Ang kabubohan ay nakakalumpo.
Mabuti pa nga ang tinaguriang "Dakilang Lumpo", kahit na lumpo ay may matalas na utak. E ang mga gunggong na komentador, waley!
Paano ba naman hindi ko masasabi ito? E, may isang tao lang na hindi nakakaalam kung bakit laging nakaupo si Apolinario Mabini sa pelikula, nilahat na ang teacher. Ganun? Kasalanan na ng teacher. Agad-agad? Hindi ba dapat ang bobo lang ay ang nagtanong nun sa sinehan pagkatapos manuod? At ang nagsimulang magpost sa social media para siya ay sumikat?
Mabuti pa nga talaga ang lumpo, may isip. Ang taong nagsasabing kasalanan pa ng mga titser kung bakit 'di alam ng mga kabataan na lumpo si Mabini... wala. WTF!
Gamitin kasi ang social media sa tama. Huwag puro negative comment. Magbasa-basa rin pag may time. Huwag maging tanga sa sariling bayan. Kung ayaw mong malumpo ka sa kabubohan.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment