Followers

Monday, May 31, 2021

Ang Aking Journal --Mayo 2021

Mayo 1, 2021
Maaga akong bumangon upang maihanda ko ng almusal si Zillion. Hindi naman ako nagluto. Nagpa-deliver lang ako. 

Sabay kaming nag-almusal.

Pagkatapos mag-breakfast, nag-home work out ako. Matagal akong natapos dahil may isiningit akong mga trabaho. At nagdagdag ako ng reps sa ilang routine. 

Nagluto agad ako pagkatapos mag-ehersisyo. Nagdilig ako, pagkatapos magluto. Then, sinimulan ko ang module. 

From two to four, natulog ako. Kahit paano, nakaidlip ako. Wala kasing maingay. Kung nandito si Emily, siguradong dinig sa buong barangay ang boses niya kapag may tawag sa cellphone.

Pagkatapos ng meryenda, hinarap ko uli ang paggawa ng module. Kahit paano, marami-rami ang natapos ko.

Tumawag si Emily, hindi raw siya makakauwi. Nasa birthday party siya ni Upline Sir Aries. No problems, sa akin.

Late na ako nagpatay ng laptop. Nanood kasi ako sa Youtube. Nakakaadik.



Mayo 2, 2021
Tinamad akong mag-home work out, pero hindi ako tinamad magluto ng scrambled eggs at mag-gardening. Gumawa ako ng dish gardens. Naabutan nga ako ni Emily sa garden. Hanggang 11:30 am ako sa labas.

Ngayong araw, hindi ako natulog sa hapon para mapokusan ko ang paggawa ng module. Naisingit ko rin ang panonood sa Youtube. Gabi ko na natapos ang Q4 Week 4 ng ESP6. 

Bukas, gusto kong mag-biking at manguha ng cow's manure. Sana magawa ko. 



Mayo 3, 2021
Lunes na Lunes, nagloko ang signal ko nang subukan kong mag-online class gamit ang laptop. Ang tagal kong nakapagsimula. Gumamit na lang ako ng cellphone. Wala pa namang soft copy ng module. Gumawa na lang ako ng paraan para makapagturo. Haist!

Nagsimula akong mag-home workout, pero hindi ko natapos kasi mas pinili kong mag-biking. 

Past 8, umalis ako. Namulot ako ng tae ng baka sa palayan/sabsaban. Nakakuha rin ako ng mga suiseki stones. 

Before 11:00, nakauwi na ako. Saka lamang ako nakapagdilig ng mga halaman. 

After lunch at maligo, nagbukas ako ng laptop upang gawin ang module sa ESP6 Q4 W4, pero inantok ako, kaya pinagbigyan ko. 

Past 5 na ako nakapagsimula. Kahit paano, nakatapos ako ng dalawang pahina ngayong araw. Not bad.



Mayo 4, 2021
Hindi ako nakapagturo dahil ginamit ang oras ko para sa pag-record ng Wellness is Life dance cover namin. Grabe ang steps! Hindi namin masundan. Gayunpaman. game ako sa pagsayaw.

After ng klase, nagtalo kami ninEmily. Kinukulit akong magbigay sa kaniya ng FVP propects. Ayaw na ayaw ko pa naman ng pinangungunahan ako.

Paalis na nga lang sila ni Zillion, nagkipagtalo pa. Nakakasira ng mood. Basta talaga bumuka ang bibig niya, lagi akong naiinis. Sabihin ba naman na "Hindi lang pinansiyal ang suporta." Kulang pa pala ako ng suporta. Walang hiya!

Pag-alis nila, masaya na ako. Malungkot lang ako dahil sa maghapong webinar. Gayunpaman, natahimik ang mundo ko. Dumating sila bandang 4 pm. 

Gumawa naman ako ng module after meryenda. Sa garden ako gumawa. Kahit paano, umusad na ang Week 4. 



Mayo 5, 2021
Gumamit na ako ng soft copy ng modules na mula sa SDO. Nakaraos na naman ng 20 minutes na online class.

Past nine, nag-biking ako para makakuha ng cow's manure sa pinupuntahan kong sabsaban. Suiseki hunting na rin. Past 10:30, nakabalik na ako. Sobrang init, pero masaya ako kasi may naiuwi akong tae ng baka at dalawang suiseki stones. 

Past 1, nag-join ako sa webinar. Hindi ko alam na kasali ako. Hindi ako masyadong na-inform. Masyado talaga akong ginamit ng ESP supervisor. Leche flan!

Dahil MS Teams ang ginamit, accidental ko pang na-on ang camera ko. Nakita at na-screen shot pa tuloy ako habang may nakatapis na damit sa hubad na katawan. Mabuti may nag-chat sa akin. 

Past 4:30 na natapos ng webinar. Antok na antok ako. Napapikit na nga yata ako. 

After niyon, nag-research ako ng Aglaonema varieties. Nalula ako sa dami niyon at sa 
ganda. Na-inspire tuloy akong ituloy ang aking collection. Kahit paano mayroon na akong more than 15 varieties. Kabibili ko nga lang noong isang araw. I want more.



Mayo 6, 2021
Late na akong nag-almusal kasi kinailangan ko pang tapusin ang hinihinging report. Nakipagmiting pa ako sa mga kasamahan ko sa grade level.

Pagkatapos ng brunch, gumawa ako ng vlog.  Nasimulan ko ngayong araw, pero hindi ko natapos dahil sa second day na webinar.

Naunawaan ko na ang katuturan ng webinar, pero nagtatanong pa rin ako sa isip kung paano ang checking ng integrated summative assessments. Pasa-pasa na naman ang mga teacher ng answer sheets kasi magkakasama. 

Past 5:30, nag-gardening ako. Then, at 6:30, hinarap ko naman ang paggawa ng module. Malapit nang matapos. 


Mayo 7, 2021
Nag-extend ako ng oras sa VI-Charity kasi absent si sir Hermie. Nang malaman ko ang dahilan, iyon pala ay dahil nag-left siya sa mga GC namin. Naroon ang link ng Google Meet. Okay lang naman. Naging interesado naman ang klase ko sa lesson naming 'argumento.'

Umalis sina Emily at Kuya Emer after breakfast at pagkatapos mangutang sa akin ng P9,000 para sa pay-in ng First Vita Plus. Wala pa raw kasing suweldo ang bayaw ko. Ang asawa ko naman ay sa linggo pa mapapautang ng crossline niya. 

Nang makaalis sila, nag-gardening ako. Inaayos ko ang isang side upang mapagsama-sama ko ang pinaka-collection kong mga halaman-- ang Aglaonema varieties. Meron na akong 15 uri nito. Nakatutuwang pagmasdan.

Past 1 up to past 5:30 nasa webinar ako. Nakakaantok pero pinilit kong maging gising.  Nainis lang ako kasi hindi ako nakapasok sa isang link para sa break-away session. 

Gayunpaman, bandang 7, sinali ako sa GC. Nabigyan na ako ng template. Nailagay ko na rin ang ideya ko. 

Before niyon, nagawan ko na ng resignation letter si Ma'am Madz para makaalis na siya sa remedial teaching. Grabe na ang hirap na pinagdadaanan niya. Nakakaawa. Iyon ang isinumbong sa akin ni Ma'am Vi, nang tumawag ito. Ayaw lang daw nitong magsumbong sa akin kasi natatakot sa maaari kong maging reaksiyon. Kaya nagkusa na akong tulungan siya. 

Nagustuhan naman niya iyon. 

Nakapagdugtong pa ako sa ESP module kahit paano. Kaunti na lang, matatapos na. 

Maghapong tahimik ang mundo namin ni Zillion. Sa Linggo pa raw ang uwi ni Emily. 



Mayo 8, 2021
Late na kami nag-almusal ni Ion kasi late na rin bumangon. Okay lang naman kasi wala naman akong klase.

Napaka-productive ko ngayong araw. Marami akong na-accomplished. Bukod sa gardening, nakapag-edit ako ng kuwento ni Ion. Nai-post ko iyon sa wattad at KAMAGFIL. Natapos ko na ang module. Nakapanood ako ng suiseki vlogs sa youtube at na-inspire akong linisan ang mga suiseki stones ko. Hanggang gabi, hindi ako mapakali. Nanood ako hanggang past 10. Kung hindi nga lang ako inantok, hindi ako titigil. Nagkape pa ako, wala ring epekto. Gustong-gusto ko nang makapunta sa ilog o dagat o bundok para mag-stone hunting. Nakakaadik kasi ang suiseki. Ang gagandang pagmasdan lalo na siguro kapag may suiban, daiza, o duban na.

Wala pa rin si Emily. Okay naman kami maghapon ni Ion. Tahimik ang mundo namin.



Mayo 9, 2021
Napuyat ako kagabi kasi hindi ako kaagad nakatulog. Nagkape ako ng 3-n-1 para makapanood ng suiseki vlogs, pero nag-extend ako hanggang 12:30 am. Tapos, bandang alas-2, bumangon ako kasi nagrebulosyon ang sikmura. Naulit iyon bandang 4 am. Dalawang beses. Paggising ko bandang 7:30 am, nagbanyo uli ako. 

Halos maghapon kong pinakiramdaman ang tiyan ko. Hindi naman ako nanghina. Nagtanggal lang marahil ng toxins. 

Past 1:30, dumating na sina Emily at Kuya Emer. Ang ingay na naman ng bahay. Hindi nga ako nakaidlip. Nainis pa ako kasi ang inutang na P9k, hindi kompleto ang ibinalik. Kulang pa ng P3,500. Haist!

Past 5, nagbike ako para manguha ng tae ng baka. First time kong umalis nang ganoong oras. Ginabi ako ng uwi. First time kong magmadali kasi walang ilaw o blinking lights ang bike ko. Good thing, safe akong nakauwi.

Nag-gardening ako pagdating ko. Nakakaadik maghalaman.  



Mayo 10, 2021
Late na ako bumangon kasi nakipagpalit si Ma'am Madz ang schedule sa akin. Dahil dito, late na rin ang almusal ko. Okay lang naman.

Ngayong araw, nakapag-upload ako sa YT ng isang vlog. Tungkol iyon sa hika at First Vita Plus.

Alas-4, nag-biking ako. Naghanap ako ng suiseki stones. Nakakatawa nga ang paghahanap ko kasi wala namang ilog. Sa tabi-tabi lang. Pero kahit paano naman ay may nagugustuhan ako at may nauwi ako. 

Nag-uwi rin uli ako ng tae ng baka. Nakakuha rin ako ng cuttings ng isang halaman. gayundin ng driftwood. 

Happy ako pag-uwi ko kahit pagod. 

Gabi, nanood ako ng suiseki vlogs. Kahit antok na antok na ako, tutok na tutok pa rin. 




Mayo 11, 2021
Pumasok ako sa online class nang maaga, sa pag-aakalang balik na ako sa dati kongboras, pero nandoon pala si Ma'am Madz. Hanggang bukas pala kami palit ng time. 

Sinubukan kong matulog uli, pero hindi na ako nakatulog. Dumating pa si Ate Emer kaya maingay sa baba.

After ng klase, saka lang ako nakapag-almusal. Then, nakipagkuwentuhan sandali kay Ate Emer sa garden. 

Nag-record ako ng audio sa vlog ko, pero hindi natapos kasi inantok ako bandang alas-dos. Hindi rin naman ako nakatulog.

Past 3, may meeting kaming Grade 6 kay Ma'am L. Then, kami naman ang nag-brainstorm. Namili kami ng 2 learners na sasabak sa regional online mid-year assessment.

Hapon, nag-gardening ako. Mabuti umalis ang mag-ina ko kaya natahimik ang mundo ko. Ang iingay nila. Narindi ako, kaya bago sila umalis ay napagsalitaan ko pa sila. 

Tumawag si Ma'am Ana ng CES dahil sa kontrobersiyal na issue ni Ms. Krizzy na itinanong ko sa GC ng Faculty Federation. Actually, tumawag rin sa akin ang Faculty President kaninang umaga. Tatawagan daw ng ASDS ang principal namin na ayaw pumirma sa ERF ni Ms. Krizzy. 



Mayo 12, 2021
Disturbed ang tulog ko dahil sa init, ingay, at mga panaginip, pero okay lang dahil wala naman akong turo. Ginamit sa Cathecism ang time ko. 

Pagkatapos kong mag-almusal, nag-biking ako. Nakakuha ako ng wooden chopping board sa may kalsada. Muntik nang maubos ng mga anay, kaya inuwi ko na para maging patungan ng mga suiseki ko. Kumuha rin uli ako ng mga tae ng baka. Past 11, nasa bahay na ako.

Hapon, nag-gardening ako. Hindi nga lang ako nakaidlip dahil sa sobrang init at ingay. Nanood na lang ako ng mga vlogs. 



Mayo 13, 2021
Past 8 na ako nagising. Ang sarap talagang matulog kapag holiday! 

Aftet breakfast, umasa akong pupuntahan ako ni Sir Hermie para mamili kami ng halaman sa Silang, pero may sarili pala siyang lakad. Okay lang naman. Nanood na lang ako ng vlogs sa YT. Halos maghapon kong ginawa iyon. Pati sa gabi, nanonood pa ako. Pero, siyempre, nag-gardening ako nang kaunti. Hindi nga lang ako nakapag-biking at nakagawa ng vlog. Ang ingay kasi ni Emily. Halos maghapon ding nag-First Vita Plus. Kung hindi nga lang mainit sa kuwarto, nagkulong ako. 




Mayo 14, 2021
Nainis ako after ng online class ko kasi umalis pala si Emily para sa First Vita Plus, nang wala man lang inihandang almusal. Alas-9 na ako natapos, kaya mukhang gutom na gutom na si Ion. Napagalitan ko pa tuloy. 

Nag-toast na lang ako ng tira-tirang tinapay. Very late na kung magluluto pa ako. Naawa ako sa bata kasi pinagtiyagaan niya ang toasted bread, na nasunog pa. 

Kaya nang nag-text si Emily, na gabayan ko raw si Ion sa pagsagot sa module dahil pasahan na sa Monday, sinagot ko siya. "Mag-First Vita Plus ka lang " sabi ko. 

Nag-gardening ako para mawala ang inis ko. Then, nanood ako ng YT. Hapon, naisipan kong magsulat oara gawing vlog. Gabi, ginawan ko naman iyon ng powerpoint. Natapos ko iyon bago magsimula ang Coop Board Meeting bandang alas-8 ng gabi.

Past 10 na ito natapos. 



Mayo 15, 2021
Gumawa ako ng vlog sa umaga. Sa hapon naman, dumalo ako sa cooperative general assembly. Matagal iyon. Past 4 na natapos. Antok na antok nga ako. Pagkatapos, sa halip na matuwa ako, nainis pa ako sa resulta ng election for Board Members. Ako ang may pinakamataas na boto. Ayaw kong maging chairman, although, gusto kong maging board member. 

Gumawa uli ako ng isa pang vlog. Kaya lang. hindi ko natapos kasi nagsabi si Sir Hermie na pupunta siya.

Past 7:30, dumating siya. Agad kaming bumili ng beer at yelo. May naihanda na rin akong pulutan. 

Nagkantahan kami sa loob hanggang 12. Wala kaming naperwisyong kapitbahay dahil hindi naman masyadong maingay. 




Mayo 16, 2021
Hindi ko nagkaroon ng hangover kasi nakatatlong bote lang naman kami kagabi. Kaya, nakapaghanda ko ng almusal.

Maghapon akong gumawa ng vlog. Kaya lang hindi ko natapos ang paglalapat ng audio. Umidlip kasi ako hanggang 4pm. Idagdag pa ang ingay. Dinig na dinig. Itinigil ko na. Nag-gardening na lang ako at nanood ng YT.




Mayo 17, 2021
Dumating na si Emily, bandang 9:30. Naabutan niya akong nakikipagmiting. 

After lunch, umalis ako para mag-withdraw ang mid-year bonus. Nagmadali ako kasi may online validation kami ng intergrative assessment output bandang 3:30 pm. 

Nagawa ko namang makauwi nang maaga. Past 3, nasa bahay na ako. Nakapag-grocery na ako at nakabili ng cellphone para kay Zildjian. Oppo A15 ang nabili ko. Worth P6,300 lang, kasama ng tempered glass.



Mayo 18, 2021
Nagkaroon ng technical problem ang cellphone ko habang nasa online class ako. Hindi nila ako marinig. Walang audio. Kahit anong gawin ko, walang nangyayari. Ipinaalam ko na lang kay Ma'am Vi upang i-take over ang klase ko. Hindi ko na rin in-open ang laptop ko kasi nagloko rin iyon kagabi. Nawala ang koneksiyon sa wifi. 

Gumawa na lang ako ng vlog pagkatapos mag-almusal. At habang nasa webinar ng LAMP.

Natapos ko naman agad ang paggawa ng powerpoint. Kailangan na lang lapatan ng audio.

Past 2 na natapos ang webinar. Nakuha ko na ang aking assignment na objective. Pagkatapos nanpagkatapos, nag-biking ako. Kailangan kong makakuha ang cow's dung para sa mga halaman ko.

Masayang-masaya ako pag-uwi ko kasi hindi lang tae ng baka ang nakuha ko. Marami ring suiseki ang naiuwi ko. Meron pa akong nakuhang brown bottle. Botelya iyon ng pesticide. Kailangan ko iyon as decoration. 

Nag-gardening ako bandang past 6. Umidlip muna kasi ako pagkatapos kong mag-biking.




Mayo 19, 2021
Nagkaroon na naman ng technical.problem ang cellphone ko. Mabuti naopen ko kaagad ang laptop ko, kaya kahit paano ay nakapagturo ako.  

Before nine, nag-biking ako. Nakarating ako sa ilog. tuwang-tuwa ako kasi maganda ang view At maraming suiseki stones at drift woods akong nakuha. Doon na rin ako naghanap ng tae ng baka. Past 11, nakauwi na ako.

Maghanap akong umidlip. Hindi kasi ako makagawa ng vlog o makapag-recording dahil sa ingay sa paligid. Nagpupukpok pa sa kabilang bahay.

Hapon. nag-gardening ako. Nilinisan ko ang mga batong pinulot ko kanina.

Past 8:30, nag-biking ako. Umuwi ako before 10.




Mayo 20, 2021
After breakfast, naglaba ako ng mga damit ko. Hindi kasi sinabay ni Emily sa paglaba niya. Okay lang naman. Then, naghintay ako kay Sir Hermie na sunduin ko kasi mamimili yata kami ng halaman, kaya lang hindi siya dumating. Okay lang naman kasi napagod na ako.

After lunch, nag-record ako ng audio para sa vlog ko. Natapos ko iyon bandang 3 pm na. Iyon naman ang simula ng meeting namin with Ma'am Lorie tungkol sa SBM. Medyo naiinis lang ako kasi kasali na naman ako.

Past 8, nag-biking ako. Nakauwi rin ako agad at naturuan ko pa si Zillion sa pagsagot sa Math module niya. 




Mayo 21, 2021
Pagkatapos kong mgturo, naghanda na ako para sa pagbiyahe ko patungong school. Nakapagdilig pa ako ng mga halaman.

Past nine, nasa biyahe na ako. Before 12, nasa school na ako. 

Isang masaganang salusalo ang naganap sa school dahil may pre-birthday blowout si Miss Krizzy. Matagal kaming nagkainan, tawanan, at kuwentuhan.

Past 3 na ako nakaalis sa school para naman pumunta sa Antipolo. Past 7:30 na ako nakarating kina Jano upang ihatid ang cellphone ni Zildjian. 

Hindi naman ako nagtagal doon. Pinatakan ko lang si Mama sa mata ng First Vita Plus Oil of Life. Nagkuwento rin nang sandali. Ipinakita rin sa akin ni Jano ang pinatatayo niyang bahay bago niya ako hinatid sa sakayan ng dyip.

Past 11 na ako nakauwi sa bahay. Mabuti, nakahabol ako sa last trip ng bus sa PITX. Kakaakyat lang daw ng mag-ina ko. Nagsagot sila ng mga modules.




Mayo 22, 2021
Umalis si Emily bandang 9 am ng umaga para pumunta sa office ng First Vita Plus. Hinabilin niya sa akin ang mga modules ni Zillion. 

Tahimik ang mundo namin maghapon. Hinayaan ko lang din si Ion na gawin angngusto niya. Ginabayan ko naman sa module niya, pero ayaw tapusin agad ang isang activity.

Panay lang ang cellphone ko maghapon. Hindi ako masyadong nakapag-gardening. Hindi na rin muna ako nagdilig kasi basa pa ang mga lupa sa paso. Tag-ulan na. Kailangan ko na namang i-secure ang mga nakapasong halaman upang hindi ma-washout ang mga lupa at hindi magka-root rot. 




Mayo 23, 2021
Ngayong araw, wala ako halos nagawamg produktibo. Makapagsulat lang ako nang kaunti para sa gagawing vlog. Halos maghapon akong nag-chat. 

Past 2, nakipag-meeting ako sa Coop board. Naganap ang election for chairman at ako na naman ang pinili nila. Nainis ko nang kaunti, pero later natanggap ko na since wala naman akong magagawa.

After meeting, bumili ako ng halaman. 



Mayo 24, 2021
After ng online class, nag-order na ako ng almusal namin ni Zillion. Late na siya bumaba kahit gising na. Ako naman, nagsulat ng para sa vlog.

One PM, nakipagmiting ako sa mga SBM focal persons at TWGs para sa nalalapit na validation.

Past 4:30, dumating si Sherwin, ang pinsan ko mula sa Mindoro na magtratrabaho sa EPZA. Makikituloy lang muna siya kasi bukas pa siya magsisimula sa uupahan niyang bahay. 




Mayo 25, 2021
Kulang na kulang ako sa tulog dahil sa pagkakaroon ko ng bisita. Hindi talaga ako sanay nang may katabi. Idagdag pa ang sukat ng kama ko. Single bed lang iyon. At para akong iritable kapag may katabi.

Gayunpaman, gumising ako nang maaga kasi nagising si Win nang 4:30. Nakaalis siya ng 5:30. Sinubukan kong matulog pero nabigo ako. 

Past 7, umalis na ako sa bahay para pumunta sa school. Niyaya ako mga mga kasamahan ko sa Grade Six na maki-join sa task nila sa SBM. Pumunta ako para maka-bonding sila, kahit sa Huwebes pa ako naka-assign.

Ang saya-saya nga namin kanina lalo na noong nagla-lunch kami. Andami naming tawanan.

Past 8 na ako nakauwi. Masakit ang ulo sa gutom at sa lamig ng aircon. Mabuti na lang may panlasa pa naman ako. 




Mayo 26, 2021
Pagkatapos ng online class at ng almusal, nag-bike ako patungo sa malapit na sabsaban ng mga baka. Nanguha ako roon ng mga tae nila.

Pauwi na ako nang tumawag si Ma'am Vi. Halos isang oras kaming nagkuwentuhan tungkol sa kabalbalan ng aming punungguro kahapon. Nakakainis lang malaman ang mali at hindi patas na pagtrato nila sa aming Grade Six kahapon. 

Isa na naman itong puntos na aking iipunin upang pagdating ng panahon ay maibulalas ko ang aking saloobin. 

After lunch, umidlip ako. Hindi naman ako nahimbing nang husto, kaya pumunta na lang ako sa Security Bank upang ipalit ang mga tseke ko mula sa First Vita Plus.

Then, nag-window shopping ako sa Robinson's Tejero. Isang oras din akong nagpalamig doon.

Pagkatapos, pumunta ako sa Salinas upang mamili. Gusto ko sanang mga paso ang mabili ko, pero hindi ko nagustuhan ang mga design, kaya wala akong nabili. 

Nag-ukay-ukay din ako makapili ng mga sweat shirt. Kaya lang, wala akong nagustuhan. 

Sa halip, nag-shopping na lang ako sa imart at Urban. Nakabili ako ng 2 jogging pants, isang baseball jacket, at 1 sweat shirt. Binilhan ko rin si Emily ng denim jacket at si Ion ng dalawang sando. 

Past 6:30 na ako nakauwi. 

Hindi pa nagtatagal, nagmiting kaming Grade Six. Na-high blood ako dahil sa maling desisyon ng principal. Nag-away pa tuloy kami ni Hermie.

Bukas, nandoon kami para sa printing mg modules ng Q3, which is very late na dahil nasa Quarter 4 na dapat kami.




Mayo 27, 2021
Maaga akong nagising kaya bandang pasado 6:00 ay nasa biyahe na ako. Nakarating ako sa school bandang past 8. Naroon na sina Ma'am Madz at Ma'am Vi. Nagkuwentuhan kami habang naghihintay sa aming kasamahan. 

Ang saya-saya namin, lalo na nang dumating na ang mag-asawa. Pinag-usapan namin ang nangyari kagabi. Andami naming tawa.

Hindi naman ako nakatulong sa SBM at sa Grade Six. Panay lang ang pakikipagkuwentuhan ko sa kanila. Gayunpaman, naroon ako para suportahan sila. 

Past 5 na nang umuwi ang mag-asawang Alberto kaya umuwi na rin ako. Past 8:30 ako nakauwi sa bahay. Pagod ako, pero masayang-masaya. 




Mayo 28, 2021
Nagising ako badang 6:50. Ilang minuto na lang ay time ko na sa unang period. Agad aking nagbihis, naghanap ng lesson, at naghanap ng link. Napag-alaman ko, wala palang online class dahil may gagawin pala sa school. Kaya, napilitan akong pumunta roon.

Past 8:30, nandoon ako. Nagsisimula na sila. Agad naman akong tumulong, kahit hindi pa nag-almusal.

Gabing-gabi na ako nakauwi sa bahay. Una, dahil ito sa matagal kong paghihintay ng masasakyan sa CCP. Pangalawa, may tinulungan akong mag-ama na makauwi sa Noveleta. Naawa ako kasi panay ang lakad nila. Mula pa sila sa Antipolo. Nahirapan silang sumakay dahil bawal nga ang bata sa biyahe. Nagtaksi kami. Hinatid siya ng taxi driver hanggang sa lugar na pupuntahan nila. Doon na rin ako sumakay pauwi. 

Masaya ako kahit gumastos ako ng mahigit P1,000 para sa pamasahe namin. Gusto ko lang makauwi nang maaga at ligtas ang mag-ama dahil nakikita ko sa kanila ang pagod, uhaw, at gutom. Humanga nga sa akin ang driver at dispatcher. Nakakawala ng pagod at gutom ang pagtulong kong iyon. 



Mayo 29, 2021
Maaga akong nagising kahit gusto ko pang matulog. Nakakainis! Hindi man lang ako makabawi ng puyat. 

Gayunpaman, masaya ako sa nangyari kagabi. Hindi ko na inisip ang halaga ng perang nawala sa akin. Natutuwa ako dahil ginamit ako ng Diyos para makatulong sa kapwa. Matagal ko nang inasam iyon.

Pagkatapos mag-almusal, nag-ayos ako garden. Gusto kong isalba ang mga halaman ko mula sa matinding sikat ng araw. Andami ko nang halaman na nasunog. 

Hindi ko iyon kaagad natapos dahil sa sobrang init. Gabi ko na iyon natapos. Although, may hindi pa ako nagawa, mas maayos nang tingnan kaysa sa dati.




Mayo 30, 2021
Pagkatapos kong mag-almusal, nanguha ako ng tae ng baka sa pinakamalapit na sabsaban. Pagdating ko, nag-gardening ako. Tuluyan ko nang naisayos ang garden ko. Organized na. Kaya lang, may parating na plant rack, kaya mag-aayos na naman ako sa susunod na araw. 

Sobrang init maghapon, hindi na naman ako nakatulog kahit pa bagong ligo.

Past 6, nagkaraoke ako habang wala ang mag-ina. Marami-rami rin akong nakanta bago sila dumating..

Past 8, umulan nang malakas. Tiyak akong natutuwa ang mga halaman ko.




Mayo 31, 2021
Paggising ko pa lang, hindi na ako pinansin ni Emily. At habang nag-gagardening ako, nag-text pa. May nagbago na raw sa pakikitungo ko. Mag-usap daw kami. WTF! Wrong timing palagi! Kagabi, gustong makipagniig. Ang init-init. Iniwan pa sj Zillion nang gising para lang makitabi sa akin. Hindi nag-iisip. Sa halip na ma-in love ako, na-out of love tuloy. 

Hayun! Maghapon kaming walang kibuan. Isa pa, wala akong panahon. Mas masaya at mas masarap mag-gardening kaysa manuyo.  Bahala na siya kung nagdududa siya. Patunayan niya muna bago niya ako husgahan.

Naisaayos ko na nang maigi ang garden ko. Lumawak tingnan dahil sa bagong deliver na plant rack. 
















No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...