Followers
Friday, October 30, 2020
Walang Iwanan
Nagbibisikleta noon ang magkaibigan nang mabangga ni Pilo ang kahoy na bakod, kaya nagbagsakan ang mga nakapasong halaman.
Wala sanang nakakita sa nangyari kahit ang may-ari, kaya lang nag-ingay si Cris.
“Hindi mo man lang ba tatawagin ang may-ari upang makahingi ka ng pasensiya at para makatulong ka sa pag-aayos ng mga nasira,” sabi ni Cris.
“Huwag na. Alis na tayo kasi wala namang nakakita at saka baka mapagalitan pa tayo,” tugon ni Pilo.
“Magagalit sa ‘yo, hindi sa akin lalo na kapag tinakasan mo.”
Bago pa nakalayo si Pilo, dumating na ang may-ari ng bahay. “Hoy, kayo?! Tingnan ninyo ang ginawa ninyo sa mga halaman ko!” Nag-uusok ang tainga nito.
“Sorry po, ale… Aksidente po ang nangyari. Hindi po niya sinadya.” Si Cris na ang nagsalita. “Hoy, Pilo, bumalik ka rito. Mag-sorry ka.”
Agad namang bumalik si Pilo at nag-sorry.
“Kung hindi ka pa sinabihan ng kaibigan mo, tatakasan mo talaga ang problemang ito,” sabi ng ale.
“Pasensiya na po. Natakot lang po kasi ako,” sabi ni Pilo.
“Aksidente nga, e... bakit ka natatakot? Dapat nga humingi ka ng tulong. So, paano ka ngayon? Nasaktan ka ba?”
“Hindi naman po masyado.”
“Kung gayon, tulungan ninyo akong ayusin at iligpit ang mga ito. Maaari ba iyon?” Sa wakas, ngumiti na ang ale.
“Siyempre naman po.” Nawala na rin kahit paano ang kaba at takot ni Pilo. “Cris, okay lang ba sa iyo?”
“Oo naman. Basta kaibigan hindi iniiwanan,” sabi ni Cris.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Aking Journal -- Hulyo 2026
Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...
-
Ano ang Kolum (Column)? Paano ito isinusulat? Ang kolum o pitak ay regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasi...
-
Si Baltog Noong unang panahon, may isang maginoo at makisig na binata—si Baltog. Anak siya ng datu sa tribu ng Botaera ...
No comments:
Post a Comment