Mali na ba ang magsabi ng totoo
At tama na ang gumawa ng liko?
Nang ang LGBT, sinuntok ng Kamao,
Nanggalaiti ang mga apektado.
'Yan ba ang tinatawag na respeto?
Lalaki ay para lang sa babae
At ang babae ay para sa lalaki.
Bawal ang same sex marriage, e!
Ang Bibliya nito ang nagsasabi.
Naging kasangkapan lang si Manny.
Lapastangan sa batas ng Diyos
Ang pagtanggap sa maling utos.
Nawa'y maunawaan nang lubos,
Gawaing mali, ayaw ng Manunubos.
Anumang mali, 'di dapat irespeto,
Gayunpaman nararapat na itama ito.
Ang nagkasala ay patawarin mo.
Ikalat ang kabutihan sa ating mundo
Nang kahalayan, 'di maging ehemplo
Sa mga kabataan at sa bawat tao.
Tomboy at bakla, ito'y pag-isipan niyo.
Lalaki, sa babae lang ika'y nakalaan.
Gawaing mag-asawa, laging tandaan.
Babae, sa lalaki lang ika'y manilbihan.
Tamang relasyon, laging suportahan.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment