Ang buhay ay isang paglalakbay. Mangarap ka lang at magsikhay, tiyak makakarating ka sa nais mong puntahan, kahit nais mo pang maabot ang buwan at marating ang Mars.
Lagi lang tatandaan, ang biyahe ay laging may nakaambang panganib at kabiguan. Maraming asuwang, maligno, masasamang-loob, bully, aliens, at kung ano-ano pang karakter ng tao, hayop at lamang-lupa, na minsang hahadlang sa mga pangarap mo at sa mithiin mo sa buhay.
May mga bagong kaibigan kang makikilala. May makakaaway ka. May magmamahal sa’yo. May mamahalin ka. Minsan, maliligaw ka sa lugar na hindi mo alam kung saan ang daan pabalik. Pero, anuman ang mangyari, basta’t may disiplina ka, may determinasyon ka, at may puso at talino ka, makakarating ka sa iyong destinasyon.
Mangarap ka, kahit ang buhay ay isang ‘Trip to Mars’. Walang imposible, lalo na kapag nasa likod mo ang Panginoon.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment