Followers

Monday, July 24, 2023

Goiter: Uri, Sanhi, at Lunas


 Mga kaibigan, kapain niyo nga ang leeg o lalamunan niyo. Baka may bukol na. Baka goiter na `yan, ha. May pinagmulan `yan. At iyan ang pag-uusapan natin ngayon.

 

Ang goiter ay paglaki ng thyroid gland, na matatagpuan banda sa may leeg o sa bandang ibaba ng Adam’s apple. May kaugnayan ang thyroid sa metabolismo ng ating katawan. Ang metabolism ang gumagawa ng enerhiya, kaya kapag may problema ang thyroid, naaapektuhan ang paghinga, panunaw, at emosyon ng tao.

 

Ayon sa mga eksperto, kahit sino ay maaaring magkaroon ng goiter, subalit mas prone ang mga kababaihan.

 

Ang goiter ay may mga uri, depende sa mga sintomas o mga naoobserbahan ng mga doktor.

 

Ang una ay simple goiter. Ito ay dahil hindi nakagagawa ng sapat na hormones ang thyroid gland kaya namamaga ito.

 

Ang pangalawa ay endemic goiter. Tinatawag din itong colloid goiter. Ito ay sanhi ng kakulangan sa iodine. Gumagamit ang thyroid gland ng iodine upang gumawa ng hormones.

 

Ang pangatlo ay sporadic o nontoxic goiter. Ito ay nangyayari dahil sa iniinom na gamot o medical condition ng pasyente kaya na-trigger ito.

 

Ang pang-apat ay multinodular goiter. Ito ang uri ng goiter kung saan may tumubong maliit na bukol (nodule) sa thyroid. Ang tumubong nodules ay gumagawa rin ng sariling hormones at lumalaki. Ito ang nagdudulot ng hypothyroidism o labis na paggawa ng hormones.

 

Ang pangunahing sanhi ng goiter ay iron deficiency. Ang Iron ay gumagawa ng thyroid hormones sa ating katawan, kaya ang kakulangan nito ay nagreresulta sa pagiging aktibo ng thyroid gland para sa paglaki at pamamaga nito.

 

Minsan naman, nakukuha ang goiter sa tinatawag na thyroiditis (pamamaga ng thyroid). Ito ay isang viral infection, na nangyayari sa mga babaeng katatapos lamang manganak.

 

Ang Graves’ disease ay isa ring itinuturing dahilan ng pagkakaroon ng goiter ng isang tao. Ito ay nagaganap kapag masyadong maraming thyroid hormones ang nagawa (hypothyroidism).

 

Nabanggit kanina na ang lahat ng tao ay maaaring dapuan ng goiter. Kaya mag-iingat ang mga may family history ng thyroid cancer, nodules, at iba pang thyroid problems. Ang mga hindi mahilig kumain ng seafood, lalo na ng isda, ay prone din sa goiter. Ang sinomang may edad na 40 pataas, buntis, nakararanas ng menopause, at sumasailalim sa radiation therapy ang leeg o dibdib ay madaling kapitan ng goiter.

 

Hindi lang bukol o pamamaga ng leeg ang sintomas ng goiter. Kapag napapaos, umuubo, nahihirapang lumunok, naninikip ang lalamunan, nahihilo kapag nakataas ang kamay, namamaga ang mga ugat sa leeg, at nahihirapang huminga, dapat ipasuri na ang thyroid.

 

Ang taong may toxic goiter, na may kasamang hypothyroidism, ay maaaring magpawis, magtae, manginig, at bumilis ang tibok ng puso.

 

Maaari ding manuyo ang balat, mahapo, maragdagan ang timbang, magkaroon ng constipation, at magkaroon ng irregular menstruation ang sinomang may goiter at hypothyroidism.

 

Kapag ang goiter ay nasa loob, tinatawag itong obstructive goiter, kaya asahan na ang pag-ubo, hirap sa paghinga at paglunok, paghilik, at pagkapaos.

 

Kung may hinala na, agad nang kumonsulta sa doktor. Ang physical exam ay isasagawa ng doktor upang matukoy o makapa ang nodules sa leeg. Ang pagkakapa sa leeg at paglunok ay isasagawa rito.

 

Maaari ding gawin ang tinatawag na hormone test, kung saan sinusuri ang dami ng thyroid hormone. Nariyan din ang antibody test, thyroid scan, at ultrasonography.

 

Ang pag-inom ng gamot ay nararapat lang na may prescription ng doktor. Nakadepende rin ito sa laki at sintomas ng goiter.

 

Kung hindi na kaya sa mga gamut, irerekomenda ng doktor ang surgery upang hindi ito mauwi sa thyroid cancer. Malaking problema iyan `pag nagkataon. Kaya, habang maaga ay agapan agad ito. Ang maliit na bukol ay huwag nang palakihin. Ang mga sintomas nito ay huwag babalewalain. Sabi nga, prevention is better than cure.

 

Kaya, magpalit na ng lifestyle. Iwasan ang alak. At isama sa healthy diet ang sapat na Iodine. Ang iodine ay maaaring manggaling sa mga lamang-dagat, gaya ng isda, seaweeds, at iba pa. May iodine din ang ibang prutas at gulay.

 

Alam niyo ba? Ang First Vita Plus Guyabano ay nakatutulong sa pagtanggal ng goiter sa thyroid. Isa sa 5 Power Herbs nito ay talbos ng kamote, na tanging gulay na may Iodine. Bukod dito, ang guyabano ay may cancer-killing ability. Sa katunayan, ang dahon ng guyabano ay isang mabisang halamang-gamot para sa goiter.

 

Siyempre, hassle pa ang pagpapakulo ng dahon ng guyabano, kaya piliin na ninyo ang pag-inom ng First Vita Plus Guyabano. Hindi lang ito para panlaban sa goiter, nagpapalakas din ito ng immune system upang hindi tayo madaling dapuan ng karamdaman.

 

Mga kaibigan, kung kinapa ninyo kanina ang inyong leeg, ngayon ay kapain naman ninyo ang inyong mga bulsa. Ayan… Kaya ba ninyong gumastos para puksain ang goiter? O kaya ba ninyong gumastos upang hindi tamaan ng goiter?

 

Tandaan: Mas okey na bumukol ang bulsa kaysa bumukol ang leeg.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...