Followers

Saturday, October 17, 2020

Lugar na Babalikan (panghalip)

Lugar na Babalikan Sa lahat ng napuntahan kong lugar, ang Palawan ang pinakanagustuhan ko sa lahat. Pambihira ang karanasan _______ roon. Ang Palawan ay kilala sa magaganda at malilinis na baybayin. Napatunayan ko ito nang makarating _________ mag-anak doon. Higit pa sa inaasahan _______ ang mga nakita at naranasan ko. Una _________ pinuntahan ang sikat na ilog sa ilalim ng lupa, na mas kilala bilang Puerto Princesa Subterranean River National Park. Isa itong UNESCO World Heritage Site, na kinikilala ng buong mundo. Kamangha-mangha ang mga rock formation sa ilalim niyon. Kung ________ ang naroon, hindi ka makakapagsalita sa pambihirang ganda ng mga makikita ______. Masasabi mong napakagaling ng Diyos at kalikasan. Hindi rin _______ pinalampas ang pagkakataong maligo sa tatlong baybayin sa Puerto Princesa. Ang Lulubog-Lilitaw (LuLi) Island, Starfish Island, at Cowrie Island ay tatlong magagandang beaches kung saan may iba’t ibang karanasan _______ mailalagay sa aking alaala, gaya ng snorkeling, banana boat riding, at tamilok eating. Marami pa kaming pinuntahan. Samot-saring pasyalan pa ang aming binisita. Lahat ng iyon ay nagbigay sa amin ng hindi mababayarang kasiyahan. Sulit na sulit ang gastos na inilaan ni Papa. Sabi nga ______, kung may babalikan kaming lugar, ang Palawan iyon. _________ na rin ang nagtakda na sa susunod na taon ay babalik kami roon.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...