Followers
Saturday, May 1, 2021
Pagkakaroon ng Pagmamahal sa Diyos
Mahalaga ang pagkakaroon ng pagmamahal sa Diyos dahil ito ang pundasyon ng pagiging mapagmahal din sa ating sarili, kapwa, at kapaligiran.
Nais ng Diyos na ingatan natin ang ating sarili. Binigyan Niya tayo ng buhay, kaya nais niyang alagaan natin ito upang maging kalugod-lugod sa paningin Niya, maglingkod sa Kaniya, at maging biyaya sa iba.
Kapag mapagmahal tayo sa kapwa, nalulugod sa atin ang Diyos. Nais Niyang magmahalan lahat ng Kaniyang mga nilikha.
Ang kapaligiran at lahat ng mga hayop na naninirahan dito ay mahal ng Diyos. Nilikha niya upang ating pamunuan, alagaan, at pakinabangan, hindi upang sirain. Naluluwalhatian Siya sa kalinisan. Nananahan Siya saan malinis, payapa, at tahimik.
Ang pagkakaroon ng pagmamahal sa Diyos ay hindi lamang sinasalita, kundi ipinakikita ito sa gawa sa pamamagitan ng pagmamahal sa sarili, kapwa, at kapaligiran.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Aking Journal -- Hunyo 2026
Hunyo 1, 2026 Parang hindi naman ako nakatulog kagabi. Pagising-gising at pabaling-baling ako kasi ang mga panaginip ko ay parang totoo. P...
-
Ano ang Kolum (Column)? Paano ito isinusulat? Ang kolum o pitak ay regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasi...
-
Si Baltog Noong unang panahon, may isang maginoo at makisig na binata—si Baltog. Anak siya ng datu sa tribu ng Botaera ...
No comments:
Post a Comment