"Ang bango naman ng ginigisa mo, Ling!" puri ni David sa kanyang kabiyak habang naghuhugas ng kamay sa lababo.
"Siyempre! Para kay Monique, kaya kailangang pasarapin..." ani Conchita.
Pagkatapos magluto, sinamahan na niya ang asawa sa panunuod ng balita. Tahimik silang nakinig at nanuod, hanggang magsalita si Conchita. "Masaya ka ba sa buhay natin?"
"Oo... A, e... hindi nga, e. Si Monique lang kasi ang kasama natin. Sampung taon na tayong kasal, wala pa rin tayong sariling anak... Nakakalungkot." Hininaan ni David ang volume ng tv. "Ikaw?"
"Sorry, Ling... Hindi kita mabigyan ng anak... Siguro, ganito na lang talaga ang kapalaran natin..."
Maluha-luhang tiningnan ni David ang asawa bago ito sumandal sa kanya. Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay nito at pinisil-pisil. "Okay lang, Ling..."
Saglit na natahimik ang dalawa.
"Ano'ng ulam natin?" tanong ni David.
"Sardinas muna." kaswal na sagot ni Conchita.
"Mabuti pa si Monique..." Natawa siya kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin.
"Mabuti pa si Monique... adobo ang ulam? E, tira-tira naman natin iyon sa ref..."
"Hindi naman 'yun, e... Mabuti pa si Monique, manganganak na."
"Ayaw mo nun? Wala man tayong sariling anak, may mga apo naman tayo..."
"Mga aso nga lang!" Sabay nilang nasambit iyon, kaya nagkatawanan sila.
Followers
Friday, February 12, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment