Followers

Friday, November 4, 2022

LihaM Paanyaya at Talatang Naglalarawan

 

 LihaM Paanyaya at Talatang Naglalarawan

                          

                                                                                                          Nobyembre 1, 2022


Mahal kong pinsan, Zachary,

 

Kumusta ka na? Alam kong nasa mabuti ka namang kalagayan ngayon habang kasama mo sina Ate Vanessa, Tito Martin, at Tita Marissa.

 

Okey rin ako rito sa probinsiya. Masaya ako kasi kasama ko sina Mama, Papa, Kuya Miguel, at Alice. Maayos naman ang pamumuhay namin dito.

 

Sumulat ako sa `yo para anyayahan kang magbakasyon dito sa malayo, pero kabigha-bighani naming lugar.

 

Sana makapunta ka, kasama ng iyong pamilya sa Disyembre. Dito na kayo mag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon. Masaya ang pagdiriwang namin dito. Pambihira ang mga palaro, pakulo, at kasiyahang inihahanda ng aming masipag na punong barangay.

 

Pagdating mo rito, magka-camping tayo sa gubat. Hindi naman nakakatakot doon. Walang mababangis na hayop. Ligtas tayo.

 

Alam mo ba ang hayop na pilandok? Naku, makikita natin iyon sa malawak na gubat. Tiyak mamangha ka.

 

Siya nga pala, ipapasyal din kita sa sikat na sikat naming parke. May mga tree house doon na puwedeng akyatin. Sigurado, matutuwa ka.

 

Marami pang iba puwedeng gawin sa parke, gaya ng pagduduyan, pagsi-seesaw, at pag-i-slide. Ang paborito kong gawin sa parke ay ang pagsakay sa duyan, na gawa sa gulong ng sasakyan. Gusto mo rin ba iyon?

 

At dahil malapit kami sa dagat, maliligo tayo palagi roon. Mapuputi ang buhangin sa dalampasigan. Malinaw pa ang tubig. Hindi rin masyadong maalon.

 

Magbabaon tayo ng masasarap na pagkain. Sariwa ang mga isda, gulay, at prutas sa amin, kaya siguradong marami kang makakain. Ang sarap kayang magpiknik sa tabing dagat, `di ba?

 

Tuturuan kitang sumisid. Dadalhin kita sa kagila-gilas na coral reef. Marami tayong makikitang isda at iba pang lamang dagat. Doon mo matatagpuan ang makukulay na isda at halamang dagat.

 

At pagsapit ng gabi, magsasapin tayo ng banig sa malawak na damuhan. Doon, mag-i-stargazing tayo. Napakaganda ng kalawakan! Kay gandang pagmasdan ang maniningning na bituin, saka ang hugis-suklay na buwan.

 

Hanggang dito na lang. Saka na lang natin planohin ang iba pa nating activities kapag nandito na kayo. Aasahan ko ang inyong pagdating.

 

Ingat ka palagi.

 

Ang iyong poging pinsan,

Dwayne

 

 

 

 

Friday, October 28, 2022

Hermiiiiing!

 Pagkagising ni Herming, uminat-inat siya kagaya ng balerina. Saka siya tumalon mula sa mesa kagaya ng sirkero sa perya.


Humilahid siya sa paa ng tapag-alaga. Pagkatapos, nakatanggap siya ng dampi ng kamay at marahang himas sa kaniyang ulo. Para siyang batang may nagawang mabuti.

Napalundag sa tuwa si Herming nang marinig ang tunog ng ibinubuhos na pagkain, na parang maliliit na isda. Napangiti pa siya sa repleksiyon ng sarili sa bagong buhos na tubig. Parang nakakita siya ng anghel sa langit.

Kumaway si Herming sa tapag-alaga. Saka nagtatalon-talon sa tuwa, na animo'y nanalo sa loterya.

Parang inspektor na sinilip ni Herming sa bintana ang tagapag-alaga. Inalam niya kung ito'y nakalayo na.

Nilundag-lundag nang kay bilis ni Herming ang labindalawang hakbang na hagdan. Para siyang pulis na may puganteng tinutugis.

Tinalon niya ang kurtina sa sala. Para siyang lineman sa liksi at kisig, kaya umabot siya sa gitna. At mula roon, lumukso siya at nagpatihulog. Para siyang gymnast, dahil mga paa ang unang lumapat.

Parang siya si Wolverine si Herming. Kinalmot-kalmot niya ang sofa. Nagkahimulmol naman ang telang sapin nito.

Nagtungo si Herming sa banyo at nakita ang tissue. Hinila niya iyon nang hinila. Hindi nagtagal, nagkalat ang pira-pirasong papel.

Naamoy ni Herming ang basura sa trash can. Dinukwang niya iyon at naghanap ng mapaglalaruan. Inilabas niyang lahat ang basura. At nakita niya ang plastic bag.

Pumasok si Herming sa plastic bag at nagpagulong-gulong sa sahig. Natumba ang burnay. Nawala sa ayos ang floor mat.

Namataan ni Herming ang butiki. Nabuhay ang tigre niyang ugali. Tahimik siyang nag-abang ng pagkakataon.

Tumulay si Herming sa mesa upang siya ay makatalon patungo sa kabinet. Doon, tinalon niya ang butiki, na parang siya si Spiderman. Agad namang nakalayo ang butiki, pero bumagsak siya kasabay ng plorera.

Nagulat at natakot si Herming, kaya tumungo siya sa bintana. Inilusot niya ang katawan sa maliit na uwang upang makalabas siya.

Tuwang-tuwa si Herning sa hardin. Nagpatago-tago siya sa ilalim ng mga hilera ng halaman. Hindi niya namalayan ang mga naapakan niyang mga pananim. Natumba ang mga ito at naluray.

Narinig ni Herming ang twit-twit ng ibon. Dagli siyang naging magnanakaw. Dahan-dahan at maingat siyang nagtago. Tinantiya niya kung kakayanin niya itong sakmalin.

Mabilis na nakalipad ang munting ibon bago pa nakalukso si Herming sa dinapuang sanga nito. Sa halip, napabaras siya sa sanga at nagpaikot-ikot na parang elesi.

Nang siya'y mahilo, nagpatihulog na lang siya. Bumagsak siya sa mga tuyong dahon na nakasako. Nagkalat ang mga iyon pagkatapos niyang makalabas.

Maya-maya, nakita ni Herming ang palaka sa lupa sa paso. Naghuhukay ito roon, na parang gustong magpahinga.

"Meow! Meow!" galit na sunggab ni Herming sa palaka. Saka niya binungkal ang lupa. Nagliparan iyon sa ere, kasabay ang palaka. Sumunod ang halamang nakatanim.

Parang leon, na hinanap ni Herming ang palaka. Sa kasamaang-palad, hindi niya iyon natagpuan. Sa halip, mga lumot at putik sa mga kamay at paa ang napala.Nanlilimahid pa ang mga puting balahibo niya.

Sa nakauwang na bintana, pumasok si Herming. Lumundag siya sa sahig na puting-puti. At naglakad na parang reyna. Maruruming bakas ay sinusundan siya sa kaniyang paglalakad.

Parang may hinahanap si Herming. Paroon. Parito. Paroon. Parito. Hindi niya tuloy napansin ang buong sala ay nanggigitata na.

Sa pagod, nakatulog si Herming sa ibabaw ng sofa. Nanaginip pa yata at naghihilik pa siya.

"HermiiĆ­iiing, ano'ng ginawa mo sa bahay?!"

Parang nakuryente si Herming nang marinig ang sigaw ng tagapag-alaga. Agad siyang nagtago sa ilalim ng center table.

"Mapapalo kitang pusa ka!" sigaw uli ng tagapag-alaga, sabay palo ng tsinelas sa sahig.

Plak! Plak! Plak!

Sa takot, kumaripas ng takbo si Herming. Hindi niya nabilang kung ilang hakbang ang hagdang kaniyang inakyat.

Nataranta si Herming sa kuwarto. Hindi malaman kung saan siya magtatago. Sa ilalim ba ng kama? O sa likod ng kurtina?

"Herming! Hermiiing..." tawag ng tagapag-alaga.

"Meow! Meow!" malambing na sagot ni Herming. Mula sa likod ng pinto, lumabas siya na parang payaso. Tumayo siya sa harap ng tagapag-alaga. Saka siya humingi ng pasensiya.

"Kahit makulit ka, Herming, lab na lab pa rin kita."

Nang marinig iyon, agad siyang humilahid sa paa ng tapag-alaga, gaya ng dati niyang ginagawa.

Maya-maya pa, kinarga na si Herming ng tagapag-alaga.

"Meow! Meow!" Pangako niya, hindi na magiging makulit na pusa.

Tuesday, September 20, 2022

Wikang Filipino at mga Katutubong Wika

Kay yaman na ng ating bansa Sa mga tradisyon at kultura Maging sa mga diyalekto't wika Subalit may iyayabong pa. Kung itong ating wikang Filipino, Kasama ang mga wika ng katutubo Ay tutuklasin at lilikha ng bago, Lalo pa itong uunlad, lalago. Mga katutubong salita'y gamitin Mga makabagong salita'y tuklasin Atin silang pagsamahin at linangin Nang ang wikang pambasa natin Ay manatiling nagniningning. Bansang Pilipinas ay kikilalanin Kung Wikang Filipino'y palalaganapin At mga katutubong wika'y pauusbungin.

Balita Sample

Pamilya Modista, kinilalang ‘Ulirang Pamilya’ Kinilala ng Barangay Masagana ang Pamilya Modista bilang ‘Ulirang Pamilya ng Taon’ dahil sa inspirasyong dulot nila sa naturang pamayanan. Si Paolo Modista, ang haligi ng tahanan, ay naninilbihang barangay tanod, habang nag-aalaga sa kaniyang dalawang anak. Samantalang si Nerissa Modista, ang ilaw ng tahanan, ay nagtratrabaho sa ibang bansa. Naging inspirasyon ng lahat ng pamilya sa barangay ang pamilyang ito sapagkat hindi naging hadlang ang kanilang sitwasyon sa pagkakaroon ng masaya at masaganang pamumuhay. Palagi pang nakatatanggap ng parangal sa paaralan ang dalawang bata.

Oras

Ang oras ay mabagal kapag may hinihintay Kapag nagmamadali, ito'y kay bilis naman Ito'y tila nakamamatay kapag ika'y malumbay Sa oras ng kasiyahan, ito ay may kaiklian. Sa panahon ng sakit, oras, tila `di nagwawakas. Kapag nag-iisa, ito'y parang napakahaba Kaya ang bawat segundo, minuto, at oras, Palaging pahalagahan at gamitin nang tama.

Thursday, August 11, 2022

Balagtasan: Alisin o Panatilihin ang Araling MTB sa NCR

Lakandiwa: Magandang araw, sa inyo'y pagbati! Sa isang balagtasan, makibahagi Dalawang dalubwika’y magtutunggali Sa paksang napapanaho’t kawili-wili. Ang tanong ng mga nakararami, “Aalisin o pananatilihin sa NCR ang MTB.” Kaya, ang balana ay pumarini. Ating kilalanin ang magkatunggali. Nasa kaliwa, ang unang makikipagtagisan Ang ikalawa naman ay nasa kanan. Bawat isa’y titindig sa inyong harapan. Magpapakilala’t kanilang panig ay ilalaban. Kanilang opinyon, nawa’y inyong pakinggan Nang sariling panig, mapili’t mapanindigan At bandang huli nito, ating mahuhusgahan Kung sino ang tunay na kampeon sa balagtasan. Mambabalagtas 1: Isang mapayapang araw, mga kababayan! (Pangalan ng kalahok 1), ang aking pangalan, Kawangis ninyo, ako’y Filipino, makabayan, Kaya, pakiusap, ako’y h’wag agad husgahan Kung nais kong maalis ang MTB sa panuruan. Inyo muna akong pakinggan at pulsuhan Nang ideya ko’y pumasok sa inyong kaibuturan At mga alinlangan ay tuluyang matuldukan. Mambabalagtas 2: Pagbati ko’y para sa inyong lahat Tunay ngang ang puso ko’y nagagalak `Pagkat sa entabladong ito, ako’y haharap At mga katuwiran ko’y aking maisisiwalat Tungkol sa paksaing nagdudulot ng sugat (Pangalan ng kalahok 2), ang iyong katapat. Pagmamahal ko sa wika ay hindi masusukat Kaya, pagpapanatili ng MTB sa NCR ay nararapat. Mambabalagtas 1: Magiting kong katunggali, makinig ka Ang Wikang Filipino at Tagalog ay iisa Kaya, bakit MTB ay ginawang asignatura? Samantalang Filipino ay sapat na Upang mga mag-aaral ay maging bihasa Oras sa pagtuturo nito ay naaaksaya Disin sana’y nailalaan at nagagamit pa sa iba Pagtibayin ang asignaturang Filipino, aking panukala. Mambabalagtas 2: Linawin ko lang, magiting kong kalaban Wikang Filipino at Tagalog ay may kaibahan Ang wikang Tagalog ang pinagbasehan Ng Wikang Pambansa ng sambayanan Sa paggamit ng mga salita, mapagkakalilanlan. Wikang Filipino’y nanghihiram sa mga dayuhan Ang Tagalog ay sa ating mga rehiyon ng ating bayan. Kaya’t iyong layunin ay hindi ko masasang-ayunan. Mambabalagtas 1: Magaling! Magaling! Tunay kang dalubwika Subali’t hindi natin kailanman maikakaila Mga magulang, mag-aaral, at guro ay umaalma Sa dagdag-pasanin ng pagtuturo ng MTB sa eskuwela “Paulit-ulit. Hindi na kailangan,” ang sabi nila. Usapan sa kanilang tahanan, Tagalog naman talaga Para ano pa’t paglalaanan ng oras na mahalaga Kung ako ang masusunod, mag-aral ng ibang wika. Mambabalagtas 2: Mukhang nalilihis ang iyong ideya, Kapatid. Hindi ito tungkol sa kaalamang paulit-ulit Mithiin ng kagawaran ay napakalalim Hindi katulad ng isipan mong walang talim. Sa MTB, lubos nakikilala ang mga katutubong wika Na siyang kasangkapan sa pagtuklas at paglikha. Kung ang Tagalog ay patuloy ang ating pagtangkilik Bansa nati’y hindi magagapi, sa landas `di malilihis. Mambabalagtas 1: Ang Wikang Tagalog ay hindi ko tinatanggihan Ang akin lamang ay huwag nang ituro sa paaralan Tingnan sana ninyo ang mga resulta’t kinalabasan Naging matagumpay ba ito o pabigat lamang? Repasuhin ang sistema, pagnilay-nilayan Upang makita ang mga kamalian at pagkukulang Sa panahon ngayon, MTB-Tagalog ay kailangan Subali’t ang gawing asignatura ay maling hakbang. Mambabalagtas 2: Mali? Kailan pa naging mali ang kaalaman? Sa paaralan ka natuto’t nagkamit ng karunungan At sa mga asignatura ka naging paham Bakit ngayon MTB ay nais mong alisan ng kalayaan-- Kalayaang turuan ang mga makabagong kabataan? Ang Tagalog ay dapat panatilihin sa silid-aralan Hindi ito hadlang sa pagkatuto at paglinang Bagkus ito’y isang daan patungo sa kamalayan. Lakandiwa: Mahusay! Napakahusay ninyong dalawa! Kahanga-hanga ang bawat inilahad na kaisipan Kaya, ang madla’y may sarili nang kapasyahan Nawa’y nasanggi ninyo ang puso ng kagawaran Upang isyung ito ay kanilang mapagdesisyunan MTB, panatilihin o alisin man, sila ang nakakaalam. Maraming salamat sa inyong kaalaman! Tanggapin ninyo ang masigabong palakpakan.

Wednesday, August 3, 2022

Mga Dapat Mong Malaman tungkol sa Pneumonia

Bago ako magsimula, itanong ko lang… Nagpabakuna ka na ba? Hindi ng anti-CoViD, huh, kundi ng pneumococcal conjugate vaccine (PCV). Naku! Naku, kung hindi pa, hinihikayat kitang tapusin ang artikulong ito. Ano ang Pneumonia? Ang Pneumonia (Pulmonya) ay isang banayad, malubha, at nakamamatay na sakit sa mga baga. Wala itong pinipiling edad, subalit higit na naaapektuhan ang mga matatanda, sanggol, o mga taong may mahinang resistensiya. Paano nagkakaron ng Pneumonia ang isang tao? Dahil sa impeksiyon, namamaga ang mga alveoli sa loob ng baga. Napupuno ng nana o tubig ang mga ito, kaya nahihirapang huminga ang isang tao. Nakararanas din ng pag-ubo, pagkakaroon ng lagnat, at panginginig ng katawan ang taong may impeksiyon sa baga. Nagagamot ba ang Pneumonia? Opo! Nagagamot ito. Sa pamamagitan ng mga antibiotic at ilang makabagong paraan. Maiiwasan din ito sa pamamagitan ng pagpapabakuna. Subalit, mahalagang malaman mo muna kung anong uri ng pulmonya ang tumama sa iyo. Ano-ano ba ang uri ng Pulmonya? May mahigit tatlong uri ng Pneumonia. Ang tatlo sa mga ito ay bacterial, viral, at mycoplasma. Ano ang Bacterial Pneumonia? Ang Bacterial Pneumonia ay sanhi ng samot-saring bakterya, gaya ng Streptococcus pneumoniae. Ang Streptococcus pneumoniae ay ang pinaka-common at pinakamalimit tumatama sa mga may mahihinang immune system. Sino-sino naman ang prone sa Bacterial Pneumonia? Madalas tamaan ang mga taong may sakit, kulang sa tamang nutrisyon, o mga matatanda. Sila ang madaling pasukin ang mga baga ng mga bakteryang nagdudulot ng pulmonya. Ang mga taong naninigarilyo, nagtatrabaho sa isang kapaligiran na may maraming polusyon, nakatira o nagtatrabaho sa isang ospital ay posibleng magkaroon ng mas mataas na panganib para sa pneumonia. Ano-ano ang sintomas ng Bacterial Pneumonia? Masasabing may Bacterial Pneumonia ang isang tao kapag siya ay may ubong may makapal na dilaw o berde, o kaya’y mucus na may dugo, nakararanas ng parang sinasaksak na sakit sa dibdib, na lumalala kapag umuubo o humihinga, may mga biglaan at matinding panginginig, may lagnat na 102-105 ° F o mas mataas o mas mababa kaysa sa 102 ° F (sa mga matatandang tao), at may iba pang mga sintomas, gaya ng sakit ng ulo, sakit ng kalamnan, pagkahilo o mabilis na paghinga, malubhang pagkapagod, mamasa-masa at maputlang balat, walang ganang kumain, at pagpapawis. Paano maiiwasan ang Bacterial Pneumonia? Gawin lamang ang mga sumusunod upang makaiwas sa sakit na ito. Magpabakuna ka. Panatilihin mo ang kalinisan sa katawan at kapaligiran. Umiwas sa paninigarilyo at taong naninigarilyo. At panatilihin mong malakas ang iyong ang immune system. Ano naman ang Viral Pneumonia? Ang Viral Pneumonia naman ay sanhi ng iba’t ibang uri ng virus, gaya ng influenza virus. Ang influenza virus ay ang ikatlong sanhi ng lahat ng naitalang kaso ng pulmonya. Sino-sino naman ang prone sa Viral Pneumonia? Kung ikaw ay 65 o mas matanda pa, may hika, diabetes, o sakit sa puso, dumaan sa isang operasyon, ayaw kumain nang tama o ayaw tumanggap ng sapat na mga bitamina at mineral, naklalanghap ng iba’t ibang uri ng usok, labis na umiinom ng alcohol, HIV positive, nagkaroon ng isang organ transplant, o may leukemia, lymphoma, o malubhang sakit sa bato, ikaw ay may mas mataas na tsansa na tamaan ng viral pneumonia. Ano-ano ang sintomas ng Viral Pneumonia? Sa unang araw, mararamdaman na ang trangkaso, na may kasamang tuyong ubo, sakit ng ulo, sakit ng lalamunan, kawalang-ganang kumain, at sakit ng kalamnan. Paglipas ng isang araw o higit pa, maaaring lumala ang lagnat. Maaaring maramdaman ang paghahabol ng hininga. Paano maiiwasan ang Viral Pneumonia? Makaiiwas ang sinoman sa uri ng pulmonyang ito, kung magpapaturok ng bakuna bawat taon, regular na huhugasan ang mga kamay, lalo na pagkatapos mong pumunta sa banyo at bago ka kumain, kakain nang tama, na may maraming prutas at gulay, mag-eehersisyo, magkakaroon ng sapat na tulog, pagtigil sa paninigarilyo o mga taong naninigarilyo, at paglayo sa mga taong may sakit. Ano ang Mycoplasma Pneumonia? Ang Mycoplasma Pneumonia ay isang impeksiyon sa paghinga na madaling kumalat sa pamamagitan ng pagbahing, pagsasalita o pag-ubo. Ito ay idinudulot ng karaniwang bakterya, tulad ng Streptococcus at Haemophilus. Maaari itong maging sanhi ng epidemya. Tinatawag din itong ‘walking pneumonia.’ Mabilis itong kumakalat sa masikip na lugar. Sino-sino ang prone sa Mycoplasma Pneumonia? Mapanganib ang Mycoplasma Pneumonia sa matatanda, sa mga taong may mga sakit na nagpapahina sa immune system, gaya ng HIV, sa mga gumagamit ng steroid, sa mga nagpapa-immunotherapy o chemotherapy, sa mga may sakit sa baga, sa mga may karamdaman sa sakit sa cells, at sa mga batang mas bata sa edad na lima (5). Ano-ano ang sintomas ng Mycoplasma Pneumonia? Ang pagdanas kakapusan sa paghinga, mataas na lagnat, malubhang pagkapagod, at matinding ubo ay mga palatandaan ng Mycoplasma Pneumonia. Paano maiiwasan ang Mycoplasma Pneumonia? Sa pamamagitan ng mga sumusunod na lifestyle change, makakaiwas sa sakit na ito. Matulog nang anim (6) hanggang walong (8) oras araw-araw. Kumain ng balanced diet. Umiwas sa mga taong may mga sintomas ng Mycoplasma Pneumonia. At ugaliing maghugas ng kamay bago kumain o pagkatapos makipag-ugnayan sa mga taong may sakit. Bago ako magwakas, nais kong ibahagi ang produktong makatutulong upang makaiwas o malunasan ang anomang uri ng pulmonya. Ito ang First Vita Plus Natural Health Drink Dalandan. Mayroon itong limang gulay--- malunggay, talbos ng kamote, dahon ng sili, uray/kulitis, at saluyot. Pinalalakas nito ang immune system ng taong umiinom nito. Sa mga gustong umiwas sa pneumonia, regular itong inumin, sa halip na softdrinks, iced tea, commercial juice drinks o alak ang inumin. At sa mga may pulmonya, maaari itong inumin kasabay ng mga gamot na inireseta ng doktor sapagkat ito ay pagkaing inumin o inuming pagkain. Walang overdose sa mga gulay. Ang pulmonya ay nakamamatay, pero mas masarap mabuhay lalo na kong malusog at masaya tayong namumuhay.

Sunday, July 17, 2022

Dengue: Paano Lalabanan?

Alam mo ba? (Prangkahan na tayo.) Ang dengue ay maaaring magdulot ng shock, internal bleeding, o kamatayan. Ang dengue ay maaaring malala o hindi malala. Kapag ito ay malala, mapanganib ito sa buhay ng isang tao sa kaunting oras lamang, kaya nangangailangan ito ng confinement. Kapag hindi malala ang dengue, maaari naman itong mapagkamalang ibang sakit sapagkat nagkakatulad sa mga sintomas. Anyway, 1 out of 20 katao lamang ang madalas na nakararanas ng severe dengue. Gayunpaman, dapat pa ring mag-ingat at maghanda. Ang severe dengue ay kakikitaan ng nagdudulot din ng lagnat, na sinasabayan pa ng alinman sa mga sumusunod na sintomas—sakit sa tiyan, pagsusuka nang tatlong beses sa loob ng 24 oras, pagdurugo ng ilong o gums, pagsusuka ng dugo, pagkakaroon ng dugo sa dumi, at pakiramdam ng pagod, hapo, at iritable. Kapag nag-manifest ang mga ito, huwag nang magpatumpik-tumpik pa. Sumugod na agad sa hospital at magpasuri sa doktor. Nangangailangan na kasi ito ng agarang paglulunas. Kapag hindi malala, isa sa bawat apat na tao ang nagkakasakit kapag nahawa ng dengue. Ang mild dengue ay nagdudulot ng lagnat, na sinasabayan ng alinman sa mga sumusunod na sintomas—eye pain, muscle pain, headache, bone pain, joint pain, rashes, o nausea/vomiting. Ang mga ito ang mga pangkaraniwang sintomas ng dengue, na madalas, dahil sa pandemya, napagkakamalang sintomas ng CoViD-19. Tandaan lamang na ang mga sintomas ng mild dengue ay kadalasang tumatagal mula dalawa hanggang pitong araw. Mahalagang malunasan agad ang mga sintomas nito. Magpasuri sa doktor kung naniniwala kang dinapuan ka nito, lalo na kung sobrang taas ng iyong lagnat. Kung nagkaroon ka na ng dengue noon, mataas ang tendency na magkaroon ka ulit. Mas mataas naman ang risk sa severe dengue ng mga sanggol at buntis, kaya ingatan natin sila. Sa paunang lunas, maaaring uminom ng paracetamol. Huwag iinom ng ibuprofen o aspirin. Siyempre, damihan ang iinuming tubig upang manatiling hydrated ang iyong katawan. Mabisa rin ang pag-inom ng mga inuming may electrolytes, gaya ng sabaw ng buko o niyog, gatas, katas o tubig ng pakwan, sports drinks, at Pedialyte. Mild o severe man ang dengue, inirerekomenda ko ang pag-inom ng First Vita Plus Natural Health Drink Dalandan variant. Ang dalandan kasi ay prutas na mayaman sa Vitamin C, na kailangan ng ating katawan sa oras na may sakit tayo. Maitataas nito ang platelet counts. Ang produktong ito ay may limang gulay (malunggay, talbos ng kamote, dahon ng sili, uray/kulitis, at saluyot) na mahusay magpataas ng immune system o nakatutulong sa pagpapalakas ng resistensiya. Para makaiwas naman na madapuan ng lamok, inirerekomenda ko ang First Vita Plus Moringa Lemongrass Oil. Huwag nating maliitin ang lamok o kagat ng lamok. Maglinis ng kapaligiran. Magpalakas ng resistensiya. Ang dengue ay palaging nariyan, kaya para tayong laging nasa pandemya.

Saturday, June 18, 2022

Mahinahon

"Kuya, excuse me," sabi ng babaeng may kasamang batang lalaki sa tabi ng kalsada. Mahinahon ang boses nito. "Bakit po?" tanong ni Lance kahit nahulaan na agad niya ang pakay ng pagtawag ng babae. "Puwede po bang makahingi ng pandagdag sa pamasahe? Malayo pa kasi ang uuwian namin." Nagbigay si Lance ng beynte. Nagpasalamat ang babae. Nalungkot naman siya dahil maliit na halaga lamang ang inabot niya. Gayunpaman, naisip niyang makaiipon at makabubuo naman ang dalawa ng sapat na halaga mula sa iba't ibang taong nagdaraan. Dumaan ang pandemya. "Kuya, excuse me," sabi ng babaeng may kasamang binatilyo. Nasa madilim na bahagi sila ng kalye. Nakaramdam ng kaba si Lance. Agad niyang nahulaan ang pakay ng babae, kaya nagmamadali siyang makalayo. May mga dala pa naman siyang mga regalo at premyo dahil galing siya sa dalawang magkasunod na Christmas party. May pandemya pa rin. Lumipas lang ang mga buwan. Lunes ng umaga, nagmamadali si Lance sa pagpasok sa opisina. "Kuya, excuse me," sabi ng babae, na may kasamang batang babae sa labas ng integrated terminal. Mahinahon ang boses nito. Nahulaan na agad niya ang pakay ng pagtawag ng babae, kaya hindi niya pinansin ang mga ito. Martes ng umaga, nagmamadali si Lance sa pagpasok sa opisina. "Kuya, excuse me," sabi ng aleng may kasamang ale sa labas ng integrated terminal. Mahinahon ang boses nito. Nahulaan na agad niya ang pakay ng pagtawag ng babae, kaya tiningnan niya nang patagilid ang mga ito, saka siya dumiretso. Pabulong-bulong pa siya, na parang takureng nag-aalburuto. Miyerkoles ng umaga, nagmamadali si Lance sa pagpasok sa opisina. "Kuya, excuse me," sabi ng babaeng may kasamang batang lalaki sa labas ng integrated terminal. Mahinahon ang boses nito. Nahulaan na agad niya ang pakay ng pagtawag ng babae, kaya hindi niya pinansin ang mga ito. Tumigil naman siya at pumuwesto sa malayo, kung saan tanaw pa rin niya ang dalawa. At nakita niyang may hinihingian ulit ang mga ito. Huwebes ng umaga, nagmamadali si Lance sa pagpasok sa opisina. "Kuya, excuse me," sabi ng isa sa dalawang babae sa labas ng integrated terminal. Mahinahon ang boses nito. Nahulaan na agad niya ang pakay ng pagtawag ng babae, kaya paglampas niya nang kaunti, binigyan niya ang mga ito ng dirty fingers. Bjyernes ng hapon, nagmamadali si Lance sa pag-uwi. "Kuya, excuse me," sabi ng matabang ale, na may kasamang ale sa labas ng integrated terminal. Mahinahon ang boses nito. Nahulaan na agad niya ang pakay ng pagtawag ng babae, kaya hinarap niya ang mga ito. "Hay, naku! Magtrabaho kayo!' sabi niya at agad na tinalikuran ang mga manloloko. "May itatanong lang naman ako," pahabol na sagot ng matabang babae. Mahinahon pa rin ito.

