yata ako sa puyat. Bigla akong lumakas, pero inuubo ako. Kumati nang bigla ang lalamunan ko. Nawala-wala naman habang nagkakape ako. At habang nanonood ako ng balita at teleserye, tuluyan nang nawala.

 

 

 

 

Setyembre 18, 2026

Mainit ang ulo nang humarap ako sa Love dahil hanggang sa mga oras na iyon, wala pa ring nagpapasa ng project (book review). Pagkatapos, nang nagpasuri ako ng larawan, bilang pagsisimula ng aralin, walang nagsasalita. Nakakainis! Wala na namang nag-advanced atudy. Naka-post na sa FB page ko ang lesson na iyon, pero wala talagang nagbasa. Kaya wala silang maisagot.

 

Kahit nabawasan ang oras sa pagtuturo, nairaos ko pa rin ang lesson. Naituro ko pa rin sa kanila. Haist! Hindi ko talaga kayang hindi magturo.

 

Lahat ng section, walang nag-advance study. Pero bukod sa Love, nagsermon din ako sa Peace. Sa kanila ako hindi nakapagturo dahil sa disappointment. Sa kanila ako nag-expect ng masiglang discussion, pero katulad ng apat pang lower sections, hindi rin sila nag-advanced study.

 

May dalawa pang grupong nagpasa ng book review kaya kahit paano nadagdagan ang bilang ng mga pasado. Nakakalungkot man, pero wala pang sampu ang pasado sa buong Grade 6. Halos lahat at kulang sa product / performance task.

 

After class, nag-record ako ng mga scores nila. Sinabihan ko silang magpasa pa hanggang sa Lunes. Sana gawin nila para maging line of 8 man lang ang grades nila.

 

Past 3, niyaya ko si Ma'am Mel na dumalo kami sa baseball training. Hayun, nanood lang kami habang sina Sir Joel at ang tatay ng isang baseball player namin ang nagtuturo sa mga players, kasama ang softball team.

 

Umuwi rin siya, kasama ni Sir Ernest bago mag-5. Ako naman ay nagpaiwan.

 

Natapos ang training bandang 5:30. Na-traffic na ako kaya almost 6:30 na ako nakarating sa PITX. Bago ako namili ng mga laruan sa Mrm DIY, kumain muna ako ng comfort food sa Lola Nena's.

 

Kahit nakatayo ako sa bus mula PITX hanggang Tejero, okey lang. Masaya ako dahil may bago akong mga laruan, gaya ng Snakes and Ladders.

 

Quarter to nine na nang dumating ako sa bahay. Hindi na ako nakapanood ng teleserye, at nakagawa ng mga household chores. Katulad ng cellphone ko, lowbat na rin ako.

 

Maganda pala ang balitang natanggap ko mula kay Emily. Nag-send siya sa picture ng card ni Zillion. Eighty-seven ang lowest. Ninety-six naman ang highest. Sigurado akong magkaka-honors siya. Worth it ang binibigay kong allowance.

 

Ibinalita rin niyang nasa Kalibo si Zillion ngayon para sa laban ng chess (regional). Kinilig ang puso ko. Hindi ko akalaing maaabot niya iyon. Sana makarating siya sa pambansang palaro.

 

 

 

Setyembre 19, 2026

Four-thirty ako nagising. At past 5:30 ako umalis sa bahay. Na-traffic pa ako kaya ilang minuto na lang, paalis na sa sementeryo ang dalawang van na maghahatid sa amin patungo sa MOL Magsaysay Maritime Acadeny sa Dasma. Hindi na nga rin nahintay sina Ma'am Joann at Ma'am Tess.

 

First time kong makarating sa MMMA. Ang ganda ng paaralang iyon. Parang school sa ibang bansa. Maraming native trees, gaya ng catmon. Pumitas nga ako ng isang bunga. At nakapulot pa ako ng isang hinog. Balak kong magtanim.

 

Mga past 10 na nag-start ang program. Wala akong ideya na ganoon pala ang flow ng program, pero natuwa ako. Kahit paano, marami akong natutuhan. Bagong karanasa iyon para sa akin, lalo na't may libreng facility tour. Para akong nakaikot sa kabuuan ng barko.

 

May giveaway pang tumbler. At may libreng lunch. Sayang hindi na kami nakapag-photobooth.

 

Ibinaba ako sa SM Bacoor, sa halip na sa sementeryo uli. Dumaan muna ako sa BookSale. Nakabili ako ng 3 books sa halagang P65.

 

Past 4 na ako nakauwi. Mineryenda ko muna ang binili kong fries at siomai, saka ako umakyat.

Nang inantok ako, natulog ako--- hanggang 6 pm.

 

Pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan kahapon, nag-post ako sa page ng 21st Century. Gumawa muna ako ng caption-- pabalita-style iyon.

 

Narito ang caption:

Dumalo ang 21st Century Teachers PH, Inc sa paanyaya ng MOL Magsaysay Maritime Academy (MMMA) sa Dasmariñas, Cavite noong ika-19 ng Setyembre, 2026, bilang bahagi ng kanilang ikawalong foundation day at Maritime Club initiative, kung saan ang espesyal na programa ay inihanda para sa mga babaeng mag-aaral sa senior high school.

 

Isinama ng organisasyon ang 16 na mga babaeng benepisyaryo ng Project LINGAP upang maging bahagi ng special event na "Women at the Helm: Empowering the Next generation of Female Leaders to Navigate a Sea of Opportunities." Nagbukas ito ng kamalayan sa kanila na malawak ang oportunidad ng mga kababaihan sa mundo ng seafaring.

 

Bukod sa kamalayan at inspirasyong napulot ng mga benepisyaryo at mga guro mula sa programa, nagkamit din sila ng karanasan at kaalaman nang isagawa ng maritime school facility tour. Ang bawat palapag at silid sa gusali ay tunay na kamangha-mangha. Animo'y nasa totoong barko ang mga pasilidad.

 

Sa mga nais maging seafarer, inirerekomenda ng samahang ito ang MMMA. Mula enrollment hanggang employment, tutulong ito.

 

Pagkatapos, ipinagpatuloy ko ang PPT, na nasimulan ko noong Miyerkoles.

 

Past 10 na ako umakyat para magpahinga.

 

 

 

Setyembre 20, 2026

Nagselpon lang ako saglit paggising ko nang 7 am,  bago ako bumaba. Agad akong naghanda ng almusal para makapagsimula na akong gumawa.

 

Inuna ko ang pagbababad ng mga labahan. Isinunod ko ang paglilinis sa garden. At ang binigyan mo ng pokus ay ang paggawa ng PPT at lesson plan. Nakapag-post na rin ako sa page, at nakapag-upload sa YT.

 

Past 11, lumabas ako para bumili ng ulam at iba pang kailangan sa bahay.

 

After lunch-- nakapagpatunaw na ako nang kaunti-- naglatag ako sa sala, saka nahiga. Kahit paano, nakatulog ako hanggang past 2.

 

After few minutes, naligo ako at nagbanlaw ng mga sinampay.

 

Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng PPT at LP pagkatapos magmeryenda. Nang mapagod at magsawa ako, naglaan naman ako ng oras para magbasa, gumawa ng content sa Tiktok, at sumagot sa mga tanong ng mga estudyante.

 

Lumabas ulit ako bandang 6:30 para bumili ng ulam.

 

Past 9, nasa kuwarto na ako para magpahinga. May pasok bukas.

 

 

 

 

Setyembre 21, 2026

Kahit natagalan akong makasakay sa bus patungong PITX, hindi pa rin ako na-late. Andami kasing pasahero. Malamang, patungo sila sa rally. Anniversary ngayon ng Martial Law, kaya sigurado akong matao sa EDSA o sa iba pang lansangan. Kahapon pa nga nag-declare ang Manila ng suspension of F2F classes.

 

Sa mga klase, panay ang sermon ko habang nagtuturo, lalo na sa Love at Faith. Lahat halos kasi ng Grade 6 ay bagsak sa subject ko dahil kulang sila sa performance task/product. Nakakainis lang isipin na ang dadaldal nila, pero wala naman palang binatbat sa performance.

 

Seryoso akong blangkohan ang Filipino nila. Wala pang sampu ang kabuuang magkakahuha ng line of eight. Sigurado akong maraming parents ang lalapit sa akin bukas sa meeting. Nakahanda naman ako, kaya hindi ako natatakot. Magdala sila ng katibayan, kung gusto nilang magbago ang grades ng bata.

 

Pagkatapos ng klase, nag-SIKAP kami. Eighteen lang ang dumalo. Kahit ganoon, sobrang saya at ingay pa rin nila. Boys versus girls ang labanan. Gumamit pa sila ng plastic balls para mai-shoot sa tamang tumbler, na may letters A to D. Panalo ang boys, kahit anim lang sila.

 

Nag-i-stay sana ako sa baseball training, pero pinauwi na ako ni Sir Joel G. Sila na lang daw, tutal maingay sa paligid dahil nagpapraktis ang drum and lyre. Pabor naman iyon sa akin kasi, kako, gagawa ako sa cards, kasi bigayan bukas.

 

Past 5 na ako nakauwi at nakapagmeryenda. Pagkatapos na pagkatapos, hinarap ko na ang class recording. May mga nagpapasa pa rin ng mga performance task (audio recording), kaya nahadlangan ang paggawa ko ng PPT ag LP. Hindi rin ako nakapaglagay ng grades sa mga cards kasi hindi pa nagbigay ang mga kaguro ko.

 

Pagkatapos manood ng Master Cutter, umakyat na ako para magpahinga.

 

 

 

Setyembre 22, 2026

Naging maayos naman ang pagtuturo ko sa lahat ng section. Nadaan ko sila sa pagalit bago ako nagsimula. May mangilan-ngilang nagpapasaway, pero agad ko rin silang nasasawata. Kailangan ko silang higpitan para hindi sila paulit-ulit na nagpapasaway.

 

Pagkatapos ng klase, ginanap ang HRPTA assembly cum viewing of cards. Marami ang dumalo sa ibang sections, pero sa akin ay mahigit kalahati lang. Expected ko na iyon.

 

Si Sir Jess ang nag-talk at discuss ng mga agenda. Matagal din bago nag-viewing of cards. Andaming lumapit na parents sa akin para magtanong. Mahigit 20 lang kasi ang pumasa sa Filipino 6. May dalawang sections, na wala talagang pumasa. Hayun! Nawindang sila. Blockbuster ang pila sa akin. Nakaalis na ang mga kasama, samantalang ako, nandoon pa-- may kausap pa. Okey lang naman iyon para alam nilang mahalaga ang pagseseryoso sa klase. Dapat mas marami pa ang nakaalam.

 

Almost 4 na ako nakababa para sumali sa baseball training. Pero hindi rin ako nakatulong kasi panay ang reply ko sa nga parents at estudyante. Nagtatanong sila kung bakit blanko ang Filipino, at kung paano maragdagan ang grade nila.

 

Past 5 na ako nakaalis sa school. Tapos na rin kasi ang training. Past 7:30 na ako nakaratung sa bahay. Basang-basa ako sa ulan.

 

May nangungulit lang parent. Tumatawad siya. Humingi siya ng nga activities para makabawi ang anak niya. Dahil gagawa pa ako ng school report at learning material sa SIKAP, pinunta ko na lang siya sa school bukas. Gusto pa ngang hapon siya pupunta. Kako, may SIKAP ako at may baseball training. Hayun, pupunta rin sa itinakda kong oras. Feeling priviliged yarn?

 

Past 9, umakyat na ako para magpahinga.

 

 

 

Setyembre 23, 2026

Nainis ako sa Love at sa parents at guardians nila kasi hanggang ngayon, wala pa ring sulating pangwakas. Nag-rant nga ako sa GC.

 

Sabi ko, "Anong klase ba ang mga ito? Hanggang ngayon wala silang SULATING PANGWAKAS! Ilang araw akong nag-announce na magsusulat ngayon, pero walang dala. June pa lang, ni-require na kayong magdala. Tutunganga lang sila ngaun dito."

Bago iyan, nakapag-send na ako nito, "Good morning, lalo na sa mga hindi pumunta khapon sa HRPTA Assembly at Viewing of Grades. Ano pong plano ninyo? Kumustuhin niyo naman po ang mga grades ng anak niyo. Hindi po sila okey. Kasama po sa pagiging responsable magulang. ang pag-alam sa kalagayan nila sa paaralan. Salamat!'

 

Grabe sila mairesponsable. Walang pakialam sa pag-aaral ng mga anak.

 

Nagpasulat ako sa sulating pangwakas, kaya hindi masyadong nagasgas ang lalamunan ko. Gayunpaman, marami pa rin ang pasaway, tamad, at walang kakayahang gumawa. Sumatotal, wala na namang nakatapos o nakagawa nang maayos.

 

Pagkatapos ng klase, nag-SIKAP kami. Bago mag-2:30, nagpauwi na ako para maabutan ko pa ang mga baseball at softball players. Naabutan ko pa nga. Natagalan pa bago kami nakaalis. Nakausap ko pa nga ang isang parent tungkol sa grade ng anak niya.

 

Past 3:30, nasa Luneta na kami. First time kong makasama roon. Mas okey pala talaga ang malawak na field.

 

Narooon din ang softball at baseball players ng West. Nakipag-tune up sila sa mga manlalaro namin. Nakakatuwa palang manood. Pero, bilang coach, kailangan kong aralin pa ang baseball.

 

Past 6:30 na kami nakaalis sa Luneta. At bandang 7, umuwi na ako. Kumain na ako ng pares bago ako sumakay sa bus patungong PITX. Alam kong matatagalan pa akong makauwi. Tama nga ako. Nakapakahaba ng pila sa PITX. Traffic pa pa-Cavite, maya past 9 na ako nakauwi sa bahay

 

Umakyat din ako agad pagkatapos magsipilyo. Bago naman ako natulog, nag-send ako ng MOV sa SIKAP.  Nasagot ko rin ang ibang queries ng parent.

 

 

 

Setyembre 24, 2026

Bago ako nagturo sa Love, nagsermon muna ako. Tinakot ko sila na eenroll ko sila sa ALS, gaya ng tauhan sa dulang babasahin ko sa kanila. Ginawa ko rin iyon sa apat pang section.

 

Dahil gustong-gusto ko ang itinuturo ko, gayundin ang dula, nagustuhan iyon ng mga estudyante ko. Kinilig sila sa kina Angelo at Ma'am Serrano ng dulang 'Pag-ibig sa Tamang Panahon.' Humirit pa nga ng part 2 ang iba.

 

Pagkatapos kong makausap ang isang parent at isang guardian, niyaya ko na si Ma'am Mel na bumaba para sa pagpunta namin sa Luneta.

 

Pagdating sa baba, may birthday celebration pala ng isa sa mga softball players. Nag-stay muna kami sa room ni Ma'am Leah para kumain.

 

Mga 3 na yata nakarating sa Grandstand kasi nahirapan kaming makakuha ng aarkilahing dyip. Umambon pa.

 

Pagdating doon, putikan ang field. Malakas pala ang ulan sa Manila. Hindi tuloy kami makaupo sa damuhan.

 

Sa training, unti-unti ko nang naaaral ang larong baseball. Kailangan ko pa ng maraming kaalaman kasi baka ako ang gawing coach kapag nanalo kami da division.

 

Past 7 na kami nakabalik sa school. Agad rin akong nagpaalam kina Ma'am Joann at Sir Joel G.

 

Mabuti, walang pila sa PITX. Nakasakay agad ako, at nakaupo. Past 9, nasa bahay na ako. Agad akong kumain. Libre ang dinner ko. Nanlibre sa mga coaches at players ang parents ng isang softball player.

 

Gumasa at nagpasa muna ako ng FA payroll, bago ako umakyat. Sa kuwarto ko naman ginawa ang shoe size slip na hinihingi ng city hall.

 

 

 

 

Setyembre 25. 2026

Okey naman ang pagtuturo ko sa Love. Ayaw lang nilang sumagot. Tatlo lang ang palaging nag-rerecite. Hinayaan mo na lang.

