Followers

Saturday, August 8, 2015

DALIT

I.Mundo ay kay ganda naman

Diyos Ama ang nagbigay

Siya ay pasalamatan

Sa biyaya't ating buhay.


II.

Kaloob Ninyong biyaya
Ako'y tigib ng ligaya
Kay buti mo Panginoon
Mula noon, hanggang ngayon.


III. 
Salamat, O Diyos namin
Kami Iyong pinagaling
Mga sakit, inaalis
Di na kami nahahapis.


IV.
Paghilumin Mo po, Ama
Ang sugat at aming dusa;
Pagalingin mo ang pasa
ng kahapong nagdaan na.


V.
Patawarin Mo po kami
Sa'ming mga gawang mali;
Lubos aming pagsisisi
Sa parusa'y di tatanggi.

VI.
Ako'y nagpapasalamat
dahil biyahe sa dagat, 
Ikaw, sa ami'y nag-ingat,
Papuri ko'y nararapat.



VII. 
Panginoon, salamat po
Sa ipinagkaloob Mo.
Ligaya't kalakasan ko,
Nagmumula lang sa Iyo.



VIII.
Oh, Lord, na mapagpatawad,
patawarin Mo po ako,
at ang mga kaaway ko.
Lahat kami'y nagkasala.


IX.
Nang ako sa'yo'y nagpuri,
Aking naramdamang muli
Espiritung nagpabuti
Noon, sa aking sarili.




X.
Gabayan Mo ako, Ama,
Sa aking mga adhika.
Pangarap, makamtan nawa
At maluwalhatian Ka.


DALIT

I.Mundo ay kay ganda naman

Diyos Ama ang nagbigay

Siya ay pasalamatan

Sa biyaya't ating buhay.


II.

Kaloob Ninyong biyaya
Ako'y tigib ng ligaya
Kay buti mo Panginoon
Mula noon, hanggang ngayon.


III. 
Salamat, O Diyos namin
Kami Iyong pinagaling
Mga sakit, inaalis
Di na kami nahahapis.


IV.
Paghilumin Mo po, Ama
Ang sugat at aming dusa;
Pagalingin mo ang pasa
ng kahapong nagdaan na.


V.
Patawarin Mo po kami
Sa'ming mga gawang mali;
Lubos aming pagsisisi
Sa parusa'y di tatanggi.

VI.
Ako'y nagpapasalamat
dahil biyahe sa dagat, 
Ikaw, sa ami'y nag-ingat,
Papuri ko'y nararapat.



VII. 
Panginoon, salamat po
Sa ipinagkaloob Mo.
Ligaya't kalakasan ko,
Nagmumula lang sa Iyo.



VIII.
Oh, Lord, na mapagpatawad,
patawarin Mo po ako,
at ang mga kaaway ko.
Lahat kami'y nagkasala.


VIII.
Nang ako sa'yo'y nagpuri,
Aking naramdamang muli
Espiritung nagpabuti
Noon, sa aking sarili.


IX.
Panginoon, salamat po
Sa ipinagkaloob Mo.
Ligaya't kalakasan ko,
Nagmumula lang sa Iyo.



X.
Gabayan Mo ako, Ama,
Sa aking mga adhika.
Pangarap, makamtan nawa
At maluwalhatian Ka.


Thursday, August 6, 2015

BlurRed: Mahinhindutin

Hindi ko na talaga kayang kimkimin pa ang naramramdaman ko para kay Riz. Gusto ko na siyang tanungin kung mahal niya rin ako. Kaya lang, nararamdaman kung mas na-eenjoy niya ang pagiging magkaibigan namin. Masaya naman kami pareho sa ganun lang. Madalas kaming magkasama, makakuwentuhan... magkatawanan.
Hihintayin ko ang panahon na handa na siya. Habang hinhintay ko ang araw na iyon, pupunuin ko ang bawat sandali ng ngiti at kilig. Ang gitara ko ang magsisilbing tulay upang ipadama ko sa kanya ang laman ng puso ko.
Kanina nga'y halos maluha siya nang kantahan at gitarahan ko siya ng "Beautiful Girl". Kaya lang naluha talaga siya nang magsumbong siya sa akin. Nagkasagutan daw sila ni Fatima sa comfort room. Tinawag siyang mahihindutin.
"Wala talagang magawang matino ang babaeng yun... " sabi ko. Nagagalit ako dahil below the belt na siya kung tumira sa mahal ko. "Hayaan mo't pagsasabihan ko."
"Wag na, Red. Please lang... wag na."
"Bakit?''
"Basta! Huwag na. Okay lang ako."
Hindi na ako nag-usisa. Alam kong may itinatago siya sa akin. Takot ang nakita ko sa kanyang mga mata. Handa akong alamin ang nasa likod niyon. Hindi ko maaaring palampasin ang kagaspangan ng ugali ni Fatima. Kung may mahihindutin man sa kanila, hindi iyon si Riz, kundi siya. Ipinagsisiksikan kasi niya ang sarili niya sa taong di naman siya kayang mahalin. Tama ba naman kasing i-text niya ako nang i-text ng mga malalaswang mensahe?
Kung manyakis lang ako, pinatulan ko na siya..

Wednesday, August 5, 2015

Neo

Mula sa loob ng tahanan ni EF19 ay tanaw niya ang pagsabog ng malaking bahagi ng mundong kaniyang kinalakhan. Hindi niya maiwasang maluha sa nakita. Mahigit sampung taon na rin siyang nasa himpapawid, kaya naisip niyang iyon na ang panahon upang bumalik sa mapanganib na lugar ng kaniyang tinakasan.

Lumunok siya ng pulang tabletas bago nagsuot ng kulay-pilak na kasuotan, at muli niya itong pinagmasdan mula sa malaking monitor. Isang tahimik, mausok, at wasak na lugar ang nakikita niya. Bumagsak ang mga balikat niya, kasabay ang muling pagtulo ng kaniyang mga luha. "O, Diyos ko! Patawarin mo ang Pilipinas," sambit niya.

Pinaharurot ni EF19 ang kaniyang tahanan patungo sa bayang mahal nang mahigit tatlong dekada. Tumigil siya 1000 kilometro ang layo mula sa kalupaan. Sapat ang layo niya upang matanaw roon ang mga wasak na tahanan, ari-arian, imprastraktura, at agrikultura. Wala siyang nakikitang gumagalaw na tao o hayop. Naisip niya ang kaniyang mga kamag-anak na nag-aruga sa kaniya at nagpa-aral. Hiniling niya sa Panginoon na sana ay buhay pa sila. Kung hindi man, tatanggapin niya na lamang sapagkat matitigas ang mga ulo nito. Kung nagtiwala lamang ang mga ito sa kaniyang kakayahan, disin sana'y may hininga pa ang mga ito hanggang ngayon.

Muli niyang pinaandar ang kaniyang hugis-mangkok na sasakyan upang makita pa ang ibang bahagi ng Pilipinas. Wala na ngang buhay sa kaniyang bansa. Nagmistulang kinaingin ang lupang sinilangan. Nasisiguro niyang bago pa ito sumabog ay talagang sirang-sira na ito. Hindi niya sinisisi ang teroristang nagtanim ng bomb X13aR. Mas sinisisi niya ang mga kapuwa-Pilipino niya, na hindi pinahalagahan ang bawat nilalang sa mundo. Naging ganid sila sa yaman at kasiyahan. Nalimutan nilang pangalagaan ang kalikasan.

Desidido siyang bumaba sa kalupaan at magdala ng isang mahalagang bagay pabalik sa kaniyang paraiso. Kaya inikot niya ang Pilipinas upang humanap ng patag na lugar na paglalandingan ng kaniyang sasakyan.

Samantala, sa loob ng madilim na kuweba, may dalawang pusong pumipintig.

