Followers

Monday, May 10, 2021

Paano Lulunasan at Iiwasan ang Hika (Asthma)

Alam niyo ba na ang hika ay laganap na simula pa noong 1970s? Bandang 2011, naapektuhan ng asthma ang 235–300 milyong tao sa buong mundo. Kabilang na rito ang 250,000 na pagkamatay ng mga pasyente. Ano nga ba ang asthma o hika? Ang asthma o hika ay isang karamdamang matagal at pabalik-balik na pamamaga ng daanan ng hangin. Nakikilala ito sa pamamagitan ng naiiba at pabalik-balik na mga sintomas, gaya ng sumisipol na paghinga, pag-ubo, paninikip ng dibdib, at kapos na paghinga. Ang hika ay maaaring genetic (namamana) o dulot ng mga bagay sa kapaligiran. Gayunpaman, nagagamot ito. Ang mga inhaler gaya ng Salbutamol ay isa sa mga uri ng paggamot sa mga malubhang sintomas nito. Sa mga napakamalubhang kaso naman, maaaring gamitin ang iniineksyon na mga corticosteroid at magnesium sulfate. At siyempre, dapat nang magpaospital kapag malala na ang mga sintomas. Paano makikilala ang hika? Ang hika ay paulit-ulit na pagkakaroon ng sumisipol na paghinga, kakapusan ng paghinga, paninikip ng dibdib, at pag-ubo. Kadalasan, malala ang pag-atake ng mga sintomas na ito sa gabi at sa madaling araw, pagkatapos mag-ehersisyo, o kapag malamig ang panahon. Ang taong may hika ay maaaring makaranas ng gastro-esophageal reflux disease (GERD), rhinosinusitis, at obstructive sleep apnea. Ang gastro-esophageal reflux disease (GERD) ay isang sakit na nakaaapekto sa daluyan ng pagkain (digestive tract) kung saan ang asido mula sa tiyan, o kaya ang mismong pagkain na tinutunaw sa tiyan ay umaagos pabalik (reflux) sa esophagus at nagdudulot ng iritasyon, implamasyon o pamamaga sa mga gilid na patong (lining) nito. Ang sleep apnea ay isang kondisyon sa pagtulog na maaaring maging malubha dahil sa ang paghinga ay paulit-ulit na tumitigil, na tumatagal ng sampung segundo hanggang 2-3 minuto. Kadalasang pabiling-biling ang biktima at nagigising na nangangapos nang hininga. Ang rhinosinusitis, na karaniwang tinutukoy bilang sinusitis, ay nangyayari kapag ang mga bungad ng sinus ay naharang o napakaraming uhog na nabuo na naging sanhi ng pamamaga ng isa o higit pa sa mga lukab. Ang allergic rhinitis o hika ay maaaring maiugnay sa talamak na sinusitis. Iniuugnay din ang hika sa maagang paggamit ng antibiyotiko. Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng hika ang isang tao kapag uminom siya ng antibiotic noong bata pa siya. Paano lulunasan ang hika? Dito papasok ang kahalagahan ng pag-iingat at pag-aalaga sa sarili (self-care). Prevention is better than cure, ‘ika nga. Subalit kung may hika (asthma) na, narito ang mga dapat gawin. Alamin at iwasan ang mga bagay na nakakapag-trigger ng hika (asthma). Ang asthma ay maaaring mapigilan sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga nakapagpapasimula nito. May mga taong allergic sa dust mite, ipis, balahibo ng pusa o aso, alikabok, usok, amag, at iba pa. Nakapagpapalala rin ang mababang kalidad ng hangin o polusyon sa hangin. May mga gaseous matters din na nakakapag-trigger ng hika, gaya ng pormalin. Umiwas din sa secondhand smoke at paninigarilyo. Magkaroon ng well-ventilated at malinis na kuwarto. Ang asthma ay maaaring mapigilan sa pagkakaroon ng malinis at hindi kulob na kuwarto. Tiyaking may pasukan at labasan ng hangin sa kuwarto. Maglinis ng mga higaan. Palitan nang regular ang mga kumot, unan, punda, o kurtina. Tiyaking walang nalalanghap na alikabok at iba pang allergens. Palusugin ang sarili. Mag-ehersisyo palagi, matulog nang sapat, at kumain nang wasto. Ang yoga ay isa sa mga epektibong ehersisyo para pababain ang pag-atake ng hika, patibayin ang baga, pagandahin ang daloy ng dugo, at paganahin nang mabuti ang epekto ng mga gamot na iniinom. Ang pagtulog nang sapat at tama sa oras ay magpapalakas ng resistensiya. Ang pagkain nang wasto naman ay magpapalakas sa immune system. Ang First Vita Plus Natural Health Drink ay makatutulong upang palakasin ang ating immune system. Meron itong 5 Power Herbs (malunggay, dahon ng sili, saluyot, kulitis, at talbos ng kamote) at nilahukan pa ng fruit extract (pineapple, mangosteen, dalandan, melon, at guyabano.) Ang FVP Natural Health Drink Mangosteen at Dalandan ay may malaking papel na ginagampanan sa asthma (hika). Makatutulong ang FVP Mangosteen na tuklapin ang plema sa baga. Ang FVP Dalandan naman ay siyang magpapalabas nito. Itimpla lamang ang mga ito sa maligamgam na tubig at inumin 30 minutes o 1 hour before meal. Sa mga magtitiwala sa aking rekomendasyon, binabati ko kayo! Matutuklasan ninyong ang First Vita Plus ay pagkaing-gamot o gamot na pagkain. Mahal ang magkasakit, kaya sarili ay mahalin. Agapan ang hika bago ito lumala.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...