 

Nagsermon muna ako sa Hope bago ako nagturo. Natahimik sila. Pinakinggan nila ang mga hinaing ko. Paano ba namang hindi ako daraing kung pati nga magulang nila ay paisa-isang magtanong nang personal o sa chat, kung ano ang kulang nila sa Filipino 6 at kung ano ang gagawin para makapasa. Paulit-ulit ko nang ipinaliwanag, itatanong pa uli.

 

Pagdating ng period ko sa Charity, tumayo lang ako sa may pintuan. Gaya ng sinabi ko sa kanila kahapon, once na mahuli ko silang magulo bago ako pumasok ay hindi ako papasok, magsasalita, at magtuturo. Hayun, ginawa ko. Pinagmasdan ko lang sila. Sad to say, wala pa rin pagsisisi sa mga mukha nila. Habang sinasaway sila ng mga babae, lalo pang lumalala. Haist!

 

After recess, nagkaroon naman ng pagsusukat ng mga paa para sa ibibigay na sapatos ng city hall. Hindi na ako nakapasok sa Charity. Good riddance! Malamang, isa rin sila sa sisira sa mood ko.

 

Nagsermon naman ako sa Love, habang binabantayan ko kasi naka-leave si Ma'am Amy. Sermon at pananakot ang ginawa ko. Na-introduce ko sa kanila ang tungkol sa ALS dahil sa dula na tinalakay namin noong kahapon. Halos lahat sila ay ayaw mag-ALS, kaya sana magbago na sila ng study habits.

 

Nagturo naman ako nang maayos at masigla sa Peace. Sila lang yata ang naka-appreciate sa dulang pinag-aralan namin-- 'Tibok ng Puso.' Marami ulit ang kinilig.

 

Pagkatapos ng uwian, may kumausap na magulang ng estudyante ng Faith sa akin. Katulad sa iba, nagulat siya sa performance ng anak niya. Although, nagsusulat at tahimik ang anak niya, malaking kabawasan sa grades ang kakulangan sa oral at performance task. Natuwa naman ako dahil naunawaan niya at handa siyang sumuporta sa kaniyang anak. Nabigyan ko tuloy sila ng konsiderasyon.

 

Bago nag-2, nasa ground na kaming softball and baseball players and coaches. May mga hinihintay lang bago kami nakaalis. Mga 3 pm, nasa Luneta na kami.

 

Nagkaroon ako ng chance na pumalo. Sa unang palo, na-hit ko kaagad. Kung sa totoong laban, makakapag-base ako sa unang base. Sa ikatlong palo, makaka-home run ako. Nakakatuwa. Noon ko lang lalong na-appreciate ang baseball. Kahit iyon ang unang pagkakataong makapag-bat ako, may potensiyal pala ako. Bakit hindi ako naging baseball player dati?

 

Nakapalo ulit ako bago kami mag-uwian. Nakatakbo ako hanggang 1st base, pero out pala iyon hinayaan lang akong tumakbo. Hindi ko na kasi makita ang bola, past six pm na noon. Pero ayos lang, nag-enjoy ako. Nakaka-enjoy pala talaga ang paglalaro ng baseball.

 

Almost 7:30 na kami nakabalik sa school. Kumain lang kami ng cake, saka nag-uwian na. Natagalan ako sa PITX. Umabot na naman sa second floor ang pila ng bus na pa-Naic. Hindi pa naman puwedeng pumila para sa standing. Gusto mo mang tumayo, pipila ka pa rin. Haist! Nasa Pilipinas talaga ako. Ang hirap ng transportasyon. Maraming nawawala sa mga Pinoy dahil sa traffic, haba ng pila,bat tagal ng biyahe.

 

 

Past 10 na ako nakauwi. Nanginain na lang ako ng monggo bread, nori, atis at saging bago ako umakyat para matulog. Mga past 11 na iyon.

 

 

Setyembre 26, 2026

Nang tumunog ang alarm ko nang 5:30, natulog uli ako. Kulang na kulang pa ako sa tulog. Past 6 na ako bumangon para maghanda. May baseball training uli kami ngayon sa school. Isisingjt ko na rin doon ang checking at recording ng mga outputs ng nga estudyante ko.

 

Mga 7:20, umalis na ako sa bahay. Mga 9 pm, nasa school na ako. Agad akong nagtsek ng mga projects, portfolio, book reviews, at sulating pangwakas.

 

Kumatok sa pintuan ang principal ko. Kinausap niya ako tungkol sa journalism. Nakita niya ang mga tsenetsekan kong mga sulating pangwakas. Tinanong niya ako kung mayroon pa bang ibang nagpapasulat nito. Kako, hindi ko po alam. Ako lang daw ang nakita niyang nagpapaganito. Natuwa naman ako kasi na-appreciate niya ang effort ko.

 

Pagkatapos mag-lunch, aandap-andap ang mga mata ko. Ginusto at sinubukan kong umidlip, pero nabigo ako. Bukod sa mainit, hindi ako komportable.

 

Four-thirty na ako umalis sa school. Tapos na akong magtsek. Napakinggan ko na rin ang mga audio at video recording ng mga estudyante. Inirekord ko kaagad ang nga scores nila.

 

Alas-7 na ako nakauwi. May bitbit na akong pagkain. Agad akong nag-dinner kasi hindi na ako nakapagmeryenda sa school o sa PITX. Pagkatapos, humarap na ako sa desktop para gumawa ng LP.

 

Before 9, inaantok na ako, kaya umakyat na ako pagkatapos kong matapos ang apat na araw na lesson plan. Bukas ko na itutuloy ang ikalima, gayundin ang paggawa ng PPT.

 

Tumawag nga pala ako kay Mama kanina. Gusto raw akong makausap, sabi ni Taiwan. Hayun, nag-iisip na namang umalis doon kina Lizbeth. Na-realtalk ko tuloy. Andami niyang reklamo sa buhay. Kesyo hindi siya makatulog. Kesyo palagi siyang may sakit. Kesyo napakainit. E ayaw naman niyang tumuloy sa bahay ni Taiwan. Gusto niya talagang manatili sa bodega nina Jano at Gie. Talagang nakaka-skin disease siya at kung ano-ano pa.

 

Gusto raw niyang tumira sa dating bahay ni Tito Sam, kung saan muntikan na nga siyang mamatay dahil sa aksidente. Pumasok ang trak doon. Kung hindi siya nagbanyo, baka nadale na siya. Kaya, sabi ko, "Gusto mo pang bumalik doon?"

 

Dagdag ko pa, hindi kami papayag na magkakapatid na magsolo siya. Kailangan niya ng kasama. Hindi rin kami makakampante kung mag-isa siya.

 

Ewan ko kay Mama, masyadong maligalig ang pag-iisip. Sinabi ko tuloy na nahihirapan din ako ngayon sa kalagayan ko. At nag-suggest ako na bumalik na siya kay Flor. Kako, tanggapin na niya ang tomboy na partner nito. Hindi niya kinunsinti, kundi pinatawad at tinanggap.

 

Bago ako nagpaalam, napapayag ko siya. Sabihan ko raw si Flor.

 

 

Setyembre 27, 2026

Nakabawi ako ng puyat. Past 7 na ako nagising. At hindi agad ako bumangon para maghanda ng almusal.

 

Habang nagsasaing, naglinis muna ako sa garden ko. Ilang araw ding hindi ako nakapaglinis, kaya para na itong gubat.

 

Nakapagbabad na rin ako ng mga uniform.

 

Past 9, nasa harap na ako ng desktop. Gumawa ako ng lesson plan at Powerpoint.

 

Past 11, lumabas ako para bumili ng mga prutas, at pechay na pansahog sa pansit bato. May tira pa akong fried chicken kagabi, kaya may sahog naman ito, kahit paano.

 

Pagkatapos kong magbanlaw at magsampay ng mga uniporme, lumabas ako para magpagupit. Past 2 na ako nakabalik. Binanlawan ko naman ang iba pang mga damit, na pinaikutan ko sa washing machine.

 

Nang matapos ako sa pagsasampay, agad akong naglatag ng foam sa sala, saka sinubukan kong matulog. Malamok, pero kahit paano ay nakaidlip naman yata ako. Past 4:30 na nang magising at bumangon ako para mag-almusal.

 

Muli akong naglaan ng oras sa harap ng desktop. Gumawa ako ng mga PPTs sa Filipino at SIKAP. Hindi pa tapos ang LP ko, pero dapat matapos ko iyon bukas kasi every Wednesday ang checking nito.

 

Nakapag-post din ako ng mga submitted entries sa writing challenge ko sa Sinag Writing Club

 

Past 9, umakyat na ako para magpahinga at matulog.

 

 

 

Setyembre 28, 2026

Lunes. Bad trip agad ako nang malaman ko sa konduktor ng bus na tumaas ang pamasahe ng P18 (30%). Grabe talaga ang gobyerno! Manipulator. Sana matapos ang termino niya, gayundin ang pamunuan niya. Sana sa lalong madaling panahon. Sana magkaroon ulit ng People's Power. Hindi na talaga nakakatuwa ang pamamahala nila. Panggagago na ang ginagawa sa mga Pilipino.

 

Na-bad trip din tuloy ako sa Love nang hindi na naman sila nagsalita sa panimulang gawain. At nagtuloy-tuloy pa hanggang sa pinakahuling klase. Nagturo naman ako sa apat na sections kasi pinagsabihan ko silang umayos dahil wala ako sa mood makipagkulitan.

 

Nainis din ako nang muntikan nang magkaroon ng baseball training, gayong Family Week ngayon. Sinuspinde ng Malacanan ang mga trabaho at klase bandang 1 pm. Kaya nga 12:30, dapat ay nakauwi na ang mga estudyante.

 

Mabuti na lang, hindi natuloy. Nakaalis agad ako sa school after 2 minutes. Kaya past 2:30, nasa bahay na ako. Naglatag agad ako ng foam sa sala, saka nahiga at natulog. Kahit paano, nakatulog ako. Ang sarap matulog. Gusto ko sanang ituloy na, at bukas na ako babangon, pero hindi puwede. May mga gagawin pa ako.

 

Pagkatapos magmeryenda, humarap na ako sa desktop. Natapos ko na ang pangatlo at pang-apat na PPT. Na-finalize ko na rin ang LP ko. Bukas naman ang ikalimang PPT, kapag may time pa ako, since may baseball training kami sa Luneta.

 

Bago ako nag-dinner, lumabas muna ako para bumili ng itlog, na pang-almusal. Hindi puwedeng walang itlog sa almusal.

 

 

 

 

Setyembre 29, 2026

Bad trip uli ako sa mga Grade 6, umaga pa lang. Paano ba namang hindi, e, nakita na nila akong nakatayo sa pilahan, ayaw pa nilang pumila. Kinailangan ko pa silang ipatawag, sigawan, at lapitan.

 

Wala pa naman ngayon si Ma'am Wylenne kaya nasa ibang sections ang maiingay niyang mga estudyante. Hindi ako tumanggap ni isa, lalo na't dalawa lang ang bakanteng upuan.

 

At muli, hindi ako nagturo sa Love. Gusto kong iparanas sa kanila kung gaano kahalaga ang bawat aralin, gayundin ang class participation. Mananabik sila sa mga turo ko.

 

Eleven-thirty ang uwian dahil may Cluster InSeT sa JRES. Pumunta kami roon nina Papang, Putz, at Melay bandang 12:30 na. Nakipagkuwentuhan pa nga kami ni Melay kay Ms. Krizzy. Matagal na ako roon bago siya dumating.

 

Nag-Grab na lang kami para mabilis at hindi kami mainitan. Pagdating sa JRES, nag-attemdance lang kami, dumalo sa MOL at opening remarks, saka nagpaalam sa mga MTs na may baseball training kami sa Luneta, unalis na agad kami. Mga 2 na iyon. Kumain pa kami bago bumalik sa school. Paalis na sana sina Sir Joel nang dumating kami.

 

Past 3, nasa Luneta na kami. Agad nagsimula ang training. Almost complete na ang baseball players, lalo't dumating ang tatlong players ng PVES.

 

Past 6, umuwi na kami. Nahirapan lang kaming makasakay. Punuan ang dyip kaya walang gustong magpasakay sa amin. Tatlong adults. Seventeen na mga bata.

