Salamat sa inyo, mga bagong guro!
Sa dulot niyong handog na may puso
Sa mga gawaing naitulong ninyo,
Sa pagiging bahagi ng aming grupo,
Klase nami'y sa inyo ay tiyak natuto
Kaya, pasasalamat, kamtin ninyo.
Ipinamalas niyong husay at talino
S a aralin, sa gawain at sa pagtuturo
Ay tanda na kayo'y mahuhusay na guro
Inspirasyon mula sa'min, sana'y nabuo
Gamitin rin nawa aming mga ipinayo
Upang buhay-guro'y magustuhan n'yo.
Humayo kayo, maging tunay na guro
Saan mang dibisyon, kayo magturo,
Huwag sanang limutin ang Gotamco
Na minsang naging inyong mga guro,
Nagkanlong, nagmahal ng buong puso.
Salamat sa inyo at mabuhay kayo!
(..para sa mga interns ng GES, SY 2013-2014)
Followers
Wednesday, February 26, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment