MAPANURING PAG-IISIP
Mapanuring pag-iisip ay dapat nating kamtin
Angking katalinuhan ay nakabubuti sa atin
Pang-araw-araw na buhay na ating tatahakin
Ang pagiging mapanuri ay kakailanganin
Naglipana ang mga scammers sa paligid natin
Upang hindi mabiktima, mag-isip-isip din
Ramdamin mo ang mabuti’t masamang hangarin
Ingatan ang bawat transaksiyong papasukin
Nang sa gayon, hindi magtagumpay ang salarin.
Galing sa pagsusuri’t pag-unawa ay gamitin.
Pagkakaroon ng kuryusidad ay normal lang din
Ang kaligtasan at kaalaman ay dapat unahin
Galingan sa pagtuklas, kaisipan ay palawakin
Isa pa, ang pagharap sa mga balakid at suliranin
Ikaw ay makaaalpas sa mabibigat na pasanin
Sa pamamagitan ng kakayahan sa problem-solving
Isipin nang mabuti ang (mga) solusyong pipiliin
Pamilya at sariling kapakanan dapat ang unahin.
Ugat at sanga ng kapahamakan ay putulin
Galing sa pananaliksik at pagtuklas ay ugaliin
Anomang kaduda-duda ay agad na kilatisin
Labis na pagtitiwala sa kapwa ay nakasasama rin
Imbestigahang maigi at sila ay mainam na kilalanin
Impormasyong ibibigay ay baka kung saan gamitin
Ngunit sa pagiging mapanuri, tiyak ang kaligtasan natin.
No comments:
Post a Comment