Followers

Saturday, February 13, 2016

Lagusan

Sa tapat ng bungalow house, sumilip-silip si Boboy. Tiningnan niya rin ang CCTV sa may poste bago maingat na inakyat ang bakod ng bakuran.

Nang makapasok siya, tinantiya muna niya ang lugar. Nilibot niya ang kabahayan. Naghanap siya ng daanan na maaaring niyang pasukan.

Sa sirang bintana niya napagdesisyunang dumaan, kaya marahan niyang inakyat ang grills. Pinagkasya ang payat na katawan. Hirap na hirap siya. Ang mga gabutil na pawis niya ang tumulong para dumulas ang lagusan, hanggang makapasok siya.

Walang nakakita sa kanyang pagpasok. Alam na alam niya rin na wala nang tao sa loob.

Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang pumasok sa kuwarto at binuksan ang mga drawer. Wala siyang kinuha. Wala doon ang hinahanap niya. Binuksan niya ang cabinet. Suwerte niya! Naroon ang mga susi, nakasabit.

Paglabas niya ng kuwarto, nakasalubong niya ang kanyang ina.

"O, Boboy, nakauwi ka na pala! Saan ka dumaan? Naka-padlock ang pinto, a. Bakit may hawak kang mga susi?" Tumawa ang kanyang ina. Alam na niya ang nangyari.

Si Boboy naman ay halos maiyak sa pagod at inis.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...