Followers

Saturday, June 15, 2019

Elvira Negra

"Elvira Negra! Elvira Negra!" Iyan ang madalas marinig ni Elvira mula sa kanyang mga kaklase at kaeskuwela tuwing papasok siya sa paaralan. Yuyuko na lamang si Elvira at tahimik na lalayo. Sa silid-aralan, madalas din siyang pinagtatawanan. "Ma'am, alam ko po ang tatlong pangkat ng sinaunang tao sa Pilipinas," sabi ni Athena. "Sige nga, Athena," sabi ni Binibining Lacaba. "Malay, Indones, at Negra!" Tumawa pa si Athena pagkatapos tingnan si Elvira. Nagtawanan ang mga kaklase nila. "Athena, bakit ka ganyan kay Elvira? Hindi mo ba alam~" "E, tama naman po ang sagot ko, ah." Sinimangutan ni Athena ang guro saka umupo. "Hay, naku! Lagi kang ganyan. Lagi mong inaasar si Elvira. Tandaan mo, ang kagandahan ay hindi nasusukat sa kulay ng balat at sa panlabas na kaanyuan, kundi sa kabutihan ng puso. Ikaw, maganda ka at maputi, pero sana mabuti kang tao," litanya ng guro. Nagbingi-bingihan lang si Athena. Ginaya niya pa ang buka ng bibig ng guro. Kahit madalas ipagtanggol ni Binibining Lacaba si Elvira, hindi pa rin tumigil si Athena sa pamimintas. Araw-araw, nagagawa ni Athena na takutin, pasigawin, at paiyakin si Elvira. Noong Lunes, halos hindi matigil-tigil sa pagsigaw si Elvira nang lumabas mula sa kanyang bag ang dalawang malalaking gagamba. Tinawanan lang siya ni Athena at ng mga kaklase nila. "Elvira Negra, takot sa gagamba!" sigaw nila. Noong Martes, halos matumba si Elvira sa kinauupuan niya nang isang palakang bukid ang lumukso patungo sa kanyang armchair. Tinawanan lang siya ni Athena at ng mga kaklase nila. "Elvira Negra, takot sa palaka!" sigaw nila. Noong Miyerkules, kumawag-kawag si Elvira nang may nakita siyang salagubang sa kanyang uniporme. "Tanggalin n'yo! Tanggalin n'yo!" sigaw niya. Tinawanan lang siya ni Athena at ng mga kaklase nila. "Elvira Negra, sa salagubang, takot pala siya!" sigaw nila. Noong Huwebes, napakaraming hantik ang lumabas mula sa bag ni Elvira. Tumakbo siya palabas bitbit ang bag niya habang kinakagat siya ng mga hantik. Tinawanan lang siya ni Athena at ng mga kaklase nila. "Elvira Negra, sa hantik, takot pala siya!" sigaw nila. Inis na inis na winagwag ni Elvira ang bag niya at galit na galit na pinag-aapakan ang mga hantik. Noong Biyernes, iyak nang iyak si Elvira nang may naramdaman siyang insekto sa kanyang buhok. "Hala, gustong-gusto ng praying mantis na tumira sa kulot mong buhok, Elvira," sabi ni Athena. Nagtawanan ang mga kaklase nila. "Elvira Negra, paborito ng samba-samba!" sigaw nila. Nagsibalikan sa kanya-kanyang upuan ang lahat nang dumating na ang guro nila. "O, Elvira, bakit ka umiiyak?" tanong ni Binibining Lacaba. "Ma'am, may mandadangkal po sa magandang buhok niya," natatawang sumbong ni Athena. "Ha? Paano nangyari? Sino ang may gawa niyan, Elvira?" Umiling-iling lang si Elvira pagkatapos niyang tingnan si Athena. Agad namang tinanggal ng guro ang insekto sa ulo ni Elvira at saka pinakawalan sa halamanan sa labas. "Sino ang may pakana niyon?" Nanlalaki ang mga mata ng guro habang titingnan niya si Athena. Patingin-tingin si Athena sa mga kaklase niya. Wala namang nagsalita, kahit si Elvira. "Sige, kung walang aamin sa inyo, lahat kayo ay tatanggalin ko na sa listahan ng mga benepisyaryo sa feeding program. Sabihin ninyo sa inyong mga magulang na mula sa Lunes, hindi na kayo kabilang sa mga estudyanteng may libreng pagkain araw-araw. Maliwanag ba?" Walang sumagot sa mga estudyante ni Binibining Lacaba. Karamihan sa kanila ay mangiyak-ngiyak na napatingin kay Athena. "Pero, Ma'am, mahirap lamang po kami," alma ni Athena. "Sana nagpakabait ka at naging mabuti kang kaibigan kay Elvira," sabi ng guro. Natahimik ang lahat. Kinalunesan, pinagmasdan na lamang ni Athena at ang mga kaklase nila si Elvira habang kumakain ng sopas mula sa feeding program. "Wala pa rin bang aamin?" tanong ni Binibining Lacaba. Tiningnan niya si Athena. Napayuko lamang si Athena pagkatapos tingnan ni Elvira. "Ma'am, gusto ko pong kumain ng sopas. Wala po kasi akong baon," sabi ni Lina. "Ako rin po," sabi ni Marcelo. "Kami rin po," sabi ng iba. "O, sige, bibigyan ko kayo ng sopas... kung sasabihin ninyo sa akin kung sino ang naglagay ng praying mantis o samba-samba sa ulo ni Elvira noong Biyernes?" sagot ng guro. Tumayo si Athena. "Ako na naman ang ituturo ninyo para lang makakain kayo, ha? Bakit kayo lang ba ang walang baon?" Galit na galit siya. "Sige, kapag ako ang itinuro ninyo... makikita ninyo." "Sino?" tanong ng guro kay Lina. Umiling-iling lang si Lina. "Hindi ko po pala gusto ang sopas." Umupo na siya. "Ikaw, Marcelo, kilala mo ba?" tanong ng guro. "Hindi po," sagot ni Marcelo pagkatapos takot na takot na tiningnan si Athena. "Alam ninyo, mga bata, hindi kahinaan o kawalan ang pagsabi ng totoo at paghingi ng tawad sa kapwa. Alam ninyo, napakabuting tao ni Elvira. Kakaiba man ang kulay ng balat niya at ang hibla ng buhok niya, pambihira naman ang kabutihan niya. Napakabait ng kanyang mga magulang. Sana isang araw, matutuhan ninyong magpakumbaba. Athena, sana dumating ang araw na matutuhan mong irespeto ang kaanyuan ng kapwa mo," sabi ni Binibining Lacaba. Nagtinginan ang magkakaklase kay Athena. "Pupunta lang ako sa banyo, mga bata," paalam ni Binibining Lacaba. Nang makalayo na ang guro, tumayo si Athena at galit na nilapitan si Elvira. "Hindi ka lang negra, sipsip ka pa. Dahil sa 'yo, lagi akong nasesermunan ni Ma'am," singhal ni Athena kay Elvira. "Sorry, Athena," sagot ni Elvira. "Sorry? Heto, mag-sorry ka sa sopas." Kinuha niya ang mangkok ng sopas at ibinuhos ang laman niyon sa buhok ni Elvira. Napanganga si Elvira. "Hala, Athena! Ang sama mo talaga!" halos sabay-sabay na sabi ng mga kaklase nila. "E, ano ngayon? Bagay lang iyan sa katulad niyang negra!" Umikot-ukit pa ang mga mata ni Athena habang bumabalik sa kanyang upuan. Tinutulungan nina Lina at Marcelo si Elvira na tanggalin ang sopas sa buhok niya nang dumating si Binibining Lacaba, kasama ang isang matangkad na lalaki, na kakulay ni Elvira. "Class, meet Mister Robert Miller, the father of Elvira Miller. Siya ang nagbibigay ng pondo para sa feeding program ng ating paaralan," pakilala ng guro. "Halika, Elvira." "Daddy!" Masayang niyakap ni Elvira ang ama. "Are you alright?" tanong ng ama. "Yes!" Nagtinginan ang mga estudyante. Noon lamang nila iyon nalaman. "Nabalitaan ni Mister Miller ang ginagawa ninyo kay Elvira, kaya nagdesisyon siyang itigil na ang kanyang pagmamalasakit sa lahat ng estudyante sa ating paaralan, kabilang ka na roon, Athena," sabi ng guro. Maluha-luhang tumayo si Athena. "Ma'am, Mister Miller, sorry po... Ibalik na po ninyo ang feeding program. Kahit hindi na po ako makakain, basta po ang iba ay mapakain ninyo." Naawa si Elvira kay Athena. "Ma'am, Daddy, ituloy po ninyo ang feeding program," sabi niya. Tiningnan ni Binibining Lacaba si Mister Miller. May sinabi siya sa wikang Ingles. "Sorry, Elvira. Napakabuti mo palang tao, kaya hindi pala kita dapat sinasaktan at pinipintasan," sabi pa ni Athena. Nagsalita si Mister Miller sa harap ng klase. Nasa wikang Ingles man iyon, naunawaan naman ng mga estudyante ang kanyang sinabi, kaya nagpalakpakan ang mga ito. "O, hayan, ha... sana mahalin at maging kaibigan na ninyo si Elvira," sabi naman ni Binibining Lacaba. "Opo, Ma'am!" sabay-sabay na sagot ng mga estudyante, kasama si Athena. Ngumiti si Elvira nang napakatamis. Lumabas ang kanyang tunay na kagandahan. Noon lamang iyon nasilayan ng mga kaklase niya.

Sunday, June 2, 2019

Ang Aking Journal -- Hunyo 2019

Hunyo 1, 2019 Past 10 na ako nakapag-almusal sa may school, pero pagkatapos agad ko namang sinimulan ang pagtatapos ng paglilinis ko sa classroom. May kulang pa akong mga ipo-put up, pero puwede namang sa Lunes na. Twelve, nagyaya si Ms. Kris na kumain kaming Tupa group sa Jollibee, since naroon siya sa Harrison Plaza. Isang magana at masyang lunch na naman ang nangyari. Then, bumalik kami sa school pagkatapos kumain. Nag-mop ako ng sahig pagdating ko. Past 5 nang umuwi kami. Almost ready na ang classroom ko. Hunyo 2, 2019 Nakabawi ako sa puyat, mag-i-eight na kasi ako bumangon. Pagkatapos mag-almusal, gardening naman ang hinarap ko. Na-miss ko iyon at mami-miss pa. Kaya naman, ginawa ko nang lahat ang mga gagawin sa garden. nag-transplant ako at nagtanim sa paso. For sale ang mga iyon. Then, naghanda ako ng CG. Budget of Work, at DLL sa Filipino 6. Hapon, umidlip ako. Kahit mainit sa kuwarto, pinilit kong matulog. Siguro, nahimbing din ako. Hapon, naghanda uli ako para sa mga hahanapin bukas, habang ang mag-ina ko ay nagbabalot ng mga notebooks. Ready na nga ako para bukas. Hindi man ako gaanong excited na makilala ang mga bagong batch ng klase, excited naman akong maging mabuting guro uli. Sana maging mabubuting mag-aaral din sila. Hunyo 3, 2019 Dahil sa sobrang init, wala akong tulog magdamag. Pabaling-baling lang ako. Ramdam ko namang nanaginip ako, pero hindi malalim at hindi nagtatagal. Gayunpaman, masigla akong pumasok sa school para sa first day of school. Kalmado kong hinarap ang last section. Nag-orient ako. Subalit, naisip ni Sir Hermie na i-reshuffle ng mga bata para hindi maituloy ang pagpapasaway ng magkakaklase. Gusto ko naman ng ideyang iyon. Gusto kong may makahalong section one sa klase ko. Nang makapagpalitan kami ng mga estudyante, itinuloy o inulit ko ang orientation. Masaya ko silang hinarap. In-inspire ko silang maging manunulat at maging palabasa. Pinasulat ko rin sila upang malaman ko ang kanilang kakayahan. Napansin kong gusto nila akong maging guro. Masaya naman ako sa kanila. Sa tingin, malayo sila sa VI-Love ko last school year. May nakita akong may kusa. May napansing akong leader. Sa palagay ko, mag-eenjoy ako sa advisory ko ngayon. Sana... After class, nag-bonding kaming Grade Six advisers. Pare-pareho kaming satisfied sa aming advisory class. Past 4, nasa bahay na ako. Hindi na ako nakaidlip. Gumawa kasi ako kaagad ng listahan ng mga estudyante ko. Bukas, sisikapin naming magpalitan ng klase. May nag-chat ngang bata. Nagtatanong at naeeksayt na sa pagtuturo ko. Hunyo 4, 2019 Nagpalitan na kami ng klase. Nagturo na ako nang puspusan. Hindi ko lang gusto ang schedule ko kasi wala akong vacant sa umaga. Hindi ako makapag-almusal. Tatlong sunod-sunod na subjects sa umaga at dalawa after recess. Eleven AM na ang vacant ko. Nagpasaway an agad ang advisory class ko habang walang guro kaya hindi ko na agad sila pinansin hanggang uwian. May mangilan-ngilan lang na papansin, pero ayon sa mga kasamahan ko, ang VI-Love daw ng pinakatahimik. Sana lang... After class, namili ako ng mga libro sa Booksale. Para iyon sa online business naming mag-asawa. Past 4 nasa bahay na ako. Parang pagod na pagod ako at antok na antok. Sinubukan kong umidlip, pero hindi ko nagawa. Hunyo 5, 2019 Dahil walang pasok, nagpakasawa ako sa tulog. Past 8 na ako bumangon. Ang sarap! Kahit paano, naibsan ang ilang araw kong pagod at puyat. Gardening ang una kong ginawa pagkatapos mag-almusal. Isinunod ko ang pagbabasa. Kung hindi lang maraming istorbo, baka naubos kong basahin ng mga books na binili ko kahapon sa Booksale. Hapon, umidlip ako. Hindi man ako gaanong nakatulog dahil sa ingay ng pinanunuod ni Zillion, kahit paano ay nagka-energy ako. Hunyo 6, 2019 Turong-turo na sana ako, kaso naisipan ng grade leader namin na magpabasa na lang sa mga bata para malaman namin ang reading level nila. Ginawa ko naman agad habang nagpapasulat ako ng sanaysay. Nakapagturo rin ako ng pagsulat ng maikling kuwento after kong ipakita sa kanila ang books ko. Hindi man lahat nakapagsulat, alam kong may naikintal ako sa kanilang mga puso at isipan. After class, naghintay ako hanggang alas-dos kina Sir Joel at Ma'am Madz. Imbitado kasi kami sa 7th birthday celebration ni Trisha, ang inaanak ko kay Mareng Janelyn. Okay naman ang party sa Jollibee-Buendia. Hanggang 4 pm kami roon. Busog akong nakauwi. Hunyo 7, 2019 Nagmadali akong nagbihis dahil hindi ako nagising sa alarm ko. Akala ko mali-late ako, hindi pala. Napakaaga ko pa nga. Ang maganda sa nangyari ay nakapag-almusal ako. At dahil nakapag-almusal ako, naging energetic at enthuastic ako. Nagturo ako nang masaya. Na-enjoy ng bawat klase ang storytelling ko. Iniba-iba ko kasi ng boses ko. Alam kong nagustuhan nila ang pagiging kenkoy ko. Bukod doon, effective talaga ang storytelling sa mga bata. Pagkatapos ng klase, umidlip muna ako sa classroom. Sobrang init at ingay kaya hindi ako makahimbing. Hinanap pa ako ni Papang kaya bumangon ako. Sa PITX na lang tuloy ako nagpalamig habang nagsusulat. Kahit paano, gumana ang utak ko. Hunyo 8, 2019 Maaga akong nakarating sa school, kaya nakapagkuwentuhan pa kami ni Ma'am Vi at nakapag-almusal pa ako bago nagsimula ang Stakeholders' Assembly. Sa assembly, ipinakilala uli ang mga guro. Then, sumunod na ang nakababagot na school report card ng principal. Siya ang umubos ng oras. Nagsiuwian ang iba, kaya nang mag-break away session na para sa HRPTA meeting, sixteen na lang ang nakadalo sa akin. Gayunpaman, naipahayag ko ang lahat ng nais kong iparating. Nabitin ako sa pakikipagkuwentuhan sa kanila, pero alam kong nakuha ko na naman ang mga puso nila. Naiparating ko na naman na ako ay isang pambihirang guro na may pambihirang adhikain para sa mga mag-aaral. Sabi ko nga, "Hindi man ako ang pinakamagaling na guro sa buong mundo, ako naman ang pinaseryosong mapatuto ang bawat mag-aaral na ma-handle-an ko." Pagkatapos ng assembly, pumunta kami ng #10000 group, kasama si Makki, para kumain sa Racks. May pa-graduation blowout si Ma'am Edith sa amin. Sobra akong nabusog. Andaming pagkain. May takeout pa nga ako. Past 3, nasa CUP kami nina Ma'am Edith at Papang. Nag-request siya ng certification na siya ay graduate na. Ako naman, nagpatulong sa secretary ng school president na makakuha ako ng Certificate of Academic Requirement para makapag-compre ako. Ipinakiusap sa akin sa cellphone ang taong concern na si Mae. Nasabi ko ang nangyari. Nasabi kong negligent ang nasa registrar, at naipahanda ko ang paghahanap ng TOR ko at ang paggawa ng CAR. Kung nadala ko lang sana ang listahan ng mga taken subjects ko, naiwan ko na roon. Pero, sabi ko, sa Lunes ko na lang ibibigay. Nabuhayan ako ng loob nang lumabas kami sa CUP. Sana nga matulungan ako ng secretary. Nag-stay uli ako ng isang oras sa PITX. Nagsulat ako. Bago magdilim, nasa bahay na ako. Ako uli ang nagdilig ng mga halaman. Hunyo 9, 2019 Nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Nagtanim ako nang ilang cactus at nagdilig. May ipinasok din akong halaman dahil nanilaw sa init ng araw. Pagkatapos, gumawa naman ako ng zine. Pinamagatan kong 'Pangarap' ang unang zine ng Grade Six-Love sa school year na ito. Kailangan ko lang makabili ng mahabang stapler para hindi na ako manghihiram kay Ate Jing. Nakabenta si Emily ng pre-loved books, pero utang. Worth P125 din iyon. Sana magtuloy-tuloy ang benta. Hunyo 10, 2019 Naiinis ako sa PITX. Maaga naman akong nakarating doon pero dahil wala masyadong pasahero, hindi agad nakalarga ang dyip. Haist! Late ako. Nasa taas na ang mga estudyante ko nang dumating ako. Gayunpaman, tahimik nila akong hinintay. Naging matagumpay uli ang storytelling ko. Nagustuhan nila ang dalawang kuwento tungkol sa ina---'Hindi Ako Mahal ni Mama' at 'Mga Hayop sa Dila ni Mommy.' Halos maiyak sila sa unang kuwento. Natawa naman sila sa pangalawa. After class, bumili ako ng long stapler. Gagamitin ko iyon sa paggawa ng zine. At least, hindi na ako manghihiram. Nagsulat ako sa PITX hanggang past 4. Nai-post ko ang gawa ko pagdating sa bahay. Gabi, nag-aral ako ng paggawa ng paper crane (origami). Para ito bukas. 'Pagsunod sa Panuto' ang aralin ko bukas. Sana mag-enjoy uli sila. Gusto kong mas gaganahan silang pumasok sa eskuwela dahil inaabangan nila ang bawat pagpasok, bawat aralin, at bawat kuwento ko. Hunyo 11, 2019 Nagturo ako ng 'Pagsunod sa Panuto.' Ginamit ko ang 'Nagtatampo Ako kay Daddy' bilang springboard. At nagpagawa ako ng paper crane. Wala halos nakasunod sa panuto. Gayunpaman, nagkainteres silang gumawa. After class, nag-stay ako sa classroom. Ginawa ko ang pinasasagutan sa akin ni Papang. Then, umidlip ako. Paggising ko, kumain ako at nagsulat ng kuwento. Bilang tulong ko kay Ma'am Edith, ako na ang naglapat ng mga words sa kuwento niya. Past five na ako nakaalis sa school. Then, nag-stay ako sa PITX. Muli akong nagsulat. Hunyo 12, 2019 Dahil walang pasok, nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Then, naglinis ako sa kuwarto ko. Half-day ko rin ginawa iyon. hapon na ako nakapaghanda ng IMs. Okay lang naman. Gabi, nahirapan akong matulog. Napuyat ako dahil nag-blackout. Late na ako nahimbing dahil sa init. Hunyo 14, 2019 Dahil shortened ang klase, wala kaming palitan. Nagpabasa ako sa Filipino upang makuha ang reading comprehension level ng mga estudyante. Pagkatapos, in-inspire ko silang magsulat. Napasulat ko ang iba. Palibhasa, halo-halong section ang VI-Love, kakaunti lang ang nagpasa. Nakaka-disappoint, pero hindi ako susuko. Alam kong maeengganyo ko silang lahat na magsulat. After dismissal, naghintay ako nang matagal para sa free lunch, na mula kay Ma'am Mj. Pagkatapos niyon, nagkuwentuhan kami kasama si Sir Vic. Past two na nang matapos kami. Start na rin iyon ng meeting salash GES Faculty Election. Ang saya ng election. Ang iingay! Ako anf naging pangulo. Thirty-four over forty ang bumoto sa akin. Nakakataba ng puso. Nakakaawa rin ang mga alipores ng principal. Trying hard makapasok. Hindi nila alam, nagkaisa kami. Nanalo lahat ang masa line-up na ginawa namin bago ang election. Challenge sa akin iyon. Sinuportahan nila ako kaya ibabalik ko iyon sa kanila. Sa mga sipsip at kalaban, nakita nila kung paano kami magkaisa. Kawawa silang tingnan. Nagkuwentuhan pa kami nina Ms. Kris at Mj kaya past six na kami nakalabas sa school. Past 8 na ako nakauwi. Hunyo 13, 2019 Akala ko, hindi ako makakapasok dahil nawalan ng kuryente at tubig kagabi. Sabay pa. Mabuti na lang, bumalik ang suplay. Sa school, medyo iritable ako kasi kulang ako sa tulog. Ang Section Hope, nagpasaway. Hindi ko sila kinibo pagkatapos kong mabigo sa kanila. Ayaw ko kasi nang sinasabayan ako. Sana matuto naman sila. Gusto ko naman ang Faith kasi mga active sila. Gustong-gusto nilang kuwentuhan ko sila. After class, umuwi agad ako. Four, nakauwi na ako. Nagawa ko ang mga dapat gawin, like encoding nd printing. Hunyo 14, 2019 Dahil shortened ang klase, wala kaming palitan. Nagpabasa ako sa Filipino upang makuha ang reading comprehension level ng mga estudyante. Pagkatapos, in-inspire ko silang magsulat. Napasulat ko ang iba. Palibhasa, halo-halong section ang VI-Love, kakaunti lang ang nagpasa. Nakaka-disappoint, pero hindi ako susuko. Alam kong maeengganyo ko silang lahat na magsulat. After dismissal, naghintay ako nang matagal para sa free lunch, na mula kay Ma'am Mj. Pagkatapos niyon, nagkuwentuhan kami kasama si Sir Vic. Past two na nang matapos kami. Start na rin iyon ng meeting salash GES Faculty Election. Ang saya ng election. Ang iingay! Ako anf naging pangulo. Thirty-four over forty ang bumoto sa akin. Nakakataba ng puso. Nakakaawa rin ang mga alipores ng principal. Trying hard makapasok. Hindi nila alam, nagkaisa kami. Nanalo lahat ang masa line-up na ginawa namin bago ang election. Challenge sa akin iyon. Sinuportahan nila ako kaya ibabalik ko iyon sa kanila. Sa mga sipsip at kalaban, nakita nila kung paano kami magkaisa. Kawawa silang tingnan. Nagkuwentuhan pa kami nina Ms. Kris at Mj kaya past six na kami nakalabas sa school. Past 8 na ako nakauwi. Hulyo 15, 2019 Nagbabad ako sa aking higaan hanggang nine ng umaga. Ang sarap ng walang pasok. Then, after breakfast, nag-laptop ako. Naghanda ng lesson plan. Hindi pa nga lang ako nag-print. Gumawa na rin ako ng resolution as part of my task bilang faculty president. Pagkatapos niyon, nagsulat ako ng pambatang kuwento. Ipinasulat ko na ang title niyon sa VI-Love, pero since walang nakapagsulat nang maayos, inangkin ko na uli ang pamagat. Hapon, after maligo, umidlip ako. Kahit mainit, nakatulog din yata ako kahit isang oras. Feeling recharged ako paggising ko. Habang nagkakape, editing and posting naman sa wattpad at Booklat ang ginawa ko. naputol lang dahil na-diatract na ang isip ko. Gayunpaman, marami akong na-accomplished ngayong araw. Sulit ang weekend. Gabi, nag-meeting kami sa Faculty Officers group chat. Iisa talaga ang damdamin namin against tyranny ng mga kaguro at poor leadership ng current admin. Haist! Sana maging produktibo ang aming leadership as representatives ng faculty. Hunyo 16, 2019 Nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Nagpaligo din ako ng aso at naglinis ng kanyang kulungan. Ang resulta: sumakit ang likod ko. Maghapon lang akong nahiga para mawala. Hapon na nang gumawa ako ng IMs. ako na rin ang nagplansta ng mga uniporme ko. Hunyo 17, 2019 Kahit kulang sa tulog dahil sa blackout kagabi, maaga pa rin akong nakarating sa school. Nakapag-almusal pa ako bago nagturo. Sa discussion, parang hindi masyado interesado ng mga pupils kapag wala akong binasang kuwento sa kanila. Gayunpaman, sinikap kong matuto sila. Nakakainit lang ng ulo kapag nagpapasaway sila lalo na't matamlay ako. Maaga akong nakauwi sa bahay kahit nag-ayos pa ako ng Form 137 ng advisory class ko. Hunyo 18, 2019 Masayang-masaya na naman ang mga estudyante dahil nagkuwento na naman ako sa kanila. Tuwang-tuwa talaga sila kapag kinukuwentuhan ko sila at hinahaluan ko ng patawa. Kung hindi lang kailangang ituro ang objective, baka mas gugustuhin pa nila ng kuwentuhan at tawanan. Nakakainis lang sa section ko kasi mga kulang sa pansin. Hindi nalalayo ang mga ugali nila sa unang Love. Gayunpaman, kayang-kaya ko sila. Kinaya ko nga ang una, sila pa kaya. Hunyo 19, 2019 Nainis ako sa VI-Love kaya hindi ako nagturo. Sa halip, pinasulat ko sila ng sanaysay. Samantalang sa iba, nagturo ako. Na-bad trip din ako kanina sa sabwatan sa ranking. Obvious ang manipulation. Hindi nila ako pinaupo bilang isa sa mga members ng ranking committee dahil daw hindi pa kami nag-oath-taking. Sa halip, sinabihan pa kami ng "Huwag kayong magmadali." Hindi naman ako nagpaapekto masyado, kaya nagawa ko pang tapusin ang Phil-IRI report. Then, nakapunta pa ako sa CUP para kunin ang CAR ko at magpa-enrol sa compre exam. After niyon, pumunta ako sa Anytime Fitness. Opening na kasi. Nakuha ko na ang keyfob. Gusto ko sanang mag-workout na, kaya lang nahihiya ako. Mabuti na lang kinausap ako ng fitness trainer. Parang gusto kong kunin siya as PT. Binigay niya sa akin ang numero niya. Baka bukas, makapag-start na ako. Sinabi ko kay Sir Erwin na free ang usage ng gym until June 30. Sana makasama siya bukas sa akin. After class, may ginawa lang ako--- files, report cards, at reports. Past two na ako nakalabas sa school. Before five, nasa bahay na ako. Gumawa agad ako ng mga reading level reports. Hindi nga lang nai-print kasi wala pa ang raw data. Anyways, kaya ko namang magawa iyon bukas bago umuwi. Bukas na ng opening ng Anytime Fitness sa PITX. Start na rin ako. Hunyo 20, 2019 Tinupad ko ang sinabi ko sa VI-Love. Hindi ko talaga sila kinibo. Dahil doon, pinasulat ko lang sila ng akda. Hindi ko itinuro ang kahulugan ng mga salitang gagamitin nila. Effective naman kahit may ingay pa rin. Sana lang maging aware na sila sa discipline. Naging masaya naman ako sa ibang section. Nagpatawa ako. Nagpa-spelling. Nagpasulat. Active sila. Kaya ang, kuwento talaga ang mas gusto nila. After class, nag-treat si Sir Joel sa amin ng lunch sa Tramway Buffet Restaurant dahil birthday niya. Sobrang busog ako. Sobrang saya rin kahit may kasama kaming pinaghihinalaan naming spy ng mga kalaban. Hunyo 21, 2019 Hindi ko pa rin kinikibo ang VI-Love. Mas pasaway pala sila kaysa sa una. Mas maaga ko silang hindi kinibo. Kaya nga, lugi dahil mas masaya ako sa ibang section. Na-enjoy nga nila ang storytelling ko. After class, miniting kaming coop board ng principal dahil sa reklamo ng isang parent. Nagsuka ang anak niya kaya humihingi ng pinansiyal na tulong. Pagkatapos niyon, nag-coop board meeting kami. Ayaw naming dumami pa ang reklamo kaya nagplano kami ng mga healthy menu for the day. Mas gagaan pa ang trabaho ng mga canteen personnel. After niyon, tinulungan ko si Sir Erwin sa pagbibilang ng canteen sales. At inabot kami nang ilang oras sa kahihintay kay Amy. Okay lang naman dahil nakapagkuwentuhan kami. Past seven na ako nakarating sa Anytime Fitness. Tatlo lang kaming naroon. Nawala na ang hiya ko. Natuto na lang din akong mag-operate ng machine kahit walang assistance. Nakalimang fitness machine ako sa loob ng isang oras. Ten na ako nakauwi. Pagod na pagod at antok na antok ako, pero happy ang fulfilled. Ang sarap sa pakiramdam. Hunyo 22, 2019 Nabawi ko ang ilang araw na puyat dahil eight na ako nagising at nine na ako bumangon. At kahit mainit na, sinimulan ko kaagad ang gardening. Pagkatapos niyon, naghanda ako ng reward system para sa VI-Love. Sana maging effective para hindi ko sila parusahan nang parusahan sa pamamagitan ng pananahimik. Sinimulan ko rin ngayong araw ang pag-rereview para sa comprehension exam ng masteral ko sa July 8. Gabi, nakapag-update ako ng nobela. Hindi ko nga lang naisulat ang pangako kong kuwento para sa mga pupils ko. Hunyo 23, 2019 Nag-gardening ako bago ko hinarap ang paghahanda ng DLL at ang pag-rereview. Nawala na naman ang stress ko. Then, nagbasa at nag-check ako ng mga output ng mga estudyante. Nakapili ako ng dalawang akda, kaya pinost ko ang mga iyon sa KAMAGFIL. Hapon, nag-post ako sa HOA buy and sell group ng mg larawan ng zine collection ko. Gusto kong kumita and at the same time, maipakilala ko ang mga akda ko. Gusto ko ring magkaroon sila ng 'love for reading.' Hunyo 24, 2019 Muntik na naman akong ma-late dahil sumakay ako sa mini-bus. Nakakainis! Hindi na ako uli sasakay roon kahit anong mangyari. Nagturo na ako sa VI-Love, pero ramdam pa rin nila ang lungkot ko. Gayunpaman, nai-present ko sa kanila ang reward system ko. Sa ibang section, mas enjoy ko ang pagtuturo. Hindi ako masyadong na-stress kasi inaabangan nila ako lagi. Masarap magturo kapag naroon ang interes. After class, niyaya ko sina Ms. Kris at Bekinda na magpa-laboratory. Hindi pa sila puwede. Niyaya ko naman sina Sir Erwin at Ma'am Amy. Kaso, may meeting sila. Bukas na lang daw. Maaga akong nag-workout. More than an hour din iyon. Kahit walang assistance ng fitness instructor, nagawa ko. May bago akong na-operate na machine. Tapos, dinagdag ko ang mga naunang machines. Before 5, nasa bahay na ako. Pagod ako, pero masaya. Feeling healthy. Hunyo 25, 2019 Wala si Ma'am Vi kaya sinamantala kong hindi makipagpalitan ng klase. Sa halip, magturo ako, nagpasulat ako sa VI-Love ng mga talata, diyalogo, at kuwento, habang nagpapabasa ako sa mga estudyanteng mababa ang reading comprehension level sa Phil-IRI Filipino. Halos matapos ko iyon, kung wala lang sanang mga absent. Gayunpaman, feeling fulfilled na ako. Naisagawa ko naman religious ang pagpapabasa. After class, nag-ayos ako ng classroom. Hindi ko man naisaayos ang reading corner, mas maayos naman iyon kumpara sa dati. Pagkatapos niyon, nagsulat ako ng mga info sa ID card ng dvisory class ko. Hindi nga lang nakompleto dahil hindi nagpasa ang sampu ng 'Learner's Profile.' Na-late ako ng uwi dahil na-traffic pa ako sa Tejero. Gayunpaman, nakapag-print pa ako ng worksheets para bukas. Hunyo 26, 2019 Napagalitan ko na naman ang VI-Love kasi kapapasok pa lang nila, maiingay na. Gayunpaman, nagturo ako sa kanila at nagpagawa sa worksheet. Sa VI-Peace naman, nagmura ako. Minura ko ang isang estudyante. First time kong gawin iyon dahil sa sobrang inis ko. Naglilista ako ng mga scores, sinasabayan ako. Gayunpaman, very apologetic ako bago ako lumabas. Sinabi kong ayaw ko nang maulit iyon dahil hindi ko iyon talagang gusto. Nangako naman sila. Sana lang... Sa VI-Faith, madalas ma-enjoy ko ang pagtuturo. Alam kong nae-enjoy din nila ang pagtuturo ko. Nai-inspire ko sila. Past 2, kasama ko ang mga Grade 1 teachers, pumunta kami sa Japedia para magpa-laboratory. Past 3:30 na kami natapos. Past 4, nasa Anytime Fitness ako. Ginabayan ako ni Coach Renz. Hinikayat niya akong magpa-train sa kanya. Interesado naman ako. Sa tingin ko, magaling siya at matutulungan niya ako. Kailangan ko lang ng P10200 para s 12 sessions. Malaking halaga, pero kung maggi-gain naman ako ng weight at mabi-build ng katawan ko, worth it naman. Aniya, kaya raw iyon sa 12 sessions. Bago mag-six, tapos na ang workout ko. Ang sarap ng ginawa niyang pag-flex ng katawan ko bago niya ako pinauwi. Nawala ang sakit ng likod ko, na maghapon kong ininda. Naramdaman ko rin na parang nagka-muscle ako. Ilang araw pa, makikita ko na ang progress. Sana... Hunyo 27, 2019 Nagkuwento ako ng 'Ranny Tingi' at nagturo ako ng mga pamilyar at di-pamilyar na salita sa lahat ng sections. Na-enjoy nila ang aralin at storytelling lalo na dalawang huling sections. Nakapagpasulat pa ako ng mga pangungusap at nakapagpa-groupwork sa iba. After class, nag-train naman ako sa mga broadcasters na ire-refer ko sa teacher-trainer. Then, nag-check ako ng mga papel at nag-record ako ng scores bago ako bumiyahe pauwi. Past 4 nang nakarating ako sa bahay. Agad naman akong nag-print ng zine collection ko upang isama sa pagbebenta ni Emily sa mga pre-loved books. Hunyo 28, 2019 Dahil shortened classes lang kami, which is 6:00 to 10:30 am ang pang-umaga at 1:00 to 5:00 pm ang mga panghapon, dahil may faculty meeting, nagbigay ako ng summative test. Nakipagkuwentuhan din ako sa VI-Love. Sinabi ko sa kanila ang mga ayaw at gusto ko. Ayaw nilang walang Christmas party. Gusto rin nilang dumalo ako sa graduation nila. After ng summative test, nagpasulat ako ng kuwento, gamit ang writing prompts. At bago mag-uwian, nagturo ako ng pagsulat ng tula. Sana mas maraming time para makilala ko ang mga manunula. Hunyo 29, 2019 Past 8 na ako nakapag-almusal dahil nagtagal ako sa higaan. Ang sarap matulog! Malamig ang panahon. Kahit paano, nabawi ko ang puyat ko. After breakfast, hinintay kong tumila ang ulan. Nag-review muna ako. Nang tumigil, nag-gardening na ako. Dalawang oras akong nasa garden. Marami akong nagawa. Tinanggal ko ang sukal. Nag-transplant. Nagdagdag ng ibibentang halaman. Naglinis ng doghouse. Etc. Maghapon din in-enjoy ang kuwarto. Nagbasa ako ng mga akda ng mga estudyante. Nag-review para sa compre. Gabi. Naghanda ako ng mga kailangan sa school. Nag-print. Gusto ko pa nga sanang gumawa ng zine dahil nakapili ako ng limang akda, ang kaso kailangan ko nang ipahinga ang mga mata at likod ko. Pagkatapos manuod at habang nagbabasa, agad akong inantok kaya natulog maaga. Okay lang naman para bumalik sa normal ang hemoglobin ko, na ayon sa result ng lab test ko, ay mababa. Hunyo 30, 2019 Gardening ang ginawa ko halos maghapon dahil malakas ang bentahan ng halaman. Tuwang-tuwa si Emily dahil nagki-click ang online business niya. Sa kaunting kapital at tiyaga, kahit paano ay may sales bawat araw. Naisingit ko rin ang pagbabasa ng reviewers at pag-eencode ng mga napili kong akda ng mga estudyante. Hindi nga lang ako nakatulog lalo na't nagpagupit ako. Antagal ko pa namang naghintay sa barber shop dahil marami ang nakapila.