"Araay!" bulalas ng babae sa kuweba. "Langgam ka!"

Hindi nag-aksaya ng oras si EF19. Bumaba siya sa kaniyang tahanan. Tanging ang nilunok na tabletas ang kaniyang sandata sa posibleng kapahamakan. Namulat siya sa takot dahil sa kasamaan ng mga tao, pero ngayon ang takot na iyon ay naglaho. Ang mga nakahandusay na bangkay na natanaw niya kanina ay patunay na hindi na siya kailanman masasaktan ng kaniyang kapwa. Nais lamang niyang mag-uwi ng isang bagay na maaari niyang mapag-aralan at maging bagong obra maestra.

Hindi lamang niya maihakbang ang kaniyang mga paa. Kahit saan kasi siya bumaling ay hindi kaaya-aya ang kaniyang nakikita. Matindi ang pagkawasak ng Pilipinas. Hindi niya kayang buuing muli. Hindi niya lubos maisip kung makakaya niyang tumulong upang magkaroong muli ng panibagong buhay ang kaniyang pinagmulan.

Napangiti siya nang sumagi sa utak niya ang babaeng unang nagpatibok ng kaniyang puso. Alam naman niyang kailanman ay hindi na niya makikita ang dating kasintahan. Gayunpaman, umaasa siyang makakaisip siya ng paraan upang magkaroon ng bagong tao sa kalupaan na siyang magmamahal sa mga nilikha ng Diyos. At kapag nangyari iyon, muli siyang babalik dito at makikipamuhay kasama nito.

Sinipat niya ang kaniyang orasan. Dalawang oras lamang ang epekto ng pulang tabletas. Isang oras na lang ang maaari niyang itagal sa lupa. Kapag lumampas siya, maaari niyang ikamatay.

Isang ingay ng pagpupunyagi at paggamit ng lakas ang narinig sa loob ng kuweba samantalang si EF19 ay palapit sa kuweba.

Tumakbo siya palapit doon nang may nakita siyang parang kamay. Nalaglag pa ang mga malalaking bato na nakaharang sa kuweba.

"May tao ba riyan?" pasigaw na tanong ni EF19.

"Tulong! Tulungan niyo ako!'' sagot ng babae.

Mabilis at isa-isang binuhat ni EF19 ang mga bato. Ilang sandali pa, lumabas ang buntis na babae.

"Salamat! Maraming salamat." Nanghina ang babae, at bumagsak.

Maagap na nasalo ni EF19 ang buntis. Sinikap niyang mabuhat ito sa kabila ng mabigat nitong timbang. Beynte minutos na lamang ang nalalabi. Kailangan na niyang makapasok sa sasakyan. Hindi niya maaaring iwanan ang babae. Para sa kaniya, ito ang katuparan ng kaniyang pangarap.

Gabutil ng monggo ang mga pawis ni EF19 nang maipasok niya ang buntis sa kaniyang M80K. Tatlong minuto pa, bago tuluyan siyang mawalan ng hininga. Ang babae ay agaw-buhay na kaya nagmamadali niyang kinuha ang isang silver box sa kaniyang cold storage. Mula roon, inilabas niya ang isang injection.

"God bless you. Hindi ako sigurado... pero sana tumalab ito sa 'yo." Marahan niyang itinurok ang hiringgilya sa braso ng babae at marahan ding idiniin upang masalin sa katawan nito ang dilaw na likidong maaaring magpanumbalik ng natitirang lakas at hininga nito. Pagkatapos, sinilip niya ang kaniyang relo. Tinantiya niya ang pag-eepekto ng gamot.

Isang oras ang lumipas. Halos mawalan na siya ng pag-asa, kaya naman nagdesisyon na siyang bumalik sa kalawakan. Pinindot niya ang 'Self-Flight' button at inilapat niya ang kaniyang likod sa pulang swivel chair. Kasabay ng pagpinid ng kaniyang mga mata upang matulog at magpahinga ay ang pag-asam na sana ay umepekto ang gamot sa katawan ng buntis.

"Kung sino ka man... maraming salamat!" Isang mahinang boses ang gumising kay EF19 mula sa pagkakahimbing.

Pareho silang nagulat nang umikot ang swivel chair ni EF19.

"Huwag kang matakot!" Tumayo na si EF19. "Tao rin akong katulad mo. Salamat at buhay ka. Ako nga pala si EF19. Ikaw? Anong pangalan mo?"

Tiningnan muna ng babae si EF19 mula mukha hanggang paa. "Katulad ka rin ba nila?" May nginig ang boses nito.

Mariing umiling si EF19. Lumamlam ang kaniyang mga mata. `Tapos, bumalik siya sa swivel chair. Hindi siya humarap sa babae. "Sampung taon na akong nakalutang sa kalawakan... Walang kasama. Walang kausap... Sa sasakyang panghimpapawid na ito ako nakahanap ng kaligtasan at buhay. Iniwan ko ang mga kamag-anak kong nagpalaki sa akin pagkatapos nilang tanggalan ako ng tiwala sa sarili. Pero, heto ako ngayon... buhay. Nakaligtas. At patuloy na mamumuhay hanggang kunin ako ng Panginoon... Ikaw, bakit ka kaya binuhay ng Diyos?" Humarap na siya sa buntis at nakita niyang namimilipit ito sa sakit.

"Manganganak na yata ako! Ang sakit!"

Kagyat na kumilos si EF19. Nabuhat niya agad ang babae patungo sa mahabang mesang stainless. Animo’y doktor siya, na bihasa sa ganoong sitwasyon. Hindi siya kakitaan ng pagkataranta. Alam niya rin ang mga gagawin at mga bagay na ihahanda. Hindi niya ininda ang pagsigaw at pag-iyak ng babae habang inihahanda niya ang mga kakailanganin.

"Magtiwala ka sa akin, kaibigan. Isa akong siyentipiko. Ang Panginoon ang gumagabay sa akin..." litanya ni EF19. Nakita naman niyang kumalma ang babae. "Wala nang buhay ang Pilipinas nating mahal. Kung paano ka man napadpad sa kuweba at kung paano kita natagpuan doon, ituring na nating biyaya Niya. At... itong anak mo... biyaya siya ng Maykapal. Kaya, pakiusap... manalig ka sa Kaniya. Pagkatiwalaan mo ako..."

Isang mahabang pagtangis ang naganap. Punong-puno ng pighati ang pag-impit ng babae. Kuyom-kuyom nito ang mga kamao. Pinipilit nitong itago ang sakit na nararamdaman habang humihilab ang tiyan.

"Sige na, kaibigan... Gusto kong mabuhay kayo." Walang inaksayang sandali si EF19. Kalmado at maingat niyang isinagawa ang pagpapaanak. Ginawa niya itong painless, gamit ang isang gamot na kaniyang na-formulate ilang taon na ang lumipas.

Pagkatapos ng kalahating oras, narinig nilang dalawa ang uha ng isang sanggol.

"Lalaki ang iyong anak." masayang pagbabalita ni EF19. Itinaas pa niya ito upang makita ng ina na puspos ng kaligayahan. "Maaari ko ba siyang tawaging Neo?"

"Oo! Salamat, EF19! Ituring mo na siyang anak mula ngayon. Bahala ka na sa kaniya." Nanghihina na ang babae.

Inilapag niya muna ang sanggol sa tabi ng ina at dali-daling hinalungkat ang isang salaming kabinet. " Hindi ka mamamatay... Hindi."

"Maligaya na ako sa pagsilang ni Neo..."

"Heto... nguyain mo." Isinubo ni EF19 ang isang itim na tabletas sa babae. "Iyan ang magbabalik ng iyong lakas… Dali... nguyain mo. Dali!"

Tumalima ang babae. Nang malunok, kinuha ni EF19 ang sanggol at nilinisan. Pagkatapos, muli niyang itinabi sa ina--- na unti-unti nang nanunumbalik ang sigla.

Pinagmasdan ni EF19 ang bata. Ngumiti ito sa kaniya-- tila nagpapasalamat at nagbubunyi. Nasilayan niya rin ang kislap sa mga mata ng babae. Noon niya lamang napansin ang taglay nitong kagandahan. Nabighani siya, kaya nais niyang hagkan ang mapupula nitong mga labi, at hawakan ang mapuputi nitong daliri. Pinigil lamang niya ang kaniyang sarili.

"May langgam!" bulalas ni EF19. Nakita niyang gumagapang ang itim na langgam sa braso ni Neo. "May kakambal siyang langgam?''

Natawa ang babae. "Hindi... Isa iyan sa mga kumagat sa akin doon sa kuweba."

Natawa na rin si EF19 habang maingat na kinuha ang langgam. "Makakasama natin siya rito mula ngayon." Kumuha siya ng isang garapon at maingat na nilapag doon ang langgam.

Hinagkan naman ng ina ang noo ni Neo—ang bagong pag-asa ng Pilipinas.

Tuesday, August 4, 2015

BlurRed: Discussion

Sobrang busy sa school kahapon. Hindi kami nakapag-uspa ng sarilinan ni Riz. Andami kasing dapat pag-aralan. Hindi pala biro ang pagkokolehiyo. Kahapon ko lamang na na-realize na hindi ito basta-basta. Kinailangan naming magseryoso. Nagalit kasi ang isa naming professor dahil hindi kami nagpa-participate sa reporting. Reading at listening na lang daw ang nangyayari. Wala na raw interaction. Tama naman siya. Aminado naman akong wala ako sa sarili ko madalas. Kapag katabi ko kasi si Riz ay hindi na gumagana ang kukote ko para sa mga lesson. Puro na lang sa kanya.

Hindi man aminin ni Riz, inilayo niya rin sa akin ang sarili niya para makinig at mag-participate sa discussion. Pinatahimik niya pa nga ako sa pamamagitan ng pagpatong niya ng daliri sa kanyang mga labi.

"Iba-iba talaga ang professor..." sabi ko paglabas namin.

"Oo nga. Kaya nga kailangan nating magseryoso. Baka next time tayo na mismo ang pagalitan niya.." 

Kanina naman, sinikap naming maging attentive sa lahat ng propesor. Naging aktibo kami ni Riz. Nagsulat na rin kami ng mga lecture. Kailangan, e. Kailangang balansehin ang pag-aaral at pag-ibig. Kampante naman akong magiging kami ni Riz. Hindi ako nagmamadali. Nakita ko naman sa kanya ang saya--- sa kislap ng kanyang mga mata at lutong ng kanyang mga tawa. Idagdag pa ang nakakabighani niyang ngiti. 

Siyempre, hindi ko pinalampas ang araw na hindi ko siya matugtugan ng mga awitin ko. Kapag may time ako, muli akong magsusulat ng kanta para sa kanya... habang inspired ako.

Sunday, August 2, 2015

BlurRed: Gitara

Pagkatapos naming magsimba, nag-request ako kina Mommy at daddy na umuwi na agad kami. Dapat sana kasi ay kakain pa kami sa labas. Mas pinili kong umuwi lang. Idinahilan ko na sawa na ako sa mga pagkain sa fast food. Pumayag naman sila. 

Ang totoo, gusto ko lang maggitara. Kailangan ko kasing mag-aral ng iba pang kanta para kay Riz. Nais ko siyang kantahan nang kantahan kapag may free time kami bukas sa school. Ang gitara at ang boses ko lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Marahil, ang mga ito naman ay maaapreciate niya. Naalala ko nga kahapon nang kami ay nasa Manila Bay. Hindi man niya aminin, alam kong kilig na kilig siya habang ginigitarahan ko siya't kinakantahan.

"Maghapon ka nang naggigitara, nak, ah. Hindi ka ba napapagod?" tanong ni Daddy, bandang alas-singko ng hapon.

Hindi ako huminto sa pag-strum. Tiningnan at nginitian ko lang siya. 

"Oo nga, Red! Pahinga ka na. Unless, may gig ka na.." singit ni Mommy.

Huminto ako. "Wala pa po. Inihahanda ko lang ang mga piece ko para kung makahanap man ako, ready na." Ipinasok ko na sa kuwarto ang gitara. "Gusto ko nang makabili ng bagong gitara." sabi ko, pagbalik ko sa sala.

"Bakit? Okay pa naman, ah." si Daddy.

"Maayos pa naman po, pero may nakita kasi akong gitara sa mall. Astig!"

"E, di... pag-ipunan mo.'' payo ni daddy tapos, tinalikuran na niya ako para magsimulang maghanda ng hapunan. 

Ang musika ang buhay ko kaya patuloy akong aawit at iibig. Hangad ko namang mas maganda ang aking instrumento para makabuo ako ng musikang magpapaibig kay Riz. 

Saturday, August 1, 2015

BlurRed: Sunset

Kulang ako sa tulog kasi binangungot ako sa kakaisip kay Riz. Pero ayos lang naman! Hindi naman ako na-late sa aming NSTP. Nauna nga lang siyang nakarating sa Manila Bay, kung saan mag-cleaning drive kami as NSTP.

Malayo pa lang ay nginitian ko na si Riz. Ngumiti rin siya sa akin. Wala siyang idea na kagabi ay tumakbo siya sa isip ko ng ilang oras.

"Antagal mo naman! Di mo na naabutan ang sunrise." sabi niya.

"Di bale na... sasamahan mo naman akong abangan ang sunset... mam'ya." Ngumisi ako. Then, hinintay ko kung mag-rereact siya.

"E, ano ba talaga ang gagawin natin mamaya?" pasigaw niyang sagot. Nakapamaywang pa siya. Pero, ngumiti pagkatapos. "Sabi mo... sasamahan kitang maghanap ng pagtutugtugan."

"Pwedeng pareho?'' Nagpacute pa ako para di na siya magalit.

"Hmp! Kainis ka! Sana dinala mo ang gitara mo... Para habang hinhintay natin ang sunset, tumutugtog ka." 

Napakamot ako sa ulo. Naisip ko na iyon kanina. Kaya lang naisip ko ring baka mapapagalitan lang ako ng instructor namin. Abala sa paglilinis namin. 

Pagkatapos ng NSTP namin, naglakad-lakad kami ni Riz para maghanap ng mga vacancy para sa mga musician at performers. Mahaba-haba rin ang narating namin pero wala kaming nakita. Nakakapagod kung tutuusin pero hindi namin iyon nasambit at naramdaman. Masaya kasi kaming nagkukuwentuhan habang naglalakad. kulang na nga lang ay magholding hands kami para kompleto. 

"Salamat... Riz!" sabi ko habang nakaupo kami sa seawall ng Manila Bay. Kararating lang namin mula sa paglalakad-lakad.

"No probs, Red! Basta ikaw."

Nakaka-inlove ang sunset. Totoo nga pala ang nababasa ko at mga napapanuod ko. Mas lalong tumindi ang pagmamahal ko kay Riz. 

"Pwede ba tayong bumalik dito... bukas?" alumpihit kong tanong.

Nag-isip siya ng ilang segundo. "Sure. basta wag mong kalimutan, ha?"

"Oo!" Alam kong ang gitara ang tinutukoy niya. Mas pabor sa akin iyon. 



