Followers

Monday, July 31, 2023

Prostate cancer: Nakaka-Frustrate


 P’re, kumusta ang prostrate mo?

 

Huwag kang magulat sa tanong ko. Magulat ka kung may problema na ang prostate mo.

 

Ano nga ba ang prostate?

 

P’re, ang prostate ay bahagi ng male reproductive organ na kasinglaki ng kastanyas, na matatagpuan sa pagitan ng tumbong at pantog. Bahagi ito ng male urethra --ang manipis na tubong direktang dinadaanan ng ihi palabas ng katawan.

 

Mahalaga ba ang prostate gland sa tao o sa mga lalaki?

 

P’re, ang sagot ay ‘Oo.’ Napakahalaga nito.

 

Ang prostate gland ay aktibong bahagi ng katawan na gumagawa ng seminal fluid. P’re, alam mo na kung ano ito. Hindi ko na sasabihing katas ito na nagbibigay ng buhay at kaligayahan.

 

Ang prostate gland ay patuloy ring naglalabas ng partikular na uri ng protina na tinatawag na prostate specific antigen (PSA) sa dugo. P’re, itong PSA ang ginagamit sa pagsusuri kung may prostate cancer ang lalaki.

 

Kapag lumaki ang prostate gland at tumaas ang level ng dugo ng protina, maaaring kanser na iyan. Subalit hindi palaging malignant ang paglaki ng prostate.

 

Kaya lang, kapag masyado nang malaki ang prostate, magiging sanhi ito ng kahirapan sa pag-ihi. Kaya, p’re, huwag mong palakihin ang prostate mo. Iba ang palakihin mo. Palakihin mo ang pagmamahal mo sa prostate mo.

 

At, p’re, kung ikaw ay nasa edad 45 pataas, pasok ka na sa posibilidad na magkaroon ng bahagyang paglaki ng prostate. Huwag kang mag-alala dahil ito ay dulot ng pagbabago sa hormones ng lalaki kapag may edad na.

 

Paano ba malalamang lumalaki na ang prostate?

 

Simple lang, p’re. Una, kapag madalas kang umihi. Pangalawa, kapag paunti-unti ang paglabas ng iyong ihi. Pangatlo, kapag humihina ang daloy ng iyong ihi at parang hindi kumpleto ang iyong pag-ihi. Sa mga may edad na, kapansin-pansin ang madalas nilang paggising sa gabi para umihi.

 

Tipikal lang na mga sintomas ang mga iyan. Subalit kapag malala na, narito ang mga senyales. Una, may dugo na sa iyong ihi. Pangalawa, masakit ang unang paglabas ng ihi. Pangatlo, may

erectile dysfunction ka na. At pang-apat, masakit ang pelvic area at lower abdomen mo.

 

At ang mga pinakaseryosong sintomas ay ang mga sumusunod: Una, pananakit ng mga buto, gaya ng sa trunk, backbone, pelvis, femur, ribs, at hipbone. Pangalawa, pagdanas ng pakiramdam na parang pinipiga ng tumor ang utak ng buto, na maaaring may pamamanhid sa ibabang paa. At pangatlo, kadalasang pagkabali ng buto kahit na hindi naman nakaranas ng malaking trauma.

 

Anomang antas ng mga sintomas, nararapat nang isangguni sa urologist ang karamdaman. Mahalaga ang regular na check-up sa prostate.

 

Ayon sa mga eksperto, may mga factors kung bakit nagkakaroon ng problema sa prostate ang mga lalaki—gaya ng age, genes, diet, at lifestyle.

 

Una ay ang age. Nasabi ko na ito kanina. Bihira ang kaso na ang lalaking wala pang 45-anyos ay may prostate cancer na. Ayon sa statistics, ang mga lalaking nasa pagitan ng 60 at 70 ang edad ay siyang mga pinakaapetado nito.

 

Pangalawa ay ang genes. Namamana ang prostate cancer. Kaya, p’re kung ang iyong ama o kapatid ay may history ng prostate cancer, ikinalulungkot kong sabihing mataas ang posibilidad mong magkaroon din nito.

 

Pangatlo ay ang diet. P’re, kung mas maraming protina at saturated fat ang nakokonsumo mo, ikaw ay may mataas na tsansa ng pagkakaroon ng prostate cancer. Gayundin kapag labis ang iyong timbang o katabaan.

 

At pang-apat ay ang lifestyle. P’re, kung mahilig kang kumain ng matatamis at matatabang pagkain, pero hindi naman nag-eehersisyo; at kung mahilig kang uminom ng alak, pero kulang sa tubig, malamang ay dadapuan ka ng kanser sa prostate. 

 

P’re, kung wala ka namang problema sa prostate mo, binabati kita! Subalit, mahalaga pa rin ang pag-iingat, pag-aalaga sa kalusugan, at pag-iwas sa prostate cancer.

 

Huwag pigilin ang ihi dahil ang iyong pantog at bato ang siyang mahihirapan. Mas mabuti ang nakakaihi kaysa sa hindi.

 

Uminom ka ng walong basong tubig sa isang araw para manatiling malinaw ang iyong ihi. Mas malinaw ang ihi, mas ligtas ang tao sa problema sa prostate.

 

Ugaliin mong kumain ng kamatis dahil may taglay itong lycopene, na may kakayahang pababain ang risk ng prostate cancer. Ang ketchup, tomato sauce, at spaghetti sauce ay mayaman sa lycopene.

 

Uminom ka ng green tea imbes na kape. Ang green tea ay panlaban sa prostate cancer at nagtatanggal ng toxin sa katawan.

 

Kumain ka ng mga gulay at prutas na mataas ang fiber. Nire-regulate ng fiber ang bilang ng mga hormones sa katawan, gaya ng testosterone. Subalit, kapag masyadong mataas ang bilang ng hormones sa katawan, nagiging sanhi ito ng kanser sa prostate.

 

Mas kumain ka ng isda kaysa karne. Ang matatabang isda gaya ng salmon at tuna ay mayaman sa Omega 3 fatty acids, na anti-inflammatory. Nakatutulong itong iwasan o pabagalin ang paglago ng prostate cancer.

 

Umiwas ka sa matataba at matatamis na pagkain at inumin dahil mataas ang saturated fats ng mga ito, na nagdudulot ng prostate problems.

 

Umiwas ka sa alak at kape dahil naiirita ng mga ito ang prostate. Pinapamamaga nito ang prostate, kaya dumadalas ang pag-ihi. Kung gusto mong magkape, dahil adik ka na, sige! Safe ang prostate mo sa mga kape ng First Vita Plus.

 

Sa halip na alak, uminom ka na lang ng First Vita Plus Natural Health Drink dahil mayroon itong five power herbs at fruit extract, na nagpapalakas ng immune system upang iiwas ka o may panlaban ka sa prostate problem.

 

P’re, ngayong alam mo na kung gaano kahalaga ang may malusog na prostate, huwag ka nang mag-alinlangan pa. Gumawa ka na ng mga tamang hakbang para hindi ka ma-frustate pagdating ng panahon.

 

 

 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...