Followers

Friday, March 22, 2019

Driver

Ang driver na hindi nagsusukli ay hindi naman bobo sa Matematika, kundi mapanlamang lang talaga sa kapwa.

Sipsip

Tanong:

Kapag sinipsip ba ng linta ang dugo ko, magkadugo na kami?

unfriend

Bago mo ako i-unfriend 

o i-block sa Facebook, 

siguraduhin mo munang 

hindi mo na ako kailangan.

Hanapin

Huwag mo nang hayaang mawala ang isang tao o bagay bago mo hanapin. 

Pahalagahan mo na kaagad nang hindi na  mawala at hindi mo na hanapin. 

Sunday, March 17, 2019

Ranny Tingi

Tuwing papasok si Ranny sa paaralan, anim na kilometro ang nilalakad niya. Dumadaan siya sa isang sapa. Tumatawid siya sa dalawang ilog. Umaakyat at bumababa siya sa tatlong bundok. Tinatakbo niya ang apat na burol. Tumutulay-tulay, nagpapalipat-lipat, at lumulukso-lukso siya sa limang pilapil. Sa bawat pagpasok niya sa paaralan, hindi lang bag ang kanyang bitbit. May dala rin siyang isang bayong na may lamang paninda—kamote, ube, gulay, at saging. Ibinibenta niya iyon sa kaniyang mga guro sa ikalimang baitang. Sa halos araw-araw na pagpasok ni Ranny, hindi siya nagreklamo o sumuko. Pinahahalagahan niya ang edukasyon. Mataas ang pangarap niya para sa sarili, sa pamilya, at sa kaniyang komunidad. Kaya naman, hangang-hanga sa kaniya si Binibining Nancy Lisa. "Karlo, hindi mo ba talaga titigilan si Ranny? Ano ang masama kung magtinda siya ng saging?" Madalas ipagtanggol ni Binibining Lisa si Ranny kay Karlo. Titigil naman si Karlo, pero kapag reses, tutuksuhin na naman niya si Ranny. "Hoy, Ranny, nilagang saging na naman ang baon mo?!" "Gusto mo?" "Yak! Ano ako, unggoy? Tabi ka nga riyan!" Hinawi ni Karlo ang baon ni Ranny na nasa lamesang kawayan. Nagkandalaglagan iyon. Walang kibong pinulot ni Ranny ang mga nilagang saging. Walang araw na hindi siya inaasar ni Karlo. Minsan, sinasaktan pa siya kapag hindi niya sinunod ang utos sa kaniya, kaya madalas siyang umuuwi nang umiiyak. Wala ring araw na hindi makakapagtumba si Ranny ng puno ng saging. Bago didiretso sa bahay, dadaaan muna si Ranny sa sagingan ng kaniyang ama. Susuntok-suntukin niya ang isang puno ng saging na may bungang nasa hustong gulang na. "Ikaw, ang sama-sama mo sa akin!" sigaw niya sa harap ng puno ng saging, sabay suntok. Halos lumubog ang kamao ni Ranny sa puno. "Bakit? Bakit?" Sunod-sunod na muli niyang sinuntok ang puno hanggang sa unti-unti itong yumuko. Natuwa si Ranny. Naglaho ang mga luha niya. "Bukas, may ibebenta na naman ako." "Saging na naman? Mukha ka na talagang unggoy!" pamimintas ni Karlo kay Ranny. "Gusto mo?" Inialok ni Ranny ang hawak niyang lakatan. Kinuha iyon ni Karlo at idinuldol iyon sa bibig ni Ranny. "Bagay sa unggoy 'yan." Pagkatapos, inihagis niya sa likod ang balat. Hindi nakaimik si Ranny dahil halos mabulunan siya sa isinubong saging. Tawa nang tawa namang tumalikod si Karlo. Hindi lumipas ang kalahating minuto, si Ranny naman ang humagalpak. Nakita niya kung paanong umangat si Karlo sa lupa na parang baboy na inihagis sa ere nang maapakan nito ang balat ng saging. "Aray ko... Walang hiya kang baluga ka! Kapag nakatayo ako rito, yari ka sa akin," banta ni Karlo. Bago pa nakatayo si Karlo, bumalik na si Ranny sa kanilang silid-aralan. Subalit bago naman siya nakauwi, inabangan siya ni Karlo. Galit na galit ito sa kaniya. Noon lamang siya nakakita ng baboy na parang torong nag-aapoy ang ilong. Sinubukan pang tumakbo ni Ranny, pero nagsilabasan mula sa likod ng mga halaman at puno ang mga kaibigan ni Karlo. Nahuli siya ng mga ito. "Tatakas ka pa, unggoy!" sabi ni Karlo habang palapit kay Ranny. "Bitawan ninyo ako. Ano ba ang kasalanan ko sa inyo?" Nagpumiglas siya, pero wala siyang nagawa sa apat na kaklaseng humahawak sa kaniya. "Mamaya, pakakawalan ka nila." Kinuha ni Karlo ang gunting sa kaniyang bag. "Ano ang gagawin mo sa akin, Karlo?" "Kakalbuhin kita, kulot-salot ka kasi." Nagtawanan ang limang kaklase ni Ranny habang nagpupumiglas siya. "Hindi bagay sa unggoy ang kulot na buhok," sabi pa ni Karlo habang ginugupit niya ang buhok ni Ranny. Tumulo nang tumulo na lang ang luha niya kahit alam naman niyang muli siyang tutubuan ng buhok. Nagtatawanan at nagtatakbuhan ang limang bully. Sa sagingan, muling nagpatumba ng puno ng saging si Ranny dahil sa galit niya sa mga kaklase. Bukas, may ititinda na naman siya sa mga guro. Pagdating sa bahay, hindi malaman ni Ranny kung paano itatago ang buhok. "Sino ang gumawa niyan sa 'yo, Ranny?" tanong ng ina. "Wala po." "Wala? E, halos makalbo ka na," sabi naman ng ama. "Sino ang gumupit ng buhok mo?" Matagal bago nakasagot si Ranny. "Si Karlo po." "Naku! Nagpatalo ka na naman sa kaniya. Lagi ka na lang naiisahan. Susunod niyan, ano? Lumaban ka naman, Ranny!" pagalit ng ama. Kinabukasan, hindi pumasok si Ranny sa paaralan. Itininda na lamang niya ang mga saging. Naghanap din siya ng barberong mag-aayos ng buhok niya. Naglakad-lakad si Ranny sa plasa upang magpalipas ng oras. Sa isang bulletin board, nabasa niya ang isang anunsiyo. "Sasali ako!" Sinuntok niya ang kaniyang kamao, saka tumakbo pauwi. Tumakbo siya nang tumakbo. Tumutulay-tulay, nagpapalipat-lipat, at lumulukso-lukso siya sa limang pilapil. Tinatakbo siya sa apat na burol. Umaakyat at bumababa siya sa tatlong bundok. Tumawid siya sa dalawang ilog. Dumaan siya sa isang sapa. Parang hindi siya napagod nang narating niya ang sagingan. Doon, agad niyang pinagsusuntok ang mga puno ng saging. Marami siyang napatumba, bago siya umuwi. Kinabukasan, galit na galit ang ama ni Ranny. "Rannnnny! Sino ang may gawa niyon sa sagingan?" "Ako po," mangiyak-ngiyak na pag-amin ni Ranny. Pinalo si Ranny ng kaniyang ama. "Bakit mo ginawa iyon? Wala pang bunga ang mga iyon." "Sasali po kasi ako sa boksing." "Ha? Boksing? Magboboksing ka? E, hindi ka nga makaganti sa kaklase mo. Tigilan mo nga ako, Ranny, kundi hindi palo lang ang aabutin mo sa akin." Hindi nagpapigil si Ranny sa kaniyang pangarap. Gusto niyang sumali sa boksing sa darating na kapistahan. Dumating ang araw ng pista. Ang boksing ang pinakatampok na paligsahan sa araw na iyon. Pinatawag na ang lahat ng gustong sumali para maipagtambal na ang magkakatimbang at magkakasingtaas. Nagkagulatan sina Ranny at Karlo nang makita nila ang isa't isa. Nanginig bigla ang mga tuhod ni Ranny. Napakain siya ng saging. Napangisi naman si Karlo habang sinusuntok-suntok ang kamao niya. Dahil silang dalawa lang ang batang nakapila, sila ang magkatunggali. Gusto nang umiayaw ni Ranny habang tinitimbang siya, pero naisip niya ang kanyang ama. "In the blue corner, weighing 112 pounds... Karlo Dapig!" sabi ng announcer. Mayabang na umakyat sa ring si Karlo, habang naghihiyawan ang mga manonood. Umalog-alog ang taba nito sa dibdib habang nagsa-shadow boxing ito. And, in the red corner, weighing 45 pounds... Ranny Tingi!" pakilala ng announcer. Nahihiya at nanginginig na umakyat si Ranny sa ring. Narinig at nakita niya ang tawanan ng mga manonood. May masasakit na salita siyang narinig, pero sa halip na masaktan siya, lalong lumakas ang loob niyang talunin si Karlo. Pumagitna na ang referee kina Karlo Dapig at Ranny Tingi. May mga sinabi ito sa kanila, saka pinasimulan ang labanan. Agad na natamaan ni Karlo sa mukha si Ranny. Lumayo muna si Ranny. Pinag-aralan niya ang galaw ni Karlo. Kaya nang lumapit ito, nasuntok niya ito nang sunod-sunod sa panga. Napapalakpak ang mga tao sa ipinakita niyang husay. Tila nag-iba na ang sigaw ng madla.. Inisip ni Ranny ang mga saging na pinapabagsak niya. At tiningnan niya si Karlo bilang puno ng saging at saka siya maingat na sumugod. Pinagsusuntok niya ito. Uppercut dito! Jab doon! Nawalan ng balanse si Karlo bago pa tumunog ang bell. Round 2 na. "Ranny Tingi! Ranny Tingi!" Iyan na ang sigaw ng mga manonood na lalong nagbigay ng inspirasyon sa kaniya. Pumagitna uli ang referee at naghudyat ng pagsisimula. Sumuntok agad si Karlo pero nakaiwas si Ranny. Nagpalipat-lipat si Ranny ng puwesto na parang tumutulay-tulay siya sa mga bato at pilapil. Hindi tuloy makasuntok si Karlo. Hindi nagtagal, nakorner niya ito at agad niyang pinaulanan ng suntok. Jab dito! Uppercut doon! "Whoooooah!" halos sabay-sabay na sigaw ng mga manonood nang matumba si Karlo Dapig. Binilangan ng referee si Karlo, pero hindi na ito nakatayo pagkatapos ng sampu. "The winner by technical knockout is... Ranny Tingi!" sabi ng announcer. Itinaas ng referee ang kamay ni Ranny Tingi, habang nagpapalakpakan at naghihiyawan ang mga manonood. Nakatanggap ng limang libong piso at tropeo si Ranny. Halos hindi rin magkamayaw ang tao sa pagbati sa kaniya. Ang iba ay nagpakuha pa ng larawan na kasama siya. "Ranny Tingi, nakapahusay mong boksingero. Ikaw na ang susunod na pambansang kamao," sabi ng isang lolo. "Salamat po!" Pag-uwi niya, naalala niya ang kaniyang ama at ang mga puno ng saging na pinatumba niya. Nalulungkot siya. Binagalan niya ang paglakad pauwi. Nang makarating siya sa pilapil, naramdaman niyang may parang sumusunod sa kaniya. "Papa?" Nagitla siya at napahinto. "Ranny, anak." Agad na lumapit ang ama. "Papa, nanood ka po ng laban namin?" "Oo. Ang galing mo! Pinahanga mo ako, anak. Pasensiya na kung hinusgahan kita," maluha-luhang sabi ng ama. Hindi na nakapagsalita si Ranny dahil niyakap na siya ng kaniyang ama. "Simula ngayon, magtatanim pa ako ng maraming saging para may pagpraktisan ka," biro ng ama. Natawa na lamang si Ranny kahit kumikislap na ang kaniyang mga mata. "Heto po ang premyo ko. Pambili po natin ng maraming pagkain." Ang ama naman ang natawa pagkatapos tanggapin ng sobre.

Saturday, March 16, 2019

Mga Bulaklak para kay Quennie

Alagang-alaga ni Lolo Tasyo ang mga halaman niya sa kanyang hardin. Umaga at hapon, binibisita at dinidiligan niya ang mga ito. Kaya naman, halos wala nang mapaminsalang insekto ang nakakapanira ang mga dahon at bulaklak. Tanging mga bubuyog at makukulay na paruparo ang bumibisita rito. 


Madalas ding kinakausap ni Lolo Tasyo ang mga ito. Gayunpaman, lahat ng mga kapitbahay ay humahanga sa ganda ng hardin niya. 


Isang hapon, nakadungaw si Lolo Tasyo sa bintana. Tinatanaw niya ang masasayang bulaklak sa kanyang hardin.


Hindi nagtagal, may mga batang babae ang pumitas ng mga bulaklak. Gusto sana niyang sawayin sina Mimay, Joy-joy, Laleng, Manilyn, at isa pa. 


Noon niya lamang nakita ang batang iyon. Siya ang pinakamaliit sa lima. Ang buhok niya ang pinakakaiba. Malungkot ang kanyang mga mata.


“Ayan, Quennie, ang ganda-ganda mo na!” bulalas ni Manilyn nang mailagay nito ang bulaklak sa tainga ng bata.


“Quennie pala ang pangalan niya,” bulong ni Lolo Tasyo. “Kay ganda ng pangalan niya. Bagay na bagay sa kanya.” Nawala ang inis niya nang ngumiti na si Quennie.


Inayos-ayos pa nina Mimay at Joy-joy ang buhok ni Quennie. Si Laleng naman, nilagyan pa ng cosmos sa buhok nito. 


Naglagay din ang apat sa kanilang buhok, kaya lalong lumapad ang ngiti ni Quennie. Hindi nila namalayan na nasisiyahang nakamasid sa kanila si Lolo Tasyo.


Araw-araw, inaabangan ni Lolo Tasyo ang mga batang babae. Araw-araw nga nilang ginagawa iyon. Minsan, rosas at gumamela ang inilalagay nila sa kanilang buhok. Minsan naman, zinnia at sampaguita. 


Lalo tuloy nawiling magtanim si Lolo Tasyo. Sinisikap niyang laging namumukadkad ang mga bulaklak sa hardin upang may mapitas ang mga batang babae.


Isang umaga, nasa hardin si Lolo Tasyo. 


“Lolo Tasyo, puwede po ba kaming humingi ng bulaklak?” tanong ni Mimay, kasama niya si Quennie.


Ngitian muna niya ang dalawa. “Sige, sige, mga apo! Mamili na kayo.”


“Salamat po!” Agad na namili si Mimay.


Nakatayo lang si Quennie. Malungkot siya at malumbay. 


“Ayan! Ang ganda-ganda mo na, Quennie!” puri ni Mimay.


“Oo nga, Quennie, lalo na kung ngingiti ka pa,” sang-ayon ni Lolo Tasyo. 


Pilit na ngiti ang ipinasilay ni Quennie kina Lolo Tasyo at Mimay.


“Lagi kang ngingiti, Quennie, ha? Tingnan mo si Mimay.”


Ngumiti si Mimay saka umakbay kay Quennie. “Salamat po uli sa bulaklak!”


Maligaya na naman si Lolo Tasyo kasi napaligaya niya ang mga bata. 


Araw-araw, humihingi ang mga batang babae ng bulaklak. Kung hindi si Joy-joy ang kasama ni Quennie, si Manilyn. Kung hindi si Manilyn, si Laleng. Madalas, lahat silang apat ang kasama ni Quennie. Lahat sila, pinasasaya nila ang kalaro.


Isang araw, nagtataka si Lolo Tasyo dahil wala ni isa sa kanila ang humingi ng bulaklak. Nalungkot siya at nanghina. Inaalala na lamang niya ang maamong mukha ni Quennie. Naalala kasi niya ang kanyang apo tuwing nakikita si Quennie. 

Kinabukasan, nakadungaw lang si Lolo Tasyo sa bintana, habang pinagmamasdan ang mga halaman at bulaklak sa kanyang hardin.


“Lolo Tasyo, Lolo Tasyo!” humahangos na tawag ni Laleng. Kasama niya si Manilyn.


“O, mga apo, bakit natataranta kayo? Nasaan si Quennie?” nagtatakang tanong ni Lolo Tasyo.


“Pahingi po ng bulaklak para kay Quennie,” sabi ni Manilyn.


“Sige, sige, mga apo! Pumitas na kayo.”


Pinagmasdan ni Lolo Tasyo ang pamimitas ng dalawang bata. Nagtaka siya dahil marami silang pinitas, pero hindi siya nagalit. 


“Salamat po, Lolo Tasyo! Matutuwa po nito si Quennie,” sabi ni Laleng.


“Walang anuman! Balik kayo, kasama si Quennie,” pasigaw niyang sagot dahil nakalayo na ang dalawa.


“Wala na po si Quennie,” tugon ni Manilyn.


Hindi agad naunawaan ni Lolo Tasyo ag sagot ni Manilyan, pero nang makuha niya ang kahulugan, bigla na lang tumulo ang mga luha niya.


Agad siyang bumaba at tumungo sa hardin. Namitas siya ng mga bulaklak. Pagkatapos, hinanap niya ang bahay ni Quennie. 


“Mga bulaklak para kay Quennie,” sabi ni Lolo Tasyo sa mga magulang nito habang palapit siya sa kabaong ng bata. 


Nalaman niyang binawian na ng buhay si Quennie dahil sa sakit na cancer. Muling tumulo ang mga luha ni Lolo Tasyo.

Sunday, March 10, 2019

LiKha

Sa umagang kay lamig

habang kalamna'y nanginginig,

kailangan ang kapeng mainit

at isang ngiting matamis.


----



Panibagong simulain

at panibagong suliranin

ang bubunuin at bubuuin

sa landas na tatahakin.



----


Sa landas nitong buhay,

dapat handang bumaybay.

Sa Kanyang gabay,

ika'y hindi malulumbay.


----



Ang bawat pangarap

ay laging magaganap.

Basta't laging positibo,

iwasang maging negatibo.


-----



May isang kaibigan,

handa kang damayan

sa anumang laban,

lalo na sa kasiyahan.


----



Anumang kabiguan

ang dumating, humarang,

may isa kang tahanang

mauuwian, nag-aabang.


----



Kung pasani'y kay bigat,

pasakit, 'di na mabalikat,

gitara ay ilabas, 

musika ang ipantapat.


----



Sa pag-abot ng mithiin,

pagsisikap ang gawin.

Huwag itong madaliin,

bagkus maging madasalin.


----



Mga ibon sa kapaligiran,

patuloy na ginagabayan

ng Diyos sa kalangitan,

gaya ng mga nasa sanlibutan.


----



Pagsilang at pagtanda

ay parehong mahalaga.

Dapat ang bawat isa

ay laging nakahanda.


----



Wednesday, March 6, 2019

Sutsot

Huwag kang maniwala sa sutsot ng tauhan mo. Nilaglag nga niya ang kasamahan niya, ikaw pa kaya. Hintayin mo dahil ikaw naman ang susunod niyang itutulak pababa. Huwag kang t*nga! Ginagamit ka lang niya para umangat siya. Kapag nangyari iyon, tatawanan ka pa niya. 

Tuesday, March 5, 2019

Ano ang mas Nakakatakot?

Ano ang mas Nakakatakot?


Kung nakakatakot ang masamang anghel na nagkatawang tao,

Mas nakakatakot ang mga taong umaakto na parang demonyo.

 

Kung nakakatakot ang mga nakapaligid na maligno.

Mas nakakatakot ang mga taong gumagawa ng milagro.

 

Kung nakakatakot ang mga nagpaparamdam na multo,

Mas nakakatakot ang katrabaho mong nagpaparamdam lang kapag may kailangan sa 'yo.

 

Kung nakakatakot ang pisikal na kamatayan,

Mas nakakatakot ang taong handa kang saksakin nang talikuran. 

 

Kung nakakatakot ang mababangis na hayop sa gubat,

Mas nakakatakot ang mga taong asal-hayop na nasa siyudad.

 


Alibangbang

Sa madilim na tirahan ako isinilang at lumaki. Masaya naman ako roon dahil kasama ko ang mga kapatid kong binhi na sina Butbot, Kuya Pod, at Ate Syd. Lahat kami ay nangangarap maging matayog na puno pagdating ng panahon gaya ng aming ama. "Naiinip na ako rito. Gusto ko nang lumabas," sabi ko. "Ako nga rin... Gusto ko nang makita ang mundo sa labas," sang-ayon ni Kuya Pod. "Sabi ni Ina, may tamang panahon daw para sa ating paglabas," turan ni Ate Syd, ang pinakamalaki sa aming magkakapatid. "Kailan naman kaya iyon?" tanong naman ni Butbot, ang pinakamaliit sa aming apat. "Oo nga! Hindi na ako makakapaghintay," sabi ko. "Huwag nating madaliin ang paglago natin. Iyan ang madalas sabihin sa atin ng ating mga magulang. Sige na, matulog na tayo," utos ni Ate Syd. Wala kaming nagawa kundi ang matulog nang matulog. Lagi naman kasing gabi sa loob ng bahay namin. Sa paglipas ng mga araw, palaki kami nang palaki. Natutuwa kami dahil nararamdaman na namin ang aming paglabas. Nang bumuka ang mga bubong ng bahay namin. Nasilayan namin ang liwanag sa unang pagkakataon. "Wow, ang ganda!" bulalas ko nang makita ko ang kapaligiran. "Kuya Ben, nasaan ka? Bakit ako, hindi pa nakalalabas? Nasaan sina Ate Syd at Kuya Pod?" sunod-sunod na tanong ni Butbot. "Wala na sila sa kuwarto nila, Butbot. Nakakainis! Hindi man lang sila nagpaalam." "Ha? Paano ako? Iiwanan mo rin ba ako?" malungkot na tanong ng aming bunso. "Hindi kita iiwanan. Aabangan ko ang paglabas mo," sabi ko. "Sige. Pangako mo iyan, ha?" "Oo, Butbot. Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan. Sabay tayong lalabas." Natuwa si Butbot sa pangako ko. Nagtago muna ako sa aking silid. Alam kong hindi magtatagal, bubuka na rin ang silid ni Butbot. Isang araw, humangin nang malakas. Nauga ang tirahan namin. "Butbot, kumapit ka!" utos ko, pero hindi yata ako narinig ng kapatid ko. Ako na lang ang kumapit nang mahigpit. Umihip pa ang hangin. Sa kabila ng aking pagkapit, tinangay pa rin ako palayo. Bumagsak ako sa lupa. "Patawad, Butbot, hindi ko natupad ang pangako ko sa 'yo." Natatanaw ko pa rin ang dati kong tirahan. Ligtas naman ang bunso kong kapatid. Kahit paano maaari pa kaming magkita. Hindi nagtagal, bumuhos ang ulan. Palakas iyon nang palakas. "Ate Syd! Kuya Pod! Nasaan kayo? Natulungan ninyo ako!" Pasinghap-singhap na ako. Marami na akong nainom na tubig, ngunit wala man lang sumaklolo sa akin. Sa malamig at madilim na lugar ako nagising. Basang-basa pa rin ako. Pero lubos ang aking pasasalamat dahil buhay pa ako. "Magandang gabi po, Ginoo!" bati ko sa kakaibang nilalang na mahaba ang katawan at kaya nitong ibaluktot at pahabain. "Magandang umaga!" Nginitian niya ako. "Umaga po pala ngayon." Tumango siya lang "Gusto ko pong makita ang araw. Puwede po ba ninyo akong tulungang makaahon?" sabi ko. Tumawa muna siya nang malakas. Naubo pa nga siya. "Kung gusto mong makita ang araw, manatili ka rito... May tamang panahon para sa paglabas mo." Tinalikuran na niya ako. Para siyang si Ina kung magsalita. Nakakapagtaka talaga. Bakit kailangan ko na namang maghintay? Hindi ko maintindihan. Gusto ko lang namang makita ang mga kapatid ko. Hihingi ako ng tawad kay Butbot at tatanungin ko sina Ate Syd at Kuya Pod kung bakit hindi sila nagpaalam sa amin. Maghapon akong nalungkot. Nasanay na rin ako sa malamig at madilim na lugar na iyon, pero nawalan ako ng pag-asang matupad ko ang pangarap ko. Lumipas ang mga araw. Nakaramdam ako ng pagbabago sa katawan ko. "Magandang araw po!" bati ko sa kakaibang nilalang na mahaba ang katawan. "Magandang gabi!" "Ay, gabi na pala!" Natawa kaming pareho. "May itatanong po sana ako sa inyo, Mang Ano," sabi ko. "Mang Bulate. Ako si Mang Bulate. Ano ang itatanong mo, bata?" "Ben po. Ben po ang pangalan ko... May nagbago po sa akin. Ano po ba ang mga ito?" Sinipat-sipat muna ako ng bulate. "Ugat ang mga iyan." "Ugat? Para saan po ito? Hindi na po ba ako makakaalis dito?" "Malalaman mo ang sagot sa mga susunod na araw." Naiwan akong nagtataka at lalo akong nawalan ng pag-asa. Gusto ko nang kalimutan ang pangarap ko. Gusto ko na ring isipin na hindi na kami magkikita-kita ng nga kapatid ko. Ngunit, isang araw, nasilaw na lang ako ng liwanag mula sa araw. "Yehey! Nakalabas na ako! Nakalabas na ako!" Tumalon-talon pa ako, pero hindi umangat ang katawan ko. Bumagsak ang balikat ko dahil sa panlulumo. "Bakit kasi may ugat pa ako?" Lalo pa akong nalungkot nang hindi ko makita ang dati naming tirahan. Napalayo na ako sa mga magulang ko, gayundin sa mga kapatid ko. "Nasaan na kaya si Butbot?" Nakayuko ako nang mapansin kong may tumubo sa ulo ko. "Ano ito? Ano ito?" Naguluhan at natakot ako. "Ano na naman ang mangyayari sa akin?" Isang malutong na tawa ang narinig ko mula sa isang kakaibang nilalang. "Sino ka? Bakit mo ako tinatawanan?" tanong ko. "Wala lang. Nakakatawa ka kasi. Parang takot na takot ka sa sarili mo." "E, kasi... hindi ko alam kung ano ang tumubo sa ulo ko." "Dahon mo iyan. Unti-unti ka nang lumalago," paliwanag niya. "Dahon? May dahon na ako? Ibig sabihin, magiging puno na ako?" Tuwang-tuwa ako. "Oo, dahon. Magiging puno ka kung makakaya mo ang mga pagsubok," sabi niya. Pagkatapos, gumapang na siya palayo. "Anong pagsubok?" sigaw ko. "Ano ang pangalan mo?" "Kuya Suso!" Narinig ko pa ang sagot niya dahil hindi pa ito nakalalayo. "Ako naman si Ben!" sigaw ko rin. Punong-puno ng ngiti ang mukha ko buong maghapon. Muli kong nasilayan ang ganda ng kapaligiran. Hindi man ako nakakalakad dahil sa mga ugat kong nakakapit sa lupa, nabuong muli ang pangarap kong makikita ko ang pamilya ko. "Magiging puno ako!" sigaw ko. Inunat ko pa ang katawan ko. At naramdaman ko ang bahagyang pagtangkad ko. Mas lumapad din ang dahon ko. Kinabukasan, dumaan si Kuya Suso. Nagbatian kami. Pagkatapos, may napansin siya sa akin. "Wow, dalawa na ang dahon mo, Ben!" "Yes! Dalawa na! Unti-unti na akong lumalago. Kuya Suso, ano po ba ang mga pagsubok na darating sa akin?" "Darating ang mga iyon sa mga panahong hindi mo inaaasahan, kaya lagi kang maghahanda. Mag-iingat ka." Habang papalayo ang suso, nag-iisip naman ako. Hindi ko siya maintindihan. Lumipas ang mga araw. Parami nang parami ang mga dahon ko. Patangkad din ako nang patangkad. Tuwang-tuwa ako dahil mas marami na akong natatanaw. Ngunit isang araw, dumilim ang kalangitan. Alam kong may parating na ulan. Pagkalipas ng ilang sandali, kumulog at kumidlat. Kasunod na ang pagbuhos ng malakas na ulan. Nanginig akong bigla. Sumuray-suray din ako dahil sa pag-ihip ng hangin. "Ama! Ina! Nasaan kayo! Tulungan ninyo ako." Hindi ko na alam kung may luha ba ako. Ang alam ko lang, umiiyak ako sa takot. Mabilis na tumaas ang tubig. Nangamba ako. Ayaw kong maanod at matabunang muli ng lupa, kaya kumapit ako. Noon ko lang nalaman ang halaga ng mga ugat ko. Nakatulong ang mga iyon upang hindi ako tangayin ng baha. Magdamag na umulan kaya lumampas sa pinakatuktok ko ang baha. Nawalan yata ako ng malay kasi paggising ko nakabaluktot ako. Halos mabali ang katawan ko. Nakabagsak sa lupa ang mga dahon ko. Sinikap kong tumayo para sa pangarap ko. Hindi madaling bumangon, pero nagawa ko paunti-unti. Nang nakatayo na ako, naalala ko si Kuya Suso. Tama siya. Dumarating nga ang mga pagsubok sa hindi inaasahang oras. Kaya, lagi na akong mag-iingat. Hindi nagtagal, naalala ko ang mga kapatid ko. "Dumaan din kaya sila sa pagsubok. Nakaligtas kaya sila?" Nalungkot ako. Gusto ko na silang makita. Mas matatag ako sa pagharap sa pagsubok kung kasama ko sila. Lumipas ang ilang araw at gabi. Umulan. Umaraw. Humangin. "Aray!" Napasigaw ako nang isang dambuhalang hayop ang umapak sa sanga ko. Nabali iyon. "Bakit mo ako inapakan?! pasigaw kong tanong, pero hindi niya ako narinig. Nang makalayo ang hayop, tinanggap ko na lang na isa na namang pagsubok iyon. Simula noon, naging maingat na ako. Sinipagan ko ang pagpapalago sa aking mga sanga. Mabilis na dumami ang mga dahon ko. Tumaas pa ako nang tumaas. Ngunit, isang araw, halos masunog ako sa tindi ng sikat ng araw. Wala nang masipsip na tubig ang mga ugat ko. Uhaw na uhaw na ako. Nalalanta na rin ang mga dahon ko. "Ama! Ina! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko. "Uhaw na uhaw na ako." Halos mawalan ako ng malay sa sobrang pagkatuyot ng puno ko. Mabuti na lang ay may hamog sa gabi. Kahit paano, nakakainom ako ng tubig. Lumalambot din ang lupa, kaya nagagawa kong pahabain ang mga ugat ko. Noon ko natuklasan ang kakayahan ng aking mga ugat. Mas marami akong ugat, mas marami akong maiimbak na tubig sa katawan ko. Unti-unting nanumbalik ang sigla ng mga sanga at dahon ko. Tumangkad pa nga yata ako. Mas marami na kasi akong natatanaw. Parang nakikita ko na nga si Ina. Lumipas pa ang mga araw. Dinadapuan na ako ng mga ibon. Masasaya silang naglalaro sa mga sanga ko. "Ina! Narito po ako!" pasigaw kong bati at kaway sa kanya, na sa tingin ko ay lalo siyang tumaas. "Ben, ikaw pala iyan?" sigaw rin ng aking ina. "Mabuti naman, nandiyan ka lang. Nasaan na kaya ang mga kapatid mo?" Nalungkot akong bigla. "Hinahanap ko rin po sila. Pakisabi ko kay Ama, maayos naman ako." Nasa likod lang ni Ina si Ama. Hindi na niya ako nakikita at naririnig, kaya ipinasabi ko na lang ang aking pangungumusta. "Sige, Ben! Mag-iingat ka lagi. Lumaki ka sanang maganda at mabuting puno. Marami ka pang pagsubok na mararanasan. Lagi kang magpakatatag." Nginitian ako ni Ina. Halos mapawi niyon ang kalungkutang naranasan ko simula nang bumagsak ako sa lupa. Sa palagay ko, magiging matatag ako sa mga pagsubok. "Opo, Ina," sagot ko. Nakita ko ang mga lilang bulaklak niya, na animo'y mga paruparo. Napakaganda ni Ina. Isang hapon, nakuha ang atensiyon ko ng sumisigaw na puno. "Huwag! Huwag ninyo akong akyatan!" Nakita ko ang tatlong batang lalaki ang naglalaro sa mga sanga nito. "Bumaba kayo! Baba!" sigaw ng puno. Pero patuloy pa rin sa paglalaro ang mga bata. "Butbot? Butbot?" pasigaw kong tanong. Napalingon sa akin ang puno. "Kuya Ben? Kuya Ben, ikaw nga! Nandiyan ka lang pala." "Oo, Butbot. Natutuwa ako dahil nagkita na tayo. Patawarin mo ako kasi hindi na ako nakapagpaalam sa 'yo." "Wala iyon. Naunawaan ko na ngayon ang buhay natin. Naunawaan ko na ang mga salita ni Ina." "Salamat naman kung ganoon. Isa na lang ang hiling ko... ang makita sina Kuya Pod at Ate Syd." "Sina Ate Syd at Kuya Pod ba? Nandoon sila. Katulad na natin sila. Malalagong puno na rin. Si Ate Syd, namumulaklak na." "Nakakausap mo ba sila?" "Oo, pero kailan ko lang sila nakilala. Grabeng pagsubok kasi ang pinagdaanan ko." "Pareho tayo, Butbot. Mabuti na lang, naging matatag tayo." "Oo nga, Kuya Ben. Akala ko nga, hindi ko na kayo makikita." "Matutuwa sina Ina at Ama kapag nalaman nila ang tungkol sa iyo at sa mga kapatid natin," sabi ko. Hangang-hanga talaga ako sa katatagan ng mga kapatid ko. "Talaga, Kuya Ben? Nakakausap mo sila?" Nakangiti akong tumango. "Nasa unahan ko lang si Ina." "Ikumusta mo ako sa kanila. Mahal na mahal ko sila." "Sige, ikukumusta kita. Ikumusta mo rin ako kina Ate Syd at Kuya Pod, ha?" "Sige, Kuya Ben." Sobra akong natuwa sa mga biyayang iyon. "Salamat sa Diyos! Natupad na ang pangarap ko. Wala na akong mahihiling pa." "Ako rin, Kuya Ben." "Sigurado ka?" Tumango si Butbot. Natawa ako. "Kanina lang, nagagalit ka sa mga bata." Nahiya ang kapatid ko. "Kasi baka mahulog sila at mabakli ang mga sanga ko." "Naku! Kasingtibay ng mga sanga ni Ama ang mga sanga mo, kaya hayaan mo ang mga bata. Patunay lamang iyan na isa kang biyaya sa kanila." "Sige, mga bata, laro lang kayo riyan!" masayang sabi ni Butbot. "Sabihin mo sa kanila, akyatin din nila ako," biro ko. Nagtawanan kami ng bunso kong kapatid.

Sunday, March 3, 2019

Palaging Panalo si Paolo sa mga Laro

Sa baryo ng San Lazaro, ang batang si Paolo ang pinakamahusay sa bawat laro. Hindi siya matalo-talo ng kaniyang mga kalaro. Madalas siyang umuwing masaya dahil sa pagkakapanalo. Kapag uso ang trumpo, lagi siyang panalo. Hindi ito nasusugatan man lang o nabibiyak. Samantalang ang mga kalaro niya ay umuuwing umiiyak. Ang galing pa niyang magpaikot. Kukunin pa niya ito habang umiikot, ilalagay sa palad, at padadaanain sa kaniyang braso. Napapapalakpak tuloy ang kaniyang mga kalaro. Tuwing sila ay maglalaro ng piko, lagi siya ang nananalo. Maraming bahay siyang nabubuo kasi naman parang binubulungan niya ang kaniyang pamato. Madalas, kapag siya ang nauunang tumira, ang mga kalaban niya'y hindi na nakakapaglaro. Ang galing kasi ng kaniyang pamato-- isang makinis, makintab, at flat na bato. Sa habulan, si Paolo ang number one. Para siyang palos. Hindi siya mahuli-huli, hindi mahipo, at lalong hindi mayapos. Kapag Langit-Lupa ang laro, hindi siya maabot ng taya dahil siya'y lumalayo. Sinisigurado niyang hindi siya binabantayan nito. At kapag nataya siya, agad siyang nakapaglalaro. Kapag sila ay nagluluksong-baka, hindi siya natataya. Ang taas kasi ng lundag niya. Tinalo pa niya ang mga palaka. Talong-talo talaga niya ang mga baka. Sa luksong tinik, si Paolo ay may teknik. Laging siya ang tumitira. Hindi siya natataya, pero hindi siya mandaraya. Para siyang kabayo dahil sa taas ng talon niya. Kapag siya ay lumalaban sa sungka, ang panalo ay laging siya. Ang mga bato ay napupunta sa kaniya. Kahit may kakampi pa ang kalaban niya, siya pa rin ang panalong idinideklara. Kapag nakikipaglaro siya ng patintero, hindi siya natataga. Kung tumakbo kasi siya'y parang si Lydia de Vega. At kapag ang grupo niya ang taya, siya ang madalas na nakakataga. Ang husay niyang magbantay. Parang si Lastikman, na humahaba ang mga kamay. Sa tago-taguan, ang husay rin niya. Hindi siya nakikita kahit malapit lang siya sa taya. May lahi yata siyang multo kasi bigla na lang nawawala at susulpot sa dilim. Palibhasa siya ay maitim. Kapag siya ay nakikipaglaro ng sipa, nabuburot ang taya. Ang galing niyang talaga! Parang may isip ang sipa kasi sumusunod sa kaniya. Kaya niyang sumipa-sipa kahit isandaang bilang pa. Tuwing panahon ng yoyo, wala nang mas gagaling pa kay Paolo. Andami niyang alam na tricks at exhibition. Nagagawa niyang palakarin ang yoyo. Kaya niyang ipagbuhol-buhol ang tali nang hindi tumitigil sa pag-ikot nito. May pasayaw-sayaw pa nga siya kapag naglalaro, kaya tuwang-tuwa ang kaniyang mga kalaro. Kapag sila ay naglalaro ng tumbang preso o tumba lata, bihira siyang mataya. Ang tsinelas niya ay parang may mahika. Ang galing niyang tumira. Lumilipad ang lata kapag tinamaan ng tsinelas niya. Kawawa nga ang taya, panay ang habol nito sa lata. Sa larong tatsing, siya ay napakagaling! Sa pagtarget ng mga tansan sa loob ng bilog ay bihasang-bihasa siya. May sikreto yata ang pamato niya. Kaya naman, naiuuwi niya ang halos lahat ng tansan ng kaniyang mga nakakalaban. Sa holen, mahusay rin siya. Kapag ang laro ay karera sa butas sa lupa, lagi siyang nauuna. Kapag ang laro ay parang tatsing, siya pa rin ang bida. Kaya naman, may koleksiyon na siya ng mga holen. Umabot na iyon sa walumpu. Magkakaiba ang mga kulay niyon at disenyo. Sa siyato, siya lagi ang kampeonato. Sa husay niyang maglaro nito, iniisip tuloy ng kaniyang mga kalaro na marunong din siya sa tsako. Sa isang tira, nakakatatlo siya bago niya mapalayo. Ang lakas niyang pumalo. Umaabot ng limang metro ang madalas bilangin ni Paolo. Kapag sila ang taya, madalas siya ang tagasalo. Kaya ang iskor ng kalaban nila ay malayong-malayo. Ang parusa pa naman ay tatalon-talon nang malayo. Pagdating sa teks, ang may pinakamaraming koleksiyon ay si Paolo. Pambihira kasi ang kaniyang pamato. Para itong manghuhula dahil laging naiiba. Kaya naman, ang galing niyang magbilang. "Isa, dal'wa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu, cha!" Ganyan din ang bibilangin ng dalawa niyang kalaban. Meron na kaagad siyang apatnapu't dalawang teks. Ang sampu't cha kasi ay katumbas ng dalawampu't isa. Kampeon din si Paolo sa goma. Bawat pagsipa niya sa mga binuhol na goma, marami ang makakawala. Gamit ang hinliliit sa paa, kukuhitin naman niya nang paisa-isa ang mga nakaambang goma. Madalas nauubos niya ang mga iyon, bago pa makatira ang kalaro niya. Pag-uwi niya, nakatirintas pa ang mga goma. Isasabit niya iyon sa kaniyang balikat, kaya para siyang si Zuma. Kahit sa Chinese garter, hindi nagpapatalo si Paolo. Ang galing pa rin niya kahit talagang pambabae ang larong ito. Sabagay, hindi lang naman siya ang nag-iisang lalaki. Naglalaro rin sina Nepthali at Isagani. Sa hula hoop, ang galing din niyang kumembot. Tinalo niya pa ang katawan ng bulate sa sobra nitong lambot. Sa loob ng labinlimang minuto ang hula hoop ay nananatili pa ring umiikot. Sa jackstone, lagi rin siyang panalo. Kahit ang mga babae, kaniya pang natatalo. "Ang laki kasi ng kamay mo." Madalas, si Athena ang nagrereklamo. "Hindi, ah! Madiskarte lang talaga ako. Sa bawat laro, hindi lang galing ang kailangan mo," sabi ni Paolo. "Ano pa?" tanong ni Athena. "Talino!" mabilis na sagot ni Paolo. Marami pang laro ang nilalaro ni Paolo. Madalas siyang manalo at bihira matalo. Minsan, wala nang gustong makipaglaro kay Paolo. Siya kasi lagi ang nanalo. Bihira siya maging taya, kaya laging siya ang naglalaro. "Sali naman ako sa inyo," pakiusap ni Paolo. "Huwag na," sabi ni Nepthali habang nakanguso. "Oo nga! Lagi ka na lang panalo," sang-ayon ni Isagani, sabay layo. "Halika, Nepthali, doon tayo." Nalungkot si Paolo. Nanghinayang siya sa mga gagambang nasa loob ng posporo. "Wala nang gustong makalaro ako. Sige, pakakawalan ko na lang kayo." Pauwi na sana si Paolo nang tinawag siya ni Athena, na nasa malayo. "Paolo, halika, laro tayo!" Nakangiting lumapit si Paolo. "Talaga? Gusto mo akong isali sa laro ninyo?" "Oo naman. Hindi ba, mabait ka namang kalaro?" Tumango-tango si Paolo. Nang nasa bahay na siya ni Athena, nakilala ni Paolo ang kanilang kalaro --si Andrea, kapatid nitong bunso. "Ano ang ating laro?" tanong ni Paolo. Ngumiti muna si Athena, saka tiningnan ang kapatid niya. "Mayroon kaming paperdolls, Barbie dolls, rag dolls, at iba pang manika. Mamili ka." "Yay! ang sabi ni Paolo. "Hindi na! Uwi na ako, Athena." Tawa nang tawa sina Athena at ang kapatid niya.

Ang Aking Journal -- Marso 2019

Marso 1, 2019 Wala pa ring epekto sa VI-Love ang pananahimik ko. Hindi sila makuha sa titig at simangot. Naaasar na nga ako. Gusto ko na namang magwala. Wala ring nagawa nang lumabas ako at binahsak ko ang pinto. Naririnig ko pa rin ang ingay nila. Mabuti na lang, kinuha sila ng PE teacher. May issue na naman sa school kanina. Si Sir Joel at Ma'am Venus na naman ang involved. Tungkol iyon sa post at comments nila. Raffle ticket ang pinagmulan, which is may pinanghuhugutan naman talaga. Kahit ako nagkomento. Nakakainis ang 'good as sold.' Hindi puwedeng isauli. Abunado lagi ang guro. At ang nakakainis, hindi naman inaanunsiyo kung may nanalo ba o wala. Umuwi ako nang maaga. Ang dalawa namang involved, kasama sa mga pinatawag para i-meeting. Nahulaan ko agad ang agenda. Nakakatawa talaga ang leadership ng principal. Pumapatol sa mga mabababaw na issue. Hindi na lang magbago at ipakitang hindi siya iyon. Kailangan talaga niyang ipaalam sa lahat na apektado siya. Ang sarap tuloy asarin. Natuwa ang mag-ina ko nang pinasalubungan ko ng pizza. Nag-request kasi si Zillion niyon. Gamot niya sa ubo. Hapon, marami akong nagawa. Nagbasa. Nagdilig. Nag-edit. Gabi. Itinuloy ko ang pag-edit. Nakapagsulat din ako ng isang sanaysay. Marso 2, 2019 Hindi talaga ako sanay matulog nang matulog kahit walang pasok. Maaga pa rin akong bumangon. Pero, hindi bale, worth it naman. Nag-gardening kasi ako. Napaganda ko lalo ang garden namin. Pinaliit ko ang entrance. Masyado kasing nakabuyangyang ang pinto namin sa kalsada. Naglinis din ako ng banyo. Nagluto. Naglinis ng aquarium. Nagbasa. Nagsulat ng kuwento. Umidlip. Ang sarap magbakasyon! Kaya lang, hindi ko na naman napuntahan si Mama. Sana okay lang siya. Alam ko, inaasahan niya ang pag-uwi ko roon dahil bukas ni Zildjian. Kaya lang, hindi na kaya ng budget. Sana maunawaan niya ako, at ng anak ko. Alam ko ring hindi pinababayaan ni Taiwan si Mama. Marso 3, 2019 Excited akong nag-gardening pagkatapos naming mag-almusal. Gusto ko kasi ang bagong landscape ng garden namin. Parang mas lumawak. Kapansin-pansin tuloy ang tila pagdami ng mga halaman ko. Nag-edit ako ng akda ko ngayong araw. Although, wala pa kaming internet, naaliw naman ako. Nakapagsulat din ako ng kuwentong pambata. Birthday ngayon ni Zildjian. Nakakalungkot kasi hindi ko nanaman siya napadalhan ng pera o kahit pang-cake. Hindi sapat na binati ko siya sa Facebook, lalo na't hindi niya pa iyon nababasa. Hindi bale, makakabawi rin ako. Marso 4, 2019 Hindi ko pa rin kinikibo ang advisory class ko, pero nagsulat ako ng lecture sa board. Naroon nang lahat ang kahulugan, halimbawa, paliwanag, at panuto. Gumawa naman sila nang tahimik. May iilan-ilang maingay. Wala pa rin talaga silang pakiramdam. Nagturo ako sa VI-Faith. Pagkatapos, wala na. Magulo na ang schedule. Hindi rin ako nagpursigi kasi sobrang sakit ng ulo ko. Hanggang pagbiyahe ko pauwi, masakit pa rin. Naaalala ko, kahapon ng umaga pa kasi ako huling nagkape. Iyon ang madalas sanhi ng pagsakit ng ulo ko. Nag-Milo lang kasi ako kaninang umaga. Gayunpaman, nagawan kong sulatan ng details ang Form 137 ng VI-Love. Sa susunod, mag-iinput na ako ng grades. Kailangan ko kasing tulungan si Ma'am Mj sa kanyang thesis kaya kailangan kong maging magkaroon ng free time. Nawala naman ang sakit ng ulo ko pagkatapos kong makapagkape. Kaya, nakapagdilig ako ng mga halaman, nakagawa ng LM, at nakapagbasa. Bukas, sana inspired na ako. I hope rin na makaramdam na ang advisory class ko. Marso 5, 2019 Hindi man ako nagturo sa advisory class ko, nagpa-seatwork naman ako. Nagturo siyempre ako sa ibang sections. Wala pa ring nagso-sorry sa klase ko. Hindi ko naman sana hangad iyon. Pagbabago nila ang hinihintay ko. Pero, wala yatang nais magbago. Palala sila nang palala. Well, nag-eenjoy ako sa pananahimik. Hindi ko naman kawalan iyon. Nasi-save ko pa ang boses ko. Hindi rin ako naha-highblood, since hindi ko kailangang magsawaay, sumigaw, at magalit. Speaking of professionalism, hindi ako pinatawag ng principal. Gusto ko sanang kausapin niya ako gaya noong Friday, kung saan pinatawag niya ang mga guro na nag-post at nag-comment sa post tungkol sa kanya. Ginawa ko iyon kagabi. Na-trigger dahil kay Ma'am Venus, pero hindi ako pinatawag. Sayang! Anyways, marami akong nais ipayo sa kanya. She is not a good leader. She still needs seminar about leadership. Hindi agad ako umuwi after class dahil kinabitan ng sticker ang chalkboard ko. Whiteboard na. Budgeted iyon ng city hall. Past 4 nang nakauwi ako. Sinikap kong makaidlip pero nabigo ako. Nag-gardening ako, instead. Ang saya mag-gardening! Nakakawala ng pagod at problema. Gabi. Nagpaalam si Emily kung puwede siyang magbakasyon. Nainis ako kahit pinayagan ko siya, pero later nasabi kong sayang ang gastos ko sa workshop ni Zillion kung lalayo lang sila at ihihinto ang nasimulan. Noong una, nagrarason pa siya. Mali raw ang pagkasabi ko. Hindi ako nagpatalo. Sayang naman talaga kasi pinuhunan ko ang bata tapos magpapahinga lang sila sa bakasyon. Sinabi kong dapat pampaopera na lang ng mata iyon ni Mama. Pinayuhan ko rin si Zillion. Sabi ko, magkaroon siya ng inspirasyon, gaya ng Lola Enca niya. Ang pagkakaroon ng inspirasyon ang tutulong sa kanya para hindi kaagad sumuko kapag napagod, nasaktan o nabigo. Gaya ko, nagkatoon ako ng inspirasyon kaya naabot ko ang mga pangarap ko. At patuloy ko itong isasagawa kasi patuloy akong nangangarap. Marso 6, 2019 Ganoon pa rin ang nangyari kanina. Walang pinagbago, maliban sa nakita ko talaga ang kadugyutan ng mga estudyante ko. Hindi pinunasan ang lamesa. Hindi nagtapon ng basura. Hindi isinauli ang mga sandok sa canteen. Hindi maayos ang pagkakalinis ng silid. Andaming naiwang gamit at maliliit na kalat. Atbp! Umuwi rin ako kaagad. Wala akong planong maglinis. Gusto kong makita iyon ng mga magulang nila. Sa huling meeting ko with parents, malalabas talaga ako ng mga hinanakit ko. Bumili ako ng books sa Booksale. Pitong piraso ang napili ko for P95 only. Ang gaganda! Kung marami lang akong pera, mas marami sana akong nabili. Gusto ko lang kasing magbasa, since nabasa ko na halos lahat ang mga books na huli kong binili. Past 5:30, nag-gardening ako. Hindi ako mapakali sa arrangement ko. Maglilipat at maglilipat talaga ako ng mga nakapasong halaman every time na makikita ko ang mga iyon. Laging may changes. Okaya ang naman. Napapaganda naman nang husto. Napag-aaralan ko kasi ang mga kakulangan at kailangan ng mga tanim. Gabi. Nag-edit ako nang kaunti. Nag-journaling din ako. Nakapagbasa pa ako ng isang children's storybook bago nahiga. Feeling fulfilled! Hindi nga pala ako nakasama sa pictorial ng faculty. Nagmadali kasi akong umuwi. No regrets. Marso 7, 2019 Nagsimula na kanina ang periodic test para maaga naming ma-compute ang mga grades ng graduating class. Maayos naman ang sistema. Natakot ko sila sa mga isinulat kong minus points. Pero, may mangilan-ngilan talagang matigas ng ulo. Maingay pa rin. Anyways, nakagawa ako ng kung ano-ano habang nagbabantay sa kanila. Lumaya ako kahit paano. How I wish mabilis nang lumakad ang mga araw para graduation na. Ang sarap nang magbakasyon lalo na't hindi na ako masaya sa VI-Love. Feeling ko, hindi ko sila naturuan ng tamang pag-uugali. Nakaka-disappoint. After class, nag-bonding kaming advisera at MT namin habang nagla-lunch. Masaya iyon. Nagpalitan pa kmi ng kurokuro. Pauwi na sana ako at past 1:30 nang mapadaan at mapakuwento ako sa Kinder. Napag-usapan namin ang mga baluktot na gawain ng mga kasamahan namin. Nahikayat ko silang tumanggi sa utos ng lider kapag naramdaman nilang ginagamit lang sila. Past 4 na ako nakauwi. Pagkatapos kong magmeryenda, ginawan ko si Zillion ng bahay, gawa sa karton. Kinulayan niya iyon ng water color. Na-enjoy niya iyon. Balak kong gumawa ng village para sa mga toy cars niya at mga tao-tauhan. Marso 8, 2019 Naaliw ako kahit paano sa maikling bonding namin nina Papang at Ms. Kris. Nakawala ang mga tawa ko dahil sa kulitan at kuwentuhan namin. Nakatakas ako sa advisory class kong walang respeto at disiplina. Kahit may exam sila, maiingay pa rin at magugulo. Nakakasawang magsaway at magsermon. Mas maigi pang manahimik na lang. Kahit paano, effective naman ang titig at katahimikan. After class, nag-meeting kami para sa graduation rite. Kasama namin ang tatlong MTs. Okay naman ang meeting. Walang parinigan. Walang nagbanggit ng tungkol sa mga isyu. Siguro, naramdaman nilang nakahanda akong umalma at labanan sila. Alas-tres na natapos ang meeting. Dalawang oras din pala iyon. Past five na ako nakauwi. Marso 9, 2019 Naging produktibo ngayon ang araw ko. Naglinis ako sa kuwarto. Nag-gardening. Naglinis ng kulungan ng aso. After lunch, siesta naman. Nakakainis lang dahil nagkakarpintero ang kapitbahay namin sa duplex. Ang inis! Hindi ako nakatulog nang mahimbing. Apektado rin ang tulog ni Emily. Gabi, pagkatapos kong magdilig, nag-arts naman ako. Miniature na sala set ang ginawa ko. Parang tunay iyon sa picture. Nag-edit at nag-post din ako ng 'Redondo.' Sumakit lang ang mga mata ko, kaya tinigilan ko na agad. Bukas, aalis ang mag-ina ko para sa workshop. Marso 10, 2019 Pagkaalis ng mag-ina ko, nag-exercise muna ako. Ang pag-aalmusal ang isinunod ko. Then, sunod-sunod na ang action. Linis. Gardening. Paligo ng aso. Nagbenta rin ako ng yelo at ice candy. Hapon. Umidlip ako. Paggising ko, gumawa ako ng zine. Handmade lang iyon. Naabutan nga ako ng mag-ina ko. Mga past 4 iyon. Nainis ako bago natulog. Hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo ko. Napakitaan ko tuloy ng hindi maganda ang wifey ko. A, baka pagod lang ako. Maaga akong umakyat, nagpatay ng ilaw sa kuwarto, at nahiga. Bukas, sana okay na ako. Marso 12, 2019 Ikalawang araw ng walang pasok. Sabay-sabay uli kaming nag-almusal nina Ma'am Vi at Ma'am Madz. Pagkatapos, gumawa na kami sa taas. Na-encode at na-iprint ko ang ranking of honors, pero hindi muna pinirmahan ng principal. Hahanap daw siya ng format. Pagkatapos niyon, naghanda naman kami ng para sa IPCRF. Na-inspire akong gumawa niyon nang makita ko silang dalawa. Nakapag-photocopy na rin tuloy ako ng mga certificates ko for plus factor. One, after lunch, umuwi na ako. Past 3 na ako nakauwi. Nakaidlip pa ako kahit paano. Then, nag-gardening ako. Nawala ang stress at pagod ko. Kung hindi nga lang malangaw at malamok, matagal akong mag-i-stay sa garden. Gabi. Nag-color naman ako ng mandala. Isa rin ito sa nakakawala ng stress. Kaya lang, bago ako natylog, na-stress ako kay Emily. Tanungin ba naman ako ng "May ipapalaba ka ba bukas?" Kailangan pa bang itanong iyon? E, samantalang may laundry basket naman ako. Sa palagay ko tuloy, ayaw niyang labhan ang mga damit o at nagbibilang siya ng trabaho. Sapatos ko nga, hindi niya malabhan. Walang kusa. Nakakainis! Nagkasagutan kami. Ayaw ko siyang kausapin. Mainit talaga ang dugo ko sa kanya noong isang araw pa. Dinagdagan niya pa ng isa pang kamalian. Iniisip niya raw na may iba na ako. Hay, Diyos ko! Kulang nga sa amin ang sahod ko at hindi ko na masuportahan si Mama at dalawa ko pang anak, maghahanap pa ako ng iba. Ano, magpapakagutom? Bahala siya... Basta ako, gusto kong manahimik kapag ginusto ko. I hate drama! Marso 13, 2019 Hindi ko pa rin kinibo ang VI-Love and as usual, maiingay pa rin sila. Mabuti na lang, kinuha sila ni Ma'am Vi at pinag-practice ng kanta sa classroom nila. Pagkatapos, nagkaroon naman ng election ng Graduating Class Officers. Nagawa naman namin ang mga bagay-bagay tungkol sa graduation like program. Nakapag-draft din ako ng valedictory address. Pagkatapos ng recess, inis na inis ako sa ingay nila. Mga manhid talaga sila. Gayunpaman, hindi ako nagsalita. Pinakiramdaman ko sila. Nakabuo ako ng desisyon. After class, nag-stay ako sa classroom para gawin ang Form 137. Kahit paano, umusad ang trabaho ko. Nalaman ko pang sa Marso 26 na ang checking kaya kailangan na talagang magpakonti-konti. Nanuod din ako ng youtube videos tungkol sa moss terrarium. Nakaka-inspire. Gusto ko na agad makagawa ng terrarium. Past 5 nang nakauwi ako. May dala akong ice cream. Binati ko na ang wifey ko. Sa isang yakap, okay na kami. Then, nag-gardening ako. Nakapag-repot ako ng dalawang balete bonsai. Kailangan ko pa ng maraming paso at lupa. Marso 14, 2019 Masaya ako kanina pagpasok ko kasi wala kaming mga estudyante. Eight AM pa sila pupunta sa simbahan para sa baccalaureate mass slash recollection. Tahimik ang mundo ko. Nakapag-almusal ako. Then, later nagmiting kaming advisers. Hindi pa rin namin malaman ang mga gagawin para sa graduation at sa checking of forms. May IPCRF pa. Nakaka-stress, pero kaya naman. Past 8, pumunta na kami sa simbahan. Nainis ako sa banat ng katekista. Kararating lang namin, sinabihan kami ng "Teachers, bantayan n'yo ang mga bata n'yo." Parang gano'n. Umakyat na naman sa ulo ang dugo ko. Nag-walkout muna ako para mawala ang inis ko. Nng mawala, pumasok na ako. Nakita ko ang kakulitan ng mga estudyante kahit nasa simbahan na sila. Tsk tsk! Matapos ang misa, tinawag ang mga advisers para sa group pictorial. Hindi ako pumunta. Gusto kong maramdaman ng advisory class ko kung gaano kasakit ang binabalewala. Nag-treat si Ma'am Vi sa amin. Sa Savory kami nag-lunch. Sa wakas, nakasama naming muli sina Sir Vic at Sir Joel G. Umuwi agad ako pagkatapos. Nakalimutan kong may meeting pa kaming coop board members. Hindi bale, mas marami akong nagawa sa bahay. Marso 15, 2019 Naging maayos naman ang meeting namin sa mga magulang ng graduating class. Naging vocal ako sa pagpapahayag ng aking mga saloobin, ideya, at opinyon. Pagkatapos niyon, nagkaroon kami ng deliberation para sa honors. Naging vocal uli ako sa pagpasaring. Alam kong marami ang na-disappoint pero iyon talaga ang totoong result. May consideration na nga sa iba. Supposedly, hindi karapat-dapat ang iba. Halos nakalimutan kong mag-almusal at mananghalian kanina dahil sa ka-busy-han. Pasaway pa ang Love. May kumuha pa ng whiteboard marker ko, kaya sobra akong badtrip. After class, may coop board meeting kami. Past 2 na ako nakalabas ng school. Dumiresto ako sa Palawan para i-claim ang P10,000 na investment ko sa WWG. Binawi ko na. Malas lang dahil wala pa sa system ng Palawan ang pera ko. Galing kasi iyon sa ibang bansa. Pumunta pa ako sa SM para mag-BDO Remit. Hindi ko rin na-claim dahil kailangan ng address ng sender. Sumubok pa ako sa BDO branch. Gayundin pala ng forms na nasa SM. Umuwi na lang ako. Hindi ko na nagawang makipag-meet up sa schoolmate ko dati na nanghingi ng seeds ng blue ternatea. Na-traffic ako sa Tejero. Almost 1 hour ako roon. Pag-uwi ko pa, hindi ako kinikibo ng asawa ko. Haist! Gumaganti. Bahala siya. Mas pagod ako kaysa sa kanya. No time for dramas and karinyo. Mas iniisip at pinoproblema ko ngayon kung paano ko matutulungan sina Mama, Hanna, at Zildjian. Kailangan din nila ng suporta ko. Sana maunawaan niya iyon. Ang problema niya, katiting lang. Sapat naman ang kinakain niya. May maayos na tirahan. May tubig, kuryente, at internet. Kumakain pa naman. Kulang pa ba ako? Kung kulang man, sana marunong magtipid at maghigpit ng sinturon. Oo, maaaring hindi ako malambing, pero it doesn't define me as a father or husband. Teaching is an stressful work. Halos wala na akong time para ngumiti, lalo ngayon... SFs suck! Marso 18, 2019 Kaunti lang ang mga estudyanteng pumasok, kaya pinagsama-sama namin ang tatlong section (Love, Charity, and Hope) sa silid ni Ma'am Vi. Nakapag-bonding tuloy kami sa almusal nina Papang at Ms. Kris. Hanggang nine lang ang mga bata dahil may GAD seminar ang faculty, bandang ala-una. Past nine, pumunta kami ni papang sa Harrison Plaza para i-claim ang mga pera namin. Siya, kukunin sa LBC ang padala ng kapatid. Ako naman sa BDO, ang P10,000 na investment ko sa WWG Publishing. Binawi ko na kasi dormant. Nang makabalik kami ni Papang sa school, 10:30 na. Agad naman kaming nagplano nina Ma'am Vi at Sir Hermie para sa stage decoration. Kailangan na raw nai-liquidate ang P5000 na ibinigay sa amin ng principal. kaya, 11:30, umapis kaming apat (ako, sina Ma'am Madz, Ma'am Vi, at Sir Hermie) Nakakapagod at nakakagutom dahil sa init ng panahon, pero masaya kaming ginawa ang tungkulin namin bilang overall committee ng graduation. Sa Mang Inasal na kami nag-late lunch. Pagkatapos niyon, bumalik kami ni Sir Hermie sa school. Umalis din agad ako pagkalapag ang mga napamili namin. Tumungo naman ako sa post office para ipadala ang binhi ng blue ternatea sa schoolmate ko dati na si Bernie Hallig. Humingi siya kaya It's my pleasure na padalhan siya upang siya naman ang mamigay sa iba. Bumalik ako sa school para hintayin sina Papang, Ms. Kris, at Mj. Aalis kami para sa blowout ni Mj. Nakaalis kami bandang pasado alas-3. Sa Racks-MOA kami dinadala ni Mj. First time ko roon. Superb ang experience. Great food. Nice ambience. Wonderful bonding moments with #1000. Wala kasi si Belinda. Six-thirty na kami nakaalis doon. Super busog ako. Hindi na ako kumain pagdating ko at 8:30. Alam naman iyon ni Emily. Nasabi ko na sa kanya. Marso 20, 2019 Ikalawang araw ng standardized test kuno. Halos maubos na ang pasensiya ko sa ingay ng mga VI-Love. Kung puwede nga lang magmura, ginawa ko na. Hanggang pagbagsak lang ng pinto ang kaya ko. Pare-pareho kaming nahihirapan. Ako, nahihirapang manahimik. Sila, nahihirapang malaman kung ano ang nasa isip ko. Quits! After class, nayaya ako ni Ma'am Vi na sumama sa kanila ni Ma'am Madz sa Taguig. May kukunin siyang titulo ng lupa sa BFS, na nasa RCBC Bldg. Almost one hour kaming naghintay-- naghintay sa wala. Hindi kasi nagawa ang title. Wala pang notary. Babalik yata kami bukas. Kasama na sina Sit Hermie at Sir Joel. Mamamasyal din kami. Baka kami naghiwa-hiwalay, nagpa-haluhalo muna si Ma'am Vi sa Mang Inasal. Nakapagkuwentuhan kami roon kahit paano habang naghihintay ng order. Naikuwento ko sa kanila ang ilan sa mga paghihirap ko, matupad lang ang pangarap na gumanda ang buhay. Naikuwento ko ang pagkagahaman ng tiyahin kong abogado, na pagkatapos tulungan ng aking ina na mapag-aral, hindi man lang lumingon sa pinagkautangan. Kung ano man ang ugali ko ngayon, dahil ito sa nakaraan ko. Dahil ito sa maltreatment sa akin ng kamag-anak ko. Nakauwi ako bago mag-6. Ako pa ang nakapagdilig ng mga halaman. Marso 21, 2019 Tahimik kong ginawa ang mga forms ko, kahit may mangilan-ngilang disturbances. Natapos ko naman bago mananghalian. Kaya lang, nang nagpa-meeting about sa LIS, birth certificate, at iba pa, na-delay ang pag-uwi ko. Hindi pa ksmi natuloy sa Taguig. At ang malala, na-highblood ako sa meeting. Iba na naman ang takbo ng usapan. Parang manipulation na naman at sabwatan sa mayor. Ang gagago ng mga nasa taas. Gusto nila ng pabago-bago at pinahihirapan nila ang mga guro. Gaga rin ang nag-meeting doon. Pag-dissimenate nila, kulang at hindi klaro, kaya andaming tanong sa kanila. Tapos, magagalit kapag nataasan ng boses. Hay, naku hindi ako nakapagtimpi kanina. Sinabi kong "Mahalaga ang oras ko. Overtime na ako. Dapat hanggang 12:30 lang ako." Sumagot pa si MT2. "Bayaran mo, Gigi." Gaga! Boba! Palibhasa, pumasok ng hapon uuwi hg hapon. Ako, pumasok ng maaga, uuwi ng hapon. Nag-member na ako sa Paysbook. Isang account muna. Salamat sa book na bigay ni Ma'am Fat dahil na-inspire akong mag-invest. I hope maging successful ako sa venture na ito. Nahikayat din ako ng former high school classmate ko na si Rosanna, na dumalo sa reunion sa March 23. Okay lang din. Gusto ko lang naman kasi may mag-chat at magyaya sa akin. At least, may makakausap na ako roon. Marso 22, 2019 Nag-practice kami ng graduation processional. Kahit paano nagkaroon na ng direksiyon. May mga plano na rin kami. Hanggang plano lang muna kasi may 'Gawad Parangal' pang magaganap. Hindi pa kami makakilos. Ngayong araw, buo na talaga ang desisyon kong hindi dumalo sa graduation. Gusto ko talagang maramdaman nila ang panghihinayang dahil hindi nila ako pinahalagahan, gayundin ang pagmamalasakit ko para sa kanila. May dalawang magulang na nag-sorry at nakiusap sa akin, na magbago ang isip, pero wala silang nagawa. Naipabatid ko na rin sa mga kasamahan ko at kay Papang. Alam na rin ng advisory class ko. May ilang nagpaiwang estudyante para kausapin ako. Hinintay talaga nila akong lumabas. Nang nasa labas na ako, may mga yumakap sa akin. Nainis ako. Awkward! Hindi ako na-touch sa ginawa nila. Nag-out naman ako agad para magpadala sa Paysbook ng P2000. Tatlo na ang account ko. Bukas, si Emily naman at si Gina. Binigyan ko ng puhunan si Emily. Si Gina, interesadong-interesado. Sana si Bro Beverly rin, ma-convince ko. Dumating si Epr bago mag-7. Naawa ako sa kapayatan niya. Sana maibalik ko dati niyang katawan habang nasa amin siya. Marso 24, 2019 Nakauwi ako sa bahay ng bandang alas-7. Masakit ang ulo ko at nasusuka, pero dahil antok na antok ako, itinulog ko na lang. Quarter to 10 ako nagising. Muli, after long years, naranasan ko naman ang hangover. Maghapon akong nag-suffer sa hangover. Pero, dahil kailangan kong kumilos for Paysbook, nanatili akong gising. Past 4 na ako umidlip. Desidido akong mag-Paysbook at kumita nang malaki-laki. May hinihikayat pa ako. Marso 25, 2019 Nag-rehearse kami para sa graduation. Medyo umuusad na ang ginagawa namin. Then, pinagka-busy-han naman namin ang mga SFs. Kaya lang, sobrang bagal ng net kaya halos wala naman kaming natapos. Na-discover ko si Zillion bago kami natulog. May hilig na rin siya sa pagsusulat. In fact, tinapos niya ang isang kuwento bago siya umakyat. Naluha ako sa tuwa nang makita ko siyang nagsusulat. Nang mabasa ko naman ang una niyang akda, natuwa rin ako. Kahit paano may essence iyon. May simula. May suliranin at solusyon. May wakas. Kaunting push pa at maraming inspiration, magiging mahusay siyang manunulat. Marso 26, 2019 Naging aloof ako sa mga estudyante at mga kaguro ko kanina habang nagre-rehearse. Nagdilig na lang ako ng mga halaman. Then, nag-Paysbook ako. Pagkatapos, nainis ko sa chat ni Emily. Hindi ko na lang pinansin. Sa halip, nag-send ako sa kanya ng mga tungkol sa business. Nagpapasaway pa rin ang VI-Love. Hindi pa rin talaga sila makaramdam. Okay lang naman iyon sa akin. Alam kong ini-enjoy nila ang mga nalalabing araw sa GES, pero hindi ko maintindihan kung bakit mas malala sila kaysa noon. Hindi nila naisip na graduating sila. O baka wala na talaga silang takot, respeto sa sarili, at respeto sa akin. After dismissal, nag-bonding kaming Grade Six teachers during lunch break. Nanlibre ng icecream si Ma'am Madz. Yhen, nag-cross check kami ng mga forms. Past 3 na ako nakalabas sa school. Past six na ako nakarating. Pinagtiyagaan ko ang mabagal na LIS. Natapos ko naman before nine ang pag-input ng average, na siyang isa sa mga kailangan bukas sa cross checking. May good news akong natanggap mula sa PrideLit. Invited ako sa writing fellowship sa Sabado. Masaya ako dahil na-consider nila ang akda ko. Sana lang mapili for publishing at maging bahagi ng Pride March sa June. Nakipag-meeting online din ako SULAT Pilipinas. Marami kaming plano para sa ikauusad ng group namin. Sana maisagawa namin, lalo na ang registration sa SEC at DTI. Marso 27, 2019 Ipinakita ko talaga sa VI-Love ang pambabalewala ko sa kanila habang may graduation rehearsal sila. Nang ang ibang section ang nasa processional, naroon ako para magbigay ng direction at cues. Nang tatanggap kunwari sila ng diploma, hindi ko sila kinamayan at nakaupo pa ako. Nang ang ibang section, nakakipagkamay ako at nakatayo. Alam kong kapansin-pansin iyon, kaya natuwa ako. Masakit iyon para sa kanila, pero tama lang iyon bilang kabayaran ng sampung buwang pagiging undisciplined nila sa klase ko at kawalan nila ng respeto sa akin. Marso 28, 2019 Maaga akong nagising, pero hindi naman ako kaagad bumangon. Nagsulat lang ako para ma-update ko ang isa kong nobela. Past 6 na ako bumangon. After morning routines at magkape, naligo na ako. Past 7 na ako nakaalis sa bahay. Nine o' clock pa ang simula ng recognition day, kaya alam kong aabot ako sa processional. Kaya lang, na-traffic ko. Nagdo-doxology na nang maabutan ko. Malaman-laman ko, hindi rin pala nakapagpasa sina Ma'am Madz at Sir Hermie. Si Sir Joel K, late. Si Ma'am Vi, absent. Natuwa rin ako kahit paano dahil alam kong issue na naman iyon. Wala ang Grade Six teachers! Magulo ang Gawad Parangal. Hindi napigilan ang pagdagsa ng mga magulang sa unahan. Lahat sila ay gustong makakuha ng larawan sa mga anak nila. Wala na halos nakaupo. Haist! Nainis ako sa sistema ng kainan. Pansit at puto lang. Nakabalot pa sa plastic. By grade level daw. Hindi na lang inilagay sa bandehado, tutal Grade 2 at 6 lang naman ang naroon sa feeding room. Ang ibang grade level, may kainan sa kani-kanilang lugar. Nakakainis lang isipin na tinipid na nga ang pagkain, parang nagkanya-kanya pa. Sana hindi na lang nagpakain. After kung ma-high blood, kumain pa rin ako. Wala, e. Gutom na gutom ako. Kaya nga nang niyaya kami ni Marekoy, kumain pa rin ako. After kainan, gawaan naman ng mga bagay-bagay para sa graduation, like diploma jacket, letting-cutting, etc. Inabot kami (ako, Sir Joel, Ma'am Anne, Ma'am Madz, at Sir Hermie) sa school ng pasado alas-7. Nakakapagod, pero ang saya namin! Kahit paano ay marami kaming natapos. Sayang wala si Ma'am Vi. Nag-dinner kaming lima sa Binalot. First time namin soon. Sulit naman. Ang sasarap ng pagkain. Lutong bahay. Past 10 na ako nakarating sa bahay. Marso 29, 2019 Pagdating ko sa aschool, naroon na sina Ma'am Madz, Ma'am Vi, at Sir Hermie. Nag-aalmusal sila. Nakisalo na rin ako since nagpaalmusal si Ma'am Vi. Pagkatapos niyon, action na agad. Nagpintura kami ng styro letter cuttings. Dumating ang dati naming pupil na si Aiken. Nakatulong siya sa amin. Then, past 10, isinalang kami ni Ma'am Vi sa cross-checking. Kami ang napiling i-check. Okay lang naman. Wala namang problema sa forms ko at sa birth certificates ko. Masayang-masaya kaming gumagawa. May tawanan at kulitan. Past one, nag-start ang general rehearsal ng graduation. Okay naman. Naibigay na ang programme, ribbons, at toga. Wala pa ring clue ang advisory class ko, na dadalo ako sa big day nila. Then, maging maaksiyon uli kami. Nagkaroon pa ng inuman ng beer doon nang bumili sina Sir Hermie at Sir Joel G. Napatagay ako kaya ang kulit ko. Isang nakaka-proud na post ang nakita ko. Mula iyon sa Pride Lit FB page. Naroon ang penname ko sa announcement nila tungkol sa writing fellowship bukas. Walang mapagsidlan ng kaligayahan at excitement ang puso ko. Sa tingin ko, malapit na ako sa katuparan ng mga pangarap ko. Nagplano pa kami nina Sir Joel at Ma'am Vi, bago ako umuwi. Nakapagpaalam na ako noon sa mga kainuman ko, pero nagulat sila nang tawagin ko sila para maghapunan sa Binalot. Anyways, nakaka-excite ang mga plano namin. Sigurado kaming marami ang matutuwa. Past 12 na ako nakauwi sa bahay. Marso 30, 2019 Kahit kulang sa tulog, bumangon pa rin ako nang maaga para sa Pridelit Writing Fellowship sa Quezon City. Ginising ko sina Emily bago umalis para magpaalam. Hindi ko na kasi sila naabutang gising kagabi. Nag-iwan ako ng pang-grocery. Nagsabi na rin ako ng tungkol sa overnight naming Grade Six teachers sa school para matapos na ang stage decoration. Before nine, nasa venue na ako. Feeling VIP ako nang i-entertain ako ni Ms. Aiko, since ako ang unang dumating sa limang writing fellows. Apat lang kaming dumating. Nag-diarrhea ang isa. Okay lang naman. Sobrang saya ko dahil nakapasok ako sa conference hall nila. Ang ganda niyon. May mga koleksiyon ng libro. Naroon din ang mga trophies at certificates of award. Hi-tech ang mga facility. Nang nagsimula na, nalaman ko kung paano pinag-uusapan ang evaluated manuscript. Nagustuhan nila ang dalawa kong nobela. Ang isa, sobrang haba, kaya kailangan kong tapyasin. Ang isa naman, kailangan kong palitan ng gender ang lead female character upang maging Pridelit. Challenge, pero gusto kong makapagpasa sa deadlines--April 5 and 19. Gusto ko lang gustong maging bahagi ng Pride March, kundi kumita sa authorship at maging writer ng Precious Pages Group. Nang matapos ang fellowship, nagtamo na naman ako ng mga kaalaman sa pagsusulat at nakakilala ng mga bagong kaibigan. Six, nasa GES na ako. Umaksiyon agad ako habang nagkakape. Nakatulong namin si Sir Archie at nakasalo sa hapunan. Ang saya-saya ng kulitan at tawanan namin. Kahit ilang araw na akong pagod at puyat, naging game ako sa pagtapos ng task namin. Kahit paano, nakatulong ang beer para mawala ang antok namin. Marami kaming na-accomplished, kabilang ang pagdikit ng styro letter cuttings, paglagay ng telon, at pag-put up ng back draft. Past 1:30 am kami natulog. Marso 31, 2019 Past seven, nagising ako sa pagdating ni Papang. Okay lang din naman dahil kahit paano ay nakatulog ako. Masaya kaming nag-almusal. Walang humpay na tawanan at kulitan. Pagkatapos niyon, trabaho na. Hindi namin naramdaman ang pagod dahil masaya kami sa aming ginagawa. May mga dumating na estudyante ara tumulong. Dumating din si Ma'am Joann. Past 2, pumunta ako sa Robinson's Manila para bumili ng suit. Masyadong mahal. Aabutin ako ng P6000+, kaya tumuloy ako sa Divisoria. Doon ako nakabili ng worth P2600 na kasuotan. Kompleto na. Sapatos lang ang wala. Mayroon naman akong ginagamit sa pang-araw-araw na pasok. Iyon na lang ulit. Natuwa ang mga ka-Grade Six ko nang malamang bumili ako ng isusuot. Tiningnan din nila iyon at nagustuhan. Ayon sa kanila, mura na raw ang bili ko. Nag-ayos lang ako nang kaunti, then past six. tapos na kami. Almost ready na. Nakarating ako sa bahay bandang 9. Pagkakain, agad akong natulog. Plakda.

Friday, March 1, 2019

Anti-Sipsip Potion

May kakilala ka bang sipsip? Tinalo pa niya ang linta sa galing sumipsip kay Boss. Gusto mo na ba siyang gantihan para makabawi ka? Gusto mo bang ikaw naman ang pansinin ni Boss? Ito na ang sagot sa problema mo—ang Anti-Sipsip Potion.

Maghanap ka ng pinakaunang buko ng puno ng niyog. Alam iyan ng may-ari o mambubuko. Mahirap makahanap niyon, pero hindi imposible. Kung gusto mo talagang magbago ang trato niya kay Sipsip, gawin mo. Goodluck!

Ang virgin buko na hahanapin mo ay hindi dapat matigas o mala-uhog. Kailangang sakto ang lambot. Parang pang-buko salad. Ang may-ari o mambubuko ang nakakaalam sa eksaktong lambot ng buko, na kailangan mo. Tunog pa lamang niyon, alam na niya. Parang ang sipsip mong kasama. Kilos pa lang niya habang palabas sa opisina ng boss ninyo, alam mong may ginawa na namang kababalaghan.

Kapag nakauto ka na ng may-ari ng bukuhan o ng taga-akyat, mag-usal ka ng dasal. Paulit-ulit mo itong iusal : "Ak tangi-gam!" hanggang sa makababa siya.

Pabalatan mo ang buko, pero hindi mo iyon pabubutasan.

"Op tamalas!" Ibulong mo iyan nang dalawang beses sa hangin bago mo talikuran ang umakyat ng buko. Then, huwag ka nang mag-aksaya ng panahon. Puntahan mo agad ang boss mo. Huwag mo nang hayaang mangitim ang natitirang balat ng buko. Kapag nangyari iyon, mawawalan ng bisa ang potion. Iwasan mo ring maalog ang sabaw ng buko.

Habang papunta ka sa opisina ng boss mong nagpapasipsip, iusal mo ang dasal na ito: "Ak ogabgam." Tatlong beses. Palakas nang palakas.

Siguraduhin mong may straw kang dala. Mas mabisa kung bamboo straw ang dala mo. Bawal kasi ang plastic. Bukod doon, harmful sa health at environment. Ayaw mo rin niyon, 'di ba?"

Lakasan mo ang loob mo. Kung gusto mo talagang mapansin ka niya at ang efforts mo. Lakasan mo rin ang puwersa sa pagbubukas ng buko. Maliit na butas lang, sapat na. Makapasok lang ang straw.

Halo-haluin mo ang sabaw, gamit ang straw at idasal mo ito: "Anas, anas! Ayis ogabgam. Ayis ogabgam anas."

Harapin mo siya nang nakangiti. Magpaka-sweet ka gaya ng sabaw ng bukong hawak mo para sa kanya. Sikapin mong humigop siya ng sabaw sa harapan mo. Kahit kaunti lang ang mainom niya para umepekto ang gayuma mo, okay na iyon.

Kapag sinabi niyang "matamis" at nagpasalamat siya, alam mo na—epektibo ang gayuma mo. Kung hindi, si Sipsip naman ang gayumahin mo. (May alam ako.)

Madali lang naman, 'di ba? Kayang-kaya! Mas mahirap pang maghanap ng nagdudumalagang puno ng niyog kaysa mapainom mo siya.


Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...