Followers

Saturday, June 18, 2022

Mahinahon

"Kuya, excuse me," sabi ng babaeng may kasamang batang lalaki sa tabi ng kalsada. Mahinahon ang boses nito. "Bakit po?" tanong ni Lance kahit nahulaan na agad niya ang pakay ng pagtawag ng babae. "Puwede po bang makahingi ng pandagdag sa pamasahe? Malayo pa kasi ang uuwian namin." Nagbigay si Lance ng beynte. Nagpasalamat ang babae. Nalungkot naman siya dahil maliit na halaga lamang ang inabot niya. Gayunpaman, naisip niyang makaiipon at makabubuo naman ang dalawa ng sapat na halaga mula sa iba't ibang taong nagdaraan. Dumaan ang pandemya. "Kuya, excuse me," sabi ng babaeng may kasamang binatilyo. Nasa madilim na bahagi sila ng kalye. Nakaramdam ng kaba si Lance. Agad niyang nahulaan ang pakay ng babae, kaya nagmamadali siyang makalayo. May mga dala pa naman siyang mga regalo at premyo dahil galing siya sa dalawang magkasunod na Christmas party. May pandemya pa rin. Lumipas lang ang mga buwan. Lunes ng umaga, nagmamadali si Lance sa pagpasok sa opisina. "Kuya, excuse me," sabi ng babae, na may kasamang batang babae sa labas ng integrated terminal. Mahinahon ang boses nito. Nahulaan na agad niya ang pakay ng pagtawag ng babae, kaya hindi niya pinansin ang mga ito. Martes ng umaga, nagmamadali si Lance sa pagpasok sa opisina. "Kuya, excuse me," sabi ng aleng may kasamang ale sa labas ng integrated terminal. Mahinahon ang boses nito. Nahulaan na agad niya ang pakay ng pagtawag ng babae, kaya tiningnan niya nang patagilid ang mga ito, saka siya dumiretso. Pabulong-bulong pa siya, na parang takureng nag-aalburuto. Miyerkoles ng umaga, nagmamadali si Lance sa pagpasok sa opisina. "Kuya, excuse me," sabi ng babaeng may kasamang batang lalaki sa labas ng integrated terminal. Mahinahon ang boses nito. Nahulaan na agad niya ang pakay ng pagtawag ng babae, kaya hindi niya pinansin ang mga ito. Tumigil naman siya at pumuwesto sa malayo, kung saan tanaw pa rin niya ang dalawa. At nakita niyang may hinihingian ulit ang mga ito. Huwebes ng umaga, nagmamadali si Lance sa pagpasok sa opisina. "Kuya, excuse me," sabi ng isa sa dalawang babae sa labas ng integrated terminal. Mahinahon ang boses nito. Nahulaan na agad niya ang pakay ng pagtawag ng babae, kaya paglampas niya nang kaunti, binigyan niya ang mga ito ng dirty fingers. Bjyernes ng hapon, nagmamadali si Lance sa pag-uwi. "Kuya, excuse me," sabi ng matabang ale, na may kasamang ale sa labas ng integrated terminal. Mahinahon ang boses nito. Nahulaan na agad niya ang pakay ng pagtawag ng babae, kaya hinarap niya ang mga ito. "Hay, naku! Magtrabaho kayo!' sabi niya at agad na tinalikuran ang mga manloloko. "May itatanong lang naman ako," pahabol na sagot ng matabang babae. Mahinahon pa rin ito.

Saturday, April 2, 2022

Ang Aking Journal - Marso 2022

Marso 1, 2022 Hinarap ko ang paglalagay ng grades sa report cards pagkatapos kong mag-almusal. Hindi ko talaga tinapos para hindi mapagod nang husto ang kamay ko. Isa pa, Martes pa lang naman. Sa Friday pa ang dsitribution. Nagbasa ako ng 'Janus Silang' book 3 bago nag-review ng mga araling ituturo ko. Tungkol sa 'pagsagot sa mga tanong sa napakinggang tula' ang topic ko, kaya medyo interesting. Nagawa ko namang ituro nang masaya at maayos ang lesson ko sa Filipino sa tatlong sections, pero pagdating sa last section, na siyang lowest section, ay nainis ako. Hindi pa rin sila nag-seld study o nag-advance study, kaya hindi nila masagot ang mga tanong ko. May isang sagot nang sagot, pero hindi ako kumpurmi sa ganoon. One-on-one ang dating. Tutorial. Nakakainis lang kasi hindi na nga nagpapasa ng mga gawain o modules at hindi na nga nagbubukas ng camera, ayaw pang magsalita. Parang mga tuod. Nasayang lang ang period dahil sa sermon ko. I hope magbago na sila. Sana matuto na silang magpahalaga sa edukasyon at i-prioritize ang pag-aaral. Pagkatapos ng klase, gusto kong matulog kaya lang hindi ako pinatulog ng pagkainis ko. Okay lang naman. Bumangon na lang ako upang magmeryenda at upang mag-digital illustrate. Nakadalawang pages lang ang digital illustrations nang marinig ko ang mga Marites sa kalsada. Mawawalan daw ng tubig bandang 8 pm, kaya itinigil ko ang ginagawa ko para magsahod ng tubig. Pagkatapos, nag-gardening na ako. Inabot na ako ng 7 pm sa garden. Naghimay ako ng bunot para magkaroon ako coco peat, na pang-ibabaw ko sa mga halaman. Gumawa ako ng powerpoint presentation ng lesson ko sa Filipino. Gusto ko itong ituro nang maayos dahil pagsulat ng editoryal. Hindi basta-basta. Double purpose pa. Puwede kong gawing vlog. Marso 2, 2022 Pagkatapos kong magdilig ng mga halaman, hinarap ko uli ang powerpoint presentation ko. Pinagbuti ko at pinag-aralan ko nang husto. Umalis ang mag-ina ko, kaya nasolo ko ang bahay. Naging maayos naman ang pagtuturo ko. Enjoy na enjoy ko ang ginagawa ko, palibhasa interesting ang topic. May part 2 bukas kasi talagang mahaba at madugo ang layunin. Hindi kayang makapagsulat ng mga estudyante sa 25 minutes lang na pagtuturo niyon. Pagkatapos ng klase, nanood ako ng series. Past 5, nag-gardening ako. Wala pa rin ang mag-ina ko sa mga oras na iyon. Past 20 pm na sila umuwi. Galing pa sila sa peryahan. Marso 3, 2022 Nagpadala ako ng P2k kay Flor para ipaghanda si Zildjian. Ito ang unang beses kong gawin. Mabuti at may extra budget ako. At malaking tulong din ang pagpupursigi ni Flor para hikayatin at kulitin ako. Napasaya ko ngayong araw ang isa kong bunsong anak. Sobrang saya ko rin. Fifteen years old na siya. Sana maging close na kami sa isa't isa. Gabi, ipinagpatuloy ako ang paggawa ng vlog, gamit ang PPT ko kahapon. Gumamit din ako ng Narakeet (fromtext to speech application) para magkaroon ako ng audio. Marso 4, 2022 Dahil asynchronous naman kami every Friday, nag-biking ako. Bandang 8, umalis na ako. Sa daan na ako nag-almusal. Nagkape lang ako sa bahay. Kumain ako ng pares sa Santol. Na-enjoy ko ang pagbibisikleta kahit mainit. Ang sarap huminga dahil sa wala halos katao-tao, ako pumunta-- doon sa dati kong pinupuntahan. Kaya lang, napako ang bike ko. Na-flat bigla ang hulihang gulong. Isang kilometro ang nilakad ko para maghanap ng vulcanizing shop. Okay lang naman. Masaya pa rin. Nakauwi ako nang ligtas. Before 12, nasa bahay na ako. Sobrang init na ng panahon. Hindi na nga ako nakatulog sa hapon. Pagdating ng gabi, sumakit ang ulo ko. Resulta siguro ito ng ilang araw na puyat o kakulangan sa tulog. Nagigising kasi ako sa madaling araw. Kanina nga, 3:45 am, gising ako at hindi na dalawin ng antok. Nagbasa na lang ako. Marso 5, 2022 Nabulahaw ang tulog ko nang umalis ang mag-ina ko patungong opisina ng FVP sa Pasig. Quarter to six iyon. Bumangon pa ako para i-padlock ang gate at isara ang pinto. Mabuti na lang, nakatulog uli ako hanggang past 7. Pagkatapos mag-almusal, naglinis ako. Nagagawa ko talagang maglinis kapag mag-isa lang ako.Then, maghapon na akong nanood. Pero, siyempre may ginawa rin akong iba, like gardening, paggawa ng vlog, pagbabasa, at pagsusulat. Posted na ang vlog ko about editorial. Nakapagsulat naman ako ng new chapter ng nobela, nang dumating na sila. Nauna dumating si Kuya Emer. Nasa garden ako no'n. Marso 6, 2022 Dahil nandito si Kuya Emer, may tagaluto kami. Wala akong ginawa kundi gawin ang mga hobbies ko at ang mga gawain sa paaralan. Sulit ang Linggo. Nakapag-digital illustrate ako. Nakapagbasa ng Janus Silang book 3. Nakapanood ng series. Nakapag-gardening. At nakapagsulat. Past 8:30, pumunta ako sa peryahan. Nagulat ako sa dami ng tao. Last na punta ko, kakaunti pa lang. Palibhasa nagbukas na ang ibang rides at mga games. May bingohan na. May color games at iba pang sugal. Nakakagulat din ang mga taong mahilig magsugal. Ang lalaki nila kung magtaya. Before 11, nasa bahay na ako. Marso 7, 2022 Gising na rin ako habang naghahanda si Emily sa pag-alis, pero hindi agad ako bumangon. Pag-alis niya saka ako bumangon. Nag-almusal na lang ako kasi nagpa-deliver na siya ng sopas at naglaga ng itlog. Bago nagsimula ang online class, nakapag-set up ako ng study area sa baba, sa ilalim ng hagdan. Nagsisimula na kasi ang matinding init. Hindi ko nakakayanin sa kuwarto. After class, nanood ako ng series, nagbasa, nag-gardening, at nagsulat. Nakapag-post na ako sa Wattpad ng isang chapter. Gabi, nakipagkulitan ako sa GC naming Grade Six dati. May plano si Ma'am Vi kaso baka hindi na naman matuloy. Past nine, nasa kuwarto na ako. Nanood ako ng movie sa YT. Marso 8, 2022 Bumangon uli ako nang maaga. Kailangan kong maghanda ng almusal. After breakfast, nag-gardening ako. Then, humarap na ako sa laptop para pag-aralan ang mga lessons ko. Nagsulat din ako. At kahit paano, nakapagbasa Sa online class, nagkaroon ako ng internet problem. Nang nasa Section Guyabano na ako, biglang humina ang net. Hindi ako makapag-present. Paulit-ulit din akong nawawala sa link. Ang ganda pa naman ng topic. Pang-uri at Pang-abay. Hayun! Limang minuto na lang akong nag-discuss. Mabuti, naging okay rin, kaya nakapagturo ako nang maayos sa tatlo pang sections. After class, hindi na ako nakatulog. Humarap pa rin sa laptop para gumawa ng IWAR at maghanda ng lesson. Mali kasi ang activities sa modules kaya gagamitin ko ang powerpoint ko, na ginawa kong vlog dati. Gabi, nagbasa ako. Nagsulat At nag-chat. Wala munang series ngayon. Marso 9, 2022 Dahil ready na ang lessons ko, nag-gardening ako after mag-almusal. Then, nagsulat at nagbasa rin ako. Wala pa ako sa mood manood ng series o movie, kaya iyan lang ang ginawa ko. Naging maayos naman ang pagtuturo ko. Sa tingin ko, naunawaan nila. Tungkol sa 'pormal na depinisyon' ang topic ko. Mali nga ang activities sa module. Tungkol sa kasingkahulugan ang ginawa ng writer, kaya ginamit ko ang module ko sa St. Bernadette. After class, antok na antok ako kaya pinagbigyan ko. Masarap sana ang tulog ko kundi lang bumaba si Zillion para sa delivery ng meryenda. Pero okay lang kasi may meryenda na ako pagbangon ko. Ginataang halo-halo ang binili niya. Solb! Nagdilig ako ng mga halaman, after magmeryenda. Then, back to laptop. Naghanda ng lessons at gumawa ng IWAR. Later, nagsulat ako. Hindi ko maituloy-tuloy dahil parang gusto ko nang matapos ang pagbabasa ng Janus Silang. Paulit-ulit lang naman ang ginagawa ko. Pero ang mga ito ay lubos na nagbibigay sa akin ng true happiness. Marso 10, 2022 Dahil napuyat ako kagabi sa kaka-gadget, 8:30 na ako bumangon. At nine o' clock na nakapag-almusal. Tinapay na nga lang ang pinabili ko kay Ion kasi parang nalipasan na ako ng gutom. Haist! Mabuti na lang, may First Vita Plus. Ngayong araw, masaya ako sa resulta ng online class. Hindi ako na-HB, especially sa Pinya. Pang-angkop kasi ang topic ko. Isa ito sa pinakamadali. After class, umidlip ako. Kagaya kahapon, kahit paano ay nakatulog ako. After meryenda, humarap uli sa laptop para gawin ang mga reports. Nagsulat din ako, kaya bandang 9:30 pm, nakapag-post ako sa Wattpad ng isang chapter. Wala pa rin si Emily. Okay lang naman. Kaya namin ni Ion ang lahat. Marso 11, 2022 Naglaba ako pagkatapos mag-almusal. Mabilis ko lang natapos kahit nilabhan ko rin ang mga doormat. Gayunpaman, napagod ako. Past 1, dumating na si Emily. Maingay na naman ang bahay. Wala na akong ginawa maghapon. Nag-reply lang sa GC at sa ilang chat ng mga parents. Gabi, habang hindi pa naghahapunan, nagsimula akong gumawa ng vlog. At past 8:30, pumunta ako sa peryahan. Umuwi rin agad ako after 1 hour. Marso 12, 2022 Nabulahaw ang tulog ko bandang past 7 kasi ginising ako ni Emily para isaksak ang wifi. Hindi na ako nakatulog uli. Nag-cellphone na lang ako. Then, bumangon na para mag-almusal at mag-gardening. Pagkatapos kong mag-gardening, ginusto kong mabasa. Kaya lang, panay ang tawag ni Emily kung kani-kanino. Kung sino-sino ang tinawagan. Ang ingay! Dinig na dinig sa labas. Hindi ko tuloy maunawaan ang binabasa ko. Hapon, after lunch, umidlip ako. Sa kabila ng init, nakatulog naman ako kahit paano. Gabi, naipagpatuloy ko ang pagbabasa at panonood ng series. Marso 13, 2022 Past 8 na ako bumangon. Nagkape lang ako at umalis na. Biking. Wala sa plano, pero dahil maganda ang panahon, nagdesisyon akong mag-bike. Umulan kagabi kaya medyo makulimlim pa rin. Sa PasCam ako pumunta. Uminit bigla kaya patigil-tigil sa malilim na lugar. Gayunpaman, na-enjoy ko ang solo ride. Magaganda naman ang tanawing nakikita ko. Dumiretso rin ako sa subdivision ng Guillermo Family kasi akala ko makapunta si Sir Hermie. Mabuti umuwi na ako. Nagpapaayos pala siya ng motor. Nanghinayang din siya kasi hindi ko na siya nahintay. Ayaw ko namang mag-isang pumunta o maghintay mag-isa roon. Past 2, nakauwi na ako. Saka lang ako nakakain. Busog pa naman ako kasi kumain ako ng pares sa Santol. Pagkatapos kumain, natulog ako. Past 4 na ako nagising. Ang sarap sa pakiramdam. Past 8:30 ng gabi, pumunta ako sa peryahan. Parami na nang parami ang tayo. Marami ang mga dayo. Iba talaga ang Pinoy! Past 9:30, nasa bahay na ako. Marso 14, 2022 Inihanda ko ang mga aralin ko pagkatapos kong mag-gardening. Maganda ang topic ko ngayon sa Filipino kaya inspired ako. At hindi ako nabigo. Lahat ng sections ay naturuan ko nang maayos. After class, umidlip ako. Hindi yata ako nakatulog, pero okay lang. Naipahinga ko naman ang mga mga mata at isip ko. Gabi, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng content ko sa YT. Malapit nang matapos. Nagbasa rin ako at nagplantsa ng mga isusuot ko bukas sa distribution ng report cards. Maaga akong nahiga para matulog kasi maaga rin akong luluwas. Marso 15, 2022 Akala ko makakatulog agad ako kagabi, hindi pala. Grabe, para akong nakabato. Gising na gising pa ako hanggang 2AM. Anomang pilit kong ipikit ang mga mata ko, hindi pa rin ako makatulog. Siguro dalawang oras lang ang tulog ko kasi bumangon ako bandang 5. At kahit kulang sa tulog, maaga pa rin akong umalis sa bahay para hindi ako maipit sa traffic. Nakapag-almusal pa ako sa Chowking. At quarter to eight, nasa school na ako. Andaming modules doon. Porket nagbigayan ng FA, biglang nasipagpasa ang mga magulang. Mga Quarter 1 at 2 pa ang karamihan. Halatang nagpasa lang para sa allowance. Pero ngayong kuhaan ng card, wala halos gustong kumuha. Maghapom, 16 lang na magulang ang pumunta. Nagpakain ang ilang parents sa amin dahil natuwa sila sa grades ng mga anak nila. Nakatipid ako. Past 3 hanggang 4, nakioag-bonding ako kina Papang at Cinderella. Dumating din si Krizzy bago mag-lunch, pero hindi ko masyadong naka-bonding. Sa Friday, magkikita-kita kami para sa birthday blowout ni Cinderella. Bukas ang kaarawan niya. Before 7, nasa bahay na ako. Nakapamili pa ako sa Umboy ng mga pasalubong, bukod sa mamon sa Red Ribbon. Past 8, after dinner, umakyat na ako. Susubukan kong matulog nang maaga. Marso 16, 2022 Mga 10 am, umalis ang mag-ina ko patungo sa FVP office. Didiretso na rin sila sa Caloocan. Mag-i-stay sila roon hanggang Huwebes o Biyernes. Humirit si Emily ng pamasahe, kaya napilitan akong bilhin ang FVP 34-n-1 coffee niya kapalit ng P1000. Sobrang mahal, pero okay lang. Suporta ko na rin iyon sa kanya. Masarap naman ang kape, e. Maayos namam ang mga klase ko during online class. Sinikap kong ma-inspire sila sa lesson na namin. After class, umidlip ako. Ang tahimik ng bahay kaya nakatulog ako kahit paano. Nakasulat din ako at nakapagbasa. Marso 17, 2022 Kahit mag-isa lang ako, hindi ko nagawang matulog hanggang 8. Bumangon pa rin ako bandang past 7:30. Okay lang naman dahil nakapag-inat-inat ako at nakapagbilad sa araw. Nakapaglinis ng sala after mag-almusal at bago humarap sa laptop. Ngayong araw, nakapag-post ako ng vlogs sa YT at mga FB pages ko. Nalagyan ko na kasi ng audio ang dalawang chapters ng Alamat ng Parang. Sobrang antok ko habang may online class, pero sinikap kong maging active para sa mga mag-aaral. Naturuan ko sila nang maayos lalo na't gusto ko ang topic. Umidlip naman ako after class. Past 4:30 na ako bumangon. Before dinner, nagbasa ako. After dinner, nanood ako ng Tagalog comedy zombie movie. Then, umakyat na ako pagkatapos. Maaga akong gigising bukas para pumunta sa school. Marso 18, 2022 Past 10, nasa school na ako. Natagalan ako kasi ang haba ng pila sa sakayan ng dyip. Nag-bus na lang ako. Matagal ding nagpuno ng mga pasahero. Okay lang naman kasi past 10 na ako nakarating sa school. Nakapag-check pa rin naman ako ng mga modules bago kami nag-lunch. Naka-bonding namin sa tanghalian ang dalawa pang Grade 1 teachers. Wala naman doon si Sir Archie. Masaya naman ang birthday blowout ni Ma'am Edith, lalo na at may meryenda pang pansit spag, palabok, at pichi-pichi. Before 5, umuwi na kami. Worth it ang pagpunta ko. Nakauwi naman ako bandang 7 ng gabi. Marso 19, 2022 Nabalahaw ang paglalaba ko dahil sa walang katuturang DLAC. Kahit Sabado ay hindi na tinatantanan ang mga guro. Panay naman mga apps ang itinuro, as if permanente na talaga ang distance learning. Sa dami na ng itinuro, wala nang pumapasok sa utak ko. Dahil sa pagod sa paglalaba at panonood ng seminar, nakaidlip ako bago kumain ng lunch. Ipinagpatuloy ko ang pagtulog pagkatapos maligo. Hapon, nanood ako sa YT ng tungkol sa suiseki. Gustong-gusto ko nang makarating sa isang ilog para makahanap ng suiseki stones. Sana sa darating na Holy Week magawa ko. Gabi, nagsulat ako. Kahit paano, narugtungan ang isang chapter na isinusulat ko. Bago matyloh nanood kami ng pelikula ni Stephen Chow. Good thing, Tagalized kaya naintindihan namin. Nakakatuwa! Marso 20, 2022 Nagkape lang ako, saka ako nag-bike. Kumain ako ng pares sa labas. Hindi naman ako lumayo sa sundivision. At mabilis lang ako. Wwla pa yatang one hour, nakabalik na ako. Bumili lang ako ng buko at lettuce. Nang makapagpahinga na ako, humarap na ako sa laptop para maghanda ng IWAR at pag-aralan ang mga lessons. Then, nagsimula kong gumawa ng vlog. Palalagyan ko ng audio recordings kay Emily. Tungkol sa abnormal menstruation ang ginawa ko. Connected sa First Vita Plus. Natapos ko iyon bago umalis ang mag-ina ko para magsimba. Hapon, nasolo ko ang bahay, pero hindi ako nakatulog. Sobrang init kasi. After kong magdilig, nanood ako ng vlogs tungkol aa suiseki. Doon ko napanood ang tungkol aa meteorites. Nagkainteres ako, kaya nanood ako ng mga vlogs tungkol dito. Interesado rin akong mag-hunt Marso 21, 2022 Dahil napuyat ako kagabi, late na rin akong bumangon. Late ang almusal. Gayunpaman, masigla at masaya pa rin ako. Pinaghandaan ko ang online class. Gusto ko kasing maipagpatuloy ang pagtuturo nang masaya. Iniiwasan ko nang ma-highblood, lalo na sa Pinya. Effective naman! Ako lang ang nagsalita kasi medyo mahirap ang topic. Okay naman dahil naunawaan nila ang concept. Umidlip ako pagkatapos ng online class. Then, tinulungan ko si Emily na mag-record ng audio para sa vlog niya. Nai-upload ko na rin sa YT niya at nai-post ko sa FB pages ko. Past 6 na tuloy ako nakapagdilig ng mga halaman. Past 8, dumating si Kuya Emer. Nag-ayos ako sa garden para maiparada niya ang kaniyang motor sa loob. Maaga akong umakyat kasi maaga akong inantok, subalit nang nakahiga na ako, hindi naman ako agad nakatulog. Nanood na lang ako ng ELITE series, Season 2. Marso 22, 2022 Late na ako bumangon kahit maaga akong namulat. Nag-stretching muna ako at nag-exercise nang kaunti bago bumaba. Ready na ang almusal pagbaba ko. Pagkatapos ng almusal, humarap na ako sa laptop. Gumawa ako ng vlog at naghanda ng Google Form. Na-review ko na rin ang mga aralin ko sa ESP, MAPEH, at Filipino. Okay na sana ang klase ko, nagpaka-ano na naman ang Pinya. Pinaliwanag ko nang lahat-lahat, pero mali pa rin ang sagot. Nagsermon na naman tuloy ako nang kaunti. After online class, gumawa ako ng listahan ng bawat section at nag-print out ng mga ito. Inilista ko na rin ang mga ipinapasang modules o activities ng mga estudyante. Kailangan kong gawin ito para mapangalanan ko ang mga hindi nagpapasa at gumagawa. Gabi na ako nakapagdilig ng mga halaman. Sinikap kong makapagdilig kasi aalis ako bukas. Nag-grocery rin ako nang kaunti para mabaryahan ang pera ko. Nakapagpahangin na rin ako sa labas at nakapaglakad-lakad. After dinner, nanood ako ng suiseki viewing stones sa YT. Inantok ako nang maaga kaya umakyat na ako bandang 9:30. Marso 23, 2022 Past 7:30, nasa biyahe na ako. Nagkape lang ako. Wala pa kasing naihandang almusal si Emily. Sa Chowking na ako nag-almusal. Past 9:30, nasa school na ako. Nauna sa akin sina Sir Joel, Sir Hermie at Ma'am Joan. Agad kaming nag-segregate ng mga modules at nag-check ng mga ito. Hindi rin nagtagal, pinatawag na kami para sa bigayan ng laptop. Natuwa ako sa mga natanggap ko. Bukod sa laptop, may laptop bag, bluetooth mouse, mouse pad, connector, 1 terabyte hard drive, pocket wifi, at head set pa. Worth it ang paghihintay namin. Last 2019 pa ito ipinangako ni Mayora. Sa lunch time, nagkuwentuhan kaming Grade 4 teachers. Si Marekoy ang maglahad ng kaniyang kuwento. Kaya pala, humuhugot ang mga posts niya sa FB lately. Nagtsek uli ako hanggang sa maubos ang mga submitted modules. Binisita rin ako ng isa kong estudyante, kasama ang ina. May binigay pang meryenda. Naki-bonding naman kami nina Sir Hermie at Ma'am Anne kay Sir Erwin bago umuwi. Wala roon si Ma'am Edith. Nasa Cebu pala siya. Nakauwi ako sa bahay bandang 7 pm. Pagod ako, pero masaya. Marso 24, 2022 Bago ako bumiyahe patungong Pasay, nagdilig muna ako ng mga halaman at siyempre, nagkape at naligo. Bumili na lang ako sa PITX ng mga kakanin, worth P30. Solb na ang almusal. Past 9 na ako nakarating sa school. Nandoon na sina Ma'am Joan at Sir Hermie. Agad akong tumulong sa kanila. Nagsidatingan na rin ang mga kasama naming iba, gayundin ang tatlong parents. Ang saya-saya ng pag-assort namin ng mga modules. Panay ang tawanan. At siyempre, hindi mawawala ang bigayan ng kuro-kuro at saloobin sa mga bagay-bagay sa paligid, like education system. Malaki ang naitulong ng mga parents kanina dahil after lunch, nagkuwentuhan na lang kaming lima. Sila na ang naglagay ng mga modules sa plastic. Kaya, past 3, tapos na kami. Tumambay at nakipag-bonding naman ako kay Sir Erwin. Umuwi kami before 4. Nakauwi ako sa bahay bandang 6. Pagod at antok ako, pero masayang-masaya, lalo na't nag-chat sa akin kaninang umaga ang dati kong estudyante noong Grade 5 siya--si Gannie. Naalala ko pa siya noon. Batang-bata. Galaw at isip-bata. Tinuruan ko pa siya king paano magsintas ng sapatos. Siya rin ang inspiration ko sa akda kong "Room for Rent." Grabe! Nakakagulat ang kaniyang development. Isa na siyang call center agent. Nais niya raw akong makitang magturo. Magsi-sit in siya sa klase ko. Then, iti-treat niya ako ng lunch. Hindi ako masyadong excited sa treat niya. Mas gusto ko siyang ma-meet at mapatunayang he has developed into a fine young man. Natutuwa ako kasi hindi raw niya malilimot ang mga itinturo at kung gaano ako kagaling as teacher. Nakakataba ng puso. Marso 25, 2022 Maaga akong bumangon para maglaba. Since isang salang lang sa washing machine ang mga damit ko, mabilis akong natapos. Wala.pang 8:30, naisampay ko na. Nasimulan ko ang Gardenia NutriTour via Googel Meet. Isinunod ko namang gawin ang mga trivias para Women's Month celebration namin sa Martes. Ako ang naatasang maging trivia game master. Wala na akong na-accomplished maghapon. Umidlip lang ako saglit, then nanood ng Thai movie. Gabi, nasa garden ako. Nagtanim nang kaunti, then nagbasa roon. Gusto ko sanang magsulat ngayon, kaso hindi ko nagawa. Bukas na lang siguro. Marso 26, 2022 Wala halos ako nagawa maghapon dahil sa 2nd day ng DLAC. Wala namang interesting topics. Puro pang-online class ang itinuro. Hindi nila alam na napakaliit na porsyento lamang ang online learners kumpara sa modular learners. Ayaw nilang bigyang-halaga ang mga mas nangangailangan ng suporta. At face-to-face naman ang isinusulong nila, pero online learning pa rin ang pinahahalagahan Haist! Na-boring lang ako. Hanggang 12:25 pa naman. After kong maligo, umidlip ako. Grabeng init kaya hindi yata ako nakatulog. Past 5 na ako bumangon para magkape at para magdilig ng mga halaman. Gabi, tumawag si Ma'am Vi tungkol sa summon kina Sir Joel G. Nasangkot sila sa kaso ng dati naming principal. Gusto ni Ma'am Vi na mapayuhan namin si sir Joel. Hayun nga! Umabot kami ng past 9sa pag-uusap. So far, lumuwag na ang dibdib ni Sir. kahit paano, may nabuo nang ideya sa isip niya. Handa na siyang humarap sa legal officer ng SDO. After dinner, nagsulat ako at nanood ng series sa Dramacool. Kailangan kong makuha ny mga ideya para sa isinusulat ko. Marso 28, 2022 Bago kami mag-almusal, nakapag-reorganized kami ng sala. Naglagay rin kami ng kurtina. Nakaharap ako sa laptop maghapon. Sa umaga, naghanda ako ng WHLP. Then, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng vlog. Nang mai-post ko sa YT at FB pages ko, nanood na ako ng movies. Isiningit-singit ko ang pagsusulat hanggang mai-post ko wa wattpad. Hapon, umidlip ako. Hindi nga lang nakahimbing dahil sa init. Okey lang naman dahil kahit paano ay nakipahinga ko ang mga mata ko. After dinner, gusto ko sanang manood ng movie, kaso hindi ako makapili nang maganda. At inantok na agad ako. Maaga akong umakyat para natulog. Marso 28, 2022 Past 6, gising na ako. Past 7, umalis na ako sa bahay. Gusto ko sanang maagang makarating sa school kasi kailangan kong tumulong sa pag-dedecorate sa venue para sa Women's Month celebration, kaya lang nahirapan akong makasakay. Antagal bago ako nakasakay. Kaya naman, 10:30 na ako nakarating. Marami na silang nagawa. Gayunpaman, may naitulong pa rin ako. Ang saya-saya nga namin. First time kong makahalubilo si Sir Jess. Nandoon din sina Ma'am Wylene at Papang. Past 3, natapos na namin. Nagpa-picture pa kaming mga teachers na naroon, kasama ang principal. Nagandahan siya, kaya nagpameryenda ng softdrinks at banana que. Nagkuwentuhan kami nina Sir Erwin at Ma'am Edith pagkatapos mag-decorate. Tungkol sa politika ang usapan namin. Past 5, umuwi na kami. Seven, nasa bahay na ako. Agad kong inihanda ang Tiktok dance para sa attendance checking bukas. Tinulungan ko lang si Ma'am Mel, na siyang focal person at si Papang na siyang segment host. Marso 29, 2022 Quarter to 3, gising na ako. Bumangon na ako nang hindi na ako makatulog muli. Ayaw ko nang mahirapang sumakay tulad kahapon. Kaya, past 6:30, nasa PITX na ako. Doon na rin ako nag-almusal. At 8, nasa school na ako. Nag-check ako ng mga modules. Sucessful naman ang Women's celebration namin. Medyo hindi lang ako comfortable sa uniform namin. Bakit kasi may pa-uniform pa? Puwede namang wala. Sayang lang ang budget. Ginamit na lang sana sa ibang bagay. After lunch, nag-karaoke kami. Hindi naman nagtagal kasi naiingayan pala ang F2F class ng Grade 2. Nagkuwentuhan na lang kami nina Ma'qm Janelyn at Sir Hermie. Before 5, umuwi na kami. Maaga akong nakauwi, kaya nakapagmeryenda pa ako. Marso 30, 2022 Maistorbo ang tulog ko dahil kay Emily. Pinag-print niya ako ng programme ng Business and Development Forum nila sa First Vita Plus Office. Nainis ako, pero mas nainis ako nang humingi na siya ng pamasahe. Sinermonan ko siya. Hindi kako kasama sa budget ang mga gastusin niya sa negosyo niya. Sabi ko pa, pinagnenegosyohan niya ako. Bawat alis niya, sa akin hihingi. Ni hindi na nga siya makapag-ambag sa mga bills, manghihingi pa. Solo nga niya ang kita niya. Kawawa naman ako dagdag ko pa. Halos maghapon ding masama ang loob ko. Good thing, nawala ang kaunti nang mag-online na ako. Pasy 6;30, umalis ako para mag-withdraw. Nilakad ko lang papunta kasi. Pag-uwi na ako sumakay. After dinner, nanood ako ng series. Nagandahan ako sa Korean series na 'One Ordinary Day.' Dahil gabing-gabi na, nakaisang episode lang ako. Marso 31, 2022 After kong magdilig ng mga halaman, pinag-aralan ko ang mga lessons. Then, nanood na ako ng series na nasimulan ko kagabi. Nakaka-hook na. Sayang, kasi may klase na ako. Nakaisa't kalahating episode lang ako. Maayos naman ang online class, kaya lang biglang nawala ang internet connection. Hindi ko natapos sa Avocado. Hindi ko na rin naturuan ang Pinya. At hindi na ako nakabalik sa Buko. Nakakainis! After dinner, wala pa ring net, kaya nagtungo ako sa peryahan. Doon, kahit paano, nakasagap ng signal ang data ko. Nag-chat ang isang parent ng pupil ko. Nagagalit kay Sir Hermie. Hindi ko naman hinayaang lumalim ang galit niya. Pinigilan kong magsumbong sa principal. Then, chinat ko si Sir at pinayuhang ibigay ang apology na hinihingi. Sana magkaayos na sila. Maliit na bagay lang naman, e. Past 9:45, nakauwi na ako. May internet na.

Tuesday, March 1, 2022

Ang Aking Journal -- Pebrero 2022

Pebrero 1, 2022 Dahil Chinese New Year ngayon, hindi ako masyadong nag-work. Sumaglit lang ako sa garden. Then, nanood na ako ng Tiktok videos. Nagsimula rin akong magsulat ng bagong chapter, pero patigil-tigil. Nakakaubos ng ideya. Hapon, almost done ko na ang pag-aayos sa garden. May mga naipon akong lupa, mula sa mga pasong namatayan ng tanim. Kinain ng daga ang iba lng tanim. Ililigpit ko na lang ang lupang naipon. Gabi, nagsulat uli ako, pero natigil uli dahil gumawa muna ng household chores, saka nanood ako movie sa YT. Inantok na rin ako pagkatapos. Pebrero 2, 2022 Eksakto lang ang pag-log in ko sa Google Meet. Nagsimula agad ang INSET pagpasok ko. Kaya naman, nag-aalmusal ako habang nakikinig. Nang patapos na, bumaba ako para mag-gardening. Ngayong araw, ipinagoatyloy ako ang pagsusulat. Pero dahil naubusan ako ng ideya, kinailangan kong manood ng movie. Then, umidlip ako. Lagi akong kulang sa tulog dahil sa lamok (yata). Andami kong pantal, e. Past 8, dumating na si Emily. Kahit gusto niyang ilihim sa akin, narinig ko naman sa tawag niya kay Ion kagabi. Saka sinabi na niya habang nasa Cavitex siya. Ang ingay na naman ng bahay. Pebrero 3, 2022 On-time namang nagsimula ang InSET, pero hindi kinaya ang tatlong resource speaker. Kinailangang magkaroon ng lunch break at bumalik bandang 1pm. Nagmadali tuloy akong magdilig ng mga halaman, kumain, at maligo. Hindi na rin ako nakaidlip, pero nakapanood ako ng movie. Gabi, nagsulat ako. Nang matapos ko, nagbasa ako ng bagong kong mga librong pambata, na in-order ko sa Chikiting Books. Kadarating lang kanina. Gusto kong ma-inspire na naman para sumulat ng kuwentong pambata o kaya ay gumawa ng illustrations para sa reading aloud o para maging vlog. Pebrero 4, 2022 Hindi tumunog ang alarm ko, kaya muntikan na akong mahuli sa INSET. Nagsisimula na ang attendance check nang makapag-join ako. Gayunpaman, nakatutok ako hanggang matapos. Twelve-thirty na natapos. Nai-stress ako sa mga pantal ko. Hindi ko malaman kung kagat ng lamok o allergy o skin disease. Lumalaki hanggang kinakamot. Parang dumadami pa. Kung kagat ng lamok, bakit andami? Naisip ko rin na allergy sa ointment na nilalagay ko sa skin tags ko. Chinese brand pa naman, na binili ko sa Lazada. Sana hindi. Maghapon akong nanood. Hindi muna ako nagsulat o nag-gardening. Pebrero 5, 2022 Alas-9 na ako bumangon. Kahit paano, nakabawi ako sa ilang gabing puyat dahil sa pangangati. Malakas ang kutob ko na dahil nga sa ointment na ginamit ko kaya nagkaroon ako ng rashes. Kaya, hapon, after kung maglagay, naghilamos ako. Nagdesisyon na rin akong hindi na gagamit niyon. Ngayong araw, naging productive ako. Naglinis ako sa kuwarto, especially ang study area ko. Mas gumanda ang bagong arrangement. Tanghali na ako nakapagdilig. Hapon na ako nakapag-gardening. Maghapon naman akong nanood ng series. Siyempre, umidlip din ako. Gabi, after dinner, sinimulan ko ang paggawa ng digital illustrations ng isa sa mga kuwentong pambata. Sana matapos ko kaagad. Pebrero 6, 2022 Although, late na ako nagising. Sinadya ko talaga since nandito na naman si Emily. Maghapon akong gumawa ng digital illustrations. Kahit paano, marami-rami akong nagawa. Hindi nga lang ako makaidlip sa hapon. Dumating si Kuya Emer, before lunch. Naging busy silang tatlo sa FVP, kaya napag-isa ako at natahimik ang bahay. Gabi, bago natulog, nagbasa ako ng mga kuwentong pambata. Nakaka-inspire magsulat at mag-illustrate. Pebrero 7, 2022 Kulang ako sa tulog dahil maaga akong bumangon para sa paghahanda sa pagtungo sa school. Past 7, bumiyahe na ako. Nahirapan akong sumakay sa Umboy pa lang, gayundin sa PITX. Kaya naman, late na ako dumating sa school. Gayunpaman, nakapag-assort at nakapag-check kami ng mga modules nang sabay-sabay. Mabuti na pang, mga janitors ang namimigay ng summative tests sa ibaba. Past 2, huminto na kami ni Sir Hermie sa pagtsek. Umuei na rin ang dalawang girls at bumaba na si Sir Joel. Kami naman, nakipagkuwentuhan pa kina Papang. Nang umuwi si Sir Hermie, itinuloy ko ang pakikipag-bonding kina Papang, Cinderella, at Puts. Sama-sama na rin kaming lumabas sa school bandang alas-4:30. Nakauwi ako sa bahay ng bandang 7:30. Ang traffic kasi sa Tejero! Nakakabuwisit! Pebrero 8, 2022 Past 7 ako nagising. Agad kong hinanda ang mga plants na ipamimigay ko kina Ms. Krizzy Papang, at Ma'am Mel. Then, naghanda na ako sa pag-alis. Natagalan ako sa pagpili ng isusuot. Kailangan kong magsuot ng long sleeves para itago ang mga pantal ko sa aking mga braso. Nine am na ako naka-alis. Akala ko late na ako. Ako pa pala ang naunang dumating sa Tramway. Okay lang naman. Masaya kaming Tupa Group sa birthday treat nina Papang at Belinda. Kasama rin namin si Kuya Allan at ang mommy ni Ms. Krizzy. Alas-dos nasa school kami. Nag-bonding kami roon hanggang 4:30. Nakakawala rin ng stress ang mga kulitan at tawanan namin. Nakauwi ako bandang 7:30 pm, pero nakabili pa ako sa Handyman-Robinson's Tejero ng flat iron, na request ni Emily. Pebrero 9, 2022 Late na ako nagising, pero parang gusto ko pang matulog. Kung hindi lang ako maglalaba, baka bumalik ako sa higaan pagkatapos mag-almusal. Before 12, tapos na ako maglaba. Nakapagpahinga na rin ako. Kaya, bandang 1 pm, umalis naman ako para ipapalit ang FVP checks ko. Then, nag-grocery na rin ako. Past 4, umidlip ako. Past 5 na ako bumangon. Gabi, nagkasagutan na naman kami ni Emily. Wala na naman kasi sa wisyo. Puro problema ang naririnig ko sa usapan nilang magpapamilya, kaya apektado na ang pagkain namin. Lugaw ang sinaing niya. Kundi ko pa nga tinanong kung anong ulam, gusto pang mag-order na naman. Samantalang, namili na ako. Tapos, panay ang pintas. Kesyo pumayat kami ni Ion. Andami pang sinsabi. Bawian mo nga ng masasakit na salita. Nakakainis. Wala sa hulog at walang direksiyon ang diskarte sa buhay. Mas gusto ko pang mag-isa kaysa kasama siya. Hindi nga niya ako napapataba. Hindi kasi marunong magluto. Sa tagal na naming magkasama, hindi niya pa nakuha ang gusto kong pagkain at ang taste ko sa pagkain. Haist! Pebrero 10, 2022 Kahit kulang sa tulog, bumiyahe ako patungong iskul para sa tumulong sa pag-assort ng mga modules. Past 9 na ako nakarating doon. Nagsisimuka na sina Ma'am Joan, ang GPTalA President at VP at nga janitors. Kasunod ko namang umakyat sina Sir Hermie at Sir Joel. Naging masaya ang pag-assort namin. Nagkukuwentuhan kami habang gumagawa. Gayundin nang nag-lunch kami. Past 2, tapos na kami. Tumambay naman ako sa 2nd floor, kung saan naroon si Papang. Nagkape lang kami, then nakaidlip ako sa mesa habang hinihintay si Cinderella. Past 4:30 na kami lumabas sa school. Past 7 naman ako dumating sa bahay. Hindi naman traffic. Tumingin-tingin kasi ako sa Mr. DIY sa PITX. Wala naman akong nabili. Pebrero 11, 2022 Ngayong araw, sinimulan kong sulatan ang Form 138-E ng mga estudyante ko. Nakapag-gardening din ako. Nakapanood ng series. Nakaidlip din sa hapon. At siyempre, natapos ko ang digital illustrations ng 'Elvira Negra.' Bukas, maglalagay ako ng audio nang mai-popost na ako sa YT ko. Tahimik ako maghapon. Pinatatawa ako ni Emily, pero mas pinili kong hindi muna siya pansinin. Pebrero 12, 2022 Maaga akong nagising dahil sa boses ni Emily May katawagan siya sa phone. Gustuhin ko mang matulog uli, hindi na puwede kasi magpapadala ako sa kanya ng cookies at First Vita Plus Oil of Life para kay Mama. Magkikira sila ni Flor Rhina sa office ngayong araw. Kukuha ng tseke so Flor. Pag-alis ni Emily, naghugas ako ng mga pinagkainan at nagwalis sa sala at kusina. Then, nag-gardening ako, bago humarap sa mga report cards. Nang matapos ko ang pagsusulat ng mga details sa cards, ipinagpatuloy ko naman ang digital illustrations. May mga na-miss pala akong parts. Nilagyan ko na rin ng boses. Five pm ko na ito natapos at nai-post sa YT at FB pages. Ngayong araw, nakapagbasa ako ng isang chapter ng Janus Silang. Babasahin ko muna ang apat na aklat, bago ko iregalo kay Zildjian sa kaniyang birthday sa March 3. Sana matapos ko kaagad. Pebrero 13, 2022 Nagising ako sa pagdating ni Kuya Emer. Pero, hindi agad ako bumangon. Past nine na ako nag-almusal. Nang umalis ang tatlo para mag-FVP, nasolo ko ang bahay. Nakapagdilig ako ng mga halaman, then gumawa ako ng WHLP. Ngayong araw, napakaproduktibo ko. Gumawa ako ng vlog. Nagbasa. Nanood ng series. Umidlip. Mami-miss ko 'to dahil bukas back to online class na. Gabi, nanood aoo ng isang movie. Sinimulan ko ring panoorin ang Netflix series na 'Elite.' Maganda. Kaabang-abang. Pebrero 14, 2022 Parang kulang ako sa tulog. Andami kong panaginip na parang totoo. Feeling ko, hindi ako natulog kasi ang babaw ang tulog ko. Pabangon-bangon ako. Pabaling-baling ng higa. Hindi ko malaman kung na-eexcite ako o ano. Gayunpaman, nagising ako bandang 8. Pagkaalmusal, humarap na ako sa laptop para mag-aral ng lessons. Hindi ako excited sa pagtuturo, pero kailangan kong maghanda. Kailangan kong humarap sa klase na animo'y maraming alam. Kailangan nilang maramdamang excited akong magturo. Ang totoo, walang kuwenta ang laman ng modules. Paulit-ulit. Panuto na naman. Paggawa ng panuto. Haist! After ng klase, gumawa muna ako ng IWAR, then nanood na ako ng 'Elite.' Mabuti pa ang series na ito, exciting. Then, nag-record ako ng audio para sa vlog ko. Hindi ko nga lang matapos-tapos dahil maingay ang paligid. Tahol ng aso. Busina ng sasakyan. Bibig ng mag-ina ko. Past 6, umalis ako para mag-withdraw. Nag-grocery din ako nang kaunti sa Alfamart. Pagdating ko, ipinagpatuloy ko ang panonood. Naisingit ko rin ang pagbabasa ang 'Janus Silang Book 1', after ng dalawang series. Parehong nakaka-hook. Pebrero 15, 2022 Maganda ang gising ko kasi maganda rin ang tulog ko. Alam kong nakatulog ako nang mahaba-haba. Kaya namam, pagkatapos kong magdilig ng mga halaman, tinapos ko na ang audio recording. Nai-upload ko ang vlog bandang 10 am. Nai-post ko na rin ang article ssa Wattt at blogsites ko. Ngayong araw, naging interesting sa akin ang lesson. Gusto ko iyon kaya naging maayos ang online teaching ko at tiyak akong natuyo ang mga estudyante. After online class, nagbasa ako para antukin. Thanks God dahil nakatulog ako. Past 10, bago mag-11 ng gabi, natapos ko na ang book 1 ng Janus Silang. Ang ganda! Parang totoo. Kaabang-abang talaga ang mga kaganapan sa 3 pang books. Pebrero 16, 2022 Parang pareho lang kahapon ang mga nangyari ngayon sa akin. Pareho rIn ang mga ginawa ko. Ang kaibahan lang ay parang magkakasakit ako. Naduduwal alo na ewan. Siguro dahil kulang na naman ako sa tulog. Kaya ngayong gabi, quarter na 11 pa lang, nagpatay na ako ng internet. Sana makatulog na ako agad. Pebrero 17, 2022 Nagdilig ako ng mga halaman bago ko hinarap ang laptop upang pag-aralan ang mga aralin. Nanag matapos, hinarap ko naman ang digital illustration. Isiningit-singit ko rin ang panonood, pagbabasa, at gardening. Kailangang diverse ang mga activities ko para sa mental health. Masaya ako sa lahat ng ginagawa ko. After ng klase, umidlip ako. Hindi ko akalaing pupunta si Sir Hermie bandang 5:30. Biniro ko sa chat na pupuntahan ko siya. Siya pala ang pupunta. Past 10:30, siya umuwi. Tulad nang dati, enjoy ang inuman at kantahan namin. Nalasing ako, pero nawala ang stress ko. Nakabirit na naman, e. Lolz. Pebrero 18, 2022 Kinailangan kong bumangon nang maaga dahil umalis si Emily patungo sa FVP office. Wala siyang inihandang almusal. Ako na ang nagprito ng itlog at bacon. Sinamantala ko ang pagpupunas ng sahig sa sala at kusina. Bago maligo, naglinis naman ako ng banyo. Siyempre, nanood ako ng Korean series na 'Bad and Crazy.' Nagbasa ng Janus Silang book. Tinapos ko na rin digital illustrations. Audio na ang kulang. Hapon, nag-gardening ako. Ikinabit ko na rin ang sun shade. Malapit na kasing magtag-init. Kailangan maprotektahan na ang mga halaman. Gabi, pagkatapos ko maipasa ang IWAR, nagsulat akong chapter ng nobela. Naghihintay na kasi ang mga followers ko. Pebrero 19, 2022 Dahil Chinese New Year ngayon, hindi ako masyadong nag-work. Sumaglit lang ako sa garden. Then, nanood na ako ng Tiktok videos. Nagsimula rin akong magsulat ng bagong chapter, pero patigil-tigil. Nakakaubos ng ideya. Hapon, almost done ko na ang pag-aayos sa garden. May mga naipon akong lupa, mula sa mga pasong namatayan ng tanim. Kinain ng daga ang iba lng tanim. Ililigpit ko na lang ang lupang naipon. Gabi, nagsulat uli ako, pero natigil uli dahil gumawa muna ng household chores, saka nanood ako movie sa YT. Inantok na rin ako pagkatapos. Pebrero 20, 2022 Isang masarap at masaganang almusal ang inihanda ko. Busog na busog ako, kaya hindi muna ako nakapagsimulang gumawa. Buong maghapon kong pinanood ang 'Bad and Crazy.' Isiningit-singit ko sa paglilinis sa loob at labas ng bahay. Nakapagbasa rin ako. Hapon na nang natapos ko hanggang finale. Worth it naman. Past 7:30 pm na dumating ang mag-ina ko. Mabuti, safe silang nakauwi. Matuwa sila sa bagong ayos ng living room. After dinner, gumawa ako ng WHLP at Powerpoint presentation. Naubusan ako ng oras para sa pagsusulat. Napagod na ako, kaya isang pangungusap lang ang nairagdag ko. Pebrero 21, 2022 Past nine na ako nakapag-almusal. Inuna ko muna kaso ang pagdidilig. Busog pa naman kasi ako dahil sa FVP coffee. Ngayong araw, naging interesting sa akin ang topic ko sa Filipino. Alam kong natuto ang mga estudyante kahit paano at kahit nakinig lang sila. Para kasing about journalism. One of my interests. Nakapanood ako ng series, nakapagbasa, at nakapagsulat. Ten pm ko na nai-post ang bagong chapter ng nobela ko sa Wattpad. Pebrero 22, 2022 Pagkatapos mag-almusal, tumambay ako sa garden. Nakagawa pa nga ako ng Tiktok videos dahil nakakita ako ng tipaklong. Hindi ko tinaboy o pinatay. Hinayaan ko lang na kumain ng dahon ng palm tree ko. Then, nagbasa ako at nanood ng American series habang naghihintay ng oras para sa online class. Okay naman ang online class. Medyo nagsermon lang ako sa Section Pinya kasi hindi sila sumunod sa assignment ko. Sabi ko, basahin nila ang article para ready. Kaso hindi nila ginawa kaya nang nagtanong na ako, wala sumasagot. After online class, nagbasa, nanood, at umidlip ako. Quarter to five na ako bumangon para magmeryenda. Gabi, sinimulan ko ang digital illustrations ng 'Cali Kaliskis.' Pebrero 23, 2022 Mainit ang ulo ko habang nag-aalmusal kasi parang kulang ang kinakain ko. Pritong itlog lang ang ulam. Hindi talaga prepared si Emily. Parang wala akong asawa. Puro First Vita Plus mula umaga hanggang pagtulog. Nang hindi ako makatiis, pinagsalitaan ko. Pinigilan niya lang ako. Sabi ko, unahin mo muna ang pagkain. Nagpakasubsob na lang ako sa pag-aaralan ng lesson ko. Maganda na naman ang topic ko kaya pinagbuti ko. After class, umidlip ako. Kahit paano, nakatulog ako. Then, gumawa ko ulit ang mga hobbies ko. Naisingit-singit ko rin ang digital illustrations. Pebrero 24, 2022 Nakahanda pa naman akong magturo, pero asynchronous pala dahil sa regional orientation for RPMS-PPST. Ala-una pa naman pero hindi na rin nagklase. Okay lang din sa akin kasi nakapag-digital illustrate ako, nakatambay sa garden, at nakapanood ng 'Lupin,' ang bago kong kinawiwilihang Netflix series. Ala-una, tumutok ako sa orientation pero bandang 2:30, inantok ako, kaya pinagbigyan ko. Tutal mapapanood naman iyon sa FB. Naka-live kasi. Panoorin ko na lang uli kapag nahirapan ako sa actual. Past 8:30, nag-biking ako. Pumunta ako sa peryahan. Sa labas lang ako kasi hindi ko puwedeng iwan ang bisikleta ko. Pagbalik ko, nanood uli ako ng 'Lupin.' Interesting kasi ang plot. Pebrero 25, 2022 Dahil holiday ngayon, at kahit naman hindi, talagang asynchronous ang klase, kaya nag-ayos ako sa garden ko hanggang 11:30 am. Hindi ko natapos kasi naglalaba si Emily. Basa ang ibang bahagi ng garden. Hindi ko malinis-linis. Okay lang naman kasi kailangan ko namang magpahinga. Habang nagpapahinga, nanood ako ng 'Lupin.' Past 2, umalis ako para mag-withdraw ng sahod sa work at sa YT. Sa EPZA ako napadpad kasi walang cash ang ATM sa 7 Eleven. Kaya, nakabili ako ng 2 vest jackets sa ukay-ukay malapit doon. Nagpagupit na rin ako. Sa parlor kung saan ako nagpakulay noong December ako muling nagpagupit. Nagandahan kasi ako sa gupit niya. Five na ako nakauwi. Ako ang nagluto ng ulam sa dinner. Tofu-Mushroo Sisig ang niluto ko. After dinner, nagsulat ako ng bagong chapter nang nobela ko. Naisulat ko na ang mga ideya ko. Isiningit-singit ko lang ang panonood kasi nabablangko ako. Pebrero 26, 2022 Maaga akong bumangon para maaga akong makapagsimulang mag-ayos sa garden. Okay naman dahil natapos ko maghapon. Panonood lang ng series ang pahinga ko. Siyempre, pinagbigyan ko ang antok ko. Kalahatiing oras din yata akong nakaidlip. Hindi nga lang ako nakapagbasa, nakapagsulat, at nakapag-illustrate ngayong araw. Eight-thirty, namasyal ako sa peryahan. Marami-marami na ang tao pero kakaunti pa lang ang rides at iba pang attractions. Wala pang bingo at color game. Umuwi ako bandang 9:30. Pebrero 27, 2022 Dahil ginising ako ni Emily para manghiram ng charger, maaga tuloy akong nakapagsimulang maglaba. Maaga rin akong nakapaghanda ng WHLP at nakagawa ng mga dapat gawin about school. Then, hinarap ko ang ini-illustrate ko. Maghapon, andami kong na-accomplished. Sa garden, marami akong natapos gawin at naitanim. Almost done na ang bagong arrangement ko. Nakagawa rin ako ng coco pole. Hindi ko rin siyempre pinalampas ang panonood at pagbabasa. Nakapag-post din ako sa Wattpad ng bagong chapter. Bukas or next day na ako magsusulat ng grades sa card. Sa March 4 pa naman ang issuance. Pebrero 28, 2022 Pagkatapos mag-almusal, nagdilig muna ako. Saka ako umakyat para harapin ang paghahanda ng mga lessons. Pinag-aralan ko nang mabuti. Nag-print din ako ng grades na ililipat ko sa report cards. Habang naghihintay ng time, tinapos kong basahin ang book 2 ng Janus Silang. Kaabang-abang! Kaya naman sinimulan ko rin ngayong araw ang pagbabasa ng book 3 nito. After class, umidlip ako. Nakatulog naman ako kahit paano. After meryenda, nag-gardening na ako. Nang madilim na, tumambay na ako sa garden. Doon na ako nagbasa, nanood, at nag-dinner. Nag-stay ako roon hanggang 10 pm. Kung hindi nga lang malamok, ang sarap sanang tumambay dahil presko at mahangin.

Monday, February 14, 2022

Sanhi at Lunas sa Pangangati ng Tainga (Itchy Ears)

Nanganagati ba ang tainga mo? Don’t worry! Ang pangangati ng tainga o itchy ears ay hindi naman talaga mapaminsala, pero nakakainis, lalo na kung umaatake sa oras ng pagtulog mo. Ang paglulunas ng itchy ears ay nakadepende sa sanhi ng pangangati nito. Bago ko isa-isahin ang mga lunas, alamin mo muna ang mga dahilan kung bakit nangangati ang tainga. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng ear infections. Ang mga bacteria at viruses na kasabay o dulot ng sipon at trangkaso, na nata-trap sa tainga at nagiging tutuli (earwax) ay nagiging dahilan ng ear infection. Ang chronic ear infection ay nangangailangan na ng medical treatment. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng dry ears. Ang mga tainga ng tao ay talagang nagpo-produce ng oil at earwax upang mapanatili itong malinis at malusog. Kapag naglinis kang masyado ng tainga, natatanggal mo ang wax sa tainga at natutuyot ito, kaya nagiging dahilan ng pangangati. May ibang tao na hindi nakakapag-produce ng sapat na wax sa tainga, kaya nagreresulta iyon sa dry ears. Kapansin-pansin ang mga flakes sa paligid ng tainga ng taong may dry ears. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng food allergies. Ang allergic reaction sa isang partikular na pagkain, gaya ng mani (nuts), gatas, isda at iba pang seafood, wheat, soya, at iba pa, ay maaaring magdulot sa tao ng pangangati ng tainga. Bukod sa itchy ears, ang taong nakararanas ng food allergy ay maaaring magkaroon ng pangangati sa buong mukha. Ang iba naman ay nagkakaroon ng hives. Kapag malala na ang allergic reaction, nangangailangan na ito ng immediate medical care and treatment. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng earwax blockage. Ito ay nagaganap kapag naharangan ng namuong tutuli ang tainga. Sa madalas na pagsundot sa tainga gamit ang cotton buds, daliri, o iba pang bagay, nagkakaroon ng earwax blockage. Na-iirritate nito ang ear canal. Natural na nagkakaroon ng tutuli ang tao dahil proteksiyon ito sa panloob na tainga. Kusa namang lumalabas o nahuhulog ang tutuli kapag ito ay natuyo. Subalit, kapag ito ay pumailalim, magdudulot ito ng earwax blockage, na siyang dahilan ng pangangati. Kapag pumailalim ang tutuli, nata-trap ang bacteria sa tainga, kaya nagkakaroon ng ear infection. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng ginagamit na hearing aids. Ang plastic coating ng mga hearing aids ay minsang nagdudulot ng pangangati sa tainga. May mga tao kasing sensitibo ang balat sa naturang materyal. Minsan naman, ang pangangati ay dulot ng tubig na pumasok sa hearing aid. May mga pagkakataon namang hindi wasto ang sukat ng hearing aids sa tainga ng pasyente, kaya nagkakaroon ng pressure at pangangati. Kung mangyari ito, ipaayos agad sa espesyalista. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng swimmer’s ear. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga manlalangoy. Kapag ang tubig ay pumasok at nanatili sa tainga, maaaring magkaroon ng kondisyon na tinatawag na otitis externa (swimmer’s ear). Ang tubig na naipon sa tainga ay mag-mumultiply ng bakterya, na siya namang magdudulot ng impeksiyon sa tainga. Ang swimmer’s ear ay masakit at napakakati sa tainga. Bukod dito, nagdudulot din ito ng sakit sa balikat, mukha o ulo; pamamaga sa paligid ng tainga, pakiramdam na parang barado ang tainga; at kahirapan sa pandinig. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng allergic rhinitis. Ito ay tinatawag ding hay fever. Ito ay nagaganap kapag ang tao ay may allergic reaction sa pollen, dust, smoke, o animal fur. Ang mga ito ay nagiging sanhi ng pangangati sa tainga, mata, at lalamunan, kasabay ng watery eyes, sipon, sakit ng ulo, pagbahing, at paninikip ng dibdib. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng skin conditions, gaya ng psoriasis, dermatitis, at eczema. Bukod sa pangangati, ang taong may ganitong kondisyon ay maaaring magkaroon ng namamagang tainga o mala-kalislis na balat sa paligid ng tainga. Ngayong alam mo na ang mga sanhi ng pangangati ng tainga, dumako na tayo sa paglulunas nito. May mga home remedies akong ibabahagi sa ‘yo. Kung ang itchy ear ay dulot ng paglangoy, makatutulong ang gravity sa pagtanggal sa naipong likido sa apektadong tainga. Ikiling lang ang iyong ulo na ang apektadong tainga ay kahanay sa lupa. Ipasok sa tainga ang malinis na daliri at subukang lumikha ng vacuum upang mailabas ang tubig. Gumamit ng cotton bud o tuwalya upang linisin ang discharge. Maaari ka ring humiga nang patagilid habang may tuwalya sa ilalim ng tainga. Ang remedyong ito ay maaari ding gawin kapag may swimmer’s ear. Ang maligamgam na tubig ay isa ring mahusay na ahente upang maalis ang labis na tutuling nagdudulot ng pangangati sa tainga. I-flush lamang ito sa apektadong tainga. Ang banayad na puwersa ng tubig ay mag-aalis ng earwax. Siguraduhing gumamit lamang ng distilled water. Sa pagsasagawa nito, kinakailangan ng rubber bulb syringe, na nilagyan ng maligamgam na distilled water. Ikiling patayo ang iyong ulo at hilahin ang panlabas na tainga pataas at pabalik upang ituwid ang kanal ng tainga. Gamit ang hiringgilya, dahan-dahang maglagay ng kaunting tubig sa kanal ng tainga. Iwanan ito ng isang minuto at pagkatapos ay alisan ng tubig sa pamamagitan ng pagkiling ng iyong ulo sa tapat. Linisin ang tubig at earwax gamit ang malinis na tela. Makatutulong ang ilang patak ng pinaghalong hydrogen peroxide (agua oxinada) at tubig sa pangangati ng tainga. Tutunawin nito ang namuong earwax. Ang totoo, karamihan sa komersyal na eardrops ay nagtataglay ng hyrdrogen peroxide o kaparehong compound. Subalit ang madalas na paggamit nito ay maaaring magpalala ng pagkatuyo ng balat ng ear canal. Tinutulungan naman ng hydrogen peroxide na tunawin ang namuong tutuli at lumabas sa tainga. Para gawin ito, maghanda ng 1:1 ratio ng hydrogen peroxide at tubig. Gamit ang ear dropper, ikiling ang iyong ulo patagilid at maglagay ng ilang patak ng solusyong ito sa tainga. Panatilihin ang posisyong ito nang ilang oras. Pagkatapos, ikiling ang iyong ulo sa kabaligtaran upang maubos ang solusyon. Punasan ang earwax gamit ang malinis na tela. May kakayahan din ang white vinegar sa paglunas ng itchy ears, lalo na kung ihahalo ito sa rubbing alcohol. Ang suka ang tutulong sa pagtunaw ng earwax. Ang rubbing alcohol ang magsisilbing drying agent at tumutulong sa pagsingaw ng anumang natitirang likido mula sa tainga. Para gawin ito, maghalo ng magkatumbas na dami ng white vinegar at rubbing alcohol. Ibabad ang isang cotton ball sa solusyon. Ikiling ang apektadong tainga pataas, hilahin ang panlabas na tainga pataas at pabalik, at pagkatapos ay pisilan ng 2-3 patak ng solusyong ito sa tainga. Maghintay ng 5 minuto, at pagkatapos ay ikiling ang iyong ulo sa kabilang direksyon habang ang ginagamot na tainga ay pababa upang ang gravity ay makapagsagawa ng pagkilos nito at hilahin ang solusyon at ang wax mula sa lukab ng tainga. Alisin ang earwax sa panlabas na tainga gamit ang tissue. Ang pagsasagawa ng warm compress ay mabisang solusyon din sa pangangati ng tainga. Kung ang dahilan ng pangangati sa tainga ay taghiyawat (acne), mainam gawin ang warm compress sapagkat tinutuyo nito ang acne. Kapag gumaling na ang acne, mawawala na ang kati. Ang init mula sa warm compress ay nakatutulong sa pagbabawas ng pamamaga at pangangati. Pinahihina nito ang taghiyawat, kaya lumalabas ang nana. At nakababawas din ito ng anumang sakit. Para gawin ito, magbabad ng malinis na tela o bimpo sa maligamgam na tubig at pigain nang maigi. Ilapat ang warm compress sa tainga sa loob ng 5 minuto. Pagkatapos, hugasan nang maayos at maingat ang tainga. Isagawa ang lunas na ito dalawang beses araw-araw sa loob ng ilang araw. Ang paggamit ng blow dryer ay makatutulong din sa paglunas ng itchy ears. Nakatutulong ito upang mabilis na sumingaw at mapatuyo ang moisture sa ear canal, na maaaring dahilan ng pangangati. Para gawin ito, hilahin ang iyong earlobe mula sa iyong katawan. Gamit ang blow dryer na humigit-kumulang 10 hanggang 12 pulgada ang layo mula sa iyong tainga at naka-set sa pinakamababang hangin, itutok ito nang direkta sa kanal ng tainga sa loob ng humigit-kumulang 30 segundo. Ulitin ang proseso, kung kinakailangan. Ang paglalagay ng oil sa tainga ay mabisang paraan ng paglulunas sa itchy ears. Ang mga oil gaya ng olive oil, baby oil, virgin coconut oil, o essential oil ay maaaring gamitin. At dahil dealer ako ng First Vita Plus, inirerekomenda ko sa iyo ang Oil of Life. Para gawin ito, humiga nang nakatagilid at nakaharap ang apektadong tainga. Dahan-dahang hilahin ang panlabas na bahagi ng iyong tainga pataas at pabalik. Maglagay ng 2-3 patak ng maligamgam na essential oil sa bukana ng iyong tainga gamit ang isang dropper. Dahan-dahang masahein ang balat sa harap ng tainga upang matulungan ang langis na pumasok. Manatili sa ganoong posisyon sa loob ng 5 hanggang 10 minuto. Punasan ang anumang labis na langis na tumutulo mula sa iyong tainga kapag umupo ka. Ulitin sa kabilang tainga kung kinakailangan. Hayan! Marami ka nang pagpipiliang home remedies. Nakatitiyak akong hindi ka na magiging iritable kapag nangati uli ang tainga mo. Tandaan lang, mas mahalaga pa rin ang prevention kaysa treatment. Kaya, ingatan at alagaan ang tainga. Iwasang mapasukan ito ng tubig. Tigilan ang paggamit ng cotton buds, bobby pins, toothpicks, lapis, ear candles, at iba pang bagay na maaaring makasugat sa tainga o magtulak sa tutuli paloob ng tainga. Uulitin ko, ang earwax ay natural at nakatutulong sa paglilinis ng tainga. Kusa itong lumalabas o nalalaglag kapag natuyo. At ang sobrang pagtanggal ng tutuli ay hindi nakabubuti.

Tuesday, February 1, 2022

Ang Aking Journal -- Enero 2022

Enero 1, 2022 Nanood ako ng movie hanggang 2:30 am at nagising ako bandang 8:25. Pagkatapos mag-almusal, nanood na naman ako. Last day ko na ito para mag-movie marathon. Bukas, schoolworks naman ang aatupagin ko. Nalulungkot lang ako ngayon. Para kasing hindi ako kilala ng mga kapatid ko. Kahit ang may mga utang, wala ring paramdam. May iilan mang nakaalala, pero kakaunti lang. Haist! Naipangako ko na ngayong 2022, magiging maingat na ako sa pagpili ng mga taong tutulungan at pauutangin. Iisipin ko naman ang sarili ko at pamilya ko. Enero 2, 2022 Medyo napuyat ako kaninang madaling araw kasi inisip ko ang problema ni Jhon Felix. Humihingi siya ng tulong sa akin. Gusto niyang magtrabaho since hindi na siya pinag-aral ng kaniyang mga magulang. Kagabi, sinabi ko kay Emily. Baka kako may kakilala siyang naghahanap ng trabaho. Hahanap daw siya. Gusto kong matulungan siya. Pinagdaanan ko rin kasi ang hirap sa pag-aaral at buhay. Mabuti na lang may tumulong sa akin-- ang Sia Family. Kaya, sana magawa ko rin iyon sa ibang tao. Naipangako kong magiging maingat na ako ngayong 2022 sa pagtulong, pero alam kong mabuting tao naman ang gusto kong tulungan. Sana lang payagan siya ng kaniyang mga magulang, na lumuwas at lumayo para mag-work. Pagkatapos mag-almusal, nagtanggal kami ni Zillion ng Christmas decorations. Naglinis na rin kami sa sala. Then, nag-gardening ako. Marami akong nai-repot na cacti. Then, naghanda na ako ng WHLP para bukas. Hindi man ako excited na magbalik in teaching, eager pa rin naman akong magturo at mapatuto ang mga estudyante. Nag-movie marathon pa rin ako maghapon. Need ko lang sulitin ang bakasyon. Sana manumbalik na ang eagerness kong magsulat at gumawa ng vlogs. Gabi, nag-chat si Felix. Hindi raw siya pinayagan ng mga magulang. Sa Lucena na lang daw mag-apply. Kako, sundin niya ang mga ito. Enero 3, 2022 Dahil balik-klase na, bumangon ako bandang 8 am para maghanda ng almusal. Nagsangag ako ng bahaw na kanin. Nagprito ako ng itlog. At dahil may tirang daing na isda, sakto na ang almusal namin! Mahaba pa naman ang oras ko pagkatapos mag-almusal kaya nakapag-relax pa ako. Nanood ako ng Tiktok videos. Pinag-aralan ko rin ang mga lessons ko. Naging maayos naman ang online classes ko. Napansin ko lang na kumonti ang mga estudyante ko sa Buko na pumasok sa online class. Dati mm ore than 15, ngayon 12 na lang. After class, umidlip ako. Five pm na ako bumaba para magmeryenda. Habang nagsasaing, gumawa ako ng activity sa Google Form. Hindi ko na nilagay lahat ng laman ng module. Ang Panimula at Pagtataya na lang ang nilagay ko. Past 9:30 pm, nawala na naman ang internet connection. Nakakabuwisit na ang Converge! Nanonood pa naman ako ng Addams Family. Nakinig na lang tuloy ako sa FM radio. Enero 4, 2022 Bumili na lang ako ng almusal kasi napuyat ako kagabi. Kahit wala nang internet connection, napuyat pa rin ako. Naiinis kasi ako sa service provider. Iniisip at inaalala ko online class. Kaya naman, pagkatapos mag-almusal, naghanap ako ng lokasyon kung saan may signal ang Smart. Baka kako kaya ng data. Marami akong pinuntahan,.pero hindi kakayanin ang Google Meet. Kahit nga ang Messenger, hirap pa. Bandang 10, umuwi na ako. Plano kong makigamit ng wifi kina Ian. Pumayag nga ito at pinapupunta na ako. Good thing, pag-uwi ko, may connection na pala. Nakahinga ako nang maluwag. Nawala ang stress ko. Pero nang nasa klase na ako, isa na namang nakaka-stress na technical issue ang dumating. Mabagal ang net. Kaya naman, hindi kaagad nakakapag-present o share screen. Naabala ang pagtuturo ko. Ten minutes na muna ang lilipas bago makapag-share screen. Hindi ko alam kung bakit magkaganoon. Basta sa lahat ng section, ganoon ang nangyari. Diniskartehan ko na lang para hindi masayang ang oras. After class, umidlip ako. Hanggang past ako nakahiga. After magkape, gumawa ako ng IWAR. Hindi na ako gumawa ng activity sa Google Forms kasi timeline ang layunin. Hindi kakayanin. Sana hindi na maulit ang mga pangyayaring ito. Nakaka-stress! Ang sarap magturo, huwag lang may mga ganitong problema. Enero 5, 2021 Nadiskartehan ko ang Google Meet. Gumamit ako ng laptop para mag-present. Ginamit ko rin ang mobile phone ko para mag-join. Walang echo. Maayos at on time kong naituro ang lesson ko. Medyo boring nga lang kasi pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa binasang teksto' ang lesson. Paulit-ulit lang. Natalakayan na ito dati. Dinagdagan lang ng 'timeline.' After ng online class, hindi ako umidlip. Nag-submit ako ng mga hinihingi-- PDS at summative test results. Nag-update din ako ng IWAR. Hindi na uli ako gumawa ng activity sheet sa Google Forms kasi hindi akma sa lesson. Nanood na lang ako ng movie and later ay naghanda ng hapunan. After dinner, nanood uli ako. Life is good! Enero 6, 2022 Nagdilig ako ng mga halaman pagkatapos kong mag-healthy breakfast. Then, pinaghandaan ko ang online class. Ayaw ko kasing maulit ang nangyari kahapon. Sobrang bagal pa rin ng laptop ko. Mabuti na lang, ready ang cell phone. Nairaos ko ang online class. Hindi ako nakaidlip after class. Gumawa na lang ako ng IWAR at iba pang school report. Then, nanood ako ng movie. Bukas, dahil asynchronous kami, maglalaba ako. Marami-rami ang labahan ko. Tiyak aabutan ako ng hapon. Enero 7, 2022 Past 8, naghahanda na ako ng almusal. Sinimulan ko na ring magpatulo ng tubig sa washing machine. Wala akong inaksayang oras. Nakapagpunas pa nga ako ng sahig sa sala at kusina. Marami akong nilabhan, pero wala pang 12 nn. nang matapos akong magsampay. Hindi naman ako masyadong napagod. Iba talaga kapag masaya ka sa ginagawa mo. Ngayong araw, nagsulat ako ng isang chapter para sa nobela ko. Hapon, dahil asynchronous gumawa at nagpasa ako ng mga hinihinging reports. Naiinis lang akong gawin ang listahan ng magpapabakuna. Walang hiyang iyan! pati trabaho ng ibang department ipinagawa na sa mga guro. Buwisit! Almost 12 mn ko na tuloy nai-post ang isang chapter na sinulat ko ngayong araw. Mabuti, nagawa ko. Sana masundan agad. Enero 8, 2022 Pagkatapos mag-almusal, bumili ako ng sariwang isda. Na-miss ko kasi ang sinabawang isda. Yellow fin tuna sana ang gusto ko, pero hindi na sariwa ang tinda roon, kaya malaking galunggong na lang ang binili ko. Masarap naman ang pagkakaluto ko. Si Ion lang ang hindi naka-appreciate. Kahit ano namang ihain sa batang ito, talagang kakarampot kung kumain. Parang nilalason! Nanonood ako ng movie pagkatapos maligo, kaya lang inantik ako kaya pinagbigyan ko. Past 6, nanood ako ng FB Live ng 20th anniversary celebration ng First Vita Plus, hoping na manalo ako ng prize, like P20k or Ford Mustang. Pagkatapos ng live, feeling disappointed, pero masaya naman kasi maraming bago sa FVP. Nanood uli ako ng movie bago matulog. Bukas, magsusulat naman ako. Enero 9, 2022 Dahil Lunes na naman bukas, gumawa ako ng activity sa Google Forms. Pero, nag-almusal muna ako, nagdilig, naghugas, naglinis sa salat at kusina, at nagtupi ng mga nilabhan. Natapos ko naman iyon bago bandang tanghali. Then, nagsulat ako ng pang-update sa Wattpad Nanonood ako ng movie nang biglang akong inantok, kaya pinagbigyan ko. Pagising ko, sinisipon ako. Masakit sa may ilong. Gabi, pagkatapos kong magluto ng escabeche, naramdaman ko ang isang sintomas ng trangkaso. Parang masakit ang katawan ko. Bigla akong nangamba. Ayaw ko ito. Nine-thirty, mainit na ang leeg ko. Nilamig na rin ako kaya nag-jacket na ako. Dati naman, nakahubad-baro lang ako. Bukas, naka-schedule pa naman ang bigayan ng modules. Kapag hindi ako maging okay, hiindi muna ako pupunta sa school. Ten-forty-five, okay pa naman ako. Kayang-kaya pa. Naisip ko nga baka ma-over fatigue lang ako. Naghawak kasi ako kaninang umaga ng yelo mula sa ni-defrost kong fridge. Hindi pa ako niyon nagkakape. Ten am na ako nakapag-almusal kasi late na dumating ang pina-deliver ni Ion. Andami ko na munang nagawa. Eleven, nilamig na ako nang sobra. Sa bibig na rin ako humihinga. Kaya lagi akong nakanganga. God, please heal me. Enero 10, 2022 Grabeng sakit ng ulo ko buong magdamag! Nawala na ang sakit ng katawan ko, pati ang temperature ko, bumaba na. Ito namang matinding headache ang pumalit. Talo pa ang hangover. Nakatulog naman ako kahit paano, pero sa tuwing gagalaw ako, sumasakit ang ulo ko.. Past 8, bumaba ako. Sinabihan ko si Zillion na may sakit ako kaya asikasuhin niya ang almusal niya. Uminom lang ako ng First Vita Plus. Hindi rin ako nananghalian. Hapon na ako tumikim ng pagkain. Hindi ko pa naubos ang burger. Nagpabili na ako ng gamot, kaya medyo guminhawa ang pakiramdam ko. Kumain na rin kasi ako ng kanin kahit matabang ang panlasa ko. Enero 11, 2022 Hirap na hirap akong matulog dahil sa matinding sakit ng ulo. Parang may buhay na insektong ngumangatngat sa utak ko. Walang epekto ang ikalawang Bioflu na ininom ko. Hindi ako hinainan ng almusal ni Ion. Okay lang naman kasi wala talaga akong ganang kumain. Tanghali na ako kumain ng solid food --tatlong kutsarang kanin, na nilagyan ko ng tubig at asin. Nag-search ako nh home remedies para sa headache. In-apply ko ang apat. Naglagay ako ng esential oil. Nag-massage ako sa mga pressure points. Nagkape ako. At nag-cold compress. Ang lahat ay may panandaliang ginhawa. Na-realize kong dahil sa sipon kaya sumasakit ang ulo ko. Kailangan ko itong matuklap. Binigyan ako ni Kuya Emer ng Cotrimoxazole. Mabuti, dumating siya bandang tanghali. Gabi ko na iyon ininom, pagkatapos kong kumain ng lugaw. Siyempre, hindi nawawala ang First Vita Plus. Enero 12, 2022 Gaya kagabi, nahirapan na naman akong makatulog nang maayos. Sobrang sakit talaga ng ulo ko-- buong ulo. Parang maga. Masakit kahit nasa unan. Mas lalong sumasakit kapag parang tumitibok. Kahit kulang sa tulog, bumangon ako bandang 6 para magsuob at uminom ng gatas. Ilang minuto ang lumipas, nakatulog ako. Past 10 na ako humingi ng kanin kay Ion. Kahit paano, marami na ang nakain ko. Brunch na nga lang. Maghapon akong pinahirapan ng sakit ng ulo ko. Siyempre, absent na naman ako sa online. Past 3, nang wala na si Kuya Emer, bumaba ako . Na-stress ako dugyot na kabahayan. Ang lagkit ng sahig. Ang mga pagkain sa mesa, walang takip. Andaming niluto, hindi naman nagsikain. Pinagalitan ko si Zillion. Pinaglinis ko. Pagkatapos kong magkape, nagdilig ako ng mga halaman. Nakaya ko naman nang hindi nahilo. Nawala nga ang sakit. Naisip ko, sobra lang sa higa kaya sumasakit. Kaya bukas papasok na ako. Gabi, marami na akong nakain. Medyo may discomfort lang sa sikmura ko. Nanibago. Biglang bumigat. Masuka-suka ako pagkatapos kumain. Mabuti na lang, hindi natuloy. Nagsuob uli ako bandang 9pm. Wala na akong ininom na gamot. First Vita Plus Melon na lang. Enero 13, 2022 Nakatulog naman ako dahil nawala na ang sakit ng ulo kahit paano. Kaya lang, naweirdohan ako sa mga panaginip ko. Parang montage ng mga pictures. Nakakasakit ng damdamin ang iba. Sapul sa puso. Minsan, parang pics in one dream. Simula noong magkasakit ako, puro weird ang panaginip ko. Noong isang araw, puro KPop , KDrama, at... basta Korean ang tema. Para akong nagdedeliryo. Nagpaaraw ako sa labas pagkatapos mag-almusal. Okay na talaga ako. Hindi na ako naghahanap ng higaan. Hindi na rin pumipintig ang ulo ko. Ready to teach na! Nagawa ko namang magturo nang maayos kahit hinihingal pa. Ang bilis din ng oras kaya hindi ko naramdaman ang pagod ang antok. So far, hindi pa bumabalik ang appetite ko. Okay lang naman kasi nakakakain na ako kahit paano unlike noong unang araw. Habang nagpapakulo ng tubig para sa kape, naglinis ako sa sala at kusina. Ayaw ko kasi nang marumi at malagkit na sahig. Medyo hiningal lang ako. Ngayong araw, ubo naman ang meron ako. Medyo nahihilo rin ako. Natutuklap na nang paunti-unti ang plema ko. Bukas, maliligo na ako. Andami ko na kasing tigidig sa mukha. Ito ang nangyayari kapag hindi ako naliligo o hindi nababasa ang mukha ko. Enero 14, 2022 Pagkatapos kong mag-almusal, nagdilig ako ng mga halaman. Then, naglinis sa kusina. Medyo nahihilo pa ako, kaya hindi muna ako naligo nang maaga, since 2 pm pa naman ang faculty Enero 1, 2022 Nanood ako ng movie hanggang 2:30 am at nagising ako bandang 8:25. Pagkatapos mag-almusal, nanood na naman ako. Last day ko na ito para mag-movie marathon. Bukas, schoolworks naman ang aatupagin ko. Nalulungkot lang ako ngayon. Para kasing hindi ako kilala ng mga kapatid ko. Kahit ang may mga utang, wala ring paramdam. May iilan mang nakaalala, pero kakaunti lang. Haist! Naipangako ko na ngayong 2022, magiging maingat na ako sa pagpili ng mga taong tutulungan at pauutangin. Iisipin ko naman ang sarili ko at pamilya ko. Enero 2, 2022 Medyo napuyat ako kaninang madaling araw kasi inisip ko ang problema ni Jhon Felix. Humihingi siya ng tulong sa akin. Gusto niyang magtrabaho since hindi na siya pinag-aral ng kaniyang mga magulang. Kagabi, sinabi ko kay Emily. Baka kako may kakilala siyang naghahanap ng trabaho. Hahanap daw siya. Gusto kong matulungan siya. Pinagdaanan ko rin kasi ang hirap sa pag-aaral at buhay. Mabuti na lang may tumulong sa akin-- ang Sia Family. Kaya, sana magawa ko rin iyon sa ibang tao. Naipangako kong magiging maingat na ako ngayong 2022 sa pagtulong, pero alam kong mabuting tao naman ang gusto kong tulungan. Sana lang payagan siya ng kaniyang mga magulang, na lumuwas at lumayo para mag-work. Pagkatapos mag-almusal, nagtanggal kami ni Zillion ng Christmas decorations. Naglinis na rin kami sa sala. Then, nag-gardening ako. Marami akong nai-repot na cacti. Then, naghanda na ako ng WHLP para bukas. Hindi man ako excited na magbalik in teaching, eager pa rin naman akong magturo at mapatuto ang mga estudyante. Nag-movie marathon pa rin ako maghapon. Need ko lang sulitin ang bakasyon. Sana manumbalik na ang eagerness kong magsulat at gumawa ng vlogs. Gabi, nag-chat si Felix. Hindi raw siya pinayagan ng mga magulang. Sa Lucena na lang daw mag-apply. Kako, sundin niya ang mga ito. Enero 3, 2022 Dahil balik-klase na, bumangon ako bandang 8 am para maghanda ng almusal. Nagsangag ako ng bahaw na kanin. Nagprito ako ng itlog. At dahil may tirang daing na isda, sakto na ang almusal namin! Mahaba pa naman ang oras ko pagkatapos mag-almusal kaya nakapag-relax pa ako. Nanood ako ng Tiktok videos. Pinag-aralan ko rin ang mga lessons ko. Naging maayos naman ang online classes ko. Napansin ko lang na kumonti ang mga estudyante ko sa Buko na pumasok sa online class. Dati mm ore than 15, ngayon 12 na lang. After class, umidlip ako. Five pm na ako bumaba para magmeryenda. Habang nagsasaing, gumawa ako ng activity sa Google Form. Hindi ko na nilagay lahat ng laman ng module. Ang Panimula at Pagtataya na lang ang nilagay ko. Past 9:30 pm, nawala na naman ang internet connection. Nakakabuwisit na ang Converge! Nanonood pa naman ako ng Addams Family. Nakinig na lang tuloy ako sa FM radio. Enero 4, 2022 Bumili na lang ako ng almusal kasi napuyat ako kagabi. Kahit wala nang internet connection, napuyat pa rin ako. Naiinis kasi ako sa service provider. Iniisip at inaalala ko online class. Kaya naman, pagkatapos mag-almusal, naghanap ako ng lokasyon kung saan may signal ang Smart. Baka kako kaya ng data. Marami akong pinuntahan,.pero hindi kakayanin ang Google Meet. Kahit nga ang Messenger, hirap pa. Bandang 10, umuwi na ako. Plano kong makigamit ng wifi kina Ian. Pumayag nga ito at pinapupunta na ako. Good thing, pag-uwi ko, may connection na pala. Nakahinga ako nang maluwag. Nawala ang stress ko. Pero nang nasa klase na ako, isa na namang nakaka-stress na technical issue ang dumating. Mabagal ang net. Kaya naman, hindi kaagad nakakapag-present o share screen. Naabala ang pagtuturo ko. Ten minutes na muna ang lilipas bago makapag-share screen. Hindi ko alam kung bakit magkaganoon. Basta sa lahat ng section, ganoon ang nangyari. Diniskartehan ko na lang para hindi masayang ang oras. After class, umidlip ako. Hanggang past ako nakahiga. After magkape, gumawa ako ng IWAR. Hindi na ako gumawa ng activity sa Google Forms kasi timeline ang layunin. Hindi kakayanin. Sana hindi na maulit ang mga pangyayaring ito. Nakaka-stress! Ang sarap magturo, huwag lang may mga ganitong problema. Enero 5, 2021 Nadiskartehan ko ang Google Meet. Gumamit ako ng laptop para mag-present. Ginamit ko rin ang mobile phone ko para mag-join. Walang echo. Maayos at on time kong naituro ang lesson ko. Medyo boring nga lang kasi pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa binasang teksto' ang lesson. Paulit-ulit lang. Natalakayan na ito dati. Dinagdagan lang ng 'timeline.' After ng online class, hindi ako umidlip. Nag-submit ako ng mga hinihingi-- PDS at summative test results. Nag-update din ako ng IWAR. Hindi na uli ako gumawa ng activity sheet sa Google Forms kasi hindi akma sa lesson. Nanood na lang ako ng movie and later ay naghanda ng hapunan. After dinner, nanood uli ako. Life is good! Enero 6, 2022 Nagdilig ako ng mga halaman pagkatapos kong mag-healthy breakfast. Then, pinaghandaan ko ang online class. Ayaw ko kasing maulit ang nangyari kahapon. Sobrang bagal pa rin ng laptop ko. Mabuti na lang, ready ang cell phone. Nairaos ko ang online class. Hindi ako nakaidlip after class. Gumawa na lang ako ng IWAR at iba pang school report. Then, nanood ako ng movie. Bukas, dahil asynchronous kami, maglalaba ako. Marami-rami ang labahan ko. Tiyak aabutan ako ng hapon. Enero 7, 2022 Past 8, naghahanda na ako ng almusal. Sinimulan ko na ring magpatulo ng tubig sa washing machine. Wala akong inaksayang oras. Nakapagpunas pa nga ako ng sahig sa sala at kusina. Marami akong nilabhan, pero wala pang 12 nn. nang matapos akong magsampay. Hindi naman ako masyadong napagod. Iba talaga kapag masaya ka sa ginagawa mo. Ngayong araw, nagsulat ako ng isang chapter para sa nobela ko. Hapon, dahil asynchronous gumawa at nagpasa ako ng mga hinihinging reports. Naiinis lang akong gawin ang listahan ng magpapabakuna. Walang hiyang iyan! pati trabaho ng ibang department ipinagawa na sa mga guro. Buwisit! Almost 12 mn ko na tuloy nai-post ang isang chapter na sinulat ko ngayong araw. Mabuti, nagawa ko. Sana masundan agad. Enero 8, 2022 Pagkatapos mag-almusal, bumili ako ng sariwang isda. Na-miss ko kasi ang sinabawang isda. Yellow fin tuna sana ang gusto ko, pero hindi na sariwa ang tinda roon, kaya malaking galunggong na lang ang binili ko. Masarap naman ang pagkakaluto ko. Si Ion lang ang hindi naka-appreciate. Kahit ano namang ihain sa batang ito, talagang kakarampot kung kumain. Parang nilalason! Nanonood ako ng movie pagkatapos maligo, kaya lang inantik ako kaya pinagbigyan ko. Past 6, nanood ako ng FB Live ng 20th anniversary celebration ng First Vita Plus, hoping na manalo ako ng prize, like P20k or Ford Mustang. Pagkatapos ng live, feeling disappointed, pero masaya naman kasi maraming bago sa FVP. Nanood uli ako ng movie bago matulog. Bukas, magsusulat naman ako. Enero 9, 2022 Dahil Lunes na naman bukas, gumawa ako ng activity sa Google Forms. Pero, nag-almusal muna ako, nagdilig, naghugas, naglinis sa salat at kusina, at nagtupi ng mga nilabhan. Natapos ko naman iyon bago bandang tanghali. Then, nagsulat ako ng pang-update sa Wattpad Nanonood ako ng movie nang biglang akong inantok, kaya pinagbigyan ko. Pagising ko, sinisipon ako. Masakit sa may ilong. Gabi, pagkatapos kong magluto ng escabeche, naramdaman ko ang isang sintomas ng trangkaso. Parang masakit ang katawan ko. Bigla akong nangamba. Ayaw ko ito. Nine-thirty, mainit na ang leeg ko. Nilamig na rin ako kaya nag-jacket na ako. Dati naman, nakahubad-baro lang ako. Bukas, naka-schedule pa naman ang bigayan ng modules. Kapag hindi ako maging okay, hiindi muna ako pupunta sa school. Ten-forty-five, okay pa naman ako. Kayang-kaya pa. Naisip ko nga baka ma-over fatigue lang ako. Naghawak kasi ako kaninang umaga ng yelo mula sa ni-defrost kong fridge. Hindi pa ako niyon nagkakape. Ten am na ako nakapag-almusal kasi late na dumating ang pina-deliver ni Ion. Andami ko na munang nagawa. Eleven, nilamig na ako nang sobra. Sa bibig na rin ako humihinga. Kaya lagi akong nakanganga. God, please heal me. Enero 10, 2022 Grabeng sakit ng ulo ko buong magdamag! Nawala na ang sakit ng katawan ko, pati ang temperature ko, bumaba na. Ito namang matinding headache ang pumalit. Talo pa ang hangover. Nakatulog naman ako kahit paano, pero sa tuwing gagalaw ako, sumasakit ang ulo ko.. Past 8, bumaba ako. Sinabihan ko si Zillion na may sakit ako kaya asikasuhin niya ang almusal niya. Uminom lang ako ng First Vita Plus. Hindi rin ako nananghalian. Hapon na ako tumikim ng pagkain. Hindi ko pa naubos ang burger. Nagpabili na ako ng gamot, kaya medyo guminhawa ang pakiramdam ko. Kumain na rin kasi ako ng kanin kahit matabang ang panlasa ko. Enero 11, 2022 Hirap na hirap akong matulog dahil sa matinding sakit ng ulo. Parang may buhay na insektong ngumangatngat sa utak ko. Walang epekto ang ikalawang Bioflu na ininom ko. Hindi ako hinainan ng almusal ni Ion. Okay lang naman kasi wala talaga akong ganang kumain. Tanghali na ako kumain ng solid food --tatlong kutsarang kanin, na nilagyan ko ng tubig at asin. Nag-search ako nh home remedies para sa headache. In-apply ko ang apat. Naglagay ako ng esential oil. Nag-massage ako sa mga pressure points. Nagkape ako. At nag-cold compress. Ang lahat ay may panandaliang ginhawa. Na-realize kong dahil sa sipon kaya sumasakit ang ulo ko. Kailangan ko itong matuklap. Binigyan ako ni Kuya Emer ng Cotrimoxazole. Mabuti, dumating siya bandang tanghali. Gabi ko na iyon ininom, pagkatapos kong kumain ng lugaw. Siyempre, hindi nawawala ang First Vita Plus. Enero 12, 2022 Gaya kagabi, nahirapan na naman akong makatulog nang maayos. Sobrang sakit talaga ng ulo ko-- buong ulo. Parang maga. Masakit kahit nasa unan. Mas lalong sumasakit kapag parang tumitibok. Kahit kulang sa tulog, bumangon ako bandang 6 para magsuob at uminom ng gatas. Ilang minuto ang lumipas, nakatulog ako. Past 10 na ako humingi ng kanin kay Ion. Kahit paano, marami na ang nakain ko. Brunch na nga lang. Maghapon akong pinahirapan ng sakit ng ulo ko. Siyempre, absent na naman ako sa online. Past 3, nang wala na si Kuya Emer, bumaba ako . Na-stress ako dugyot na kabahayan. Ang lagkit ng sahig. Ang mga pagkain sa mesa, walang takip. Andaming niluto, hindi naman nagsikain. Pinagalitan ko si Zillion. Pinaglinis ko. Pagkatapos kong magkape, nagdilig ako ng mga halaman. Nakaya ko naman nang hindi nahilo. Nawala nga ang sakit. Naisip ko, sobra lang sa higa kaya sumasakit. Kaya bukas papasok na ako. Gabi, marami na akong nakain. Medyo may discomfort lang sa sikmura ko. Nanibago. Biglang bumigat. Masuka-suka ako pagkatapos kumain. Mabuti na lang, hindi natuloy. Nagsuob uli ako bandang 9pm. Wala na akong ininom na gamot. First Vita Plus Melon na lang. Enero 13, 2022 Nakatulog naman ako dahil nawala na ang sakit ng ulo kahit paano. Kaya lang, naweirdohan ako sa mga panaginip ko. Parang montage ng mga pictures. Nakakasakit ng damdamin ang iba. Sapul sa puso. Minsan, parang pics in one dream. Simula noong magkasakit ako, puro weird ang panaginip ko. Noong isang araw, puro KPop , KDrama, at... basta Korean ang tema. Para akong nagdedeliryo. Nagpaaraw ako sa labas pagkatapos mag-almusal. Okay na talaga ako. Hindi na ako naghahanap ng higaan. Hindi na rin pumipintig ang ulo ko. Ready to teach na! Nagawa ko namang magturo nang maayos kahit hinihingal pa. Ang bilis din ng oras kaya hindi ko naramdaman ang pagod ang antok. So far, hindi pa bumabalik ang appetite ko. Okay lang naman kasi nakakakain na ako kahit paano unlike noong unang araw. Habang nagpapakulo ng tubig para sa kape, naglinis ako sa sala at kusina. Ayaw ko kasi nang marumi at malagkit na sahig. Medyo hiningal lang ako. Ngayong araw, ubo naman ang meron ako. Medyo nahihilo rin ako. Natutuklap na nang paunti-unti ang plema ko. Bukas, maliligo na ako. Andami ko na kasing tigidig sa mukha. Ito ang nangyayari kapag hindi ako naliligo o hindi nababasa ang mukha ko. Enero 14, 2022 Pagkatapos kong mag-almusal, nagdilig ako ng mga halaman. Then, naglinis sa kusina. Medyo nahihilo pa ako, kaya hindi muna ako naligo nang maaga, since 2 pm pa naman ang faculty meeting namin. Nagpahinga muna ako. Nang nakaligo ako, gumanda-ganda ang pakiramdam ko, pati ng skin and scalp. Okay naman ang meeting. Mabilis lang. Nakagawa rin agad ako ng IWAR pagkatapos niyon. Five pm na nang bumaba ako para magmeryenda. Nalaman ko kay Emily na may ubo si Ion. Wala na rin itong gana. Nilutuan ko na lang ng lugaw. May tira-tirang adobo, kaya may pampalasa. Tapos, may nilagang itlog. Wala pa rin akong ganang kumain. Nabubusog agad ako, kaya nag-noodles lang ako at fried rice. I hope bumalik na ang appetite ko. After dinner, nagsulat ako ng pang-update sa wattpad. Bandang 9, nai-post ko na iyon. Bukas, magsusulat uli ako. Enero 15, 2022 Sinermonan ko si Zillion habang nag-aalmusal kasi alas-9 na, parang ayaw pang kumain. Kung hindi ko pa tinawag, hindi bababa. Maghapon akong nagbasa at nag-edit ng mga chapters ng isa kong nobela. May isusulat kasi akong madugong kabanata. Kailangang mag-refresh. Umidlip naman ako bandang 2 to 3. At past 6, umalis ako para i-withdraw ang unang 15-30 na salary. Natagalan ako kasi offline ang dalawang ATMs. Nine pm, nagsulat na ako. Medyo naubusan nang idea after ng 300 words, kaya nanood na lang muna ako ng movie. Enero 16, 2022 Ang sarap matulog dahil ang lamig. Pero, kailangang bumangon para makapag-almusal na. Masakit din sa ulo ang pagpipilit makatulog. After breakfast, nagdilig ako ng mga halaman. Then, nagsulat ako. Kailangan kong tapusin ang isang kabanata. Hapon ko na iyon natapos. Saka lamang ako makaidlip. Gabi, editing naman ang ginawa ko. Naisingit ko rin ang panonood at pangungusina. Nakapagpunas din ako ng sahig sa sala at kusina. Enero 17, 2022 Pagkatapos kong mag-almusal, nag-movie marathon ako. Iyon lang ang ginawa ko maghapon, maliban sa pag-idlip. Gabi na ako nag-edit ng novel ko sa wattpad. Sobrang lamig na ng hangin sa labas. Mas mabuting mag-stay na lang sa loob ng bahay. Iwas pa sa sakit. Enero 18, 2022 Nagdilig lang ako ng mga halaman sa umaga, then nag-stay na ako maghapon sa kuwarto. Nakakatamad ang lamig. Ang sarap lang manood ng movie. Nag-edit din ako ngayong araw. Marami-rami rin akong na-edit. Bukas, maglalaba ako. Enero 19, 2022 Past 11:30 am na ako natapos maglaba. Nakapagpunas na rin ako ng sahig sa sala, kusina, at kuwarto ko. Hinarap ko naman ang panonood ng movie. Pagkatapos, umidlip, panonood uli ng movie ang ginawa ko. Gabi na ako nag-edit. Kapag natapos ko ang pag-eedit, magsusulat na ako ng bagong chapter. Patapos na ang academic health break. Parang ang bilis lang ng araw. Enero 20, 2022 Late na kami nag-almusal. Ang sarap kasing matulog. Kung hindi nga lang masama ang mag-skip ng breakfast, baka nakahiga pa rin ako until 11 am. Wala naman along gumawa maghapon kundi mag-edit. Kaunti na lang, matatapos na. Baka sa weekends na ako magsusulat ng bagong chapter. Naisingit ko rin ang panonood ng movie. Masakit din kasi sa utak ang editing. Enero 21, 2022 For the first time, nagising ako bandang 10 am. Ang sarap ng tulog ko. Mababaw at pagising-gising naman ako, pero alam kong nahihimbing ako. Ang sarap! After breakfast, nagdilig ako ng mga halaman. Then, nagtupi ako ng mga nilabahan ko. Isinunod ko na ang panonood. Kailangan kong makakuha ng story ideas sa bagong chapter ng nobelang isusulat ko. Nasimulan ko naman after kong manood ng isang pelikula. Gabi, nagsulat uli ako. Almost done na. Bukas, baka mai-post ko na. Kailangan ko lang pagbutihan ang mga linyahan kasi marami ang umaasa. Enero 22, 2022 Dumating si Kuya Natz bandang 10:30. Nangumusta lang. Binigyan ko siya ng mga halaman. Ngayong araw, nanood lang ako ng movie. Nakapagsulat din ako ng isang chapter ng nobela. Nakapag-edit din ako ng dalawang chapters. At siyempre, naglinis ako sa sala. Nakapag-gardening din ako kahit saglit. Na-enjoy ko ang mga plants. Past 1 na ako natulog. Na-overwhelm ako sa nobela. Nakaka-hook. Sarap isulat ang mga nasa isip ko. Enero 23, 2022 Late na naman ang almusal ko, namin. Ang sarap kasing matulog. Kundi ko nga lang inisip na Lunes na bukas, baka lalo akong tinamad. Kaya, pagkatapos kong magdilig ng mga halaman, gumawa na ako ng WHLP at activity sa Google Form. At dahil ready na ako, nanood naman ako ng movie. Kaya lang, nalaman kong asynchronous pa rin ang klase bukas. Offline learning uli ang mga estudyante. Natuwa ako kahit masasayang ang mga inihanda ko. Okay lang naman. May gagamitin ako sa IWAR. Hapon, nagsulat ako ng bagong chapter. Isiningit ko rin ang gardening bandang gabi. Bago ako natulog, at 1 pm, nanood muna ako sa Youtube. Puyat na naman. Enero 24, 2020 Nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Andami kong nagawa. Pero andami ko pang gustong gawin. Kaya naman, iniwan ko lang sa garden ang mga tools ko. Nakakalat pa ang ilang mga bakanteng paso. So far, marami na akong hanging potted plants. Mas safe na sila sa mga pesteng daga. At dahil asynchronous ang klase, gumawa pa rin ako ng activity sa Google Form, na gagamit ko bukas. Then, nagsulat ako ng bagong chapter. Maghapon din akong nanood ng movie. Then gabi, nakai-post ko nq sa wattpad ang bagong chapter. Enero 25, 2022 Hindi ako nagtanim ngayong araw. Nagdilig lang ako pagkatapos kong mag-almusal, then gumawa na ako ng activity sa Google Form. Naadik ako ngayong araw sa rubic's cube. Nakakabuo na ako ng isang side o kulay, pero hindi nagiging dalawa. Nanood pa mga ako sa YT kung paano i-solve. Ang hirap! After maligo, umidlip ako. Hanggang 4:30 ako sa higaan bago nagmeryenda. Mabuti, may kusa na si Ion. Umoorder na siya. Gabi na ako, nagsulat ng bagong chapter ng nobela ko. Hindi ko nga lang natapos kasi isiningit ko ang rubic's cube. Enero 26, 2022 Napuyat ako kagabi. Hindi problema ang inisip ko. Excited ako sa mga gusto kong gawin. Natatawa ako kasi pati ang pag-solve ng rubic's cube ay pinag-isipan ko. At higit sa lahat na-excite ako sa sinusulat kong chapter ng isang nobela ko. Parang ako ang lead character. Panay ang imagine ko. Kaya naman, 10 am na ako bumangon. Late na rin ang almusal. At hindi na ako nakagawa sa garden. Nanood lang ako sa Tiktok. Then later, nag-rubic's cube na ako. Makakaadik kahit hindi ko mabuo-buo. Alas-6, dahil umaambon, nag-karaoke ako. Wala pang sampung kanta ang na-play ko, na-lowbat na ang speaker. Hindi ko na chinarge. Umiinit na sana ang lalamunan ko. Sa halip, nakipag-chat muna ako kay John Gelix. Baka matuloy siyang makitira rito sa bahay habang naghahanap ng trabaho. Willing naman akong tumulong. Then, nagsulat na ako. Past 11:30 ko na nai-post sa wattpad ang bagong chapter ng nobela ko. Hindi pa rin ako antok. Parang gusto ko pang magsulat. Nai-excite kasi ako sa mga reactions ng mga readers. Na-hohook din sila. Enero 27, 2022 Late na naman ako gumising at nakapag-almusal. Ang sarap kasi talagang matulog. Bumabawi lang din ako sa mga panahong maaga akong magising dahil mainit o kaya ay may lakad. Wala naman akong masyadong ginawa maghapon. Nagsulat lang ako ng nobela. Naglaro ng rubic's cube. Nanood ng Tiktok videos. At bandang 6 pm, lumabas ako para i-withdraw ang PBB. Nag-grocery ba rin ako nang kaunti sa Alfamart. Bandang past 10, inaantok na ako. Hindi kasi ako nakatulog kaninang hapon, since nandito kanina si Kuya Emer. Enero 28, 2022 Kulang ako sa tulog ngayon kasi pineste ako ng itchy ear ko. Kinailangan ko pang mag-reserch sa Google ng home remedy. Oil at bawang ang nilagay ko. Kahit paano, nawala. Nakatulog siguro ako bandang 5 am na. Nagising naman bandang 9:30. Nagdilig lang ako ng mga halaman ngayong araw. Then, nagsulat ako ng chapter ng nobela. The rest, same pa rin ng mga activities ko kahapon. Masyado na akong na-hook sa rubic's cube. Hindi ko pa nga lang nabubuo. Malapit na. Enero 29, 2022 Eight o' clock, gising na ako. Habang nagpapakulo ng tubig na pangkape, sinimulan ko na rin ang paglalagay ng tubig sa washing machine. Kaya naman, past 10, tapos na akong maglaba. Kakaunti lang naman ang nilabhan. Si Ion lang ang maraming damit na isinuot. Ako, halos puro shorts lang. Nag-gardening din ako nang kaunti ngayong araw. Pero ang pinaka-achievement ko ay nakapagsulat ako ngayon ng dalawang chapters ng nobela. Nakaka-inspire kasi ang positive feedbacks ng mga follower-readers ko. Sila ang nagpapasipag sa akin sa pagsusulat. Nanghihingi si Emily ng pamasahe pabalik dito. Hindi ko siya mapagbigyan. Andami pa jolang utang sa akin. Sana naman magtulungan silang magkakapatid. Andami ko nang inilabas na pera last year both sa mga kapatid ko at sa kanya. This time, kailangan kong maging wise. Hindi ko naman tinatae lang ang pera. Kapag ako ang nangailangan, siguradong mahihiya akong lumapit sa kanila. Hindi ko ugaling maakaawa. Kapag ang mga anak ko na ang nangailangan, sino ang makakatulong? Wala. Maraming may utang sa akin. Karamihan, wala nang paramdam. Dalang-dala na ako. Enero 30, 2022 Nag-ayos sa garden. Madugong pag-aayos. Inuna kong linisan ang harapan ng bahay. Binawasan ko ang mga nakapasong halaman, kaya medyo umaliwalas. Hindi ko naman natapos ang nasa loob. Hindi na kinaya ng katawan ko. Pero, masaya ako kasi nakikita kong maganda ang kalalabasan. Nawalan ng tubig. Wala man lang abiso. Four pm na ako nakaligo. At nanood muna ako ng Korean series na 'All of Us are Dead.' Na-hook ako kaya kinalimutan ko muna ang pagsusulat. Enero 31, 2022 Mabuti nagising ako bandang 8:30 kasi may INSET pala. Nakahabol pa naman ako. Umabot pa nga iyon ng 12:30. Hindi naman ako nakinig masyado. Nag-gardening ako habang naka-join. Naririnig ko naman kasi mas pokus ako sa ginagawa ko. Besides, 'Positive Discipline' lang naman ang topic. After lunch, nanood uli ako ng "All of Us are Dead." Tinapos buong maghapon hanggang gabi. Ang ganda kasi! Gabi, iba naman ang pinanood ko. Kumuha ako ng ideya at inspirasyon sa sinusulat kong nobela. Nakakuha naman ako. Bukas, magsusulat na naman ako, since holiday naman bukasm

Friday, December 31, 2021

Ang Aking Journal -- Disyembre 2021

Disyembre 1, 2021
Maaga pa rin akong nagising, kahit kulang ako sa tulog. Ang init kasi kagabi. Kahit si Emily, nahirapan ding matulog nang maaga at mahimbing.

Sinimulan ko kaagad ang paggawa ng digital illustrations ng 'Palaging Panalo si Paolo sa mga Laro.' Nanood din ako ng storytelling ni Ma'am Joann bilang suporta.

Halos maghapon kong ginawa ang illustrations, pero hindi pa rin tapos. Hindi ito dahil sa online class at iba pang school work, kundi dahil madetalye ang mga actions ng lead character. Okay lang naman. Nakaka-enjoy nga e.

Nalalapit na ang pagdalo ko sa kasal nina Ma'am Nhanie and her fiance. Wala pa akong isusuot. 



Disyembre 2, 2021
Naggising ko, nag-open agad ako ng FB ko. Bumungad sa akin ang post ng Lampara. may free writeshop sila. Agad akong nagpa-register. Sinend ko rin kay Ma'am Joann at Ma'am Lea. Nagka-chat kami ni Ma'am Joann kasi sabi ko, nasa biyahe kami habang may workshop. Nalaman mo tuloy na postponed ang kasal ni Ma'am Nhanie kasi may Covid ang groom nito. Nalungkot ako, pero blessing naman sa akin kasi wala pa akong isusuot. Sana lang, makasama ako kapag natuloy na. Aalis pa naman si Emily.

Hinarap ko kaagad ng magpagawa ng illustrations. Nang napagod ang mata ko, naglaba naman ako.

Dahil wala namang pasok, nagawa ko ang mga gusto ko. Nanood ng movie. Natulog. At tinapos ang illustrations. Nine-thirty ng gabi, tapos ko na ring lagyan ng audio. Bukas ko na ia-upload sa YT ko.

Bukas, nasa school ako. Kukunin na rin namin nina Ma'am Joann at Ma'am Lea sa SDO-LRMDS ang certificates at token namin. 



Disyembre 3, 2021
Hindi ako nakapag-storytell kasi walang nag-accept sa akin sa Google Meet link. Napag-alaman naming walang teachers at pupils doon. Kaya, nagpaalam ako kay Ma'am Jackie na bibiyahe na ako. 

Nasa PITX na ako nang nakiusap ako kay Ma'am Joann na saluhin niya ang storytelling ko kasi pumasok na ang mga Grade 1. Mabuti, game at ready siya.

Nag-late breakfast muna ako sa Chowking bago pumunta sa school. Marami nang tao roon. Magulo. Hindi naman agad ako nagsimula. Nakipagkuwentuhan muna ako. 

Nakapagbawas ako ng mga gamit. Andami kong itinapon. Nakakapanghinayang. 

Hindi ako nakalipat ng room, kasi hindi ko natapos. Pagkatapos kasi ng lunch, nagkuwentuhan kaming Grade 4 teachers. Then, ice cream day pa kaya nakigulo ako sa mga ka-Tupa. 

Past 3, pumunta kami ni Ma'am Joann sa SDO-LRC para kunin ang certificates at tokens namin. Andami! Nakakatuwa! Worth it ang hirap namin.

Bumalik ako sa school bandang past 4. Nawala na ang mga kalat kong iba. 

Then, nakipagkuwentuhan ako kay Ma'am Vi bago ako bumaba sa mga ka-Tupa ko. 

Nakisabay ako sa pag-uwi. 

Mas masakit ang ulo ko nang dumating ako sa bahay. Kahit uminom na ako ng First Vita  Plus, hindi pa rin nawala. Itinulog ko na lang. 




Disyembre 4, 2021
Umalis si Emily, kaya tahimik kami ni Zillion maghapon. Nag-gardening ako bago ako nanood ako ng TaRL training. Then, gumawa ako ng illustrations ng Bubot Panot.

Hapon, bandang 2-4pm, nanonood ako sa FB Live ng writing webinar na sponsored ng Lampara Books. Andami ko na namang takeaways! Sulit!  Past 5, TaRL Day 10 naman ang pinanood ko. Sa wakas, natapos din. Hindi ako interesadong ipagpatuloy iyon. Akala nila, may sahod kaming extra. Kung makapag-demand ng rssulta, wagas!



Disyembre 6, 2021
Hindi ko alam kung excited ako or what, basta hindi na ako nakatulog nang nagising ako bandang 1:45. Sa halip na mainis, bumangon ako bandang 3. Nagkape na lang ako. Kaya past 4, nasa biyahe na ako. Past 6, nasa school na ako. Ako yata ang pinakaunang dumating doon. Agad kong sinimulan ang paglipat sa room ni Bes. 

Maraming gamit na naman akong itinapon. Sayang, pero kailangan kong mag-let go. Lesson learned. Hindi na ako magtatabi nang magtatabi ng  mga abubot, kahit learning materials pa. Walang permanente sa school. Laht inililipat.

Muntikan na akong hindi makapag-storytell dahil mahina ang internet connection. Pero, naging matagumpay pa rin naman. Ayaw ko lang ang story. Mukhang hindi masyadong interested ang mga Grade 1. Pagiging handa kasi sa bagyo ang paksa. Gayunpaman, nakasasagot naman sila.

Naging maayos naman ang bigayan ng modules. Kaya lang, kakaunti lang uli ang kumuha. Kakainis! 

Ang maganda pa, nakapag-check ako ng mga modules. Nakapagkuwentuhan din kami.

Past 3, umuwi na kami. Sinabay na ako ni Ma'am Joan sa sasakyan nila. Binaba nila ako sa Gahak.

Antok na antok ako sa biyahe, pero nang dumating ako, hindi na. Nagkape na lang ako. Pagkatapos, gumawa ng Google Form ng lesson. Gumawa rin ako ng IDLAR.

Pagkatapos niyok, nadiskubre ko sa Bilibili apps na may Money Heist Season 5. Pinanood ko iyon. Hanggang 10:45. Ang galing! Kaso, patay na si Tokyo. Pero,.may Volume 2. Aabangan ko.



Disyembre 7, 2021
Pagkatapos ng storytelling, nagdilig ako ng mga halaman. Isinunod ko na ang paggawa ng illustrations. 

Naging maayos naman ang online class namin. Nakakaantok lang kapag vacant period ko. Gustuhin ko mang umidlip, hindi puwede. Isa pa, andaming parents na nag-chachat. 

After class, sinubukan kong umidlip. Kahit paano, nakatulog naman ako. 

After meryenda, gumawa ako ng IDLAR at 
learning material sa Google Form.

Past 6:30, nanood ako ng 'Alice in Borderland Ep. 6. Nang matapos, digital illustration naman. Salitan lang para hindi ako maumay. Pareho ko namang nae-enjoy.



Disyembre 8, 2021
Mainit ang ulo ko nang magising ako kasi may estudyanteng makulit at walang common sense. Kaunting problema, mag-chachat. Nareplyan ko tuloy nang pabalang. Saka, nagsermon ako sa mga parents na hindi nagpapasa ng modules. 

Dahil walang pasok, naituloy ko ang paggawa ng digital illustration. Isiningit ko rin ang panonood ng movie.

Pagkatapos kong magdilig, tinapos ko na ang illustrations. 

Nalungkot at nanghinayang ako sa roundtrip ticket ni Emily. Hindi siya makakauwi sa Aklan. Nagkaproblema sa health requirements. Hindi siya nakapagpasa agad. Haist! Sayang ang pera ko. 




Disyembre 9, 2021
Pagkatapos ng storytelling ko, nanood pa ako ng storytelling nina Ma'am Joann at isa pa naming kasamahan. Then, nadiskubre kong may manuscript submission pala sa Lampara Books na deadline na sa December 31. Agad ko itong ibinalita kay Ma'am Joann. Sasali rin siya.

Bago mag-10:30, nakapag-submit na ako ng entry. Ang kuwentong "Palaging Panalo si Paolo sa mga Laro" ang ipinasa ko. Sana makalusot. Sana ito na ang big break na hinihintay ko. 

Nanood ako ng La Casa de Papel habang naghihintay ng time ng online class.

Naging maayos naman ang online class namin. Medyo slow na naman ang Pinya.

After class, umidlip ako. Mabilis lang. Nanood uli ako ng series paggising ko. Then, at 5 pm, nag-practice kaming Grade 4 teachers ng Christmas carol as Christmas presentation sa December 17. Nakakatuwa ang kantahan namin. 

Gabi, nag-record ako ng audio para sa 'Bubot Panot.' Hindi ko natapos kasi ang ingay ng mga aso. Nanood na lang ako ng finale ng Lasa Casa de Papel. Sobrang ganda! Worth it. Kahit walang sub ang ibang episode, pinanood ko talaga.



Disyembre 10, 2021
Pagkatapos ng storytelling, naglaba ako. Offline ngayon ang klase kaya hindi ako masyadong ngarag. Nainis lang ako sa e-camp ng girl scouts. Hindi naman ako involved, pero okupado pa ako.

Hapon, ginawa ko ang IWAR ko. Gabi, nagsulat naman ako ng kuwento. Natapos ko naman iyon bago ako nanood ng movie. Fulfilled ako ngayong araw. 




Disyembre 11, 2021
Maaga akong nagising para paghandaan ang pagpunta sa binyag ng anak ni Sir Archie, na si Narich Will. Isa ako sa mga ninong.

Nagkasabay-sabay kaming nakarating sa reception venue ng mga kaTupa ko. Balak naming tumulong sa pagluluto o paghahanda, pero inihatid kami ng kapatid ni Sir Archie sa simbahan. Hayun, nakaabot pa kami sa misa. Nakasama rin kami sa photo op.

Ang saya-saya ng kainan at inuman namin. First time naming nakasalamuha si Ma'am Isabel at ang kaniyang fiance. Andami naming tawa. Naroon din sina Sir Vic at Sir Rey. Sayang, wala sina Sir Erwin at Ma'am Mel. 

Nalasing ako sa Red Horse at Alfonso. Mabuti na lang, nakontrol ko. Nagyaya na rin si Sir Joel at nagpresentang ibaba ako sa PasCam. Mabuti na lang dahil nakauwi ako nang maaga. Kailangan kasing mai-print ang mga papeles ni Emily. Bibiyahe siya bukas. Matutuloy rin sa wakas.



Disyembre 12, 2021
Nauna akong magising kay Emily, pero hindi agad ako bumangon. Hinayaan ko muna siyang maghanda sa pag-alis niya. Before 4, bumaba na ako. Past 4, naihatid ko na siya sa tricycle terminal. 

Natulog uli ako pagdating ko. Past 7:30 na ako nagising. Naghanda ako ng almusal. Nagdilig. Naglinis nang kaunti sa kuwarto, hagdan, at sala. 

At para hindi malungkot si Ion, pinag-record ko siya ng audio ng isang storytelling. Natapos naman agad niya. Hindi rin siya nabagot maghapon kasi dumating si Kuya Emer.

After lunch, umidlip ako. Hanggang past 3:30  ako natulog. Not bad. Nakabawi sa puyat. 

So far, okay naman kami ni Ion dito. Tahimik ang buong bahay maghapon. Nakapag-edit ako ng story na sinulat ko kahapon. Nadugtungan ko pa isang chapter ng nobela ko sa wattpad. 




Disyembre 13, 2021
Nagluto ako ng almusal para makapag-almusal nang maayos at sagana si Zillion. Kaya lang, disappointed ako kasi kakaunti lang ang kinain niya. Haist! Siya ang batang hindi mahilig kumain.

Naging maayos naman ang observation sa akin para sa COT. Recorded lang. Parang wala lang. Natural na natural. 

Sinikap kong umidlip after class pero hindi naman ako nakatulog. Nanood na lang ako ng movie at gumawa ng mga schoolwork. Gumawa ako ng learning material sa Google Form.

Gabi, nag-judge ako ng mga tula ng Kindergarten sa GES. Pinakausapan ako ni Ma'am Joann. Nagawa ko naman agad.

After dinner, nanood ako ng movie. Pampaantok. 



Disyembre 14, 2021
Gustuhin ko mang magbabad sa higaan, hindi puwede. Hindi rin naman ako nakatulog uli pagkatapos kong maalimpungatan sa aking panaginip.

Pagkatapos mag-almusal, nagdilig ako. Nakita ako ng tsismoso kong kapitbahay habang nagdidilig nang nakahubad-baro. Nakamotor siya. Pinadiretso niya pa talaga niya sa may malapit sa akin. Aguy!

Makaraos na naman ako sa online class. Ang hirap ipaliwanag ng topic. Paghuhula ang layunin. Sa totoo lang, wala namang sabor. Sinisikap ko ang maging interesting ang talakayan. Haist! 

After online class, hindi naman ako nakaidlip. Gumawa na lang ako ng learning materials para bukas at sa Huwebes. 

Bukas, pupunta ako sa school para magbigay ng modules.



Disyembre 15, 2021
Kulang ako sa tulog kasi na nang nagising ako bandang 1:30 am, hindi agad ako nakatulog muli. Uminom ako ng First Vita Plus, kaya inantok ako. At sa halip na maaga akong aalis, mga past 7 na ako nakabiyahe.

Before 9, nasa school na ako. Nandoon na sina Sir Joel at Ma'am Joan. Inihanda ko ang gifts ko kina Trisha, Aisha, at Maeven. Inaanak ko si Trisha. Storytellers naman ang dalawa.

Walang online class, kaya nag-check na lamang kami ng submitted modules.

Nagkayayaan na magkaroon ng Christmas party kina Ma'am Joan, kaya before 5, nandoon na kami. Nakasama namin si Ma'am Madz.

Inilibot kami ni Ma'am Joan sa mansion niya. Grabe! Limang palapag. Ang ganda! Ang sarap maglagay ng mga halaman.

Masaya kaming nagkainan, nagkantahan, at nag-inuman. Namorblema lang ako kasi hindi kami pinayagang umuwi ni Mr. Remalante. Dapat hanggang 9 pm lang kami. Pinaiwan kaming boys para maka-bonding niya. Napaka-cool naman kasi kaya hindi namin pinahindian. Past 2 na kami natapos.

Hinatid ako nina Sir Joel at Sir Hermie. Tulog na si Ion pagdating namin. Past 3 na kasi iyon.



Disyembre 16, 2021
Past 8 na ako nagising at bumangon. Kahit paano ay nakatulog ako ng ilang oras. Wala akong hang-over.

Bago mag-almusal, nagdilig muna ako.

Ang bilis ng oras! Naramdaman ko na lang na malapit nang mag-12. Mabuti na lang asynchronous kami ngayon. 

Ni-meet ko ang pupils ko nang saglit. Ipinaliwanag ko sa kanila ang dahilan at ang mga gagawin. Hinikayat ko rin silang huwag magpapaputok at mag-ingat sa paputok.

After lunch, umidlip ako. 

Past 2:30, umalis ako para mag-withdraw at mamili ng panregalo sa mga kaTupa ko. Merry-making namin bukas.

Past 5 na ako nakauwi. Andami kasing tao sa    mall. Traffic pa. 

Habang nagkakape, nagbalot ako ng mga regalo. Kung marami lang sanang budget, marami sanang ibabalot. Kaso, andaming gastos ngayong taon. Napunta sa mga kapatid ko ang malaking bahagi ng pera ko. Okay lang naman. Kikitain ko pa naman siguro iyon.



Disyembre 17, 2021
Maaga akong nagising para maghanda ng almusal. Isa pa, may GAD seminar ako bandang 8 bago umalis patungo kina Ms. Krizzy. 

After ng seminar, bumiyahe na ako patungong Pasay. Sa FX na ako nanood ng Christmas presentations ng bawat grade level. 

Third place ang Christmas carol namin. As usual and as expected, ang favorite grade level ang nanalo. But, sabi ng karamihan, kami ang mas magaling. Okay lang naman. May prize naman kaming P1k. Two hundred pesos each kami. Not bad. Katuwaan lang naman 'yon. 

Matagal akong naghintay sa mga kasama namin. Mga ala-una na yata dumating sina Papang at Cinderalla. Kumain na agad kami. Saka naman dumating sina Puts at Melay. 

Ang saya namin. Pero malungkot lang kasi hindi namin nakasalo sina Belinda at Gracia. Dumating sila roon nang nakaalis na kami. Sayang! Hindi rin nila na-enjoy ang exchange gift namin. Natuwa sila sa inihanda kong raffle. Squid game style. 

Past 8 na ako nakauwi. Sobrang traffic kasi. Maaga pa sana kaming umalis kina Ms. Krizzy. Nakakain na tuloy si Ion. Hindi na niya nakain ang take home ko.



Disyembre 18, 2021
Naglaba ako pagkatapos mag-almusal. Past 11:30 na ako natapos. Medyo napagod ako kaya hindi na nakapagluto. Mabuti, nagkusa nang mag-order ng ulam si Ion. 

Alas-tres, umalis ako para mag-withdraw. Pumunta rin ako sa SM Rosario para maghanap ng plantsa na may scanner lang. 
Wala roon. Dati naman noong hindi ko kailangan, meron. Haist.

Past 5:30 na ako nakauwi. Naglakad kasi ako  from SM Rosario hanggang Umboy. Ang haba kasi ng trapik. 



Disyembre 19, 2021
Malakas ang ulan kagabi kaya naglinis na naman ako sa kusina pagkatapos mag-almusal. Then, inayos ko ang cabinet ko. Sa wakas, nagawa ko rin. Para akong nakahinga nang maluwag. Kaya naman, nanood ako ng movies maghapon. May pahinga rin-- luto, ligo, at idlip. 

Bukas, kailangan ko namang magsulat o kaya'y mag-vlog. Dapat araw-araw akong productive. Mabilis lang ang Christmas break. Kailangang sulitin.



Disyembre 20, 2021
Pagkatapos kong magsulat bilang update sa Wattpad novel, nag-gardening ako. Binungkal ko ang kamada ng mga pinagpatong-patong kong kahoy ng paleta dahil marami akong nakitang tainga-daga mushroom. Nakakita rin ako ng dalawang bubuwit, kaya binanlian ko ng mainit na tubig. 

Hindi ko natapps ang pag-aayos, kasi sumakit na ang likod ko. Okay lang naman dahil marami pa namang araw.

Nag-movie marathon ako maghapon. Nakakaadik!



Disyembre 21, 2021
Naglinis ako sa sala, pagkatapos kong mag-almusal. Then, gumawa rin ako sa garden. Kahit paano ay may naiayos ako. Naisingit ko rin ang paglinis nang kaunti sa kuwarto ko bago ako nagpahinga.

Nakapagluto pa ako ng tainga ng daga mushroom sisig style. Ang sarap! Andaming kaning naubos ko. 

Maghapon uli akong nanood ng pelikula. Sa sala ako nag-stay. Mas maaliwalas na kasi. At mas mabango. 



Disyembre 22, 2021
Itinuloy ko ang pag-aayos sa garden. Pero hindi ko pa rin tinapos hindi dahil pagod na ako, kundi para may gagawin ako bukas. Ayaw ko naman kasi ng puro movie marathon. 

Nainis ako kay Ion kasi hindi yata nag-order ng ulam. Ala-una na, wala pa. Nagbukas na lang ako ng tuna. Pagkatapos kumain, pinagalitan ko siya kahit nasa magkabilang kuwarto kami.

Nawala ang inis ko nang nag-movie marathon ako.

Gabi, nag-chat si Epr. Pupunta raw sila rito sa 24. Kailangan kong maghanda ng Noche Buena at siyempre ng gifts.



Disyembre 23, 2021
Kahit napuyat ako kagabi dahil sa ingay ng mga bisita ng kapitbahay ko-- nag-iinuman kahit madaling araw na, bumangon pa rin ako nang maaga. 

Bago nag-almusal, nagpunas muna ako ng sahig sa sala at kusina. Amoy-daga kasi. Siguro, rumampa na naman ang mga bubuwit!

After mag-almusal, nagwalis ako sa labas ng bakod. Sa harap namin natatambak ang mga plastic at kung ano-ano pang basura. Kakainis! Wala talagang disiplina ang mga tao.

Past 8:30, bumiyahe ako patungong EPZA para mag-withdraw. Mabilis ko lang nagawa, kaya nakabili rin agad ako ng pangregalo kay Judilyn. Meron na si Epr. Cash na lang kay Heart.

Then, nag-grocery ako sa Puregold. Kailangan kong mamili at maghanda para sa mga bisita.

Past 10 na ako nakauwi.

Maghapon, movie marathon uli ako. Umidlip lang ako bandang 2:30 to 3:30. Nakakaadik talaga!



Disyembre 24, 2021
Nagdilig muna ako ng mga halaman, saka ako umalis para bumili ng mga prutas at iba pang kailangan sa Noche Buena.

Dumating si Kuya Emer mga past 12. Umalis din siya bandang past 3. Akala ko makiki-celebrate sa amin. Gumawa lang pala sila ni Ion ng buko salad. At kinuha niya lang ang First Vita Plus pay-in form at ang pera.

Past 8, dumating na sina Epr at Judy. Natagalan sila sa PITX dahil napakahaba raw ng pila.

Pagkatapos kumain, nag-inuman at nagkantahan na kami ni Epr. Isingit-singit ko naman ang pagluluto. Carbonara ang naluto ko sa halip na spaghetti kasi wala palang giniling o corned beef man lang. Nailuto ko na pala ang isang lata ng corned beef noong isang araw.

Before 2, tapos na namin ni Epr ang dalawang buti ng RH grande. Hindi na namin ininom ang ikatlo.


Disyembre 25, 2021
Hindi maayos ang tulog ko sa sofa. Gayunpaman, bumangon ako nang maaga para maghanda o mag-init ng mga pagkain.

Ang hina kumain ng mga bisita ko. Andami pa ring pagkain. Parang hindi naman nabawasan. Tapos, past 2:30, umalis na rin sila agad.

Nag-movie marathon ako pag-alis nila. Nakaidlip din ako. 

Gaya dati, marami na namang pagkain sa ref. Pangat na naman ang labas ng mga iyon. Di bale, ang mahalaga ay hindi masayang.




Disyembre 26, 2021
Pagkatapos kong mag-almusal, naglaba ako. Ayaw kong matambakan ng labahan. Dalawa na nga lang kami. Past 11:30 na ako natapos.

Maghapon, nanood lang ako sa Youtube. Hindi tuloy ako makaidlip. Nag-foodtrip din ako.

Gabi, dumating si Kuya Emer. Itinuloy ko ang panonood kahit aaandap-andap na ang mga mata ko.



Disyembre 27, 2021
Nag-init lang ako ng mga tira-tirang handa para sa almusal namin. Lunch na lang ang niluto ko-- tulingan na inadobo sa gata.

Bad trip ngayong araw ang Converge! Alas-tres pasado na bumalik anh internet connection. Sabagay, maganda rin iyon kasi nakapag-soundtrip ako. Natapos ko na rin ang unang book ng 'Diary of a Wimpy Kid.'

At pagkatapos ng meryenda, nag-movie marathon ako. Grabe, nakaka-hook!



Disyembre 28, 2021
Hindi lang pagmo-movie marathon ang ginawa ko maghapon. Mangusina ako. Naglinis sa sala. Nagtupi ng mga nilabhan. Umidlip din ako. Kaya ang sumatotal, happiness! Kay sarap nang walang stressors! Sana mas matagal pa ang Christmas break. Kaya lang, malapit nang mag-resume ang klase. Kailangang sulitin ko na ang mga nalalabing araw ng pahinga sa teaching job. More movies to watch!



Disyembre 29, 2021
Past nine, umalis ako para i-withdraw ang SRI. Pagbalik ko, nagdilig ako ng mga halaman. Then, nagluto ako ng nilagang baboy. Na-miss ko ang luto ko.

Dahil sa sobrang kabusugan, nakaidlip ako. Past 3, nagluto naman ako ang spaghetti. Food trip ngayong araw-- actually, halos araw-araw since Christmas break. Movie marathon din. 



Disyembre 30, 2021
After mag-almusal ng kanin, fried egg, at hotdog, nag-movie marathon na ako. Parang same pa rin ang nangyari kahapon o noong mga nakalipas na araw. 

Ang sarap talaga kapag may pahinga sa work!



Disyembre 31, 2021
Nagdilig muna ako ng mga halaman bago nag-almusal. Then, nanood na ako ng pelikula sa YT. Dahil na-hook ako, past 12 na yata iyon nang naisipang kong bumili ng ulam. Wala akong nabili, kaya dumiskarte na lang ako ng kung ano sa ref.

Maghapon akong nag-movie marathon. Sinasagad ko na bago mag-resume ang klase.

Past 6, lumabas ako para bumili ng pandagdag handa. Kahit dalawa lang kami, mabuti pa rin ang may makakain kami. Marami pang tirang pagkain noong Pasko, like maja, salad, and Graham's cake. Hindi na nga ako nagluto ng pasta. Alam kong mahihirapan lang kaming ubusin.

Habang naghihintay ng Media Noche, movie marathon uli. Hindi ako uminom at nag-karaoke. Wala ako sa mood. 

















Buwaya sa Gobyerno

Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...