Wednesday, May 1, 2019

Ang Aking Journal -- Mayo 2019

Mayo 1, 2019 Na-highblood kami ni Emily kay Zillion kasi nagpakabait sa mga kalaro. Sa halip siya ang mag-aral magbisikleta, kung sino-sino ang pinagamit niya. Nagmukha tuloy siyang kawawa sa kakahabol sa gumagamit. Sabi ko nga, hindi masamang maging mabait... Gabi naman, na-HB din ako kasi ang hirap niyang turuan. Ayaw pumedal. Ang hina pumik-ap ng turo. Haist! Nawala ako sa mood. Mayo 2, 2019 Hindi pa rin natutong mag-bike si Ion. Gayunpaman, nakikita kong desidido siya. Natatakot lang siya sa pagalit ko, kaya mabilis siyang sumuko. Nagsulat at nag-edit ako ngayong araw. Simula nang mabasa ko sa FB ang call for submission ng Precious Pages Corp, nagpursigi akong ma-edit ang 'Maybe This Time.' Sa tingin ko, magugustuhan ito. Grabeng luha ang tumulo sa akin habang sinusulat ko ito. Bukas, ipapasa ko na ito through email. Naghahanap talaga sila ng mga writers at akda. Kailangan kong makapasok sa pub nila. Hapon, nakatuwaan kong kuhaan ng pictures ang suiseki collection ko. Sana mas dumami pa ang mga iyon. Mayo 3, 2019 Nagpasa ako ng dalawang nobela sa Precious Pages. Umaasa akong makukuha kahit ang isa roon. Nag-update din ako at nag-edit ng nobela. Hindi nga lang ko makapokus kasi masama ang pakiramdam ni Emily. Kinailangan kong gumawa ng mga gawaing-bahay. Mayo 4, 2019 Hindi natuloy sina Zillion sa pagdalo sa workshop. Hindi sila nagising nang maaga. Medyo nainis ako. Hindi ko napi-feel na interesado ang anak ko sa pag-aartista. Siguro kulang pa kanyang inspirasyon. Kahit nga sa pagbibisikleta, parang ayaw na rin niya. Hindi ko na ang sineryoso ang disappointment ko. Anyways, batang-bata pa naman siya. Laro pa rin talaga ang gusto. Kaya naman, hinarap ko ang editing. Maghapon akong nag-eedit. May pahinga naman. Masakit kasi sa mata kapag matagal sa screen. Mayo 5, 2019 Hindi ako nakapagsulat at nakapag-edit ng sarili kong akda, inuna ko kasi ang pag-edit ng akda ng kaklase ko. Hindi ko siya dapat biguin kasi ako ang nag-inspire sa kanya n magsulat. Okay lang naman dahil mahaba-haba pa ang bakasyon. Ngayong araw, inspired akong ipagpatuloy ang pangungulekta ko ng mga bato o ang tinatawag na 'suiseki.' Gusto ko na namang ngang nakapasyal sa lugar kung saan may ilog o anumang lugar na may mga bato. Siyempre, panay rin ng research ko tungkol sa mga halaman, lalo na ang cactus, philodendron-monstera, at euphorbia. Nakakaadik mag-alaga ng mga ito! Gustong-gusto ko nang magkaroon ng bakod ng lote namin para magawa ko ang mga plano ko. Mayo 6, 2019 Disturbed ang tulog ko magdamag pagkatapos kong magbanyo bandang alas-3 ng umaga. Hindi na ako nakatulog nang maayos. Hindi namn ko nainis dahil parang may magandang balita akong matatanggap ngayong araw. Hindi nga ako nagkamali. 'Writer of the Week' ako sa Booklat. Ang FB friend ko pa na si Mhel ang nakakita kasi free data lang ako at kasalukuyan akong nasa biyahe, galing sa GES. Sobrang saya ko! Feeling ko, ngayon lang nag-paid off ang pagod ko. Kahit paano napansin na ang akda ko, na hindi nangyari sa wattpad. Anyways, past nine am, nasa school ako. Naglinis ako para sa election. Hindi ko natapos kasi dumating si Sir Erwin. Nag-lunch kami at nagyaya nang umuwi. Hindi naman ako agad umuwi. Namili ako ng books sa Booksale at bondpaper sa NBS, gayundin ng DVD-R sa Octagon. Ang dalawang items ay para sa Palanca entries ko. Nakauwi ako before 7. Excited kong shinare ang post ng Booklat. Later, panay ang pasalamat ko sa mga bumabati. Mayo 9, 2019 Hindi na naman maayos ang tulog ko kanina kasi after kong magbanyo, hindi na ako dinalaw ng antok. Bumaba ako bandang 3:45, sinubukan kong matulog, kahit paano, nakatulog ako. Kaya lang, bumiyahe na ako bandang alas-6 para sa 'final testing and sealing' ng VCM. As support staff, kailangang nandoon ako. Past 8, nasa GES na ako. Doon ako nag-almusal. Before nine, dumating sina Ms. Kris at Papang sa classroom ko. Nagkuwentuhan kami sandali bago kami miniting ng principal. After meeting, naawitan ni Ms. Kris si Mj na i-treat kami ng lunch. Sa Mang Inasal kami nag-unli rice at naghalo-halo. Pagdating, saka naman nagsimula ang FTS. Naasikaso ko naman ang IPCRF ko. Natuwa ako sa balita ni Emily. Si Zillion, marunong nang mag-bike. Malayo na raw ang nararating. Siguro, mababawasan ang pagkaadik niya sa cellphone dahil dito. Mayo 10, 2019 Nag-gardening ako after breakfast. Natuwa ako sa mga halaman ko. Buhay na buhay at masayang-masaya rin sila dahil naulanan sila kagabi. Ang sarap sanang magtanim nang magtanim, kaso wala na akong paso at wala na ring lupa. Maghapon, inilaan ko ang malaking bahagi ng free time ko sa pag-eedit. Nagpakuwento nang nagpakuwento rin ako kay Gina tungkol sa real life stories ng mga kakilala ng tita niya. Interested talaga ako. Ang ganda kasi. e. Excited na nga akong masimulan. Ang haba-haba na ng convo namin sa Messenger. Baka mahirapan na akong mag-backread. Anyways, nae-excite din ako sa perang matatanggap niya dahil sa pagtulong niya. Sana makuha na niya bukas. Mayo 11, 2019 Late na kaming nag-almusal. Ang sarap kasing matulog, kahit nalungkot at nagalit ako sa panaginip ko, na parang totoo. Hindi ko iyon makakalimutan. Akala ko nga, tunay na eksena. Galit na galit ako sa mga taong binalewala na nga ng ina ko, pinagtawanan pa. Iyon din ang feeling ko simula nang ma-totally blind si Mama. Gayunpaman, inisip ko na lang na kabaligtaran iyon. Isa pa, alam kong nas maayos na kalagayan si Mama, kahit nahihirapan siya sa pagkapa-kapa. Faithful siya, kaya alam kong kaya niya. Habang nasa palengke ang mag-ina ko, nagdilig naman ako't nagtanim. Pagkatapos, naglinis ako sa sala. Iniba ko naman ang ayos ng mga muwebles. Mas maganda na kesa dati. Nagkaroon na uli ako nang maaliwalas na study area. Isa pa, plano kong bumili bukas ng dining table. Nag-edit uli ako ngayon ng nobela ko. Hindi man sige-sige, pero kahit paano umuusad na ang mga naka-pending kong gawain. Gabi, nakapagsulat pa ako ng update sa most awaited novel ko sa wattpad. Lalo akong nai-inspire ipagpatuloy iyon dahil may mga readers na nag-aabang ng UD ko. Mayo 12, 2019 Binati ko si Emily paggising ko. Then, bandang nine AM, sinorpresa ko siya. Sabi ko, aalis kami. Past 10, nakaalis na kami. Tumingin kami ng dining table sa Puregold, pero wala kaming nagustuhan. Suggestion niya ang sinunod ko. Pumunta kami sa Salinas. Kaya lang, wala naman kaming nadaanang furniture store. Sa halip, napadpad kami sa Novo. Namili na lang din kami. Ang dami kong gustong bilhin. Ang gaganda kasi ng items, kaya lang pinigilan kong maging impulsive buyer. Dahil alas-dose na, kumain muna kami sa food court ng Robinson's Tejero. Pagkatapos, pumunta na kami sa Moonlight Furnitures. Doon na kami nakakita ng gusto naming table. Mahal iyon, pero ayos lang. Hindi pa nai-deliver kasi pagagawan pa ng glass. Sa Martes pa raw. Sayang, excited na ako. Gayunpaman, masaya kaming umuwi. Masaya ako dahil napasaya ko ang aking mag-ina. Hindi ko man sinabing gift ko iyon, nakita ko namang thankful siya sa ginawa ko. Sana laging akong may biyaya para lagi kong ma-provide ang needs and wants namin. Mayp 13, 2019 Nang bumango ako para umihi, bandang 1:30 am, hindi na ako nakatulog. Isang oras akong mapaling-paling ng higa. Kaya, alas-dos, bumangon na ako. Sinubukan kong umidlip sa baba, pero nabigo ako. Three-thirty, bumiyahe na ako. Akala ko kasi maraming pasahero at traffic. Maling akala. Alas-singko nasa school na ako. Masyado pang maaga, pero marami nang tao sa school para sa Election 2019. Nakatulong pa ako sa pagbuhat ng VCM patungo sa classroom ko, na siyang precincts ng Brgy. 17, kung saan ako na-assign bilang support staff. Hindi gumawa ang VCM, kaya pansamatalang nabalahaw ang botohan sa presinto namin. Gayunpaman, pumayag ang mga botante na mag-shade muna. Ipinagkatiwala nila ang kanilang mga balota sa electoral board. Na-cast ang votes nila bandang 3:45. Dumating na kasi ng replacement ng SD cards. Naging maayos naman ang trabaho ko. Petix-petix lang habang botohan. Masyado lang mainit, kaya hindi ako komportable. Ang maganda lang, alaga kami sa pagkain ng barangay chairman. Mula almusal hanggang hapunan, sinuplayan kami. Pagkatapos ng end ng voting, doon nagsimula ang madugong trabaho. Pero, dahil lima kami, mabilis naming natapos ang lahat nang walang aberya. Past nine, nakalabas na kami ni Papang sa sxhool. Naiwan ang tatlo, since sila naman ang authorized na magsauli ng mga paraphernilias. Nakauwi ako bago mag-alas-onse. Pagod ako, pero marami akong natutuhan. Ang saya! Mayo 14, 2019 Nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Nagtanim ako nang nagtanim. Naisipan kong simulan ang business plan ko-- ang pagkakaroon ng nursery ng mga halaman o pagbebenta ng mga halamang nakapaso. In fact, nakapagaso ako ng sampu. Mayroon na akong dati pang pito, kaya parang andami ko nang ibebenta. Kung mayroon lang sanang garden soil at maraming paso, mas marami pa sana akong display. Nainis naman ako sa kahihintay ng delivery ng dining table. Hindi dumating. Hindi rin nag-text. Wala rin ako halos nagawa sa laptop ko kasi ako lahat ang gumawa sa kusina. Masama ang pakiramdam ni Emily dahil sa menstruation niya. Okay lang naman. Postponed ang swimming naming magkakapatid bukas. May extra job kasi si Flor. Mayo 15, 2019 Past seven, bumiyahe ako patungong City University of Pasay para magpa-evaluate ng grades ko for compre. Nakarating ako roon bandang alas-9. Nagawa ko naman kaagad ang sadya ko. Binigyan ako ng schedule of release. Sana walang problema sa grades at unit earned ko. Then, nagpanotaryo ako ng entries ko sa Palanca. Nainis ako sa mga gumawa niyon. Dugyot. Andaming ink sa mga papeles ko. Baka ma-disqualify pa ako dahil doon. Then at eleven, nasa school ako. Nauna sa akin si Ma'am Edith. Tinulungan ko siya sa kanyang thesis. Magpa-five na nang natapos kami. Past 8:30 na ako nakauwi sa bahay. Dumaan ako sa Baclaran para bumili ng glutamansi. Natagalan din ako sa PITX dahil antagal dumating ng bus. Nakipagsiksikan na nga ako sa gitna kasi ang haba ng pila. Nai-deliver na ang dining table namin. Natuwa ako nang makita ko. Bagay na bagay sa kulay ng wall namin. Mayo 16, 2019 Pagkatapos kong mag-gardening, naglinis naman kami ng mga kuwarto. Hindi namin natapos dahil naglalaba si Emily. Ako naman ang mangusina. Pagkatapos naming mag-lunch, umalis kami. Namili kami ng brass beds at kutson, vanity mirror sa Moonlight. Bumili rin kami sa Abenson's ng blender, oven toaster, at electric airpot. Pagkatapos, nag-grocery kami. Masaya ako dahil nabili ko ang ilan sa mga matagal ko nang gustong bilhin. Okay lang kahit halos maubos ang bonus ko. Saka na ako bibili ng sneakers ko. Mayo 17, 2019 Gardening ang gusto ko talagang gawin maghapon, kaya lang kulang talaga sa paso at garden soil. Parang gusto ko na tuloy umuwi sa Polot. Nakaka-miss kasing magbungkal ng lupa. Nai-deliver na ang mga brass beds, foams, at vanity mirror. Naging abala kami maghapon sa pagliligpit at pag-aayos. Hindi nga ako nakadalo sa faculty meeting. Nakibalita na lang ako. Past five, nag-chat uli si Sir Hermie. Niyaya niya akong pumunta kina Ma'am Vi. Since pangalawa na, sumunod ako. Past 7 na ako nakarating. Inabangan nila ako sa babaan. Agad naman kaming pumunta sa Food Barn. Doon kami nag-dinner at nagkuwentuhan. Pinag-usapan namin ang tungkol sa meeting at ang mga posibilidad sa parating na pasukan. Nakauwi ako bandang alas-12. Mayo 18, 2019 Kulang ang tulog ko, pero maaga pa rin akong