Followers
Saturday, May 1, 2021
Pag-ibig sa Diyos
Ang pagkakaroon ng pagmamahal sa Diyos ay nagdudulot ng pagmamahal sa sarili, kapwa, at kalikasan. Pinatutunayan nito na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad.
Ang ispiritwalidad ay bunga ng paniniwala at pagmamahal sa Diyos. Dahil dito, nagiging mabuting tao ang isang nilalang. Sinisikap niyang gumawa ng mabubuting bagay at gawain para sa kapwa at para sa ikalulugod ng Diyos. Kahit nagkakasala at nagkakamali siya, hindi siya nakakalimot humingi ng tawad sa Panginoon, gayundin sa taong nagawan niya ng kasalanan at mali.
Napakaraming paraan upang magkaroon o maipakita ang pagmamahal sa Diyos. Ang pagmamahal sa kapwa gaya ng pagmamahal sa sarili ay kaugnay ng pag-ibig sa Diyos. Ang dalawang ito ang bumubuo sa Sampung Utos ng Diyos. Kapag nagawa ng tao ang dalawang ito, hindi na niya nanaisin pang labagin ang iba pang utos. Kung mahal niya ang kapwa, hindi niya ito ipapahamak, nanakawan, sasaktan, kaiinggitan, o pagnanasaan. Dahil mahal niya ang kaniyang kapwa, gaya ng kaniyang sarili, nilulukuban siya ng pagmamahal ng Diyos. Ang espiritu ng Diyos ay nananahan sa kaniyang puso at isipan.
Ang pagmamahal sa Diyos ay nagdudulot ng kabutihan sa mundo. Kung ang bawat tao ay nagmamahal sa Kaniya, disin sana’y ang ating mundo ay walang kalungkutan, walang sakit, at walang kaguluhan. At kung mas marami sana ang nagmamahal sa Diyos, isa sanang paraiso ang ating mundo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment