Sobrang busy sa school kahapon. Hindi kami nakapag-uspa ng sarilinan ni Riz. Andami kasing dapat pag-aralan. Hindi pala biro ang pagkokolehiyo. Kahapon ko lamang na na-realize na hindi ito basta-basta. Kinailangan naming magseryoso. Nagalit kasi ang isa naming professor dahil hindi kami nagpa-participate sa reporting. Reading at listening na lang daw ang nangyayari. Wala na raw interaction. Tama naman siya. Aminado naman akong wala ako sa sarili ko madalas. Kapag katabi ko kasi si Riz ay hindi na gumagana ang kukote ko para sa mga lesson. Puro na lang sa kanya.
Hindi man aminin ni Riz, inilayo niya rin sa akin ang sarili niya para makinig at mag-participate sa discussion. Pinatahimik niya pa nga ako sa pamamagitan ng pagpatong niya ng daliri sa kanyang mga labi.
"Iba-iba talaga ang professor..." sabi ko paglabas namin.
"Oo nga. Kaya nga kailangan nating magseryoso. Baka next time tayo na mismo ang pagalitan niya.."
Kanina naman, sinikap naming maging attentive sa lahat ng propesor. Naging aktibo kami ni Riz. Nagsulat na rin kami ng mga lecture. Kailangan, e. Kailangang balansehin ang pag-aaral at pag-ibig. Kampante naman akong magiging kami ni Riz. Hindi ako nagmamadali. Nakita ko naman sa kanya ang saya--- sa kislap ng kanyang mga mata at lutong ng kanyang mga tawa. Idagdag pa ang nakakabighani niyang ngiti.
Siyempre, hindi ko pinalampas ang araw na hindi ko siya matugtugan ng mga awitin ko. Kapag may time ako, muli akong magsusulat ng kanta para sa kanya... habang inspired ako.
No comments:
Post a Comment