bumangon para sa unang araw ng 'Live Your Dream--PHR Romance Novel Writing Workshop." Nakapag-almusal pa ako roon. Marami na naman akong natutuhan sa workshop. Bagong-bagong mga kaalaman na naman ang mga nakuha ko mula sa mga resource speakers. Past six na natapos ang workshop, kaya nakauwi ako bandang alas-9 ng gabi. Okay lang naman. Sulit! Mayo 19, 2019 Muntik na akong ma-late kanina sa 2nd day of workshop. Kasi naman biglang inilipat ang paradahan ng eco-jeepney at ang tagal umalis ng bus. Mabuti, nakahabol ako. Nakapag-almusal pa ako bago nagsimula. Marami-rami rin akong natutuhan ngayong araw. Kahit narinig ko na ang lecture ni Sir Abet, natuto pa rin ako. Pinanuod kmi ng pelikula kanina. Ang ganda ng story. Ganoon pala dapat. Simple lang. Kayang-kayang gayahin. Past 6 na kami natapos, kaya past 8:30 na aki nakauwi. Pagod at antok na antok ako, pero no regrets naman. Mayo 20, 2019 Nag-dilly-dally ako sa pagpunta sa GES. Hindi ko ginustong sumali sa parade ng Brigada Eskwela. Bukod kasi sa mainit at nakakapagod, hindi ako natutuwang suportahan ang admin, na walang good leadership. Before 10, nasa school na ako. Halos walang volunteers. Nanibago ako. May ilanf mga estudyante, pero wala akong nakitang parents. Dahil paglilinis ang pinunta ko roon, nagsimula akong kalkalin ang isang kabinet. Hindi ko naman naituloy kasi may mga estudyanteng pumasok. Ayaw ko talagang may kasama ako sa paglilinis. Lalo akong natatagalan, sa palagay ko. Isa pa, mga papel-papel lang naman ang ina-assort ko. Mabilis lang akong naglinis. Pagkatapos niyon, nakipagkuwentuhan na lang ako kina Sir Erwin, Ma'am Venus, at Sir Lester. After lunch, nakipagkuwentuhan naman ako kina Ma'am Vi, Ma'am Anne, Ma'am Madz, at Sir Archie. Naputol lang iyon nang malaman naming nagbibigayan na ng bayad mula sa Comelec. Ang haba ng pila kaya nag-stay muna ako sa Guidance's. Nagkuwentuhan kami nina Papang at Mj. Hinintay naming maubos ang nasa pila. Past 5 na kami umalis sa school. Gusto ko sanang ibili iyon ng sapatos para may souvenir ako, kaso hapon na. Past 8 na ako nakauwi. Mayo 21, 2019 Past 8, nasa school na ako. Naabutan ko ang nagkukuwentuhan at nag-aalamusal ang mga ka-closed kong guro, maliban sa isa. Pagkatapos niyon, hinarap ko na ang pag-edit ng thesis ni Ma'am Mj. Final editing na iyon dahil dumaan na sa grammarian. Past 10, umidlip ako kasi napagod ang mga mata ko. Past two ko na natapos ang editing. Naghintay na lang kami ng time kung kailan namin mabubuo ang 8 hours upang magkaroon ng one day service credit. Nagkape ako sa PITX bago bumiyahe pauwi, hindi kasi ako nakapagkape maghapon. Pag-uwi ko, nagtanim ako. Na-miss ko ang gardening. Na-miss ko ang mga halaman ko. Mayo 22, 2019 Maaga akong gumising para maaga akong makapag-time in. Sayang ang oras kapag hindi ko makompleto ang 8 hours na serbisyo sa Brigada. Nagawa ko namang makapag-time in bandang 6:21 am. Wala na naman akong nagawa sa classroom ko dahil may mga naka-in-house. Tumanghod lang ako. Before 11, kinausap ako ng principal about SPA. Tinanggihan ko na talaga, kaya nilagay niya ako as AP teacher. Si Ma'am Vi na ng Filipino teacher. Okay lang sa akin iyon. I love to study the history. Pero, hindi okay kay Ma'am Vi. Ire-repel niya ang kagustuhan ng mga detractors namin. Tinawagan niya ako nang malaman niya ang tungkol dito at ang pagiging new MT sa amin ni Madam Butterfly. Matagal kaming nag-usap. Before five na kami umalis sa school. Hinintay ko sina Ma'am Mj at Papang. Mayo 23, 2019 Sa school na ako nag-almusal. Nagtinapay lang ako at sterilized milk. Wala na kasing makainan ng almusal. Pinaalis na ang carinderia, na suki namin. Nagutom tuloy agad ako, pagdating ng alas-10. Pagdating naman sa blowout treat sa amin ni Ma'am Bel sa Mang Inasal, dahil graduate na ang pamangkin niya, nasobrahan naman ako ng busog. Nakatatlong unli-rice ako. May soup at haluhalo pa. Hindi pa nga ako natunawan, nag-birthday treat naman ng dinner si Ms. Kris sa KFC. Sobrang busog! Past 8:30 na ako nakasakay. After ng lunch namin, sinamahan ako ni Papang sa SM para bumili ng sneakers. Nakabili na rin ako sa wakas ng pangarap kong sapatos. Then, tinulungan ko uli si Ma'am Edith sa pag-edit ng thesis niya. May mga gumalaw kasing letters at tables. Before lunch, nainis ako sa karamutan nila sa password ng internet. Alam kong para sa mga guro iyon, pero iniba nila at hindi ibinigay sa lahat ang password. Gusto pa nila nang paisa-isang lapit sa kanila. Kaya, nag-post ako sa FB group namin. Nakapagsalita ako nang matalim. Past ten na ako nakauwi. Nainis naman ako. Pagod na pagod ako, pero masaya. Mayo 24, 2019 Grabe ang mga pangyayari ngayong araw. Hindi ko akalaing mangyayari ang mga ito. Una, nagalit ako sa clerk sa CUP Registrar's Office kasi ini-schedule nila akong kunin ang TOR ko, pero nang kukunin ko na, wala pa. Absent raw ang in-charge. Nine days processing, hindi pa nagawa. Kasalanan ko pa at hindi raw ako tumawag. Nag-init ang ulo ko kasi tinalikuran ako. Naglabas ako ng devil ko.Then, pumunta ako sa opisina ng president. Wala raw siya. Pumunta ako sa dean. Pinayuhan niya akong magreklamo. Ayun! Pumunta ako sa city hall. Nag-written complaint ako. Mabilis lang. Tinawagan agad nila ang CUP. Actually, dalawa kaming nagrereklamo. Sbay kaming kinausap ng VP ng CUP. After niyon, bumalik ako sa registrar. Nagalit na naman ako kasi mali pala sila. Hindi TOR ang dapat pinakuha, kundi certificte of academic requirement. Pinapi-fill out pa ako ng form. Pareho ang naman. Nagalit lalo ako. Kaya ayun, sinabi kong bigyan nila ako ng schedule. One week daw. Then, umalis na ako. Sa school naman, habang hinihintay ang meeting sa aming Grade Six, nag-edit muna ako ng akda ni Ma'am Joann para sa Palanca. Sa meeting, kami lang nina Ma'am Vi at Ma'am Madz ang present. Pinaalis na ang huli nang nagkainitan na ang baliktakan. Nagkalabasan ng loob. Muli akong humanga sa sarili ko, gayundin kay Ma'am Vi. Nasabi naming lahat ang mga hinanakit namin. Pati ang tungkol sa internet password, binanggit nila. Masasabi kong panalo kami. Sana lang, na-touch ang mga puso nila. After niyon, nagkuwentuhan kaming #10000. Sobrang saya! Then, nagkayayaang kumain ng pansit at siomai sa carwash resto. Ang saya uli namin. Walang humpay na tawanan at kulitan. Thanks, God sa wisdom! May 25, 2019 Past 10 na ako dumating sa school. Magulo at matao roon dahil sa Brigada. Mga empleyado ng MOA ang mga volunteers. Nagpintura sila ng mga armchairs, shelves, at cabinets. Nakitulong din ako kahit paano. Nang matapos, tinulungan ko rin at ni Sir Erwin si Ma'am Belinda. Pagkatapos niyon, nagmeryenda kami sa McDo. Libre iyon ni Ma'am Bel. Halos hindi na ako nakakain ng dinner dahil sa busog. Idagdag pa ang pagod. Mayo 26, 2019 Alas-tres pa lang, bumangon na ako. Hindi na kasi ako nakatulog nang umihi ako. so, bale tatlong oras na lang ang tulog ko. Bumiyahe ako after two hours. Past six, nasa meeting place na ako..Nauna ako kina Sir Hermie at Ma'am Ann Joyce. Nalungkot lang ako kasi hindi makakarating sina Sir Joel at Ma'am Madz. Naglugaw muna kami habang naghihintay sa iba naming kasamahan. Dumating si Ma'am Joann, kasunod si Ma'am Joan R. Then, dumating na si Ma'am Vi. Naisipan nilang puntahan si Ma'am Nicka sa boarding house. Ang kukulit namin habang kinakatok ang pinto niyon. Ang saya! Malaman-laman namin, nasa Tagaytay pala siya. Nakasama rin namin siya at ang kaatid at kaibigan ng kapatid niya. Kasama rin si Sir Archie. Late na ang breakfast namin nang dumating kami sa Iyong's Resort and Balite Falls sa Amadeo. Nagkainan agad pagkatapos makakuha ng cottage. After niyon, masayang bonding sa malamig na spring pool ang naganap. Hindi namin ininda ang ginaw, maging masaya lamang sa mga sandaling iyon. Kahit umulan bandang hapon, sige pa rin kami. Nakauwi bandang alas-8:30 na ako nakauwi. Antok na antok at pagod na pagod ako, pero sobrang saya. May 27, 2019 Dahil umaraw na, nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Nag-transplant ako ng mga cactus and succulents at iba pang uri ng plants. Kailangan kong i-pursue ang pagtitinda ng mga halaman. Andami kong nagawa maghapon. Kasama n roon ang magtulog. Kahita paano, nakabawi ako ng puyat. Mayo 28, 2019 Pumasok ako nang maaga para makapaglinis ng classroom. Ngayon lang ako maglilinis, since may nag-in house sa classroom ko. Hindi ko masyadong binigla ang paglilinis. Nagkalkal lang ako ng mga papel. Ayaw ko na ng napakaraming abubot. Ipapakilo ko na ang mga hindi na dapat itago. Kahit paano, maayos-ayos na ang classroom ko nang iniwan ko. Gayunpaman, marami pa ring dapat ayusin, idagdag, tanggalin, at linisan. Mayo 29, 2019 Past 10 na ako dumating sa school. Late na rin ang breakfast ko. Okay lang kasi marami akong natapos after that. Na-organize ko na ng laman ng cabinet. Painot-inot lang naman ang paggawa ko para hindi ko mapagod nang husto at ma-stress. Effective naman dahil kahit paano ay maayos-ayos na ang classroom ko. Hindi ko pa nga lang naipapabenta ang tatlong sako ng mga papel. Unti-unti ko na ring tinatanggap na tapos na ang bakasyon. Dapat ko nang ihanda ang sarili dahil mapapasabak na naman ako sa giyera para sa disiplina, since isa sa mga pasaway na klase ang napunta sa akin ngayon. Ayaw ko na rin kasi ng section one. Mas nakaka-depress kapag sila pa ang pasaway. Mas okay na ang lower section. At least, expected na ang mga misdemeanor nila. Pero, mas fulfilling kapag napatino ko sila. Isa pa, mas totoo silang magmahal. Past 4, nagmeryenda kami sa carwash/resto nina Sir Erwin, Ms. Kris, at Ma'am Mj, kaya past 8 na ako nakauwi. Mayo 30, 2019 Past 7 nang bumiyahe ako papuntang school. Agad akong nag-almusal pagdating ko at pagkatapos niyon, action agad. Marami-marami uli akong natapos. Nakapagkalkal ng kabinet, nakapaglaba ng kurtina, at marami pang iba. Natulungan ko rin si Ma'am Joann sa kanyang paghahanda ng Palanca entries. Hindi na ako nangangamba na baka magahol ako ng oras para sa opening of classes. Bago mag-4, umuwi na kami ni Ma'am Edith. Pagod at antok ako, pero fulfilled. Mayo 31, 2019 Kahit asar na asar ako, hindi ako nagalit sa Registrar's Office nang hindi na naman nila naihanda ng Certificate of Academic Requirements ko. Ayaw kong masira ang good mood ko. Pero, sa Lunes, haharapin ko sila. Sa halip, pumunta ako sa school at hinintay si Ma'am Joann para sabay na kaming magpasa ng entries sa Palanca Awards. Last day of submission ngayon. Habang naghihintay, sa classroom ako tumambay. Hindi ko makapaglinis kasi naka-polo ako. Ikinabit ko lang ang kurtina. Past 2 na kami nakarating sa Palanca. Fulfilling ang feeling. Sa wakas, natupad ko na ang pangarap kong makasali. Naalala ko lang noon (circa 1999) nang nagpasa ako ng entries. Alam kong hindi iyon nakarating sa Palanca dahil nakiusap lang ako sa guard. Hindi niya ako pinapasok. May appointment daw dapat. Now, personal naming naiabot ang entries at binigyan kami ng resibo. Katibayan iyon na finalists kami. Mabilis lang kami roon. Wala pang sampung minuto. King gaano katagal kong hinintay si Ma'am Joann, ganoon din kabilis ang submission. Nakakatuwa lang dahil kahit alam kung marami ang entries at suntok sa buwan ang manalo, naniniwala pa rin akong magkakaroon ako ng pangalan sa larangan ng panitikan. If it God's will, maipapatikim Niya sa akin ang prestigous title. Maaga akong nakauwi. Ako pa mga ang nagdilig ng mga halaman. Yet, late pa rin akong natulog. Sinusulit ko na ng pagpupuyat dahil ilang araw na lang ay back to reality na.

