Followers

Friday, August 21, 2015

Mga Pinoy: Astig na Siyentipiko

Kilala mo ba ang mga unang siyentipikong Pilipino? Sino-Sino sila?
Mali! Hindi sila. Hindi rin sina Fe Del Mundo, Maria Orosa, Eduardo Quisimbing, Gavini Trono o Agapito Flores. Sila lamang ang mga nagpayabong ng siyensiya at teknolohiya sa ating bansa.
Ang unang mga scientist ay ang ating mga ninuno.
Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang mga sinaunang Pilipino ay tumutuklas na noon ng mga bagay na may kaugnayan sa agham at teknolohiya. Sila ay may malawak nang kamalayan sa mga halamang-gamot. Ang pagkakaroon ng sariling kalendaryo, alpabeto at sistema ng pagbasa at pagbilang o pagsukat ay ilan pang katunayan. Idagdag pa dito ang husay nila sa pagsasaka, pagmimina, paghahabi at paggawa ng mga sasakyang-pantubig. Samantalang ang kabigha-bighaning Hagdan-Hagdang Palayan naman ay isang katibayan na gumamit ng 'engineering' ang ating mga ninuno.Hindi biro ang pagbuo nito. At tanging agham lamang ang makakapagpaliwanag ng istrakturang ipinagmamalaki ng Pilipinas sa buong mundo.
Ang pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa ay nakatulong sa paglago ng siyensiya sapagkat nagbukas sila ng mga paaralan kung saan natuto ang mga sinaunang Pilipino sa larangan ng biyolohiya, medisina, musika, aritmeko at iba pa. Ang lahat ng ito ay nakapag-ambag sa paglaganap at pagtaas ng kaalaman ng mga Pilipino sa agham. Sa loob ba naman ng mahigit tatlong daang taong pamamalagi ng mga Kastila sa Pilipinas, hindi nakakapagtakang nagkaroon ng maraming siyentipikong Pilipino.
Nang dumating naman ang mga Amerikano, nagtayo sila kawanihan ng mga laboratory upang pag-aralan at bigyang-lunas ang mga sakit ng mga Pilipino. Dinagdagan nila ang kaalaman ng mga sinaunang Pilipino sa larangan ng agrikultura, parmasiya at pagproseso ng mga pagkain. Naitayo na rin ang National Research Council at Bureau of Science upang palawakin pa ang agham.
Hanggang sa tuluyan tayong lumaya sa pagkakaalipin ng mga bansa, matatag na ang ating pagmamahal at kaalaman sa siyensiya. Pinonduhan nga ng dating pangulong Marcos ang National Science and Technology Authority (Department of Science and Technology na ngayon) upang suportahan ang mga siyentipikong pagsusuri at pag-aaral at mga imbensyon.
Kung sususuging maigi ang ugat ng siyensiya sa ating bansa, hindi talaga tayo magpapahuli sa ibang bansa. Hindi nakakapagtakang ang Pilipinas ay tinaguriang 'science nation' sapagkat maraming patunay para dito. Ang mga nakilalang imbentor na Pilipino at ang patuloy nilang pagtuklas ay siyang magsasabing nakakasabay, o di kaya nakakaangat na ang Pilipinas sa pandaigdigang sistema.
Globally competent tayong mga Pinoy. Kamakailan lang ay inilabas ang kauna-unahang Filipino-made car sa Pilipinas. Kung susuportahan nga lang ito ng ating gobyerno, hindi na natin kailangan pang umangkat ng mga sasakyan sa ibang bansa. Darating pa ang panahon, tayo na rin ang prodyuser ng iba pang uri ng sasakyan.
Kaya nating marating ang buwan o ang ibang planeta sapagkat ang Pilipinas ay patuloy na tumutuklas... umiimbento, dahil astig ang mga Pinoy! Malay mo, ikaw na ang susunod na imbentor.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...