May limang paraan upang hindi matupad ang mga pangarap.
Ang una ay takot. Kapag takot kang mabigo, ma-reject, at sa sasabihin ng iba, hindi mo matutupad ang mithiin mo.
Ang pangalawa ay kawalan ng pokus. Kapag hindi mo pinokusan ang goal mo, maliligaw ka hanggang hindi mo maabot ang pangarap mo.
Ang pangatlo ay pagiging negatibo. Kapag sarili mo mismong kakayahan ay pinagdududahan mo, manghihina ka hanggang mawala ang mga hangarin mo.
Ang ikaapat ay kawalan ng tiyaga. Kapag madali kang sumuko sa kaunting hadlang at balakid, hindi mo matitikman ang tagumpay na ninanais.
At ang ikalima ay kakulangan ng suporta. Kapag hindi ka humanap at tumanggap ng mga supporta mula sa pamilya at mga kaibigan, mag-iisa kang tatahakin ang pangarap mo at walang tutulak sa iyo kapag napagod ka na, kaya posibleng isuko mo na lang ang mga pangarap mo.
No comments:
Post a Comment