Followers

Friday, March 27, 2026

Balagtasan -- Lalaki o Babae: Sino ang mas Malakas?

Lalaki o Babae: Sino ang mas Malakas?

LAKANDIWA:

Magandang umaga sa inyong lahat!

Sa araw na ito’y tatlo kami, sa inyo ay haharap.

Ako, na inyong magiting na lakandiwa

At ang kasama ko pang dalawa.

Ang isa ay babaeng manunula.

At ang isa nama’y lalaking makata.

Kapuwa nilang itatangging sila’y mahina

Bagkus mga kalakasan, kanilang iwiwika.

Isa-isa natin silang kilalanin at kilatisin

Kaya masigabong palakpakan, sila ay salubungin.

BABAE:

Hello! Kumusta kayo, mga Mare!

Ako nga pala ang hindi ordinaryong babae

Dahil kakayahan ko ay napakarami,

Kasingdami ng chicks ng inyong mga kumpare.

At hindi lang iyon, ako’y katangi-tangi

Sapagkat matris ko’y kayang magparami ng lahi

Hindi katulad ng aking katunggali

Lalaki ngang naturingan, hindi naman responsible.

LALAKI:

Sandali! Sandali, magandang binibini

Sirang-sira na ako kahit wala pa akong sinasabi

Ganyan ba talaga ang iyong… inyong ugali?

Totoo naman ang iyong mga sinabi,

Na kakayahan mo ay napakarami…

Ang tanong… kasama ba ang pagiging Marites at judgmental?

Ooops! Huwag mo nang sagutin dahil isa lang ang sumatotal…

Palagi namang tama kayong mga babae,

At kaming mga lalaki naman ang palaging mali.

BABAE:

Tama! Tama! Kami naman talaga ang tama.

Wala naman kayong ginawang tama!

Kapakanan lang ninyo ang iniisip ninyo

Nagbibisyo kayo! Nambabae kayo!

Madalas, kaming babae ang biktima ninyo.

Hindi kayo marunong makuntento.

Malaking porsyento sa inyo ang madalas matukso.

LALAKI:

Andami mong sinabi, mali naman.

Mahihihina talaga kayong kababaihan

Hindi nag-iisip bago ang mga salita ay bitawan.

Tukso? Kami pa ngayon ang madalas matukso?

Sigurado na ba kayo?

Nais ko lamang ipaalala sa inyo,

Na si Eba ang unang kumagat ng mansanas

Sino ang nagpatalo sa panunukso ng ahas?

Kayong mga babae ay sadyang mahihina

Sa tukso, kayo’y mabilis na nahahalina

Kaya paratang ninyo sa amin, aking tinutulan

Sapagkat mas maraming matitinong kalalakihan.

BABAE:

Talaga ba, Ginoo? Ikaw yata ay nahihibang

Kung iisa-isahin ko, isang araw ay kulang 

Upang masasamang gawain niyo’y mabunyag

Tandaan ninyo, kababaihan ay hindi mga bulag

Instinct namin ay hindi kailanman pumapaltos

Pang-amoy nami’y daig pa ang sniffing dog

Kaya kahit hindi kayo umamin, alam na namin.

LALAKI:

Hindi totoo iyan, mahal kong mga babae

Hindi lahat ng lalaki, ganiyan ang ugali

Oo, may iilang kagaya ng iyong sinasabi,

Pero huwag mong lahatin at huwag mo na akong isali.

BABAE:

Hoy, lalaki! Ikaw at sampu ang iyong kauri,

Ito ang tandaan mo— mahina man kami—

Sa pisikal, oo, pero sa intelektwal ay hindi

Hindi mo ako mabibilog

Hindi mo ako maitataob.

LALAKI:

Wala naman akong planong gawin iyan

Sapagkat minamahal ko ang kababaihan

Itinataas, dinadakila, at sinusuportahan

Saka inuunawa ang mga kahinaan.

BABAE:

Hoy! Isang ulit pa na ang salitang iyan ay marinig ko

Titirisin na kita, gaya ng mga kutong uhaw sa dugo.

LAKANDIWA:

Teka! Saglit lang! Kalma lang…

Bawal dito ang sakitan

Ikaw, babae, manatili sa kahinahunan

At ikaw naman lalaki, salitang iyan ay iwasan.

Mga babae ay hindi mahihina—

Matatag sila. Malalakas sila. 

LALAKI: 

Lalaki ka ngang talaga, aming lakandiwa.

Tama ang iyong tinuran na malalakas sila

Oo, malalakas silang kumuda---

Kaya nga, pakikinig sa kanila’y nakakasawa.

BABAE: 

Hayan! Hayan! Ang isda, sa bibig nahuhuli

Nagsasawa na kayo sa iisang putahe.

Ang paulit-ulit na ulam ay nakakasawa nga naman

Kaya tumitikim ng ibang katawan, este ng ibang laman.

LALAKI:

Siyempre, nakakasawa naman talaga

Kung ang ulam ay palagi na lang nilaga

Minsan, masarap ang kare-kare o mechado

Minsan, trip namin ang afritada at igado.

BABAE:

Minsan naman adobo ang gusto ninyo

Hindi na talaga kayo makuntento!

LALAKI:

Natural! Ayaw naming palaging adobo

Dahil ang adobo ay katulad ninyo---

Na madalas ay may toyo.

BABAE:

Naku! Nanggigil na ako sa ‘yo!

Kapag ako ay tinoyo ngayon, sigurado…

LAKANDIWA: 

Ooops! Bago mauwi sa hiwalayan, este sa away

Nais ko nang putulin ang balagtasan nang matiwasay

Ayaw kong sa dalawang ito ako ay madamay

Kaya, kayong madla na ang humusga kung sino ang pasaway

Este kung sino sa kanilang dalawa ang inyong papanigan—

Ang kababaihan ba o ang kalalakihan.

Maraming salamat sa inyong lahat!

Nawa’y may napulot kayong aral sa kanilang mga banat. 

BABAE: 

Sandaaaali! Bakit ka ba nagmamadali?

Porke’t lalaki ka, sa kaniya ka kumakampi

Hindi pa tapos ang aming pagtutunggali.

Hindi pa nga umiinit ang aming debate.

LALAKI: 

Hindi ko kailangang magpakampi, Binibini

Malakas ako, katulad ng karamihang lalaki

Sa mga pagsubok hindi basta-basta tumitiklop

Sa puso at isipan ko, walang lugar ang takot. 

Kaya kung nais mo itong ituloy, hindi ako uurong

Ladies first. Tumalak ka na o kaya’y magtanong.

BABAE: 

Talaga! Kaming mga babae ang dapat nauuna

At wala na dapat pumapangalawa at umeeksena.

LALAKI:

Hayan ka na naman… Kung ano-ano ang tinatalakay

Tumbukin mo na ang iyong argumento at iyong pakay

Ang pagiging paligoy-ligoy ninyo ay isang kahinaan

Oras ay talagang naaaksaya dahil sa inyong kadaldalan. 

BABAE:

Bubuntalin na talaga kita. Hindi kami mahihina

Oo, noong sinakop tayo ng mga banyaga

Mga babaeng katulad ko ang madalas nilang biktima

Hindi lang iyon, hindi pa kami lubos na malaya

Kinahon ninyo kami sa tahanan bilang ina, asawa

Limitadong papel ang aming ginampanan at nakuha

Pero ngayon, kami ngayon ay bumabangon na

Salamat kina Tandang Sora, Gabriela, at iba pa

Hindi na kami paaapi, palulupig nang basta-basta

Maaari niyo na kaming isabak ngayon sa giyera.

LALAKI:

Kahanga-hanga naman talaga ang inyong halaga

Sa anomang larangan, kayo ay namamayagpag talaga

Subalit, ako ay may naalala, sana ay iyo ring naaalala

Noong dekada otsenta, namayagpag kayong mga Eba

Tutal naman nabanggit mo ang mga banyaga

Na sumakop at nagpahirap noon sa ating bansa

Kaya aking itutuloy, at ako ay may itatanong

Huwag mo sanang itanggi, at huwag kang uurong.

BABAE: 

Sige! Ngayon pa ba ako uurong?

Bakit hindi mo na itanong?

LALAKI:

Okey! Noong 80’s nauso ang mga Japayuki

Kahinaan ba iyon o kalakasan ninyong mga babae?

BABAE:

Huh? Itinatanong mo ba iyan bilang insulto?

O nais mo lang na ang paksa ay iliko?

LALAKI:

Wala kayong inuurungan, iyan ang sinabi mo

Kaya anoman ang layunin ko, sagutin mo ako.

BABAE:

Oo na! Marami noon ang sumubok sa Japan

Subalit wala kang karapatang sila ay husgahan

Ang pagiging Japayuki ay marangal na trabaho

Malay mo, Japayuki rin pala dati ang lola mo

Kahanga-hanga silang mga nakaranas niyon

Maituturing na katapangan at kalakasan iyon

Sapagkat ang mangibang-bansa ay hindi palaging paldo

Hindi palaging tagumpay, marami rin ang nabibigo.

LALAKI:

Totoo naman iyan. Ako ay sumasang-ayon sa iyo

Kaya nga dapat kayong mga babae-- pambahay lang kayo

Kasi ang mga babaeng OFW ay madalas maabuso

Nagpapakita kasi kayo roon ng kahinaan ninyo

Kaya sa halip na magtagumpay, nabibigo sa buhay

Mabuti na lang, kaming lalaki ang inyong karamay.

BABAE:

Asus! Huwag mo akong daanin sa ganyan

Wala ka namang pinanghahawakang katibayan

Na ang mga babae ay madalas na masadlak sa kabiguan

Kahit sino sa atin ay maaari iyang pagdaanan

Ang kababaihan ay tunay na may katatagan

Sa pagbubuntis pa lang, tapos na ang laban.

Kaya ba ninyong magdala ng sanggol sa sinapupunan?

Kayo ba ninyong lumobo ang tiyan nang siyam na buwan?

Minsan nga, hindi niyo pa maibigay ang aming pinaglilihian.

At minsan pa nga, hindi niyo kami maunawaan

Habang namimilipit kami sa sakit dahil sa dalaw na buwanan

Hindi niyo talaga kami maiintindihan

Hanggang ang tingin ninyo sa amin ay isang parausan

Hanggang ang papel namin ay tao-tauhan

At hanggang ang halaga namin ay gaya ng basahan.

Hindi talaga ninyo makikita ang aming kalakasan

Hanggang hindi ninyo tinatanggap ang inyong kahinaan

Hindi talaga ninyo aaming, minsan, mahina rin kayo

Dahil kayo—kayong mga lalaki—ay sadyang machismo

Feeling malakas, feeling matatag, feeling macho

Tingnan niyo naman kami hindi lamang bilang babae

Tingnan ninyo kami-- bilang tao na may maibabahagi

Sa mundo ng mga lalaki, kaya rin naming maghari.

LALAKI:

Kanina, tanggap ko na-- kami talaga ang mali

Kaya, sige, sa mundo kayo na sana ang maghari

Nang matigil na ang pagigiyera ng mga pinunong lalaki

Sa tingin ko, digmaan ay hindi ninyo ipinagmamalaki

Kaya, sige, mga kamay ko’y itataas, noo’y aking iyuyuko

Paghanga ko sa kababaihan, mag-uumapaw pa lalo

Ang ating pamayanan, bansa, kahit pa buong mundo

Ay kaya ninyong pamunuan nang mahusay at matino

Kaya ngayong araw, idinideklara ko ang aking pagsuko

Mga babae, hindi kayo mahihina… malalakas kayo

Katulad namin kayo--- malakas, matalino, may puso.

Happy Women’s Month sa inyo!

LAKANDIWA:

Hayan! Natutuwa ako kayo ay nagkasundo

Kahanga-hanga ang iyong pagsuko, Ginoo

Tandaan mo, hindi kahinaan ang pagsuko

Kaya tanggapin mo ang aking pagsaludo.

At sa iyo rin, binibini, paghanga ko’y sumasaiyo

At sa lahat ng mga babaeng narito---

Maraming salamat dahil binubuo ninyo ang ating mundo.

Mabuhay kayo!

No comments:

Post a Comment

Balagtasan -- Lalaki o Babae: Sino ang mas Malakas?

Lalaki o Babae: Sino ang mas Malakas? LAKANDIWA: Magandang umaga sa inyong lahat! Sa araw na ito’y tatlo kami, sa inyo ay haharap. Ako, na i...