Saturday, April 2, 2022

Ang Aking Journal - Marso 2022

Marso 1, 2022 Hinarap ko ang paglalagay ng grades sa report cards pagkatapos kong mag-almusal. Hindi ko talaga tinapos para hindi mapagod nang husto ang kamay ko. Isa pa, Martes pa lang naman. Sa Friday pa ang dsitribution. Nagbasa ako ng 'Janus Silang' book 3 bago nag-review ng mga araling ituturo ko. Tungkol sa 'pagsagot sa mga tanong sa napakinggang tula' ang topic ko, kaya medyo interesting. Nagawa ko namang ituro nang masaya at maayos ang lesson ko sa Filipino sa tatlong sections, pero pagdating sa last section, na siyang lowest section, ay nainis ako. Hindi pa rin sila nag-seld study o nag-advance study, kaya hindi nila masagot ang mga tanong ko. May isang sagot nang sagot, pero hindi ako kumpurmi sa ganoon. One-on-one ang dating. Tutorial. Nakakainis lang kasi hindi na nga nagpapasa ng mga gawain o modules at hindi na nga nagbubukas ng camera, ayaw pang magsalita. Parang mga tuod. Nasayang lang ang period dahil sa sermon ko. I hope magbago na sila. Sana matuto na silang magpahalaga sa edukasyon at i-prioritize ang pag-aaral. Pagkatapos ng klase, gusto kong matulog kaya lang hindi ako pinatulog ng pagkainis ko. Okay lang naman. Bumangon na lang ako upang magmeryenda at upang mag-digital illustrate. Nakadalawang pages lang ang digital illustrations nang marinig ko ang mga Marites sa kalsada. Mawawalan daw ng tubig bandang 8 pm, kaya itinigil ko ang ginagawa ko para magsahod ng tubig. Pagkatapos, nag-gardening na ako. Inabot na ako ng 7 pm sa garden. Naghimay ako ng bunot para magkaroon ako coco peat, na pang-ibabaw ko sa mga halaman. Gumawa ako ng powerpoint presentation ng lesson ko sa Filipino. Gusto ko itong ituro nang maayos dahil pagsulat ng editoryal. Hindi basta-basta. Double purpose pa. Puwede kong gawing vlog. Marso 2, 2022 Pagkatapos kong magdilig ng mga halaman, hinarap ko uli ang powerpoint presentation ko. Pinagbuti ko at pinag-aralan ko nang husto. Umalis ang mag-ina ko, kaya nasolo ko ang bahay. Naging maayos naman ang pagtuturo ko. Enjoy na enjoy ko ang ginagawa ko, palibhasa interesting ang topic. May part 2 bukas kasi talagang mahaba at madugo ang layunin. Hindi kayang makapagsulat ng mga estudyante sa 25 minutes lang na pagtuturo niyon. Pagkatapos ng klase, nanood ako ng series. Past 5, nag-gardening ako. Wala pa rin ang mag-ina ko sa mga oras na iyon. Past 20 pm na sila umuwi. Galing pa sila sa peryahan. Marso 3, 2022 Nagpadala ako ng P2k kay Flor para ipaghanda si Zildjian. Ito ang unang beses kong gawin. Mabuti at may extra budget ako. At malaking tulong din ang pagpupursigi ni Flor para hikayatin at kulitin ako. Napasaya ko ngayong araw ang isa kong bunsong anak. Sobrang saya ko rin. Fifteen years old na siya. Sana maging close na kami sa isa't isa. Gabi, ipinagpatuloy ako ang paggawa ng vlog, gamit ang PPT ko kahapon. Gumamit din ako ng Narakeet (fromtext to speech application) para magkaroon ako ng audio. Marso 4, 2022 Dahil asynchronous naman kami every Friday, nag-biking ako. Bandang 8, umalis na ako. Sa daan na ako nag-almusal. Nagkape lang ako sa bahay. Kumain ako ng pares sa Santol. Na-enjoy ko ang pagbibisikleta kahit mainit. Ang sarap huminga dahil sa wala halos katao-tao, ako pumunta-- doon sa dati kong pinupuntahan. Kaya lang, napako ang bike ko. Na-flat bigla ang hulihang gulong. Isang kilometro ang nilakad ko para maghanap ng vulcanizing shop. Okay lang naman. Masaya pa rin. Nakauwi ako nang ligtas. Before 12, nasa bahay na ako. Sobrang init na ng panahon. Hindi na nga ako nakatulog sa hapon. Pagdating ng gabi, sumakit ang ulo ko. Resulta siguro ito ng ilang araw na puyat o kakulangan sa tulog. Nagigising kasi ako sa madaling araw. Kanina nga, 3:45 am, gising ako at hindi na dalawin ng antok. Nagbasa na lang ako. Marso 5, 2022 Nabulahaw ang tulog ko nang umalis ang mag-ina ko patungong opisina ng FVP sa Pasig. Quarter to six iyon. Bumangon pa ako para i-padlock ang gate at isara ang pinto. Mabuti na lang, nakatulog uli ako hanggang past 7. Pagkatapos mag-almusal, naglinis ako. Nagagawa ko talagang maglinis kapag mag-isa lang ako.Then, maghapon na akong nanood. Pero, siyempre may ginawa rin akong iba, like gardening, paggawa ng vlog, pagbabasa, at pagsusulat. Posted na ang vlog ko about editorial. Nakapagsulat naman ako ng new chapter ng nobela, nang dumating na sila. Nauna dumating si Kuya Emer. Nasa garden ako no'n. Marso 6, 2022 Dahil nandito si Kuya Emer, may tagaluto kami. Wala akong ginawa kundi gawin ang mga hobbies ko at ang mga gawain sa paaralan. Sulit ang Linggo. Nakapag-digital illustrate ako. Nakapagbasa ng Janus Silang book 3. Nakapanood ng series. Nakapag-gardening. At nakapagsulat. Past 8:30, pumunta ako sa peryahan. Nagulat ako sa dami ng tao. Last na punta ko, kakaunti pa lang. Palibhasa nagbukas na ang ibang rides at mga games. May bingohan na. May color games at iba pang sugal. Nakakagulat din ang mga taong mahilig magsugal. Ang lalaki nila kung magtaya. Before 11, nasa bahay na ako. Marso 7, 2022 Gising na rin ako habang naghahanda si Emily sa pag-alis, pero hindi agad ako bumangon. Pag-alis niya saka ako bumangon. Nag-almusal na lang ako kasi nagpa-deliver na siya ng sopas at naglaga ng itlog. Bago nagsimula ang online class, nakapag-set up ako ng study area sa baba, sa ilalim ng hagdan. Nagsisimula na kasi ang matinding init. Hindi ko nakakayanin sa kuwarto. After class, nanood ako ng series, nagbasa, nag-gardening, at nagsulat. Nakapag-post na ako sa Wattpad ng isang chapter. Gabi, nakipagkulitan ako sa GC naming Grade Six dati. May plano si Ma'am Vi kaso baka hindi na naman matuloy. Past nine, nasa kuwarto na ako. Nanood ako ng movie sa YT. Marso 8, 2022 Bumangon uli ako nang maaga. Kailangan kong maghanda ng almusal. After breakfast, nag-gardening ako. Then, humarap na ako sa laptop para pag-aralan ang mga lessons ko. Nagsulat din ako. At kahit paano, nakapagbasa Sa online class, nagkaroon ako ng internet problem. Nang nasa Section Guyabano na ako, biglang humina ang net. Hindi ako makapag-present. Paulit-ulit din akong nawawala sa link. Ang ganda pa naman ng topic. Pang-uri at Pang-abay. Hayun! Limang minuto na lang akong nag-discuss. Mabuti, naging okay rin, kaya nakapagturo ako nang maayos sa tatlo pang sections. After class, hindi na ako nakatulog. Humarap pa rin sa laptop para gumawa ng IWAR at maghanda ng lesson. Mali kasi ang activities sa modules kaya gagamitin ko ang powerpoint ko, na ginawa kong vlog dati. Gabi, nagbasa ako. Nagsulat At nag-chat. Wala munang series ngayon. Marso 9, 2022 Dahil ready na ang lessons ko, nag-gardening ako after mag-almusal. Then, nagsulat at nagbasa rin ako. Wala pa ako sa mood manood ng series o movie, kaya iyan lang ang ginawa ko. Naging maayos naman ang pagtuturo ko. Sa tingin ko, naunawaan nila. Tungkol sa 'pormal na depinisyon' ang topic ko. Mali nga ang activities sa module. Tungkol sa kasingkahulugan ang ginawa ng writer, kaya ginamit ko ang module ko sa St. Bernadette. After class, antok na antok ako kaya pinagbigyan ko. Masarap sana ang tulog ko kundi lang bumaba si Zillion para sa delivery ng meryenda. Pero okay lang kasi may meryenda na ako pagbangon ko. Ginataang halo-halo ang binili niya. Solb! Nagdilig ako ng mga halaman, after magmeryenda. Then, back to laptop. Naghanda ng lessons at gumawa ng IWAR. Later, nagsulat ako. Hindi ko maituloy-tuloy dahil parang gusto ko nang matapos ang pagbabasa ng Janus Silang. Paulit-ulit lang naman ang ginagawa ko. Pero ang mga ito ay lubos na nagbibigay sa akin ng true happiness. Marso 10, 2022 Dahil napuyat ako kagabi sa kaka-gadget, 8:30 na ako bumangon. At nine o' clock na nakapag-almusal. Tinapay na nga lang ang pinabili ko kay Ion kasi parang nalipasan na ako ng gutom. Haist! Mabuti na lang, may First Vita Plus. Ngayong araw, masaya ako sa resulta ng online class. Hindi ako na-HB, especially sa Pinya. Pang-angkop kasi ang topic ko. Isa ito sa pinakamadali. After class, umidlip ako. Kagaya kahapon, kahit paano ay nakatulog ako. After meryenda, humarap uli sa laptop para gawin ang mga reports. Nagsulat din ako, kaya bandang 9:30 pm, nakapag-post ako sa Wattpad ng isang chapter. Wala pa rin si Emily. Okay lang naman. Kaya namin ni Ion ang lahat. Marso 11, 2022 Naglaba ako pagkatapos mag-almusal. Mabilis ko lang natapos kahit nilabhan ko rin ang mga doormat. Gayunpaman, napagod ako. Past 1, dumating na si Emily. Maingay na naman ang bahay. Wala na akong ginawa maghapon. Nag-reply lang sa GC at sa ilang chat ng mga parents. Gabi, habang hindi pa naghahapunan, nagsimula akong gumawa ng vlog. At past 8:30, pumunta ako sa peryahan. Umuwi rin agad ako after 1 hour. Marso 12, 2022 Nabulahaw ang tulog ko bandang past 7 kasi ginising ako ni Emily para isaksak ang wifi. Hindi na ako nakatulog uli. Nag-cellphone na lang ako. Then, bumangon na para mag-almusal at mag-gardening. Pagkatapos kong mag-gardening, ginusto kong mabasa. Kaya lang, panay ang tawag ni Emily kung kani-kanino. Kung sino-sino ang tinawagan. Ang ingay! Dinig na dinig sa labas. Hindi ko tuloy maunawaan ang binabasa ko. Hapon, after lunch, umidlip ako. Sa kabila ng init, nakatulog naman ako kahit paano. Gabi, naipagpatuloy ko ang pagbabasa at panonood ng series. Marso 13, 2022 Past 8 na ako bumangon. Nagkape lang ako at umalis na. Biking. Wala sa plano, pero dahil maganda ang panahon, nagdesisyon akong mag-bike. Umulan kagabi kaya medyo makulimlim pa rin. Sa PasCam ako pumunta. Uminit bigla kaya patigil-tigil sa malilim na lugar. Gayunpaman, na-enjoy ko ang solo ride. Magaganda naman ang tanawing nakikita ko. Dumiretso rin ako sa subdivision ng Guillermo Family kasi akala ko makapunta si Sir Hermie. Mabuti umuwi na ako. Nagpapaayos pala siya ng motor. Nanghinayang din siya kasi hindi ko na siya nahintay. Ayaw ko namang mag-isang pumunta o maghintay mag-isa roon. Past 2, nakauwi na ako. Saka lang ako nakakain. Busog pa naman ako kasi kumain ako ng pares sa Santol. Pagkatapos kumain, natulog ako. Past 4 na ako nagising. Ang sarap sa pakiramdam. Past 8:30 ng gabi, pumunta ako sa peryahan. Parami na nang parami ang tayo. Marami ang mga dayo. Iba talaga ang Pinoy! Past 9:30, nasa bahay na ako. Marso 14, 2022 Inihanda ko ang mga aralin ko pagkatapos kong mag-gardening. Maganda ang topic ko ngayon sa Filipino kaya inspired ako. At hindi ako nabigo. Lahat ng sections ay naturuan ko nang maayos. After class, umidlip ako. Hindi yata ako nakatulog, pero okay lang. Naipahinga ko naman ang mga mga mata at isip ko. Gabi, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng content ko sa YT. Malapit nang matapos. Nagbasa rin ako at nagplantsa ng mga isusuot ko bukas sa distribution ng report cards. Maaga akong nahiga para matulog kasi maaga rin akong luluwas. Marso 15, 2022 Akala ko makakatulog agad ako kagabi, hindi pala. Grabe, para akong nakabato. Gising na gising pa ako hanggang 2AM. Anomang pilit kong ipikit ang mga mata ko, hindi pa rin ako makatulog. Siguro dalawang oras lang ang tulog ko kasi bumangon ako bandang 5. At kahit kulang sa tulog, maaga pa rin akong umalis sa bahay para hindi ako maipit sa traffic. Nakapag-almusal pa ako sa Chowking. At quarter to eight, nasa school na ako. Andaming modules doon. Porket nagbigayan ng FA, biglang nasipagpasa ang mga magulang. Mga Quarter 1 at 2 pa ang karamihan. Halatang nagpasa lang para sa allowance. Pero ngayong kuhaan ng card, wala halos gustong kumuha. Maghapom, 16 lang na magulang ang pumunta. Nagpakain ang ilang parents sa amin dahil natuwa sila sa grades ng mga anak nila. Nakatipid ako. Past 3 hanggang 4, nakioag-bonding ako kina Papang at Cinderella. Dumating din si Krizzy bago mag-lunch, pero hindi ko masyadong naka-bonding. Sa Friday, magkikita-kita kami para sa birthday blowout ni Cinderella. Bukas ang kaarawan niya. Before 7, nasa bahay na ako. Nakapamili pa ako sa Umboy ng mga pasalubong, bukod sa mamon sa Red Ribbon. Past 8, after dinner, umakyat na ako. Susubukan kong matulog nang maaga. Marso 16, 2022 Mga 10 am, umalis ang mag-ina ko patungo sa FVP office. Didiretso na rin sila sa Caloocan. Mag-i-stay sila roon hanggang Huwebes o Biyernes. Humirit si Emily ng pamasahe, kaya napilitan akong bilhin ang FVP 34-n-1 coffee niya kapalit ng P1000. Sobrang mahal, pero okay lang. Suporta ko na rin iyon sa kanya. Masarap naman ang kape, e. Maayos namam ang mga klase ko during online class. Sinikap kong ma-inspire sila sa lesson na namin. After class, umidlip ako. Ang tahimik ng bahay kaya nakatulog ako kahit paano. Nakasulat din ako at nakapagbasa. Marso 17, 2022 Kahit mag-isa lang ako, hindi ko nagawang matulog hanggang 8. Bumangon pa rin ako bandang past 7:30. Okay lang naman dahil nakapag-inat-inat ako at nakapagbilad sa araw. Nakapaglinis ng sala after mag-almusal at bago humarap sa laptop. Ngayong araw, nakapag-post ako ng vlogs sa YT at mga FB pages ko. Nalagyan ko na kasi ng audio ang dalawang chapters ng Alamat ng Parang. Sobrang antok ko habang may online class, pero sinikap kong maging active para sa mga mag-aaral. Naturuan ko sila nang maayos lalo na't gusto ko ang topic. Umidlip naman ako after class. Past 4:30 na ako bumangon. Before dinner, nagbasa ako. After dinner, nanood ako ng Tagalog comedy zombie movie. Then, umakyat na ako pagkatapos. Maaga akong gigising bukas para pumunta sa school. Marso 18, 2022 Past 10, nasa school na ako. Natagalan ako kasi ang haba ng pila sa sakayan ng dyip. Nag-bus na lang ako. Matagal ding nagpuno ng mga pasahero. Okay lang naman kasi past 10 na ako nakarating sa school. Nakapag-check pa rin naman ako ng mga modules bago kami nag-lunch. Naka-bonding namin sa tanghalian ang dalawa pang Grade 1 teachers. Wala naman doon si Sir Archie. Masaya naman ang birthday blowout ni Ma'am Edith, lalo na at may meryenda pang pansit spag, palabok, at pichi-pichi. Before 5, umuwi na kami. Worth it ang pagpunta ko. Nakauwi naman ako bandang 7 ng gabi. Marso 19, 2022 Nabalahaw ang paglalaba ko dahil sa walang katuturang DLAC. Kahit Sabado ay hindi na tinatantanan ang mga guro. Panay naman mga apps ang itinuro, as if permanente na talaga ang distance learning. Sa dami na ng itinuro, wala nang pumapasok sa utak ko. Dahil sa pagod sa paglalaba at panonood ng seminar, nakaidlip ako bago kumain ng lunch. Ipinagpatuloy ko ang pagtulog pagkatapos maligo. Hapon, nanood ako sa YT ng tungkol sa suiseki. Gustong-gusto ko nang makarating sa isang ilog para makahanap ng suiseki stones. Sana sa darating na Holy Week magawa ko. Gabi, nagsulat ako. Kahit paano, narugtungan ang isang chapter na isinusulat ko. Bago matyloh nanood kami ng pelikula ni Stephen Chow. Good thing, Tagalized kaya naintindihan namin. Nakakatuwa! Marso 20, 2022 Nagkape lang ako, saka ako nag-bike. Kumain ako ng pares sa labas. Hindi naman ako lumayo sa sundivision. At mabilis lang ako. Wwla pa yatang one hour, nakabalik na ako. Bumili lang ako ng buko at lettuce. Nang makapagpahinga na ako, humarap na ako sa laptop para maghanda ng IWAR at pag-aralan ang mga lessons. Then, nagsimula kong gumawa ng vlog. Palalagyan ko ng audio recordings kay Emily. Tungkol sa abnormal menstruation ang ginawa ko. Connected sa First Vita Plus. Natapos ko iyon bago umalis ang mag-ina ko para magsimba. Hapon, nasolo ko ang bahay, pero hindi ako nakatulog. Sobrang init kasi. After kong magdilig, nanood ako ng vlogs tungkol aa suiseki. Doon ko napanood ang tungkol aa meteorites. Nagkainteres ako, kaya nanood ako ng mga vlogs tungkol dito. Interesado rin akong mag-hunt Marso 21, 2022 Dahil napuyat ako kagabi, late na rin akong bumangon. Late ang almusal. Gayunpaman, masigla at masaya pa rin ako. Pinaghandaan ko ang online class. Gusto ko kasing maipagpatuloy ang pagtuturo nang masaya. Iniiwasan ko nang ma-highblood, lalo na sa Pinya. Effective naman! Ako lang ang nagsalita kasi medyo mahirap ang topic. Okay naman dahil naunawaan nila ang concept. Umidlip ako pagkatapos ng online class. Then, tinulungan ko si Emily na mag-record ng audio para sa vlog niya. Nai-upload ko na rin sa YT niya at nai-post ko sa FB pages ko. Past 6 na tuloy ako nakapagdilig ng mga halaman. Past 8, dumating si Kuya Emer. Nag-ayos ako sa garden para maiparada niya ang kaniyang motor sa loob. Maaga akong umakyat kasi maaga akong inantok, subalit nang nakahiga na ako, hindi naman ako agad nakatulog. Nanood na lang ako ng ELITE series, Season 2. Marso 22, 2022 Late na ako bumangon kahit maaga akong namulat. Nag-stretching muna ako at nag-exercise nang kaunti bago bumaba. Ready na ang almusal pagbaba ko. Pagkatapos ng almusal, humarap na ako sa laptop. Gumawa ako ng vlog at naghanda ng Google Form. Na-review ko na rin ang mga aralin ko sa ESP, MAPEH, at Filipino. Okay na sana ang klase ko, nagpaka-ano na naman ang Pinya. Pinaliwanag ko nang lahat-lahat, pero mali pa rin ang sagot. Nagsermon na naman tuloy ako nang kaunti. After online class, gumawa ako ng listahan ng bawat section at nag-print out ng mga ito. Inilista ko na rin ang mga ipinapasang modules o activities ng mga estudyante. Kailangan kong gawin ito para mapangalanan ko ang mga hindi nagpapasa at gumagawa. Gabi na ako nakapagdilig ng mga halaman. Sinikap kong makapagdilig kasi aalis ako bukas. Nag-grocery rin ako nang kaunti para mabaryahan ang pera ko. Nakapagpahangin na rin ako sa labas at nakapaglakad-lakad. After dinner, nanood ako ng suiseki viewing stones sa YT. Inantok ako nang maaga kaya umakyat na ako bandang 9:30. Marso 23, 2022 Past 7:30, nasa biyahe na ako. Nagkape lang ako. Wala pa kasing naihandang almusal si Emily. Sa Chowking na ako nag-almusal. Past 9:30, nasa school na ako. Nauna sa akin sina Sir Joel, Sir Hermie at Ma'am Joan. Agad kaming nag-segregate ng mga modules at nag-check ng mga ito. Hindi rin nagtagal, pinatawag na kami para sa bigayan ng laptop. Natuwa ako sa mga natanggap ko. Bukod sa laptop, may laptop bag, bluetooth mouse, mouse pad, connector, 1 terabyte hard drive, pocket wifi, at head set pa. Worth it ang paghihintay namin. Last 2019 pa ito ipinangako ni Mayora. Sa lunch time, nagkuwentuhan kaming Grade 4 teachers. Si Marekoy ang maglahad ng kaniyang kuwento. Kaya pala, humuhugot ang mga posts niya sa FB lately. Nagtsek uli ako hanggang sa maubos ang mga submitted modules. Binisita rin ako ng isa kong estudyante, kasama ang ina. May binigay pang meryenda. Naki-bonding naman kami nina Sir Hermie at Ma'am Anne kay Sir Erwin bago umuwi. Wala roon si Ma'am Edith. Nasa Cebu pala siya. Nakauwi ako sa bahay bandang 7 pm. Pagod ako, pero masaya. Marso 24, 2022 Bago ako bumiyahe patungong Pasay, nagdilig muna ako ng mga halaman at siyempre, nagkape at naligo. Bumili na lang ako sa PITX ng mga kakanin, worth P30. Solb na ang almusal. Past 9 na ako nakarating sa school. Nandoon na sina Ma'am Joan at Sir Hermie. Agad akong tumulong sa kanila. Nagsidatingan na rin ang mga kasama naming iba, gayundin ang tatlong parents. Ang saya-saya ng pag-assort namin ng mga modules. Panay ang tawanan. At siyempre, hindi mawawala ang bigayan ng kuro-kuro at saloobin sa mga bagay-bagay sa paligid, like education system. Malaki ang naitulong ng mga parents kanina dahil after lunch, nagkuwentuhan na lang kaming lima. Sila na ang naglagay ng mga modules sa plastic. Kaya, past 3, tapos na kami. Tumambay at nakipag-bonding naman ako kay Sir Erwin. Umuwi kami before 4. Nakauwi ako sa bahay bandang 6. Pagod at antok ako, pero masayang-masaya, lalo na't nag-chat sa akin kaninang umaga ang dati kong estudyante noong Grade 5 siya--si Gannie. Naalala ko pa siya noon. Batang-bata. Galaw at isip-bata. Tinuruan ko pa siya king paano magsintas ng sapatos. Siya rin ang inspiration ko sa akda kong "Room for Rent." Grabe! Nakakagulat ang kaniyang development. Isa na siyang call center agent. Nais niya raw akong makitang magturo. Magsi-sit in siya sa klase ko. Then, iti-treat niya ako ng lunch. Hindi ako masyadong excited sa treat niya. Mas gusto ko siyang ma-meet at mapatunayang he has developed into a fine young man. Natutuwa ako kasi hindi raw niya malilimot ang mga itinturo at kung gaano ako kagaling as teacher. Nakakataba ng puso. Marso 25, 2022 Maaga akong bumangon para maglaba. Since isang salang lang sa washing machine ang mga damit ko, mabilis akong natapos. Wala.pang 8:30, naisampay ko na. Nasimulan ko ang Gardenia NutriTour via Googel Meet. Isinunod ko namang gawin ang mga trivias para Women's Month celebration namin sa Martes. Ako ang naatasang maging trivia game master. Wala na akong na-accomplished maghapon. Umidlip lang ako saglit, then nanood ng Thai movie. Gabi, nasa garden ako. Nagtanim nang kaunti, then nagbasa roon. Gusto ko sanang magsulat ngayon, kaso hindi ko nagawa. Bukas na lang siguro. Marso 26, 2022 Wala halos ako nagawa maghapon dahil sa 2nd day ng DLAC. Wala namang interesting topics. Puro pang-online class ang itinuro. Hindi nila alam na napakaliit na porsyento lamang ang online learners kumpara sa modular learners. Ayaw nilang bigyang-halaga ang mga mas nangangailangan ng suporta. At face-to-face naman ang isinusulong nila, pero online learning pa rin ang pinahahalagahan Haist! Na-boring lang ako. Hanggang 12:25 pa naman. After kong maligo, umidlip ako. Grabeng init kaya hindi yata ako nakatulog. Past 5 na ako bumangon para magkape at para magdilig ng mga halaman. Gabi, tumawag si Ma'am Vi tungkol sa summon kina Sir Joel G. Nasangkot sila sa kaso ng dati naming principal. Gusto ni Ma'am Vi na mapayuhan namin si sir Joel. Hayun nga! Umabot kami ng past 9sa pag-uusap. So far, lumuwag na ang dibdib ni Sir. kahit paano, may nabuo nang ideya sa isip niya. Handa na siyang humarap sa legal officer ng SDO. After dinner, nagsulat ako at nanood ng series sa Dramacool. Kailangan kong makuha ny mga ideya para sa isinusulat ko. Marso 28, 2022 Bago kami mag-almusal, nakapag-reorganized kami ng sala. Naglagay rin kami ng kurtina. Nakaharap ako sa laptop maghapon. Sa umaga, naghanda ako ng WHLP. Then, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng vlog. Nang mai-post ko sa YT at FB pages ko, nanood na ako ng movies. Isiningit-singit ko ang pagsusulat hanggang mai-post ko wa wattpad. Hapon, umidlip ako. Hindi nga lang nakahimbing dahil sa init. Okey lang naman dahil kahit paano ay nakipahinga ko ang mga mata ko. After dinner, gusto ko sanang manood ng movie, kaso hindi ako makapili nang maganda. At inantok na agad ako. Maaga akong umakyat para natulog. Marso 28, 2022 Past 6, gising na ako. Past 7, umalis na ako sa bahay. Gusto ko sanang maagang makarating sa school kasi kailangan kong tumulong sa pag-dedecorate sa venue para sa Women's Month celebration, kaya lang nahirapan akong makasakay. Antagal bago ako nakasakay. Kaya naman, 10:30 na ako nakarating. Marami na silang nagawa. Gayunpaman, may naitulong pa rin ako. Ang saya-saya nga namin. First time kong makahalubilo si Sir Jess. Nandoon din sina Ma'am Wylene at Papang. Past 3, natapos na namin. Nagpa-picture pa kaming mga teachers na naroon, kasama ang principal. Nagandahan siya, kaya nagpameryenda ng softdrinks at banana que. Nagkuwentuhan kami nina Sir Erwin at Ma'am Edith pagkatapos mag-decorate. Tungkol sa politika ang usapan namin. Past 5, umuwi na kami. Seven, nasa bahay na ako. Agad kong inihanda ang Tiktok dance para sa attendance checking bukas. Tinulungan ko lang si Ma'am Mel, na siyang focal person at si Papang na siyang segment host. Marso 29, 2022 Quarter to 3, gising na ako. Bumangon na ako nang hindi na ako makatulog muli. Ayaw ko nang mahirapang sumakay tulad kahapon. Kaya, past 6:30, nasa PITX na ako. Doon na rin ako nag-almusal. At 8, nasa school na ako. Nag-check ako ng mga modules. Sucessful naman ang Women's celebration namin. Medyo hindi lang ako comfortable sa uniform namin. Bakit kasi may pa-uniform pa? Puwede namang wala. Sayang lang ang budget. Ginamit na lang sana sa ibang bagay. After lunch, nag-karaoke kami. Hindi naman nagtagal kasi naiingayan pala ang F2F class ng Grade 2. Nagkuwentuhan na lang kami nina Ma'qm Janelyn at Sir Hermie. Before 5, umuwi na kami. Maaga akong nakauwi, kaya nakapagmeryenda pa ako. Marso 30, 2022 Maistorbo ang tulog ko dahil kay Emily. Pinag-print niya ako ng programme ng Business and Development Forum nila sa First Vita Plus Office. Nainis ako, pero mas nainis ako nang humingi na siya ng pamasahe. Sinermonan ko siya. Hindi kako kasama sa budget ang mga gastusin niya sa negosyo niya. Sabi ko pa, pinagnenegosyohan niya ako. Bawat alis niya, sa akin hihingi. Ni hindi na nga siya makapag-ambag sa mga bills, manghihingi pa. Solo nga niya ang kita niya. Kawawa naman ako dagdag ko pa. Halos maghapon ding masama ang loob ko. Good thing, nawala ang kaunti nang mag-online na ako. Pasy 6;30, umalis ako para mag-withdraw. Nilakad ko lang papunta kasi. Pag-uwi na ako sumakay. After dinner, nanood ako ng series. Nagandahan ako sa Korean series na 'One Ordinary Day.' Dahil gabing-gabi na, nakaisang episode lang ako. Marso 31, 2022 After kong magdilig ng mga halaman, pinag-aralan ko ang mga lessons. Then, nanood na ako ng series na nasimulan ko kagabi. Nakaka-hook na. Sayang, kasi may klase na ako. Nakaisa't kalahating episode lang ako. Maayos naman ang online class, kaya lang biglang nawala ang internet connection. Hindi ko natapos sa Avocado. Hindi ko na rin naturuan ang Pinya. At hindi na ako nakabalik sa Buko. Nakakainis! After dinner, wala pa ring net, kaya nagtungo ako sa peryahan. Doon, kahit paano, nakasagap ng signal ang data ko. Nag-chat ang isang parent ng pupil ko. Nagagalit kay Sir Hermie. Hindi ko naman hinayaang lumalim ang galit niya. Pinigilan kong magsumbong sa principal. Then, chinat ko si Sir at pinayuhang ibigay ang apology na hinihingi. Sana magkaayos na sila. Maliit na bagay lang naman, e. Past 9:45, nakauwi na ako. May internet na.

Tuesday, March 1, 2022

Ang Aking Journal -- Pebrero 2022

Pebrero 1, 2022 Dahil Chinese New Year ngayon, hindi ako masyadong nag-work. Sumaglit lang ako sa garden. Then, nanood na ako ng Tiktok videos. Nagsimula rin akong magsulat ng bagong chapter, pero patigil-tigil. Nakakaubos ng ideya. Hapon, almost done ko na ang pag-aayos sa garden. May mga naipon akong lupa, mula sa mga pasong namatayan ng tanim. Kinain ng daga ang iba lng tanim. Ililigpit ko na lang ang lupang naipon. Gabi, nagsulat uli ako, pero natigil uli dahil gumawa muna ng household chores, saka nanood ako movie sa YT. Inantok na rin ako pagkatapos. Pebrero 2, 2022 Eksakto lang ang pag-log in ko sa Google Meet. Nagsimula agad ang INSET pagpasok ko. Kaya naman, nag-aalmusal ako habang nakikinig. Nang patapos na, bumaba ako para mag-gardening. Ngayong araw, ipinagoatyloy ako ang pagsusulat. Pero dahil naubusan ako ng ideya, kinailangan kong manood ng movie. Then, umidlip ako. Lagi akong kulang sa tulog dahil sa lamok (yata). Andami kong pantal, e. Past 8, dumating na si Emily. Kahit gusto niyang ilihim sa akin, narinig ko naman sa tawag niya kay Ion kagabi. Saka sinabi na niya habang nasa Cavitex siya. Ang ingay na naman ng bahay. Pebrero 3, 2022 On-time namang nagsimula ang InSET, pero hindi kinaya ang tatlong resource speaker. Kinailangang magkaroon ng lunch break at bumalik bandang 1pm. Nagmadali tuloy akong magdilig ng mga halaman, kumain, at maligo. Hindi na rin ako nakaidlip, pero nakapanood ako ng movie. Gabi, nagsulat ako. Nang matapos ko, nagbasa ako ng bagong kong mga librong pambata, na in-order ko sa Chikiting Books. Kadarating lang kanina. Gusto kong ma-inspire na naman para sumulat ng kuwentong pambata o kaya ay gumawa ng illustrations para sa reading aloud o para maging vlog. Pebrero 4, 2022 Hindi tumunog ang alarm ko, kaya muntikan na akong mahuli sa INSET. Nagsisimula na ang attendance check nang makapag-join ako. Gayunpaman, nakatutok ako hanggang matapos. Twelve-thirty na natapos. Nai-stress ako sa mga pantal ko. Hindi ko malaman kung kagat ng lamok o allergy o skin disease. Lumalaki hanggang kinakamot. Parang dumadami pa. Kung kagat ng lamok, bakit andami? Naisip ko rin na allergy sa ointment na nilalagay ko sa skin tags ko. Chinese brand pa naman, na binili ko sa Lazada. Sana hindi. Maghapon akong nanood. Hindi muna ako nagsulat o nag-gardening. Pebrero 5, 2022 Alas-9 na ako bumangon. Kahit paano, nakabawi ako sa ilang gabing puyat dahil sa pangangati. Malakas ang kutob ko na dahil nga sa ointment na ginamit ko kaya nagkaroon ako ng rashes. Kaya, hapon, after kung maglagay, naghilamos ako. Nagdesisyon na rin akong hindi na gagamit niyon. Ngayong araw, naging productive ako. Naglinis ako sa kuwarto, especially ang study area ko. Mas gumanda ang bagong arrangement. Tanghali na ako nakapagdilig. Hapon na ako nakapag-gardening. Maghapon naman akong nanood ng series. Siyempre, umidlip din ako. Gabi, after dinner, sinimulan ko ang paggawa ng digital illustrations ng isa sa mga kuwentong pambata. Sana matapos ko kaagad. Pebrero 6, 2022 Although, late na ako nagising. Sinadya ko talaga since nandito na naman si Emily. Maghapon akong gumawa ng digital illustrations. Kahit paano, marami-rami akong nagawa. Hindi nga lang ako makaidlip sa hapon. Dumating si Kuya Emer, before lunch. Naging busy silang tatlo sa FVP, kaya napag-isa ako at natahimik ang bahay. Gabi, bago natulog, nagbasa ako ng mga kuwentong pambata. Nakaka-inspire magsulat at mag-illustrate. Pebrero 7, 2022 Kulang ako sa tulog dahil maaga akong bumangon para sa paghahanda sa pagtungo sa school. Past 7, bumiyahe na ako. Nahirapan akong sumakay sa Umboy pa lang, gayundin sa PITX. Kaya naman, late na ako dumating sa school. Gayunpaman, nakapag-assort at nakapag-check kami ng mga modules nang sabay-sabay. Mabuti na pang, mga janitors ang namimigay ng summative tests sa ibaba. Past 2, huminto na kami ni Sir Hermie sa pagtsek. Umuei na rin ang dalawang girls at bumaba na si Sir Joel. Kami naman, nakipagkuwentuhan pa kina Papang. Nang umuwi si Sir Hermie, itinuloy ko ang pakikipag-bonding kina Papang, Cinderella, at Puts. Sama-sama na rin kaming lumabas sa school bandang alas-4:30. Nakauwi ako sa bahay ng bandang 7:30. Ang traffic kasi sa Tejero! Nakakabuwisit! Pebrero 8, 2022 Past 7 ako nagising. Agad kong hinanda ang mga plants na ipamimigay ko kina Ms. Krizzy Papang, at Ma'am Mel. Then, naghanda na ako sa pag-alis. Natagalan ako sa pagpili ng isusuot. Kailangan kong magsuot ng long sleeves para itago ang mga pantal ko sa aking mga braso. Nine am na ako naka-alis. Akala ko late na ako. Ako pa pala ang naunang dumating sa Tramway. Okay lang naman. Masaya kaming Tupa Group sa birthday treat nina Papang at Belinda. Kasama rin namin si Kuya Allan at ang mommy ni Ms. Krizzy. Alas-dos nasa school kami. Nag-bonding kami roon hanggang 4:30. Nakakawala rin ng stress ang mga kulitan at tawanan namin. Nakauwi ako bandang 7:30 pm, pero nakabili pa ako sa Handyman-Robinson's Tejero ng flat iron, na request ni Emily. Pebrero 9, 2022 Late na ako nagising, pero parang gusto ko pang matulog. Kung hindi lang ako maglalaba, baka bumalik ako sa higaan pagkatapos mag-almusal. Before 12, tapos na ako maglaba. Nakapagpahinga na rin ako. Kaya, bandang 1 pm, umalis naman ako para ipapalit ang FVP checks ko. Then, nag-grocery na rin ako. Past 4, umidlip ako. Past 5 na ako bumangon. Gabi, nagkasagutan na naman kami ni Emily. Wala na naman kasi sa wisyo. Puro problema ang naririnig ko sa usapan nilang magpapamilya, kaya apektado na ang pagkain namin. Lugaw ang sinaing niya. Kundi ko pa nga tinanong kung anong ulam, gusto pang mag-order na naman. Samantalang, namili na ako. Tapos, panay ang pintas. Kesyo pumayat kami ni Ion. Andami pang sinsabi. Bawian mo nga ng masasakit na salita. Nakakainis. Wala sa hulog at walang direksiyon ang diskarte sa buhay. Mas gusto ko pang mag-isa kaysa kasama siya. Hindi nga niya ako napapataba. Hindi kasi marunong magluto. Sa tagal na naming magkasama, hindi niya pa nakuha ang gusto kong pagkain at ang taste ko sa pagkain. Haist! Pebrero 10, 2022 Kahit kulang sa tulog, bumiyahe ako patungong iskul para sa tumulong sa pag-assort ng mga modules. Past 9 na ako nakarating doon. Nagsisimuka na sina Ma'am Joan, ang GPTalA President at VP at nga janitors. Kasunod ko namang umakyat sina Sir Hermie at Sir Joel. Naging masaya ang pag-assort namin. Nagkukuwentuhan kami habang gumagawa. Gayundin nang nag-lunch kami. Past 2, tapos na kami. Tumambay naman ako sa 2nd floor, kung saan naroon si Papang. Nagkape lang kami, then nakaidlip ako sa mesa habang hinihintay si Cinderella. Past 4:30 na kami lumabas sa school. Past 7 naman ako dumating sa bahay. Hindi naman traffic. Tumingin-tingin kasi ako sa Mr. DIY sa PITX. Wala naman akong nabili. Pebrero 11, 2022 Ngayong araw, sinimulan kong sulatan ang Form 138-E ng mga estudyante ko. Nakapag-gardening din ako. Nakapanood ng series. Nakaidlip din sa hapon. At siyempre, natapos ko ang digital illustrations ng 'Elvira Negra.' Bukas, maglalagay ako ng audio nang mai-popost na ako sa YT ko. Tahimik ako maghapon. Pinatatawa ako ni Emily, pero mas pinili kong hindi muna siya pansinin. Pebrero 12, 2022 Maaga akong nagising dahil sa boses ni Emily May katawagan siya sa phone. Gustuhin ko mang matulog uli, hindi na puwede kasi magpapadala ako sa kanya ng cookies at First Vita Plus Oil of Life para kay Mama. Magkikira sila ni Flor Rhina sa office ngayong araw. Kukuha ng tseke so Flor. Pag-alis ni Emily, naghugas ako ng mga pinagkainan at nagwalis sa sala at kusina. Then, nag-gardening ako, bago humarap sa mga report cards. Nang matapos ko ang pagsusulat ng mga details sa cards, ipinagpatuloy ko naman ang digital illustrations. May mga na-miss pala akong parts. Nilagyan ko na rin ng boses. Five pm ko na ito natapos at nai-post sa YT at FB pages. Ngayong araw, nakapagbasa ako ng isang chapter ng Janus Silang. Babasahin ko muna ang apat na aklat, bago ko iregalo kay Zildjian sa kaniyang birthday sa March 3. Sana matapos ko kaagad. Pebrero 13, 2022 Nagising ako sa pagdating ni Kuya Emer. Pero, hindi agad ako bumangon. Past nine na ako nag-almusal. Nang umalis ang tatlo para mag-FVP, nasolo ko ang bahay. Nakapagdilig ako ng mga halaman, then gumawa ako ng WHLP. Ngayong araw, napakaproduktibo ko. Gumawa ako ng vlog. Nagbasa. Nanood ng series. Umidlip. Mami-miss ko 'to dahil bukas back to online class na. Gabi, nanood aoo ng isang movie. Sinimulan ko ring panoorin ang Netflix series na 'Elite.' Maganda. Kaabang-abang. Pebrero 14, 2022 Parang kulang ako sa tulog. Andami kong panaginip na parang totoo. Feeling ko, hindi ako natulog kasi ang babaw ang tulog ko. Pabangon-bangon ako. Pabaling-baling ng higa. Hindi ko malaman kung na-eexcite ako o ano. Gayunpaman, nagising ako bandang 8. Pagkaalmusal, humarap na ako sa laptop para mag-aral ng lessons. Hindi ako excited sa pagtuturo, pero kailangan kong maghanda. Kailangan kong humarap sa klase na animo'y maraming alam. Kailangan nilang maramdamang excited akong magturo. Ang totoo, walang kuwenta ang laman ng modules. Paulit-ulit. Panuto na naman. Paggawa ng panuto. Haist! After ng klase, gumawa muna ako ng IWAR, then nanood na ako ng 'Elite.' Mabuti pa ang series na ito, exciting. Then, nag-record ako ng audio para sa vlog ko. Hindi ko nga lang matapos-tapos dahil maingay ang paligid. Tahol ng aso. Busina ng sasakyan. Bibig ng mag-ina ko. Past 6, umalis ako para mag-withdraw. Nag-grocery din ako nang kaunti sa Alfamart. Pagdating ko, ipinagpatuloy ko ang panonood. Naisingit ko rin ang pagbabasa ang 'Janus Silang Book 1', after ng dalawang series. Parehong nakaka-hook. Pebrero 15, 2022 Maganda ang gising ko kasi maganda rin ang tulog ko. Alam kong nakatulog ako nang mahaba-haba. Kaya namam, pagkatapos kong magdilig ng mga halaman, tinapos ko na ang audio recording. Nai-upload ko ang vlog bandang 10 am. Nai-post ko na rin ang article ssa Wattt at blogsites ko. Ngayong araw, naging interesting sa akin ang lesson. Gusto ko iyon kaya naging maayos ang online teaching ko at tiyak akong natuyo ang mga estudyante. After online class, nagbasa ako para antukin. Thanks God dahil nakatulog ako. Past 10, bago mag-11 ng gabi, natapos ko na ang book 1 ng Janus Silang. Ang ganda! Parang totoo. Kaabang-abang talaga ang mga kaganapan sa 3 pang books. Pebrero 16, 2022 Parang pareho lang kahapon ang mga nangyari ngayon sa akin. Pareho rIn ang mga ginawa ko. Ang kaibahan lang ay parang magkakasakit ako. Naduduwal alo na ewan. Siguro dahil kulang na naman ako sa tulog. Kaya ngayong gabi, quarter na 11 pa lang, nagpatay na ako ng internet. Sana makatulog na ako agad. Pebrero 17, 2022 Nagdilig ako ng mga halaman bago ko hinarap ang laptop upang pag-aralan ang mga aralin. Nanag matapos, hinarap ko naman ang digital illustration. Isiningit-singit ko rin ang panonood, pagbabasa, at gardening. Kailangang diverse ang mga activities ko para sa mental health. Masaya ako sa lahat ng ginagawa ko. After ng klase, umidlip ako. Hindi ko akalaing pupunta si Sir Hermie bandang 5:30. Biniro ko sa chat na pupuntahan ko siya. Siya pala ang pupunta. Past 10:30, siya umuwi. Tulad nang dati, enjoy ang inuman at kantahan namin. Nalasing ako, pero nawala ang stress ko. Nakabirit na naman, e. Lolz. Pebrero 18, 2022 Kinailangan kong bumangon nang maaga dahil umalis si Emily patungo sa FVP office. Wala siyang inihandang almusal. Ako na ang nagprito ng itlog at bacon. Sinamantala ko ang pagpupunas ng sahig sa sala at kusina. Bago maligo, naglinis naman ako ng banyo. Siyempre, nanood ako ng Korean series na 'Bad and Crazy.' Nagbasa ng Janus Silang book. Tinapos ko na rin digital illustrations. Audio na ang kulang. Hapon, nag-gardening ako. Ikinabit ko na rin ang sun shade. Malapit na kasing magtag-init. Kailangan maprotektahan na ang mga halaman. Gabi, pagkatapos ko maipasa ang IWAR, nagsulat akong chapter ng nobela. Naghihintay na kasi ang mga followers ko. Pebrero 19, 2022 Dahil Chinese New Year ngayon, hindi ako masyadong nag-work. Sumaglit lang ako sa garden. Then, nanood na ako ng Tiktok videos. Nagsimula rin akong magsulat ng bagong chapter, pero patigil-tigil. Nakakaubos ng ideya. Hapon, almost done ko na ang pag-aayos sa garden. May mga naipon akong lupa, mula sa mga pasong namatayan ng tanim. Kinain ng daga ang iba lng tanim. Ililigpit ko na lang ang lupang naipon. Gabi, nagsulat uli ako, pero natigil uli dahil gumawa muna ng household chores, saka nanood ako movie sa YT. Inantok na rin ako pagkatapos. Pebrero 20, 2022 Isang masarap at masaganang almusal ang inihanda ko. Busog na busog ako, kaya hindi muna ako nakapagsimulang gumawa. Buong maghapon kong pinanood ang 'Bad and Crazy.' Isiningit-singit ko sa paglilinis sa loob at labas ng bahay. Nakapagbasa rin ako. Hapon na nang natapos ko hanggang finale. Worth it naman. Past 7:30 pm na dumating ang mag-ina ko. Mabuti, safe silang nakauwi. Matuwa sila sa bagong ayos ng living room. After dinner, gumawa ako ng WHLP at Powerpoint presentation. Naubusan ako ng oras para sa pagsusulat. Napagod na ako, kaya isang pangungusap lang ang nairagdag ko. Pebrero 21, 2022 Past nine na ako nakapag-almusal. Inuna ko muna kaso ang pagdidilig. Busog pa naman kasi ako dahil sa FVP coffee. Ngayong araw, naging interesting sa akin ang topic ko sa Filipino. Alam kong natuto ang mga estudyante kahit paano at kahit nakinig lang sila. Para kasing about journalism. One of my interests. Nakapanood ako ng series, nakapagbasa, at nakapagsulat. Ten pm ko na nai-post ang bagong chapter ng nobela ko sa Wattpad. Pebrero 22, 2022 Pagkatapos mag-almusal, tumambay ako sa garden. Nakagawa pa nga ako ng Tiktok videos dahil nakakita ako ng tipaklong. Hindi ko tinaboy o pinatay. Hinayaan ko lang na kumain ng dahon ng palm tree ko. Then, nagbasa ako at nanood ng American series habang naghihintay ng oras para sa online class. Okay naman ang online class. Medyo nagsermon lang ako sa Section Pinya kasi hindi sila sumunod sa assignment ko. Sabi ko, basahin nila ang article para ready. Kaso hindi nila ginawa kaya nang nagtanong na ako, wala sumasagot. After online class, nagbasa, nanood, at umidlip ako. Quarter to five na ako bumangon para magmeryenda. Gabi, sinimulan ko ang digital illustrations ng 'Cali Kaliskis.' Pebrero 23, 2022 Mainit ang ulo ko habang nag-aalmusal kasi parang kulang ang kinakain ko. Pritong itlog lang ang ulam. Hindi talaga prepared si Emily. Parang wala akong asawa. Puro First Vita Plus mula umaga hanggang pagtulog. Nang hindi ako makatiis, pinagsalitaan ko. Pinigilan niya lang ako. Sabi ko, unahin mo muna ang pagkain. Nagpakasubsob na lang ako sa pag-aaralan ng lesson ko. Maganda na naman ang topic ko kaya pinagbuti ko. After class, umidlip ako. Kahit paano, nakatulog ako. Then, gumawa ko ulit ang mga hobbies ko. Naisingit-singit ko rin ang digital illustrations. Pebrero 24, 2022 Nakahanda pa naman akong magturo, pero asynchronous pala dahil sa regional orientation for RPMS-PPST. Ala-una pa naman pero hindi na rin nagklase. Okay lang din sa akin kasi nakapag-digital illustrate ako, nakatambay sa garden, at nakapanood ng 'Lupin,' ang bago kong kinawiwilihang Netflix series. Ala-una, tumutok ako sa orientation pero bandang 2:30, inantok ako, kaya pinagbigyan ko. Tutal mapapanood naman iyon sa FB. Naka-live kasi. Panoorin ko na lang uli kapag nahirapan ako sa actual. Past 8:30, nag-biking ako. Pumunta ako sa peryahan. Sa labas lang ako kasi hindi ko puwedeng iwan ang bisikleta ko. Pagbalik ko, nanood uli ako ng 'Lupin.' Interesting kasi ang plot. Pebrero 25, 2022 Dahil holiday ngayon, at kahit naman hindi, talagang asynchronous ang klase, kaya nag-ayos ako sa garden ko hanggang 11:30 am. Hindi ko natapos kasi naglalaba si Emily. Basa ang ibang bahagi ng garden. Hindi ko malinis-linis. Okay lang naman kasi kailangan ko namang magpahinga. Habang nagpapahinga, nanood ako ng 'Lupin.' Past 2, umalis ako para mag-withdraw ng sahod sa work at sa YT. Sa EPZA ako napadpad kasi walang cash ang ATM sa 7 Eleven. Kaya, nakabili ako ng 2 vest jackets sa ukay-ukay malapit doon. Nagpagupit na rin ako. Sa parlor kung saan ako nagpakulay noong December ako muling nagpagupit. Nagandahan kasi ako sa gupit niya. Five na ako nakauwi. Ako ang nagluto ng ulam sa dinner. Tofu-Mushroo Sisig ang niluto ko. After dinner, nagsulat ako ng bagong chapter nang nobela ko. Naisulat ko na ang mga ideya ko. Isiningit-singit ko lang ang panonood kasi nabablangko ako. Pebrero 26, 2022 Maaga akong bumangon para maaga akong makapagsimulang mag-ayos sa garden. Okay naman dahil natapos ko maghapon. Panonood lang ng series ang pahinga ko. Siyempre, pinagbigyan ko ang antok ko. Kalahatiing oras din yata akong nakaidlip. Hindi nga lang ako nakapagbasa, nakapagsulat, at nakapag-illustrate ngayong araw. Eight-thirty, namasyal ako sa peryahan. Marami-marami na ang tao pero kakaunti pa lang ang rides at iba pang attractions. Wala pang bingo at color game. Umuwi ako bandang 9:30. Pebrero 27, 2022 Dahil ginising ako ni Emily para manghiram ng charger, maaga tuloy akong nakapagsimulang maglaba. Maaga rin akong nakapaghanda ng WHLP at nakagawa ng mga dapat gawin about school. Then, hinarap ko ang ini-illustrate ko. Maghapon, andami kong na-accomplished. Sa garden, marami akong natapos gawin at naitanim. Almost done na ang bagong arrangement ko. Nakagawa rin ako ng coco pole. Hindi ko rin siyempre pinalampas ang panonood at pagbabasa. Nakapag-post din ako sa Wattpad ng bagong chapter. Bukas or next day na ako magsusulat ng grades sa card. Sa March 4 pa naman ang issuance. Pebrero 28, 2022 Pagkatapos mag-almusal, nagdilig muna ako. Saka ako umakyat para harapin ang paghahanda ng mga lessons. Pinag-aralan ko nang mabuti. Nag-print din ako ng grades na ililipat ko sa report cards. Habang naghihintay ng time, tinapos kong basahin ang book 2 ng Janus Silang. Kaabang-abang! Kaya naman sinimulan ko rin ngayong araw ang pagbabasa ng book 3 nito. After class, umidlip ako. Nakatulog naman ako kahit paano. After meryenda, nag-gardening na ako. Nang madilim na, tumambay na ako sa garden. Doon na ako nagbasa, nanood, at nag-dinner. Nag-stay ako roon hanggang 10 pm. Kung hindi nga lang malamok, ang sarap sanang tumambay dahil presko at mahangin.

Buwaya sa Gobyerno

Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...