Mahilig
maglibot-libot si Hippo sa mga hardin sa ilalim ng karagatan. Tuwang-tuwa
siyang sumisilip-silip sa mga damong-dagat habang hinahabol niya ang sinag ng
araw na sumisilip sa tubig.
Isang
madilim, pero tahimik na gabi noon. Nagtatago ang buwan sa makakapal na ulap.
“Ano
iyon? Pambihira!” Napansin ni Hippo ang kakaibang liwanag, na nagmumula sa
kailaliman ng dagat.
Mabilis
na lumangoy si Hippo palapit sa liwanag. Tumambad sa kaniya ang nilalang, na
may makinang na mga kaliskis at mahahabang palikpik.
“Kakaiba
ka! Ngayon lamang ako nakakita ng katulad mo,” sabi ni Hippo. “Sino ka? Saan ka
patungo?”
Kumislap
ang mababait na mata ng nilalang. Bahagya rin nitong itinaas ang gasera. Naglalabas
iyon ng munting liwanag mula sa tumitibok na puso. “Ako si Vito. Tuwing
nalulungkot ako, naglalakbay ako.”
“Ako
naman si Hippo... Matanong ko lang… bakit malungkot ka ngayon?” Napansin niyang
mas humina ang liwanag ng ilaw ni Vito.
Nahihiyang
ngumiti si Vito. “Nawawalan na ako ng pag-asa. Nahihirapan na akong mamuhay sa
lupa.”
Lalong
lumamlam ang liwanag sa gasera.
Sandaling
nag-isip si Sandy. “Maaari kitang matulungan, Kaibigan! Ipapakita ko sa iyo ang
paborito kong lugar. Doon tayo magkuwentuhan!”
Lumangoy
nang sabay sina Hippo at Vito patungo sa nagniningning na kagubatan ng mga
damong-dagat. Nilaro nila ang mga makukulay na isda. Sumayaw sila kasama ang
mga dikya. Nagkatawanan pa sila hanggang sa dumami ang mga bula sa kanilang
paligid.
Sa
bawat tawa at bawat mabait na salita, lalong lumiliwanag ang gasera ni Vito. Hindi
nagtagal, nagningning nang husto ang pusong nasa loob niyon. Manghang-manghang
nagsilapitan ang mga kauri ni Hippo.
Simula
noon, palagi nang magkasama sina Hippo at Vito. Ang kanilang pagkakaibigan ang
nagbibigay ng liwanag sa gasera. Kaya nitong tanglawan ang madidilim at
malulungkot na sulok ng karagatan. Minsan, isinasama rin ni Vito si Hippo sa
kalupaan.
No comments:
Post a Comment