Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rock hounding ang hobby ko.
Bawat batong inuuwi ko ay may kuwento, tulad ng batong ito.
Noong July 13, 2023, pumunta ako sa venue ng Aliwan Festival. Unang araw iyon ng nasabing pagdiriwang. Alam kong masama ang panahon. Pero dahil ilang taon ding walang Aliwan Festival, excited ako lalo na't may Bente Naman Jam pagpatak ng alas-siyete. Since maaga pa ako, naglibot-libot na ako.
Pagpatak ng alas-6:30, may mga tao na sa venue. Nakaupo na nga ako sa bleacher nang biglang binago ang concert venue. Pinapila ang mga concert-goers sa Aliw Theather. So, pumila rin ako.
Sa pila, hindi ko lubos maisip bakit sa gitna ng kalsada ay may naispatan akong bato. Naakit ako sa kulay nito lalo na't basa. Lumabas ang taglay nitong ganda.
Bilang rockhound, kinuha ko't nilagay sa bag.
Nang malapit na ako sa nag-iinspect na security guards, sinabi ng mga ito na bawal ang tubig at pagkain. May baon ako, e, kaya hindi na lang ako pumasok. Okey na ako sa batong napulot ko. Hindi nasayang ang pagpunta ko.
No comments:
Post a Comment