Ang Aking Journal --- Agosto, 2015

Agosto 1, 2015 Pasado alas-nuwebe ay umalis kami ni Zillion. Nagpa-laundry muna kami, then pumunta sa HP. Doon ay nag-brunch kami sa Jollibee. Sobrang gutom ko kasi. Walang hapunan kagabi. Walang ring almusal kanina. Dahil napag-usapan namin ni Mia kagabi ang tungkol sa concert kagabi sa Makati, sinuggest (suggest) niya na turuan kong mag-play ng instruments si Ion. Nasabi ko na iyon nga ang gusto niya. Kaya, I end up to the idea na ibili ko na siya ng gitara bukas. Matagal na niya kasing sinabi iyon na bilhan ko siya. Pati nga drums ay ipinabibili niya. Excited siyang tumugtog pag-uwi namin. Halos ayaw matulog. Nanumbalik din ang kagustuhan kong matuto nito. Nakapag-download tuloy ako ng chords at mga songs na may chords at lyrics. One-thirty, nag-PM si Mam Joyce-- nasa school na raw siya. Akala ko ay hindi siya matutuloy. Nahiya naman akong sabihing ayaw ko nang tumuloy, kaya dali-dali kaming nagbihis ni Ion. Nag-taxi kami papunta sa Manila Ocean Park para sa dadaluhan naming ocular. Nakaalis na raw sina Mam Joan R., Mam Amy at Mam Leah G. ayon kay Sir Joel G. Sayang di namin naabutan. Pero, nakita agad namin doon. Hindi pa sila nakakapasok sa venue hall. Tapos, antagal pa bago nakapagsimula ang program. Naenjoy ko at ni Ion ang ocular slash pasyal. Third time ko doon. Second time naman ni Ion, pero ngayon lang niya ito maa-appreciate dahil baby pa siya nang una siyang makarating dito. May bagong attraction --ang Yexel's Museum. Sayang, di namin naenjoy kasi 5:30. Umuwi na ang tatlo. Kami naman nina Mam Joyce ay pumunta pa sa Luneta. Dumaan lang kami. Hindi pa raw kasi siya nakakapunta dun. Alas-siyete na kami nakauwi sa bahay. Sobrang pagod pero masaya. Agosto 2, 2015 Since, hindi umuwi si Epr kagabi, naisipan kong maglinis at magligpit sa kuwarto kaninang umaga, pagkatapos mag-almusal. Lumuwang nang kaunti. Tinapos ko rin ang article ko tungkol sa senior high school at ipinasa ko na ito kay Mr. Raygienald Villacorta. Siya ang speaker noong seminar nina Mam Loida at Mam Dang. Binigay nila sa akin ang email address. Hinihintay ko na alng ang sagot niya kung ito ay isasali sa publication o hindi. Umidlip ako bandang alass-do y medya hanggang alas-kuwatro. Si Zillion, hindi talaga natulog. Pagbangon ko, saka namang dumating si Epr. Nagulat ako dahil paalis na naman siya. Ang aga ng deployment niya. Sa Bacolod na naman siya na-assign. Wala na siyang pahinga, gaya ko. Tsk tsk. Okay lang, basta masaya. Pag-alis niya, umalis din kami ni Ion para mag-grocery sa HP. Agosto 3, 2015 Unang Lunes ng Agosto. Naguguluhan ako s amga pangyayari. Ewan ko kung bakit. Basta, paarang ang gulo. Dati, ako ang nag-organize ng Buwan ng Wika. Busyng-busy ako. Ngayong, hindi na, busy pa rin. Ewan!! Gayunapaman, masaya ako sa performance ni Zillion sa kanilang acrostic. Andami niyang 'fans'. Hehe. Nag-judge pa ako s aTagisan ng Talino. Kunwari. Over-all... di ko talaga ma-feel. Parang di nagawa ni Intruder ang nagawa ko for three consecutive years. Alas-4 na kami nakauwi. Di na ako natulog dahil gumawa ako ng powerpoint presentation para sa speaking engagement ko bukas tungkol sa collaborative publishing. Kailangang kong ipakita ang aking galing. Dapat malaman nila na inagawan ako ngunit hindi ako nawalan. Alas-10 y medya ako nakatapos ng PPT ko. Ayos naman.. Hope maging maayos ang aking lecture bukas. Agosto 4, 2015 Sa sobrang excitement ko, naiwanan ko sa boarding house ang bag ni Zillion. Wala naman daw problema, sabi ng teacher niya kasi marami naman daw siyang stock. Sa Jose Rizal Elementary School ang venue ang District Journalism Training. Akala ko ay ihihiwalay na ang bawat category, hindi pala. Kaya naman, ang inihanda kong lecture ay para lang sa collaborative publishing. Gayunpaman, nagawa kong i-connect sa lahat. Naisama ko rin ang tungkol sa aking pagwa-wattpad at iba pa upang ma-inspire silang magsulat pagkatapos ng journalism contest. Sayang nga lang dahil nagloko ang signal ng wifi ko kaya di ko naipakita sa kanila ang wattpad account, issuu, blogs at clubs ko. Pero, ayon kina Mam Loida, ayos naman ang speak ko. Ramdam at nakita ko naman iyon. Tapos, nang mag-speak ang distinguished guest na si Paulo Cuento, isang news writer, masasabi kong mas mahusay ako. Hehe. Narinig ko nga si Ms. Kris na mas mahaba pa ang lecture ko. Past 4:00 na kami nakauwi ni Zillion. Sinundo ko pa kasi siya sa teacher niya. Bukas, maghapon uli kami doon. As trainer ng science reporting kailangang naroon ako. Pinakiusapan din ako ni Mam Normina na tulungan ko sila sa collaborative. Agosto 5, 2015 Second day ng District Journalism Training. Excited sana akong bumangon para maghanda dito kaya lang nalungkot ako nang makita ko si Zillion na tila hinahapo at kinakapos ng paghinga. Pinaliguan ko pa siya dahil akala ko ay nag-iinarte lang. yon pala, talagang masama ang pakiramdam niya. Gusto pa nga niyang mahiga na lang at iwanan ko na lang siya. Nagbilin pa na sabihin ko na lang sa kanyang teacher ang pag-absent niya. Naawa ako. Gayunpaman, umalis pa rin kami. Kinarga ko na lang siya patungong school. Doon ay napansin agad ng mga kasamahan ko ang kanyang paghingal at ang nakataas na balikat habang humihingal.Sabi ng iba ay ipadoktor ko na. Ayaw ko naman dahil naisip kong dahil almang sa ubo at plema niya. Dalawang beses na kasi siyang nagsuka-- kagabi at kaninang umaga. Nakarating kami sa JRES. Hindi pa nagtatagal ay nagsuka na naman siya doon. Marami. Nakakahiya pero hindi ko na ininda.Nahirapan ako. Hindi tuloy ako mapakali. Mabuti na lang at workshop na lang ang nangyari. Pagkatapos kong magturo ng news writing o pagsulat ng balita, pinakiramdaman ko na siya. Nang dumating si Sir Erwin, saka lamang ako kumilos. Alas-onse na iyon. Sinabi niyang dalhin ko na agad sa doktor kasi di na okay. Since, RN siya, tumalima ako. Sinamahan ako ni Ms. Kris. Antagal lamang naghintay na ma-accommodate sa Bautista Clinic. Mahigit isang oras bago na-nebulize si Ion. Tapos, sasabihin lang na baka may pneumonia at kailangang ipa-xray. Medyo guminhawa ang pakiramdam ni Ion pagkatapos mapausukan. Nakatulog na rin siya pagkatapos uminom ng gamot. Kaya lang naging iyakin siya pagkagising. Pasado alas-4 ko na siya napa-xray. Bukas ng 4 PM pa ang result kaya bukas na rin ng hapon kami makakabalik kay Dr. Bautista. Sana wala siyang pneumonia. Okay na ang gastos ko kanina. Wag na sanang madagdagan pa dahil sa posibleng sakit na tinutukoy ng doktor. Pasado-alas-7, tumawag si Nanay Mila. Nalaman niya tuloy ang kalagayan ni Ion. Akala niya ay di ko kaya. Kaya nga nagbabayad ako ng tutor para maalagaan siya kahit paano, lalo na sa pagkain at pagtulog. Ang sabi niya, mahal daw. Kung gusto ko raw, doon na uli sa kanila. Hindi ako pumayag. Sabi ko, kaya ko naman. Agosto 6, 2015 Maaga nagising si Zillion. Pinagbigyan ko naman ang sarili ko na matulog nga matagal, since di naman kami papasok. Alas-otso na ako bumangon. Medyo okay na ang anak ko. Nakakain na ng dalawang balot ng cupcakes. Natuwa ako't nakalma. Alas-tres y medya, na-claim ko na ang P4000 na padala ni Nanay Mila, na mula naman kay Emily. Tapos, dumiretso na kami sa Balbido's para i-claim naman ang x-ray result. Tapos, nasayang lang ang pagpunta namin sa clinic ni Dr. Bautista dahil wala na raw siya doon. Babalik na naman kami bukas. Gusto ko pa naman sanang maaga kaming makauwi sa Bautista. Di bale, ang mahalaga ay malaman ko ang kalagayan ng kalusugan ni Ion, since naka-note doon sa x-ray result na "Consider Bronchopneumonia". Huwag naman sana... Agosto 7, 2015 Pumasok na kami ni Zillion sa school kaya lang ayaw niyang pumasok sa klase. Nag-stay lang siya sa classroom ko. Nagturo din ako sa advisory class ko. Di na ako nakipagalitan dahil may oath-taking kaming mga GPTA officers. Alas-Diyes ay nasa City Hall na kami. Antagala pang naming naghintay doon. Pero, sulit naman dahil nagbigay ng P4,500 si Mayor para sa lunch namin. Naglunch kami sa Jollibee. Ang saya! Nakabonding ko ang mga parents/officers for the first time. It's another experience. Past 1:00 na kami nakabalik sa school. Past 2 PM, pumunta kami ni Ion sa clinic ni Dr. Bautista para sa xray result. May bronchopneumonia nga si Zillion. Dinagdagan nga ng isang araw ang pag-inom ng mga gamot. Nalungkot ako kasi sa murang edad niya ay naranasan niyang uminom ng mga gamot na ganun. Bumiyahe agad kami papunta sa Bautista. Pasado alas-6 na kami nakarating. Si Flor naman ay dumating bandang-alas otso. Kasama niya ang dalawa kong anak at si Shimi. Ngayon lang nabuo ang magpipinsan o ang apo ni Mama. Para na itong gift para sa birthday niya. Agosto 8, 2015 Ang gulo at ang ingay ng kabahayan. Halos kompleto kasi ang mga apo ni Mama. Si Kurt lang ang wala. Ang hirap pala. Di bale hindi naman ito lagi-lagi. Ngayon lang ang handaan ni Mama. Alas-kuwatro na ng hapon namin nakain ang mga handa na niluto ni Jano sa kanilang bahay. Dapat sana ay doon kami kaya lang nahihirapan si Mama na pumaroo't parito lalo na wala nahihilo siya ng kaunti. Mas gusto ko nga rin na dito na lang kami. Mas naka-bonding ko kasi sina Hanna at Zildjian. Sa kabila ng mga ingay ng mga bata, nakagawa ako ng kung ano-ano sa aking laptop, gaya ng profile ko. Agosto 9, 2015 Parang birthday pa rin ni Mama. Maingay. Maraming pagkain. Napagod tuloy siya sa kakahugas ng mga baso at pinggan. Susunod daw ay sa labas na lang kumain para di nakakapagod. Iyon naman talaga ang gusto ko. Mas gusto lang ni Jano na magluto at maghanda sa bahay. Mas nae-enjoy niya yata ang ganun. Naging masaya naman ako't nakasama ko ang tatlo kong anak. Dumaan man kami sa masalimuot na buhay, unti-unti ko namang nakikita ang pagbabago tungo sa magandang bukas. Ramdam ko na nagiging malapit na si Zildjian sa akin. Konting panahon pa, nagugustuhan na niya rin ang lagi akong kasama. Nakikitawa na nga rin siya kapag nagpapatawa ako. Kung kami-kami lang sana, mas makakausap ko sila ng masinsinan at makakasalamuha ng matagal. Alas-sais, bumiyahe na kami ni Zillion pauwi sa Pasay. Alas-nuwebe naman kami nakarating sa boarding house. Mabuti na lang at hindi masyadong malakas ang ulan. Agosto 10, 2015 Naiinis akong magturo. Wala nang gana ang mga estudyante. Akala nila, sila lang. Wala na rin kaya ako sa wisyo. Nakakatamad silang tingnan, lalo na ang Section Earth. Mga bastos. Ilang beses ko nang pinagsabihan na ayokong may nakapikit habang ako ay nagdi-discuss, pero paulit-ulit nilang ginagawa. Kaya naman, kanina, nagalit na ako. Nag-quit akong magturo. Lugi sila. Hayahay ako. Hanggang di sila magbago, hindi ako magtuturo sa kanila. Maaga akong nag-timeout para makabili ako ng gamot ni Ion. Naubusan siya. Sa Bautista Clinic pa kami nakabili. Wala kasi sa Generika. Then, pumunta na kami sa hideout. Nauna pa kami sa tatlo. Mabuti, mabilis lang sila. Nakatext ko pa si Emily. Nabigyan ko pa siya ng mga magagandang balita tungkol sa amin ni Zillion. Sana makatulong sa kanya upang maging matatag siya sa pagsubok sa kanya doon. Sa hideout, nagkuwentuhan at nagtawanan lang kami. Nagpatulong din si Sir Erwin na gawin ko ang Intro, Review of Related Literature at Methodology ng thesis niya. Ginawa ko naman agad. Kaso, inagaw naman ni Zillion ang laptop. Nanuod siya ng youtube videos. Pinagpatuloy ko na lang sa boarding house. Hindi ko nga lang natapos dahil antok na rin ako. Agosto 11, 2015 Ayaw ni Zillion pumasok. Sa classroom ko na lang daw siya mag-stay. Nang tinanong ko siya kung bakit, ang sagot niya ay napagapatawa ako sa akin. Dahil daw pinapakain siya ng mga teachers (Kinder). Hindi ako pumayag sa gusto niya, siyempre. Wala akong drive magturo. Nagpa-quiz na lang ako. Wala rin kasi si Sir Rey dahil patay ang kanyang ama. Nasa akin ang iba niyang pupils. Instead, nag-train ako ng pupils ko na kasali sa jouralism. mabuti naman dahil wala na palang klase dahil sa tatlong araw na walang tulo ang mga gripo. Walang tubig. Walang pamapaligo ang mga guro at estudyante. Ang hirap pala talaga pag walang tubig. Malagkit. Not to mention kapag may tawag ng kalikasan. Agosto 12, 2015 Naisip ko na pumunta sa hideout para makiligo dahil akala ko ay wala pa ring tulo ang gripo. Meron na pala. Mabuti na lang di kami pumunta ni Zillion. Nagawa ko tuloy ang Chapter 1-3 ng thesis proposal ni Sir Erwin. Maghapon kong ginawa iyon. Sana magustuhan niya. Ngayong araw natapos ang pag-inom ni Zillion ng mga gamot niya sa pneumonia. Thanks God dahil effective ang mga iyon. Sana ay hindi na maulit. Kahit paano ay gastos din. Bukas ay may pasok na. Agosto 13, 2015 Naistorbo na naman ang tulog ko bandang alas-dos y medya ng umaga dahil sa away ng mag-inang boarders sa kabilang kuwarto. Madalas nilang gawin iyon. Kanina na siguro ang pinakamaingay at pinakamatagal nilang pagtatalo. Nakakaasar! Murahan sila nang murahan. Naglalabasan ang mga baho nila. May magandang dulot naman sila sa akin dahil naisulat ko noong isang araw ang pangyayari. nakagawa ako ng flash fiction na kung saan nagpakamatay sa banyo ang nanay pagkatapos nilang mag-away. He he. Akala ko nga kanina ay magkakaroon ng saksakan. May naririnig akong 'Papatayin kita!". Grabe! Tindi nilang mag-away. Addict aksi ang ina. Puta naman ang anak. Bitter ang anak dahil hinayaan siya ng ina na magkaganun. Tapos ang perang kinikita niya na para sa upa ay ginagamit ng ina para makabili ng shabu. Nagturo muna ako ng Math. Tapos, nagpa-activity sa English saka ako nag-train ng journalists. Sinabihan din ako ni Mam Sheila na ako na raw ang bahala sa doxology para sa Investiture sa August 20. Kaya, after recess ay nagtuturo na ako. Maghapon. Nabuo agad although di pa masyadong pulido. Nakikita ko na ang pagiging magana ni Zillion. Parang malaki yata ang impact ng naging dialogue namin dati. Gusto raw kasi niyang maging sundalo. Ang sabi ko naman ay hindi siya pwede dahil dapat malaki ang katawan niya. Kaya naman, kumakain na siya ng marami at ng gulay para raw maging sundalo siya. Madalas nga siyang magsabi na nagugutom siya. Nice effect! Agosto 14, 2015 Pagkatapos ng klase, nag-inquire ako sa BDO kung paano ang checking account. Mahigpit sila. kailangang may savings account na may P30K outstanding balance. At para maging checking account, kailangang naka-6 months. Disappointed ako. Kaya, tinext ko ang agent ko. Tinawagan niya ako. Ayun, nalinawan ko. Ni-refer ako sa PNB-Taft Branch. Kaya lang, di na muna ngayon. Baka sa sembreak na lang. O kaya ay maghahanap ako ng ibang bank na tatanggap ng application ko. Bakit kasi kailangang checking account pa ang ibabayad sa Pag-ibig? Bakit di na lang cash? Agosto 15, 2015 Nakatulog kami n Zillion ng mahaba-haba. Ayaw ko pa sanang bumangon, si Ion naman ay ayaw naman matulog uli. Gusto na niyang mag-almusal. Bumangon na rin ako. Naglaba ako. Ayaw ko nang magpa-laundry. Dagdag-gastos lang. Isa pa, hindi naman ako masyadong busy. Kaya nga, pumayag na ako na bumisita si Sir Randy sa boarding house namin. Pasado alas-una y medya na siya dumating. Kasagsagan pa naman ng init. Naranasan niya tuloy ang matinding alinsangan sa kuwarto namin. Gayunpaman, napagtiyagaan namin. Marami rin akming napagkuwentuhan. Andami kong gustong isulat. Di lang kaya ng panahon. Di bale, di naman ako nagmamadali. Pasasaan ba't makakapagpalimbag din ako ng mga akda ko. Easyhan ko lang. Agosto 16, 2015 Alas-8 y medya na kami bumangon ni Zillion. Ang sarap matulog! Sulit ang weekends. Kaya lang, sobrang init ng panahon. Hindi naman ako nakatulog sa hapon. Ayos lang dahil nakapagsulat ako ng mga articles. Marami. Nasimulan ko na rin ang bagong wattpad book ko na Pornology. Inabot kami ng hatinggabi bago nakatulog. Ang sarap magpuyat. Kung hindi lang Lunes, bukas. Agosto 17, 2015 Nakakaasar ang pagtunog ng alarm. Kung kailan ang srap matulog, saka naman nangbulahaw. Pero, wala akong nagawa kundi bumangon at maghanda. Napuyat ako sa mga panaginip ko na parang totoo. Hindi ko matandaan ang iba. Adventure. Isa naman, si Mam Elsa. Niyakap ko siya nang makita kong magaling na at naggo-glow pa siya. Iyak ako nang iyak habang niyayakap ko siya na parang bata. Birthday niya pala kahapon. Di ko nabati. Nag-review ako sa Section Mars at Mercury. Nakakatamad na. Palibhasa, periodic test na bukas. Nakapag-train din ako ng cartooning at science reporting. Nainis ako kay Mhel. Nag-chat ba naman sa akin kaninang umaga. humihingi ng tulong. Hindi pa nga nila nabayaran ang P1500 na hiniram nila. Nakakahiya naman sa kanya dahil pinaglo-loan niya ako sa GSIS para mapagbigyan ko siya. Sinabi kong ang suweldo ko ay para sa panghulog sa bahay ko. priority ko iyon. Humirit pa. May kilala daw ba akong nagpapautang. Sabi ko, wala. Imbes na siya ang tumulong kay Emily o sa amin, dahil siya ang nasa Dubai, siya pa ngayon ang nagigipit. Ano bang nangyayari sa kanya? Ang nakakainis pa, pag-aralin ko raw siya ng education units para makapagturo siya. Walang Joe naman! Tsk tsk. Agosto 18, 2015 Unang araw ng first periodic test. Hinigpitan namin ang mga bata. Pinaghiwa-hiwalay ang mga upuan. Dapat pa nga sana ay magpapalitan kami pero di na namin ginawa. So far, okay naman. Mahirap pa rin kasi kahit exam na, may nagpapasaway pa rin. Kaya kailangang diskartehan para ma-minimize. Eleven-thirty nang pinauwi namin ang mga bata. Kami naman ay sinulit ang 2:30. Nagkuwentuhan lang kaming apat. Wala si Sir Rey. Umidlip ako pagdating namin sa boarding house. At past 4, household chores at 'onlining' ang hinarap ko. Nakapag-post ako ng mga articles ng V-Mars at ang kanilang picture, with my tula in there. Agosto 19, 2015 Second day ng test. Hindi na ganun kahirap i-handle ang mga bata. Hinigpitan ko kasi ng husto. Dumating na rin si Sir Rey. Hindi na kami nag-practice ng doxology dahil hindi naman tuloy ang Investiture bukas. Sa August 27 na raw. Mabuti naman para makapagpahinga kami ni Zillion, lalo na't bibiyahe kami papuntang Lucena para sa kasal ni Ging. Alas-onse y medya, nakipag-meeting ako sa co-officers ko sa GPTA. Pinag-usapan namin ang gaganaping Clean Up Drive bukas ng alas-8 ng umaga. Kaninang umaga, nagtext si Emily. Sab niya, sabihin ko kay Mareng Cecil niya na magpapaalam na siya sa amo niya bukas. Susunduin siya ni Mhel at kaibigan niya. Kailangan namin siyang bayaran ng (SR 9,000). Sana makaalis na siya doon. Agosto 20, 2015 Napuyat ako kagabi dahil sa tawag ni Emily. Umiiyak siya. Nahihirapan na raw siya talaga. Binigay niya ang cellphone number ng agency niya para malaman nila ang kalagayan niya. Siguro mga alas-tres na nag madaling araw nang ako ay makatulog. Ang bigat ng pakiramdam ko pero nang magsimula ang Clean Up Drive at nang makita ko ang mga co-officers ko at ibang parents na naglilinis na, tumulon na rin ako. Hinarap ko ang pagla-landscapesa ilalim ng mangga, na dati ko ring ni-landscape. Tinulungan ako ng kasamahan ko sa GPTA. Hilig niya rin pala ang landsacping. kaya napabilis ang trabaho. Siya ang nag-design. Ako naman ang nagbaba ng mga halaman mula sa garden ko. Nagustuhan iyon ni Mam D. Kahit di niya direktang sinabi, alam ko na natuwa siya sa effort at initiative ko. Na-inspire din tuloy akong ayusin ang garden ko sa taas. Tinapos ko iyon bago mag-uwian. Since, nagpa-test si Mam Joyce sa klase ko. After klase, umidlip ako sa Guidance' Office. Itinuloy ko iyon sa boarding house, pag-uwi namin. Naistorbo uli ito sa tawag ni Emily. Umiiyak na naman siyang tumawag para sabihing minanyk na siya talaga ng amo niya. Kailangan ko na talagang tawagan ang agency. Tulog si Ion kay di ako makapagpa-load sa labas. Hinintay ko pa siyang magising. Si Nanay Mila naman ay tumawag rin sa akin. Aniya, tumawag na siya sa agency. I-follow up ko na lang daw. Nang tinawagan ko naman ang agency, bandang alas-8:30, gumagawa na raw sila ng paraan. ino-notify na lang daw nila kami. Salamat naman kung ganun. Sana mauwi na lang si Emily para makalipat siya sa Dubai. Agosto 22, 2015 Dapat ay papunta kami sa Lucena ngayon para sa kasal ni Ging. Kaya lang, naisip ko na hindi na lang. Bukod sa dagdag-gastos at pagod, kailangan ko rin palang mapag-isa para makapag-isip ko ng magandang solusyon sa problema ni Emily. Sana maunawaan ako ng bride kapag ikinuwento sa kanila ni Gie na siyang sinabihan ko noong Friday. Naghintay ako ng notice o balita galing sa agency ni Emily. Walang nagtext sa akin maghapon. Tinext ko na lang sila bandang alas-nuwebe ng gabi. Umaasa akong may magandang resulta ang complain namin ni Nanay Mila. Nagreply naman agad si Ms. Bacay. Sabi niya'y naitawag na niya sa agency. Pinababalik na niya sa agency. At babalitaan niya agad ako bukas o kaya sa Lunes. Nakahinga ako nang maluwag at dinalaw na ng antok. Agosto 23, 2015 Ang haba ng tulog namin ni Zillion. Ang sarap pa magbabad sa higaan. Sulit nag loong weekend. Kung wala lang akong mga gawaing-bahay at paaralan, natulog lang ako maghapon. Ngayon ang kasal ni Ging. Nag-PM ako sa kanya. Binati ko siya at nag-sorry ako sa di ko pagdalo. Sana maunawaan niya ako. Nag-chat pala kami ni Sir Erwin kagabi. Binigay ko na sa kanya ang Chapter 1-3 ng kanyang research. Nagusthan niya. Pasalamat siya nang pasalamat. Ang galing ko raw. Ang dasal ko ay sana ma-aprubahan ng professor niya para maging study niya na talaga. Tapos, kanina, nag-chat uli kami. Ang kasal ni Donya Ineng ang topic namin. Tuloy na tuloy na ang pagdalo namin dahil may sasakyan na kami-- ang van ng mag-asawang Guillermo. Agosto 24, 2015 Maaga kaming nakapasok sa school. Nabayaran ko pa si Mang Bernie sa kanyang pag-ayos at paglinis ng aming orbit fan. Nakatipid tuloy kami. Bibili sana kami. Mabuti na lang P600 lang ang nalikom ko. May tira pang P400. Alas-otso, nagsimula na ang unang araw ng collab training. Nagturo muna ako sa klase ko ng subtraction of fractions bago ako tuluyang bumaba. Ang bilis ng mga oras kanina, natapos agad ang training. Wala pa kaming na-print. Absent pa si Jannah Rose. Mabuti na lang si Martiney at Katherine ay nakapasa agad. Hindi sila ang nakapagpa-delay ng output. Isang oras bago matapos ang training, na-train ko pa si Veronica. Tapos, itinuloy namin sa Kinder room ang pagsasanay. Kaya lang, medyo marami pa siyang kakaining bigas para mamaster ang science reporting. Hindi niya makuha ang gusto ko. Bahala na! Four-thirty na kami nakauwi ni Ion. Nag-aalburuto na kasi siya. Hindi pa uminit ang higaan, naalala kong dapat ko palang bayaran ang internet bill ko. Kaya, umalis kami ni Ion. Pagod na pagod at antok na antok ako pagdating namin. Wala ako sa mood magsulat. Mabuti na lang di ko pa kailangang maghanda ng lesson plan. Hanggang Friday kasi ang training namin. Dumating na si Epr. Bukas sa JRES kami. Nagkaroon ng changes. Dapat sana ay sa GES lang kami buong week. Okay lang naman sa akin. At least naipakita ko sa kanila na kaya kong magsakripisyo para sa grupo. Wala pa ring balita tungkol sa complain ko sa amo ni Emily. Tinext ko ang agency. Di pa nag-reply. Nakakalungkot. Nalungkot din ako nang sabihin ni Sir Erwin na rejected ang title at Chapter 1 to 3 ng study niya, na ginawa ko. Sayang ang effort at time na ginugol ko doon. Pero di bale, baka magamit ko rin iyon pagdating ng araw. Agosto 25, 2015 Second day ng collaborative publishing training. Sa JRES kami. Nagkaroon pa ng issue. Ayaw ni Sir Gali na sa Gotamco kami. Ayaw din niya na mag-stay si Mam Jann sa training dahil pang-umaga raw siya. Nainis ako dahil akala nila, nagpa-importante ako. Mabuti nalinaw ko na kaya sa Gotamco kami dapat ay dahil iyon ang kondisyon ko. Pumayag naman silang lahat na magti-train ako kapag sa Gotamco ang training. Mabuti naliwanagan si Sir Gali. Nalaman niya rin na ginive-up ko ang SPA dahil inalis sa akin ang Filipino coordinartorship. Sabi niya, "Grabe ka naman! Huwag ganun!" Anong magagawa niya? Ganun ako e. Muntik na akong mawalan ng ganang maging bahagi ng team. Mabuti na lang willing sumuporta ang principal ng PVES. Maya-maya, may meryenda na. Sa lunch naman, hinainan kami ng sinigang na pink salmon at pork adobo. Sarap! Nakapag-print na kami ng output. Natuwa kaming lahat. Bukas, malamang ay magiging masigasig na ang mga trainees. Pagkatapos ng training, dumiretso pa ako sa Gotamco. Nag-practice ng doxology at nag-train kay Jessica-- ang science writer ko. Past 4 na kami nakauwi ni Zillon. Pagod na pagod ako. Si Zillion naman ay nakatulog maya-maya. Nagpractice din daw sila ng sayaw kanina. Thanks, God! Marami akong na-accomplish. Agosto 26, 2015 Ikatlong araw ng collaborative training. Napractice ko ang doxologists para sa hapon ay hindi na ako magsasanay sa kanila. Naisama ko pa sina Veronica at Jessica sa JRES. Nagkaproblema na naman sa training namin. May problema na naman sa principal ng JRES. May hidden agenda talaga sila sa amin dahil pati mga bata ay ayaw nilang paakyatin. Gusto niya ay hapon sila umakyat. Absent din si Mam Jann dahil kahapon pa ay masama na ang katawan niya. Idagdag pa ang stress kay Sir Gali. Kaya ko naman sana i-handle ang mga bata. nagkaproblema lang sa technical. Na-delay ang paggawa dahil ayaw mag-save ng mga USB sa laptop ko. Ayaw ma-open. Lalo naman akong nainis nang kausapin ako ni Mam Fatima Fajardo tungkol sa pinag-usapan nila ni Sir Tirso. Pinagtagpi-tagpi ko ang mga pangyayari. Kagagawan ito ng GES principal dahil wala naman magsasabi kay Sir Gali ng aking mga post bilang si Makata O kundi siya