Saturday, April 6, 2019

Ang Aking Journal -- Abril 2019

Abril 1, 2019 Ipinaghanda ako ni Emily ng almusal, kaya busog ako nang bumiyahe ako patungo sa school. Hindi naman ako dapat papasok nang maaga. Naisip ko lang na marami pa kaming gagawin doon, gaya ng pagtanggap ng mga order naming fresh cut flowers at ang diploma. Eleven ng umaga ako nakarating, kung kailan pauwi na rin si Ma'am Vi. Almost ready na ang venue. Napakaganda ng pagkakaayos at pagkakadisenyo tanghalan. Garden ang motif. Sigurado akong positive ang feedback niyon. Matagal akong naghintay ng mga kasamahan ko sa grade level. Halos makatulog na ako. Mga 3 pm sila dumating. Hindi naman ako kaagad nagbihis. Tiningnan ko muna sila. Napilitan akong magbihis dahil kailangang kong sumali sa pictorial. Naging maayos at mabilis naman ang programa, kaya lang nalungkot kami dahil hindi nakarating si Ma'am Vi. Kung ano man ang reason niya, naunawaan ko. Kung nagkataong nagdesisyon akong hindi dumalo, baka dalawa kaming wala. Mabuti na lang. Baka kasi isipin ng iba na nagrebelde kami, which is in fact wala namang dahilan. Napakaganda ng output ng pagtutulungan at pagkakaisa namin para mabuo iyon kaya nararapat lang na dumalo ako. Maagang natapos ang graduation. Mas maigi nga ang ganoon. Hindi nakakapagod. Hindi rin ako ngarag, gaya last year. Natuwa ako sa mga estudyante. Hindi sila nakatiis na hindi ko sila pansinin at hindi sila makapagpa-picture sa akin. Sinundan nila ako at pinagyayakap. Kakain na sana ako para makaiwas, pero nagdesisyon akong lumabas at makipag-selfie sa kanila. Okay lang naman dahil nakompleto ko ang graduation nila. Imfact, panay ang pasalamat nila sa akin through FB. Nang makauwi na ang mga graduates at parents, nagkainan kami sa teachers' lounge na pinut-up namin. Hindi man lahat nakisalo, napatunayan naman naming maganda talaga kapag nagsasalo-salo. Sobrang sarap pa ng alimasag na ulam. Bigay iyon ng honors student ni Sir Alberto. Pagkatapos ng kainan, agad na nagpabili ng beer. Inuman to the max ang nangyari. May mga nauna nang umuwi pero ako nagpaiwan. Ang sarap magsaya kapag masaya. Nagkantahan pa kami gamit ang laptop, projector, at youtube. Sobrang saya! Nalasing man ako pero nagulat ako sa kakayahan kong magtagal sa inuman. Past 3 na ako inantok. Nagdeisiyon akong hindi na umuwi. Delikado. Hindi ko alam kong safe akong makakauwi sa ganoong kalagayan. Natulog na lang ako sa stage. Ginamit kong sapin at kumot ang mga toga gown. Mabuti na lang may electric fan, kaya hindi ako pinapak ng lamok. Past six na ako bumangon. Lumipat ako sa classroom ko. Abril 2, 2019 Hindi man ako nakabuo ng mahabang tulog, nakawala naman ang aking kalasingan. Hindi ako nagkaroon ng hangover gaya noong alumni namin sa Antipolo. Nakapagkuwentuhan pa nga ako kay Ma'am Edith. Pero, habang naghihintay na mabuo kaming Grade Six, nakahiga lang ako ay nagpi-Facebook. Natuwa ako sa pasasalamat at paghingi ng tawad ng Grade VI-Love. Nakipagkulitan na lang ako sa comment box. Past 11:30 na kami nabuo. Nagpabili si Ma'am Vi ng lunch namin. Pauwi na sana ako. Okay lang naman dahil nakasalo ko sila. Nakapagkuwentuhan kami. Nalaman at napatunayan ko roon na marami ang natuwa sa aming efforts. Natuwa ang mga bisita at ang principal. I hope gayundin ang mga graduates at parents. Bukas may assembly kami. Malalaman namin ang feedback nila. Past 1:30, bumiyahe na ako pauwi. Past 3:30 ako nakarating sa bahay. Agad akong natulog pagkatapos kong magsipilyo. Good thing, nakatulog ako hanggang six. Kahit paano nakabawi ako sa puyat. Habang nagkakape, hinarap ko ang oag-revise ng 'Hijo de Puta,' ang nobelang ipapa-print ko sa Pridelit ng Precious Pages Corp. Labag man sa loob ko, gagawin ko na lang para mapagkakitaan. Natapos ko na ang unang kabanata at nasimulan ang ikalawa. Kakayanin kong mabuo iyon bago o hanggang April 5, ang deadline na ibinigay sa akin. Abril 3, 2019 Maaga akong pumasok sa school para makapag-concentrate ako sa revision ng 'Hijo de Puta.' Kahit paano, nai-enjoy ko na ang madugong pagbabago ng gender ng isang tauhan ko. Hindi man madali, napaka-challenging naman. Nang dumating ang mga estudyante, naistorbo ako. Idagdag pa ang nakakainis na pagdating ng VI-Love. Nakakahiya sa ibang sections. Pumunta sila nang wala man lang pagkain. Naki-join sila sa closing party. Hindi nga ako nag-organize niyon, ipinilit pa rin nila ang sarili nila. Past 10, nag-meeting kami para sa bagong pakulo sa Personal Data Sheet (PDS). Pagkatapos niyon, nag-bonding kaming Grade Six teachers, kasama si Sir Erwin, Ma'am Anne, at Sir Rey sa gitna ng mga pagkain. Nagplano rin kami ng mountain climbing/hiking. Although, hindi masyadong na-finalize, alam kong matutuloy iyon. Hindi man ngayong April, baka sa May, after election. Nakipagkuwentuhan pa ako kina Ms. Kris at Belinda bago ako umuwi. Past 3, nakarating ako sa bahay. Sa wakas, after a week, nakapagdilig ako ng mga halaman. Na-miss ko iyon. Mabuti na lang, kakaunti lang ang nasobrahan sa sunlight. Itinabi ko sa lilim, baka sakaling manumbalik ang dating kulay. Mahaba-haba na ang na-revise ko. Kaya kong ipasa sa itinakdang araw. Satisfied din ako sa output. I hope magustuhan nila ang revision ko. Si Emily, nag-aasam na makatabi ako. Nasisira pareho ang mood namin. Kapag chinachat niya ako ng 'Tabi tayo,' natsi-cheap-an ako. Hindi niya ba alam na ayaw ko nang ganoon? Ang libog ay dapat nararamdaman, hindi sinasabi. Nawawala ang libido ko kapag nagyayaya siya. Isa pa, hindi ba niya ramdam ang kapaguran ko. May hinahabol akong deadline. Maaga akong bumibiyahe, kaya kailangang matulog nang maaga. Oo, alam kong may kakulangan ako, pero sana unawain niya iyon. Hindi lang naman sa pagtatalik nakikita ang pagmamahal. Maraming bagay siyang dapat ipagpasalamat. Wala pa akong time para kausapin siya tungkol dito. Kapag natapos ko ang editing at kapag wala nang pasok, baka maharap ko na siya't mapagbigyan. Abril 4, 2019 Past 7, nasa school na ako. Agad kong sinimulan ang pag-revise. Past 8 na ako nag-almusal. Mahaba-haba rin ang naidagdag ko sa edited version bago ako pumunta sa Harrison Plaza para bumili ng parchment paper. Nagkamali kasi ako sa middle initial ni Franco. Isinauli niya ang kanyang diploma. Wala man si Ma'am Vi, nakipagkulitan pa rin ako sa iba ko pang kasamahan habang kumakain ng hilaw pang mangga at habang nakikikain sa closing party ng Grade 5. Past one, nag-general assembly kami sa coop. Nakatanggap ako ng P4418.74 na dividend. Not bad. Mas kumikita pa roon ang pang P20K+ kung capital investment kaysa kung sa bangko ko iyon inilagak. Before five, kaming #10000 ay nasa Max's. Kultura na naming lima iyon. Everytime na may dividend ay kakain kami sa labas. Past seven na kami natapos doon. Past 9 na ako nakauwi. Tinapos ko naman ang revision. Ayos na! Babasahin ko na lang bukas bago ipasa uli. I hope, magustuhan nila ang LGBT version ko ng 'Hijo de Puta.' Nakahanda rin akong magpalit ng title. Abril 5, 2019 Natapos ko nang halos lahat ang mga reports na dapat ipasa. Nasimulan mo na ring i-edit ang revised novel ko, kahit kailangan kong makipag-bonding sa aking Tupa friends. In fact, nakikain ako sa closing party ni Ma'am Mj. Past one, nakaidlip ako sa ICT room nang naroon halos lahat ng mga kaguro ko para sa last day of submission ng PDS. Past 3:30, nasa Chowking kami ng Villaranda couple. Hindi kasi kami satisfied sa lunch namin. Parang meryenda lang. Walang kanin. Then, iniwan kp na sila. Nag-haluhalo pa yata sila. Ako naman, tumambay pa sa PITX. Naglibot-libot at umakyat ako sa 2F. Ang ganda pala ng plano niyon! Ang sarap pang tumambay dahil kakaunti pa ang tao at ang mga tindahan. May mga spots na tahimik at wala halos dumaraan. Malamig pa. Ang sarap sigurong magsulat doon. Pag-uwi ko, hinarap ko kaagad ang pag-edit ng revised novel ko. Nagawa ko naman bago mag-11. Nai-email ko na rin iyon. Ngayon kasi ang deadline. On time! Bukas, sisimulan ko naman ang isa pa. Hindi na muna ako dadalo sa workshop ng Booklat. Abril 6, 2019 Nakatulog ako nang mahaba-haba. Sa wakas, nabawi ko na ang ilang linggo kong puyat. Kaya naman, inspired akong mag-revise at mag-edit ng nobelang ipapasa ko sa PrideLit. Nakapag-gardening pa ako. Hapon, nagawa kong makabuo ng 21,000 words na nobela mula sa 100,000 words. Three thousand words na lang ang isusulat ko, buo na ang kuwento. April 7, 2019 Nag-gardening ako at nagpaligo ng aso bago nagpaalam kay Emily na pupunta ako sa Antipolo. Hindi siya nag-usyuso kung ano ang gagawin ko roon kaya wala siyang ideya. Pero, kung magtatanong, wala namang problema kung malalaman niya. Birthday ni Jeff, batchmate ko noong high school. Noong reunion pa niya ako inimbitahan. Hindi ako makahindi kasi gusto kong makisama nang husto sa mga kaeskuwela ko. Past 11:30 ng umaga, umalis na ako ng bahay. Nakapag-lunch na ako. Past 3, nasa Veterans na ako. Naghihintay ng makakasama patungo sa bahay ni Jeff. Wala pang 15 minutes, dumating na sina Shine at Jack. Naka-motor sila. Sinakay na nila ako. Ang saya-saya ng kainan namin. Nakapagkuwentuhan kami. Then, uminom kami ni Jeff. Kami lang ang umiinom. Past six na dumating si Janet. Uminom din siya. Nagkantahan kaming paubos na ang bisita. Binyagan kasi iyon kaya halos hindi namin kilala ang mga naunang bisita. Gayunpaman, na-enjoy ko ang selebrasyon. Nakabuo ako ng koneksiyon sa mga kaklase ko. Sayang nga lamang, umuwi agad sila. Kami na lang ni Jeff ang naiwan. Uminom at kumanta pa kami hanggang past one. Hindi ko na nakaya ang antok at pag-inom kaya pumayag na akong mahiga. Hindi na niya ako pinauwi. Abril 8, 2019 Hindi ako nakatulog nang husto. Namahay ako. Hindi rin ako komportable sa hinigaan kong bamboo sofa. Bukod sa malamok, mainit pa sa balkonahe. Gayunpaman, thankful ako kasi nakapagpahinga ako. At five, nagpaalam ako sa nanay ni Jeff. Hindi ko na siya ginising. Hindi naman ako nakasakay ng traysikel, kaya naglakad ako kahit madilim pa. Thirty minutes kong nilakad. Ang layo! At ten, nakauwi na ako. Umidlip agad ako. Past 11:30 na ako nagising. Mainit na kasi. Isa pa, pumasok si Emily sa kuwarto para mag-lunch. Kahit paano, nakabawi ako sa puyat. Mabuti na lang, wala akong hangover. Abril 9, 2019 Nagsulat ako nang nagsulat ngayong araw. May pahinga rin naman. At kahit paano may direksiyon na ang nobelang nire-revise ko. Twenty-three thousand words na. Ang hirap din kasing magdagdag ng mga eksenang wala sa plano. Gayunpaman, umaasa akong magugustuhan ang revision ko. Sobrang init ngayong araw. Hindi ako nakaidlip. Gabi. Nanunuod kami ng movie. 'Rampage' ang pamagat. Galing! Natuwa kahit si Ion. Ten-thirty na kami umakyat para matulog. Abril 10, 2019 Maaga kaming nagising, samantalang late na kami natulog. Masyado na kasing mainit, alas-7 pa lang ng umaga. Okay lang naman dahil nagawa kong magsulat. Ngayong araw, nakapag-send ako ng email sa PHR para sa romance novel writing workshop sa May 18-19, 2019. Gabi, nai-send ko na rin ang google forms as requirements. Personal info iyon at workshop exam. Kinailangan ko pang magsulat ng mga eksena. Sa tingin ko, nagawa ko naman nang maayos. Nagandahan ako sa story concept ko. Kapag napili ako, iyon ang isusulat ko. Nahikayat ko rin si Shine na sumali sa workshop. Sana makapagpasa rin siya ng exam. Chinat ko rin si Ma'am Joann. Sinabi kong hikayatin din ang mga kasamahan niya sa Kinder. Abril 11, 2019 Before seven, nasa school na ako para sa releasing of Form 138. Matumal ang dating ng mga parents at students. Nainis ako. Noong wala pang schedule, panay ang chat nila. Nang kuhaan na, hindi na sumipot. Ang nakakainis pa, wala pang dalang pera. Gusto pa yata, libre ang pictures nila noong graduation. May isa ngang ama, na dinala na lahat, pagkatapos mangakong babalik. Samantaang alam ng anak niya na may bayaran. Kalalaking tao, hindi nagdadala ng pera. Fifty pesos lang naman. Ang masama. hindi na bumalik. Nakakahiya! Mabuti pa ang isa, bumalik kahit matagal. Siyempre P250 ang halaga ng pictures nila. Haist! Ang hirap maging guro. Hirap na ako noong pasukan, pati ba naman singilan, hirap pa rin. Sobrang kukunat! Gayunpaman, natuwa ako dahil kahit paano, 85% na ang nakakuha. Pito na lang ang natitirang cards. Hanggang 3:30 pm ako naghintay. Bukas, may seminar ako sa Pasay City Hall about basics of cooperatives. Kasama ko sina Sir Hermie at Sir Erwin. Abril 12, 2019 Na-traffic ako kaya 8:30 am na ako nakarating sa Pasay City Hall kung saan gaganapin ang "Training for Cooperative Good Governance." Naroon na rin si Sir Erwin. Kahit ayaw noon ang seminar tungkol sa coop, kanina, nagbago iyon. Maganda naman pala. Mabuti, nakadalo ako. Bukas sa worth it ang pagkain, informative pa. Andami kong natutuhan. Sa palagay ko, mas inspired akong maging board of director ng coop namin. Nagbayad na si Sir Joel sa hiniram niyang P30,000. Sana ibalik na rin ni Ma'am Milo ang P36,000 ko. Gusto ko nang pabakuran ang bahay namin. Past 7:30 na ako nakauwi sa bahay. Pagod ako, pero masaya. Abril 13, 2019 Nasanay talaga ako sa maagang bangon. Kusang dumilat ang mga mata ko. Five-thirty pa lang iyon. Umihi lang ako, hindi na ako inantok. Kaya naman, nag-ehersisyo na lang ako at naghanda ng almusal. Paggising ng mag-ina ko, ready na. Kaya lang, nalungkot ako sa pakiramdam ni Emily. Masakit ang puson niya. Hapon, gusto niyang pumunta sa doktor kasi malakas ng bulwak ng mens niya at may mga buo-buo raw. Masyado siyang naalarma kahit sinabihan kong part lang iyon ng period niya. Mabuti nga, hindi siya nasamahan ni Cristal at nakainom siya ng mainit na tubig kaya after lumabas ang buo-buo, nawala na ang sakit ng puson niya. Kung nakinig lamang siya, umaga pa lang, sana nawala agad. Anyways, nai-send ko na ang revision ng nobela ko para sa Pridelit. Natulungan ko pa si Shine na maedit ang akda niya. Natuwa ako dahil na-inspire ko siya. Bilang reward, ginawan ko siya ng wattpad account. Pinost ko na rin ang dalawa chapters na edited ko na. Abril 14, 2019 Eight o' clock na ako bumangon. Nakabawi ako sa puyat ko kagabi. Nag-edit kasi ako ng mga akda namin ni Shine. Nag-post din. Maghapon akong nag-edit. May mga naipost din ako. Ang problema, wala naman akong tulog. Ang init kasi. At ang ingay pa. May nagkakantahan sa kapitbahay. Kahit busy ako sa editing, ako pa rin naman ang gumawa sa kusina. Nakapag-gardening din ako. Abril 15, 2019 Halos wala akong tulog nang umalis ako sa bahay ng bandang alas-3:20 para sa mountain hiking naming Grade Six advisers. Nakarating naman ako before five sa Star Mall-Crossing. Nauna nga lang sa akin sina Sir Joel at Ma'am Madz. Almost half hour lang kaming naghintay kina Ma'am Anne at Sir Hermie, lumarga na kami papuntang Tanay. Nalungkot lang ako dahil hindi makakasama si Ma'am Vi dahil dumating ang nanay niya. Past seven, nasa Tanay na kami. Nakaranas na naman kaming pag-agawan ng mga tricycle drivers. Nakatutuwang nakakainis. Dapat may pila sila. Nakaka-intimidate tuloy. Dahil may contact number kami sa driver na nakuha namin last time, kinontak uli namin siya. Mabuti nakarating agad. Hinatid niya kami sa Brgy. Cuyambay, kung saan naroon ang Mt. Paliparan, na aming aakyatin. Nagbayad lang kami sa barangay hall ng P500 para sa tour guide. Good as registration na rin iyon at permit-waiver. First time kong umakyat ng bundok na ganoon kataas. Excited ako sa kakayahan ko. After more than one hour, nahilo si sir Joel. Muntik na siyang mag-collipase. Hindi pa pala siya nag-almusal. Nag-alala kaming lahat. Mabuti, magaling ang mga tour guide. Sila ang nag-first aid. Kinakabahan kasi ako kapag ganoon kaya lumayo na lang ako at nag-picture-picture. Akala ko, babalik na kami. Hindi pala. Bumalik ang sigla niya. Hayun, tumuloy kami. Hindi na nga lang kami tumuloy sa summit. Hindi namin narating ang paliparan ng mga natives ng Tanay. Gayunoaman. na-enjoy ko ang trail. Sa kabila ng init at uhaw, kinaya ko. Kinayan namin. Ilang oras din kaming nauhaw dahil malayo ang bukal. Naubisan kami ng tubig. May thrill talaga! Ganda. Worth it. Kahit paano, marami akong natutuhan sa buhay. Marami rin akong napulot na souvenirs, like halaman, bato, shell, buto, at bunga ng puno. Pambihirang experiemce! Naligo kami sa talon pagkatapos naming magpahinga. Kahit paano, nanumbalik ang energy namin. Ang pinakamahirap na bahagi ang pag-akyat pauwi. Iba ang trail. Matarik. Puro iyon paakyat, kaya halos bawat hakbang namin ay isang parusa. Nakangiwi kaming lahat. Gayunpaman, sinikap naming makarating sa point na maaari na kaming mag-tricycle. Ayun, napabilis ang pag-akyat namin. Hinatid kami ni Kuya Jeffrey, ang driver namin, sa Rambulls. Iyon daw ang sikat na kainan na may masasarap na pagkain. Hindi kami nabigo. Appreciated ang pagkain. ang deep fried chicken nila, talo ang sa Max's. Ang beef bulalo nila, superb! Sobrang malasa. Napawi ang pagod at gutom ko nang humigop ako ng sabaw. Naka-two rice kami. Sabaw pa lang, ulam na. Sarap balik-balikan! Past five na kami nakabiyahe paakyat sa Manila. Dahil sa traffic, nakauwi ako bandang alas-11. Sobrang pagod at antok ako, pero sobra rin ang saya. Abril 16, 2019 Nakabawi ako ng puyat kanina. More than 8 hours yata ang naitulog ko. Past 9 na kasi ako bumangon. Nagplano ako habang nag-aalmusal. Gusto kong gumala, na kasama naman ang mag-ina ko. Hindi man katulad ng hiking, pero alam kong magugustuhan nilang pareho. Bago ko sila niyaya, nagdilig muna ako ng mga halaman at nagpaligo sa aso. Sa Baclaran ko sila unang dinala. Nag-lunch muna kami sa Chowking. Inorder ko ang mga gusto nilang kainin. Then, nag-picture-picture kami sa arts area ng Baclaran Chirchw, bago kami nagsindi ng kandila at nagdasal. Later, namili kmi ng mga damit. Binilhan ko sila ng swimming attire. Bumili rin ako ng shorts. Past two, bumiyahe kami patungong Naic. Bisita Iglesia ang ginawa namin. Pumunta kami sa simbahan. Iyon daw ang pinakamalaking simbahan sa buong Xavite. Ang ganda pa. May ipo-post na naman ako sa Poresgraphy sa album na 'Churches in the Philippines.' Doon, nakapanuod kami ng sebakulo. Nakakaiyak! Kung hindi nga lang namin kailangan makauwi nang maaga, tinapos namin iyon. Gayunoaman, masaya ako dahil napasaya ko ang mag-ina ko, lalo na si Emily. Alam kong panata niya ang magbisita iglesia ngayong Semana Santa. Abril 17, 2019 Maaga nagising si Emily kasi magbi-bisita iglesia siya, kasama ang kanyang dating kaklase. Naistorbo tuloy ang tulog ko. At dahil naka-schedule ang pagpunta ko sa Antipolo, ipinasama ko si Zillion. Past 12:30 na ako nakabiyahe. Sa sobrang init, tumambay muna ako sa PITX. Kaya lang, past 7 na ako nakarating sa bertdeyhan. Naroon na si Jeff. Lasing na siya. Hindi na kami nakapag-bonding kasi umalis siya nang bumili kami ni Osang ng yelo at beer. Nagtampo rin yata. Ako dapat ang magtampo sa kanila. Pareho na nila akong iniwanan. Gayunpaman, tuloy ang kantahan at inuman. Naroon din kasi ang co-teacher ni Osang--si Sir Lakbay. Kahit paano sumaya-saya ang inuman at kantahan. Hindi nga lang naubos ang beer-in-can. Natulog kami bandang alas-tres. Abril 18, 2019 Past 9, nasa Bautista na ako. Nagluto agad ako ng ginataang tulingan. Then, nagkuwentuhan kami ni Mama. Marami akong nalaman at natutuhan. After lunch, naligo ako't umidlip. Sobrang init ang sa taas, kaya bumaba ako. Mabuti tapos na ring matulog si Mama. Kahit aano nakatulog ako sa bahay, kahit sobrang ingay. Nabawi ko na ang kakulangan ko sa tulog. April 19, 2019 Mahaba ang naging tulog ko. Kung hindi lang ako ginising ni Mama, siguro ay hanggang nine ako bago bumangon. Anyways, thankful ako. Dito ko lang iyon nagagawa. Masarap talagang maging spoiled sa ina. Isa pa, wala naman akong gagawin, unlike kapag nasa bahay ako. Maghapon, nagbasa ako ng dalawang novel ko. Magkarugtong iyon. Magkaiba nga lang mg POV. Na-inspire akong tapusin ang ikalawa. Naisipan ko ring gawing trilogy. Kaya, before and after akong umidlip, sinimulan ko na ang pagsusulat. Natigil lang iyon nang manuod ako ng 'The Young Messiah' sa tv. Ipinagtuloy ko ang pagsusulat hanggang bago ako natulog. Chinat ako ni Sir Jeff, ang dati kong student-teacher. Kinumpirma niya ang tungkol sa seminar about dragon fruit. Sinabi kong mag-aabang na lang ako sa kanto ng Boso-Boso dahil dadaan naman sila rito. Oo raw. Mabuti na lang... Sa Tanay kasi ang venue. Malayo-layo rin kahit nakarating na ako. Ayaw ko nang gumastos pa nang malaki para sa paghahanap ng lugar. Excited na rin ako kahit paano. Ikatlong beses na akong makakarating sa Tanay bukas. Ibang lugar naman ang mararating ko. Thanks, God! Salamat kay Sister Mary Khoe. Hindi niya ako nakalimutan. Siya ang nagpaimbita sa akin. Nakatulong ang pagbigay ko sa kanya ng binhi ng blue ternatea. Abril 20, 2019 Past 8:30 ng umaga nang makasakay ako sa van ni Sister Mary Khoe, na siyang nagyaya sa akin sa pagpunta sa Palaya Natural Farm sa Brgy. Cayabu, Tanay. Masaya akong isinama niya ako. Nakita at nakasama ko tuloy sina Pastor Ed, Bro. Jeff, at Aaron, ang estudyante ko na kagra-graduate lang. May dalawa pang babaeng kasama si Sis. Mary, kaya walo kami sa sasakyan. Masyado pang maluwag. Ang alam ko, may isang grupo pa ang hahabol. Feeling priviliged ako kasi sa dami ng puwedeng isama, ako pa. Haist! Nagkintal pala ako sa puso ni Sister Mary noon pa. Kaya naman, panibagong experience na naman ng natamo ko sa resort. Libre niyang lahat--mula entrance hanggang pagkain. Buffet ang lunch. Maganda ang concept ng lugar. Dragonfruit farm iyon. Maaaring umakyat sa bundok, mag-horseback-riding habang tumitingin sa mga cactus. Puwedeng maligo sa ilog. Mag-overnight sa mga kubo. Naligo kami nina Aaron at ang driver. Nakakuha ako ng magandang bato as souvenir. Dini-develop pa ang lugar kaya natitiyak kong darami pa ang mga turista roon. Sarap balik-balikan, lalo na't masasarap din anf pagkain nila. May ginagawa pang swimming pool sa tabing-ilog. Bago kami bumiyahe pa-Manila, nagpameryenda muna si Sis. Mary. Siya ang Chinese na galante at hindi maramot. Then, dahil ginabi kami at inabutan ng mga papauwing mga sasakyan mula sa bakasyon, nanlibre uli siya ng dinner sa Market, Market. Pamasahe na lang mula Taft hanggang sa bahay ang gastos ko. Nakatipid ako nang husto. Bukod doon, nakatatlong beses na ako sa Tanay. Thanks be to God! Pagpalain Niya nawa si Sister Mary. Sana may susunod pa. Abril 21, 2019 Nagsigawan kami ni Emily paggising ko. Sobrang inis ko sa kanya kahapon po dahil sa sobra niyang pagdududa. Hindi siya naniniwalang pumunta ako sa Tanay para sa dragon fruit. Ginagamit ko lang daw si Mama. Grabe! Ibang klase talaga siya. Hinsi ko na kayang sikmurain ang kapangitan ng ugali niya. Nakapagbitiw tuloy ako ng masasamang salita. "Inggit ka lang kasi!" "Pati ang Mama ko, gusto mong pagdadamutan ko." "Simula ngayon, hindi na ako gagastos sa bahay na ito hanggang sa magutuman ka at lumayas dito. "Lumayas ka rito kung pagod ka na sa akin. Arte mo!" (Hindi raw siya lalayas. Ako pa ang pinalalayas.) "Ang kapal ng mukha mo!" "Kung mambababae ako, pati ikaw makikinabang." "Kahit lima, kayang kitang palitan. Pero hindi ko gagawin iyon dahil nag-iisip ako." "Mabulag ka sana para malaman mo kung gaano kahirap maging bulag." Gusto niyang bawiin ko ang pagsumpa ko sa kanya. Hindi ko binawi. Sabi naman niya, kapag nakauwi siya sa Aklan, ipatutumba biya ako. Ha ha! Grabe! Akala mo talaga, lungkot na lungkot at gutom na gutom kapag umaalis ako. Arte lang niya, sobra. Nakakapagsisi talaga ang pagtanggap ko sa kanya uli. Sa kabila nito, nakapagdilig at nakapag-gardening pa ako. Nakapag-edit din ako. Abril 22, 2019 Dahil tutulungan ko si Ma'am Edith na i-edit ang kanyang thesis, pumunta ako sa school. Matagal na naming usapan iyon. Isasabay ko na rin ang pag-issue ng natitirang cards. Past 8 ako dumating sa GES. Akala ko, darating din si Ms. Kris para sa release of cards, hindi pala. Past 10 na dumating si Mj. Agad naman naming sinimulan iyon. Batapos namin before 1. Nakapagkuwentuhan pa kami bago ako pumunta kay Ms. Kris para kunin ang ibibigay niyang glasswares. Nai-confide ko kay Mj ang tungkol sa away namin ni Emily. Kahit paano, lumuwag ang dibdib ko. Past 3, after kong mag-lunch aa CK, pumunta na ako kay Ms. Kris. Akala ko kaunti lang ang ibibigay niya sa akin. Andami pala. Paran akong namili sa Divisoria. Isang box ang bitbit ko pauwi. Natuwa naman ako sa mga laman niyon. May punch bowl at cups, drinking glass, mangkok, plates, at iba pa. After niyon, nagbayad ako ng electric at housing bills. Hndi ko na ipinagkatiwala kay Emily. Nagpagupit na rin ako. Bago ako nagupitan, lumindol muna. Mabuti walang damage ang bahay ko. Abril 23, 2019 Maghapon akong hindi halos nagsasalita. Si Zillion lang ang kausap ko. Hindi ko pa rin kasi napapatawad ang si Emily. I deserve an apology. Masyado akong nasaktan sa mga ginawa niya sa akin. Hindi iyon basta-basta maghihilom. Gayunpaman, masaya ako sa ginagawa ko, lalo na't nakapag-gardening ako. Busy rin ako sa editing ng mga akda ko. This summer ko lang ito naka-career. Gabi, namili ako ng mga akdang isasali ko sa Palanca. Kaya lang, namublema ako sa printing ng entries ko. Sira pala ang printer ko. Although sa May 31 pa naman ang deadline, but I have to make as early as possible. Ilang taon na ring napupurnada ang plano kong sumali dahil nagagahol na sa oras. This year, sisikapin ko nang makasali, lalo na't buong SP team ay nangangarap ding makasungkit ng awards. In fact, plano nilang lahat ng member ay magpasa ng entries ngayong ika-69 year ng Palanca. Parang symbolic nga ang taong ito... Abril 24, 2019 Wala pa rin akong imik maghapon. Gusto ko ang hindi kami nagkikibuan dahil nagagawa ko nang malaya ang mga gusto at dapat kung gawin, like writing and editing. Another thing is hindi niya ako pinagsasalitaan. Walang nagna-nag sa akin. At although nakikita at nararamdaman ko ang pag-asikaso niya sa akin at ang effort niya sa mga gawaing-bahay, hindi pa rin ako nadadala. Kualang pa, kumbaga. Mas malalim ngayon ang pinanghuhugutan ko ng sakit. Akala lang niya, siya lang ang nasasaktan. Patuloy pa rin naman siyang gumagawa ng ikasasama ng loob ko. Gaya ng pag-chat niya kina Ma'am Diane at Ma'am Madz. Iyon pa lang, kabaliwan nang maituturing iyon. Para ano? Para humingi ng payo? Para tanungin kong sila ang isa sa mga babae ko? Nakakatawa! Para sa akin, hindi n pagmamahal ang ipinapakita niya sa akin. Inggit na. Duda. Pinapatay siya ng labis na pagdududa niya. Wala na sa hulog. Advance mag-isip. Naniniwala akong pumapalya rin ang woman's instinct. Well, masaya ako dahil tahimik ako maghapon. Iyon naman talaga ang game ko. Gusto ko ang katahimikan. In fact, marami akong natapos ngayong araw. Marami ang na-edit ko. April 25, 2019 Maghapon akong nagsulat. Gusto ko na kasing matapos ang 'Dumb Found.' Kaya lang, hindi ko kinaya. Mahirap magbabad sa laptop habang nag-iisip at naiinitan. Gayunpaman, na-enjoy ko ang buong araw, kahit hindi pa rin kami okay ni Emily. No problem naman. Nakapag-gardening din ako at napaliguan ko ang aso. Bukas, sigurado na akong mawawakasan ko na ang nobela ko. Gusto ko namang tapusin ang iba kong naka-pending na nobela. April 26, 2019 Maghapon pa rin akong tahimik at nagsulat. Inilaan ko talaga ang araw na ito para sa ending ng 'Dumb Found.' Kung sakali mang hindi makapasa ang dalawa kong nobela sa PrideLit, baka maisali ko ito next time. Nagandahan ako sa story. Sa huling part, naiyak ako. Masasabi ko ring may aral. Ang nangyari ri sa amin ni Emily ay may lesson. May mga bagay akong dapat iwasan at may dapat idagdag at ibigay sa kanya. Ang pagkakamali ay two-way. Hindi lang ako o siya ang nagkamali. Pareho kami. Gabi, bago ko natapos ang nobela, tumatawa nang lumapit sa akin ang mag-ina ko. Sa taas na raw akong matulog. Wala akong nagawa kundi ngumiti at matulog katabi nila. Pero, ang totoo, naweirdohan ako sa natagpuan ko sa box na may shells. May nakatuping papel doon, na may sulat na 'Buhok nya' at Hair nya.' Pagbukas ko, dalawang bulbol ang laman. Sa halip na matawa, kinilabutan ako. Naisip ko, titohanan niya kaya ang pagpatumba niya sa akin kapag nakauwi siya sa Aklan, ayon sa sinabi niya sa akin noong nagkasagutan kami? Hindi ako naniniwala dahil mas malakas ang faith ko sa Diyos. Isa pa, wala naman siyang napatunayang may babae ako. Oo, marami akong girl friends, pero wala akong girlfriend. Anyways, bati na kami. Totoo ngang hindi dapat nagsasalita kapag galit. Abril 27, 2019 Since okay na kami ni Emily, binigyan ko kaagad siya ng P2000 sa pambili ng food namin. Nag-grocery sila ni Zillion bandang 9:30. Marriage life nga naman... Anyways, nag-edit lang ako ng Dumb Found maghapon. Marami pa rin talagang technical errors kahit ilang beses nang na-edit. Gabi, sinimulan ko naman ang pagtapos sa second oart ng trilogy kong 'Write to Love.' Ang subtitles ng parts 1 and 2 ay 'My Wattpad Pamangkin' at 'My Wattpad Lover.' Hopefully, matapos ko bukas ang second part at masimulan ang third part at matapos this summer break. Andami ko pa kaming unfinished novels. Abril 28, 2019 Hindi ako nakapagsulat nang marami kasi maraming household chores. Ako ang nagluto, kasi naglaba si Emily. Gayunpaman, nakapagsulat ako ng entry ko para sa Librong Itim. Nai-send ko na rin iyon sa email nila. Sana makapasok ako. Habang nanunuod ng telebisyon, sinimulan ko ang pagsulat ng ikatlong part ng trilogy kong 'Write to Love.' Gusto ko rin sanang mag-update ng iba pang novel ko, kaya lang wala ako sa mood. Hindi ako makaisip ng concept para maitawid ang story. Abril 29, 2019 Ako ang naging chef buong araw. Masaya kong ginawa ang task ko, kaya masasarap ang menu ko, mula almusal hanggang hapunan. Then, masaya rin akong humarap sa mga halaman ko at sa pet dog and frogs ko. Kahit ang indoor plants ko, naging maayos. Nagre-reflect talaga ang kasiyahan sa mga gawaing-bahay. Hindi nga ako nagmaktol kahit hindi ko masyadong nakapagsulat. Gayunpaman, may updates ako sa mga nobela ko. Nakaidlip din kami kahit brownout. Nang nagkakureyente, saka kami nagising. Nakakainis. Naikuwento ko pala kay Emily at naipakita ang picture ni Divina na nasa PGH siya. Pareho kaming naawa sa kanya. Parang kailan lang nang dumalo kami sa kasal niya, Ngayon, nakaratay siya dahil sa cancer. Abril 30, 2019 Paggising ko, hindi pa nga ako nakakapag-exercise, agad akong nagbukas ng FB ko. Naluha ako nang makita ko ang post ng common friend namin ni Divina. Wala na siya. Hindi na ako nakapunta sa PGH. Haist! Life is short talaga. Naawa ako sa anak ko nang makita kong nanghiram siya ng bike ng batang babaeng kalaro niya. Napakaliit niyon para sa kanya. Sabi ko kasi kagabi sa kanya, manghiram muna siya at mag-aral. Kapag marunong na siya, saka ko siya bibilhan. Kaya lang, parang may narinig akong nanay na pinagagalitan ang anak. "Ihahampas ko sa 'yo 'yan," anito. Feeling ko, ang anak ko ang pinariringgan dahil nanghihiram ng bike. Kaya naman nang umuwi siya, sinabi kong bibilhan ko na siya. Iba ang ngiti at excitement niyang nakita ko sa kanya nang marinig iyon. After lunch, bumili kami. Halagang P2800. Maliit na bagay, kumpara sa kasiyahang maidudulot niyon sa kanya. Sa sobra nga niyang tuwa, nagbisikleta na agad kahit mainit pa. Two-thirty pa lang, nag-bike na. Pag-uwi niya, 3:30 iyon, may bukol. Hindi ko pinagalitan. Part kasi iyon ng pagkatuto. Hindi man agad siya natutong mag-pedal, alam kung matututo siya. Iba ang dulot ng bisikleta sa bata. Alam ko iyon at naranasan ko iyon noong bata ako. Hapon, nagawa kong ayusin ang printer ko. Kulang lang pala sa head cleaning. Sign na yata ito na kailangan kong sumali sa Palanca. Kaya naman, naghanda na ako ng entries ko. Sasali ako sa kuwentong pambata, maikling kuwento, tula, at one-act play. Nararamdaman kong taon ko ngayon. Isa man lang at kahit 3rd place man lang, okay na sa akin. Accepted din ang kuwentong pambata namin ni Ma'am Joann sa Sky Fiction. Inaabangan ko rin ang result sa PHR, PrideLit, at Librong Itim. At siyempre, pinakahihintay ko ang royalty fee sa St. Bernadette Publishing.