 

Past 7 nasa school na ako. Nag-stay lang ako nang saglit doon para pakinggan ang mga plano at paalala ni Coach Joel sa mga bata, then umuwi na ako.

 

Natagalan ako sa Buendia, sa kaaabang bus. Eight na ako nakasakay.

 

Past 9 na ako nakauwi. Kumain lang ako ng 2 hopia, saka nag-shake ng papaya. Iyon na ang dinner ko.

 

 

 

 

Setyembre 30, 2026

Sinubukan kong mag-set ulit ng alarm, at magising nang 3:30 am kasi kulang na kulang pa ako sa tulog. Mahimbing naman ang tulog ko, kahit parang gising lang ako dahil sa mga panaginip, kaya lang parang pagod na pagod pa rin ako. Naiihi pa ako kaya bumangon na lang ako after 7 minutes. Dali-dali akong naghanda ng almusal para makaalis sa tamang oras-- 4 am.

 

Maaga akong nakarating sa school. Maaga akong nagpapila, pero pinatawag ako ni Ms. Krizzy para bigyan ng hamonado.

 

Nagpasulat lang ako ng dula sa mga estudyante. Hindi nga ako nagturo, pero nagasgas pa rin ang lalamunan ko dahil may mga estudyanteng hindi kayang sumulat ng tula. Hirap nga silang magbasa, magsulat pa kaya. Ang matindi pa, nagpapasaway pa sila.

 

Gayunpaman, naging mabilis ang pag-ikot ng oras. Nakalimutan ko ngang pumasok sa Peace. Although, vacant ko naman, puwede ko sanang gamitin ang oras ni Ma'am Wylenne. Nakalimutan kong 11:30 pa rin pala ang uwian. Nag-vacant kami ni Sir Archie at nagkuwentuhan.

 

Nagpasaway pa ang Love bago kami nag-uwian. Hindi talaga sila marunong pumila. Pinapila ko sila, pero sa ibang classrooms pumunta. Pinapasok ko nga. Sinermunan. Nang muli kong pinapila, nagdikit-dikit naman. Hayun, pinalakad ko nga nang dikit-dikit. Nagtulakan pa at nagtawanan.

 

Pagkatapos niyon, nakababa naman sila nang tahimik.Kaya naman pala, e. Gusto pa lagi nilang mapagalitan.

 

Nag-stay ako sa classroom hanggang bago mag-2 pm. Doon na ako nag-lunch, pagkatapos kong nag-record ng mga iskor sa rebyu. Umidlip na rin ako.

 

Past 2:30, umalis na kaming baseball at softball teams. Agad namang nagsimulang mag-training ang mga bata habang kami ni Ma'am Joann ay nagkuwentuhan tungkol sa Gawad Teodora Alonso. Naglabas na ng mechanics. Si Sir Randy pa ang nag-forward sa akin kasi gusto niyang bumili ng kuwentong ipapasa niya.

 

Nagkuwento rin si Ma'am Joann ng tungkol sa karanasan niya sa kaniyang mga kamag-anakan sa Negros.

 

Unti-unti na akong natututo ng mga patakaran at terminologies sa baseball. Nagugustuhan ko na rin ang sports na ito.

 

Past 6, umuwi na kami. Mabilis lang din akong nakalabas sa school. Sumabay na ako sa paglabas ng mga baseball boys.

 

Past 7:30, nasa PITX na ako. Ang haba na naman ng pila. Almost 9 na tuloy ako nakarating sa bahay.

 

Agad akong kumain. Hopia at papaya shake lang ang dinner ko.

 

Nag-post lang ako sa FB page ng pictures ng slides ko sa Filipino para bukas. Then, umakyat na ako para magpahinga at matulog.

 

Past 11:45, nakatulog na ako, biglang nag-alburuto ang tiyan ko. Dahil iyon sa pagkain ko ng papaya nang ilang araw. Nakadalawang magkasunod na baba ako para magbawas.

 

 

 

 

Ang Aking Journal -- Setyembre 2026

  Setyembre  1, 2026 Ilang araw din akong nagigising nang late, kaya nang nagising ako bandang 3 am kanina, parang gusto ko pang bumalik s...