lang. Paano niya matatanong si Mam Fam na "Kilala mo ba siya personally? Nababasa mo ba ang mga posts niya?" Grabe! Apektado pala talaga sila sa posts ko. Kung di sila natatamaan, di sila mabubukulan. Natutuwa ako, sa kabilang banda. Isa lang kasi akong mailit na bato sa dalampasigan, pero ako pa ang kanilang napansin. Kaya pala ayaw nilang matuloy ang training sa Gotamco. Grabe.. Iba sila... Dinalaw kami ni Sir Erwin sa JRES. Nalaman tuloy niya ang mga nangyari. Sumama na rin siya hanggang sa GES. Natutuwa rin ako sa mga payo niya, plus ang mga good words ni Mam Loida. Somehow, lumakas ang loob kong lumaban. Pag-uwi ko, nag-post ako nga tula, quotes at sanaysay. I hope nababasa ng mga kalaban kong mga talangka. Agosto 27, 2015 Napractice ko pa ang mga doxologists. Tapos, nakapag-picture taking pa kami lahat-lahat hindi naman agad nagsimula ang investiture. Nainip ako. Pero nung nagsimula naman, okay naman. Natuwa ako sa performance ng mga pupils ko. Hindi man perfect, applauded naman. Bago kami pumunta sa Jose Rizal, hinintay muna naming matapos ang investiture ng Kid Scouts. Kasama doon si Zillion. Isinama ko siya since magkakaroon ng Kid Palaro. Baka di maasikaso ni Mam Joann o baka masobrahan sa pagod at pawis. Pagdating naman sa JRES, malikot naman masyado siya. mabilis niya kasing nakasundo ang mga trainees namin. Ayos lang naman. Nagawa pa rin anman nila ang trabaho nila. Natutuwa at natatawa ako sa kinuwento ni Mam Loida tungkol sa reaction ng isang co-teacher namin sa mga posts ko kagabi. Grabe, binigyan niya ng meaning. E, di mas okay. Ang saya rin namin nang mag-lunch kami sa PVES. Nakasalamuha namin si Sir Erwin. Nagtawanan at nagkuwentuhan kaming tatlo. Nung pasado alas-dos naman ay nag-selfie rin kami, kasama si Sir Archie.. Ang kukulit namin. Alas-tres na yata kami natapos. Hinintay pa namin ang broadcasters. Then, nagpasama kami kay Marian sa bahay ni Jannah Rose. Kinausap namin siya at ang nanay niya. Pinakiusapan namin sila na pumasok na bukas kasi sayang ang opportunity. Pumayag naman. Agosto 28, 2015 Last day ng collab training. Halos sinolo ko ang paggabay sa mga bata. Naging masunurin naman sila. Ang bilis lang ng oras. Hindi kami nakapag-print, lalo na't ipnatigil na ni Mam Jann. Okay lang sa kanya. Natutuwa siya dahil kahit paano ay may edge na kami sa mga kalaban namin, ayon sa kanyang source. Ang problema ko na lang ay ang individual. Mahina si Veronica sa science reporting. Hindi pa rin talaga niya makuha ang gusto ko. Si Jessica, mas okay-okay. Si Marian, na trainee ni Mam Joan V, namali rin ng pagkakaunawa sa balita. Mali tuloy ang sinulat niyang editoryal. Maghapon pa naman niya iyon ginawa. Si Jannah Rose ay hindi rin nakapagpasa. Tsk tsk. Bhala na. Alam ko mananalo kami. Alas-tres na kami nakarating sa school. Naabutan pa namin ang meeting. Alas-kuwatro y medya na kami nakauwi ni Zillion. Pareho kaming pagod na pagod at antok na antok. Hindi na naman siya nakakain ng hapunan dahil nakatulog bandang alas-singko. Wala pa rin si Epr. Hindi tuloy ako makalabas para bumili ng pagkain. Mabuti ay may tira akong prito sa ref. Iyon na lang ang inulam ko. Nag-cereal pa ako. Okay na yun. Agosto 29, 2015 Alas-diyes ay nasa Quezon City Circle na kami ni Zillion para makita ang Orchid Show ng Philippine Orchid Show. Matagal ko itong inabangan. Dati si Emily ang kasama ko, ngayon ang anak na namin. Game na game siyang mag-pose at piktyuran ako. Ang husay niya ring kumuha. Almost perfect. Naenjoy ko ang mga orchids, landscapes at mga halaman. Nakakainggit ang mga iba't ibang vareity ng pananim na ibinibenta sa mga stall. Hindi man lang ako nakabili. Di bale, gawin ko na lang inspirasyon para sa aking future plan. Pasasaan ba't magkakaroon din ako ng bahay na may ganung mga halaman. Pasado ala-una, umuwi na kami ni Zillion. Pagod pero masaya. Gabi, nag-chat si Sir Erwin. Humingi uli siya ng tulong para sa bagong title ng study niya. Sinimulan ko naman agad. Pampaantok. Agosto 30, 2015 Pagkatapos naming mag-almusal ni Ion, inantok ako. Sinubukan kong pumikit at makatulog, pero hindi iyon nangyari. Maingay si Ion. Tapos, kinagat pa ako ng blood sucker kaya nangati ako nang husto at nagkaroon ng malalaki at malilit na mga pantal sa buong katawan. Buwisit! Ilang beses na akong nakakagat ng blood sucker. Dalawang beses sa Banawe, kung saan nagtrabaho ako. Baka nga iyong dalawang beses kong pangangati na akala ko ay gawa ng seafood na kinain ko ay gawa rin ng insektong 'yun. Masarap siguro ang dugo ko. Nawala din ang pangangati pagkalipas ng higit dalawang oras pero masakit pa rin ang bahaging kinagat niya. Tatlong beses akong kinagat. Mabuti na lang ako ang kinagat, hindi si Zillion. Nahuli ko naman kaso the damage has done. Alas-tres y medya, dumating uli si Epr. Nag-empake lang siya tapos umalis na naman. Grabe! Ang bilis niya. Ni hindi niya nasulit ang P2000 na binigay niyang share sa upa. Sabi ko nga, next na lang siya magbigay. Ayaw naman. Alas-singko, nag-grocery kami ni Ion. Mabuti na lang di kami inabutan ng ulan. Agosto 31, 2015 Nagchat ang nanay ng estudyante ko na si Wranz. May dengue raw ang anak niya. Naawa ako. At the same time, natakot na baka ang classroom namin ang masisi sa pagkakaroon niya ng sakit na ganito. Kaya naman, itinuloy ko ang plano kong pumunta sa school para maglinis doon. Matagal konang gustong ayusin ang silid-aralan ko. Ngayon ko lang mahaharap. Nagawa ko ring i-record ang mga test results habang nagpapahinga. Natapos ko iyon bandang ala-una ng hapon, from 9 AM. Sana walang magsabing ang classroom ko ang pinagmulan ng lamok na kumagat kay Klyde. Marami akong abubot at gamit, pero masasabi kong walang dengue doon. Masama na naman ang ubo ni Zillion. Naawa ako sa kanyang paghinga. Nakakainis din kasi ayaw niyang tumigil sa paglikot. Panay ang laro. panay rin tuloy ang pagpawis niya. Ang tigas kasi ng ulo. Bukas na pala ang laban ng collaborative publishing. Nalaman ko kay Mam Loida na hindi pala pinayagn si Mam Jann ng kanyang principal na si Sir Gali. Grabe! Ibang klase siya. Patuloy ko ring ginagawa ang Chapter 1-3 ng study ni Sir Erwin. Nabalahaw nga ang pagsusulat ko sa wattpad. Di bale, marami pa namang panahon. Ang nais ko lang ay matulungan siya.

Buwaya sa Gobyerno

Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...