Friday, March 22, 2019

Driver

Ang driver na hindi nagsusukli ay hindi naman bobo sa Matematika, kundi mapanlamang lang talaga sa kapwa.

Sipsip

Tanong:

Kapag sinipsip ba ng linta ang dugo ko, magkadugo na kami?

unfriend

Bago mo ako i-unfriend 

o i-block sa Facebook, 

siguraduhin mo munang 

hindi mo na ako kailangan.

Hanapin

Huwag mo nang hayaang mawala ang isang tao o bagay bago mo hanapin. 

Pahalagahan mo na kaagad nang hindi na  mawala at hindi mo na hanapin. 

Sunday, March 17, 2019

Ranny Tingi

Tuwing papasok si Ranny sa paaralan, anim na kilometro ang nilalakad niya. Dumadaan siya sa isang sapa. Tumatawid siya sa dalawang ilog. Umaakyat at bumababa siya sa tatlong bundok. Tinatakbo niya ang apat na burol. Tumutulay-tulay, nagpapalipat-lipat, at lumulukso-lukso siya sa limang pilapil. Sa bawat pagpasok niya sa paaralan, hindi lang bag ang kanyang bitbit. May dala rin siyang isang bayong na may lamang paninda—kamote, ube, gulay, at saging. Ibinibenta niya iyon sa kaniyang mga guro sa ikalimang baitang. Sa halos araw-araw na pagpasok ni Ranny, hindi siya nagreklamo o sumuko. Pinahahalagahan niya ang edukasyon. Mataas ang pangarap niya para sa sarili, sa pamilya, at sa kaniyang komunidad. Kaya naman, hangang-hanga sa kaniya si Binibining Nancy Lisa. "Karlo, hindi mo ba talaga titigilan si Ranny? Ano ang masama kung magtinda siya ng saging?" Madalas ipagtanggol ni Binibining Lisa si Ranny kay Karlo. Titigil naman si Karlo, pero kapag reses, tutuksuhin na naman niya si Ranny. "Hoy, Ranny, nilagang saging na naman ang baon mo?!" "Gusto mo?" "Yak! Ano ako, unggoy? Tabi ka nga riyan!" Hinawi ni Karlo ang baon ni Ranny na nasa lamesang kawayan. Nagkandalaglagan iyon. Walang kibong pinulot ni Ranny ang mga nilagang saging. Walang araw na hindi siya inaasar ni Karlo. Minsan, sinasaktan pa siya kapag hindi niya sinunod ang utos sa kaniya, kaya madalas siyang umuuwi nang umiiyak. Wala ring araw na hindi makakapagtumba si Ranny ng puno ng saging. Bago didiretso sa bahay, dadaaan muna si Ranny sa sagingan ng kaniyang ama. Susuntok-suntukin niya ang isang puno ng saging na may bungang nasa hustong gulang na. "Ikaw, ang sama-sama mo sa akin!" sigaw niya sa harap ng puno ng saging, sabay suntok. Halos lumubog ang kamao ni Ranny sa puno. "Bakit? Bakit?" Sunod-sunod na muli niyang sinuntok ang puno hanggang sa unti-unti itong yumuko. Natuwa si Ranny. Naglaho ang mga luha niya. "Bukas, may ibebenta na naman ako." "Saging na naman? Mukha ka na talagang unggoy!" pamimintas ni Karlo kay Ranny. "Gusto mo?" Inialok ni Ranny ang hawak niyang lakatan. Kinuha iyon ni Karlo at idinuldol iyon sa bibig ni Ranny. "Bagay sa unggoy 'yan." Pagkatapos, inihagis niya sa likod ang balat. Hindi nakaimik si Ranny dahil halos mabulunan siya sa isinubong saging. Tawa nang tawa namang tumalikod si Karlo. Hindi lumipas ang kalahating minuto, si Ranny naman ang humagalpak. Nakita niya kung paanong umangat si Karlo sa lupa na parang baboy na inihagis sa ere nang maapakan nito ang balat ng saging. "Aray ko... Walang hiya kang baluga ka! Kapag nakatayo ako rito, yari ka sa akin," banta ni Karlo. Bago pa nakatayo si Karlo, bumalik na si Ranny sa kanilang silid-aralan. Subalit bago naman siya nakauwi, inabangan siya ni Karlo. Galit na galit ito sa kaniya. Noon lamang siya nakakita ng baboy na parang torong nag-aapoy ang ilong. Sinubukan pang tumakbo ni Ranny, pero nagsilabasan mula sa likod ng mga halaman at puno ang mga kaibigan ni Karlo. Nahuli siya ng mga ito. "Tatakas ka pa, unggoy!" sabi ni Karlo habang palapit kay Ranny. "Bitawan ninyo ako. Ano ba ang kasalanan ko sa inyo?" Nagpumiglas siya, pero wala siyang nagawa sa apat na kaklaseng humahawak sa kaniya. "Mamaya, pakakawalan ka nila." Kinuha ni Karlo ang gunting sa kaniyang bag. "Ano ang gagawin mo sa akin, Karlo?" "Kakalbuhin kita, kulot-salot ka kasi." Nagtawanan ang limang kaklase ni Ranny habang nagpupumiglas siya. "Hindi bagay sa unggoy ang kulot na buhok," sabi pa ni Karlo habang ginugupit niya ang buhok ni Ranny. Tumulo nang tumulo na lang ang luha niya kahit alam naman niyang muli siyang tutubuan ng buhok. Nagtatawanan at nagtatakbuhan ang limang bully. Sa sagingan, muling nagpatumba ng puno ng saging si Ranny dahil sa galit niya sa mga kaklase. Bukas, may ititinda na naman siya sa mga guro. Pagdating sa bahay, hindi malaman ni Ranny kung paano itatago ang buhok. "Sino ang gumawa niyan sa 'yo, Ranny?" tanong ng ina. "Wala po." "Wala? E, halos makalbo ka na," sabi naman ng ama. "Sino ang gumupit ng buhok mo?" Matagal bago nakasagot si Ranny. "Si Karlo po." "Naku! Nagpatalo ka na naman sa kaniya. Lagi ka na lang naiisahan. Susunod niyan, ano? Lumaban ka naman, Ranny!" pagalit ng ama. Kinabukasan, hindi pumasok si Ranny sa paaralan. Itininda na lamang niya ang mga saging. Naghanap din siya ng barberong mag-aayos ng buhok niya. Naglakad-lakad si Ranny sa plasa upang magpalipas ng oras. Sa isang bulletin board, nabasa niya ang isang anunsiyo. "Sasali ako!" Sinuntok niya ang kaniyang kamao, saka tumakbo pauwi. Tumakbo siya nang tumakbo. Tumutulay-tulay, nagpapalipat-lipat, at lumulukso-lukso siya sa limang pilapil. Tinatakbo siya sa apat na burol. Umaakyat at bumababa siya sa tatlong bundok. Tumawid siya sa dalawang ilog. Dumaan siya sa isang sapa. Parang hindi siya napagod nang narating niya ang sagingan. Doon, agad niyang pinagsusuntok ang mga puno ng saging. Marami siyang napatumba, bago siya umuwi. Kinabukasan, galit na galit ang ama ni Ranny. "Rannnnny! Sino ang may gawa niyon sa sagingan?" "Ako po," mangiyak-ngiyak na pag-amin ni Ranny. Pinalo si Ranny ng kaniyang ama. "Bakit mo ginawa iyon? Wala pang bunga ang mga iyon." "Sasali po kasi ako sa boksing." "Ha? Boksing? Magboboksing ka? E, hindi ka nga makaganti sa kaklase mo. Tigilan mo nga ako, Ranny, kundi hindi palo lang ang aabutin mo sa akin." Hindi nagpapigil si Ranny sa kaniyang pangarap. Gusto niyang sumali sa boksing sa darating na kapistahan. Dumating ang araw ng pista. Ang boksing ang pinakatampok na paligsahan sa araw na iyon. Pinatawag na ang lahat ng gustong sumali para maipagtambal na ang magkakatimbang at magkakasingtaas. Nagkagulatan sina Ranny at Karlo nang makita nila ang isa't isa. Nanginig bigla ang mga tuhod ni Ranny. Napakain siya ng saging. Napangisi naman si Karlo habang sinusuntok-suntok ang kamao niya. Dahil silang dalawa lang ang batang nakapila, sila ang magkatunggali. Gusto nang umiayaw ni Ranny habang tinitimbang siya, pero naisip niya ang kanyang ama. "In the blue corner, weighing 112 pounds... Karlo Dapig!" sabi ng announcer. Mayabang na umakyat sa ring si Karlo, habang naghihiyawan ang mga manonood. Umalog-alog ang taba nito sa dibdib habang nagsa-shadow boxing ito. And, in the red corner, weighing 45 pounds... Ranny Tingi!" pakilala ng announcer. Nahihiya at nanginginig na umakyat si Ranny sa ring. Narinig at nakita niya ang tawanan ng mga manonood. May masasakit na salita siyang narinig, pero sa halip na masaktan siya, lalong lumakas ang loob niyang talunin si Karlo. Pumagitna na ang referee kina Karlo Dapig at Ranny Tingi. May mga sinabi ito sa kanila, saka pinasimulan ang labanan. Agad na natamaan ni Karlo sa mukha si Ranny. Lumayo muna si Ranny. Pinag-aralan niya ang galaw ni Karlo. Kaya nang lumapit ito, nasuntok niya ito nang sunod-sunod sa panga. Napapalakpak ang mga tao sa ipinakita niyang husay. Tila nag-iba na ang sigaw ng madla.. Inisip ni Ranny ang mga saging na pinapabagsak niya. At tiningnan niya si Karlo bilang puno ng saging at saka siya maingat na sumugod. Pinagsusuntok niya ito. Uppercut dito! Jab doon! Nawalan ng balanse si Karlo bago pa tumunog ang bell. Round 2 na. "Ranny Tingi! Ranny Tingi!" Iyan na ang sigaw ng mga manonood na lalong nagbigay ng inspirasyon sa kaniya. Pumagitna uli ang referee at naghudyat ng pagsisimula. Sumuntok agad si Karlo pero nakaiwas si Ranny. Nagpalipat-lipat si Ranny ng puwesto na parang tumutulay-tulay siya sa mga bato at pilapil. Hindi tuloy makasuntok si Karlo. Hindi nagtagal, nakorner niya ito at agad niyang pinaulanan ng suntok. Jab dito! Uppercut doon! "Whoooooah!" halos sabay-sabay na sigaw ng mga manonood nang matumba si Karlo Dapig. Binilangan ng referee si Karlo, pero hindi na ito nakatayo pagkatapos ng sampu. "The winner by technical knockout is... Ranny Tingi!" sabi ng announcer. Itinaas ng referee ang kamay ni Ranny Tingi, habang nagpapalakpakan at naghihiyawan ang mga manonood. Nakatanggap ng limang libong piso at tropeo si Ranny. Halos hindi rin magkamayaw ang tao sa pagbati sa kaniya. Ang iba ay nagpakuha pa ng larawan na kasama siya. "Ranny Tingi, nakapahusay mong boksingero. Ikaw na ang susunod na pambansang kamao," sabi ng isang lolo. "Salamat po!" Pag-uwi niya, naalala niya ang kaniyang ama at ang mga puno ng saging na pinatumba niya. Nalulungkot siya. Binagalan niya ang paglakad pauwi. Nang makarating siya sa pilapil, naramdaman niyang may parang sumusunod sa kaniya. "Papa?" Nagitla siya at napahinto. "Ranny, anak." Agad na lumapit ang ama. "Papa, nanood ka po ng laban namin?" "Oo. Ang galing mo! Pinahanga mo ako, anak. Pasensiya na kung hinusgahan kita," maluha-luhang sabi ng ama. Hindi na nakapagsalita si Ranny dahil niyakap na siya ng kaniyang ama. "Simula ngayon, magtatanim pa ako ng maraming saging para may pagpraktisan ka," biro ng ama. Natawa na lamang si Ranny kahit kumikislap na ang kaniyang mga mata. "Heto po ang premyo ko. Pambili po natin ng maraming pagkain." Ang ama naman ang natawa pagkatapos tanggapin ng sobre.

Saturday, March 16, 2019

Mga Bulaklak para kay Quennie

Alagang-alaga ni Lolo Tasyo ang mga halaman niya sa kanyang hardin. Umaga at hapon, binibisita at dinidiligan niya ang mga ito. Kaya naman, halos wala nang mapaminsalang insekto ang nakakapanira ang mga dahon at bulaklak. Tanging mga bubuyog at makukulay na paruparo ang bumibisita rito. 


Madalas ding kinakausap ni Lolo Tasyo ang mga ito. Gayunpaman, lahat ng mga kapitbahay ay humahanga sa ganda ng hardin niya. 


Isang hapon, nakadungaw si Lolo Tasyo sa bintana. Tinatanaw niya ang masasayang bulaklak sa kanyang hardin.


Hindi nagtagal, may mga batang babae ang pumitas ng mga bulaklak. Gusto sana niyang sawayin sina Mimay, Joy-joy, Laleng, Manilyn, at isa pa. 


Noon niya lamang nakita ang batang iyon. Siya ang pinakamaliit sa lima. Ang buhok niya ang pinakakaiba. Malungkot ang kanyang mga mata.


“Ayan, Quennie, ang ganda-ganda mo na!” bulalas ni Manilyn nang mailagay nito ang bulaklak sa tainga ng bata.


“Quennie pala ang pangalan niya,” bulong ni Lolo Tasyo. “Kay ganda ng pangalan niya. Bagay na bagay sa kanya.” Nawala ang inis niya nang ngumiti na si Quennie.


Inayos-ayos pa nina Mimay at Joy-joy ang buhok ni Quennie. Si Laleng naman, nilagyan pa ng cosmos sa buhok nito. 


Naglagay din ang apat sa kanilang buhok, kaya lalong lumapad ang ngiti ni Quennie. Hindi nila namalayan na nasisiyahang nakamasid sa kanila si Lolo Tasyo.


Araw-araw, inaabangan ni Lolo Tasyo ang mga batang babae. Araw-araw nga nilang ginagawa iyon. Minsan, rosas at gumamela ang inilalagay nila sa kanilang buhok. Minsan naman, zinnia at sampaguita. 


Lalo tuloy nawiling magtanim si Lolo Tasyo. Sinisikap niyang laging namumukadkad ang mga bulaklak sa hardin upang may mapitas ang mga batang babae.


Isang umaga, nasa hardin si Lolo Tasyo. 


“Lolo Tasyo, puwede po ba kaming humingi ng bulaklak?” tanong ni Mimay, kasama niya si Quennie.


Ngitian muna niya ang dalawa. “Sige, sige, mga apo! Mamili na kayo.”


“Salamat po!” Agad na namili si Mimay.


Nakatayo lang si Quennie. Malungkot siya at malumbay. 


“Ayan! Ang ganda-ganda mo na, Quennie!” puri ni Mimay.


“Oo nga, Quennie, lalo na kung ngingiti ka pa,” sang-ayon ni Lolo Tasyo. 


Pilit na ngiti ang ipinasilay ni Quennie kina Lolo Tasyo at Mimay.


“Lagi kang ngingiti, Quennie, ha? Tingnan mo si Mimay.”


Ngumiti si Mimay saka umakbay kay Quennie. “Salamat po uli sa bulaklak!”


Maligaya na naman si Lolo Tasyo kasi napaligaya niya ang mga bata. 


Araw-araw, humihingi ang mga batang babae ng bulaklak. Kung hindi si Joy-joy ang kasama ni Quennie, si Manilyn. Kung hindi si Manilyn, si Laleng. Madalas, lahat silang apat ang kasama ni Quennie. Lahat sila, pinasasaya nila ang kalaro.


Isang araw, nagtataka si Lolo Tasyo dahil wala ni isa sa kanila ang humingi ng bulaklak. Nalungkot siya at nanghina. Inaalala na lamang niya ang maamong mukha ni Quennie. Naalala kasi niya ang kanyang apo tuwing nakikita si Quennie. 

Kinabukasan, nakadungaw lang si Lolo Tasyo sa bintana, habang pinagmamasdan ang mga halaman at bulaklak sa kanyang hardin.


“Lolo Tasyo, Lolo Tasyo!” humahangos na tawag ni Laleng. Kasama niya si Manilyn.


“O, mga apo, bakit natataranta kayo? Nasaan si Quennie?” nagtatakang tanong ni Lolo Tasyo.


“Pahingi po ng bulaklak para kay Quennie,” sabi ni Manilyn.


“Sige, sige, mga apo! Pumitas na kayo.”


Pinagmasdan ni Lolo Tasyo ang pamimitas ng dalawang bata. Nagtaka siya dahil marami silang pinitas, pero hindi siya nagalit. 


“Salamat po, Lolo Tasyo! Matutuwa po nito si Quennie,” sabi ni Laleng.


“Walang anuman! Balik kayo, kasama si Quennie,” pasigaw niyang sagot dahil nakalayo na ang dalawa.


“Wala na po si Quennie,” tugon ni Manilyn.


Hindi agad naunawaan ni Lolo Tasyo ag sagot ni Manilyan, pero nang makuha niya ang kahulugan, bigla na lang tumulo ang mga luha niya.


Agad siyang bumaba at tumungo sa hardin. Namitas siya ng mga bulaklak. Pagkatapos, hinanap niya ang bahay ni Quennie. 


“Mga bulaklak para kay Quennie,” sabi ni Lolo Tasyo sa mga magulang nito habang palapit siya sa kabaong ng bata. 


Nalaman niyang binawian na ng buhay si Quennie dahil sa sakit na cancer. Muling tumulo ang mga luha ni Lolo Tasyo.

Buwaya sa Gobyerno

Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...