KABANATA 23
Excited akong pumasok sa unang klase, hindi tulad noong last semester, na
alinlangan ako. Nasanay na kasi akong kasama ang mga bago kong classmate. Isa
pa, welcome naman pala ako sa kanila. Naging. paraniod lang ako noon. Nag-isip
ng kung anu-ano.
Enrolled ako sa Mgt 7, Acctg 5, Taxation 2, Bus. Law 1, Mgt 9, Mgt 8 at Typing
1. Lahat ng mga ito ay indispensable na sa kurso ko. Wala akong dapat
balewalain. Walang dapat i-condemn at gawing katatawanan. walang oras na dapat
aksayahin. Walang professor na dapat bastusin.
Ang
Mgt 8 ay Investment Management.
Ang
Mgt 9 ay Office Organization, Procedure and Equipment.
Ang
Bus Law 1 ay Obligation and Contract.
Ang
Tax 2 ay Business Taxation.
Ang
Acctg 5 ay Management Accounting.
Ang
Typing 1 ay Basic Typewriting.
Sounds and looks easy. Pero, ang totoo, mahirap lahat. Iyon na raw ang
pinakapraktikal na bahagi ng course namin. Kaya naman todo aral ako. Sabi ko,
dapat may ma-retain man lamang sa kukote ko kahit tigkokonti.
Sa
Investment Management, nalaman ko ang mga bagay tungkol sa pag-invest. Ang
Return of Investment (ROI). Arithmetic sa pag-compute ng ROI. Hindi ko
makakaligtaan ang salitang 'break-even'.
Office Organization, Procedure and Equipment. Remarkable ang subject na ito
sapagkat si Sir Ego na naman ang instructor namin. Well, magaling naman siya.
Kahit hindi niya nabigyan ng effective teaching ag bahagi ng 'equipment',
bumawi naman siya sa bahaging 'organization' at 'procedure'. Dapat nagbitbit
siya ng telepono, computer at facsimile, para believable. Sabagay, hindi naman
kami mga igno at moron. Ayos lang naman na Casper ang mga equipments na
nileksiyon niya. In all fairness, naituro niya sa amin ng maigi. Tapos.. activity
na. Pinag-actual o oral telephone conversation kami."Naliorf,
Incorporated. Hello! Good morning!", ang banat ko. Kanya-kanya. Si Sir
kunwari ang client. Then, filing naman. Bumalik kami sa alphabets. Sounds
'chicken feed', pero akalain niyong mali-mali pa kami sa tamang alphabetical
order?! Paano ba naman?! Dictation na naman. Tamad kasi si Sir na magsulat sa
board. Tapos foreign names pa ang binabasa niya gaya ng 'Dupont'. Pag mali ka
ng isa, malamang ma-zero ka. Hindi naman ako nabokya. May tama pa rin.Tangengot
kasi ako! Marami pa kaming naging activities. At sa totoo lang, noon ko lang
na--enjoy ang presence at subject ni Mr. February. Natuto na marahil siya.
Hindi na siya masyadong defiant at critical. Pero ang excessive pa rin ng
karamutan niya sa grades.
Sa
Business Law 1. Tinackle ang mga batas about obligations and contract. Ang mga words
gaya ng 'breach of contract' at 'prima facie' ay hinding-hindi ko
makakalimutan. Grabe! Para kaming mga Law students o mga abogado. Kulang na
lang i-memorize namin ang mga laws. Section by section, may reporter. Minsan
tig-dadalawa o tatlo. I-interpret mo iyon at bibigyan ng kaukulang halimbawa.
Nagiging story-teller kami. Afterwards, susunod na ang Q and A portion.
Katakot-takot na double-talk questions. 'What if blah blah blah?!' Kung
anu-anong problema ang pinagtatalunan namin. Minsan, pati kalabaw ay nasasali
pa sa diskusyon. Buong semester ganon kami kaingay at katatanga.
Business Taxation. Parang katulad ito ng Taxation 1, kung saan napag-aralan
namin ang mga uri ng income tax, such as excised tax, royalty, real at
individual tax. Sa Taxation 2, more on single-proprietorship, partnership at
corporation kami.
Sa
Acctg 5 naman, parang finishing touches na lang. Tapos na kami sa dalawang
pinakamahihirap. Ang Acctg 1&2 at 3&4. Dito, additional at review na
lang. Adjustments ng mga journal entries at iba pa. Na-retain sa akin ang mga
mahahalagang bookkeeping activities such as 'balance sheet', 'financial
statement', etc. Enjoy kahit mahirap at confusing.
At sa
Typing.. Basic lang. Nakakatawa. Para kasing wala kaming instructress. Unang
araw lang siyang nag-leksiyon sa amin. Tinuro lang sa amin ang mga dapat
pipindutin ng bawat daliri. At pagkatapos niyang sabihin na "Heto ang
gagawin niyo sa buong sem'' o "Ganito ang project niyo.", hindi na
siya nagtagal sa harapan namin. Padalaw-dalaw lang. Clerk pa kasi siya sa
Registrar's Office. Tanging tak tak tak lang at ng tak tak kring lang ang mga
maririnig namin sa room. Nakabuwelo kami. Wala kaming restrictions. Walang
papalo sa mga kamay namin kapag mali ang napindot ng hintuturo o ng hinliliit
namin. Walang magbabawal sa amin na wag gawing 'dot-dot' ang pag-type. Ako? Dot
system ang ginawa ko. Mas mabilis at accurate kasi pag ganun. Ang mahalaga
naman kasi ay tama ang pagka-type. No erasures. Tama ang spacing. No
typographical errors. In short, carbon-copy ng libro.
Hindi
ako nag-isa sa dot system. Halos lahat kami. Ang importante kasi, magawa namin
ang compilation as a project na ipapasa on or before the semester ends. Every
period, nakakapagpa-check ako ng dalawa o tatlong pages. At pag mababa, uulitin
ko till ma-satisfied ako.
Extra-curricular activities naman tayo...
Hindi
ako born leader pero tumakbo ako bilang Student Council President. Ang tigas ng
apog ko noon dahil pinush ako ng mga kaklase ko na lumaban. Wala kasing manok
ang Commerce Department. Dalawa lang ang tatakbo. Bago pa ako nagdesisiyon in front
of my classmates and our professor, may plano na talaga akong lumaban. Pero,
independent lang sana. Mabuti lang naisip ng incumbent president na mag-run
ako. Tutulungan niya raw ako. Nag-second the motion ang lahat. Kaya, without
hesitation... nag-isip muna ako. Kaunti lang. Kunwari pa ako, 'Sige!' sabi ko.
'Suportahan niyo ako, ha?!' Ayon! Agad akong bumuo ng line-up. Tinulungan nila
akong maghanap. Pumili ako ng mga kapareho kong underdog. Iyong mga tahimik.
Mga never-heard personalities. Pero 'yung may mga utak ang mga kinuha ko.
Nalimutan ko kung ano ang partylist ko. Basta may connection iyon sa Magdalo.
Kainitan kasi noon ng mutiny o coup attempt ng mga Magdalo Group. Tamang-tama
naman na ang group ko ay tila isang maliit na boses na kalaban ng
administrasyon. Nakitaan ko ng greed ang kalaban ko. Pulos officers ang mga
members ng kabilang grupo, ng iba't ibang school organizations. Samantalang
kami, ni isang affiliation ay walang ginagampanan.
Ang
totoo, nag-decline ako sa eleksiyon ng Commerce Department. Panalo sana ako as
over-all president. Ayoko lang dahil gusto ko nga sa mother organization dahil
may pagka-bwakaw din ako. Ang point ko kasi...may thrill pag Student Council
ang hawak ko. Naroon ang pondo.
Nag-back out ang isang president. Dalawa na lang kami. Namesake ko pa ang
kalaban ko. (Ang totoo, isa iyan sa hinugutan ko ng idea.) Coincedence. Apelyido
lang ang pinagkaiba namin.
Sikat
na sikat ang kalaban ko. Panis ako. Walang panama. Underdog nga kami sa kanila.
Mga celebrities sila sa school. Singer ang rival president. Tinitilian ng mga
babae sa campus tuwing kumakanta.
Pero
underdog man ako, tiyak akong nagbigay ako sa kanya ng takot at kaba. Imagine,
pag natalo ko siya... malamang kahihiyan iyon sa side niya.
Room-to-room campaign. Hindi kami namudmod ng kung anu-ano. Hindi kami nagbigay
ng konting entertainment. Iyon ang sabi ko sa kanila. 'Panatilihin natin ang
pagiging talunan natin.' Gayunpaman, pursigido ang lahat na manalo at mamuno.
Miting de abanse. May hinanda akong speech. Satirical speech iyon. Hindi ko
malilimutan ang mga linyang ito: "I'm a voracious reader, but I'm not a
voracious leader, because I do believe no one can serve two masters at the same
time." at "I couldn't sing in front of you, but I can be a good
leader and serve you." Alam ko, natamaan sila. Nakita ko kasi ang campaign
manager niya na taimtim na nakikinig sa akin.
Botohan na. Tuwang-tuwa at proud na proud ako sa sarili ko dahil may sumuporta
sa akin. Siya ay kaklase ng kalaban kong president. Dahil may kung anumang
dahilan siya, ako ang sinuportahan niya. Nilinaw niya kung bakit. At, good
leader-to-be rin daw ako. Nagpamudmod siya ng papel na may pangalan ko at may
chocolate candy na naka-staple doon. Mas gumasta pa nga siya kesa sa akin o sa
amin.
Counting. Nakaupo lang ako sa bench. Wala akong kaba. Excited akong malaman ang
result. Hindi ako lumapit doon upang tingnan ang boto ko. Nakamasid lamang ako
sa mga kilos ng kalaban. Pabalik-balik sila sa mga room. Sa una, blangko pa ang
mga mukha nila. Sunod, may mga kaba na sa katawan. Sa kalagitnaan, ang lalaki
na ng mga ngiti sa mga labi nila. Nagbubunyi na. Anlalakas na ng mga tawanan. Well,
nalungkot ako dahil hindi ko maisasagawa ang mga programa at proyekto ko. Hindi
naman talaga ako umasa ng panalo. Panggulo lang ako. Panakot. Himala lang ang
pwedeng magbigay sa akin ng panalo. At sa pagkakataong iyon, tumama si Nora
Aunor. Walang himala!
Hindi
ako nasaktan. In fact, kinamayan ko si Tukayo. Sabi ko, 'Congrats! You deserve
it!"
Lumapit sa akin ang avid supporter ko. "Okey lang 'yan," sabi niya sa
akin. Oo naman, kako. At napatunayan ko na may ibubuga rin pala ako. Nagkulang
lang ako sa positive mental attitude at karisma.
The
next day, inilabas ang result. Approximiately, forty (40) percent ang bumuto at
nagkamali sa akin. He he!
At
ang nakakatuwa sa pangyayari... isa lang ang nanalo sa partido ko. Commerce 1st
Year Representative lang, na may panggulong kalaban. At least, may
representative na ang course namin.
Hindi
rin ko malilimutan ng nanalong iyon dahil ako ang pinagawa niya ng speech niya
para sa miting de abanse. At least, panalo ang talumpati ko!
No comments:
Post a Comment