Followers
Wednesday, August 3, 2022
Mga Dapat Mong Malaman tungkol sa Pneumonia
Bago ako magsimula, itanong ko lang… Nagpabakuna ka na ba? Hindi ng anti-CoViD, huh, kundi ng pneumococcal conjugate vaccine (PCV). Naku! Naku, kung hindi pa, hinihikayat kitang tapusin ang artikulong ito.
Ano ang Pneumonia?
Ang Pneumonia (Pulmonya) ay isang banayad, malubha, at nakamamatay na sakit sa mga baga. Wala itong pinipiling edad, subalit higit na naaapektuhan ang mga matatanda, sanggol, o mga taong may mahinang resistensiya.
Paano nagkakaron ng Pneumonia ang isang tao?
Dahil sa impeksiyon, namamaga ang mga alveoli sa loob ng baga. Napupuno ng nana o tubig ang mga ito, kaya nahihirapang huminga ang isang tao. Nakararanas din ng pag-ubo, pagkakaroon ng lagnat, at panginginig ng katawan ang taong may impeksiyon sa baga.
Nagagamot ba ang Pneumonia?
Opo! Nagagamot ito. Sa pamamagitan ng mga antibiotic at ilang makabagong paraan. Maiiwasan din ito sa pamamagitan ng pagpapabakuna. Subalit, mahalagang malaman mo muna kung anong uri ng pulmonya ang tumama sa iyo.
Ano-ano ba ang uri ng Pulmonya?
May mahigit tatlong uri ng Pneumonia. Ang tatlo sa mga ito ay bacterial, viral, at mycoplasma.
Ano ang Bacterial Pneumonia?
Ang Bacterial Pneumonia ay sanhi ng samot-saring bakterya, gaya ng Streptococcus pneumoniae. Ang Streptococcus pneumoniae ay ang pinaka-common at pinakamalimit tumatama sa mga may mahihinang immune system.
Sino-sino naman ang prone sa Bacterial Pneumonia?
Madalas tamaan ang mga taong may sakit, kulang sa tamang nutrisyon, o mga matatanda. Sila ang madaling pasukin ang mga baga ng mga bakteryang nagdudulot ng pulmonya. Ang mga taong naninigarilyo, nagtatrabaho sa isang kapaligiran na may maraming polusyon, nakatira o nagtatrabaho sa isang ospital ay posibleng magkaroon ng mas mataas na panganib para sa pneumonia.
Ano-ano ang sintomas ng Bacterial Pneumonia?
Masasabing may Bacterial Pneumonia ang isang tao kapag siya ay may ubong may makapal na dilaw o berde, o kaya’y mucus na may dugo, nakararanas ng parang sinasaksak na sakit sa dibdib, na lumalala kapag umuubo o humihinga, may mga biglaan at matinding panginginig, may lagnat na 102-105 ° F o mas mataas o mas mababa kaysa sa 102 ° F (sa mga matatandang tao), at may iba pang mga sintomas, gaya ng sakit ng ulo, sakit ng kalamnan, pagkahilo o mabilis na paghinga, malubhang pagkapagod, mamasa-masa at maputlang balat, walang ganang kumain, at pagpapawis.
Paano maiiwasan ang Bacterial Pneumonia?
Gawin lamang ang mga sumusunod upang makaiwas sa sakit na ito. Magpabakuna ka. Panatilihin mo ang kalinisan sa katawan at kapaligiran. Umiwas sa paninigarilyo at taong naninigarilyo. At panatilihin mong malakas ang iyong ang immune system.
Ano naman ang Viral Pneumonia?
Ang Viral Pneumonia naman ay sanhi ng iba’t ibang uri ng virus, gaya ng influenza virus. Ang influenza virus ay ang ikatlong sanhi ng lahat ng naitalang kaso ng pulmonya.
Sino-sino naman ang prone sa Viral Pneumonia?
Kung ikaw ay 65 o mas matanda pa, may hika, diabetes, o sakit sa puso, dumaan sa isang operasyon, ayaw kumain nang tama o ayaw tumanggap ng sapat na mga bitamina at mineral, naklalanghap ng iba’t ibang uri ng usok, labis na umiinom ng alcohol, HIV positive, nagkaroon ng isang organ transplant, o may leukemia, lymphoma, o malubhang sakit sa bato, ikaw ay may mas mataas na tsansa na tamaan ng viral pneumonia.
Ano-ano ang sintomas ng Viral Pneumonia?
Sa unang araw, mararamdaman na ang trangkaso, na may kasamang tuyong ubo, sakit ng ulo, sakit ng lalamunan, kawalang-ganang kumain, at sakit ng kalamnan.
Paglipas ng isang araw o higit pa, maaaring lumala ang lagnat. Maaaring maramdaman ang paghahabol ng hininga.
Paano maiiwasan ang Viral Pneumonia?
Makaiiwas ang sinoman sa uri ng pulmonyang ito, kung magpapaturok ng bakuna bawat taon,
regular na huhugasan ang mga kamay, lalo na pagkatapos mong pumunta sa banyo at bago ka kumain,
kakain nang tama, na may maraming prutas at gulay, mag-eehersisyo, magkakaroon ng sapat na tulog,
pagtigil sa paninigarilyo o mga taong naninigarilyo, at paglayo sa mga taong may sakit.
Ano ang Mycoplasma Pneumonia?
Ang Mycoplasma Pneumonia ay isang impeksiyon sa paghinga na madaling kumalat sa pamamagitan ng pagbahing, pagsasalita o pag-ubo. Ito ay idinudulot ng karaniwang bakterya, tulad ng Streptococcus at Haemophilus. Maaari itong maging sanhi ng epidemya. Tinatawag din itong ‘walking pneumonia.’ Mabilis itong kumakalat sa masikip na lugar.
Sino-sino ang prone sa Mycoplasma Pneumonia?
Mapanganib ang Mycoplasma Pneumonia sa matatanda, sa mga taong may mga sakit na nagpapahina sa immune system, gaya ng HIV, sa mga gumagamit ng steroid, sa mga nagpapa-immunotherapy o chemotherapy, sa mga may sakit sa baga, sa mga may karamdaman sa sakit sa cells, at sa mga batang mas bata sa edad na lima (5).
Ano-ano ang sintomas ng Mycoplasma Pneumonia?
Ang pagdanas kakapusan sa paghinga, mataas na lagnat, malubhang pagkapagod, at matinding ubo ay mga palatandaan ng Mycoplasma Pneumonia.
Paano maiiwasan ang Mycoplasma Pneumonia?
Sa pamamagitan ng mga sumusunod na lifestyle change, makakaiwas sa sakit na ito. Matulog nang anim (6) hanggang walong (8) oras araw-araw. Kumain ng balanced diet. Umiwas sa mga taong may mga sintomas ng Mycoplasma Pneumonia. At ugaliing maghugas ng kamay bago kumain o pagkatapos makipag-ugnayan sa mga taong may sakit.
Bago ako magwakas, nais kong ibahagi ang produktong makatutulong upang makaiwas o malunasan ang anomang uri ng pulmonya. Ito ang First Vita Plus Natural Health Drink Dalandan. Mayroon itong limang gulay--- malunggay, talbos ng kamote, dahon ng sili, uray/kulitis, at saluyot. Pinalalakas nito ang immune system ng taong umiinom nito.
Sa mga gustong umiwas sa pneumonia, regular itong inumin, sa halip na softdrinks, iced tea, commercial juice drinks o alak ang inumin.
At sa mga may pulmonya, maaari itong inumin kasabay ng mga gamot na inireseta ng doktor sapagkat ito ay pagkaing inumin o inuming pagkain. Walang overdose sa mga gulay.
Ang pulmonya ay nakamamatay, pero mas masarap mabuhay lalo na kong malusog at masaya tayong namumuhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment